Chapter 21
Orange
"Kumusta si Reena?"
Rael's eyes widened when he saw me outside the hospital room that Reena was occupying. It was almost twelve midnight and he must have thought that I went home already after Tita Danna arrived three hours ago. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bench at maingat niya namang isinara ang pinto nang hindi inaalis sa akin ang mga mata.
"She's fine now... bumaba na ang lagnat niya." He uttered in a slow manner. It was so obvious that he was still processing the fact that I am still here, waiting.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. "Mabuti naman kung gano'n..."
He licked his lips. He looked weary. Mas lumapit siya sa akin at kaagad na naupo sa bench. I turned to him and watched him settle down first. He must have been so stressed earlier.
Mabagal siyang nag-angat ng tingin. "Bakit hindi ka pa umuuwi? Anong oras na oh... Baka nag-aalala na sa'yo mga kasama mo sa bahay—"
"I already contacted them. Don't worry." I said in a cheerful tone before I sat beside him. His head immediately moved to face me, waiting for more words. I smirked and tapped his shoulder. "At okay lang naman na magpuyat ako ngayon. Sabado naman bukas. Walang pasok."
Tumango siya sa naging sagot ko. He then leaned in on the wall behind and closed his eyes. He looked so damn tired. Samantalang busog na busog naman ako sa natatanaw. From his slightly furrowed brows, long lashes, finely sculpted nose, plump lips, and prominent adams apple. I would stay up all night and never get sleepy if this is my view 'til morning.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko nang mapagtantong baka hindi pa. Hindi siya sumagot na nagpalakas lang sa hinala ko. I sighed before I slowly got up. Napadilat siya ng tingin, nagtataka sa biglaang pagtayo ko.
Kinusot niya ang mata niya. "Where are you going?"
I tilted my head. Kung sa ibang pagkakataon lang ay baka naasar ko na siya. Kasi bakit siya nagtatanong? Ayaw niya ba akong umalis?
I wanted to smirk so bad but I stopped myself.
Ano 'yan Rael? Miss mo 'ko kaagad?
"I'll buy you dinner. What do you want?" Masuyong tanong ko. Nakakahabag naman kasi ang tutor ko na 'to. Anong oras na pero hindi pa pala nakakain ng hapunan? Paano kung mangayayat siya? Eh di mababawasan niyan kagwapuhan niya?
Hindi yata pwedi 'yon...
Tumayo siya. "Sasama ako..."
Kung nagulat man ako, mabilis lang 'yon.
"Alright,"
Nauna siyang naglakad at nakasunod naman ako. I just noticed now that he was still on his pair of dark blue pajamas. Samantalang naka uniporme pa naman ako. My white polo was unbuttoned from top to bottom showing my black shirt and dogtag underneath.
So far from being a model student like him huh?
Napangisi nalang ako.
Gusto niyang bumalik kaagad ng hospital kaya nagdrive thru lang kami sa isang kilalang fast food. Now we're back in the hospital's parking lot, still inside the car. He's peacefully eating his food while I was just existing. Admiring even the way he eats.
Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis siyang kinunan ng litrato. I chuckled when the flash attacked his face. Nakalimutan kong naka-on pala iyon. Nahuli niya tuloy ako at sinubukan pang agawin ang cellphone ko para siguro burahin ang picture niya.
"Huwag ka ngang malikot! Just eat, alright?" Kunwari'y angal ko kahit ang totoo ay natutuwa ako sa biglaang paglapit niya. Mabilis kong itinago ang cellphone ko nang huminahon siya at umatras.
"Para saan 'yon?" Reklamo niya pero nagpatuloy na rin sa pagkain.
"Documentation purposes..." I answered playfully.
He leered at me. "Delete that..."
Umiling ako. "Ayoko nga."
Sinamaan niya ako ng tingin. I smiled more. So pleased that he's returning to his usual self now. Hindi 'yong sobrang tahimik at halos tulirong bersyon niya kanina nang isugod namin si Reena. Hindi ako sanay sa ganoon. Ayoko ng gano'n.
Watching him in that state is very dispiriting. Sa puntong hindi ko nagawang umuwi at iwan sila kahit na dumating na si Tita Danna.
"Salamat pala sa tulong mo..." He suddenly said out of nowhere. Napaayos ako ng upo at pinagmasdan siya lalo. His gaze dropped to his lap, where his food is. He paused for a second before he continued. "Kung hindi mo sinagot ang tawag baka—"
I shook my head, stopping him. "Sasagutin ko. Basta ikaw. Palagi." Siguradong pahayag ko.
His forlorn eyes went to me. I smiled to encourage him. Mapait siyang ngumiti habang tinatanaw ako. He watched me for a long moment that I almost forgot how to breathe. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero sa huli, itinikom niya rin iyon. It was as if he wanted to tell me something important but decided to hold back last minute.
"What is it?" Singil ko.
Umiling siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. "Wala."
Wala?
Bakit pakiramdam ko meron?
"Is there a problem? Anong sabi sa'yo ng doktor?" Tanong ko, bahagyang nag-aalala na naman.
He smiled a bit. "Wala talaga, Benj." Pagtanggi niya pa.
Napaismid ako. Siguro... nahihiya lang 'to.
Para namang others.
Humalukipkip ako at hindi siya nilubayan ng tingin. Samantalang nagpatuloy naman siya sa mabagal niyang pagkain. I wanted to insist more and ask him about it but I also don't want to disturb him while he's eating. Kaya hinayaan ko na muna.
At nang matapos siya ay saka ako nagpatuloy.
"Just spill it already. Makikinig naman ako. I can be your friend today..." I said coolly even though I don't like the word friend anymore. Simula nang mapagtanto ko ang nararamdaman ko para sa kanya, ayaw ko na sa salitang iyon. Pero kung 'yon ang kailangan niya ngayon, isang kaibigan na makikinig, handa naman ako.
I may not be good with words, but I can assure him that I'm very good at listening.
"No thanks..." He chuckled.
My brows furrowed at that.
Sumandal siya sa backseat at prente akong nilingon. "I don't want you to be my friend, Benj." Sambit niya sa seryoso at halos malamig na paraan. "Like what I said to you before, I have enough already. So, thank you but I can't accept your friendship."
My tongue poked the inside of my cheek.
Of course, his words sting a bit. But I don't want him to be my friend, either. So it's just a tie, I guess?
Napailing ako.
Hindi rin.
Ayaw niya akong maging kaibigan kasi kuntento na siya sa mga kaibigan niyang si Greg. Samantalang ayaw ko siyang maging kaibigan kasi may gusto ako sa kanya. So, it's not the same for me at all.
"Ayaw mo ba sa gwapong friend?" Biro ko pa rin.
He only sneered at me. Nagtaas ako ng kilay dahil hindi siya nakasagot. Nagsimula na siyang magkalas ng seatbelt niya, balak na sigurong bumalik sa loob ng hospital.
Eh gwapong boyfriend kaya Rael? Baka pwedi?
"Babalik sa ako sa loob. Huwag ka nang sumama. Umuwi ka na at nang makapagpahinga ka. Salamat sa tulong... at sa pagkain..." He said rushly without looking at me.
I smiled, my heart fluttering in euphoria.
Ganito pala talaga kapag gustong-gusto mo ang isang tao. Lahat bibigyan mo ng kahulugan. Kahit maliit na bagay lang pero para sa'yo sobrang espesyal na.
"Drive safely. Text me when you get home." Habilin niya pa at hinarap na ako ngayon. He looked cold, strict, and borderline annoyed for something I didn't know.
I pursed my lips. "Text lang? Hindi tawag?" Subok ko.
He sighed sharply. Akala ko tatanggi siya pero... "Fine. Call me."
Namilog ang mga mata ko sa gulat... at syempre, sa tuwa.
"Talaga? Sasagutin mo? Hindi ka pa matutulog?"
His gaze lingered on me longer than usual. I stared back confidently despite the fast racing of my heart. At baka nalang maisip niya na pwedi namang ako nalang at hindi na 'yong gusto niya.
Damn, I will treat him better. I just need a chance.
Just one chance, love.
I swallowed hard.
"It's okay if you want to rest already. I can settle with just messaging you." Napapaos na sambit ko. "Ayos lang naman, Rael."
His eyes slowly softened before he looked away and brushed his hair with his fingers backwards. I watched how his soft hair landed back in its place again, looking a bit disheveled now. "I'll do that after our call."
Again, I was surprised.
"Are you fine with that?" I asked just to make sure.
Kasi ako, gustong-gusto ko. I don't think I could get enough of him. I like him so much I think I might get crazy anytime. Ni hindi pa nga ako sigurado kung may pag-asa ako sa kanya kahit katiting. Mukhang sa kangkungan talaga ako nito pupulutin kapag hindi nakiayon ang langit.
"I'd want that." he replied.
I nodded solemnly. Very satisfied with his answer.
Lord, kung hindi mo pa po alam kung sino ang ibibigay sa akin, may kilala po ako. Azrael Juancho Villarin ang buong pangalan. Matalino, mabait na kuya at mabuting anak. STEM student. Mestizo. Parang anghel na bumaba sa langit ang mukha. Magaling magpinta at masarap gumawa ng sushi. Sobrang gusto ko rin. Mahal ko na nga yata, e. Kapag sinuwerte ako at naging akin, hinding-hindi ko sasaktan at pakakawalan pa.
"Me too, Rael..." I chuckled hoarsely.
Kinaumagahan, kahit halos alas tres na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa pagtawag kay Rael, maaga pa rin akong bumangon at gumayak. Plano ko kasing bumisita at magdala ng almusal sa hospital.
Nagpapa-impress?
Oo naman.
Kay Rael?
Hindi. Sa buong pamilya niya lang.
"Where are you going?"
Muntik na akong magkamali ng hakbang pababa sa hagdanan nang marinig ang pamilyar na boses ni Daddy mula sa itaas ng hagdan. My eyes slowly widened when I looked and realized that it was really him. Mukhang umuwi siya kagabi pero dahil madaling araw na ako nakauwi, hindi kami nagkaabutan.
It's been months now since the last time I saw him. Mabuti naman at buhay pa pala siya?
"Sabado ngayon. May lakad ka?" he asked in a very suspicious voice.
Napatingin ako sa suot ko. I am just wearing my usual shirt and jeans na pinatungan ko lang ng hoodie jacket. What's wrong? Masyado ba akong overdressed? Eh sa hospital lang naman ang punta ko.
"Group project." Sagot ko at tinalikuran na siya ulit. Wala akong planong sabihin kung saan ang totoong lakad ko. Mahirap na at baka sumama.
"Your mom hired a tutor for you?" Pahabol na tanong nito. "What for?
I almost rolled my eyes. Here we go again, Lorenz Ferrera. Bored ka na ba masyado sa buhay mo?
"Yes." I answered dismissively. Nagpatuloy ako sa pagbaba.
"Can't study on your own now, Laurent?" The obvious mocking on my father's voice is very evident but I'm in such a pleasant mood to even digest it. "Ganiyan ka na kabobo ngayon?"
Nasa ibaba na ako ng hagdan nang muli ko itong nilingon. Sobrang magkamukha talaga kami na aakalain kong nakaharap lang ako sa salamin. And again, while looking at his face, I realized how I hate him so much. Kung gaano siya ka walang kwentang asawa at tatay. At kung paanong hinding-hindi ko siya tutularan.
I smirked and shrugged. "Maybe it's hereditary? I don't know..."
His lips parted at my boldness, unable to counter me quickly.
Bago pa masira ang umaga ko ay umalis na ako ng bahay. Ate Merly looked worried but I assured her that I was fine. Nag-alok din si Kuya Ramil na ipagmaneho ako pero tumanggi na ako.
Bitbit ang isang basket ng gulay at breakfast na binili ko sa nadaanang restaurant, alas siyete pa lang ng umaga ay kumakatok na ako sa kwarto ng hospital kung saan naka confine si Reena.
It was Tita Danna who opened the door for me. Tuwang-tuwa ito nang makita ako.
"Oh, Benj, napadalaw ka!"
"Good morning po, Tita." I greeted as she welcomed me inside. Kaagad na dumapo ang mga mata ko kay Rael na tulog habang nakaupo sa isang maliit na sofa. A soft chuckle escaped on my lips as I watched him across the room.
"Hi Kuya Benj!" Masiglang tawag sa akin ni Reena. Nakaupo na ito sa kama pero mayroon pang nakakabit na swero sa kamay. Napangiti ako nang mapansin na bumalik na kaagad ang sigla nito.
"Hello, Reena. How are you?" Malambing na tanong ko bago lumapit. "May lagnat ka pa ba?"
"Pwedi na siyang madischarge bukas..." I heard Tita.
"Magaling na ako no! Pwedi na akong magcellphone bukas!" Maingay na balita ni Reena sa akin dahilan para bahagyang maalimpungatan ang natutulog na si Rael. I smirked as I watched him slowly open his eyes. Kaagad niya akong natanaw at hindi na siya nagulat pa.
"Morning," I greeted him.
His brows furrowed as he pulled himself to sit properly. Kinusot niya rin ang mga mata niya pagkatapos. He then fixed the crumpled collar of his pajama top.
"Why are you here?" Tanong nito.
Ah, how sweet.
Itinuro ko ang mga dala na inaayos na ngayon ni Tita sa isang maliit na mesa. "I brought some fruits and food for breakfast."
"Maraming salamat, Benj! Naku, nag-abala ka pa..." Saad naman ni Tita Danna sa nawiwiling boses. "Reena, alin ang gusto at nang mabalatan ko..."
"Apple, Ma." Reena replied in an energetic way.
I smiled before my eyes went back to Rael. "How about you? What do you want? Sayang walang pakwan..."
Lumapit na rin ako kay Tita Danna para tingnan kung anong ibang prutas na naroon sa basket. Hindi ko kasi na check ng maayos kanina dahil sa pagmamadali.
"Anything is fine..." I heard him.
"Kumain ka nitong orange, Azrael! Diba mayaman 'to sa vitamin C? Kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit..." Singit ni Tita. Humikab lang si Rael at nanatiling nakaupo. Pumulot ako ng dalawa at dinala patungo sa kanya.
I sat beside him. Naglahad siya ng kamay pero umiling ako.
"I'll peel it first..." I noted quietly.
"Tss. I can do it. Akin na." he urged me.
Hindi ako nakinig. I ignored him as I silently peeled the orange fruit. I did it carefully and slowly. Tinanggal ko pati 'yong maninipis na puting hibla na nakadikit sa laman. Kasi 'di ba mapait 'yon?
"Here's your orange." Sambit ko at ibinigay iyon ng buo sa kanya pagkatapos. Hindi siya nakapagsalita kaagad. It was as if my gesture was very hard to process. I smiled and watched him languidly. "What's your plan for today? Do you have some errands? I can be your personal driver."
Tumikhim siya at nagsimula nang kumain ng bigay ko.
"Uuwi lang ako saglit para maligo at magbihis. Babalik din dito."
Tumango ako. "Sasamahan kita. I brought a car."
His eyes narrowed. "Aren't you busy?"
"Busy ako..." I replied, agreeing.
"Then, you should leave now."
Ang angas talaga nitong crush ko kahit kailan, no?
I roamed my eyes around. Si Reena, busy sa pagkain ng mansanas. Si Tita naman, lumabas yata.
Umayos ako ng pagkakaupo. Our knees touched but we both didn't mind it.
Ibinalik ko ang buong atensiyon kay Rael. He's still looking at me, waiting for my damn answer. Ngumisi ako at mas lumapit pa para makabulong.
"I'm busy right now, Rael. That's why I'm here..." I said in a slow manner, making sure that he would hear each word correctly. I then slightly moved my head so I could take a peek on his eyes. "I'm here, because I'm busy with you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro