Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Chapter 5

Nang dumating ang araw ng Sabado ay maaga akong nagising. Halos hindi na kasi ako nakatulog kaiisip na kaunting oras na lang ay dito na titira si Calix. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na tuwing Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga ay nasa bahay ako ng mga magulang ko.

Siguro ay hindi muna ako uuwi ngayong week. I would let Calix adjust first.

I tied my hair back and started cleaning the living room. Maayos ang kwarto ko dahil nag-general cleaning ako last week. Kapapalit lang din ng bed sheet at pillowcases ko kaya itong sala ang sisimulan kong linisin.

After lunch pa darating si Calix. Hindi na rin kami nagkita kahapon matapos ang mga kagagahang ginawa ko noong isang araw. Tumawag lang siya at sinabing ngayong Sabado na lang kami mag-usap para makapagpahinga ako.

I didn't even know if I'd have the guts to face him!

I was busy mopping the floor when my phone rang. Sinilip ko kung sinong tumatawag, at nang makitang si Mama iyon ay binitawan ko ang mop.

"Hello, Ma?"

"Pumunta ka ngayon dito," bungad niya. "May pag-uusapan tayo."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.. "May gagawin ako ngayon, Ma. Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang 'yan?"

"Mabilis lang 'to, Vina." I heard her sigh. "Dito ka na mag-umagahan. Papunta rin ang mga kapatid mo."

Hindi pa ako nakakasagot ulit ay ibinaba na niya ang tawag. Napanguso ako at napatingin sa orasan. Kung ala-una pupunta si Calix, may limang oras pa ako. Hindi rin naman sobrang dumi ng bahay.

I grunted. Wala talaga akong choice.

Dali-dali akong naligo at nagbihis ng pinakakomportableng damit na mayroon ako. Hinayaan ko na lang din na nakalugay ang buhok ko.

Habang nasa taxi ay humihiling ako na sana ay hindi bad news ang pag-uusapan namin. Ayokong masira ang araw ko. I also texted Calix about my endeavor.

Pagkarating ko sa bahay nina Mama ay naabutan ko sa sala ang buong pamilya ni Kuya Rexter-si Ate Sidney, Mark, at ang bunsong si Keziah.

"Hi, Tita!" Si Mark.

Umupo ako sa tabi niya. Mula sa sala ay rinig ko ang malakas na pag-uusap nina Mama at Rebecca sa kusina, naghahanda yata ng almusal. Maya-maya pa ay lumabas na sila. Buhat ni Rebecca ang anak na si Thalia habang si Mama ay dumiretso na sa mesa para ihain ang mga niluto.

Umupo ako sa usual seat ko sa mesa namin. Ganoon din ang ginawa nila. I took a few deep breaths as my mind started to wander. My mother then walked my father to the table. Nang makita kaming lahat ni Papa ay pumalakpak siya.

"Yehey! Yehey!" maligayang sabi niya habang nakatutok ang mga mata kay Kuya Rexter.

Napangiti ako. "Good morning, Papa."

Binalingan niya ako, at napansin ko ang dahan-dahang pag-alis ng ngiti niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at muling itinutok ang atensyon kay Kuya na hindi manlang siya pinansin.

May naramdaman akong kirot sa dibdib ko. It was familiar. Lagi namang ganito ang nararamdaman ko kapag hindi niya ako naaalala. Kahit alam kong may sakit siya, hindi ko matanggap na isa ako sa mga nakalimutan niya.

Naramdaman ko ang pagsipa sa akin ni Mark sa ilalim ng mesa.

"What?" I mouthed.

"Hayaan mo na..." he mouthed back before smiling.

Tumango ako sa kanya at binati na rin ang ibang kasama sa mesa. Iwinaksi ko ang nararamdaman dahil wala naman akong magagawa.

I observed them all. Kuya Rexter's wife, Ate Sidney, was dressed in a designer blouse. Ang cellphone na gamit niya ay ang pinakabagong inilabas ng Apple. Halata ring kapapaayos niya lang ng buhok. Kung titingnan, mukha talaga siyang mayaman.

Si Rebecca naman ay simpleng T-shirt at pantalon lang ang suot. Alam kong kauuwi niya lang mula sa trabaho dahil pang-gabi lagi ang shift niya. Tuwing umaga naman ay hindi ko alam kung saan siya nagpupunta dahil imbes na magpahinga at mag-alaga ng anak ay nasa galaan siya. Ngayon ko na nga lang ulit siya nakita.

"Vina, ano'ng gagawin mo ngayon?" tanong ni Mama habang kumakain kami.

Ibinaba ko ang kubyertos para makasagot nang maayos sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin na may nahanap na akong tenant dahil siguradong uulanin niya ako ng mga tanong. Mabuti na lang at hindi niya ako kailanman binisita sa bahay.

"Psychological reports po," sagot ko. Huh, I didn't even stutter.

Tumango siya. Nothing could be heard in the dining room except for the clattering of kitchen utensils. Even Thalia was silent. Para bang alam ng apat na taong gulang na batang ito na may tensyon na namamagitan sa aming lahat.

I couldn't recall ever having lived in a toxic household. Kuya Rexter and I were born twelve years apart. My parents married young, but when Mama gave birth to my brother, they did some family planning, kaya malaki ang age gap namin ng panganay kong kapatid. Five years after I was born, my parents had Rebecca.

Before having Alzheimer's disease, my father was a private driver. Si Mama naman ay dating nurse.

Maagang nagkaanak si Kuya, pero hindi naging hadlang iyon para patigilin siya nina Mama sa pag-aaral.

Rebecca, on the other hand, was twenty when she gave birth to her child. It wasn't a crucial age to have a child, but like Kuya Rex, she was in the middle of her studies at the time. She wasn't able to finish college.

For years, my parents had been bearing all the emotional stress. Noong akala kong nakakaluwag-luwag na kami, nagkasakit naman si Papa.

Doon ko itinatak sa puso't isipan ko na hindi ko iiwanan lahat ng responsibilidad kay Mama. She gave me a reason to continue studying. I wanted to help her. I wanted a stress-free life for her and Papa.

Para magawa iyon, kailangan kong tulungan ang mga kapatid ko. Dahil kung hindi, sigurado akong kay Mama sila pupunta, at kahit gaano ayawan ni Mama ang pagtulong sa kanila, sa huli, mananaig ang pagiging ina niya.

"Mark, kumusta ang grades mo?" pagsasalita ulit ni Mama matapos ang mahabang katahimikan.

Napakamot sa batok si Mark. "Wala pa pong grades, Lola."

"Ikaw, Rexter? Mukhang ma-pera kayo ngayon, ah? Bago ang cellphone ng asawa mo. Nagbayad na ba kayo kay Vina?"

"Ma..." may pagbabanta sa tinig ni Kuya.

My mother rolled her eyes. "Hindi ba kayo nahihiya? Vina can't even buy a new phone! Nag-co-commute din lagi! Paano kung late ang shift niya?! Alam n'yo naman kung gaano ka-delikado ngayon!"

"Magbabayad kami, Ma." Tumingin sa akin si Kuya. "Saka kaya ni Vina 'yon. Ang laki-laki ng kinikita niyan, eh. Sisiw sa kanya ang pagbili ng bagong sasakyan."

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Hindi ko nagugustuhan kung saan patungo ang usapang ito.

"Oo nga po, Ma," sabat ni Ate Sidney. "Kung kay Rexter n'yo po kasi ibinigay ang bahay ni Tita Jane, hindi lalaki ang utang namin. Single naman si Vina. Pwedeng dito na lang siya tumira."

Sarkastikong tumawa si Mama. "Ang kapal din ng mukha mo, Sidney, 'no? Isinangla mo ang bahay n'yo at ibinenta ni Vina ang sasakyan niya para matubos n'yo, pero walang nangyari!"

"Ma, 'wag mong pagsalitaan nang gan'yan si Sidney!" sigaw ni Kuya. "Hindi n'yo na binigyan ng respeto ang asawa ko!"

I was trying really hard to be patient, especially because Mark was here, but his parents were getting on my nerves.

"Don't you dare raise your voice on Mama, Kuya," I said firmly. "If your wife wants to be respected, she better learn to choose her words carefully."

Walang imik na tumayo si Rebecca bitbit ang anak at nagtungo sa kwarto. It was obvious. She didn't want to be involved in the argument.

"Ang yabang mo na porke't ikaw ang pinakamalaking kumita rito!" sagot ni Kuya. "Hindi naman kami nagmakaawang ibenta mo ang kotse mo, 'di ba?! Bakit n'yo ba isinusumbat?"

"Pa—"

Idinuro niya si Mark. "'Wag kang sasabat dito!"

"Mark, 'wag kang maingay. Your father is proving a point here," maarteng sabi ni Ate Sidney.

Bumigat ang paghinga ko. Itanggi ko man ay sobra akong naaapektuhan sa sinasabi nila... not because they were right, but because I was still trying to prove something to them.

Sa buhay kong 'to, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang makatulong sa kanila.

But right now, I couldn't care less.

"Ikaw ang huwag maingay kung ayaw mong kulutin ko 'yang buhok mong rebonded!" inis na sigaw ko.

Kuya Rexter scoffed. "Tangina, tumatanda ka nang paurong, Vina! Psychiatrist ka tapos hindi mo maintindihan ang sitwasyon namin?"

I looked at him in disbelief. "Are you fucking serious?!"

"Tita..."

"Kaysa naman sa accountant na hindi marunong mag-handle ng finances!" ganti ko. "Continue to spoil your wife, Kuya, and let's see where it will take you!"

Tumayo si Ate Sidney. There were tears in her eyes.

Napamura ako. Great. Waterworks.

"K-Kaya ayaw kong pupunta rito, eh. Ako na lang lagi ang nakikita n'yo," iyak niya. "Totoo namang mayabang ka, Vina! Kusa kang tumutulong sa amin pero lagi mo na lang ipinapaalala na hindi kami kasingyaman mo." Tumingin siya kay Mama. "At ikaw naman, Ma, ano bang mali sa mga gastos ko? Gusto ko lang naman po na hindi magsawa sa akin si Rexter kaya lagi akong nag-aayos..."

Napatulala ako nang umalis siya sa mesa at tumakbo palabas ng bahay. Mabilis na sinundan ni Mark ang ina. I could feel my father's stare on me. Si Mama naman ay tahimik lang.

"Sino ba 'yang babaeng 'yan at ang tabil ng bibig?" mahinahong tanong ni Papa.

Nag-angat ako ng tingin at napansin kong ako ang tinutukoy niya. Agad na nanikip ang dibdib ko. He was siding with my brother.

"Pa..." I breathed.

Kumunot ang noo niya. "'Wag mo akong tawagin na gan'yan dahil wala akong anak na hindi marunong rumespeto sa nakatatanda."

Sinulyapan ko si Kuya na ngayon ay magkakrus ang mga kamay sa dibdib habang pinanonood kami ni Papa.

"Dapat tumutulong ka nang bukal sa loob!"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "B-Bukal sa loob ang pagtulong ko, Pa."

Tumawa siya. "Ang mabuti pa ay umalis ka na rito at 'wag nang bumalik pa. Ngayon na nga lang bumisita ang anak ko, binastos mo pa!"

"That's enough!" Si Mama.

I forced down a hard swallow when I felt a sharp pain piercing my heart. For a moment, I doubted myself. Yumayabang na ba talaga ako? Nagiging unfair na ba talaga ako kay Kuya?

I pressed the tips of my fingers together when Mama stood up and assisted Papa into the room. Malungkot na tiningnan lang ako ni Mama, pero wala siyang sinabi. Naiwan kami ni Kuya Rexter sa dining table, at pansin na pansin ko ang sarkastikong ngiti niya.

"Do you want to know why we're here?" he asked.

I didn't answer. I was still processing everything that happened this morning. I should've known better. Alam kong hindi ko kayang makasama siya at ang asawa niya sa iisang lugar. Hindi na lang sana ako nagpunta.

"Kasi kakausapin ka raw ni Mama tungkol sa bahay," pagpapatuloy niya. "Baka kasi ilipat sa amin ang pangalan at dito ka na lang tumira sa kanila para wala na kaming utang na babayaran."

I could only grin. Wow.

"Si Mama, kunwaring galit lang 'yan pero kapag nakausap ko na, baka mapalayas ka no'n sa tinitirhan mo ngayon. Kaya kung ayaw mong mangyari 'yon, 'wag mong bastusin ang asawa ko."

Hindi na ako sumagot. This was draining. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nakita ko ang paglabas ni Mama mula sa kwarto at ambang kauusapin ako pero umiling lang ako. Ayoko munang makarinig ng kahit ano mula sa kanilang lahat. I helped them! I complied with all their demands! Ni hindi na ako nagtitira sa sarili ko!

Kaunting respeto lang ang hinihingi ko... hindi pa nila maibigay?

Papa's face flashed through my head, Gusto kong magtampo. Gustong-gusto kong magalit. Ngayon na nga lang ako nagsalita para sa sarili ko, naging masama pa ako sa harap niya. Funny how things are so different whenever it comes to Papa. No'ng nakikipagtalo naman kasi ako sa mag-asawa, wala na akong pakialam... pero no'ng si Papa na ang nagsalita, hindi ko alam kung bakit ang sama-sama ng loob ko.

I guess there wasn't much I could do about it. I mean, trying to defend yourself from people who had already created a twisted version of you in their minds was pointless.

Ipinikit ko ang mga mata at isinandal ang ulo sa upuan ng taxi. Huminga ako nang paulit-ulit. Mababaw lang 'to, Vina. Intindihin mo na lang.

Umuwi ako at nagbihis ng sports bra at leggings. I was trying to compose myself so that I wouldn't burst into tears. Sa dami ba naman ng narinig ko na, ngayon pa ba ako iiyak?

But as soon as I walked into the four-cornered room with glass walls and a concrete floor, I wept.

Hinang-hina ako. This house had been my haven for years. Pakiramdam ko ay nawalan ako bigla ng kakampi sa lahat. Saan ba ako nagkukulang? Tumutulong naman ako. Sa edad kong 'to, halos wala pa akong naiipon dahil ibinibigay ko lahat ng gusto at pangangailangan nila. Hindi ko rin kailanman isinumbat 'yon.

All I wanted was a little appreciation. Was it too hard to give?

The heavy feeling in my chest was too much to bear. Halo-halo ang nararamdaman ko—galit, tampo, at sakit. Galit para sa mga naitulong ko na napunta lang sa wala. Tampo para kay Papa na narinig ang lahat pero kumampi pa rin sa mali, at sakit para sa sariling hindi ko maipagtanggol sa harap ng mga taong halos pag-alayan ko ng buhay ko.

I stood up and shook my head. I stared at my reflection and smiled.

"No, Vina. You're more than just their words. And you're not giving them this house..." Pinalis ko ang luha sa pisngi ko at muling ngumiti. "Come on. This is nothing compared to the fights you've already fought. This is just a scratch over the battles you've won."

I took a deep breath and put on an upbeat song. I stood in the center of the dance floor as the music began to ramp up. I closed my eyes, swayed my hips, and lifted my left hand in time with the rhythm.

I didn't know how long I had been going, but I didn't stop. I pushed myself to the limit, the sweat pouring down my face and soaking through my clothes.

Rinig ko sa utak ko ang mga sinabi nila sa akin—mayabang, bastos, at walang respeto. It stayed in my head like a recorded tape.

Nang matapos ang ginagawa ay kumuha ako ng face towel. Napangisi ako nang mapansing halos maging chinita ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kanina.

I was still sweating as I made my way to my room, but I came to a halt when I saw some bags and luggage in the living room.

Saka lang bumalik sa utak ko na may agenda ako ngayong araw.

Nandito na si Calix!

Tatakbo na sana ako sa kwarto bago pa siya tuluyang makapasok nang biglang bumukas ang main door. Napatigil ako sa pagpupunas sa buhok ko at napaawang ang bibig habang nakatingin sa kanya. He looked shocked, too. Namimilog ang mga mata niya.

"Uhm..." He looked away. "Pumasok ako kasi akala ko wala ka pa rito. Ang sabi mo kanina sa text ay pumasok na ako, 'di ba?"

Naramdaman ko ang lamig sa bandang tiyan ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin dahil hindi pa nag-si-sink in sa akin ang nangyayari. How could I have forgotten about him?!

"I'm sorry. Maliligo muna ako," sagot ko. At this point, I couldn't afford to stand before him.

Walang imik akong pumasok sa kwarto ko, kumuha ng damit, at lumabas ulit para dumiretso sa banyo. My emotions were all over the place. Ni hindi ko alam kung may lakas pa akong harapin si Calix, hindi lang dahil sa nakita niya akong naka-sports bra at leggings, pero dahil hindi pa ako nakakapag-adjust sa mga narinig ko kaninang umaga.

I took a shower and let the water wash out all the tainted words from my heart. I was sick of convincing myself that the tears I'd shed today would water the seed of my future.

Binilisan ko ang pagkilos at nagbihis lang ng isang sweatpants at oversized shirt. Wala rin akong make-up na inilagay sa mukha ko lalo't wala na talaga akong pakialam sa lahat ngayon. Nagtungo ako sa living room. Agad kong nakita si Calix na nakaupo sa couch at nakikipaglaro sa isang maliit at puting shih tzu.

I smiled to myself. Matcha.

The dog had a matcha green collar and was looking at her owner while sticking her tongue out. Calix then reached over and placed his hand on top of her head.

I cleared my throat to get his attention. Agad naman siyang bumaling sa akin. Napatayo siya kaya pansin ko ang pagkagulat ng aso na kanina lang ay nasa hita niya. Goodness, muntik na siyang mahulog!

"I'm sorry, baby..." malambing na saad ni Calix. He carried her in his arms before placing her in the cage. Tumahol nang tumahol ang aso pero nang sawayin ni Calix ay tumahimik din.

Cute.

"Shall we start the..." I trailed off. "How do you call this? House tour?"

Seryoso siyang tumitig sa akin, taliwas sa tinging ibinigay niya sa alaga. Nilabanan ko ang titig niya. He had a stern expression on his face and a tinge of worry in his eyes.

"Ano? Game?" tanong ko ulit dahil hindi siya sumagot.

He took a deep breath. "We will do that later. Mas mabuti pang magpahinga ka muna."

Napahawak ako sa mukha ko. "Bakit? Haggard ba ako? Pasensya na, hindi ako nakapag-make up."

Umiling siya. "You're beautiful, Vina."

My heart raced in my chest, pounding harder than it should as we were both stunned into silence. I was speechless. All my worries were slowly replaced by how he stood there, looking at me with concern.

"Gusto mong pag-usapan?" mahina pero puno ng lambing na tanong niya.

"Huh?" I chuckled. "W-Wala 'yon!"

Nakaiintinding tumango siya. "May binili akong ramen at rice meals. Kumain muna tayo." Naglakad siya patungo sa center table kung saan nakapatong ang supot mula sa Enzo's Ramen. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Eating ramen is one of the most effective ways to deal with problems."

He had a contagious smile. He seemed to reassure me that everything would be fine. Malaya siyang naglakad papunta sa kusina kaya wala akong nagawa kung hindi sundan siya. Tinulungan ko siyang i-microwave ang ramen at nang matapos ay magkaharap kaming naupo sa mesa.

"Wala akong problema," sabi ko pa.

"Mabuti kung gano'n, Vina."

Nagsisimula na akong kumain nang mapansing tahimik lang siya. Nakatingin siya sa ramen habang ang mga daliri ay naglalaro sa ibabaw ng mesa. Matapos ang ginagawa ay naglabas siya ng kimchi mula sa plastic.

Kumunot ang noo ko. Weird.

My throat felt so good after eating the ramen. Pakiramdam ko ay nawala ang mga agam-agam ko. Mukhang tama nga siya. Magandang comfort food ang ramen.

"Calix," tawag ko sa kanya nang matapos. Wala kasing nagsasalita sa amin.

"Hmm?"

I exhaled. "Why do you need a place? Alam kong malaking kumita ang mga Real Estate Agent. Kaya mong bumili ng sarili mong bahay."

Ibinaba niya ang kutsara at ibinigay ang buong atensyon sa akin.

"I'm saving up for my Lola's chemotherapy."

My lips parted. "Oh... I'm sorry."

He shook his head. "At hindi rin naman malaki ang kinikita ko. Minsanan lang ako makabenta ng ekta-ektaryang lupa." He chuckled.

Tumango-tango ako. "You'll have a big break soon."

Tumayo ako at kumuha ng isang bote ng wine sa maliit na bar counter. Alam kong pinapanood niya ang mga galaw ko pero sa nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko talaga ay kailangan ko ng mas mainit sa loob ko. I wanted to kill all my emotions at once. Ang hirap na kaharap ko si Calix pero boses nina Kuya at Papa ang naririnig ko.

I put the wine and glass on the table. "Do you want a sip?"

"Sure," he replied, his voice low and hoarse.

Umupo ako at nagsalin sa wine glass niya. Ganoon din ang ginawa ko sa akin.

"'Yong Lola bang 'yon ang kasama mo sa ospital o iba?" tanong ko para may mapag-usapan kami.

"'Yon din," maikling sagot niya.

Naintindihan ko na agad ang nais niyang iparating. Procare Hospital is a mental hospital, and people are more likely to be diagnosed with a psychological disorder after being diagnosed with a physical illness. Iniisip kasi nila na mamamatay na sila. Lalo kapag matatanda.

"Wala ka bang kapatid?" tanong ko ulit.

Yumuko siya at pinaglaruan ang wine glass sa daliri niya. Natahimik din siya na para bang pinag-iisipan kung ano ang dapat na isagot.

"Dati meron."

Napamura ako sa isip. Change the effing subject, Vina! You're touching on a very sensitive topic! Wala pa sa level of closeness n'yo!

"Anyway," bawi niya agad. "I saw a piano in the living room. Marunong ka?"

Huminga ako nang malalim. No more questions about family, Vina.

"Hindi." Umiling ako. "Sa Tita ko 'yon, 'yong dating may-ari nitong bahay. Bakit? Ikaw? Marunong ka?"

He smirked. "Konti."

I scoffed at his tone. "Yabang!"

Napatawa siya. Uminom siya pero ang mata ay nanatiling nakatingin sa akin. He seemed to be amused. I made a teasing eye roll, garnering another good laugh from him.

"Tawa nang tawa. Happy pill mo ba ako?!" pang-aasar ko.

"Yes," he answered, still grinning. "Shortcake."

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. "What did you call me?"

Lalo naman siyang ngumisi. "Shortcake."

"Calix, I'm taller than most females!" depensa ko sa sarili. "And I'm not a freaking strawberry!"

He ruffled his long hair and stared at me with pure delight. He was really enjoying himself, huh? Ang seryoso ng pinag-uusapan namin kanina tapos biglang ganito?!

"You're still a shortcake to me."

Napairap ako bago masama ang tingin na iginawad ko sa kanya. Wala kailanman ang nang-asar sa akin noo! "You're maybe over six feet, but that doesn't mean I'm short!"

Tumawa siya. "Well, your temper is."

Balak ko pa sanang sagutin iyon, pero nang mapansing malamlam ang mga mata niya at parang walang problema ay nawala lahat ng sasabihin ko.

I knew then that eating ramen and drinking wine with him was enough to make me happy. I felt rested, even though I hadn't gotten any sleep. I wasn't sure if he sensed our connection, but when he stopped grinning, he gave me a sincere smile.

My heart swelled with joy and warmth. I didn't tell him my problems, but I felt he could see right through me. I felt understood without having to justify myself. I felt as if I were being listened to without saying anything.

And so, I smiled back at him.

He exhaled deeply and breathed a sigh of relief. 

"Now, that's my shortcake..."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro