Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Danger

"You didn't tell me that today's your birthday. Eh di sana nakapagpa-lechon ako." Pabiro at mayabang kong bulong kay Rael pagkatapos niyang hipan ang cake na inihanda nina Tita Danna at Reena. He scowled at me but the ghost of a smile on his lips is starting to materialize. Bumuntong hininga siya at inabot ang kutsilyo.

Mabilis akong lumayo sa kanya. He murmured something to himself before he started slicing the round tiramisu cake. Nakahinga ako ng maluwag at kaagad na lumapit ulit, mas behave na ngayon.

Inabutan naman ako ni Tita Danna ng plato at tinidor. "Kumain ka ng marami, Benj, ah? Huwag kang mahiya."

I chuckled playfully. "Ah, basta po pagkain, e, wala talaga akong hiya-hiya!"

"At least you're self-aware, huh," Rael mumbled beside me.

"Oo. Isa 'yan sa positive traits ko." I answered confidently as I raised a brow. Kahit ano pa yatang sabihin niya ngayon, palalampasin ko, tutal birthday niya. Ganiyan ako kabait. Pero mas mabait ako kapag tulog. Proven and tested na.

"Give me your plate."

Lumapad ang ngisi ko at sinunod naman ang utos niya. I handed him my plate. Tahimik niya itong nilagyan ng dalawang slice ng cake bago siya nagbukas ng isang soft drink at ibinigay din sa akin.

Wow, ang bait naman ni birthday boy. Sana pala araw-araw niya nalang birthday!

"Kumain ka na, para makauwi ka kaagad." He commanded before he turned to give Reena her slice of cake. Napangiwi ako pero kaagad ko rin iyong ipinagkibit-balikat. Bahala siya. Makikikain pa nga ako ng dinner dito, e! Tita Danna invited me. So who am I to decline such a generous invitation?

I pulled a chair so I could sit comfortably. Tumabi naman sa akin si Reena na pinaghila ko rin ng upuan.

"Kain ka pa, Benj, ano pa bang gusto mo at kukuhanan kita!" Masayang sinabi ni Tita Danna ng makitang sarap na sarap ako sa cake na gawa niya. I pursed my lips when I noticed that Rael gave me a side eye. I wanted to laugh. Deadma sa bashers...

"May shanghai po kayo?" Walang-hiyang tanong ko.

"Oo, meron! Sandali at kukuha ako!"

Reena chuckled cutely. "Favorite ka na yata ni Mama, Kuya Benji."

Natawa ako. "Ganoon ba? Nasisilaw siguro si Tita sa kagwapuhan ko, e."

"Samantalang kay Kuya Greg hindi ganyan si Mama. Istrikto siya roon!"

Nagtaas ako ng kilay. Gano'n? Eh, malamang, hindi naman 'yon gwapo katulad ko.

Bumalik si Tita na may dalang isang pinggan ng shanghai at iba pang mga pagkain. Tuwang-tuwa kami ni Reena lalo na't meron din palang sushi. Busog na busog tuloy ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko kung susubukan ko pang uminom ng kahit isang baso ng tubig.

"Naku, Tita, salamat po!" Namilog ang mga mata ko nang makitang may mga padalang pagkain si Tita Danna ngayong pauwi na ako. Limang clear container iyon at mukhang iba't-ibang putahe ang laman. Nakasilid iyon sa isang malaking plastic para isang bitbitan lang.

"Walang anuman, Benj. Masaya ako na kahit papaano ay may dinalang kaibigan itong si Rael ngayong kaarawan niya..."

Nagkatinginan kami ni Rael. I wanted to laugh so bad to tease him but I stopped myself. Paano ba 'yan? Eh, mama mo na mismo ang may sabi na magkaibigan tayo? Magmumukha na akong mayabang nito?

"Sana next time, girlfriend na ang dalhin..." Hirit pa ni Tita Danna na ikinasimangot lalo ng anak niya. Napawi naman ang ngisi ko dahil naalalang hindi ko pa rin alam kung sino ang tinutukoy ni Rael na gusto niya.

He keeps on assuring me that it wasn't Jennifer but why don't I feel assured regardless?

"Nandiyan na ba ang sundo mo?" Rael asked me this time, ignoring his mother. Wala sa sarili akong tumango at binitbit na ang bigay ni Tita Danna.

Naunang lumabas si Rael pero huminto ito para siguro ay hintayin ako. Nagpaalam naman ako saglit kina Tita Danna at Reena bago sumunod sa kanya. He sighed when he saw that I was already walking out of their house.

"Happy birthday ulit," I greeted him again the moment I reached him. He pursed his lips as his gaze on me lingered for a few moments. Pagkuwan ay humalukipkip siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Salamat." Aniya.

I smirked and followed him like a tail. Makitid kasi ang pathway nila at magkakasagian kami kung tatabi ako sa paglalakad niya. Pero ayos lang. Maganda rin naman ang view rito sa likod.

"So... Ilang taon ka na?" I trailed off playfully as the cold wind of the night touched my skin. The night is still young but it's already dark. Kung hindi dahil sa lamp post malapit sa gate nila ay baka hindi na namin maaninag ang dinadaanan namin.

"Eighteen." Matipid na sagot niya.

"Akala ko sixteen." Biro ko sabay kagat labi.

Nilingon niya ako at sinimangutan. Kaagad ko naman iyong dinugtungan at baka hindi na ako makalabas ng buhay dito sa bakuran nila.

"Baby face ka kasi..."

Tumigil siya sa paglalakad at tuluyan na akong hinarap. Natanaw ko saglit ang nakahazzard na sasakyang naghihintay sa akin sa labas pero mas pinagtuonan ko ng pansin ang nandito sa harapan ko. He looks like he's waiting for me to elaborate my words.

"Maputi ka. Medyo may pagkainosente ang mukha lalo na kapag hindi nakasimangot... Your hairstyle also suits you... You're... kinda... cute, too. And surely handsome. You seldom smile but when you do, you can be easily mistaken for an angel." Wala sa sariling paglalarawan ko sa nakikita ko sa kanya.

His lips rose for a smirk, waking me up from my reverie. "What is it... May assignment ka ba?"

Nalaglag ang panga ko at kaagad akong ginapangan ng inis.

"Wala!"

His eyes softened despite me being defensive. "Talaga? Ayos lang—"

I glared at him. "Wala nga, Rael. Bakit ang kulit?"

He chuckled at that. I wanted to remain frowning but I couldn't do it. Dahil nakikita ko siyang natatawa, ramdam ko na rin kaagad ang pagsugat ng ngiti sa mga labi ko. I even tried to bite my lips but it's useless because I know for damn sure that my eyes are giving away so much happiness right now.

Ni hindi ko alam kung para saan at sobra-sobra naman yata!

Imbes na mag-isip pa ay nilampasan ko na siya. I opened their gate. Lumabas na ako at isinarado rin iyon kaagad, hindi na hinayaang makasunod pa siya. I sighed heavily, as if I was saved from something as I watched the wooden gate in between us.

"Lock your gate. Uuwi na ako." Huling sinabi ko bago siya mabilis na tinalikuran. Walang lingon-lingon akong pumasok sa kotse at saka pa lang ako nakahinga ng maluwag nang umandar na iyon paalis.

Ang dami ko yatang nakain sa gabing iyon at halos madaling araw na ako nakatulog. Dahilan kung bakit late na naman ako ngayon sa first period sa umaga. Mabuti na lang at pagkapasok ko sa room, wala roon si Mrs. Angeles. Sabi'y may pinuntahan daw sa faculty at babalik din kaagad.

Kahit na 'wag na, e.

"Oh, anyare at mukha kang sabog?" Pambubwiset kaagad ni Diego sa akin nang makita ako. Umiling lang ako at dumiretso na kaagad sa upuan ko, medyo inaantok pa nga. "Sabi'y kasama mo raw 'yong kapatid ni Franco kahapon, ah?" He added and gave me a knowing look. "Bagong prospect?"

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kaagad nakuha ang gusto niyang sabihin.

"Grade eleven. HUMSS student. Maganda." He enumerated one by one.

The heck?

Pakialam ko sa maganda?

Miggy smirked at me. "Gabbi Orteza is the name—"

"Ah," I acknowledged. "I didn't really know her. Nakasalubong ko lang kahapon. Umiiyak kaya niyaya kong—"

"Mag date?" Hula ng bugok na si Diego.

I grimaced at him.

Date? Diyan sa labas lang ng school? Tapos kakain lang ng kwek-kwek at iinom ng buko? Ang cheap naman kung date nga iyon! Mabuti nalang at hindi!

"It wasn't a date. I was just being a gentleman." Paliwanag ko habang hinihilot ang sentido. Inaantok pa ako at hindi maganda ang gising. Pero heto sila at kung ano-anong tsismis na kaagad ang nasagap tungkol sa akin.

"Ingat ka. Kilala mo naman si Franco." Ani Eros.

I smirked. Unfazed by it.

"Hindi ako natatakot." I said calmly as I closed my eyes, planning to take a nap since our subject teacher is not here yet. Kaya lang, bago pa man ako tuluyang tangayin ng antok ay napadilat na ako dahil sa biglaang ingay mula sa mga kaklase.

Bulungan iyon. Halos nanunukso at nang-aasar.

My eyes darted towards the classroom door. Sa labas ay natanaw ko ang pamilyar na babaeng nakatayo at nakasilip sa akin. She looked shy but determined. She even smiled at me.

I frowned. What is she doing here?

"Ayan na..." Panunukso ni Diego. "May sadya yata sa'yo, Benj."

Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba o ano. Pero nang maisip na baka babayaran lang ang nilibre ko sa kanya kahapon ay napatayo na ako. Hindi naman sa pagbabayarin ko siya pero ano pa ba ang posibleng maging dahilan kaya pinuntahan niya ako rito?

"Sila ba?" I heard my nosy classmates. Gusto ko tuloy mapairap. Pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Gaga, e, baliw 'yang si Ferrera kay Jennifer Chua!"

"Baka nabasted 'yan ni Jen?"

"Akala ko ba si Rael 'yong crush niyang kapatid ni Franco? Bakit dinadayo na si Benj dito?"

"So totoo na nagdate sila kahapon?"

What the fuck?

Imbes na patulan pa ang mga tangang kaklase ay mas minabuti kong puntahan na muna si Gabbi. Humalukipkip ako at bahagyang sumandal sa hamba ng pinto nang magkaharap kami. And even though I didn't plan to notice it, I saw how she blushed profusely upon watching me close.

Halatang nahihiya. So bakit nagpunta pa talaga rito?

"P-Pwedi ba kitang makausap?"

Tumango ako. "Make it quick. May klase pa ako."

Napatingin siya sa loob ng classroom at bahagyang kumunot ang noo nang makitang wala namang gurong nandoon.

She then glanced at me. "A-Ahm, I just wanna thank you for yesterday..."

Tumango ako. "Walang anuman."

Her cheeks turned red. Bahagya siyang nag-iwas ng tingin habang pinaglalaruan na ang mga daliri sa kamay. Napahikab naman ako dahil sobrang inaantok pa talaga ako. She noticed it. Akala ko ma-ooffend siya pero tila nabuhayan pa tuloy.

"Gusto... ko sanang bumawi. Ahm, I n-noticed that you're still sleepy. You wanna have some coffee? Merong coffee vendo sa canteen..."

Hindi ako kaagad nakasagot.

Una, hindi kami close.

Pangalawa, may klase pa ako.

Pangatlo, ayokong lumala ang tsismis tungkol sa amin at baka makaabot pa kay Jennifer. Eh di naturn off 'yon sa akin!

I smiled a bit. "Pasensiya na pero hindi ako pwedi, e. Though I appreciate na gusto mong bumawi sa ginawa ko kahapon, sa tingin ko, hindi naman kailangan... I did it without thinking that I'll get something in return..." I refused politely. Halos pabulong lang dahil ayaw ko namang marinig pa ng iba ang pagtanggi ko sa kanya.

"A-Alright..." Her voice shook but she still managed to smile.

Ngumiti rin ako at bahagyang nakahinga ng maluwag. Lalo na't umalis din siya kaagad pagkatapos. Papasok na sana ako pabalik sa classroom nang may mahagip ang mga mata ko.

Nakita kong dumaan si Rael. Napatingin ito sa akin mula sa pagtanaw sa papalayong si Gabbi. Seryoso lang kahit na ang kasamang kaklase ay tumatawa sa kung ano. I gave him a nod, acknowledging his presence before I turned my back on him.

Natanaw ko kasing pabalik na si Mrs. Angeles.

Ni hindi ko nakakasalamuha noon si Gabbi. Unang beses ko siyang nakita noong mabunggo ko siya. Sumunod ay ang pagpunta niya sa classroom. Kaya hindi ko akalaing makakasalamuha ko na naman siya ngayon, halos ilang araw lang matapos ang huli naming interaksiyon noong magkasalubong naman kami sa library.

She smiled shyly at me.

Nasa canteen ako ngayon at nakapila para bumili ng pagkain nang bigla nalang siyang sumingit sa unahan ko. Gusto ko mang magreklamo, hinayaan ko nalang tutal ay mukhang ako lang naman ang nakapansin.

"A-Ayos lang ba? Nagugutom na kasi ako, e..." She chuckled a bit.

Marahan akong tumango at ibinalik ang mga mata sa unahan. Nag-iisip kasi ako kanina kung anong ulam ang bibilhin ko, at nakalimutan ko dahil sa biglang pagsingit niya.

"Sure..." I said without looking at her.

"Dito... ka pala kumakain?" Kuryosong tanong niya.

"Oo..." Sagot ko. Pulis ba 'to? O imbestigador? Bakit ang daming tanong?

She chuckled again. "T-Talaga? Palagi ba?"

Umiling ako. "Hindi. Minsan umuuwi ako..."

Gumalaw ang pila pero dahil sa akin siya nakaharap, hindi niya iyon nakita. Bumaba ang tingin ko sa kanya at saka palang siya natauhan.

"Uhm... sorry..." She said before she moved in the line. Hindi ako sumagot pero tumango ako. Nagwawala na kasi ang mga buwaya ko sa tiyan, e. Baka biglang makawala kapag nagsalita ako. Mahirap na.

Nauna siyang makabili ng pagkain sa akin. Kaya nagulat ako nang papunta na ako sa pwesto namin nila Diego at nakitang naghihintay siya. She again flashed her shy smile when she noticed that I was already looking at her.

"Ahm, mag-isa kasi ako, e... P-Pwedi bang sumabay?"

My lips parted. Kumunot ang noo ko. Bakit siya makikisabay sa pagkain, e, hindi naman kami close o magkakilala?

"P-Pasensiya na... Sige, huwag na l-lang..." Bawi niya nang mapansing hindi ako kaagad nakasagot. I sighed. Tumango ako at kaagad na siyang iniwan doon at hindi na inisip pa kung tama o mali ba ang ginawa. Eh, pasensiya. Baka maturn off crush ko.

"Ano 'yon? Ginugulo ka ba no'ng kapatid ni Franco?" Kuryosong tanong ni Eros sa akin pagkaupo ko.

"Hindi naman siguro..." Wala sa sariling sagot ko dahil gutom na gutom na talaga ako. Nahuli kasi akong bumili sa tatlo dahil kinausap pa ako kanina ng adviser namin.

"Baka ikaw naman ang gusto ngayon kasi tinanggihan siya ni Villarin?" I heard Diego. Kaagad akong napabaling rito, nakakunot na ang noo.

"Paano mo nalaman na tinanggihan siya ni Rael?"

"Kay Franco mismo. Galit na galit kasi ang mokong." Sagot ni Diego sabay tapik sa balikat ko. "Kaya, kung maaari, iwasan mo nalang 'yang kapatid niya. At baka umasa. Madamay ka pa..."

Madami pa siyang sinabi pero naagaw na ang atensiyon ko sa pagdaan ni Rael patungo sa likod ng abandonadong building kung saan itinatambak ang mga sirang upuan habang nakasunod si Franco Orteza at ang dalawa pang hindi ko kilalang lalaki.

"Siya nga pala, mamayang hapon na 'yong try outs para sa basketball. Sasali ka?" Si Miggy naman pero tumayo na ako.

I know Franco Orteza. He's one of those bad kids I used to hang out with in junior high. And if he was indeed Gabbi's brother, I am damn sure that Rael's in great danger right now.

At hindi ako mapapakali kung tutunganga lang ako rito at walang gagawin.

Kaya sumunod ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro