Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Ugly

Naabutan kong nakahawak na sa kwelyo ni Rael ang galit na galit na si Franco. The other two are guarding the way as if they're some kind of look outs but they failed to stop me when I walked past them.

Mayroon naman kasi silang choices. Padadaanin nila ako o masasaktan sila?

Sadly, they're not brave enough to choose the latter.

At dahil nakaharap si Rael sa daanan, nakita niya ako kaagad. I saw how his eyes widened when he saw me materializing in front. Sumipol ako para makuha ang atensiyon ng gagong si Franco Orteza.

Padaskol nitong binitawan si Rael bago ako hinarap.

I smirked at him. But my eyes immediately traveled back to Rael's face to check him. He looked unscathed. Medyo magulo lang ang suot na uniporme dahil sa pagkwelyo sa kanya pero inaayos niya na iyon ngayon. I sighed slowly.

"Ano 'to? Dating gawi?" Matamang tanong ko kay Franco habang tahimik na lumalapit kay Rael na parang hindi man lang natakot na baka gulpihin siya ng panget na 'to.

Humalukipkip ako at tinabunan siya ng katawan ko bago ako muling humarap kay Franco na ngayon ay napaatras para gumawa ng distansiya.

"Huwag kang makialam dito, Ferrera!" Nanggagalaiting sambit nito.

I smirked tauntingly. "Makikialam ako kung gusto ko."

Rael sighed behind me. Bahagya ko itong nilingon at tinaasan ng kilay. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba? Sabihin mo sa akin," I encouraged him but he only shook his head, slightly annoyed with what was happening.

Gusto ko tuloy matawa pero nakakainis rin. Ano? Galit pa siya na pinuntahan ko siya rito? Gusto niyang magpagulpi? Bakit? Kasi nagsisisi na siya na tinanggihan niya ang kapatid ni Franco?

"Kaano-ano mo ba ang hayop na 'yan at nakikialam ka? Akala ko ba nagkasundo na tayo noon na walang pakialamanan sa isa't-isa? Why are you stopping me now as if you're clean and you never did this shit before?!" Sigaw ni Franco sa akin.

I licked my lips before my gaze snapped back to him. Mas iniharang ko ang sarili nang mapansing gusto niyang lumapit. Subukan niya at nang makita niya talaga ang hinahanap niya. Akala niya siguro ay masisindak niya ako.

"If this is some random dude you wanna kill, I will never interfere. But... you're threatening the wrong guy, Orteza. Tutor ko 'to. Bakit ko hahayaang mabugbog mo ang tutor ko?" I said lightly despite the urge to just pound on his ugly face.

Hindi niya ba nakikita 'yang pagmumukha ni Rael? Hindi ba siya nakokonsensiya na dungisan ito?

"Anong pakialam ko kung tutor mo 'yan?!" He snapped angrily. "Pinaasa ng gagong 'yan ang kapatid ko!"

My brows furrowed at that. Gusto kong harapin si Rael at tanungin kung totoo iyon pero naiinis na kaagad ako! Pinaasa niya? Paanong pinaasa? Did he play with her? Akala ko ba may ibang gusto siya?!

"Pakialam ko naman sa kapatid mo?!" Sabog ko rin.

Rael muttered a curse but my attention wasn't there anymore. Lalo na't inatake na ako ni Franco, mukhang na trigger lalo sa sinabi ko. Pake ko? Eh, totoo naman!

Franco tried to launch a punch but I was quick to evade it. Nga lang, muntik na iyong tumama kay Rael kung hindi ko lang nasangga ng braso ko. Napamura ako at halos tadyakan si Franco mapalayo lang kaming dalawa dahil mukhang idadamay niya talaga si Rael.

"Tang ina mong hayop ka!" Hindi ko alam pero gigil na gigil ako. Pakiramdam ko biglang nandilim paningin ko. Lahat ng naging atraso sa akin ni Franco noon ay parang naging sariwa ulit. Parang kahapon niya lang ginawa.

Ako naman ang nagpakawala ng suntok ngayon at sinigurado kong tumama talaga iyon sa pagmumukha niya. His nose bleeds immediately.

"Ferrera, tumigil—"

"Huwag kang makialam dito!" Galit na sigaw ko dahil mukhang susubukan pa ni Rael na umawat sa amin.

Tanga ba siya? Kaya nga ako makikipagpatayan dito dahil ayaw kong magasgasan siya tapos gusto niya pang mag referee? Ha? O baka naaawa siya?

Mas lalo lang uminit ang ulo ko.

May humila sa akin. Napagtanto kong isa sa mga kasama ni Franco iyon nang makita ko si Rael na nandoon pa rin sa kinatatayuan niya. He looked torn. Hindi alam kung lalapit ba o ano.

Tumayo si Franco at muli akong inatake. Mabilis nga lang ang galaw ko at imbes na ako ang tamaan ng sipa niya, iyong tangang nakahawak sa akin ang sumalo niyon. Kaagad akong kumawala at muling binalikan si Franco. I punched him and he punched me in the face, too.

Nalasahan ko ang sariling dugo. Tang ina! Ang mukha ko pa talaga?!

"Huwag kayong makialam!" Sigaw din ni Franco nang sinubukang tumulong ng dalawa niyang kasama. I smirked. Mataas talaga ang pride ng hayop na 'to. Okay lang naman din kung hindi. Kayang-kaya ko silang tatlo. Magtulungan pa sila, e!

"Hah! Akala mo siguro hindi ko alam na pinupormahan mo rin ang kapatid ko?" Paratang sa akin ni Franco bago ako halos ihampas sa bakod na screen.

"Saan mo napulot 'yan? Wala akong interes sa kapatid mo!" Sagot ko at marahas na ipinagpalit ang pwesto namin at siya ngayon ang isinandal sa screen. Halos sakalin ko siya sa paraan ng pagkakahablot ko sa kwelyo niya.

"Maraming nakakita sa inyo na kumakain sa labas ng school!" He reasoned out before he smashed his head on mine. Agaran ang paghapdi sa bandang kilay ko at nakita kong duguan na rin ang mukha ng gago.

Tang ina.

I launched another punch but he moved and my fist slammed on the screen barrier. I saw how it created a dent on it. Ramdam ko rin ang pagkakasugat ng kamao ko dahil doon.

Hinila ko siya sa kwelyo at halos ibalibag sa lupa pero kapwa kami natigilan dahil sa sunod-sunod na pagpito ng mga tumatakbong guards papalapit sa amin. Sa likod ng dalawang guwardiya ay ang humahangos pang si Rael. His lips parted when he saw our state.

Marahas kong binitawan si Franco at dahil hindi iyon inaasahan ng gago, napasubsob pa ito sa lupa. Tatanga-tanga kasi.

I spit out some blood on the ground. Kung wala lang guards ay baka tinadyakan ko pa ng isa pa si Franco na ngayon ay bumabangon.

"Anong kaguluhan ito?" Tanong no'ng isang guard. "Dalhin na 'yan sa guidance office!"

"Hindi ba sa clinic muna?" Sagot naman ng isa. Siguro'y napansin ang pagmumukha namin ni Franco.

Pasimple kong kinapa ang mga ngipin ko. Mabuti na lang at walang natanggal at baka napatay ko talaga itong si Franco. Ano pang magiging silbi ng kagwapuhan ko kung bungi naman ako, di'ba?

Napatingin ako kay Rael at nahuli ko ang masamang tingin nito sa akin. I tried to smile but immediately stopped when I felt a sharp pain on my lips. Mukha tuloy akong constipated na ewan.

"Ayos lang ako," I mumbled when he neared me.

"Did I ask?" He fired back harshly. Napanguso ako. Natanaw kong pinulot na ng isang guard si Franco at papunta na rin sa akin ang isa.

Kaya lang ay nagsalita si Rael. "Mag-uusap pa po kami. Ako na po ang bahalang magdala sa kanya sa clinic..."

My eyes snapped at him with wonder.

Hindi na rin nagpumilit ang guard at umalis na ito. Naiwan kaming dalawa ni Rael doon. Kaagad akong naupo sa lupa, nag-iinarte at baka na lang ay kaawaan niya.

"Aray, ang sakit ng katawan ko..."

Tiningala ko siya. One of my legs was bent while both of my hands are resting on the ground behind me so I could recline my body more. While he's in front, standing mightily, his hands on his waist, watching me as if I'm some sort of criminal he's gonna punish.

I couldn't help but smirk.

"Masaya ka pa?" Malamig na tanong niya.

Bakit? Ano ba dapat? Do I need to cry?

Pero syempre, hindi ko iyon isinatinig at baka hindi ko na makita ang bukas.

"Hindi, ah... Masakit nga ang katawan ko, Rael. Hindi ka man lang ba naaawa?" I said dramatically.

But him knowing my attitude, with my smirk surfacing, I'm just sure we wouldn't buy any of my dramas.

Rael sighed heavily. Tinuro niya ang mukha ko. "Look at your face—"

Agaran ang pag-ahon ng kaba sa dibdib ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at ginawang salamin.

"A-Ano? Pangit na ba ako?" Medyo nagpapanic kong tanong habang kinakapa ang mukha. He murmured some crispy curses. Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Rael, tell me, gwapo pa rin naman ako, di'ba?" I almost sound like begging. Confident pa rin naman ako kahit papaano pero siguro kailangan ko lang ng second opinion.

"W-What?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. I towered over him. He didn't step back but I saw the faint panic in his hazel eyes because of our distance. Ano 'yan? Natatakot siya sa hitsura ko? Pangit na nga ako?

"Pumangit ba ako?" I asked, hoping he'd deny it. "Ano? Tell me..."

Hindi siya sumagot. Napayuko ako.

Tang inang Franco 'yon. Iniingatan ko mukha ko tapos—

"Ayaw mo palang pumangit? Bakit ka nakikipagbasag-ulo?" He fired calmly. Napatingin ulit ako sa kanya. Sa mga mata niya. Halo-halong emosyon ang nandoon. Inis, galit, takot, sakit, at... pag-aalala.

He blinked and those emotions vanished.

I swallowed hard. Maybe I was just imagining things?

"Oo o hindi lang naman, Rael!" Naiinis na reklamo ko. Gaano ba kahirap ang tanong ko at hindi niya masagot-sagot? Gaano ba katigas 'yang puso niya at mukhang kailangan ko pang magmakaawa para lang sagutin niya?

I opened the camera of my cellphone and put it on the front cam. Napangiwi ako nang makita ang mukha ko. Pakiramdam ko... bigla akong nanghina.

Ang mukha ko...

Ang gwapong mukha ko...

Maybe the fear and worry was so evident on my face that Rael couldn't stop himself from chuckling despite his annoyance towards me. My eyes snapped on him. Natatawa siya pero may bahid pa rin ng kung ano ang mga mata.

"The hell, Ferrera? Iyan lang talaga ang iniisip mo?"

Napaisip ako. Bakit? Ano pa ba ang ibang dapat na isipin ko?

He chuckled again. Para bang may nakakatawa, e, wala naman yata?

"You're afraid Jennifer might find you ugly?" Akusa niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Opinyon mo ang hinihingi ko. Hindi ang kay Jennifer." Seryosong sagot ko sa kanya.

His lips parted. He tried to speak but in the end, he closed it tightly. From his lips, my gaze slowly crawled back to his eyes, utterly confused on why he was bringing up Jennifer when it was his opinion that I wanted to hear.

Umatras siya at sinamaan ako ng tingin. "Ang pangit mo..."

"What?!" I spat angrily.

Did I hear him right?

The corner of his lips rose. "You heard me the first time. Why would I say it again?"

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko na bawiin niya ang sinabi pero walang dumating. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa huli ay siya ang naunang nag-iwas.

"Let's go to the clinic now, Ferrera." Aya niya sa akin.

Hindi ako umimik at nilampasan siya. I thought he would stop me and take back his words or whatsoever but it never happened. Tapos na akong gamutin ng nurse at kasalukuyan nang nasa guidance office pero walang dumating.

Tahimik siya at nagsasalita lang kapag tinatanong.

Samantalang kaming dalawa ni Franco ay kapwa walang balak na magsalita. Magkatabi kami sa mahabang sofa at may hawak na tig-iisang ice pack.

"You both know that you can be expelled for this, right?" Tanong sa amin ng counselor.

I pursed my lips. Napatingin ako kay Rael na tahimik na nakikinig sa isang tabi. I was still annoyed with him that when his eyes found mine, inirapan ko siya.

Panget pala huh.

Kalaunan ay pinalabas na rin kami pero kailangan daw naming dalhin ang guardian namin dito sa lunes. At dahil kapwa abala mga magulang ko, mukhang si Kuya Ramil na naman ang maaabala ko nito?

"Pasalamat ka nandito tayo sa loob," parinig ni Franco pagkalabas namin sa office. He even had the audacity to bump me with his shoulder.

I sneered at him. "Ano? Labas tayo?" Hamon ko, ayaw patalo. Akala niya siguro aatrasan ko siya? Tang ina niya. Durugin ko 'yang panget niyang pagmumukha, e! "Aray!" Reklamo ko nang biglang pingutin ni Rael ang tainga ko sabay hila sa akin palayo.

Saka niya lang ako binitawan nang nasa locker room na kami. Dinala niya ako sa tapat ng locker niya at mabilis na binuksan iyon.

May kinuha siyang tshirt.

I scoffed, still mad at him for calling me ugly.

"Aanhin ko 'yan?"

"Try mong kainin?" Pilosopong sagot niya. I rolled my eyes. Hindi ako gumalaw. Tinuro niya ang suot na uniform ko.

"Ano? Papasok ka sa klase na ganyan hitsura mo?"

"Anong hitsura ko? Huh?" Asik ko sa kanya. Nakakainis. I saved him but all I've got in the end is him calling me ugly! Not that he asked me to save him but can't he just respond with more sympathy?

"Ang tinutukoy ko ay 'yang mga dugo sa damit mo!" He snapped back. Mukhang plano pa niyang lamangan ang galit ko, ah?

"Ano? Ikaw pa ang galit?"

He watched me with heated eyes. "Paanong hindi ako magagalit? Eh ang tigas tigas ng ulo mo—"

I laughed with sarcasm. "You want me to be good to you? Really? After calling me what? Ugly?"

Kung pangit pala ako, e, anong tawag kay Franco? Basahan?

"Mukha na nga lang pambawi ko, tapos para sa'yo, pangit pa rin?!" Patuloy ko.

Nanlaki ang mga mata niya at natawa na naman siya. His eyes twinkled with so much humor I can't help but pause and watch him while he's at it.

Gusto kong panatilihin ang galit ko kahit wala namang kwenta pero hindi ko pala kaya ngayong nakikita siyang masaya at tumatawa kahit mukhang ako pa ang pinagtatawanan niya. I wanted to look away but I couldn't even move an inch. I wanted to be indifferent, even just for show, but this sight was melting me.

Pakiramdam ko ay nanghina ako. Unti-unting natunaw ang sama ng loob hanggang sa napasandal na lang ako sa mga locker. Oo na. Pangit na nga siguro ako. Sige, tatanggapin ko na lang. Kung pangit man ako sa paningin ni Rael, ayos lang! Gano'n talaga siguro ang buhay.

Rael bit his lips trying to erase the remnants of his laughter. Hindi na ako umimik pa at hinayaan na lang siya. Saglit siyang pumikit ng mariin at nang magdilat ay tuluyan nang nagseryoso. Muli niyang inilahad sa akin ang tshirt niya.

"Malinis 'yan..."

Umirap lang ako at naghubad na sa mismong harapan niya. Kasi bakit pa ako papasok ng banyo, e, damit pang-itaas lang naman ang papalitan ko? At parehas naman kaming lalaki. Walang kaso kung makita niya man akong hubad. Kung anong meron ako, meron naman din siya.

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.

I gritted my teeth. "Ano? Pati katawan ko pangit pa rin?"

He only chuckled and shook his head. Hinablot ko ang tshirt sa kanya at mabilis na isinuot. Saka pa lang siya muling bumaling sa akin nang matapos ako.

Akala ko tapos na siya pero may kinuha siya ulit sa loob ng locker niya.

Band aids.

Kaagad niyang binuksan ang isa at inilagay sa maliit kong sugat sa may bandang kilay. Ni hindi ko naisip kanina na kailangan pang lagyan iyon ng gano'n dahil tumigil na rin naman sa pagdurugo.

Even the nurse didn't mind it anymore.

Napanguso ako nang ang kanang kamao ko naman ngayon ang nilagyan niya. Tahimik at seryoso siya habang ginagawa iyon. Ni hindi ko naramdaman ang mga kamay niya sa sobrang rahan.

"How about my lips?" Tanong ko pagkatapos.

His eyes went to my lips, then back to my eyes. He then smirked.

"Band aid won't do..." he said slowly.

I shifted my stance. "Ano pala dapat?"

"Duct tape. Para manahimik ka na." Sagot niya bago maingay na isinarado ang locker niya. Napapikit ako sa gulat at nang magdilat ay naglalakad na siya palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro