Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9


Chapter 9

"Two weeks, Vina..." pamimilit ulit ni Liam. "Please, kahit dalawang linggo lang."

I let out a sigh. One thing I hated about men was how forceful and demanding some of them could be. Mahirap bang intindihin ang salitang "ayoko"?

I steered clear of Liam's piercing gaze. I felt bad for rejecting him so soon, but I didn't see our supposed relationship going elsewhere. He couldn't make me laugh. He couldn't make me feel safe. Getting into a relationship with him was a surefire way to end up with a broken heart. It was never going to work out.

"One date," I said just to silence him. "I'm sorry, Liam, but that's all I could give."

Yumuko siya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatayo. Lumapit ako sa pinto bago muling bumaling sa kanya.

"Let's meet for dinner on Friday. Please don't make things difficult for us. Friendship is the only thing I could offer," pinal na saad ko.

Tumayo rin siya at binigyan ako ng ngiti. "I'm sorry for insisting, Vina. I understand... and I would love to be your friend..." Lumungkot ang mukha niya. "The guy you like is one hell of a champ."

"Thank you, Liam. Babalik na ako sa mga kasama ko. I'll just text you on Friday."

Hindi ko na hinintay na makasagot siya dahil lumabas na ako ng room. I knew I made the right decision, but I couldn't help myself but feel guilty. Katatapos niya lang sa trabaho at sa akin siya dumiretso matapos ang ilang buwang hindi pagkikita para lang maka-usap ako. He even made time for me. Ibinakante niya ang isang buwan para sa akin.

"Tita, nakatulog si Yesha," bungad sa akin ni Mark nang makabalik ako sa couch. "Hindi ko pwedeng ihatid sa kanila 'to nang ganito. Hindi alam ng Mommy niya na nag-iinom siya ngayon."

Pasalampak akong umupo sa couch. Hilong-hilo na ako.

"Mark, she's 26," tanging nasagot ko.

He scratched the back of his head. "Eh, strikta talaga ang Mommy niya, eh. Kapag umuwi siya nang ganito ang lagay, baka hindi na siya mag-27."

Oh god.

"Bayaran mo muna ang bill natin." Iniabot ko sa kanya ang pitaka ko. "Sa bahay muna tayong lahat matulog."

Tumango siya at sinunod ang sinabi ko. I looked at Yesha and scowled at her even if she was fast asleep. Bwisit na 'to! Ni hindi manlang hinintay kung anong nangyari sa akin at kay Liam! Walang kuwentang kaibigan!

Mark carried her on his back. Pagkauwi namin ay tinalian niya pa ng buhok ang babae dahil pinagpapawisan ito. He took off her shoes and placed her on my bed. Maarte ako pagdating sa mga ganito pero wala akong choice dahil lasing na lasing ang babae.

Sumandal ako sa pintuan habang pinupunasan ni Mark ang noo ni Yesha. Binuksan niya pa ang aircon!

"Tita, bihisan mo kaya?" nag-aalalang saad niya. "Parang naiinitan kasi..."

Pakiramdam ko ay nawawala ang tama ko sa ginagawa ni Mark. Walang imik ko siyang pinalabas sa kwarto para bihisan si Yesha. Medyo natagalan ako dahil napakalikot niya.

Nangingiting napailing na lang ako nang matapos. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Mark sa kusina, nagtitimpla ng kape... habang inilalabas sa maliit na bag niya ang ilang bond paper.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko bago naupo sa tapat niya. Kinuha ko ang isang tasa ng kapeng itinimpla niya.

Ngumiti siya. "Mas active ang braincells ko kapag ganitong oras."

Kumunot ang noo ko. "Magre-review ka?"

"Oo." Tumawa siya.

I chuckled, too. "At dala mo 'yang reviewer mo sa club?"

Tumango siya, nakangiti pa rin.

Hindi ko na siya inabala. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. Wala na akong pwesto sa kama lalo at feeling reyna si Yesha habang nakahiga. Hindi ko siya kayang tabihan. Sigurado kasi akong lilingkis siya sa akin.

Pumunta ako sa sala at nahiga roon. I checked my phone and grinned when I read Calix's texts. Hindi ko na siya nakausap simula kanina.

From: Calix Dylan

Nand'yan na kayo?

From: Calix Dylan

I hope you're having a great time.

From: Calix Dylan

Don't dance with strangers, Vina.

From: Calix Dylan

Text me when you're done. I'll wait for you. Ingat kayo.

Napahawak ako sa ibabang labi ko. I picked its skin to keep myself from smiling. Calix and his small gestures! May ibang messages din si Liam pero ni-replyan ko lang siya na magpahinga na.

I typed a reply to Calix.

To: Calix Dylan

I'm home with Mark and Yesha. Nalasing si Yesha kaya dito na namin dinala. It's late. You're probably sleeping right now. Good night, Calix!

Bahagya akong dumungaw sa kusina at nakita kong seryosong-seryoso si Mark habang nagbabasa. He was mindlessly fiddling the pencil with his lips as if he were deep in thought. Maya-maya ay tumayo ito at sinilip si Yesha sa kwarto. Nang masigurong ayos ang babae ay bumalik siya sa kusina.

He didn't even realize that I was watching his move.

"Tita, 'yong kape mo! Dadalhin ko d'yan," saad niya mula sa kusina. Wala pang isang minuto ay bitbit na nga niya na ang kape at reviewer sa pwesto ko.

Umupo siya sa sahig at inilapag ang reviewer sa center table.

"Dito ako magre-review ha? Isang chapter na lang naman 'to," aniya.

Tumango ako. "Saan ka matutulog? Ipaglalatag na ba kita? May spare bed ako d'yan."

"Ako na mamaya. Baka kasi hindi na rin ako matulog," sagot niya.

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako nang ayos.

"Na-text mo na ba ang Mommy ni Yesha?" tanong ko. Tumango lang siya. "Eh, ang Papa mo? Nasabihan mo ba na dito ka matutulog?"

Ibinaba niya ang pen na hawak at nag-angat ng tingin sa akin. Wala pa siyang sinasabi ay nabasa ko na agad ang mabilisang pagdaan ng lungkot sa mata niya.

"Kay Mama lang may pakialam 'yon," mahinang saad niya. "Hindi no'n mapapansin na wala ako sa bahay."

Something pinched my heart. His parents were never close to him, especially when he had to retake his program. I lost track of how often Kuya Rexter beat him up because he didn't do well in school. Kung hindi niya lang ako pinipigilan ay matagal ko na iyong na-report.

"I-text mo pa rin," tanging nasabi ko. "Baka gawin pa nilang rason 'yan para mas lalong magalit sa 'yo."

Tumango siya. "Mamaya, pagkatapos kong mag-review."

I gave him a small smile. Ayoko siyang abalahin kaya bumalik ako sa pagkakahiga ko. I looked at my phone and noticed a reply from Calix.

I bit my lower lip. Gising pa, ah?

From: Calix Dylan

What are you doing? Can I call?

It was sent five minutes ago. Hindi na ako nag-reply sa kanya. Tumayo ako, nagpaalam kay Mark, at pumunta sa terrace para tawagan siya. Bitbit ko rin ang ginawang kape ni Mark para sa akin.

Umupo ako sa pasimano, nakaharap sa buwan.

After a few rings, Calix answered my call.

"Hello," I greeted him. "Ba't gising ka pa?"

Tonight, the sky was devoid of stars. It was just the moon, glowing for all to see.

"I told you I'd wait for you..."

Hindi ko na naitago ang ngiti ko. Tumatama sa balat ko ang lamig ng hangin kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko.

"Did you enjoy?" he asked.

I breathed. This... This was the same feeling I was forcing myself to have for Liam. It felt raw and natural. 'Yong kaunting pagtatanong lang ni Calix, ramdam ko agad ang sinseridad niya. Kaunting tingin lang, parang alam niya na agad ang naiisip ko.

How come we didn't have a thing back in college? Aside from having a few flirty relationships, I was single the whole time. Wala rin namang nababalitang kasintahan nito, at nakumpirma ko iyon nang sabihin niyang wala pa siyang nagiging ex.

"Yup. Ikaw? Ano'ng ginawa mo ngayon?" tanong ko.

"Naghintay lang." He chuckled. "Tagal mo." Muli siyang tumawa.

Parang sinisilaban sa init ang pisngi ko. "Kasi naman, ba't mo ba ako hinihintay? May mga kasama naman ako. Paano pala kung alas-sinco kami natapos do'n?"

"Edi puyat," sagot niya. "Sa messenger tayo."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Video call."

Napahawak ako sa mukha ko. Sigurado akong magulo na ang make-up at buhok ko! Ni hindi pa ako naghihilamos dahil tinatamad pa ako! Kagagaling ko lang sa pagkakahiga kaya paniguradong ang pangit ko!

"Ano... Totoo ba? Kasi... magulo ang itsura ko ngayon," natatarantang saad ko. "Hindi pa ako nakakapag-ayos."

He chuckled. "Vina, I saw you sleeping on the couch with your mouth wide open and I still thought you were beautiful."

"Calix!" pigil ang pagsigaw ko. It happened on Saturday while we were cleaning. I was so exhausted that I fell asleep right away! I forgot that I was with him! "Ang sabi mo ay hindi mo ako aasarin do'n!"

"I'm not teasing you," depensa niya. "I noticed a few scratches on your lips, though. Napaano 'yon?"

My hand flew to my lips. "Tinutuklap ko kasi."

"Huh?" bahagyang tumaas ang boses niya. "You're hurting yourself?"

I rolled my eyes. "Hindi naman masakit! Ang sarap kayang tuklapin! Medyo mahapdi pero satisfying!"

"Dudugo 'yan. Come on, sa messenger tayo. Let me see..."

I let out a sigh and dropped the call. Wala pang isang minuto ay tumatawag na siya sa messenger. Talagang hindi niya ako binigyan ng chance makapag-suklay manlang!

I answered the call and adjusted the focus of the camera. Nag-init agad ang mukha ko nang makitang naka-sando lang siya. Nasa terrace din siya pero dahil may kaunting ilaw ay kita naman namin ang isa't isa.

My heart hammered. His thick, shiny hair looked so good on him. Sumasabay iyon sa bahagyang paghampas ng hangin sa kanya. His sharp jaw and narrow nose rekindled my already blazing attraction to him. His eyes also seemed in a daze, and his lips protruded slightly as if he wanted me to stare at them for a long time.

My god, gusto ko ng kiss!

"Sabi mo hindi ka pa nag-aayos," he uttered.

"Oo nga!" depensa ko sa sarili. Hinawakan ko ang buhok ko. "Tingnan mo, ni hindi ako nagsuklay!"

He looked so focused on the screen of his phone. Bahagyang umawang ang labi niya.

"You're wearing a lipstick," out-of-context na sabi niya.

I gulped. "O-Of course! Galing ako sa club, eh. Alangan namang pumunta ako ro'n nang maputla, 'di ba?"

Tumango siya. "Hindi ko makita nang ayos ang sugat mo dahil naka-lipstick ka."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop it! Hindi naman big deal 'yon... at para namang may magagawa ka."

"I will buy you something... a lip therapy oil, I guess?"

"Hindi na kailangan no'n. Mannerism ko talaga 'to." I pouted. "Mag-aaksaya ka lang ng pera. Uulit-ulitin ko lang din naman."

"Pag-usapan na lang natin 'yan pag-uwi ko... Ano'ng nangyari sa club? Aren't you drunk?"

Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari kanina. Hindi naman na siguro importante iyon, 'di ba? I mean, sinabi ko naman kay Liam na may iba akong gusto. Isa pa, wala pa namang namamagitan sa amin ni Calix.

"Nahihilo ako kanina, pero maayos na ako ngayon," sagot ko. "Ikaw? Hindi ka pa ba magpapahinga? You had a long day, Calix."

"Then... let's talk some more," he said, his voice low and husky. "You should go inside. We don't want your skin to get bitten by mosquitoes."

"Nag-re-review sa loob si Mark, eh. I don't want to bother him. Hindi rin naman malamok dito." I chuckled when I remembered someone. "Nasaan pala si Matcha? Did she give you a hard time?"

He was so focused on the screen that he didn't seem to hear what I was saying. Para siyang nakatitig lang sa akin dahil ako lang naman ang nasa screen ng cellphone niya! Well, not unless he was doing something while talking to me!

"She was sleeping. Hindi naman mahirap alagaan. Sanay na ako ro'n," sagot niya makalipas ang halos sampung segundo. "May I see your wrist? Para kasing may nakita akong red marks kanina no'ng inayos mo ang buhok mo."

"Huh?" Tumingin din ako sa palapulsuhan ko. Itinapat ko ito sa camera para ipakita sa kanya. "Wala naman ah?" I tried moving it. "Pero medyo masakit nga."

"Bakit? Ano'ng nangyari d'yan?"

I rolled my eyes. It was probably because of Liam.

"Kumalma ka. Hindi ako mamamatay," sabi ko na lang.

We talked until both of us were sleepy. Nauna akong magpaalam dahil hindi ko na kaya ang antok. Pumasok ako sa loob at nakita si Mark na natutulog sa pwesto ko kanina. Nakapatong sa dibdib niya ang reviewer.

I sighed. Kumuha ako ng isang blanket at inilagay iyon sa kanya. Tinanggal ko ang papel sa dibdib niya para makahiga siya nang maayos. Sinilip ko rin si Yesha at napangiti ako nang mapansing tulog na tulog siya.

I slept in my spare bed that night and was greeted by Mark's bright smile when I woke up.

"Rise and shine, Tita!" masayang saad niya.

Napamura ako sa isip ko. I need to remind myself not to let this jerk sleep in my house again.

"Nagluto kami ni Yesha ng umagahan. Umayos ka na!"

I grumbled, my eyes cloudy from sleep. "Ano'ng oras na?"

"Seven!"

Great, tatlong oras lang ang tulog ko.

Ididiretso ko pa sana ang tulog ko nang higitin ako ni Mark patayo.

"Mark naman!" reklamo ko. "Ang aga-aga, eh!"

Tumawa siya. "Shunga ka! Maaga rin ang pasok n'yo. Bilisan n'yo nang kumilos at ako na ang magsasarado nitong bahay."

Wala akong nagawa. Bakit ba kasi Monday night kami nag-inom?! Pagdating ko pa sa kusina ay parang mayordoma si Yesha roon. May spam, fried rice, at pancakes sa mesa. Nakangiti siya sa na para bang ang ganda-ganda ng gising niya.

"Ganoon pala ang pakiramdam kapag natulog ka sa kama ng isang Dr. Rovina Desamero," parang tangang aniya.

Pabalang akong umupo. "'Wag mo akong paandaran at kagigising ko lang."

"Para akong isinilang ulit. Parang kaya kong lumaban sa buhay!" pagpapatuloy niya.

"Nilagyan pa ako niyan ng kumot! Napakatamis naman talaga!" dagdag pa ni Mark. "Pa-kiss nga sa Tita kong amoy laway!"

Nagtawanan ang dalawa.

"Straight duty ka ngayon, Yesha, i-re-request ko kay Dr. Santiago," basag ko. "At ikaw, Mark, babawasan ko ng dalawang libo ang allowance mo next sem."

They grunted, and it was my turn to laugh. Buong umagahan kaming nag-asaran at syempre, ako na naman ang pikon sa dulo. I lent Yesha an outfit while Mark was left alone in the house to clean up after our mess. I also told him that my bed sheets and pillowcases needed to be changed. Mamaya pa kasing alas-tres ang pasok niya.

I did my routine. Medyo nahihilo pa ako dahil kulang talaga ako sa tulog pero hindi naman ito ang unang beses na nangyari iyon kaya alam kong makaka-survive ako ngayong araw.

"Good morning, Mr. Fernandez," bati ko sa pasyente na na-confine dito three weeks ago dahil sa pagkakaroon ng hallucinations.

He smiled. "Good morning, Doc."

His hallucinations and attacks lessened over time, and if they continued to decrease until the end of the week, we could send him home with just a few medications.

"Kumusta po ang lagay n'yo?" mahinahong tanong ko.

"Maayos na po. Binisita ako ng mga katrabaho ko kahapon at nasabi ng director ng school sa akin na pwede na akong bumalik doon basta magtuloy-tuloy ang paggaling ko," sagot niya.

"That's good news! Kapag okay po ang lagay n'yo hanggang sa Linggo, pwede na kayong umuwi sa Monday."

His smiled widened. "Salamat po, Doc. Salamat po..."

"I will write you a prescription. I'd also recommend you go to the hospital occasionally to check on your progress. This whole process may take some time, pero kung maayos naman po ang pag-ta-take n'yo ng medicine, you will get there."

Huminga siya nang malalim. "Bibisitahin ko po ang anak ko paglabas ko rito..." tukoy niya sa dose anyos niyang anak na maagang nawala. "At siguro, hihingi rin ako ng tawad sa..."—he sighed—"sa asawa ko. I need to finish up a few chapters in my book. I don't want to spend the rest of my life feeling bad for something I didn't want to happen and couldn't prevent."

My heart swelled with respect for him. I wasn't with him the whole time, and I would not understand how he felt when he lost his family. But, after seeing his situation, I felt as if I was there with him... and I was so proud to be his psychiatrist.

Ang sayang matuto sa iba.

I checked on a couple of inpatients before having a consultation with my outpatients. Medyo marami ngayon, pero dahil kasama ko naman ang ibang interns ay hindi rin naging sobrang bigat.

"Doc, na-check ko na po 'yong medical history ng bata sa room 201." Pumasok sa opisina ko si Faye, isa sa interns. Bitbit niya ang record.

"Hmm, how was it?" I inquired.

I moved my gaze away from her and fixed it on my computer's monitor. I was looking over the files of my patients.

"May ADHD po," saad niya.

Napatango ako. ADHD is short for Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder. It is one of the most prevalent mental disorders among children. Kadalasang sintomas nito ay inattention, hyperactivity, and impulsivity.

People with ADHD have trouble paying attention, and they move around a lot—sometimes too much for the situation. They also do things without giving it much thought. Hindi lang din sa mga bata mayroon nito. Even adults can have ADHD.

"Autistic din po," dagdag ni Faye.

My forehead creased at the term she used. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tinitigan siya. She grew tense all of a sudden. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at yumuko. Alam kong hindi niya na-realize kung saan siya nagkamali.

"Didn't I instruct you to address the patient with person-first language?" striktang tanong ko.

"Sorry, Doc..."

I heaved out a sigh. Long way to go, Faye.

"Separate the child from his disorder, okay? We shouldn't call him autistic... Ano dapat ang itawag sa kanya, Faye?" Ibinaba ko ang pen para matitigan siya nang ayos.

She gulped. "A person with autism."

"Good," I replied. "What about those who are blind? Deaf? Schizophrenic?"

Huminga siya nang malalim. "A person with visual impairment. A person with hearing impairment. A person with schizophrenia."

Tumango-tango ako. "Okay. 'Wag mong kakalimutan 'yan. It's a minor detail for most people, but we know better. People should not be labeled solely on their medical conditions."

"I'm sorry, Doc. Nawala lang po sa isip ko," saad niya.

I smiled. "It's okay. Ilang beses din akong napagalitan d'yan noon."

Tatlong oras pa akong nagtagal sa hospital bago umuwi. Mark was now in his class. Dito ulit siya matutulog mamaya kaya matapos ang pagbibihis ay nagluto ako ng hapunan namin. I also took a nap.

Nang magising ako ay kararating lang din ni Mark. Magulo ang buhok niya at mukhang masama ang timpla.

"Oh, kumusta sa school?"

He shook his head. "Badtrip sa prof. Ako na naman ang pinag-iinitan. Mataas kasi ang resulta ng quiz ko kanina... May kodigo raw ako."

Umupo siya sa sofa at isinandal ang ulo roon. He looked worn-out.

"Kakausapin ko ba 'yan? Tangina pala, eh. Kitang-kita ko kung paano ka mag-review hanggang madaling-araw!" reklamo ko. "'Yan din ba 'yong prof na ibinagsak ka?"

Tumango siya. "Ewan ko, Tita. Parang ayaw akong pagtapusin no'n. 'Yong mga tropa kong bulakbol, architect na..." He sighed. "Ako, wala pa rin."

"Huy, gago ka ha! 'Wag na 'wag mong ikukumpara ang sarili mo sa kanila! At anong wala? Sino bang nag-aalaga kay Thalia kapag wala si Rebecca? Sinong nag-aalaga kay Papa kapag may sumpong si Mama?" dire-diretso kong tanong.

"Nakakahiya nga, eh. Kaya hindi ko maipakilala ang sarili ko sa mga magulang ni Yesha..." Rinig na rinig ko ang lungkot sa boses niya. "'Yong anak nila ay nurse tapos ang manliligaw, estudyante."

Huminga ako nang malalim at tinabihan siya. I didn't know what to say. There was nothing that could make him feel better. I knew he wouldn't want to hear me tell him that he should study harder and that his status as a student didn't matter because, in his perspective, it did.

"Kailan ang uwi ni Calix?" pagbabago niya ng usapan.

I sighed. Tinagalan ko muna ang tingin sa kanya bago ko mapagtanto na hindi niya gustong pag-usapan ang sinabi niya tungkol kay Yesha.

For one reason, he did not want to be pitied. He didn't want other people to sympathize with him since it made him feel sorry for himself. Lagi at lagi ay gusto niyang masaya siya sa mata ng iba.

"Saturday. Baka umaga o gabi. Hindi ako sigurado. Bakit? Are you planning to stay here?"

Umiling siya. "Gusto ko lang makausap. Tita, the idea of you sharing a home with him makes me uncomfortable. Hindi naman natin kilala 'yon, eh. Baka mamaya ay kung anong gawin niyan sa 'yo."

I couldn't figure out why I suddenly felt sorry for Calix. Yesha, Chin, and now Mark were all skeptical of him. I knew they just cared about me, but I felt awful because they criticized him without getting to know him.

"Mabait si Calix, Mark." I took a deep breath. "I've been observing him."

"Baka naman biased ka, ha? You obviously like him. Don't let it cloud your judgement," he replied. "Pero saka na 'yan. Kakausapin ko lang pagbalik niya para malaman ko kung totoong mabait nga."

Umirap ako. "Why is it suddenly about me? Itinanong ko lang naman kung kumusta ang school mo!"

"I want to talk to him because at this point, na kay Liam ang boto ko," natatawang saad niya bago tumayo.

I grunted. "For Pete's sake! You don't even know Liam!"

Lalo siyang tumawa. "Tell your boy to hurry home because by the way he was acting last night, I'm sure that actor is determined to make you fall in love with him."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro