Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37


Chapter 37

I wanted to be happy because I knew in my heart that we were on the same page, but at the same time, I was scared of the possibility of us again.

"Reign, what would you do if your ex-boyfriend said he still loves you?" tanong ko habang nakasandal sa upuan ng opisina niya.

Napataas ang kilay niya. "Your ex-boyfriend said that?"

I shook my head. Kahit close kami ay hindi ko nabanggit sa kanya si Calix. Kaya nga kung kani-kanino niya ako inilalakad. Pati ang mga secret admirers ko raw dito sa ospital ay kilala niya.

"Well, I'll never go back to a man who has hurt me." Humarap siya sa screen ng portable computer.

I heaved a sigh. "What if he didn't mean to hurt you? It's just the circumstances..."

She chuckled. "I'm still not going back to him; how would we work out now if we didn't work out before?" Patuloy siya sa pagtitipa sa computer. "Perhaps... he just misses the memories we had."

Napatango na lang ako. "You think so?"

Hindi kaya ganoon lang din ang nararamdaman ni Calix? Baka hindi naman talaga ako ang na-miss niya... baka 'yong pinagsamahan lang namin. After all, para lang naman kaming magkabarkada noon.

Tumingin siya sa akin, marahil ay nahalata ang pananahimik ko.

"Flip a coin, Vina."

"Huh?"

"Don't you know the old saying about tossing a coin when you're stuck with two options? It says that it helps not because it solves the problem for you, but because in the short time the coin is in the air, you'll eventually realize what you're praying for."

Buong umaga kong inisip 'yon. Nakatanggap pa ako ng good morning chat mula kay Calix kasama ang paalalang afternoon date namin. Susunduin niya raw ako sa ospital. Hindi ko alam kung anong gagawin namin pero wala pa man ay kinakabahan na ako. I was so terrified with my reaction.

Mabuti at wala ako masyadong kliyente dahil baka hindi ko lang sila makausap nang matino. Para pa rin akong nakalutang habang inaalala ang mga salita ni Calix kagabi.

I sighed. Lord naman, ang sabi ko move on... sign mo ba 'to? Ayaw mo ba talaga akong makalimot? Paano ako makaka-hindi kung alam kong mahal ko pa rin? Am I too greedy? Para kasing maraming babae ang mas babagay sa kanya.

I mean, he was a known engineer now. He had it all—good looks, wealth, and fame. His personality was also something that any woman would want.

Nang dumating ang oras ng out ko ay parang ayaw kong lumabas sa opisina. Kung hindi pa nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong pantalon ay hindi talaga ako lalabas. My cheeks heated when I saw Calix's name on the screen.

Calix Dylan Fujimoto: Nasa labas ako ng ospital. Are you done?

Inayos ko ang buhok at lumabas ng opisina ko na parang hindi kinakabahan. Wala pa ako sa mismong exit ay nakita ko na agad si Calix na nakatingin lang sa cellphone niya.

I smiled at the familiarity. Ganitong-ganito ang postura niya tuwing hinihintay akong matapos sa trabaho noon. He looked reserved and stiff... salungat sa totoong ugali niya.

Nag-angat siya ng tingin bago pa ako makarating sa pwesto niya. He stood up properly and looked intensely at me. Pinilit ko tuloy maglakad nang normal kahit pa titig na titig siya sa akin.

Ano bang problema nito?! Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda? Hindi manlang itinatago ang pagtitig, eh!

My heart hammered rapidly against my chest as his eyes lingered on my neck. I wore the scarf and bracelet he had given me... bagay kasi sa suot kong long white sleeves top and beige high-waisted pants.

"RDF," nakangiting aniya nang makalapit ako. His gaze was drawn to the initials he had embroidered on the scarf.

I pouted. Akala ko pa naman ay mahihiya ulit siya gaya ng dati!

"Rovina Desamero Forever 'yon."

He tilted his head and chuckled. "Sure na? Non-negotiable?"

Wow... hindi talaga siya nahihiya? Kasasabi niya lang na mahal niya ako! Katatawag niya lang sa akin ng baby kahit babaeng maton ako! Nakalimutan niya na ba agad?!

Umirap lang ako at inignora ang pang-aasar niya. "Saan ba tayo?" Nag-iwas ako ng tingin nang napansing nakangiti pa rin siya sa akin. "A-At 'wag ka ngang tumingin!"

"Oh... staring is prohibited, too?" he asked. "Noted, Ma'am."

Lalong nag-init ang mukha ko. Ako ang nilalandi niya pero bakit ba ako ang nahihiya?! Parang... noon lang! He always had the upper hand!

"You're blushing," pansin niya.

Nanlilisik ang mata kong bumaling sa kanya. "Sa galit 'to!"

Yumuko siya para itago sa akin ang ngiting sumisibol sa labi niya. His tongue played with the insides of his cheeks.

"Hindi ba tayo aalis? Matutulog na lang ako sa apartment," saad ko.

Lumawak ang ngisi niya bago tumingin sa akin. "Matutulog... tayo?"

I frowned. "Ang sabi ko ako."

Tuluyan siyang napatawa. Bahagya pa siyang tumingala kaya pansin na pansin ko ang guhit ng panga niya. Hindi ko alam kung bakit parang aliw na aliw siya sa nangyayari!

I crossed my arms and waited for him to stop laughing. Naramdaman niya siguro ang masamang tingin ko kaya tumigil siya; halata pa rin ang ngiti sa labi niya.

"Ayoko na nga, baka hindi mo na ulit ako pansinin," aniya. "Halika na. Nagpa-reserve ako ng resto. Kain muna tayo. And do want to watch a movie?"

I pouted. "Lagi mo na lang akong pinapakain. Life goal mo bang patabain ako?"

Hindi ko alam kung ano ang mali sa itinanong ko na nakapagpapula sa tainga niya. I saw him gulp before shaking his head, as if reminding himself not to think of it.

"Ano'ng kahalayan ang naiisip mo, Calix Dylan?" basag ko sa internal battle niya. "You're not thinking of something sexual, right?"

He cleared his throat. "Syempre hindi!"

I narrowed my eyes on him. "Then why are you blushing?"

"You sure you wanna hear it?" hamon niya rin.

"Ano?" Pinandilatan ko pa siya.

"Naisip ko kung ano'ng itsura mo kapag buntis ka." His eyes glistened. "Naisip ko ang itsura mo kapag dinadala mo na ang anak natin."

Agad ko siyang tinalikuran sa narinig. Nakakaloka, ha! Ang layo ng narating ng utak niya!

Mainit na mainit ang mukha ko habang tumatawa siya sa likuran ko. Nagmadali ako sa paglalakad at naramdaman ko ang pagsunod niya.

"I really thank God you can't access my mind," bulong niya pa habang naglalakad kami.

Napasimangot ako kahit na nag-iinit pa rin ang pisngi ko. "Idinamay mo pa ang Diyos sa kahalayan mo."

Habang kumakain kami ay hindi siya natigil sa pangungulit sa akin. Akala ko ay magiging awkward ang "date" namin, pero dahil sa kanya ay naging magaan kami sa isa't isa. He was always like that. Kahit noon. Nang umamin siya sa akin at pinapunta niya sina Chin at Troy sa bahay, akala ko ay magiging mailap kami sa isa't isa. But then, he made a way for me not to feel awkward.

"Anong movie ang gusto mong panoorin?" tanong niya matapos naming kumain.

Napaisip ako. Hindi ko pa siya nakakasamang manood ng kahit anong movie sa cinema. Mas sanay kaming sa bahay lang hanggang sa makatulugan na ang palabas.

"Something scary, I guess?"

"Ayaw mo ng romance?" tanong niya ulit bago kumuha ng tissue para punasan ang bibig.

Umiling ako. "I'm not a big fan of romantic films."

Dumaan ang pagtataka sa gwapong mukha niya. "But we used to watch a lot of Nicholas Sparks' movies."

"Ikaw ang pumili no'n."

Tatlong beses siyang kumurap. "Really?"

"Yup. You like romance, right?"

Napahawak siya sa batok niya na parang nahihiya. Some of his hair strands fell on the sides of his face.

I was having the time of my life grinning at him when my phone vibrated. Sabay pa kaming napatingin doon dahil nakapatong lang naman sa mesa.

Napataas ang kilay ko nang makita ang pangalan ni Liam. Lumabi ako bago kinuha ang cellphone. Sinundan niya iyon ng tingin, magkasalubong na ang kilay at parang galit. Mula sa pagkakasandal ay lumapit siya sa mesa at itinuon doon ang siko.

I cleared my throat before lowering my gaze. Galing naman ng timing nito!

Liam Garofil: Happy New Year, Vina! Can I call?

"Anong sabi?" tanong ni Calix bago pa ako makapagtipa ng sagot sa lalaki.

"Bumati lang," walang tinging saad ko. "Saka tatawag daw."

"Huh?" Medyo lumakas ang boses niya.

I glared at him. "Ano'ng problema mo?"

"Bakit daw tatawag?" Parang inis pa siya.

I shrugged. "Hindi ko alam at wala naman akong balak alamin dahil hindi ko siya hahayaang tumawag sa akin."

He heaved out a sigh. Parang mahikang nawala ang kunot sa noo niya at dahan-dahan pang bumalik sa pagkakasandal sa upuan.

"Re-replyan mo pa?" tanong niya, nakatingin pa rin sa cellphone ko.

Tumango lang ako. I greeted Liam back and said that I was busy. Ibinaba ko rin ang cellphone ko matapos mag-reply kahit pa nakita kong na-seen niya agad ang message ko.

"Hindi pa ba tayo aalis?" I asked after a few minutes of silence.

He called a server and paid for our meal. Tumayo na ako at pumunta muna sa banyo para mag-ayos. Hindi rin naman ako nagtagal doon. Nang makalabas ay nakita ko siyang naghihintay na sa akin.

Tumawag siya ng taxi para makapunta kami sa malapit na cinema. Napansin ko ang pananahimik niya at alam kong dahil iyon kay Liam. Marahil ay iniisip niyang nag-uusap pa rin kami ng lalaki.

Kahit pansin kong may bumabagabag sa kanya ay hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Inaasar niya pa rin ako at minsan ay pasimple pang sumasabay sa akin sa pagkuha ng popcorn. Ni hindi na ako nakapag-focus sa panonood dahil sa kilos niya.

I realized how simple our date was. No fancy meals, surprises, and luxurious activities. Parang normal na ginagawa lang ng magkasintahan. And I liked it more than the dates I had before. Walang pagmamalaki at pagyayabang.

"Tara na. Baka hindi tayo umabot sa ferry," aniya pagkalabas na pagkalabas namin ng cinema.

Napapalatak ako. "Hindi ba ako pwedeng mag-inat muna? Wala manlang tanungan kung kumusta 'yong movie?"

He chuckled. "Hindi ako makakapagtanong dahil hindi ako nakapanood."

I rolled my eyes.

"There," he uttered. "'Yang pag-irap mo lang ang pinanood ko."

I ignored him. I massaged my nape and tilted my head.

"I'm sorry. Pagod ka na ba?" malumanay na tanong niya habang tinitingnan ako.

I shook my head. "You're older than me. Baka ikaw ang pagod na."

"Paano naman ako mapapagod kung—"

I grunted. "Kung kasama mo ang lakas mo? My goodness, ha! Ang corny ng punchline na 'yan! 'Wag mo nang sasabihin!"

"Kung nag-alaxan ako," aniya.

Napapikit ako sa inis lalo at narinig ko ang malakas na pagtawa niya. Nilayasan ko siya pero dahil matangkad siya ay mabilis niya rin akong naabutan sa paglalakad. My cheeks were burning, yet I couldn't help but smile.

I missed this.

We rode a ferry boat to Bainbridge Island. Darkness and light had rendered the sky in a myriad of pastel colors. I stood at the bow of the boat, letting the cool mist nuzzle my skin.

"Vina..."

"Hmm?"

"Happy anniversary."

Napatingin ako sa kanya. He was looking down, his eyes at the water. May maliit na ngiti sa labi habang nakakapit sa railings. My heart hurt. Ito ang unang beses na magkasama kami sa mismong araw na ito. I couldn't even remember celebrating my New Year's Eve without thinking of him.

I sighed. "Sira ka. Hindi naman tayo."

"I know..." He chuckled, but it died down almost immediately. "We never had the chance to greet each other."

Tumingin din ako sa tubig at pinanood ang bawat alon na nabubuo sa pag-andar ng ferry. I was happy but there was a certain part of my heart that throbbed.

"May naging girlfriend ka ba?" I asked. "Hindi maikli ang apat na taon, Calix. Tapos... may pera ka, may resources ka."

"Dating someone who isn't you is nonsense," sagot niya agad. "Sinabi ko sa 'yo na ikaw lang ang gusto kong mahalin, 'di ba?"

Nag-init ang mukha ko pero nagawa ko pang tumawa. Ganoon din kasi ang nararamdaman ko. Siya lagi ang hinahanap ko kahit paulit-ulit nang sinabi ng utak ko na wala na at hindi na kami pwede. What we had was special. We compromised, talked, and just be each other's resting ground. He always reassured me that I was the only woman he loved. Kahit ngayon. I had his assurance. I had his word.

Minahal niya ako sa pinakapayapang paraan. Isang tingin lang, alam niya na agad kung ano ang laman ng puso ko. Hindi siya nagsawang magluto, maglinis, maghatid, magsundo, at makinig. Hindi siya nagsawang ngumiti, yumakap. Hindi siya nagsawang magmahal.

Bilang sa isang kamay kung ilang beses kaming nagtalo, at sa dulo, lagi niyang ipinapakita sa akin ang pagpapakumbaba. He loved me in the kindest, gentlest, and calmest way possible. I had always found comfort in the embrace of darkness, and yet, when he found me there, he did not try to pull me out into the light. Instead, he sat beside me like a silent companion, patiently waiting until I could share a broken piece of myself with him.

"Hindi ko nakakausap si Liam," saad ko matapos ang ilang minutong pananahimik.

He looked at me. "Kahit... dati?"

Tumango ako. "Nangungumusta siya at sumasagot ako pero hindi nagtutuloy ang pag-uusap namin."

"That upsets you?" mahinang tanong niya.

"Hindi." I pouted. "Hindi ko naman siya gusto."

Sumulyap ako sa kanya. There was a glint of happiness in his eyes while looking at me. Parang... ang saya niya. Kahit nakatingin lang sa akin, nakakahawa ang kasiyahan sa mata niya.

"Hindi ka ba niya pinuntahan dito?"

Umiling lang ako.

"Mabuti naman. Akala ko kailangan ko pang kausapin, eh." He chuckled.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At ano namang sasabihin mo?"

"Is it possible that I want to punch and thank him?" he asked. Hinangin ang ilang hibla ng buhok niya bago muling tumingin sa tubig. "I wanted to punch that guy's face because your family likes him, and I felt like he was taking advantage of it."

I swallowed hard. Humigpit ang kapit ko sa railings dahil sa biglang pagbanggit niya sa pamilya ko.

"Pero hindi niya naman kasalanan 'yon. Kung ako ang nasa lugar niya at gustong-gusto kita, I will extend all my resources just to be with you." He exhaled. "Also, I wanted to thank him because he accompanied you when I couldn't."

Ngayong binuksan niya ang nakaraan, naninikip ang dibdib ko. Paulit-ulit na lang na ganito. Lagi na lang akong nasasaktan kapag naaalala ang mga panahong kailangan namin ang isa't isa pero pinili naming maghiwalay.

"Hindi ka naman kasi marunong magalit, eh. Kung magtatampo ka, ikaw rin ang gumagawa ng paraan para mawala 'yong tampo mo," bulong ko.

"Nagagalit ako, Vina. I'm not a saint," he replied. "But anger isn't something I want to keep. Mabigat 'yon, eh."

Tumango ako. "Sana kaya ko rin 'yan. Hobby ko kasing magtanim ng sama ng loob."

"Alam ko. Kaya nga nakakatakot ka, eh." Tuluyan niyang iniharap ang katawan sa akin, ang isang kamay ay nakatuon sa railings. "Pero, Vina, 'wag kang magtatanim ng sama ng loob sa sarili mo, ha?"

Natigilan ako.

"Instead of feeling sorry, thank yourself. Thank yourself for surviving, for holding on, for growing." He muttered those words like a lullaby. "Instead of blaming the wounds, thank your body for healing you. Instead of putting so much pressure on yourself, thank your mind for having the ability to keep your thoughts intact." He tucked the strands of my hair behind my ears. "Instead of looking back, thank yourself for moving forward."

Nanubig ang mga mata ko. How long had it been? How long did I take myself for granted? How long did I blame myself?

Sa nangyari sa kanya... sa nangyari sa akin... sa nangyari sa pamilya ko.

"Why are you crying?" he asked softly.

I looked up to keep my tears from falling. I didn't know that I needed those words. I realized that I had been punishing myself far too much. Tuluyan na akong nilamon ng takot at pangamba. I held myself responsible for everything I couldn't control.

"Thank you, Calix," taos-pusong pasasalamat ko. I reached for his hand and squeezed it.

Mukha siyang nagulat sa ginawa ko pero mabilis ding humigpit ang kapit sa akin. He intertwined his fingers with mine and smiled.

Hindi ko na binawi ang kamay ko at tumingin na lang sa dumidilim nang langit. I guess welcoming the new year with your ex-boyfriend isn't that bad.

The following days, tinotoo ni Calix ang sinabing panliligaw sa akin. Hindi ko alam kung panliligaw ba iyon pero bumalik siya sa dating gawi ng paghatid at pagsundo sa akin sa trabaho. Tuwing sasapit ang Linggo ay sa akin pa siya tumatabi. Alam kong pansin na iyon ng churchmates namin pero wala sa kanila ang nagtanong.

Hindi ko kahit kailan nasabi sa kanya ang devotion notebook niya na nabasa ko. Hindi niya alam na may ideya ako sa pinagdaan niya.

"Vina, umuwi ka naman para sa batch reunion! Ikaw na lang yata ang single sa batch natin. Kailangan namin ng aasarin!" sigaw ni Anne mula sa video call. Nagbibihis na kasi ako papunta sa trabaho.

"Gaga! May single din sa class nina Troy!" Si Mich.

"Hindi kaklase ni Troy si Calix," singit ko dahil alam ko namang iyon ang tinutukoy nila.

"At hindi rin yata single," sabi pa ni Chin habang buhat si Thunder, ang bunso niya. "Nanliligaw kay Vina 'yon."

Napatigil ako sa pag-aayos ng damit.

"Paano mo naman nalaman 'yan?"

She chuckled. "Kay Troy."

I exhaled. "Lagi n'yo na lang kaming pinagchichismisan!"

"True ba? Nanliligaw nga, girl?" tanong ni Anne. "Paano nangyari 'yon? Before Christmas lang naman kayo nagkita, 'di ba?"

Pumalatak si Mich. "Anne, less than a month lang ding nanlandi sa kanya si Calix noon no'ng naging sila. Hindi naman nakakagulat 'yon. Ang sa 'kin lang, napag-usapan n'yo na ba 'yong nangyari sa inyo dati?"

"Leave my love life alone," tawa ko.

"Yabang ni hayop!" daldal ni Anne. "Siguraduhin mong seryoso 'yan, ha? Baka mamaya niligawan ka lang kasi ikaw ang nariyan."

I snorted. Hindi ganoon si Calix.

"Pero feeling ko naman hindi. Pupuntahan ka nga sa New York if ever, 'di ba?" bawi niya agad. "Ah, basta! Kilalanin mo pa rin. Matagal kayong hindi nag-usap."

"Ayan nga ang ginagawa ko, Anne."

"Buntis na Vina cutie," tawa ni Mich.

"Oh, my gosh!" Pumalakpak si Anne. "Hindi imposible talaga! Bilisan n'yo na at baka ma-expire ang matres mo!"

Chin laughed. "Hindi talaga kayo magandang impluwensya sa anak ko."

"Ganda ng katawan ni Calix. Sarap ka-cuddle no'n. Mapapa-hashtag feeling safe ka!" pang-aasar pa rin ni Mich.

"Mag-sex na kay—"

I ended the call before they even had the chance to tease me more. Sunod-sunod agad ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa chat nila. Pinapauwi nila ako para sa batch reunion na gaganapin this year. Tentative pa ang date pero ang sabi nila ay baka April or May.

Paglabas ko ng apartment ay naroon na si Calix at naghihintay sa akin.

"Tumawag ang mga kaibigan ko," saad ko nang makalapit sa kanya.

Kinuha niya ang bag ko at binitbit iyon.

"Tumawag din sa akin si Calvin. May reunion daw."

Pumara kami ng taxi. Nakaalis na ang churchmates niya halos dalawang linggo na ang nakakaraan pero talagang nagpaiwan siya. Nang tanungin ko siya tungkol doon ay nginisian niya lang ako.

"Pupunta ka?" I asked, referring to the batch reunion.

"Ang sinabi ko kay Calvin ay pupunta ako kapag pupunta ka."

I scoffed. "Paano pala kapag sinabi kong sampung taon pa bago ako bumalik sa Pilipinas? Hindi naman pwedeng porke nandito ako ay dito ka na rin."

"Bakit naman hindi pwede?" tanong niya. "Paano kita liligawan kung lalayo ako?"

Napaubo ako sa sinabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin lalo at nakita ko na naman ang ngisi niya. Pagbaba namin ng ospital ay napatigil ako nang makita ang pamilyar na lalaki sa entrance, nakagilid siya sa amin pero kilala ko ang tindig niya.

Mukhang nakita rin ni Calix si Liam dahil narinig ko ang pagtikhim niya.

"That's what I'm saying. Baka pag-alis ko ay may mga gan'yang umaligid sa 'yo," masungit na bulong niya.

Hindi ko inasahan na makita ang lalaki kahit nasabi niya na sa akin na ngayong January ang shooting nila. Hindi naman din kasi ako sumasagot sa messages niya.

Pagilid na tumingin sa amin si Liam at nakita ko ang agad na pagliwanag ng mukha niya. He waved at me, but his smile immediately faded when he saw the man next to me.

He awkwardly gave Calix a side glance before fixing his eyes on me.

"Long time no see, Vina."

I gave him a smile, too. Hindi man kami sobrang naging close dahil sa nangyari noon, hindi naman mapagkakailang naging maayos ang pakikitungo niya sa akin. I couldn't find the need to do this, though. Ayoko rin namang tumanggi lalo at personal siyang pumunta sa akin.

"Si Calix," saad ko bago sinulyapan ang katabi kong seryoso lang na nakatingin sa lalaki.

"Kayo?"

Umawang ang bibig ko bago dahan-dahan na umiling. It didn't feel right, but that was the truth.

Napangiti lalo si Liam. "May photoshoot kami ngayong umaga pero tapos na rin 'yon mamayang lunch. Shall we eat together?"

"Uhh..." Napatingin ako ulit kay Calix. "Mabilis lang ang lunch break ko, Liam. Baka pati may biglaang client. I can't promise."

Napaisip siya. "Dinner... pwede?"

Calix cleared his throat. "Ako ang kasama niyang mag-dinner mamaya."

I laughed awkwardly. "Y-Yeah. Magluluto kami sa apartment."

Kumunot ang noo ni Liam, marahil ay nagtataka kung bakit ba magkasama ang mag-ex dito sa Seattle!

"You live together?"

I shook my head. "Hindi! Sa kabilang apartment siya nakatira."

"Then, can I come over?"

Oh, gosh! This man couldn't read between the lines! Alam kong aware naman siya sa nanlilisik na mata ni Calix sa kanya.

Mas ayaw ko namang pumunta siya sa apartment pa 'no! Mamayang gabi lang ang oras namin ni Calix at hindi kami magiging komportable kapag nasa paligid ang lalaki. At the same time, nahihiya naman ako kay Liam dahil nagsabi naman siya sa akin noon pa.

"Lunch na lang siguro, Liam." Kinuha ko ang bag kay Calix at ngumiti. "I'll message you... at ayos lang ba kung dito na lang din malapit sa ospital?"

Nakahinga nang malalim si Liam. "Oo naman, Vina. Sige na. Tumakas lang ako sa site. Una na 'ko!"

Pinanood ko ang pag-alis niya, at nang mawala sa paningin ay binalingan ko si Calix. Nagpaalam lang ako sa kanya bago pumasok sa ospital.

Calix Dylan Fujimoto: Saan kayo kakain?

Chat iyan ni Calix pagkaupong-pagkaupo ko palang sa swivel chair ko sa opisina. Wala pa naman ang naka-schedule kong kliyente kaya nag-reply ako sa kanya.

Rovina Desamero: Baka sa Italian resto lang diyan sa tapat.

Calix Dylan Fujimoto: Sakto, parang gusto ko ng lasagna.

Napangisi na lang ako. Sigurado akong nasa labas pa siya ng ospital dahil halos limang minuto palang nang maghiwalay kami. Hindi na ako nag-reply sa kanya dahil pumasok na sa opisina ko ang isang nurse para sabihin sa akin nariyan na ang kliyente ko.

My usual day went on. Maaga akong natapos kaya sinabihan ko si Liam na magkita na lang kami sa labas ng ospital. Mabuti at hindi na niya ako pinaghintay kahit nahirapan siya sa pagtakas sa manager niya.

"What do you want to eat?" he asked while looking at the menu.

Lumabi ako at inilibot ang tingin sa paligid. Walang anino ng lalaking sinabing gusto niya ng lasagna.

"Anything," sagot ko na lang.

Liam ended up ordering steak. Kung titingnan, mabait naman talaga siya. Wala lang akong maalalang ginawa niyang kakaiba... bukod sa pagpapapunta sa mga magulang ko noong huling dinner sana namin. He went overboard for countless of times.

"Do you still love him?" biglang tanong niya.

Kung umiinom lang ako ngayon ay paniguradong naibuga ko na 'yon sa mukha niya!

He chuckled. "Calm down."

"Nambibigla ka, eh!"

He shrugged. "I was just asking. You were hurting the last time I saw you... kaya nagulat lang ako na magkasama kayo rito. I didn't expect that."

"Pumunta lang din siya rito last month. We accidentally saw each other... tapos ayun..."

"I thought he was in a relationship with Gwen? Hindi ba?"

Umiling ako. "Magkaibigan lang."

"Pinagbigyan mo?"

I nodded. "W-Wala namang masama. I didn't promise him anything."

"Kaya pala hindi ka na nagrereply," tawa niya.

"Naging abala rin ako!" tanggol ko sa sarili. "At saka, hindi ko inasahang ngayon ang punta mo."

"Hindi mo 'ko sini-seen, eh." He lowered his gaze and cut the steak. "But it's okay. Hindi na tayo bata para sumama ang loob sa mga gan'yan. We both have responsibilities."

Napatango na lang ako. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan tungkol sa naging buhay namin sa nagdaang mga taon. Nasabi niyang may mga naging girlfriend siya pero hindi rin nagtatagal dahil problema niya pa rin ngayon ang time management.

It was just like talking to a long-time friend. Tinanong niya pa ako tungkol sa relasyon namin ni Calix kaya nasabihan ko siyang chismoso na ikinatawa lang niya.

He was a good conversationalist that I didn't even realize that we already maximized my lunch break. Inihatid niya ako sa entrance ng ospital, at bago pa ako makapasok ay nagsalita siya.

"I like you, Vina."

Napakurap ako at natulala sa kanya. Hindi ako manhid. Alam ko naman ang ginagawa niya... pero nakakagulat pa rin.

"But I don't want to be a player in a losing game." Tumawa siya.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"I'm sorry for the things I did before. I hope we can still be friends."

I heaved a sigh and finally gave him a smile. Hindi pa napoproseso ng utak ko ang sinabi niya, pero masaya ako na alam niyang friendship lang ang kaya kong i-offer. We didn't really talk much. Walang magandang foundation ang samahan namin pero naniniwala akong mabuti siyang tao.

"Mag-asawa ka na," nasabi ko pa.

Pabiro siyang umirap. "I just said that I like you. Brutal mo talaga."

I laughed. "At alam naman natin parehas na mababaw lang 'yan. Baka nagagandahan ka lang sa akin kasi sino ba naman ang hindi, 'di ba?"

He laughed, too. "Pumasok ka na nga! Isang buwan ako rito kaya guguluhin pa rin kita hanggang sa masuntok na ako ni Calix."

My smile didn't fade. "I'm happy to see you again, Liam."

He grunted. "Please, 'wag mo na akong paasahin."

I bid him goodbye, but I promised to answer his messages when needed. Magiging abala rin naman siya para sa shooting nila kaya hindi niya rin masabing dadalasan niya ang pagyayaya sa akin. I was just so happy that we cleared that part. I felt like he matured. He was sensitive enough not to touch my relationship with Calix.

Binuksan ko ang messenger at naging sunod-sunod ang pagtunog no'n dahil sa mga chat ni Calix.

Calix Dylan Fujimoto set your nickname to RDF.

Calix Dylan Fujimoto set the emoji to 🍰.

Calix Dylan Fujimoto: Hindi na ako pumunta. I don't want you to think that I'm invading your social life. Hindi naman tamang pagselosan ko ang lahat.

Calix Dylan Fujimoto: Namili ako ng lulutuin mamaya. May gusto ka bang kainin?

Calix Dylan Fujimoto: Pating ba ang kinakain niyo? Ang tagal yata?

Napatawa ako sa nabasa. I could imagine him sulking.

Hindi ko alam kung may magic siya dahil nang magrereply na ako ay nakita kong nag-ta-type na agad siya. Lokong 'to, binabantayan niya ba ang chat box namin?

Calix Dylan Fujimoto: I love you.

Humigpit ang kapit ko sa cellphone at lalong napasandal sa upuan. Warmth enveloped my heart. Bakit nararamdaman ko lahat ng emosyon kapag si Calix na? Kahit personal ko nang narinig sa kanya ang mga salitang iyon, parang bago pa rin... parang unang beses pa rin.

Calix Dylan Fujimoto: Nothing changed. Kaya ko pa ring ipanalo ang pagmamahal ko sa 'yo, Vina.

My heart hurt because I was so happy. Ang saya saya ko kapag siya... na nakakatakot na kasi baka bigla na namang bawiin.

Rovina Desamero: See you later, Calix.

I closed my eyes and pictured him on the couch in his apartment, his phone in his hand, waiting for my response.

Calix, you've already won. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro