Chapter 15
Feelings
"Siraulo ka talaga, Ferrera!" Naiiling na reklamo ni Rael matapos kaming lubayan no'ng babae. Kakabahan na sana ako pero ngayong nakikitang hindi naman naging big deal sa kanya ang mga sinabi ko, kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag. "Dinamay mo pa talaga ako?" he accused me, a small smile was drawing on his lips despite the frown on his brows.
I smirked playfully, covering the remnants of my shamelessness a while ago. "But it's effective, right?"
He scoffed at that. Napanguso naman ako at kaagad na ibinaling sa ibang bagay ang tingin. Effective 'yon, Rael. Nilayasan nga kaagad tayo no'ng babae, e. Natakot yata sa'yo.
Tumikhim siya dahilan para muli akong mapatingin sa kanya.
"Oh, ano? May naisip ka na bang regalo?" he suddenly asked in a much calmer tone. Completely changing the topic. Mas lalo akong napanatag dahil doon. Tangina. Ano kayang gagawin ko kung nagalit siya? O na-weirdohan bigla sa akin? Tapos hindi na ako kinausap?
I shook my head, slightly feeling how the relief slowly consumed me. "Wala pa..."
"Ano ba 'yan..." Reklamo niya at napakamot sa batok.
Napatingin ako sa dala niyang brown na paper bag. Medyo may kalakihan iyon. Ilang libro kaya binili niya? Buong series ba? Ang galante niya naman yata?
"What?" he sneered at me.
"Binili mo buong series?" I curiously asked. Kinuha ko iyon sa kanya para tingnan at hinayaan niya naman ako. Sinilip ko ang laman ng paper bag at nakita ang laman niyon.
"The series consists of seven books. I only bought three books. 'Yang iba, coloring materials. Binili ko para kay Reena. I noticed that she's been into art these past few weeks."
I nodded at that. "For painting?"
Ano ba 'yan. Naalala ko na naman tuloy 'yong tsismis sa akin ni Reena.
Umiling siya. "Just a set of nice color pencils. Nakita ko lang malapit sa counter. Dinagdagan ko na rin ng isa pang sketch book."
"Bait naman..." Asar ko sa kanya.
"I told you. Your mom is paying me a good amount." He shot back with such arrogance I almost rolled my eyes.
Well, if that's the case then I might need to thank my mom for it some other time.
Ngumiti ako at hindi na ibinalik pa sa kanya ang paper bag. Ako na ang nagdala noon habang naghahanap kami ng pwedi kong ibigay bilang regalo kay Jen. He tried to snatch it from me but immediately stopped after his first failed attempt.
"Bahala ka, mabigat 'yan." Pananakot niya.
Alam ko, Rael. Kaya nga hindi ko na ibinalik sa 'yo, e. Kasi ako na magdadala. Kasi nga mabigat.
We roamed around the mall for almost two hours before I decided what gift I should buy. May nadaanan kasi kaming isang sikat na brand ng sapatos kaya niyaya ko na siyang pumasok. Kanina pa ako nangangalay kalalakad kaya minabuti kong bumili na ngayon dito at nang makakain pa kami ng lunch bago bumiyahe pauwi.
"Do you know her shoe size?" Tanong ko habang tumitingin kami sa mga bagong labas na model ng Samba.
"You don't?" Balik niya na ikinasimangot ko.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Asik ko naman.
He gave me a wry smile. Pumikit ako saglit para alalahanin ang sukat ng school shoes ni Jen pero napadilat rin kaagad nang magsalita siya.
"Size seven," he revealed confidently.
I tilted my head. "Paano mo nalaman?"
Ang tahimik na attendant at palipat-lipat sa aming dalawa ang tingin, takot na gumawa ng kahit anong ingay. I suddenly wanted to smile when a thought crossed my mind. What is it? Do we look like in some sort of love quarrel?
Napailing ako.
Ang angas mo rin, Benj, e. Ang aga-aga nananaginip ka yata? Ang tanga mo naman kung gano'n nga!
Rael pursed his lips, not wanting to explain any longer. "Just trust me."
I smirked. "Alright."
Binalingan ko ang naghihintay na attendant at nginitian. "Ate, itong off white and pink Samba nga po. Size seven." I said politely before I turned to look back at Rael who's now quietly roaming his eyes around the store. Hinintay ko pa na dumapo ang mga mata nito sa akin bago ako muling nagsalita. "We'll eat lunch before we head home. Is that okay with you?"
He pulled the sleeve of his hoodie so he could take a peek on his wrist watch. Nanatili akong tahimik na nagmamasid, hindi makapaniwalang interesado sa kahit maliliit na bagay tungkol sa kanya.
The way he moved with finesse, like a cat. The way his hair swayed whenever he tilted his head too much. The way his eyelashes flatters every time he blinks. And the way his lips move when smiling or talking.
Lahat ng iyon, napapansin ko.
Lahat ng iyon, nagtatagal... sa isipan ko.
"Pwedi naman..." he drawled after checking the time.
Umayos ako ng pagkakatayo at tinanggap ang paper bag na naglalaman ng sapatos mula sa attendant. I then opened my wallet and handed her my card without taking my attention away from Rael. "Saan mo gusto?"
"Any fast food will do," he answered curtly.
A small, yet genuine smile touched my lips. "Jollibee?"
"Sure."
Ganoon nga ang ginawa namin. Pagkatapos kong bayaran ang biniling sapatos ay dumaan muna kami sa Jollibee para mag-early lunch. Since he paid for our pares, this time, I was the one who paid for our food. I even bought take outs for Tita Danna, Reena, Ate Merly, Kuya Ramil and the other househelps I have in our house.
Nagpapa-impress?
Konti.
Kay Rael?
Hindi, ah!
"Gago, mamatay na 'yong mga sinungaling!" Aburidong pumasok sa kotse si Diego matapos magpasundo sa akin. And since the back seat was already occupied by Miggy and Eros, he freely sat on the passenger seat. Napakamot ako sa kilay habang nagsusuot naman siya ng seatbelt.
It was almost eight in the evening and we were already late for Jen's party.
"Anyare sa'yo dude?" Natatawang tanong ni Miggy.
Mabilis ko namang pinatakbo ang sasakyan nang makitang naka-seatbelt na si Diego.
"Tangina talaga ni Kuya! Ang sabi pahihiramin raw ako ng kotse niya! Pina car wash ko kahapon at pina full tank din 'yong gasolina! Tapos ngayon, biglang aalis dala 'yong kotse kasi may date raw sila ng syota niya?!" Diego ranted savagely. "Napakasinungaling!"
I wanted to laugh at his misery but stopped myself. Lalo na't nasilip ko sa cellphone ang reply ni Rael matapos kong tanungin kong gusto niya bang sumabay na lang sa amin papunta kina Jen tutal madadaanan naman namin 'yong bahay nila.
Rael:
No, it's okay. Greg is here. Sa kanya na ako sasabay.
Napasimangot ako. Diego continued his rant but I was already so preoccupied to give a side comment. At mas dumoble yata ang inis ko nang madaanan namin ang nakaparadang motor sa tapat ng bahay nina Rael. Ano 'yan magmomotor sila? Wasn't riding a car more comfortable?
Nagpark ako sa tabi ng mga naunang sasakyan pagkadating namin sa bahay nila ni Jen. Naunang lumabas ang tatlo at sumunod naman ako, bitbit ang paper bag na naglalaman ng regalo ko.
Nandito pa lang kami sa labas pero rinig na rinig na namin ang kasiyahan sa loob. Somehow, the vibe of the party immediately elevated our mood. Pumasok na kami at hinanap kaagad ang birthday celebrant para makabati at makihalubilo na rin sa iba.
"Happy birthday, Jen!" I said when it was my turn to greet her. Inabot ko ang regalo ko.
Jennifer smiled happily. She looks so beautiful in her soft blush pink gown that flows gracefully to the floor. At kung hindi ko lang napapansin ang nagsisimulang interes ko sa isang tao nitong mga nakaraang linggo ay baka nanaginip na akong ikakasal kaming dalawa ngayon.
I paused when I caught myself.
The heck? So I admit now that I'm interested in my tutor?
Bigla akong nanlamig nang wala akong maramdamang ni katiting na pagtutol sa sarili. Gago, ano 'to? So, interesado nga ako kay Rael? Sa kapwa ko lalaki? Is that even possible?
I am straight like an arrow. I'm not gay. I'm only attracted to girls. Pretty girls, actually.
So, why would I even think about it?
"Thank you, Benj." Sagot ni Jen pero tanging tango na lang ang nagawa ko bago tumabi para makabati ang iba. Kaagad akong kumuha ng inumin mula sa dumaang server at inisang lagok lang. Agaran ang pagguhit ng pait sa lalamunan ko pero isinawalang bahala ko iyon lalo na't napako na ang atensiyon ko sa mga bagong dating.
I looked away when Rael's gaze met mine. I'm currently having an existential crisis and he has the guts to actually show up right in time huh? And for what? To shove to my face the fact that he really is affecting me? Damn him.
"Ang gwapo ni Rael, oh!" I heard Diego's teasing voice. Nanatili akong nakatingin sa harapan, nagpapanggap na walang naririnig.
"Tama ka na, Diego!" Tawanan naman nina Eros at Miggy. Napairap ako at iniwan sila roon para maghanap ng inumin. I need a drink to keep my mind intact even just for tonight. At nakahanap nga ako hindi kalayuan kaya natanaw ko pa rin ang paglapit ni Rael sa mesang iniwan ko matapos bumati at mag-abot ng regalo kay Jen. At ang masayang pag-uusap nilang dalawa ni Diego kasama pa si Greg.
And the latter even had some audacity to look at me, smile, and wave. Kung gawin ko kaya siyang wasabi?
Binitbit ko ang nakuhang inumin pabalik sa mesa namin nina Diego. Agaran ang pag-atras ni Greg nang dumaan ako para tumabi kay Rael. Diego smirked while my two other friends only watched as if it was a normal view. Tumikhim si Rael at tinaasan ako ng kilay, nangingiti.
"Busangot ka na naman," puna nito.
Hindi ako umimik at pinagmasdan lang siya.
Tangina, oo, sige. Gusto na yata kita, Rael. Ano nang gagawin ko nito? You're in love with someone else. And if you know about my feelings, won't you feel disgusted? Will you not avoid me? Will you still look at me like that?
Will you still... smile at me?
My eyes dropped on the glass that I was holding.
Tumawa naman si Diego. "Ah, gutom lang 'yang kaibigan ko. Mamaya pagkakain, ayos na 'yan!"
Rael chuckled lightly. "Kawawa naman..."
Oo na, Rael. Kawawa na ako. Masaya ka na?
"Okay lang 'yan." He then moved to tapped my shoulder. I almost stiffen if I just didn't hear what he told me next. "Makakasayaw mo naman mamaya crush mo..."
I chuckled sarcastically. "Yeah, right."
Tanginang 'yan. Napaka motivating.
Ayos sana 'yan kung si Jen pa rin ang crush ko, ano?
"Salamat ha," The sarcasm on my voice was dripping like acid but of course, he wouldn't know why.
Tahimik tuloy ako buong gabi. Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa napagtanto. My friends are so rowdy throughout the party samantalang pakiramdam ko ay dumadalo ako sa mismong burol ko.
At kahit noong isinayaw ko na si Jen ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Hayop na buhay 'to! Wala pa nga pero parang ang sad boy ko na kaagad! I just accepted my feelings but it felt like I had been rejected by Rael already. Nakakapanlumo.
"I hope you like the party," Jen smiled at me as we slowly danced. The soft music was lingering the whole place, adding fuel to my newly discovered feelings. And the thought that he was watching me now, underneath the spotlight while holding Jennifer, sent shivers down my spine. Nakakakaba pala.
"Oo naman. Happy birthday ulit." Ngumiti ako. "At thank you pala sa pag-imbita. Napasama pa ako sa eighteen roses mo..."
She gave me a knowing look. "Syempre naman. Makakalimutan ba kita?"
My smile slowly vanished. Wala na nga talaga. Kung si Jen pa rin ang gusto ko, baka naglupasay na ako sa kilig ngayong magkausap kami. Pero wala. Wala nang epekto. I still find her pretty and nice to look at but that's it.
"Jen... what should I do?" I suddenly asked out of nowhere.
"Huh? What is it?" Kuryosong tanong niya.
Napalunok ako. "You know that I had a crush on you, right?"
A smirk slowly crept on her lips. Pinaningkitan ako ng mapaglaro niyang mga mata. "Had? Hmm... So di mo na ako crush? Mabuti naman..." She joked that almost made me laugh.
"Seryoso ako, Jen..."
She chuckled. "Alright. Alright. So di mo na ako crush. Sino na pala?"
Umiling ako at napayuko. "I can't tell you."
"Ano palang problema? Ayos lang naman sa akin kung di mo na ako crush. Alam ko namang marami pang mas maganda diyan sa paligid, e!" Humalakhak siya.
'Yon nga ang problema, Jen. Kasi hindi naman maganda 'yong nagugustuhan ko ngayon. Sobrang gwapo nga lang.
"May gustong iba, e..." I croaked like a scared kid. "Kapag umamin ako, tiyak na sa kangkungan ako pupulutin."
"Ay, ang lungkot naman niyan. Can't relate," She spilled smugly that made me roll my eyes. Bahagya akong natawa kahit na medyo nainis. Sana lahat, e, no? "So ano nang plano mo? Will you confess to her?"
Mabilis akong umiling.
"Ah, so, magpapaka martyr ka na lang?" She probed harshly.
Mas lalo akong umiling. Her eyes widened a bit when she realized my plan. "Kakalimutan mo na lang?"
I swallowed hard. "Pwedi pa naman siguro, di ba? Tutal, bago pa lang naman 'to... Mawawala pa naman siguro 'to..."
The music slowly stopped. Hudyat na tapos na ang sayaw namin. Another mellow music played in the background, an indication for another dance. Bumitaw kami sa isa't-isa at natanaw ko ang pagtayo ni Rael sa ibaba ng entablado, may hawak nang isang tangkay ng rosas, at nakamasid sa amin.
So, he's the next dance huh?
"You should confess." Agaw ni Jennifer sa atensiyon ko. "If you want to forget her as soon as possible, you should confess."
Kumunot ang noo ko. Hindi maintindihan ang gusto niyang iparating.
Jennifer smiled wickedly. "Proven and tested na 'yan, Benj. Try it, and you'll thank me later."
Tumango ako at ibinalik ang tingin kay Rael na kasalukuyan nang umaakyat sa hagdan. He... was watching me. The way his gaze held mine told me that there's no easy way out. Like as if I fell into the ocean and I have no other choice but to get drowned or either die.
I licked my lips. "Paano kung hindi pa rin?"
I felt Jennifer's gentle tap on my shoulder. "Then maybe you need to start begging for chances?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro