Epilogue
Epilogue
Trigger Warning: Sensitive language and content. Read at your own risk.
Isang hampas pa sa akin at napaupo na ako sa sahig. Galit na galit ang mukha ni Papa, siguro ay natalo na naman sa sugal. Kita ko ang nakababatang kapatid ko sa ilalim ng hagdan, nakabaluktot at takot na takot.
"Maghanda ka ng pagkain!" sigaw ni Papa kay Mama na ngayon ay nakasandal lang sa pintuan habang nagyoyosi.
Umirap si Mama. "Pautangin mo 'yang si Calix sa kabila. Wala na tayong bigas."
Nanatili akong nakaupo sa sahig. Masakit ang pisngi ko at siguradong magpapasa 'to.
"Carol, putangina! Ang ingay mo!" sigaw ulit ni Papa.
Napatalon sa gulat si Carol at may kung ano sa puso ko ang kumirot para sa kanya. Kahit masakit ang paa at tuhod ay tumayo ako para lapitan siya. Yumakap siya sa akin at tahimik na umiyak.
Nag-buntonghininga si Mama habang nakatingin sa amin, punong-puno ng pandidiri ang mukha.
"Ang baho n'yo na," kumento niya pa. "Tara nga sa complex. May sabong daw ro'n," yaya niya kay Papa.
Umiling ang huli. "Nagugutom ako." Tumingin ito sa akin. "Bumili ka ng de lata sa kabila! Bilisan mo!"
Dala ng labis na takot ay hinawakan ko si Carol at hinigit palabas ng bahay. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Mabuti at hindi na nagsalita sina Papa nang isama ko ang bunsong kapatid sa tindahan.
"Kuya, gagamitin mo ba ulit ang baryang nalimos mo kahapon?" umiiyak na tanong niya. "Paano tayo mamaya? Wala po tayong pagkain."
Ngumiti ako sa kanya. "Aalis naman sila, eh. Pupunta ulit ako sa palengke, okay?" Tumango siya. "'Wag mong isipin 'yon. Si Kuya ang mamomroblema ro'n."
"Naku, Calix! Bakit namamaga ang pisngi mo? Sinaktan na naman ba kayo ng walanghiya n'yong ama?!" puno ng pag-aalalang tanong ng ale nang makarating kami sa tindahan niya. Hindi ko alam ang pangalan niya pero mabait siya sa amin. "Inireklamo ko na 'yan, pero mukhang walang kakilos-kilos ang mga awtoridad!"
Nahihiyang tumungo ako. "Isa pong sardinas, ale," sabi ko sabay abot ng dalawampung piso. Huling pera ko na iyon. Hindi ko alam kung paano ang pagkain ni Carol mamaya.
Napa-buntonghininga ang matanda. Iniabot niya sa akin ang kailangan bago ko muling hawakan ang kamay ng kapatid. Nang makauwi ay ibinigay ko kay Papa ang de lata. Napagalitan pa ako dahil hindi raw iyon ang gusto niya.
Isang oras pa bago sila umalis. Umakyat kami ni Carol sa taas matapos maglinis ng pinagkainan nina Mama at Papa.
"Aray," mahinang daing Carol habang ginagamot ko ang sugat niya sa tuhod.
"Mas masakit kapag hindi natin nilagyan ng cream 'to," nakangiting saad ko sa kanya.
Nanahimik siya at pinanood ako sa ginagawa.
"Kuya, sana araw-araw birthday natin, 'no?"
"Bakit naman?"
"Para hindi tayo pinapalo."
Ang salita niyang iyon ang nagtulak sa akin sa pagpaplano ng pag-alis sa bahay. Hindi kasi lumilipas ang isang araw na kung hindi kami bubulyawan ay bubugbugin naman kami ni Papa. Tuwing bumibisita naman sina Lola Harriet at Lolo Ken ay hindi nila kami pinalalabas sa kwarto.
"Calix! Nanlilimos ka ba?! Nasaan ang nanay mo?" halos sugurin na ako ni Lola nang makita na naman niya ako isang araw sa palengke.
Hiyang-hiya ako, pero wala akong ipapakain kay Carol kapag hindi ako nanlimos. Tumalikod lang ako at tumakbo para makatakas kay Lola. Baka kasi pagalitan niya ako.
Pero hindi lang isang beses nangyari iyon dahil nang mga sumunod na araw ay lagi na niya akong inaabangan. Dala ng takot ay hindi na lang ulit ako pumunta sa palengke.
"Carol, gumising ka," bulong ko sa kapatid habang mahimbing na natutulog ang mga magulang namin.
"Antok pa ako, Kuya," aniya.
"Bilis na! Baka maabutan tayo nina Papa." Binitbit ko ang bag na naglalaman ng mga gamit namin.
"Saan tayo pupunta? Iiwan natin si Gwen?" inosenteng tanong niya sa akin habang tumatayo.
"'Wag ka na munang maingay..."
Unti-unti kong binuksan ang pinto. Nang makitang walang tao sa labas ay tinawag ko si Carol. Una akong lumabas at hawak ko ang kamay niya para sa oras na maabutan kami ay hihilahin ko siya patakbo.
Hindi kami pwedeng umalis kapag wala ang mga magulang namin sa bahay. Marami silang kakilala sa barangay namin, at mataas ang posibilidad na may makakita sa amin. Baka may makapagsumbong. Hindi pa kami matuloy sa pagtakas.
Nakapag-ipon na ako ng pamasahe. Ang pinakaamagang bus ang kailangan naming maabutan.
Pababa na kami ng hagdan ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Papa.
"Saan kayo pupunta?!"
Nanginig agad ako sa sigaw niya. Hindi ako lumingon sa likuran ko. Hinigpitan ko lang ang kapit kay Carol at handa na akong tumakbo nang mahigit agad ni Papa ang kapatid sa akin.
"Pa!" takot na sigaw ko nang ibinalibag niya si Carol sa gilid. Napahampas ang ulo ng kapatid ko sa gilid ng kahoy na upuan at nakita ko ang pagdugo nito.
Napatingin ako kay Papa, galit na galit ang mata.
"Huwag mo akong tinitingnan nang gan'yan, Calix!" Isang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ko. "Tatay mo ako!"
Sumabog ang galit sa puso ko. "Wala ho kayong kwentang tatay!"
Lalong nag-alab ang tingin niya sa akin. Dumapot siya ng isang babasagin na vase at handa na iyong ihampas sa ulo ko nang biglang ibinato ni Carol ang isang upuan. Nakita ko ang pagbaon ng nakausling pako sa binti ni Papa kaya napaigik ito sa sakit.
Kahit kinakabahan ay sumigaw ako.
"Carol, halika na!"
Malapit na siya sa akin nang mahigit ni Papa ang buhok niya. Parang lalabas ang dibdib ko sa labis na takot at kaba, pero nang makita ko kung paanong walang habas na pinaputok ni Papa ang labi niya at kung paanong itinulak niya ito hanggang sa mahulog sa hagdan ay parang nawalan ako ng buhay.
Duguan ang kapatid ko at walang malay na nakahiga sa sahig. Hindi ko alam kung nagulat din si Papa sa nangyari, pero dahil sa ingay namin ay nakita ko na lang ang pagpasok ng mga kapitbahay sa pintuan namin.
Wala na akong ideya sa sumunod na nangyari. Ni hindi pumasok sa isip ko na inilibing namin ang kapatid ko. Ang alam ko na lang ay sina Lolo at Lola na raw ang magpapalaki sa akin. Kasabay rin ng pagkakakulong ni Papa ay ang pagkalubog ni Mama sa utang. Kasama ang child abuse ay nagpatong-patong ang kaso niya.
I grew up having to deal with the abuse and violence. I grew up blaming myself for my sister's death. Nang sumunod na taon, I was diagnosed with depression. Kapag nakikipaglaro sa mga batang ka-edad ko ay tahimik lang ako madalas. Tuloy ay walang nagtatagal sa akin.
Kahit ang kaibigan ni Carol na si Gwen ay hindi ko iniimikan.
I withdrew myself from everyone. Ipinagpapasalamat ko na lang na mahinahon sina Lolo at Lola dahil hindi sila sumisigaw. Takot na takot kasi ako sa ganoon.
It was a total reset for me. Hindi ako sanay kapag hindi ako binubugbog. Hindi ako sanay na mamuhay nang walang takot.
My sister died because of my plan. Kung hindi ko siya binalak na itakas, hindi kami hahantong sa ganoon.
"Pray hardest when it is hardest to pray," sabi ng Sunday School teacher namin. "Alam n'yo ba ang kasabihang 'yon?"
Umiling ang mga kaklase ko.
"Ang sabi ni Pastor, when the pain is deep, go deeper in prayer," nakangiting saad niya pa. "Iba ang comfort na dala sa atin ng Lord, kasi alam nating lahat na may pangako siya na pwede nating panghawakan."
Those words spoke to me, and so I found myself obeying her. Kapag may gusto akong ipagpasalamat, lalo sa buhay nina Lolo at Lola, nagdarasal ako. Kapag naaalala ko ang pananakit ni Papa, nagdarasal ako. Lagi at lagi kong ginagawa iyon dahil tama nga ang Sunday School teacher namin... iba ang kalinga ng Diyos.
Nang tumuntong ako ng kolehiyo ay nagkaroon ako ng mga kabarkada. Sumasabay ako sa trip nila at medyo dumadaldal na. I tried my best living like a normal college student. Nakikipag-asaran, nakikipagtawanan, at nakikipagkwentuhan.
"Calix, nagpapatulong si Troy sa activity center. Mag-a-arrange daw ng upuan. Nautusan ni Ma'am Victoria." Si Calvin.
"Ano'ng meron?"
He shrugged. "Orientation daw ng first year."
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya paglabas ng room. Wala pa kami sa activity center ay rinig ko na ang ingay ng mga bagong estudyante.
Napailing ako. Nakakapagod 'to.
"Yown! Pakshet!" saad ni Troy nang makita kami. "Hindi ko mapatulong si Duke. May quiz kami mamaya. Kailangan niyang mag-review para may kokopyahan ako."
Napangisi na lang ako. Siraulo.
Pumunta kami sa storage room at kumuha ng mga monobloc. We arranged the chairs accordingly. Naririndi ako sa ingay ng freshmen kaya matapos ang pagsasalansan ay naupo ako sa gilid at isinuot ang earphones ko.
Wala pang ilang minuto ay napuno na ng estudyante ang activity center. Kita ko sa gilid ko sina Troy at Calvin na naghahanap na naman panigurado ng babaeng pwedeng landiin. Pangisi-ngisi pa ang dalawa na akala mo ay walang dumi ang uniporme.
Napailing na lang ako. I took off my earphones and was about to stand when the place was suddenly engulfed by the sound of a pop song. Agaw atensyon ang isang balingkinitan at mapusyaw na babae nang tumayo ito at pabirong sumayaw.
Her friends cheered her on. She swung her hips teasingly before closing her eyes and throwing her hands above her head. Her long, thick, black hair trailed behind her as she danced. I didn't know why she seemed to radiate when she laughed at the people watching her.
A grin appeared on my lips.
Cute.
Hindi ako mabilis ma-attract sa ganda ng isang babae. I appreciate some, like Solene and Gwen, but not to the point that I'll be drawn to them. Kaya ngayong nakatingin sa babaeng may magandang ngiti ay hindi ko maintindihan kung bakit natulala ako sa kanya.
She looked like she was having fun. Halatang-halata iyon sa mga mata niya. Nakakahawa tuloy.
She was still smiling as her focus shifted to my direction. She tilted her head cutely and smiled even wider when our gazes met.
That simple gesture wreaked havoc on me. I didn't know anyone with a lovelier smile than she had.
Simula noong araw na iyon ay lagi ko na siyang napapansin. She was loud, but really beautiful. Tuwing pumupunta kami sa department nila ay hindi ko kailanman siya naabutan na hindi nakangiti.
"Grabe, nakaka-drain talaga magturo si Sir Will! Halos lahat ng prof wala, pero siya... jusko! Parang etits, pasok nang pasok!" narinig ko pang saad nito habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
Napayuko ako at napangisi. Ang sama ng bibig.
"Tangina mo talaga, Vina!" natatawang sabi ng kaklase niya.
Vina... that's her name?
"Kabwisit kasi! Nag-recite ako tapos sinabi other answer?!"
Napansin siguro ng mga kausap niya na paparating kami nina Troy, Calvin, at Owa dahil nanahimik sila. Isa sa kanila ay itinuro pa kami.
Dumaan ang tingin ni "Vina" sa mga kasama ko, may magandang ngiti pa rin sa labi. Dahil nasa likuran ay ako ang huli niyang tiningnan. Pansin na pansin ko kung paanong nawala ang ngiti niya. I quickly looked away especially when my heart started to feel weird again.
Hindi lang iisang beses nangyari iyon. Tuwing may program sa school ay awtomatikong hinahanap siya ng mata ko. She was like a breath of fresh air. Kapag nakikita ko siya, ang gaan ng pakiramdam ko.
"Walang pasok bukas. Tara inom!" yaya ni Calvin sa akin.
Umiling ako. "May program."
"Sus, wala na 'yon! Magpa-attendance na lang tayo."
Mula sa pagbabasa ay nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Manonood ako ng program."
Kumunot ang noo niya. "Tangina, 'wag na!"
"May dance contest bukas, 'di ba?" pasimpleng tanong ko bago muling ibinaba ang mata sa binabasa.
"Ano naman?" takang tanong niya. "Hindi ka naman sumasayaw. Ano't interesado ka?"
Hindi ko siya pinansin. I can't miss the event tomorrow. Madalas kong makitang nagpa-practice sina Vina at ang kagrupo niya ng sayaw. I want to watch their performance.
"May trip ka ro'n?" He finally got a hint.
I chuckled. "Hindi lang trip."
Inasar niya ako at pinilit na sabihin kung sino ang minamata ko roon pero tinawanan ko lang siya. Wala naman akong ibang pinagkukwentuhan no'n. Kahit nga kay Lola ay hindi ko binabanggit ang pangalan niya. Sinabi ko lang na magaling sumayaw at maganda.
My eyes were fixed on her as she danced on the stage with so much confidence and poise. She was catching her breath. Beads of sweat formed on the sides of her face, yet she still looked so sexy in her outfit. Ilang beses siyang napatingin sa gawi ko habang ipinagdarasal ko na sana ay huwag siyang makahalatang sumisilay ako.
Vina #JunkTerrorLaw @rawvina_
galaw galaw baka pumanaw
Vina #JunkTerrorLaw @rawvina_
haha ni hindi kami friends sa fb ampota
Vina #JunkTerrorLaw @rawvina_
tamang bantay lang sa messenger baka may magchat na mvp from civil engg chz lang di ko type mukhang suplado
Those were her tweets after the dance competition. Nang mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang nangyari. Calvin and Troy were pressuring me to tell them about the woman I liked, but all I did was laugh.
Alam ko sa sarili kong hindi ko pa priority ang pagpasok sa isang relasyon. Isa pa, malabong magustuhan ako ni Vina. My personality might be too boring for her. I didn't have the same energy and humor as she had.
Siya lang ang nagustuhan ko buong college, kaya nang magtapos kami ng pag-aaral ay pinilit kong ibaon sa limot ang pagtingin sa kanya. She was way out of my league.
Napatunayan ko iyon nang bumagsak ako sa board exam. Everyone, including my grandparents, had high expectations of me. I was a consistent Dean's lister for eight semesters. Kung hindi lang ako nagkaroon ng 2.25 sa dalawang minor subjects ay magiging Cum Laude ako.
But then, as I looked at the list of the board passers, I felt like I disappointed myself more than anyone else.
"You should've studied more," sermon sa akin ni Lolo. "I enrolled you in a review center. Don't waste my money, Calix."
Yumuko ako. "Sorry po, Lo. Ako na po ang sasagot sa pag-rereview ko next year."
Naiintindihan ko siya. Pinag-aral nila ako at kinupkop kahit na pakiramdam ko ay hindi naman nila ako responsibilidad. Tapos ngayon, binigyan ko pa sila ng kahihiyan.
Lola Harriet reached for my hand. "Don't pressure yourself too much. Magpahinga ka muna."
Malungkot na tumango lang ako sa kanya. Nakakadismaya. Ni hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Halos hindi na ako natutulog makapag-review lang.
The next months, Lola was diagnosed with cancer. Lalo akong nawala sa focus. Kinailangan kong magtrabaho para ma-i-confine agad siya sa malaking ospital sa Maynila at para sa medications niya. Tinulungan kami ni Sir Aldrin, ang ama ni Gwen, sa mga gastusin at bilang pasasalamat ay paminsan-minsan akong nagtatrabaho sa ramen house nila.
Doon ko rin nakilala ang business partner ko, si Rod. Magaling siyang makipag-usap sa tao at naengganyo niya akong pasukin ang pagiging real estate agent. Hindi monthly ang sahod doon dahil hindi naman kami laging nakakabenta ng lupa.
I was so preoccupied with making money that I disregarded studying for the board exam. And though I expected it already, once again, I failed.
"I'll take the—"
"Stop your fantasy, Calix. You're not made to be an engineer," galit na sabi ni Lolo nang sabihin ko ang resulta ng exam. "Focus on your work now! You have to start earning!"
Kasabay ng pagbagsak ng puso ko ay pagbitaw ko sa unang pangarap. Baka tama si Lolo. If it was meant for me, I shouldn't have struggled this much. Sayang lang ang mga taon na ginugol ko para mag-aral dahil sa huli, bigo pa rin ako.
For years, I focused on working. I was able to get myself a secondhand motorcycle and bought a dog, Matcha. She was so sweet and quiet. Tuwing umuuwi ako ay naaabutan ko siyang naghihintay sa akin... parang si Carol lang noon tuwing uuwi ako mula sa panlilimos.
"Ang layo ng inuuwian mo. Dapat ay maghanap ka na ng matutuluyan malapit sa trabaho," suhestyon ni Lola.
"'Wag ako ang alalahanin mo, La. Kumusta ang pakiramdam mo?"
Sumimangot siya. "Malakas pa ako. Tama talaga ang paniniwala noon. You can survive cancer even without the right treatment."
Umiling ako bago humalik sa noo niya. "Hindi gano'n. Makinig ka muna sa sinasabi ng doctor mo. Next year ay magpapa-chemo na tayo, ha?"
Bukod sa pisikal na karamdaman ay may mental health problem din si Lola. Ilang beses na rin kaming bumisita sa psychiatrist dahil nalulungkot siya sa sakit niya. Mabuti na lang at maaga naming nalaman ang cancer niya kaya naagapan pa. Hindi agad ni-recommend ang chemo. Pero ngayong lumalala ang lagay niya ay kailangan ko na talagang makapag-ipon. Hindi rin naman sapat ang kinikita ni Lolo bilang retail sales associate.
"Susunod na lang ako. May tripping pa kami," saad ko kay Troy nang imbitahan niya ako sa birthday celebration ng anak.
"Hindi ka pumunta no'ng kasal ko! Pumunta ka ngayon!"
Napatawa na lang ako. Last week niya pa ako kinukulit tungkol doon kaya nagpaalam ako sa mga kasamahan ko sa trabaho na pagkatapos naming bumisita sa property ay hindi na ako babalik sa office.
Pagdating ko sa hotel ay nasa labas na ang mga kabarkada ko. Bumusangot agad si Troy nang makita ako.
"Medyo napaaga ka ah!" sarkastikong aniya.
Calvin tapped my shoulders. "Kumusta? Tagal mong walang paramdam."
I chuckled. "May binisitang property."
Lumapit si Duke. "May alam ka bang lupa sa Makati?"
"Commercial?"
Tumango siya. "Patatayuan ko ng bagong bakeshop ni Sol."
"Mamaya na ang trabaho!" singit ni Owa.
Napatawa ako bago tapikin si Duke. "Usap tayo next time."
Pumasok muna ako sa loob ng hotel dahil nag-alisan din naman sila at nagtungo sa kanya-kanyang asawa bukod kay Troy na in-entartain pa ang mga bisita. Hindi pa ako nakakarating sa tapat ng elevator ay bahagya akong napatigil.
Si Vina.
Mabuti at napagalitan ko agad ang sarili kaya kahit dinadaga ang dibdib ko ay nagtungo ako sa tapat ng elevator kung saan sila nakatayo.
Napakatagal na no'ng huli ko siyang nakita. I went on a date with a few girls over the years, but I never had the chance to be in a relationship. I wonder if she has a boyfriend... or a husband. Lalo ngayong mas gumanda siya. I wouldn't lie. Paminsan-minsan ko siyang naiisip dahil isa siya ang bumuo ng college life ko. Though we have common friends, I didn't expect to see her again.
"Sumali ka sa after party, ha? Sayang at hindi ka umabot sa celebration."
Hindi nag-sink in sa akin ang sinabi ni Chin dahil nakatingin lang ako sa likuran ng babaeng naka-silver na dress. I'm thinking of talking to her. Nakita ko naman kina Calvin at Troy kung paano sila makipag-usap sa babae. Maybe I can try that? I don't know. I don't really talk much.
Pinigilan ko ang pagngiti nang asarin nila si Vina sa akin. I realized that she was single... kasi kung hindi, hindi naman siya tutuksuhin ng mga kaibigan.
"Your number..." saad ko nang nasa labas na kami ng magkatabing hotel room.
My heart was frantic. Ni hindi ko na nabuo ang gustong sabihin dahil sa kaba. And why did I even ask her number?! Ni hindi manlang ako nangumusta! Number agad!
Her cheeks flushed. "7-712. Room 712."
She looked nervous, but I tried my luck. "I mean your number..." Her lips parted. "Your phone number."
Nagkatitigan pa kami. She was all set to answer me when her phone rang. Noong una ay hindi niya pa pinapansin iyon, pero nang makita kung sino ang tumatawag ay napanguso siya.
"Ano... teka lang. I have to answer this."
Tumango lang ako. Nauna siyang pumasok sa loob at doon lang ako napa-buntonghininga.
That takes a lot of guts, Calix. Ang taas ng pangarap mo talaga.
Inaasahan kong naroon si Vina sa after party at nasa plano ko na ang kausapin siya. Ang kaso ay nagkaroon daw ito ng emergency call.
"Ang hirap talagang maging psychiatrist," saad ng isang kaibigan niya na hindi ko alam ang pangalan. "Hindi mo alam kung kailan ang atake ng sakit ng pasyente mo, eh."
Natahimik ako sa gilid.
So, Vina is a psychiatrist? Wow.
"Tingnan mo nga at hindi na nakapag-boyfriend manlang! Daming nanliligaw na mayaman, pero hindi pinapatulan."
Of course. What did I expect? Mayayaman ang manliligaw niya. Hindi lalo papalag sa akin 'yon. Baka pagtawanan lang ako.
Maaga palang ay umalis na ako sa hotel. Bold of me to take a step forward. Ni hindi nga yata ako kilala ng babae.
But then, after two weeks, I saw her again in a hospital, wearing a doctor's coat. She looked elegant and respectable. Nakakahiya talaga ang ginawa ko.
"Ah, opo. Si Dr. Rovina Desamero po. Naghahanap po ng tenant 'yon dahil walang nakatira sa second-floor ng bahay niya," sabi ni Nurse Yesha kay Lola.
"Naku, babae..." bulong ni Lola.
I cleared my throat. "Uhh... do you have her number?"
Mukhang nagulat ang nurse. "Bakit po?"
"I'll inquire."
Hindi naman siya nagdalawang-isip na ibigay sa akin ang number.
"Calix, bakit naging interesado ka? Hindi ba at ayaw mong lumipat?" nangingiting tanong ni Lola sa akin.
"Nakita mo ba 'yong may-ari ng bahay, La?" Inayos ko ang buhok niya. "Type ko po."
Nanlaki ang mata niya at agad na hinampas ako. "Baka kapag doon ka tumira ay kung ano ang gawin mo sa babae!"
I chuckled. "Para namang hindi ikaw ang nagpalaki sa akin."
That same day, I called Vina. Napagkamalan niya pang kaibigan ako. Nang magkita kami sa ramen house ay halos matulala pa ako sa ganda niya. I just couldn't believe I was talking to her. Wala na akong naiintindihan sa sinasabi niya dahil tuwing nagsasalita siya ay parang nangungusap ang mata niya.
Kinapalan ko na ang mukha ko. Lagi ko siyang tinetext at pasasalamat ko na lang na nagrereply siya. Mabilis ko ring mahalata sa boses o mukha niya kapag may dinadala siya. Sa halos araw-araw ko kasing pagsilay sa kanya noong college, nasaulo ko na ang iba't ibang ekspresyon niya. I knew when she was having a bad day. I knew when she was happy. Sumasabay ang mata niya kapag ngumingiti siya.
Sa ilang interaction namin, pakiramdam ko ay gusto niya rin ako. I was not sure if she was just being playful or what. Ayoko namang pangunahan ang sarili. Inakala ko pang kasintahan niya ang pamangkin.
Nang tumira kami sa iisang bahay ay napansin ko ang ilang habit niya. Pansin ko ring ayaw niya kapag makalat kaya kapag wala siya sa bahay at may oras ay naglilinis ako.
"Matcha, 'wag ka d'yan sa kwarto ng Mommy mo," saway ko sabay buhat sa alaga. Mabuti na lang at nasa trabaho si Vina. Hindi niya malalamang nakapasok si Matcha sa silid niya. Hindi niya malalalamang Mommy na siya ni Matcha.
Napatingin ako sa kulay ng kwarto niya. I smiled when I realized she liked warm colors and earth tones. May ideya naman na ako lalo at puro ganoon ang kulay ng mga damit niya. Hindi ko lang inaasahan na pati ang silid ay may parang may specific na color palette.
Matcha barked, probably asking for food. I kissed her head and fed her. Hindi naalis sa isip ko ang mga hilig ni Vina. And so, when I went to Vigan, I made a beige scarf for her.
Nang may matira ay iginawa ko rin si Matcha. It looked good on her.
"Baba tayo sa hotel. Bibili lang ako ng dinner. Gusto ni Maureen ng Mexican cuisine," tukoy ni Rod sa fiance.
Sumama ako sa kanya at bumili na rin ng dinner para sa amin ni Vina. She didn't know that I would go home tonight.
But before I exited the place, I saw her seated on a table with a celebrity. Sobrang dami nilang pagkain... at kasama pa nila ang pamilya ni Vina. Hindi ko man sila nakikita pa, alam kong ina niya ang isang babae.
My heart ached at the sight. I couldn't afford that. Lagi lang kaming nag-raramen o nagluluto ni Vina. Hindi ko kasi nakalakihan ang paggastos ng libo-libo para sa ibang bagay at pagkain.
At that moment, I realized how different our worlds were. I had a few drinks with Rod and when I got home, a delivery man approached me.
"Galing po kay Sir Liam. Pakibigay na lang po kay Ma'am Vina."
I couldn't afford those luxurious gifts. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. I only have a handmade scarf... anong laban noon sa mga regalo ng lalaki?
But then, when I saw how sad my girl was, all my doubts disappeared. I confessed my feelings. I told her that I liked her since college. It was a very impulsive move, but I didn't regret opening my heart to her.
And when she told me to be her boyfriend, I felt blessed for a lifetime.
Our relationship was ideal. Hindi kami nagkakaroon ng malalaking pagtatalo. We compromised with each other. Ayoko ng nagseselos siya kaya lumalayo ako kay Gwen. I didn't want her to feel like she was not my priority.
"Hindi ka nakapasa ng board exam?" tanong sa akin ng Mama ni Vina.
Napayuko ako. "Uhh... I'm planning to take the exam again, Ma'am."
Dumaan ang disgusto sa mukha niya. "Dalawang beses?"
Hindi ako manhid. Alam kong ayaw niya sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil maraming ibang nanligaw kay Vina na successful. Unlike me. My heart and pride got broken when I saw how they treated Liam. Of course they would choose him over me. Wala naman kasi akong maipagmamalaki.
Vina assured me. Sapat na sa akin 'yon. Babawi naman ako.
Balang-araw, magiging karapat-dapat din ako para sa kanya.
Everything was going well. Nag-ki-chemo si Lola at maayos ang relasyon namin ni Vina. We even did it. I lost control. She was just too beautiful, and my heart couldn't handle her kisses.
"Calix," boses ni Mama ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang tawag mula sa hindi pamilyar na numero.
My anger stirred. Nanumbalik sa akin lahat ng ginawa nila sa amin ni Carol.
"Wala na ang Papa mo. Pwede ka bang bumisita rito, anak?"
Ibinaba ko agad ang tawag. Nanginginig ako sa galit. Ito ang unang beses na tinawagan niya ako mula nang mangyari ang insidente noon. They were the reason why I grew up miserably. They abused and abandoned me. They even murdered my sister.
I closed my eyes and fought my own thoughts. Nasa kwarto ako ngayon at pinipilit ang sarili na huwag alalahanin ang ginawa nila sa amin.
After a series of doubts, I found myself calling the suicide hotline. Lagi ko itong tinatawagan tuwing gusto ko ng makakausap.
"Tumawag po si Mama ngayon sa akin," pag-amin ko. "I'm so mad... and I'm thinking of something really brutal. I want her dead as well..."
Nakinig lang sa akin ang nasa kabilang linya. I told her everything. Mula sa pagiging maayos ko ng mga nagdaang buwan dahil kay Vina hanggang ngayong tumawag si Mama.
"Tell your girlfriend," she said. "She's a psychiatrist, right? She'll know what to do."
Umiling agad ako. "No. Her family doesn't like me. I can't add more reasons for them to disprove me."
Vina caught me talking to someone on the phone. I saw doubts in her eyes... but my fear of being known as someone who was mentally weak was stronger than my eagerness to tell her my experiences.
Kaya lang, ngayong nakikita ko ang lungkot sa mukha niya, alam kong natalo na ako.
I would tell her. Maghihintay lang ako ng tamang tyempo. I planned it in my head. Pagbalik ko mula sa island na ibebenta namin ay sasabihin ko sa kanya kung sino ang nakausap ko.
She was all I thought about.
"May girlfriend ka?" tanong ni Ms. Cielo. Siya ang may-ari ng isla na ibebenta namin.
I nodded. Mabait ang ginang kahit maraming sabi-sabi tungkol sa kanya. Ang alam ko nga ay may asawa siya.
"Nako, Ma'am, loyal na loyal 'yan kay Vina!" nakangising saad ni Rod.
Napangiti na lang ako. I miss her.
"Sayang." Ms. Cielo chuckled.
"Bakit po?" Si Rod.
Umiling ang babae. "I want to shoot a video with him."
Pabiro lang iyon pero kinilabutan ako. Tawa nang tawa si Rod at inaasar pa ako sa kliyente namin. Isang beses pa ay nagalit ako sa kanya dahil alam niyang may kasintahan ako at itong panunukso niya ay kabastusan kay Vina.
Kahit medyo naiilang kay Ms. Cielo ay patuloy ako sa pakikipag-usap sa kanya. It was purely business. Kaya nang yayain niya kaming mag-dinner ni Rod ay walang pagdadalawang-isip kaming pumayag.
"Nag-iinom kayo?" tanong niya matapos naming kumain.
I do, but I shook my head. Tatawagan ko pa si Vina mamaya.
"Opo, Ma'am!" Rod uttered enthusiastically. Dinali ng kamay niya ang hita ko kaya napatingin ako sa kanya. He was urging me to drink with them. "Baka malaki ang maging commission natin. Umoo ka na."
Thinking of money and my expenses, I agreed. Hindi na lang ako magpapakalasing.
Nang ilabas ang inumin at nakitang hindi naman mataas ang alcohol content noon ay nakahinga ako nang maluwag. I wouldn't get drunk.
"You look really hot, Calix," titig na titig na saad sa akin ni Ms. Cielo matapos ang pag-inom ko ng alak sa mataas na baso.
She said it with so much malice that I had to bow my head and avoid her gaze.
"Gaano na kayo katagal ng girlfriend mo?" tanong niya pa.
My head throbbed. "Seven, Ma'am."
"Ah, bago palang pala." Tumawa pa ito.
My head started spinning, and before I knew it, my face hit the table. Nahimasmasan ako nang parang may gumagalaw sa ibabaw ko. I couldn't recognize her face. She was touching my chest down to my abdomen.
"Who are you?" Ipinikit ko ang mata. I must be dreaming. My head felt light.
"Vina," she whispered.
The woman above me didn't feel like Vina. She wasn't as warm and soft as my girl. She started stroking me, but I just closed my eyes and imagined Vina.
I didn't know how it happened, but I was sure someone was doing something in my body. Paminsan-minsan ay nawawalan ako ng malay at kapag nagigising ay nararamdaman ko ang pagkuskos sa akin ng kung ano. It must be a dream. I must've missed Vina so much that I was dreaming of doing it again with her.
But in the morning, I woke up naked next to Cielo Amore.
"What did you do?!" galit na galit na sigaw ko nang makita ang babae sa tabi ko. My breathing was uneven because of so much rage inside me.
Cielo Amore lazily opened her eyes. I felt disgusted.
"I pleasured you well last night," she whispered.
I got so mad that I started throwing things around the room. Three of her men immediately heard the sound, but all hell broke loose because I found myself beating them.
I was so enraged that even breathing was painful. All I could see was red. What have they done to me? What have they done to my body?
Nang makarating sa sariling silid ay parang kakapusin ako sa paghinga. I closed my eyes tightly as my childhood experiences came rushing through my head. The punches, the slaps, the blood.
In the midst of breaking down, I remembered Vina.
I was raped. Cielo Amore drugged my drink. I was sure of that. The ecstatic feeling was because of the drug.
If Vina finds out... she'll cry. The thought of seeing her cry scared me. I don't want that! I won't be able to take that!
"Vina," malamyos ang tinig na tawag ko sa kanya. "Kasama mo pa sila?" I asked, referring to her friends.
I was trembling in fear. Any minute now, Cielo Amore and her men could open the door of my room... like how my father would wake me up just to beat me.
"Oo."
The sound of her voice warmed my heart. I needed to go home now. I couldn't stay here, knowing someone had pretended to be Vina to harass me.
Natahimik kami parehas. I didn't know what to say. Tears stung in my eyes when I realized that I was really raped.
"Vina... kasi..." I sighed.
"Hmm?"
Tuluyang nalaglag ang luha ko. I wanted to hug her. I wanted to tell her what happened to me... but I didn't want to make her sad. That was the last thing I would do.
"Miss na kita," I mumbled. "Gustong-gusto na kitang makita."
"Calix, ano'ng nangyayari? You can tell me."
Umiling ako sa sarili. No, I shouldn't. Maybe someday I could tell her... but not now... not when she was miles away from me.
"Calix?" Humina ang tinig niya.
Another tear escaped my eye. "Wala 'to. Na-mi-miss lang kita."
Nagpaalam siya sa akin na kailangan niyang tawagan si Mark, at nang maibaba ang tawag ay napaupo na lang ako sa sahig. I felt dirty. I felt used. Hindi na nga ako karapat-dapat kay Vina, nangyari pa 'to. How could I ever face her again? I would only make her cry.
The next days, I didn't call Vina. Puro palitan lang kami ng text. Pigil na pigil akong tawagan siya dahil baka masabi ko sa kanya ang nangyari sa akin. I locked myself in the room, terrified of the people outside.
And my terror grew when I heard a loud knock on my door.
"Calix, lumabas ka na d'yan! Come on!" sigaw ni Cielo.
Ipinikit ko ang mga mata sa pagpipigil ng galit. I prayed and prayed. That was the only thing that could keep my sanity.
Hinang-hina ako nang makapasok ang mga tauhan niya sa silid ko. I couldn't move. Two men held my arms. Lumapit si Cielo sa akin at ang mga daliri niya ay naglaro sa dibdib ko.
"You have a nice body. I want to fuck you again," nakangising aniya.
Walang rumerehistro sa isip ko. I felt her kissing my neck, but when she was about to touch my manhood, I forcefully pushed the men holding me and held Cielo's face with so much wrath. Nanginginig ako habang mariin ang hawak sa babaeng nambaboy sa akin.
"Leave me alone," I warned.
Malakas na malakas ang ginawa kong pagtulak sa kanya na tumama pa ang katawan niya sa dulo ng mesa. Surprised by the anger in my voice, Cielo ordered her men to exit my room.
I called Vina after that. She was the only person who could calm me. I needed to hear her voice. I needed to see her face.
"Eh, bakit hirap na hirap kang sabihin sa akin?!" Her voice broke. "If you're not cheating on me, then what the hell is your reason, Calix? Hindi ako manghuhula!"
She was shouting at me over the phone... and it triggered the negative emotions inside me. Galit siya sa akin... galit na galit ang mahal ko sa akin.
"You're shouting again," mahinang saad ko dahil hindi na naman banayad ang paghinga ko. "Let's just talk after you calm down. Ayokong sabayan ang init ng ulo mo."
"Wow!" Sarkastiko siyang tumawa. "Ako na naman ang mali!"
It scared me more than the way I scared for my life. I don't want her mad. Kapag nagalit siya sa akin, sino pa ang tatawagan ko?
"Pati ikaw, iniisip na mali ako? Na bawal akong mapagod? Bawal akong magalit?" Tumulo ang luha niya. "Bawal akong sumigaw kasi may trauma ka."
"Pero, Calix, paano ako? Paano ang trauma ko?"
She started sobbing and I could only feel my heart breaking as I watched her. "You know my past... you know my issues... sinusubukan ko naman. Believe me. I'm trying very hard not to doubt you. Mahal kasi kita, eh. Please, sabihin mo lang sa akin kung sino ang nakakausap mo para hindi na ako mag-isip." Huminga siya nang malalim. "Calix, please don't become someone I hate."
Those words stabbed me. I was so weak for someone like her. Baka tama nga ang mga magulang niya, marami pang iba para kay Vina. She deserved more than a man who couldn't communicate well. She deserved more than a man who had an ugly past.
Saka lang pumasok sa isip ko ang kalagayan niya. Kung hindi ako nagkakamali ay may napansin akong sugat sa gilid ng bibig niya at pasa sa pisngi.
I was about to call her again, but when I remembered her words, I stopped. I called Mark instead. Sigurado akong alam niya ang nangyayari sa Tita niya.
"Mark, may problema ba si Vina?" tanong ko.
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim, parang hirap na hirap sa sasabihin.
"Napagbuhatan ng kamay ni Lolo. Umalis kasi si Lola."
Dalawang pangungusap lang pero agad na umahon ang pag-aalala sa dibdib ko. She was... beaten?
"Kung kaya mo nang umuwi, umuwi ka. She needs you now."
That made me so eager to go home. Tumawag ako agad sa mga pulis para ipaalam kung anong nangyari sa akin dito sa isla. I have to go home! My girlfriend needs me!
"Ikaw? Mararape? Lalaki?" tawa ng pulis.
My lips parted.
"At sino kamo? Si Cielo Amore? Gago ka, ah! Taas ng pangarap mo." Tumawa ulit siya. "Kapag naka-sex mo 'yon, hindi 'yon rape! Panaginip 'yon!"
Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ay naibaba na niya ang tawag. I called again but they kept on rejecting my calls. Sinubukan ko pang sa ibang station tumawag pero iisa sila ng sinasabi: walang lalaking nagagahasa.
I didn't have a boat. Si Cielo Amore lang ang may sasakyan paalis sa lugar na ito.
"Rod, tulungan mo naman ako," halos magmakaawa na ako sa kanya. "Lagi kong nahuhuli sa kwarto si Cielo... at nasa labas lang ang mga tauhan niya. I need to go home. Kailangan kong uwian si Vina. She's going through something now."
He shook his head and tapped my shoulders. "Sex lang naman 'yon, pre. Hayaan mo na. Kaunting tiis lang 'yan. Sayang ang ipinunta natin dito kung uuwi ka ngayon."
That moment, I felt hopeless. Nang mga sumunod na araw ay hindi na ako nanlaban kapag pinapadala ako sa kwarto ni Cielo.
Wala akong kakampi... sa dami ng taong naroon, walang tumayo para tulungan ako. Paminsan-minsan, kapag nasa wisyo ay lumalaban ako pabalik, pero mas madalas ay hinahayaan ko silang saktan ako.
Kapag nasa loob ako ng silid ng babae, apat na tauhan niya ang nakahawak sa akin. She would trace and stroke me. Paulit-ulit iyon. At sa tuwing nangyayari iyon ay diring-diri ako sa sarili. My body never reacted to her touches. Kahit ilang beses niya akong hawakan at haplusin ay pandidiri lang ang nararamdaman ko.
The penetration only happened once, but I lost count of the times she sexually harassed me.
Kinuha pa nila ang cellphone ko at wala akong nagawa kung hindi ang hayaan silang gawin ang gusto nilang gawin.
I just want to go home.
Lord, please let me go home.
I stared in the darkness as the waves lapped at my toes. I've had enough of this life. The moon gleamed brightly, luring me to drown myself in the ocean. Maybe the water could help me cleanse my body. Maybe it could eliminate the traces left by that woman.
I never craved death until now. I was back to it again—waking up in fear and going to bed trembling... like my old child self. Things would never change. My life would never get better.
Slowly, I walked into the water until it reached my chest. I closed my eyes. I was so ready to face death.
So close.
But then, Vina's face passed across my mind. Tuwing ngumingiti siya kapag naaamoy niya ang niluluto ko, tuwing nagniningning ang mga mata niya kapag nakikita ako sa labas ng ospital, at tuwing ngumunguso siya kapag nakikitang magkasama kami ni Matcha sa sofa at hindi siya kasali.
"I'll be the one that stays 'til the end..."
It played in my head. It was my song for her. If I left now, who would stay with her?
"I'll be the one that needs you again. I'll be the one that proposes in a garden of roses, and truly loves you long after our curtain closes."
I closed my eyes and imagined the day I sang that song for her. She cried because of happiness. She cried because of so much love for me.
"'Cause I am the one who has waited this long, and I am the one that might get it wrong. And I'll be the one that will love you, the way I'm supposed to, girl..."
It was just a song... but it was my promise to her. I promised to be the universe she deserved. I promised to work hard to be deserving of her. I promised to marry her.
"She needs you now."
Mark's words echoed in my head. My girlfriend needed me... so what was I doing here? I had to go home! I had to hug her! I had to console her!
And Lola Harriet! Sa akin siya umaasa para magpagamot! I shouldn't leave her like that!
Lumangoy ako pabalik sa pangpang at nanalangin, humingi ng tawad sa Diyos dahil sa naiisip ko. Kapag matindi ang problema, dapat mas matindi ang pananalangin ko. My God has a promise... He will not abandon me.
And surely, He didn't.
I was busy fighting the men when I saw Gwen, looking at me with curiosity. Hindi ko alam kung bakit, pero nang oras na makita ko siya ay hindi ako nakapagsalita.
Baka hindi niya rin ako paniwalaan. Baka gaya ng lahat, sabihin niya rin sa akin na ginusto ko 'yon.
But I was wrong.
"Let's get you home, Calix," madiing aniya. "I will fucking ruin those people. I promise you." Puno ng awang tumingin siya sa akin. "Did that whore rape you?"
Rape... I was raped.
I nodded like a child. I endured so much over the weeks... I even couldn't believe I survived.
"Putangina. I will fucking fix this," saad niya pa. "Hold your head up! I don't wanna see you miserable! Hindi mo kasalanan kaya huwag mong iparamdam sa akin na parang sinisisi mo ang sarili mo!"
After she left my sight, I broke down. Napagtanto ko kung gaano ako kapagod sa nangyari... at kung paanong nandidiri ako sa lahat at sa sarili ko.
"Thank you so much, Gwen. I owe you my life. Thank you..." halos bulong na saad ko nang makaalis kami sa isla. If it weren't for her, I knew I wouldn't live.
I'm going home... finally... I'm going home.
She shook her head. "Don't worry about anything. I'll make sure to get the justice you deserve."
That was my least concern now. Gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang makita si Vina. Iyon na lang.
"I will do everything you want me to do, Gwen. Just tell me."
Muli siyang umiling. "If you're thankful to me, please get over your trauma. That'll be a long journey, Calix... so you have to stay rooted."
Hindi ko alam kung paano ko maipapakita ang pasasalamat sa kanya. I even requested her not to tell Vina anything. I didn't want my girl sad.
And when I saw her house, I knew I was home.
Naabutan ko siyang nag-iinom, at doon palang ay durog na durog na ako. She was all alone... like me. She endured a lot, too.
Kung pwede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman niya, gagawin ko. Basta bumalik lang ang ngiti niya. Basta bumalik lang ang ningning ng mga mata niya.
But then, I realized that I was just as broken as she was. My trauma doubled. My suicidal thoughts had grown more prevalent. Kahit na gustong-gusto kong yakapin at lapitan siya ay natatakot ako... narurumi ako sa sarili ko.
And so, I decided to leave her. I couldn't love her fully. I couldn't tell her what happened to me. I couldn't even comfort her... even though I could see grief and agony in her eyes.
Gusto kong sabihin sa kanya na alam ko na ang nangyari kay Mark pero tuwing sinusubukan kong lumapit sa kanya ay nararamdaman ko ang paglayo niya.
Maybe she was disgusted.
Nang minsang binisita ko pa siya sa ospital ay nalaman kong hindi na siya nagtatrabaho. Faye told me that Vina was fired... and that I should ask her directly about what had happened. Alam kong hindi iyon sasabihin sa akin ni Vina. We grew distant with each other. Ilang pamimilit pa ay sinabi na rin sa akin ni Faye na may tsansang matanggal ang lisensya ng babae.
Nang marinig iyon ay gusto ko siyang yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na ako pa rin 'to... marumi... pero ako pa rin ang lalaking nagmamahal sa kanya.
"Nasa Hipsters si Vina kasama si Liam," Troy informed me.
Selos na selos ako. Inggit na inggit. Pero wala akong magawa dahil hindi ko kayang samahan si Vina sa mga oras na kailangang-kailangan niya ako... hindi gaya ni Liam.
I saw our breakup coming, but when it came, I still felt as if the other half of my heart died.
Hindi madali. Everyday was a struggle for me. I received counseling while I was reviewing for the upcoming board exam. I was on medication. Tuwing umaatake ang trauma ko ay umiinom agad ako ng gamot.
"Wait for me," saad ko habang hinahaplos ang larawan ni Vina kasama si Matcha. "I will be strong for you... I promise."
I reviewed all day... all night. Kapag napapagod ako ay titingnan ko lang ang picture ni Vina. Madalas akong samahan ni Matcha magpuyat. Natutulog lang siya kapag matutulog na ako.
"I hope your Mommy's doing good." I caressed her head.
She barked as if agreeing with me.
"Do you miss her?"
My heart ached when she barked again.
"Same, bud. I miss her so much, too."
I thought I wasn't going to make it. I mean, dalawang beses na akong bumagsak. Parang imposible na ang pagpasa.
But God showed me His grace again.
"Calix, apo ko!" umiiyak na sabi ni Lola habang nakatingin kami sa screen ng laptop. "Hindi ka lang pumasa... nag-top ka pa!"
In front of my grandparents, I cried. I did it. With the help of God, Lolo, Lola, Matcha, and Vina, I did it.
"I'm sorry for doubting you, Calix. You don't deserve my treatment." Si Lolo Ken.
Maraming tumawag sa akin para sa interview. Halos pag-agawan pa ako ng mga companies. I did everything slowly. Kailangan kong pag-isipan ang bawat hakbang.
And after some months, I gathered my courage to see Vina again. Maybe we can have a new beginning. I will try my luck again. I will love her in the best way that I can.
Nasa gate na ako nang makita siya. Nakatingala siya sa langit at kapansin-pansin ang pamamayat niya. Sa tabi niya ay may maleta at dalawang hand luggage.
My lips parted as I stared intently at her. She still looked sad. Her eyes were still lifeless.
"Aalis ka?" I asked, hoping that she wouldn't nod.
But she did.
Binuksan niya ang pinto sa likuran niya.
"Coffee?" tanong niya pa.
It didn't sink right away. Aalis siya. Hindi ko na siya makikita. Inside my pocket was the ring I bought her... but I guess I would never have the chance to give it to her.
"Babalik na ako sa America."
I was pained... because I knew she needed to do this. At wala akong magagawa para pigilan siya. She had to heal. She had to have that beautiful smile again.
I watched her leave, knowing she had taken my heart with her.
Unang mga buwan na wala siya ay hirap na hirap ako. Gusto kong sundan siya pero mas matindi ang kagustuhan kong hayaan siyang mag-isa. She didn't need me anymore... especially now that I was one of the people who had hurt her.
"Get over it, Calix! Hindi pwedeng habang inaayos ni Vina ang sarili niya ay ganito ka! You should heal yourself as well! Paano kapag bumalik siya?" litanya ni Gwen.
We became friends after the incident. Siya rin ang nag-asikaso ng kaso ko dahil marami raw siyang ebidensyang hawak kay Cielo. We also learned that the woman paid Rod to keep his mouth shut.
"I can't believe you're my first love," she uttered in disbelief.
I smiled at her. "Thank you, Gwen."
Over the years, a lot of things have happened. Lola Harriet beat cancer. I earned enough money to build my Vina a home with a dance studio. Gwen helped me imprison Cielo. It was a victory on my part, but every night, I still find myself longing for Vina. She never left my mind. When I was idle at work, eating, and even before I went to sleep... she was all I thought about.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Troy.
"Vina."
He grunted. "Bakit ayaw mong sundan na lang?"
Tumawa si Calvin. "Mahirap ang ginagawa mo, Calix. Posibleng may makilalang iba 'yon at hindi na bumalik."
Siguradong masasaktan ako kung mangyayari iyon, pero kung iyon ang makakapagpabalik ng ngiti niya, I didn't mind hurting. I stole her happiness. Nang mga panahong kailangan niya ako, ni hindi ko manlang siya nayakap.
"Be it," I replied. "I just want her to be happy." It was very hard to say. "Iyon lang... basta masaya siya."
But that night, I fell on my knees, begging God to prevent that from happening. I wanted to be selfish, because deep in my heart, I was sure I wanted her all to myself. Hindi ko kakayanin kapag iba na ang minahal niya. I wanted to be the man who could bring her happiness.
Pinigilan ko ang pumunta sa America kahit nakailang bili na ako ng ticket para sundan siya.
Pero nang maimbitahan ang church namin sa isang malaking church sa Seattle ay hindi ako nagdalawang-isip na umoo. May mission ang leaders namin at iyon ang nagtulak sa akin na bumili ng tickets para sa members. It wasn't much. Mas malaki ang naitulong nila sa akin kaysa sa perang nagastos ko.
And the other part of me wanted to see her. Kahit sulyap lang. Makita ko lang na maayos siya, alam kong kakayanin ko na ulit mabuhay nang masaya sa mga susunod na taon.
"Chin, saan pala si Vina sa America?" I asked casually, para bang walang plano.
Napatingin sa akin ang babae. "Hmm?"
I chuckled. "Pupunta kasi kami sa Seattle. Church activity."
Her eyes widened. Napatingin siya sa paligid na parang naghahanap doon ng sagot.
"Ah!" she uttered, unsure. "Sa New York! Malabong magkita kayo ro'n." She laughed awkwardly.
I bit my bottom lip as I lowered my gaze. New York, huh? My baby is in New York.
Una akong nagising sa mga kasamahan ko kaya nauna akong nagtungo sa simbahan nina Pastor Marco. Nasa gilid lang ako habang pinapanood ang mga bagong dating na members. As expected, puro Americans ang naroon.
"Engineer, let's sit in front," yaya sa akin ni Pastor Marco.
I was about to go with him when a woman for whom my heart had longed for years entered the church. I couldn't believe it at first. I was stoned... stuck on my feet... as she sat in the chair gracefully. I could hear my own heart celebrating, thumping violently against my chest.
Vina... my Vina.
May tumawag kay Pastor Marco kaya nagpaalam siya sa akin, pero hindi ko na siya nabalingan ng tingin dahil napako ang mga mata ko kay Vina.
My eyes welled up with tears as I realized how much I missed her. Ngumingiti siya sa mga bumabati sa kanya at natutulala lang ako dahil alam ko... bumalik na ang saya niya.
And I was even more in love with her when I saw her lifting her hands to God, crying, and singing the worship song with all her heart as if she was surrendering all to Him.
For the first time in years, I was able to tell myself that I did a great job of not following her in this country. I was able to tell myself that the tears I'd cried weren't wasted. I was able to tell myself that I could die in peace knowing that the woman I loved was a woman of God.
Hindi ko napigilan ang sariling lapitan siya.
And the moment I heard her voice, I prayed for another shot.
One thing I was sure of was that she didn't like my presence. She was awkward around me. Halatang pinipilit lang na makasama ako. It was yet another slap in the face. She moved on. Ayaw niya na sa akin. Nalimutan niya na ako.
"Engineer, do you like Doc?" straightforward na tanong sa akin ng isang binata habang nag-aayos kami para sa couple's night.
Napatingin ako kay Vina.
Her beauty resembled the radiance of the moon, shining even in the darkest of times. She traveled through several phases of life, yet she came back full and bright. And even though I hadn't seen her for years, like the moon in the dark sky, my heart knew she was there.
Kahit hindi ko natatanaw, sa puso ko, kailanman ay hindi siya lumisan.
"I love her," I said, gaining tease and laughter.
She confessed everything to me. Of how much she blamed herself for what happened. Of how much she wanted to apologize to me.
I realized that we were on the same page. I thought I had failed her, too. I thought I was to blame, too.
"You are better off without me."
Her words pierced my heart because I didn't want to be better without her. She was my biggest inspiration to make it this far. She was my drive to move forward.
Umuwi ako sa Pilipinas hindi lang para sa project na itinawag sa akin ng employer ko kung hindi para na rin ipahinga ang puso.
Babalik ako kay Vina. Hihinga lang ako. Pag-iisipan ko kung ano ang susunod kong plano. I can't give up now.
When I saw her being as beautiful as she was, I lost myself. She came back to the Philippines and at that time, I promised not to let her go again... not knowing that she had promised herself that, too.
"Marry me, Calix."
My heart throbbed because of so much happiness. Kulang ang pasasalamat ko sa Diyos para mabayaran ang kasiyahang natatamasa ng puso ko.
I married the woman of my dreams. I married the woman who held the most beautiful smile. I married the woman God had chosen for me.
And no, I'm not lucky. I'm way beyond that. I am blessed.
"Baby ko na cute at mataba," my wife sang while carrying our eight-month-old son. Pinugpog niya ito ng halik at kitang-kita ko kung paanong nagningning ang mata niya sa saya. "Magkakaroon na 'yan ng kapatid dahil humahabol sina Mommy at Daddy," paghehele pa niya.
I laughed at the term. She's currently two months pregnant with our second child.
"Mark Danielle Fujimoto," nanggigigil na aniya pa. "Mahal na mahal ko rin ang kapangalan mo."
Tinanggal ko ang apron matapos magluto. Lumapit ako sa mag-ina ko na nakaupo sa couch. Agad na humarap sa akin si Vina at ngumuso kaya hinalikan ko siya.
"Love you!" She smiled and showed me our son. "Baby, sabihin mo kay Daddy na love mo siya... dali!"
Mark giggled. "Da-da!"
Kasabay ng pagtili ni Vina ay ang pag-apaw ng kasiyahan sa puso ko.
"Oh, my gosh! Ako naman!"
Our son giggled again. "Da-da!"
Doon napasimangot si Vina. "Ay, favoritism? Sige, kina Matcha, Sushi at Maki na lang ako. Wala na. Wala na si Mommy."
Tumawa ako bago kinuha sa kanya si Mark. I kissed her head after kissing my son's cheeks.
"Magpahinga ka. Ako na muna ang mag-aalaga," malamyos na saad ko. "You're pregnant, Vina. Don't exhaust yourself too much."
She shook her head. "Nag alaxan ako."
I grunted at her joke. Tumawa lang naman siya. Nagpunta kami sa kusina at pinanood ko siya habang kinakain ang niluto ko.
I have a family of my own now. They're my greatest blessings, my favorite verses, and my most precious gifts from heaven.
Vina chuckled, and right there, I fell deeper.
Throughout the years, I noticed how much she affected me... how much she impacted me. And I would never trade that for anything.
Whenever I was with her, I could hear the unfamiliar sound of my laughter. I could see the nostalgic glint in my eyes. I could feel the warmth that illuminated my heart.
For the first time in a long time, I was free. I was happy. She was the one who kept me going—my dosage of serotonin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro