Prologue
Prologue
In Erik Erikson's Psychosocial Theory of Development, people in their twenties through early forties were concerned with intimacy and isolation. They reached the stage where they developed a sense of individuality and could share their lives with others.
However, at thirty, I still hadn't found the one I wanted to spend my life with. People around me had a great deal of making me feel like I was running out of time.
Isang untold rule ng buhay na dapat bago ka ikasal, nasa long-term relationship ka muna. Three years? Five years? Seven years? Time matters. Ika nga ni Queen Elsa ng Frozen, you can't marry someone you just met.
"Vina, you're here!" sigaw ni Anne nang makita akong papasok ng hall sa hotel kung saan ginaganap ang first birthday celebration ni Trevor, anak ni Chin na matalik kong kaibigan.
Kumaway-kaway pa si Anne sa akin habang buhat ang dalawang taong gulang na anak niya. The other people on that table turned their gazes on me. Feel na feel ko naman ang paglalakad patungo sa direksyon nila.
I smoothed out my silver dress and tilted my head to the left to reveal my fair nape.
Tamang pa-cute lang ako sa mga nadadaanan ko habang tahimik na humihiling na sana ay wala pang asawa ang mga nakatingin sa akin. Sa mga ganitong pagkakataon na lang kasi nakalalandi ang kagaya kong busy sa buhay. I literally lost my social life because of medical school!
I sat beside my college friend, who was staring at me with malice.
"Kung tumitingin ka para sabihing maganda ako, save it. I know it already," I joked.
She scoffed. "Gandang walang dilig."
"Hoy, Anne!"
"Oh, bakit?" she asked, posing a challenge to me.
I frowned and shifted my gaze to the stage. "Ikaw nga nadidiligan pero ang pangit mo pa rin. Wala sa sex life 'yan."
I chuckled when she hit my shoulder with her free hand. Maya-maya pa ay ibinigay na niya na sa asawa niya ang anak nila. Ang kasama namin sa mesa ay mga kaklase rin namin noong college, at oo, ilang beses na rin nilang nabanggit ang pinaka-ayaw kong tanong.
"Vina, kailan ka ba mag-aasawa?"
I resisted the urge to raise my middle finger at her. Kung wala lang talagang mga bata sa mesa, naku! Kahit tuwing batch reunion namin, wala palya 'tong si Queenie sa pagtatanong tungkol doon! Akala mo naman talaga ay good catch ang asawa niyang anim na beses siyang niloko!
Wala pa akong asawa kasi wala pang may deserve sa akin!
"Kaya nga! Balita ko ay nililigawan ka ni Liam Garofil, ah?" sabat pa ng isa.
I let out a huge sigh.
"The Liam Garofil?! 'Yong artista?" gulat na pahayag ni Anne habang pinandidilatan ako ng mga mata.
I stared back at her, almost glaring. "Bakit gulat na gulat ka? Hindi naman imposible sa ganda kong 'to."
She raised her eyebrow and grinned. Para bang may naiisip na kalokohan. "So, what's the deal? Jowa mo? Fling? FuBu?"
I irked at her remarks. Goodness, gan'yan ba ka-imoral ang tingin niya sa akin?! "FuBu?! Girl, I'm not into sex before marriage..." Sinigurado kong ang pagsasabi ko noon ay dahan-dahan. Ngumisi pa ako.
Malakas siyang tumawa. "Gago!"
I smiled to myself. Everyone would be surprised to learn that I never had sex in my entire life; I just had a lot of fun making jokes about it... kaya akala nila ay may karanasan ako. Hindi naman sa ayaw ko. Talagang wala lang akong mahanap na pwede. Ang gusto ko pa naman ay 'yong complete package na! Sayang naman ang ganda at pinag-aralan ko kung maghahanap ako ng puchu-puchu lang!
I became too busy with medicine and psychiatry. Ni wala na nga akong oras para mag-inom no'ng nag-aaral pa ako! At ngayon namang katatapos lang ng residency ko sa America, wala na akong kaibigang pwedeng yayain na magbuhay-dalaga dahil lahat sila ay pamilyado na!
Noong college naman, kahit may social life, hanggang momol lang ang kinaya ng katapangan ko dahil natatakot akong mabuntis. I didn't put much faith in condoms and other kinds of birth control because I knew the surest way to avoid pregnancy was not to have sex at all. Puro biro lang talaga, kahit ang totoo, hindi ko makitang ginagawa ang bagay na iyon sa past flings and exes ko.
"Ano nga? Ikaw 'yong sinasabi ni Liam na non-showbiz crush niya?"
I cringed at the term. Crush. Parang bata.
"I rejected him. Ka-apelyido ni Irina, auto pass," tukoy ko sa dati naming kaklase na nakakulong na.
Matagal pa nilang pinag-usapan iyon pero hindi ko na pinansin. Kung makapag-kuwentuhan pa sila, akala mo ay wala ako rito.
Nothing's wrong with being single at thirty! Why are they making a fuss about it? Umirap na lang ako at nag-focus sa program.
Ngayon ay ipinapakita sa malaking screen ang video presentation ng pagbubuntis ni Chin hanggang sa panganganak niya kay Trevor. I scanned the entire place and saw her leaning on Troy's chest while carrying their adorable son.
Sa likod nila ay ang mga kaibigan ni Troy, sina Solene at Duke. The girl was pregnant, and she was crying as she watched the presentation. Hindi naman alam ni Duke ang gagawing pagpapakalma sa asawa niya dahil malakas ang ginagawa nitong pag-iyak.
When I took a good look around the hall, I noticed that almost everyone was with their partner.
I smiled.
They all seemed to have figured it out. Nakapag-settle down na at may sari-sarili nang pamilya.
I wonder how they knew who the right person was. Wala naman kasing device ang makapagsasabing tama ang pinakasalan nila. It was a risky choice to make. They must have felt a deep and abiding love for each other to enter such a commitment.
Aside from being melodramatic the whole time, wala na akong masyadong ginawa kung hindi ang makipagkuwentuhan sa mga dating kaklase. It was past dinner when the celebration ended. Dahil sa Laguna pa ginanap ang birthday ni Trevor, halos lahat ng bisita ay sa hotel magpapalipas ng gabi. And that included me.
Habang naglalabasan ang mga tao sa hall ay saka ako lumapit kay Chin. Her son was asleep.
"Vina!" she called me in a girly tone.
Tumango sa akin si Troy bago kinuha ang anak kay Chin. Duke also acknowledged my presence. Si Solene naman ay parang bata lang na nakasiksik ang mukha sa dibdib ng asawa.
Nagpaalam silang tatlo sa amin ni Chin para bigyan kami ng pagkakataon na makapag-usap.
"May after party mamaya pero hindi na ako sasama dahil pagod na 'ko..." She pouted. "Pero kasama naman sina Anne at Mich!"
"May gwapo ba sa after party na 'yan? Kung wala, hindi ako interesado," pabiro kong sabi.
Mahinhin siyang tumawa. "May mga darating mamaya na kaibigan ni Troy!"
Nginisian ko lang siya. Iniabot ko sa kanya ang regalo ko kay Trevor bago kami sabay na lumabas ng hall. It was just a simple silver bracelet. Wala akong maisip na pambata, eh! Sigurado naman kasing marami nang magbibigay ng laruan doon. Isa pa, bilang ninang ng batang 'yon, tama na siguro ang pagiging mabuting ehemplo ko sa kanya!
"Vina, ano'ng room number mo?" tanong ni Anne nang makasalubong namin siya sa labas. She was with Mich, another college friend.
"Room 712. Kayo?"
"We're on the same floor! 717 ako!" sabi ni Mich, pumalakpak pa.
Anne shrugged, chuckling. "Ikaw lang mag-isa sa room mo, Vina? Magkasama kasi kami nitong si Mich."
"She personally requested to have her own room. Alam n'yo naman 'to, saksakan ng arte," sabat ni Chin.
We were in the middle of talking when one of our college classmates asked for our room numbers. May balak pa yatang bumisita mamaya.
It went on. Halos lahat ng makakasalubong namin ay tinatanong kung ano ang room number namin. Wala namang kaso sa akin 'yon dahil kilala naman namin sila. Kung may balak man silang pumunta sa room namin mamaya para makipag-kuwentuhan, mabuti na rin 'yon para kahit papaano ay makasabay ako sa life crisis nila bilang mga nanay at tatay.
Nasa tapat kami ng elevator nang marinig ko ang pag-singhap ni Anne. Napangisi agad ako dahil alam ko na ang ibig sabihin noon.
May gwapo.
Sinulyapan ko kung sino ang minamata niya, at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. I sucked in a deep breath when my mouth started to feel dry. Pasimple kong inayos ang buhok ko dahil sa naramdamang taranta.
Calix Dylan Fujimoto walked up to the elevator, standing tall and proud. He was attractive, from the intensity of his eyes to the fine, masculine features of his face and body. His presence alone was just... unmatched.
Napabuga ako ng hangin. Pakshet, ang hot naman nito!
Nakasuot lang siya ng blue faded jeans at plain white T-shirt na hakab na hakab sa matipunong katawan niya. Ang buhok na may kahabaan ay nakatali at may nakasabit ding black aviator sa T-shirt niya.
I couldn't remember the last time I saw him. Ten years ago? Nine? Noong graduation? Hindi ko alam. Wala naman kaming pakialam sa isa't isa kahit madalas kaming magkahulihan ng tingin noon.
He was one of Troy's college buddies. Siya iyong tipong ngumingiti lang kapag nag-aasaran ang grupo, at ang balita ko ay isa siyang consistent Dean's lister ng Civil Engineering. He was a year ahead of me, pero kasabayan din namin silang nagtapos dahil five years ang program nila. He was also among the most valuable players of our university's basketball team.
I knew him because, despite that serious aura around him, he was admired by many of the girls in my batch. Hindi ko naman masabing totoong suplado siya dahil hindi ko naman siya nakausap noon. Not that I was planning to. Bukod kasi kay Duke, parang wala namang seryosong kaibigan si Troy.
Back then, he didn't seem like my type because he was too organized and reserved.
Pero shet, people change.
Mukhang mapapalaban talaga ako sa after party mamaya!
Sabay-sabay kaming pumasok sa elevator. Nagsisikuhan pa kami nina Anne at Mich dahil kaming lima lang ang nasa loob. Diretso lang ang tingin ko sa pintuan ng elevator kahit narinig ko ang pagbati ng mga kaibigan ko sa lalaki.
I didn't even know why my heart was pounding so hard against my chest! Hindi naman ako nag-kape pero ang lakas kong mag-palpitate!
"Sumali ka sa after party, ha? Sayang at hindi ka umabot sa celebration," sabi ni Chin.
I sneaked a peek his way to see his reaction, and to my horror, he was looking at me!
Parang tanga akong nag-iwas ng tingin habang nag-iinit pa ang pisngi. Lintek, ang lakas maka-babae nito! Bakit ba kasi siya nakatingin sa akin samantalang si Chin naman ang kausap niya?! Did he recognize me?
I mentally scolded myself. Vina, the guy didn't even know you!
He cleared his throat. "Yeah, may binisita pa akong property."
I sighed inwardly. Jusko, bakit naman ang lalim ng boses?! Nakakalunod!
"I'm sure nasabi naman na ni Troy kung saan ang room mo," sabi ulit ni Chin. "I will see you tomorrow. Hindi na kasi ako sasama mamaya."
Bumukas ang pintuan ng elevator at nagtaka ako nang makitang nasa fifth floor pa lang kami.
"Dito na ako," anunsyo ni Chin. "Mich at Anne, samahan n'yo ako sa room namin. I have some gifts for your children."
Halos mapasinghap ako nang sabay-sabay na lumabas ang tatlo. Akmang lalabas na rin ako nang pigilan ako ni Chin. She was grinning from ear to ear as if she were teasing me.
Umiling ako sa kanya nang padaanan niya ng tingin si Calix. Miski sina Mich at Anne ay nakangisi na.
Hindi ko alam kung ilang libong mura ang napakawalan ko sa utak ko lalo't napagtanto ko kung ano ang binabalak nila.
"Vina, bakit ka namumula? Nahihiya ka ba kay Calix?"
Lalong uminit ang mukha ko sa narinig. I knew that I teased her before with Troy, but I didn't expect a comeback! At hindi nga namin alam kung may asawa ang lalaki 'to o ano!
"Gago, may asawa yata 'yan..." I mouthed, cold sweat forming on my forehead.
Tumawa sila sa reaksyon ko. Nasa bandang likuran ko si Calix kaya sigurado akong hindi niya alam kung ano ang sinasabi ko sa tatlo.
"Walang asawa at girlfriend si Calix, kung 'yon ang itinatanong mo," pang-aasar ulit ni Chin.
I was pressing my palms when the door closed. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba! Tiningnan ko ang floor niya at lalong nagwala ang dibdib ko nang makitang sa iisang floor lang kami.
"I-I'm sorry about that..." I murmured.
Wow, Dr. Rovina Desamero of Procare Hospital, did you just fucking stutter because of a guy?!
Bumukas ang elevator, at kahit gaano ko kagustong takbuhin ang hallway para makarating na sa room ko ay hindi ko magawa lalo at nakasuot ako ng heels. Nauna pa siyang lumabas kaysa sa akin dahil sa sobrang kaba ko.
I let out a sharp breath. Nagalit ba siya sa pang-aasar sa amin? He didn't even bother answering me! I know my friends were childish, but he could've just told me it was nothing!
Patay talaga sa akin mamaya ang mga babaeng 'yon! Mabuti sana kung college pa rin kami, pero ngayong trenta'y anyos na, hindi na bagay ang mga ganoong pang-aasar sa amin!
Paano ako didiskarte niyan kung umpisa pa lang, sinira na nila ang plano ko? Nakakahiya!
Nakarating ako sa tapat ng room ko at ramdam ko ang presensya niya dahil ilang metro lang naman ang layo niya sa akin.
To make everything worse, mukhang magkatabi pa talaga ang room namin!
I turned my head in his direction, and again, I was surprised when I caught him looking at me.
I fought the urge to gasp. Huwag mo na lang akong tingnan kung hindi mo naman ako kayang mahalin!
Mukhang inaabangan niya pa ang pagtingin ko dahil kahit nahuli ko siya ay hindi niya inalis ang mga mata sa akin.
"Your number..."
Ilang sandali akong natulala sa kanya, hindi sigurado kung ano ang tinutukoy niya. Habang lumilipas ang bawat segundo ay minumura ko ang sarili ko dahil hindi ako makasagot.
Napahinga ako nang malalim sa napagtanto. Everyone had been asking for this. Dahan-dahan kong itinuro ang pintuan ng kwarto ko.
"7-712." Fuck my tongue! "Room 712!"
He cocked his head and smiled. That simple act exposed his prominent jaw.
"I mean your number..." pahayag niya ulit, parang ipinapaintindi sa akin ang sinabi niya. He bit his lower lip to keep his smile from coming out because he probably realized I didn't understand what he was saying.
"Your phone number."
Lalong tumahip sa kaba ang puso ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa habang ang kamay ko ay nakapatong na sa saradong pintuan ng kwarto dahil hindi ko na kayang suportahan ang bigat ko.
Napakurap ako.
I'm sorry, Queen Elsa, looks like I want to marry someone I just met.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro