Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41


Chapter 41

I closed my eyes as the needle pierced through my skin. Calix held my other hand and gently kissed it as if it would take away the pain.

"Calix, nakikiliti lang ako. Ang OA mo. Kaya ko naman ang sakit."

Mahina siyang tumawa. "Ginagawa ko lang rason 'yan para hawakan ka."

Nag-init ang mukha ko kasabay ng pagmulat ko lalo at narinig ko ang pagtawa rin ng nag-tatattoo sa akin. I saw how Calix gave the woman a side glance before chuckling.

Ang lokong 'to! Sa harap pa talaga ng artist lumandi!

"Ma'am, it's done!" sabi ng babae matapos ang lima pang minuto.

A smile crept onto my lips as I gazed at the small semicolon (;) on the side of my left wrist.

"You're the first couple I tattooed."

Lalong lumawak ang ngiti ko. Nagkatinginan kami ni Calix at naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Sa kabilang palapulsuhan niya ay may maliit din na semicolon.

Semicolon symbolizes a fight against depression and other mental health problems. Madalas na ginagamit ng isang manunulat ang tuldok-kuwit kapag may nais pa siyang idagdag sa isang pangungusap. Instead of ending the sentence, the author would put a semicolon to extend it. Sa buhay, sumisimbulo ito sa pagpapatuloy at hindi pagtigil. And this mark is notably meaningful for those who are suffering from psychological distress and self-harm.

Matapos matakpan ang tattoo ay nagtungo kami ni Calix sa isang flower shop. I picked some flowers and asked the florist to arrange them for me.

"Miss ko na ang motor mo," bulong ko kay Calix habang nakaupo kami at naghihintay.

"Nasa bahay naman nina Lola 'yon. Kukunin ko ba?" Tumingin siya sa labas kung saan naka-park ang kanyang itim na Honda Civic Type R.

Umiling lang ako at sumandal sa balikat niya. Two months after the reunion, Calix and I decided not to live in the same house before we got married. I also gave him a ring I bought for his birthday, and surprisingly, he had a ring prepared for me, too... and he bought it after receiving his first paycheck as an engineer.

He was now working on getting our house done, with, of course, Mark's design. May bahay na siyang ipinapagawa bago pa ako makabalik dito. May dance studio sa floor plan nito kahit na hindi pa naman kami nagkakabalikan noong mga panahong iyon. Ngayong nalaman niya ang pag-iwan ni Mark ng design para sa akin ay ipina-re-renovate niya ang ilang parte ng bahay.

"Vina, ang sabi nila kapag ganitong edad na, mahihirapan nang manganak," bulong niya. "Would that be okay with you? Pwede naman tayong mag-adopt kung masasaktan ka."

I chuckled. "Kanino mo naman nalaman 'yan?"

"Research."

Ngumiti ako at nilaro ang kamay niya. "I'll carry our child, Calix."

"Children," pagtatama niya.

Napasimangot ako. "Ilang anak ba ang gusto mo?"

"Minimum of three," he replied right away. "The first child would be a boy, para may kuya... and the other two would be girls... para maliliit na Vina."

Lumayo ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"You had it all planned, tapos kunwari ay concern ka sa panganganak ko." I grunted. "Bakit hindi mo pa gawing siyam para pwede na sa choir?"

He grinned. "I said minimum of three, Vina. Ikaw ang bahala kung ano ang maximum."

"My gosh, Calix! May balak ka bang lumpuhin ako?"

Tumatawa pa siya nang iabot sa amin ng florist ang bulaklak. Sunod na pinuntahan namin ay ang tindahan ng mga scented candles. Bumili lang kami ng ilang piraso bago nagtungo sa sementeryo kung saan inilibing si Mark.

Umakbay sa akin si Calix pagkababa namin ng sasakyan. Nagreklamo pa ako dahil ang bigat-bigat ng braso niya! Dahil Martes ngayon ay bilang sa daliri ang narito sa memorial.

The neatly trimmed grass swayed in the breeze, their tips bending as if they were dancing to an unheard melody. I couldn't help but remember the first time I came here. I cried because I couldn't stand the pain of Mark's sudden death. Even my next visits were equally painful. I just couldn't accept how he died from depression.

Nahalata ni Calix ang pananahimik ko lalo nang tumapat kami sa puntod ni Mark. Mabuti at hindi maaraw kaya naglatag si Calix ng blanket para makaupo kami sa damuhan. I placed the flowers beside his grave and lit the candles.

Without saying anything, Calix softly drew the side of my head towards his shoulders, gaya ng pwesto namin kanina sa flower shop. The humid breeze brushed over our skin and, right at that moment, I felt as if Mark had given us his blessing.

"Ang sabi niya sa akin, hindi raw siya aabay sa kasal ko kung hindi ikaw ang mapapangasawa ko," nangingiting saad ko habang nakatitig pa rin sa lapida. "Tapos no'ng unang beses kayong nagkita... tanda mo?"

Naramdaman ko ang pagtango niya.

"Gusto niyang pagselosin ka." I laughed softly. "Ewan ko. Siraulo talaga 'yan."

Calix kissed the top of my head. "I'm sorry that I wasn't with you when he left, Vina."

"Paano mo pala nalaman?"

He heaved a sigh. "No'ng sinabi mong wala na si Mark, nagtanong ako kay Troy kung ano ang nangyari."

"Eh... 'yong pananakit sa akin ni Papa?" tanong ko ulit.

He let out a gasp, parang ayaw sa narinig. "I'm sorry."

Tumawa ako. "Ayos na 'yon. Tapos na, eh. Isa pang sorry mo, hahalikan kita."

He chuckled. "Okay, sorry."

Iniangat ko ang ulo mula sa balikat niya at pinatakan ng mabilis na halik ang labi niya. Mukha siyang nagulat sa ginawa ko pero maya-maya ay mahina nang tumawa.

"Sorry ulit," pangungulit niya.

Pumalatak ako. "Bilis na!"

"Oh, here comes the shortcake."

I scoffed. "Funny ka?"

Hindi naalis ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa akin. Hindi na ako bumalik sa pagkakasandal sa balikat niya at iniharap na lang ang katawan sa kanya para makapag-usap kami nang maayos.

"Sinabi sa akin ni Mark," saad niya.

"What?"

He glanced at the tomb and smiled sadly. "Tanda mo ba no'ng nag-away tayo dahil hindi ko sinasabi sa 'yo kung ano'ng nangyayari? 'Yong nasa ramen house ka?"

Tumango ako.

"I noticed a few bruises on your cheeks. Hindi kita kayang tawagan ulit lalo at galit ka sa akin kaya si Mark ang kinausap ko." Bumaling siya muli sa akin, malungkot ang mukha. "Ayoko nang alalahanin, Vina. Ayoko nang ganoon ka."

Itinaas ko ang kamay para abutin ang mukha niya. I caressed his cheek and smiled.

"My baby is so strong and brave. Sino ang may sabing hindi? Hmm?" I whispered. "It must've hurt you. You endured a lot."

Namula ang pisngi niya. "You're baby talking me."

"Bawal?"

Umiling siya. "You're actually reminding me how much I love you."

Muli kong hinaplos ang mukha niya. "Kapag ikinasal tayo... 'wag kang magbabago, ha? Natatakot ako kasi baka biglang magising kang hindi mo na ako mahal."

He chuckled. Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa labi niya.

"Anong sabi ni Pastor?" he asked. "My love for you comes from the provider of love itself. Tingin mo ba mauubos 'yon?" Hinalikan niya ang kamay ko habang nakatingin pa rin sa akin.

Ngumuso ako. "'Yong sa lisensya ko, paano mo nalaman?"

Umirap siya. "We're back at it again?"

"Gusto ko lang malaman kung ano'ng mga pinaggagawa mo."

"Really now? Pwede namang mamaya mo na lang sa kotse itanong. Ang ganda ganda ng moment natin. You should've kissed me," reklamo niya.

Binawi ko ang kamay sa kanya. "Adik ka ba sa halik?"

"Sa halik mo, oo."

Umiling na lang ako. This guy was a hopeless case. Nanatili pa kami roon nang ilang oras, pinagkukwentuhan si Mark at ang mga alaala namin noon. He told me that he had visited the hospital and found out that I was fired, and my license could be revoked. Pinag-usapan din namin si Matcha na pupuntahan namin mamaya at ang dalawang anak nito, sina Sushi at Maki.

"Gutom ka ba habang nagpapangalan sa mga aso?" basag ko. "Nakakatakot, ha! Baka mamaya ay kimchi ang ipangalan mo sa magiging anak natin."

Napatawa siya. "Sige nga. Ikaw nga. Ano'ng magandang pangalan ng aso?"

Kunwaring nag-isip ako. "Brownie at Bantay."

Nasa kalagitnaan kami ng pag-aasaran at pagtatawanan nang mapansin ko ang isang tricycle na pumarada sa tabi ng sasakyan ni Calix.

I immediately recognized them. Tumahip sa kaba ang dibdib ko nang makitang papalapit sila sa pwesto namin. Naramdaman ko ang paghawak ni Calix sa braso ko at bago pa tuluyang makarating sina Mama, Papa, Kuya, Ate Sidney, at Rebecca sa amin ay tumayo na kami.

"Vina! Vina ko!" maligayang sigaw ni Papa nang makita ako. Bumitaw siya sa pagkakahawak kay Mama at patakbong lumapit sa akin.

Hindi ako nakagalaw nang parang bata itong yumakap sa akin.

"Sabi sa inyo, eh! Babalik ang Vina ko!" sabi pa niya kina Mama.

I was stoned. Nang makalapit sila sa amin ay nanlalamig ang buong katawan ko.

"Magandang hapon po," bati ni Calix.

Hindi natinag si Papa. Nakayakap pa rin ito sa baywang ko at ang baba ay nasa balikat ko.

Matapos ang pagsasalita ni Calix ay naghari ang katahimikan sa amin. I didn't know what to say. Wala na akong naging balita sa kanila... at hindi sila kasama sa plano ko. Matagal ko nang tinanggap na tapos na ang ugnayan namin.

Pasimple kong itinulak si Papa at nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mukha niya. As if on cue, Rebecca came to me.

"Ate..." hikbi niya bago dahan-dahang lumuhod sa harap ko. She hugged my legs, trembling, crying. "I-I'm sorry, Ate! I'm sorry!" Parang kinakapos siya ng hangin sa pag-iyak. "N-Naipon ko na ang kalahati ng utang ko sa 'yo! Babayaran ko na! I'm so sorry, Ate. Patawarin mo ako!"

Agad na tumulo ang luha ko sa nasaksihan. Walang salitang namutawi sa bibig ko nang sunod na lumapit sa akin si Mama. Parang bata itong idinikit ang mukha sa balikat ko. Dala ng emosyon ni Rebecca ay wala pang ilang segundo nang marinig ko na rin ang pagtangis niya.

"I miss you, anak," mahinang aniya na dumurog sa puso ko. "Miss ko na ang paglalambing mo. Miss ko na ang mga kwento mo. Miss na miss ko na ang pagtawag mo sa akin ng Mama."

Nanginig ang labi ko. "M-Ma..."

She sobbed. "Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sa 'yo, Vina. Hindi ako naging mabuting ina sa 'yo... Miss na miss na kita, anak." Lumayo siya sa akin at mas malakas na humikbi.

Pinatayo ko si Rebecca at kahit na umiiyak siya habang nakatingin sa akin ay pinilit kong buuin ang boses para makapagsalita.

"'Wag mo na akong bayaran, Becca," saad ko. "Palakihin mo na lang na mabuting bata si Thalia... ayun na lang."

Lalo siyang umiyak. "Ate, tanda ka na ni Papa. No'ng nasa ibang bansa ka, lagi ka niyang hinahanap... hindi niya naaalala ang mga ginawa niya sa 'yo..."

Kung hindi pa hinawakan ni Calix ang kamay ko ay sigurado akong manghihina ako.

"Vina," sambit ni Ate Sidney.

Napatingin ako sa kanya. Hindi kami kailanman naging madikit sa isa't isa. Wala kaming magandang alaalang pinagsaluhan pero ngayong kaharap ko siya ay nakikita ko ang mata ni Mark sa kanya.

"I'm sorry," bulong lang iyon. "You didn't fail as Mark's friend. You didn't fail as a psychiatrist..." She took a deep breath and cried. "Ako ang nabigo bilang ina niya... at hindi ko matanggap 'yon kaya naghanap ako ng masisisi... I'm sorry."

The apologies were too much for my heart. Hindi ko inasahan ang lahat ng ito, kaya ngayong personal kong naririnig sa kanila, pakiramdam ko ay nagdiriwang si Mark sa nakikita.

"Nabigo rin ako bilang tatay niya," si Kuya bago nag-angat ng tingin sa akin. "At bilang nakatatandang kapatid mo."

Muling tumulo ang luha ko.

"Wala akong rason, Vina." Umiling siya. "Hindi ko rin hihilingin na magkaayos tayo dahil alam kong malala ang trauma na ibinigay ko sa 'yo..." nabasag ang tinig niya. "No'ng nakita kong pagod na pagod ka na, Vina, sorry kung doon lang ako natauhan."

Humarap ako kay Calix at humikbi sa dibdib niya. Agad niya akong niyakap at hinaplos ang likuran ko.

They apologized. 'Yong mga nanakit sa akin... 'yong pamilyang matagal kong minahal at inalagaan... nag-sorry silang lahat. Sinabi pa ni Mama na napag-usapan na nila ako nang ilang beses tuwing may family reunion at kung paanong binago sila ng pag-alis ko.

Sa tapat ng lapida ng nag-iisang pamilyang nakasama ko, humingi ng tawad sa akin ang mga taong sumira sa puso ko.

Mark, nakangiti ka ba ngayon? Narinig mo ba ang sinabi nila?

"Calix," tawag ni Mama.

Hindi ako gumalaw sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Thank you for loving my daughter."

His chest heaved. Parang gripong tumulo ang luha ko dahil ramdam na ramdam ko kung paanong kumawala sa dibdib ko ang pinakamabigat na bagay na nakapatong dito.

"Thank you for bringing her into this world, Ma'am."

It was a moment of serenity. Narinig ko ang paghingi ng tawad nina Kuya at Mama kay Calix at malugod lang iyon na tinanggap ng huli. Wala nang rumerehistrong iba sa isip ko kahit rinig ko ang pagtawag sa akin ni Papa at pagsasabing miss na niya ako.

Doon ko lang napagtanto na napatawad ko na pala sila bago pa mangyari ang lahat ng 'to. Ang mga paghingi nila ng tawad ay regalo na lang sa akin ng Diyos para tuluyan akong maghilom.

Before leaving the place, I uttered, "We're getting married. I'll text you the time and venue... kung gusto n'yo pong pumunta."

"P-Pupunta kami! Hindi kami mawawala, anak..." sagot ni Mama.

Iyak lang ako nang iyak sa sasakyan at laking pasasalamat ko na naroon si Calix para damayan ako. I waited so long for their apologies... and now that they were said, parang hindi ko kayang paniwalaan.

Hindi ko pa sila handang tanggapin ngayon, pero alam kong balang-araw ay matuturuan ko ang sariling mahalin sila nang buong-puso.

Nang mga sumunod na araw ay nag-asikaso na kami ni Calix ng kasal. Dumalaw pa kami kina Lola Harriet at Lolo Ken na wala palang ideya sa paghihiwalay namin. Akala nila ay nangibang bansa lang ako dahil sa offer ko roon.

"Isang linggo na lang, Vina," saad ni Calix habang nakayakap sa likod ko.

Nasa tapat kami ng malaking bintana dito sa unit ko habang umiinom ako ng wine. The sky was full of stars, and the moon gleamed brightly, illuminating the darkest corners of the place.

My heart was renewed. Parang hindi nawasak at nadurog noon. It felt light, and I knew I couldn't ask for more.

"Sigurado ka na ba sa akin?" tanong niya.

I nodded. "Ilang beses kong ipinagdasal kung ikaw na. Ilang beses ding um-oo si Lord."

He planted a kiss on my neck. "I'm so happy that you're happy. Handa kong ipagpalit ang lahat basta lagi kang ganito kasaya."

I smiled. Happiness... it is found among the stars in the sky, believing that each one has a special story to tell. It is found in the heat of the sun and how it pours gold dust onto your skin. It's found on the inside, in the soul.

I touched Calix's arms and sighed. Happiness is smiling because we are here.

"Bakit tayo nag-sex dati eh hindi pa naman tayo kasal?" natatawang tanong ko matapos ang mahabang pananahimik namin. "Hindi pa ako believer no'n kaya wala pa akong pakialam... eh ikaw?"

He nuzzled on my skin. "I always lose my self-control when it comes to you, Vina."

"Oo naman, mahal na mahal mo ako, eh."

He groaned. "You proposed to me."

"Naawa kasi ako!" pagdadahilan ko bago muling tumawa. "Nabasa ko sa devotion notebook mo na patay na patay ka sa akin, Calix Dylan!"

"Says the one who rants on Twitter because I didn't message her."

Hinampas ko ang braso niya. "Bata pa ako no'n. Wala pa akong taste."

He chuckled. "Then why will you marry me?"

Humarap ako sa kanya. His hands were still encircling my waist, making our distance closer.

"Be honest with me... are you still blaming yourself?" I asked.

"Hmm?"

I pursed my lips. "Sa pagkawala ni Caroline."

Ngumiti siya bago dahan-dahang umiling. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko. "Hindi na po. Natanggap ko nang hanggang doon na lang ang buhay ng una kong baby."

"Eh... ang mga magulang mo?"

Umiling siya ulit. "I didn't hear a single apology from them." My heart throbbed. "But it's okay. Pinarusahan naman na sila ng Diyos para sa amin ni Carol. Sapat na sa aking nakakulong sila. May lolo at lola naman ako... tapos ngayon... may Vina na rin."

Hindi ko alam na posible palang mahulog pa ako lalo kay Calix. We may have spent a lot of time searching, but at least we realized that we were each other's safe place.

Thank You, Lord, for the answered prayer.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro