Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


Chapter 4

As I opened the heavy doors of the club, I felt a wave of flashing lights wash over me. The thumping beat of the music blared in my ears, inviting me to let loose and forget about everything else for a while.

I walked over to the couch and sat down. For tonight, I wore a black mini dress that hugged my curves in all the right places and black gladiator sandals with a chain-link accent that added a touch of edginess to my outfit.

With this look, no one would suspect I was hyperventilating inside.

Sino ba naman ang hindi? Bago pa ako makarating dito, nag-text na sa akin si Calix na papunta na siya! A part of me wanted to retreat. Alam kong ako ang nagyaya, pero hindi naman kasi kami close! Ano ang pag-uusapan namin? Iyong terms and agreements na naman?! Ni hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at niyaya ko pa siya!

God, ang landi landi mo kasi, Rovina!

"Tita!"

Napakunot ang noo ko nang mabosesan si Mark. I looked around and saw him approaching my seat. He was smiling brightly, para bang walang problema.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko.

Agad ang paglapat ng ngisi sa labi niya. "Pinapunta ako ni Yesha dahil may date daw kayo. Bilang manliligaw niya at gwapong pamangkin mo, kailangan kong sumama para masigurong ligtas kayo."

I frowned. "'Wag na 'wag kayong maglalandian sa harap ko at talagang pagbubuhulin ko kayo."

"Yes, Ma'am!" Sumaludo pa siya sa akin.

Pabiro ko siyang inirapan. Nakita ko ang pagbaba niya ng tingin sa relo at ang bahagya niyang pagnguso.

"Papunta na 'yon. Dapat pala sinundo ko na..." bulong niya sa sarili.

Sumandal ako sa couch at ginaya niya naman ako. Kinakabahan pa rin ako lalo't alam kong kaunting oras na lang ay narito na si Calix. Susunduin pa nga sana ako sa bahay pero tumanggi ako dahil ayoko namang mag-motor nang naka-dress! Saka... nakakahiya!

"Hindi ako papayag na maging third wheel n'yo kaya pinapunta ko rin si Calix," saad ko kahit na nauna ko naman talagang yayain ang lalaki.

"'Di nga?!" Naramdaman ko ang pagbaling ni Mark sa akin. "Gwapong-gwapo ba 'yan? Lumipat kayo ng mesa at baka magustuhan ni Yesha!"

Napabuga ako ng hangin. "Mark, 'wag mo na muna akong kausapin. Baka hindi ako makapagtimpi at isumbong kita kay Kuya."

"Joke lang syempre! Hindi ka naman mabiro!" He chuckled. "Ipakilala mo 'ko, ha? Pero 'wag mong sabihing pamangkin mo ako. Tingnan lang natin ang reaksyon."

I could only glare at him. Muli siyang tumawa bago ako pabirong inakbayan.

"Hindi pala ako pwedeng mag-inom ngayon at baka iuwi ka pa niyang si Calix!" Ginulo niya ang buhok ko kaya tinampal ko ang kamay niya. "Hindi mo pa naman kilala 'yan. Sa akin ka sasama pag-uwi, Rovina, ha?"

My lips parted. I pulled his arm off my shoulders and scoffed at him. Nangingiti naman niyang ibinalik ang braso sa balikat ko, walang pakialam sa nanggagalaiti kong tingin sa kanya.

Abala siya sa pangungunsumi sa akin nang mapatingin ako sa entrance ng club. Agad namang umahon ang kaba at pananabik sa dibdib ko nang mamataan si Calix na inililibot ang tingin sa paligid.

Shet, ito na!

He was clad in faded, ripped jeans and a black statement tee. Ang buhok ay nakatali, at ang namumulang mga labi ay taimtim na nakatikom. Patuloy siya sa pagtingin sa paligid, walang pakialam sa ibang taong napapasulyap sa kanya. He was cluelessly hot, with a sculpted jawline that could cut through steel.

"'Yan ba 'yon?" bulong ni Mark. "Tangina, papi."

Gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko na nagawa dahil nagtama ang mga mata namin ni Calix. He gave a small smile, but it faded as soon as he saw Mark sitting beside me. I panicked slightly when he walked in our direction.

Iginalaw ko ang balikat ko para tanggalin ni Mark ang akbay sa akin, pero hindi naman iyon ginawa ng huli. Hanggang sa makarating si Calix sa couch ay nakaakbay pa rin sa akin si Mark.

"H-Hi!" I greeted him, my chest rising to my throat. "Si Mark—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang tumayo si Mark at nakipagkamay kay Calix.

"Good evening, pre."

I was stoned in my seat. Why the hell was he talking so stuffy?!

Seryosong tumango si Calix. "Good evening."

He sat down after Mark motioned for him to do so. Inakbayan ulit ako ni Mark kaya palihim ko siyang kinurot sa tagiliran. Talaga bang trip niya kami?!

Lumapit ako sa tainga niya. "Bitawan mo ako, shuta ka." Hinampas ko ang hita niya.

"Ayoko," tawa niya bago muling binalingan si Calix na nananahimik.

Nasaan na ba kasi si Yesha?!

"Kapag hindi mo ako binitawan, sasabihin ko kay Yesha na jutay ka," bulong ko ulit. "'Wag mong sirain ang plano ko ngayong gabi."

"Bilis na, titingnan ko lang kung magseselos 'to. 'Wag kang magulo muna," bulong din niya. "At kapag sinabi mo 'yon kay Yesha, ipapakita ko 'to agad sa kanya." He chuckled.

I pursed my lips. "Alisin mo na. Baka akalain pang talandi ako."

Tumikhim si Calix kaya napatingin ako sa kanya.

"Excuse me," he said. "I didn't want to get in the way, but Vina seemed a little uneasy. Baka pwede mong tanggalin ang kamay mo?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. He was obviously gritting his teeth, and his eyes were almost glaring. Mabigat ang tingin na iginawad niya sa braso ni Mark na para bang malaki ang atraso noon sa kanya.

Mark laughed as he took his arm off my shoulders. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa nangyari.

"Easy, inaasar lang kita, eh!" sabi ni Mark habang tumatawa pa rin. Tumayo siya at binalingan ako habang mayroong multo ng ngiti sa labi. "Sa labas ko na sasalubungin si Yesha. Tagal ng bebe ko, eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ba't ba ako nagkaroon ng pamangkin na ganito ang ugali?!

"Mamaya na lang, Calix," saad niya sa lalaki bago muling lumingon sa akin. "Tita..." pang-aasar niya pa.

Malaki ang ngisi niya nang umalis. Nasa gilid ko lang si Calix at pareho kaming hindi makapag-salita. Pasimple akong tumingin sa kanya at naabutan ko siyang pinapanood lang ako.

"Pamangkin ko," I said awkwardly.

He licked his lower lip and bit it, parang may malalim na iniisip. Hindi ko sigurado pero medyo nawala ang sungit sa itsura niya.

"You okay?" he asked softly.

"Huh?"

"Mukha ka kasing kinakabahan kanina," he said. "Does he make you uncomfortable?"

I waved my hands at him. "No! Mark and I are blood-related, and we're friends!" At kinakabahan ako dahil nakatingin ka sa akin!

He breathed deeply and gave me a nod. He was finally letting go of the subject. "Nag-dinner ka na?"

"Yup! Ikaw? Wala ka bang ibang gagawin ngayon?" tanong ko. "Deed of sale? Tax declaration? Acknowledgement receipt? Hindi ka ba busy?"

Nangingiti siyang umiling. "On-going pa 'yong process ng bago naming ibinebentang lupa."

Tumango ako. "Let's order first." Tumawag ako ng club waitress na mabilis namang lumapit sa amin.

"Cherry martini and..." Bumaling ako kay Calix. "Ano'ng sa' yo?"

"Mojito."

Umorder din kami ng pwedeng kainin. Nang umalis ang waitress ay pinanood ko lang ang mga sumasayaw sa dance floor. Alam kong nakatingin si Calix sa akin dahil nakikita ko siya mula sa peripheral vision ko. His stare was too intense. Hindi ko alam kung bakit.

Several minutes went by before our order came. The silence between us was painfully awkward. Just as I was about to sip my drink, my phone buzzed.

From: Yesha

Girl, nakakainis si Dr. Santiago. Pinag-on call ako. Hindi ako makakasama! Badtrip. Papunta si Mark dito sa hospital ngayon. Magdadala raw ng dinner ko. Keri lang ba kayo ni Calix d'yan? Text ka lang kapag hindi ka komportable.

From: Mark

tita hehehehehehe

I bit my lower lip as I typed a reply to them. Nice one.

To: Yesha, Mark

Pakyu magsama kayong mga panget

Agad kong inilagay sa clutch ko ang cellphone, at hindi na naghintay ng sagot ni Yesha. Ang galing talaga nila! Sila na nga lang ang hinihintay ko para hindi kami ganito katahimik ni Calix!

I cleared my throat and glanced at him. "Uhm, hindi makakarating si Yesha kasi na-extend 'yong duty, tapos si Mark, papunta ngayon sa hospital."

He nodded. "Gusto mo pa bang ituloy natin 'to o ihahatid na kita?"

I exhaled. Goodness. Itinatanong pa ba 'yan?!

"Ituloy na!" I faked a laugh. "Nandito na, eh."

He smiled a little before leaning on the couch. He had the glass in his hand, but his delicate fingers were fiddling with it. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin at nakipaglaban ako ng titigan sa kanya.

It was a magical scene to behold. The noise and commotion around us faded away as we held each other's gaze, lost in a world of our own. It was as if nothing else mattered more than this moment.

"Can I sit beside you?" he asked, his voice low and baritone.

I tried not to gasp. Pakshet.

"Uh... Sure!" Natataranta akong umisod para bigyan siya ng space sa gilid ko.

Mabilis siyang lumipat sa tabi ko. His manly fragrance enticed my sense of smell. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Mas maingay pa ito sa paligid. Sigurado akong maririnig niya iyon sa oras na lumapit pa siya sa akin.

"Vina," tawag niya. Mariin ang hawak at titig ko sa baso ko. "I don't want to make you nervous. Please, let me know if I'm making things awkward for you."

Umiling ako. "Nahihiya lang ako dahil kay Mark. It's nothing serious."

Narinig ko ang pag-buntonghininga niya. "Akala ko boyfriend mo."

I looked at him. Our distance was really close. "I'm single!"

He pursed his lips. "That's good to know, Vina."

"I can't even remember the last time I'd been in a relationship. Puro flings lang ako," daldal ko pa.

Tumango-tango siya na para bang interesado siya sa pinag-uusapan namin. Kinuha ko ang baso ko at uminom doon para maibsan ang kaba.

"May fling ka ngayon?" tanong niya.

I shook my head. "Busy. Hindi ako makalandi."

He chuckled and sipped his drink. His eyes glistened slightly. Hindi ko alam kung dahil iyon sa ilaw o ano. He looked like he was having fun.

"Are you looking for one?" nangingiting tanong niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-ngiti. Isang sabi niya lang na available siya, hindi ako mag-dadalawang isip na landiin siya! Come on, trenta'y anyos na ako! Hindi na uso sa edad na 'to ang pabebe phase!

I scoffed to myself. That was a blatant lie, of course.

Inisang inom ko muna ang nasa baso ko bago nagsalita.

"Kung may gustong mag-apply," sagot ko bago ngumisi. "Ikaw ba? When was the last time you dated someone?"

He tilted his head and shifted his weight to my side. Tuloy ay parang magkaharap na kami.

"I've never had a girlfriend."

Ikinunot ko ang noo. "Totoo?"

"Yeah." He chuckled. "Puro flings din."

Umayos ako ng upo at nilabanan ang titig niya. I wasn't dumb. Basang-basa ko ang aliw sa mga mata niya.

"May fling ka ngayon?" gaya ko sa tanong niya kanina.

He shook his head. "Wala, pero may nagugustuhan ako."

My lips parted as my heart started racing even faster. Nakatingin pa rin kami sa isa't isa, at napansin ko ang dahan-dahang pagbaba ng tingin niya sa nakaawang kong labi.

"She's a doctor," he whispered, eyes still on my lips. "A very beautiful and sexy doctor."

Ilang mura na ang napakawalan ko sa utak ko. He said those in such a seductive tone! Hindi pa nakatulong na ang hot niya! Package deal talaga!

"Really?" I said, posing a challenge to him.

He smirked.

I gasped inwardly and braced myself for a kiss. I could feel it! Kita ko iyon sa mga mata niya. He wanted to kiss me!

I was so ready, so freaking ready! But to my dismay, he looked away and swallowed hard. Napansin kong mariin ang kapit niya sa baso niya dahil litaw na litaw ugat sa kamay niya. He even clenched his jaw before drinking!

Whoo! Shet, ang init!

Nag-iwas din ako ng tingin. Wala naman akong tama lalo't ilang baso lang ang nainom ko. Alam kong medyo nahihilo na ako pero hindi pa ako lasing. Tangina naman kasi! Prepared na ako tapos iiwasan lang ako ng tingin! Puro salita pero hindi marunong umaksyon! Ekis! Cancel Calix!

Hindi ko napigilan ang sarili at tumayo na para pumunta sa dance floor. Hindi ko muna kayang makipag-usap sa kanya!

"Sa dance floor lang..." paalam ko bago umalis.

Pumunta ako sa gitna at agad na itinaas ang dalawang kamay. I closed my eyes and swayed my hips slowly. Calix's face flashed on my head—his seductive dark brown eyes, pointed nose, sharp jaws, and sexy lips. Sumayaw ako nang sumayaw kahit ramdam ko na ang namumuong pawis sa noo ko.

A man approached me, which forced me to open my eyes. Pamilyar sa akin ang mukha niya dahil minsan ko na siyang napanood sa TV. I couldn't tell if he was a model or an actor.

"Alone?" tanong niya sa mababang boses. Our bodies weren't touching. He was just dancing beside me.

I did the same. Calix had to be cleared from my head. Tenant na nga siya sa bahay tapos tenant din siya sa utak ko?! Ano siya sinuswerte?!

Hindi ako sumagot sa lalaki. Sumayaw lang ako nang hindi siya pinapansin. Narinig ko ang pagtawa niya bago lalong lumapit sa akin.

"You're hot," he whispered.

I shut my eyes, still dancing. "Alam ko."

He chuckled again. I felt his hand on my hip, but before I could even shove it, someone grabbed my waist. Napamulat ako nang tumama ang mukha ko sa dibdib ni Calix. His familiar scent immediately reached my nose.

Wala akong narinig sa kanila dahil masyadong malakas ang music. Ramdam ko lang na nagsalita si Calix dahil nag-vibrate ang dibdib niya.

Oh God, I could stay here forever.

Unti-unti niyang hinawakan ang balikat ko para iharap ako sa kanya. Parang ngayon lang ako tinamaan ng alak dahil papikit-pikit na ako nang tingnan siya.

"Ihahatid na kita," marahang wika niya.

I shook my head. "Halos dalawang oras pa lang tayo rito! Ang aga-aga pa!"

"Vina, you're drunk..." he insisted. Ang isang kamay niya ay nasa balikat ko at ang isa ay nakahawak sa baywang ko na para bang anumang oras ay matutumba ako.

"Gago, kaya ko pang i-recite ang preamble ngayon! Anong lasing? Inaantok lang!" sagot ko at bahagyang lumayo sa kanya.

"Oo nga, kaya nga kailangan mo nang mag-pahinga. Halika na," giit niya ulit.

I pouted. "Ayaw ko pang umuwi."

He cursed under his breath as he took his eyes off me. "I have to get you out of here, Vina. Maaga pa ang pasok mo bukas."

Napairap ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napikon.

"Nangingialam..." bulong ko. "Kainis, eh."

Sigurado akong narinig niya iyon dahil napatingin siya sa akin. He was shocked, especially when he saw me glaring at him.

"Are you mad?" he asked gently. "I just want to make sure you're safe."

"I can manage, Calix." Humiwalay ako sa kanya at padabog na nag-martsa palabas ng club. I knew I was acting irrationally, and I didn't even know why!

"Vina, wait!" he said as he followed me.

Naramdaman ko ang paghigit niya sa braso ko kaya napaharap ulit ako sa kanya. Mabuti at wala masyadong tao sa labas. Walang makakakita ng kaartehan ko.

I sighed. "Look, I'm sorry. I know I'm being annoying right now. Still, totoong hindi mo na ako kailangang ihatid pauwi kasi kaya ko naman."

He shook his head, smiling. "You're not annoying, Vina. I seriously think you're cute."

Napalunok ako nang mula sa braso ko ay bumaba ang kamay niya sa palad ko. He carefully held my hand as if it were fragile glass.

I bit my lower lip. "Bad behavior should not be romanticized! Being irrational isn't cute!"

I mentally scolded myself. Sino bang kaaway ko?!

He chuckled, his hand still on mine. "Okay, Doc." He cocked his head. "Ngayon, pwede na ba kitang ihatid?"

I frowned. "Required bang hawakan ang kamay ko? Ihahatid mo lang naman, ah!"

"Baka makawala ka, eh." Tumawa siya at saka pinisil ang palad ko.

The cold air was drying off my sweat. The honking of the vehicles and the soft music from the club could be heard. While everything seemed so loud, something inside me was even louder. I didn't know if it was because of the alcohol, the calm night, or the warm and large hand against mine. It was so serene.

"Nasaan ang motor mo?" tanging naitanong ko.

"Papayag ka na bang ihatid kita?" tanong niya rin.

I shook my head. "Hindi mo ako ihahatid. Sasabay lang ako sa 'yo kasi i-che-check mo na ang bahay ngayon para makalipat ka na kung gusto mo."

Napangisi siya. Hindi na niya ako sinagot dahil dinala na niya ako sa parking lot. I saw his black Kawasaki Versys. Binitawan niya ang kamay ko kaya medyo napasimangot ako.

"Tara," yaya niya nang makitang nakatayo pa rin ako sa gilid ng sasakyan niya.

I squinted my eyes at him. "Siguraduhin mong sa bahay mo ako ihahatid, ha? Inaantok lang ako pero kaya pa kitang patulan kapag may ginawa ka sa akin."

"I would never harm you, Vina."

I pouted. "Naka-dress ako. Ayos lang ba?"

Bumaba ang tingin niya sa hita ko. Maikli ang suot kong bistida dahil hindi ko naman inaasahan na siya ang maghahatid sa akin pauwi. Ang balak ko kasi ay mag-taxi na lang.

"You can sit sideways," he suggested. "Ipatong mo ang bag mo sa hita mo. I will drive slowly."

A smile touched my lips. Umupo ako sa likuran niya nang patagilid gaya ng sinabi niya. He gave me a helmet. Inilagay ko rin sa hita ko ang clutch para hindi hanginin ang dress ko.

He sighed before grabbing my arm, circling it around him.

"Calix!" I gasped. "Pwede namang dito na lang ako kumapit!" Ang isang kamay ko ay nasa clutch at ang isa ay nakapalibot na sa baywang niya.

Hindi siya sumagot. Pinaandar niya ang motor kaya wala akong choice kung hindi kumapit na lang sa kanya. Dahil bukas ang salamin ng helmet, amoy na amoy ko ang pinaghalong natural na bango niya at ng perfume na gamit niya. The breeze was also gently brushing against my skin.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Ganoon pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. The sensation was familiar... like the one I had when I passed my board exam—a mixture of joy and excitement.

Mabagal ang pagda-drive niya. Sa totoo lang ay pwedeng hindi na ako kumapit sa baywang niya, pero ayaw ko namang sirain ang moment lalo at pansin kong flat ang tiyan niya.

Ipinikit ko ang mga mata. I was on a motorcycle with a man I barely knew but somehow trusted. I wasn't stupid. I knew there was a strong attraction between us. Alam kong gusto niya ako at gusto ko rin siya. The thing was that I wanted to take my time. I wanted to get to know him in every detail. I wanted to see where this attraction could lead us.

Dahil naibigay ko naman ang address sa kanya noong unang beses kaming nagkita, alam niya na kung saan ako dadalhin. Nakarating kami nang maayos sa bahay. Nakaupo siya sa motor habang ako ay nakatayo na sa gilid niya. Bukas ang ilaw sa gate kaya mas lalo kong naaninag ang mukha niya.

I observed his features and noticed a tiny mole on his temple.

"Alam mo ba 'yong sinasabi ng iba na kung nasaan ang mole mo, doon ka laging hinahalikan ng taong mahal mo no'ng past life mo?" I lifted my index finger and brought it to his temple. "Your one and only true love must have kissed you here."

Bumaling siya sa akin at ngumisi. "Kung gano'n, your partner must love kissing your neck."

Napahawak ako sa gilid ng leeg ko kung nasaan ang maliit ko ring nunal. Ngumiti ako bago tinanggal ang helmet na suot.

"Gusto mong pumasok para i-check na ang loob?" tanong ko.

"Kahit hindi ko i-check, lilipat na ako rito sa Sabado."

Namilog ang mga mata ko. "Ha?! Bakit?!"

"I just need a bed and a restroom, Vina. Hindi naman ako maarte," sagot niya. "And you have to rest now."

Napanguso ako. "Babye na agad?"

My heart skipped a beat when he laughed.

"Woman, you really know how to test my patience," he said, his voice raspy. "Come on, pumasok ka na."

I shook my head. Ayoko pa! "Sabi mo may nagugustuhan kang doctor."

A flicker of amusement passed through his eyes. "Oo, kaya pumasok ka na. You're really drunk."

"Hindi ako lasing!"

He grinned, revealing a row of pearly white teeth. "Says all the drunk people."

"Stop mocking me, Calix Dylan."

"Look, you're under the influence of alcohol. Saka mo ako ganyanin kapag wala ka nang tama."

I sulked. "Why didn't you even try to do that?"

He squinted. "Do what?"

Lalo akong napasimangot. "Why didn't you kiss me?"

I watched him closely, studying the change in his expression. He was surprised. His piercing gaze locked onto my lips, causing me to inhale sharply. Nag-iwas siya ng tingin at napalunok.

Sige lang, Vina. Gawin mo ang mga bagay na alam mong pagsisisihan mo bukas.

"You're drunk."

"Keme ka!" sagot ko na lang, hindi ipinahahalata ang pag-usbong ng kaba sa dibdib. "Bahala ka na nga diyan! Salamat sa paghahatid!"

Ramdam ko ang labis na pag-iinit ng mukha ko at panlalamig ng mga kamay. I must be nuts to ask him that! Alam kong walang hiya ako, pero hindi ba sobra-sobra naman 'to?! Tumingin ako sa paligid para pakalmahin ang sarili.

"In your next life, you're going to have a mole on your lips," he said softly. "I promise you that."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro