Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7


Chapter 7

Matapos naming kumain ay nagpahinga na muna ako sa kwarto. I was smiling the whole time while teasing Calix. Ni hindi ko na napuri ang cooking skills niya dahil masyado akong naaliw sa kanya.

I dozed off, and when I woke up, it was already nine o'clock. My body clock was completely fucked up. Pupungas-pungas pa akong bumangon para uminom ng tubig. Napatingin ako sa kulungan ni Matcha at napasimangot nang mapansing wala siya roon. She must be sleeping upstairs with Calix.

I grunted. Kailan kaya ako?

Dumiretso ako sa kusina at nagbukas ng ilaw. Imbes na tubig ang kunin ay nagtimpla na lang ako ng kape dahil alam kong hindi na rin naman ako makakatulog.

Napangiti ako nang maisip na may gwapong lalaking natutulog sa taas.

Calix was a sweet, humble guy. He had a soft spot for his grandparents because they were the ones who raised him, and even though he was old enough to get married, he worked hard to save money for his Lola.

Hindi ko inakala na magiging malapit kami sa isa't isa gayong ang tingin ko sa kanya noong college kami ay masyadong pormal. He really had that kind of look. 'Yong tipong matatakot kang lapitan dahil lagi siyang seryoso, pero sa tuwing kasama naman niya ang mga kabarkada ay nakikita ko siyang ngumingiti.

I sighed. Si Calix na naman ang iniisip ko.

My thoughts were halted when my phone started ringing. I grinned almost instantly when I saw the caller—Chin, my best friend.

"Vina, I miss you!" saad niya agad pagkasagot ko ng tawag.

Napangiti ako at naisip ang masayang mukha niya. Nasaan ba ang asawa nito at gabi na ay hindi pa siya nagpapahinga?

"Trouble in paradise?" I asked.

"Yes! Nakakabwisit si Troy. Kanina pa ako inaasar na sa akin daw namana ni Trevor ang bilog na pisngi," she ranted. "Come on, ma-de-develop pa ang features ng anak namin! Sana ay hindi lang makuha ang pagka-salbahe ng tatay niya!"

I chuckled. "Trenta'y dos na 'yang si Troy, 'yan pa rin ang pang-asar sa 'yo?"

"But it's kinda sweet," she replied.

Napairap ako sa biglang paglambing ng boses niya. Jusko, ha! Tigilan ako sa ganyan at kagigising ko lang!

"Anyway, napatawag ako kasi dumaan kanina rito si Calix," aniya bago pa ako makapang-asar. "May hindi ka yata sinasabi sa akin, Rovina?!"

Muli akong napatawa. "Sa celebration pa ni Trevor tayo huling nagkita... and things happened so fast. Kalilipat lang ni Calix dito kahapon."

"You're living with him?!"

I stood up and walked into the living room, carrying my mug. Binuksan ko ang TV at naghanap ng pwedeng panoorin.

"Technically, yes." I pursed my lips. "Pero magkaiba naman kami ng floor. Para namang hindi ka pa nakakapunta rito! 'Yong sa taas! Do'n siya nakatira ngayon."

"Kahit pa! Baka mamaya ay may mabuo kayo, Vina!" ekseheradang aniya.

Napangisi ako. "Oh, ano naman? Maganda ang genes namin together. Hahabol ako at gagawa kami ng baby girl para kay Trevor," pang-aasar ko sa kanya.

"Vina! Ni hindi mo pa nga nakikilala nang husto 'yan, eh." Narinig ko ang buntonghininga niya.

"Babe, that's an easy puzzle to solve. Edi kikilalanin. You know me. Mabilis akong ma-attract pero hindi ako mabilis ma-attach." Sumandal ako sa couch at nag-focus sa pakikipag-usap kay Chin. "To be honest, I kind of like him..."

"Seryoso ba?" nag-aalalang tanong niya. "Isn't it too fast?"

"I know." I sighed. "Hindi ko alam. Bahala na. Basta ang mahalaga naman ngayon, masaya ako, 'di ba? This thing will not hurt me. I promise. If he isn't worth it, I will not let myself fall for him."

"I'm not sure if Troy and Calix have kept in touch over the years, and I don't know if he's worthy enough for you." Sandali siyang natahimik. "I don't want to see you cry because of a guy, Vina..."

Napangiti ako. I had a great support system, which was one of the key reasons for my strong personality. Hindi man ako sobrang pinalad sa ugali ng mga kapatid ko, pinagpala naman ako sa kaibigan at pamangkin ko.

Noong college, marami talaga akong mga kaibigan. I liked partying and socializing. Sa bawat department at program ay may mga kabarkada ako. Kahit nga sa ibang school.

But once I started medical school, my desire to learn grew stronger. Isinantabi ko ang mga nakasanayan dahil alam kong magiging sagabal lang ang mga ito sa pag-aaral ko. It was hard. I used to spend every weekend at the clubs. Pero dahil sa kagustuhang makatulong kay Mama at sa pangarap na gusto kong maabot, I changed my ways.

And it was worthwhile. I'm now Dr. Rovina Desamero, one of the Philippines' youngest psychiatrists.

"Chin, I can handle myself..." bulong ko.

"Alam ko," parang batang saad niya. "Kaya nga ako natatakot kasi lahat kaya mo. Hindi ka humihingi ng tulong."

"Don't worry about me. You're a mother now, and between the two of us, you have heavier responsibilities." I smiled as I imagined her and her son laughing together.

"How dare you compare our burdens!" nagtatampong saad niya. "'Wag mong iisipin na dahil may pamilya ako ay hindi mo na ako kaibigan!"

Lumawak ang ngiti ko. Chin will always be Chin, I guess.

"You know that you always have me, right?" dagdag niya, ang boses ay puno ng lambing.

Tumango ako kahit hindi niya naman 'yon nakikita. "Matulog ka na. Baka sa akin pa mabwisit si Troy kapag pinuyat kita."

"We really need to catch up, Vina. Pakiramdam ko ay ang dami kong na-mi-miss sa buhay mo," she muttered. "I'll schedule a lunch date next week."

Pumayag ako sa gusto niyang mangyari, at nang maibaba ang tawag ay naghanap na ako ng pwedeng panoorin. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Chin. Parang kinabahan tuloy ako bigla dahil alam ko namang mabilis nga ang nangyayari sa amin ni Calix.

My relationships with my ex-boyfriends and past flings failed because they all cheated on me.

I actually had an ex named Kali, which sounded much like Calix. He was my high school sweetheart and my first love.

Sa relationship namin, napansin ko agad ang pagiging controlling niya. Gusto niya ay lagi kaming magkasama, at sa tuwing may lalapit sa aking lalaki ay nagagalit siya. Back then, I really thought that was sweet. Ni hindi ko napansin na sign na pala 'yon para makipaghiwalay sa kanya.

I ended my relationship with him when I discovered that he was having multiple affairs. Doon niya inilabas ang totoo niyang ugali. He told everyone that we were having a sexual relationship and stuff. Kumalat iyon sa school, at hindi na ako nag-abala pang linisin ang pangalan ko.

Tarantado talaga. Ni hindi niya nga nahawakan ang boobs ko! Ang lakas pa ng loob iparinig sa akin ang The One ng Kodaline tapos malalaman ko, apat kami?! Gago!

In my life, I had several heartbreaks, both from my family and romantic relationships. Hindi ko alam kung may plaka ba sa noo ko at nagagawa akong lokohin at saktan ng mga tao sa paligid ko. Hindi naman ako uto-uto. Hindi rin ako tanga... pero totoong lapitin ako ng mga lalaking hindi marunong makuntento.

I heaved a sigh. Sana ay hindi ganoon ang susunod kong mamahalin.

Wala pa rin akong nakikitang pwedeng panoorin nang makarinig ako ng footsteps. Tumingin ako sa hagdan, at hindi ako nagkamali nang makita si Calix habang buhat-buhat si Matcha.

Tangina, ang gwapo talaga ng hinayupak na 'to. Kung wala lang ako sa tamang katinuan ay tinalon ko na siya.

"Ba't gising ka pa?" he asked. Malalim ang boses niya na parang kagagaling lang din sa tulog.

I looked at the wall clock. "Maaga kasi akong nakatulog."

Inilagay niya si Matcha sa kulungan. Tinitigan ko ang aso at napansing natutulog na pala ito. Calix insisted on Matcha sleeping on the first floor. Malakas tumahol ang aso at sa oras daw na malooban kami ay maririnig ko agad.

"Movie?" tanong niya ulit. "Can I join you?"

Tumango ako. "Wala akong mahanap. Halos napanood ko na lahat."

Malaki ang sofa, at gaya kagabi ay nasa magkabilang dulo kami.

"Pinatulog ko si Matcha pero ako ang nakatulog." Mahina siyang tumawa.

I chuckled, too. "Pinatulog? Ano 'yan? Baby?"

Madilim ang paligid. Tanging ang ilaw lang mula sa TV ang nakabukas kaya hindi ko makita nang buo ang ekspresyon niya.

"Matcha is my baby," he replied.

Pabiro akong umirap bago muling nag-focus sa TV. Saktong kauumpisa lang ng isang night talk show kaya hindi ko na inilipat. Wala rin namang mapanood na movie.

"Galing ka raw kina Chin?" pagbasag ko sa katahimikan.

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Oo... kanina."

Tumango na lang ako at uminom ng kape. Natahimik din siya. Bukod sa ingay sa TV ay wala nang naririnig. Napa-buntonghininga ako nang mapagtantong maaga ang pasok ko bukas at naka-schedule pa ang unang therapy ng pasyente kong may auditory hallucination.

"Vina," putol ni Calix sa iniisip ko. Bumaling ako sa kanya at nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin.

"Bakit?"

Iniiwas niya ang mga mata sa akin. "Balita ko ay bigatin ang mga manliligaw mo." He chuckled. "Nabanggit lang kanina ni Troy kasi sinabi kong dito ako ngayon nakatira..."

My heart skipped a beat. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya. Really? Ito ang pag-uusapan namin?

"Hindi naman," I responded.

He sighed. "Hindi rin nakakagulat. You are deserving of someone as successful as you."

Umiling ako, hindi sigurado kung kita niya ba 'yon o hindi.

"If you're talking about financial success, I don't think I need it. Ayokong pumasok sa isang relasyon para lang i-display namin ang profession namin. Label lang 'yon. At the end of the day, you just need someone who makes you happy."

"And someone who you wish to be happy," he added.

Napangiti ako sa sinabi niya. I fixed my eyes on the screen, but my smile died as soon as I realized who the night talk show's guess was.

"Good evening, Liam!" bati ng host sa lalaki. Tumayo ito at nakipagkamay sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Pasimple akong sumulyap kay Calix at napansin kong titig na titig ito sa screen. Hindi kaya magiging bastos kung ililipat ko? He seemed really interested.

Tumayo ako para ilagay ang tasa sa kusina. Nang makabalik ay ini-interview na ng host ang lalaki. Dinaga ang dibdib ko. Ang isang braso ni Calix ay nasa sandalan ng sofa. Pansin ko ring medyo lumapit ang distansya niya mula sa kinauupuan ko.

Umupo ako. Kaunting galaw ko lang ay madadali ko na ang daliri niya.

"How's your relationship with Gwen?" tukoy ng host sa ka-love team ni Liam.

Ngumiti ang lalaki. He gave off a boy-next-door vibe. Hindi nakakasawa ang mukha nito. He was even labeled as the country's hottest bachelor.

I smiled inwardly. Hindi siguro nila kilala ang katabi ko.

"We're casual, Steven," sagot ni Liam.

Hindi ko magawang tumingin kay Calix dahil pakiramdam ko ay sobrang lapit namin sa isa't isa. Lintek nga! Hiyang-hiya pa ako samantalang nahawakan niya na ang kamay at braso ko! Nayakap ko na rin ang baywang niya! Ewan ko ba! Parang bago lagi!

"Ayaw mo bang ilipat?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Ayoko," he answered firmly.

Napangiwi ako. Ba't parang galit?!

"This has been going around lately, Liam... but do you have a girlfriend?" tanong ulit ng host. Nagtilian ang mga audience at kitang-kita ko ang pagngisi ni Liam. Come on, hindi niya dapat sagutin 'yan! May binubuo silang love team! It would definitely affect his career.

"I'm single." Muling nagtilian ang mga nanonood sa studio.

Napahinga ako nang malalim. Bakit ba ako kinakabahan?!

"But I'm courting someone," dagdag niya.

Lalong nagwala ang dibdib ko. Napatingin ako kay Calix, at napansin kong seryoso na naman ang mukha niya. I bit my lower lip and prayed to all the deities and spirits in the universe.

"Wow!" the host exclaimed. "She's the girl you mentioned in your previous interview, right? The psychiatrist?"

I gasped. Not now! I'm with Calix, for heaven's sake!

"Oo." Tumawa ang lalaki. "Buti nga at natapos na ang shooting namin. Mapupuntahan ko na. Hindi ako ni-re-replyan, eh."

"Liam Garofil is whipped!" pang-aasar ng host.

He grinned. "Loud and proud."

"What characteristics do you think she had that drew your attention?" intriga ulit ng host.

Gustong-gusto ko nang ilipat ang pinapanood namin dahil namumula ako sa kahihiyan, pero hawak ni Calix ang remote at tutok na tutok siya sa pinanonood!

"Aside from the fact that she's beautiful, she's also really sincere and generous. She loves helping others, even though it means putting her own mental health in jeopardy. Alam mo 'yon? There's something about her that will push you to be better." Ngumiti ulit si Liam. "Kaya kailangan kong galingan. That girl deserves the world."

Tumawa ang host. "And you're the world, Liam!"

Calix scoffed. Binitawan niya ang remote at inalis ang braso sa sandalan. Hindi ko na nasundan ang interview ni Liam dahil naka-focus ako sa reaction ni Calix. I wasn't sure if he was aware that Liam was referring to me, but I hope it didn't bother him. Gaya ng sinabi ng lalaki, hindi ko siya ni-re-replyan.

Tumayo ako saglit para buksan ang ilaw sa kusina. Pinatay ko rin ang TV dahil mukhang hindi naman na siya interesado sa pinapanood.

"Do you want to eat something?" parang tangang tanong ko.

Tumingin siya sa akin bago tumayo. Walang imik kaming pumunta sa kusina. Hinugasan ko ang mug ko habang siya ay kumukuha ng tubig sa ref. Nang matapos ay naupo ako sa tapat niya. He was quiet.

Dahil mas maliwanag na, mas pansin ko na sa mga mata niya na may kung anong bumabagabag sa kanya. His toned arms looked really appealing, but that was my least concern now.

Tumingin siya sa orasan at napa-buntonghininga.

"Hindi na tayo makakatulog niyan." He chuckled lowly. "Tara?"

Napakurap ako sa pagbabago ng mood niya. Hindi ko naman siya para pilitin na sabihin sa akin kung ano ang iniisip niya dahil noong ako ang may dinadala ay hindi niya naman ako pinilit.

Sana lang ay hindi tungkol kay Liam ang iniisip niya.

"Saan?" tanong ko.

He shrugged. "Drive lang."

The idea sounded nice to me, so I agreed. Hindi na kami nag-abalang magbihis. Kumuha lang siya ng hoodie at ipinasuot 'yon sa akin. Several minutes later, we were already driving around the city.

My arms were wrapped around his body as the wind blew on my skin. In that instant, I felt like escaping from my responsibilities and worries. For the first time, I did not want to be a psychiatrist, a daughter, or a sister. I just wanted to be myself, a woman who found solace in the darkness.

We were on the road for nearly thirty minutes before he pulled over to a bridge. A few cars sped by, their headlights casting fleeting shadows on the road. City lights were everywhere, and the crescent moon hung low in the sky, its brilliance casting a soft glow over the river.

"Liam was right," mahinang saad ni Calix. "You deserve the world, Vina."

Marahan akong tumawa. "No. I was offended! I don't deserve the world, Calix. I deserve the whole damn universe."

Kumapit ako sa railings at agad na nagkatabi ang mga kamay namin. The night was beautiful... and I couldn't believe I was spending it with him.

"Right," he said as he chuckled. "Totoo ba 'yong sinabi niya kanina sa interview? 'Yong inuuna mo 'yong ibang tao bago ang sarili mo? That you don't mind putting your mental health at risk to help others?"

Parehas kaming nakaharap sa ilog kaya hindi ko alam kung ano ang ekspresyon niya ngayon.

"Hindi ko naman napapansin 'yon sa sarili ko. Basta tumutulong ako kapag kaya ko..." I paused, lost in thought as the memories of the past years flooded my mind. Mga pangyayaring inubos ko ang sarili para kina Kuya, Rebecca, Mama, Papa... at Mark. "Ewan ko, Calix. Gano'n yata talaga kapag mahal mo ang isang tao. Hindi na malaking tanong ang pagtulong kasi awtomatiko na 'yon sa'yo."

"You're right," he whispered. "Gusto kasi natin, komportable at masaya sila. The joy on their faces was enough to compensate for our sacrifices."

"Kahit tangina, minsan nakakaubos." I breathed deeply. I didn't know why I suddenly became emotional. Mahal na mahal ko ang pamilya ko pero madalas ay gusto ko na lang silang talikuran. "Have you ever experienced that, Calix? 'Yong matatanong mo sa sarili mo... paano ka? Sino'ng magsasakripisyo para sa 'yo? Sino'ng matutuwa kapag masaya ka?"

Naninikip ang dibdib ko sa pinag-uusapan namin. He allowed me to share a part of myself with him that I had never disclosed with others. Hindi ko alam kung dahil siya ba talaga ang may kakayanan noon o masyado lang maganda ang gabi kaya nagiging madrama ako.

Itinanong niya lang naman kung totoo 'yong sinabi ni Liam pero naalala ko agad lahat ng dinadala ko.

"Who doesn't? We're humans. People will tell us that we should always be the bigger person, that we should always listen... even when we're in pain." He sighed and shifted his weight to my side. "But, Vina, we don't have to understand something that's hurting us. Hindi naman masamang unahin ang sarili, 'di ba?"

Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango bago ngumiti. It was comforting. Para kaming nagrereklamo sa isa't isa.

"Family?" I asked softly.

He nodded. "Ikaw rin?"

Nanubig ang mga mata ko at muling tumango sa kanya.

"Damn you for making me tear up!" I pouted.

He put his hand over my head and tapped it. "You're doing a good job, Vina. It might seem awkward given that we've just met, but I want you to know that if you're looking for someone to listen to all your rants, I'm here."

Imbes na mainis sa paglalagay niya ng kamay sa ulo ko, hinawakan ko ang braso niya at binigyan siya ng ngiti.

"Ako rin..." I muttered wholeheartedly. "Nasa iisang bahay tayo. You can always talk to me if something is bothering you."

Ilang segundong nagtagal ang tingin namin sa isa't isa bago kami muling kumapit sa railings. I hoped that our prevailing agony would one day serve as our greatest testimony. Someday, all these sacrifices would be worth it.

Biglang pumasok sa isip ko ang board exam niya. Alam kong hindi ko dapat itanong iyon lalo at sensitibong usapin iyon, pero hindi ko kayang pigilan ang sarili. He always seemed so tough in front of me... kahit alam kong may sarili rin siyang pinagdadaanan.

"Calix," tawag ko. "'Yong sa board exam... ayaw mo bang mag-take ulit?"

Natahimik siya sandali bago tumawa nang mahina.

"I failed the exam twice, Vina."

Napatingin ako sa kanya, nanlalaki ang mga mata at nananaig sa loob ang kagustuhang humingi ng tawad.

He was smiling a little, but I knew he was just concealing what he really felt.

"I've always wanted to be an engineer... kaya nag-aral ako nang mabuti. Maayos naman, eh." He sighed. "I was so close to reaching my goal, but the world convinced me I wasn't on the right track... that I was following the wrong dream."

I didn't know what to say. My heart ached for him. Hindi nahagip ng isip ko kung sa akin mangyayari iyon. Matagal, pero naabot ko naman ang pangarap ko. I couldn't imagine myself doing anything else other than being a psychiatrist.

"But, Vina, I want to take the board exam again."

My lips parted, my heart racing with surprise. Muli siyang humarap sa akin, at sa mapupungay niyang mga mata ay aninag ko matinding determinasyon.

"Because you deserve the universe," he whispered. My veins tingled when his index finger brushed my pinky finger. "And I will work hard to be that universe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro