Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35


Chapter 35

Breaking News: Calix Dylan Fujimoto denied dating rumors with Gwendolyn Leigh Benavente

Ayan ang bumungad sa akin nang magising ako. It was a screenshot sent by Anne in our group chat, and they were all making a fuss about it.

Stefany Anne Lupena: huy gagi trending

Elora Chin Dela Paz: Hindi naman nakakagulat 'yan.

Stefany Anne Lupena: eh kahit na! ang tagal kayang walang update!

Michelle Noblejas: anong meron? ba't biglang nag-release ng statement si calix?

Elora Chin Dela Paz: Ang alam ko ay nasa America ngayon si Calix.

Michelle Noblejas: ano bang laman ng article? anong sabi ni calix? tinatamad akong magbasa

Stefany Anne Lupena: wala, nag-post lang sa facebook page niya na magkaibigan lang daw sila ni gwen kaya sana ay matigil na ang mga chismis tungkol don

Marami pang sumunod na mensahe pero hindi ko na inisa-isa dahil nananakit lang ang ulo ko kaiisip. I just visited his Facebook page to see his post. Sa tagal ng pag-i-stalk ko sa kanya sa social media, ngayon lang siya personal na nag-post sa page niya. Kadalasan kasing nagpo-post doon ay ang admins niya. Update lang tungkol sa projects na hina-handle niya.

Engr. Calix Dylan Fujimoto

Good day. I'm here to refute any and all claims that I dated Gwen. We were never romantically involved. We're just friends, and I hope you don't misunderstand that.

Napahinga ako nang malalim. Kaninang madaling araw niya lang ipinost iyon pero marami na agad nag-comment at nag-share. Sikat pala talaga siya sa Pilipinas? I mean, yeah... ilang beses siyang na-link kay Gwen kaya maraming nakakakilala sa kanya. Hindi ko lang alam na may sarili siyang... what do you call this? Fans? Supporters?

Nagbasa ako ng ilang comments at napansing majority noon ay positive. Na hindi naman daw sila naniwala dahil walang confirmation at susuportahan pa rin daw nila ang lalaki.

Napatigil ako sa pagbabasa nang biglang tumawag ang mga kaibigan ko. Mukhang hindi sila natahimik sa group chat.

I groaned. Hindi ba sila aware na alas-sais pa lang dito?!

Pupungas-pungas kong sinagot ang tawag. Mukha agad ng tatlo ang bumungad sa akin. Parang handang-handa nang magsabi ng kung ano-anong chismis.

"Gusto ko pang matulog, please lang," saad ko.

Ngumuso si Anne. "Hindi ka nagbabasa sa gc, 'no?"

"Bakit ba?"

She scoffed. "Aba! Kung nasa America si Calix, hindi malabong hindi kayo magkita."

"Anong tingin mo sa America, girl? Barangay lang?" Umirap ako.

Napatawa si Chin. "Don't deny it, Vina. Nagtanong sa akin si Calix bago siya pumunta d'yan."

Mula sa pagkakahiga ay naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Humikab pa ako dahil sa antok. I had a hard time sleeping last night because of that guy! Tapos ngayon, siya rin ang dahilan kung bakit binubulabog ako ng mga kaibigan ko!

"At sinabi mong nasa New York ako?"

"Edi, nagkita nga kayo?!" Si Mich.

"Gulat na gulat, Michelle?! Kunwari hindi napag-usapan sa gc?" panunuya ni Anne na ikinatawa namin pareho ni Chin. "So... ano? Hindi ka magkukwento?"

"Puntahan na kasi natin!" singit ni Chin.

I groaned. "Hindi ba pwedeng mamaya na tayo mag-usap? Inaantok pa talaga ako."

"Sus, tapos hindi ka na naman matawagan! Sasabihin mo na naman busy. Ugali mo, Rovina, ha!" reklamo ni Mich.

Muli akong humikab. Mukhang hindi talaga nila ako titigilan.

"Sinabi kasi ni Calix na sa Seattle siya pupunta dahil... ayun nga... may gusto raw silang puntahang church. Papasko niya yata sa members ng church 'yong ticket," kwento ni Chin. "Tapos nabanggit niya rin 'yong pangalan ng church na pupuntahan niya."

My forehead knotted. "Paano mo naman naisingit na nasa New York ako?"

"Itinanong niya sa akin kung nasaan ka sa America! Nasa isip ko na baka kapag sinabi kong nasa Seattle ka, hindi siya tumuloy... kaya sinabi kong nasa New York ka," depensa niya sa sarili.

Sinamaan ko siya ng tingin. Please, Calix even planned to go to New York! Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya roon, at ayaw kong i-entertain ang sinasabi ng utak ko.

"So, matagal mo nang alam na magkikita kami rito?"

She nodded cutely. "Two weeks ago niya pa ako kinausap."

"Galing mo!" I chuckled mockingly.

Kung nasabi niya sa akin beforehand, edi sana ay nakapaghanda ako. Hindi gaya noong nangyari kahapon na para akong tarantang-taranta!

"Ano ngang nangyari? Bakit biglang nag-post? May sinabi sa 'yo, Vina?" dire-diretsong tanong ni Mich.

Itinapat ko ang mukha sa cellphone at nagtanggal ng muta. Magulong-magulo pa ang buhok ko at halatang kulang ako sa tulog.

"Nagkita kami kahapon. Nag-usap. Nag-dinner." Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri. "Kailangan pa ba ng details?"

Tiningnan ko ang mga kaibigan at lahat sila ay may malisyosong ngiti sa labi.

"Feeling ko may uuwing buntis," natatawang sabi ni Anne.

I made a face. "Hindi ako uuwi at hindi ako mabubuntis."

Mich laughed. "'Wag mong kakainin 'yang sinasabi mo, Vina, ha! Akala mo ba nalimutan na namin ang pag-iyak mo d'yan dahil miss mo na?!"

Napapikit ako sa inis. Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng mukha ko habang tumatawa ang mga kaibigan ko. Kahit si Chin na hindi naman narinig ang pagdadrama ko ay nakikitawa.

Nagmulat ako at sinamaan sila ng tingin. Ayos, ah! Akala mo mga hindi umiyak sa asawa nila!

"Bilis na kasi! Ikaw na lang ang hinihintay namin na mag-bloom ang love life kaya huwag mo na kaming pagdamutan ng chika!" sabi ni Anne.

Wala akong nagawa sa pamimilit nila. Hindi kasi talaga nila ako tatantanan kung hindi ko detelyadong ikukwento ang nangyari kahapon. Malawak ang ngiti nila nang matapos ang usapan namin. Tuwang-tuwa sila kay Calix dahil halata naman daw na gusto pa rin ako ng lalaki. I just shrugged it off. I didn't want to entertain that thought.

Dahil maagang nagising, nakapagluto ako ng umagahan. I did my usual routine. May suot din akong tatlong layer ng makakapal na jacket dahil sa lamig. Mabuti nga at hindi na nag-i-snow. Pahirapan na naman kasi sa pagkilos.

Dadamputin ko na ang scarf nang mapatigil ako.

No! I can't wear that! Nasa paligid lang ang gumawa niyan at baka makita niyang suot ko!

I pouted. That was my favorite scarf. Kahit pa marami akong biniling iba, ito pa rin ang pinakagamit ko. Sa dulo ay kumuha na lang ako ng ibang scarf na babagay sa outfit ko. I rather be careful.

I let my long hair down. I sectioned it into two. Ang isang parte ay nasa likuran habang ang isa ay malayang nakalaylay sa dibdib ko. My curtain bangs slid down the sides of my cheeks, framing my face and making it appear smaller. Bahagyang namumula ang pisngi ko dahil sa lamig.

Inilawit ko ang ulo sa pinto upang tingnan ang paligid. Hindi ko alam kung dito tumuloy si Calix, pero sana naman ay hindi ko na siya makita ngayong umaga. I seriously had to stay away from him. Siguradong aalis din naman siya dalawang linggo mula ngayon.

Thankfully, I was able to get to work without any hassle. Pumunta agad ako sa office at tiningnan ang schedule ko. My morning went on smoothly. I handled consultations and checked on some of my inpatients with good prognoses.

Lunch time nang naupo si Reign sa harapan ko. She has that smug look on her face, as usual.

"Do you know Liam Garofil?" she asked casually. "He's an actor from your country."

Tumango ako bago ibaba ang basong hawak ko.

Bukod sa paminsan-minsang pagpapalitan namin ng chat sa messenger, wala naman na akong ibang balita sa kanya. Kahit ang mga teleserye niya ay hindi ko na nasubaybayan. We never had a lot of conversations, but I don't think we were awkward around each other.

"Why?"

She smiled. "He'll be filming a movie here next month! Shall we go and check?" Mukhang nangungumbinsi pa siya.

I shook my head, grinning. "Since when did you care about actors, Reign?"

Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang braso sa tapat ng dibdib niya. Her blonde hair complemented her fair skin tone well.

"And we're kinda close... so..." I shrugged.

Her jaw dropped. "Really?!"

Tumango ako at muling uminom ng juice.

"I heard he's a hottie! I checked his photos online, and he's so..."—she sighed dreamingly— "handsome. Like an angel sent by the heavens."

Napailing na lang ako. Kung walang fiance 'tong si Reign ay iisipin kong attracted na attracted siya sa lalaki.

"He courted me before," dagdag ko pa para lalo siyang magulat.

Hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang pagsinghap niya. She went berserk for a few minutes, wondering why I hadn't considered dating him. Sumunod pa siya sa akin sa office at kung hindi pa natapos ang lunch break ay baka maghapon niya akong binulabog.

I opened my phone, and my forehead instantly creased when I saw Liam's name at the top of my messages.

Liam Garofil: We'll shoot a few scenes there next month. Hope to see you soon!❤️

Nakanguso akong nag-reply. Halos sampung buwan na rin noong huli niyang pangungumusta.

Rovina Desamero: Okay, Liam. Take care!

Hindi na ako naghintay ng reply niya dahil naghanda na ako sa pagpunta sa dance studio. May ilan lang akong naka-schedule na clients, pero sabay-sabay naman sila kaya mabilis lang iyon. Maunti lang sila lalo at halos lahat ngayon ay busy sa paghahanda para sa Christmas Eve. Ang ilan ay naka-ilang ulit na ng session kaya ayos lang sa kanila ang may kasabay. It was group dancing therapy that fostered identity, self-esteem, and the release of emotions in a comfortable setting.

Binuksan ko agad ang heater sa studio at nagpalit ng damit. The gentle melody of the music filled the room, engulfing everything in a soothing atmosphere. My feet were firmly set on the wooden floor, and I could see my whole body in the floor-to-ceiling mirror. Maliwanag din dahil sa dami ng ilaw.

I was busy moving my body when I heard a few footsteps nearing me. Nakangiti akong humarap sa isipin na isa na iyon sa mga kliyente ko, pero agad na napawi iyon nang mapagtanto ko kung sino ang bagong dating.

"What are you doing here?" gulat na tanong ko kay Calix.

Makapal ang suot niyang damit dahil sa klima sa labas. He looked around the place. May suot pa siyang scarf habang ang buhok ay nasa usual nitong ayos.

His eyes finally landed on me. Nakapamaywang ako habang puno ng pagtataka ang mukhang nakatingin sa kanya.

"Uhh... I want to apply as a client."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. His lips and cheeks were both pinkish. Dahil siguro sa panlalamig. Nagmukha tuloy siyang batang masungit.

"Marami akong kliyente ngayon, Calix," pagrarason ko. "Hindi pa rin kita na-co-counsel."

At saka bawal ang personal feelings sa therapies, 'no! Countertransference 'yon kapag nagkataon!

"Edi kung kailan ka matapos. Counseling and therapy," mabilis na sagot niya.

My heart started thumping against my chest. Hindi... pwede! I couldn't take him in without feeling a lot of emotions! Baka hindi ko magawa nang maayos ang trabaho ko dahil sa kanya!

"I'll recommend you to another therapist, Calix," saad ko bago lumapit sa speaker. Pinatay ko ang tugtog para magkarinigan kami nang maayos. "I know you, and a relationship between a therapist and their client shouldn't be too personal."

"I visited your hospital, and they mentioned you."

Tumalikod ako sa kanya para huminga nang malalim. Ayokong mainis sa kanya, pero hindi ko maiwasang mainis sa sitwasyon namin. Dalawang linggo ko bang ipapaalala sa sarili na hindi kami pwede?

Bago pa ako ulit makaharap sa kanya ay nagsidatingan na ang lima kong kliyente. I had no choice but to entertain them. I saw Calix pulling a chair to watch us. Kahit ramdam ko ang paminsan-minsang pagsulyap niya ay sinubukan kong i-focus ang atensyon sa mga kliyente.

Simple routines lang ang ginawa namin. Kahit Pasko na bukas ay hindi talaga nila kinalimutan ang schedule. In-expect ko pa naman na papapalitan nila ang schedule. But, unlike Filipinos, I guess Christmas isn't as big of a deal here.

"1, 2, 3," I counted as they followed my gestures. "Move your hips to the left."

One of them chuckled. "I look like a grizzly bear."

"Now get back in position," ignora ko sa biro niya kahit napapangiti ako. "Swing your right hand..."

Sinunod nilang lahat ang sinabi ko. Noong una ay nagkakahiyaan pa, pero makalipas lang ang ilang sandali ay nakakasabay na sila.

It took us two hours to complete the session. Tatlong matatandang babae at dalawang lalaki na nasa middle age na rin. Napangiti pa ako nang magkayayaan silang mag-kape sa baba bago umuwi.

"Thank you, Doc! Merry Christmas!" one of the elderly women said.

"Merry Christmas!" bati ko rin pabalik. "See you again next year."

Ngumisi ang babae at ininguso ang pwesto kung saan nakaupo si Calix. Tuloy ay napatingin din ako sa lalaki na ngayon ay nakasubsob sa bag ko at mukhang mahimbing ang tulog.

"I can't believe your boyfriend can sleep at a time like this!" she chuckled.

Nagtagal ang tingin ko kay Calix na ngayon ay namumula pa rin ang pisngi at banayad ang paghinga. Ni hindi ko namalayang nakatulog na siya kakapanood sa amin. Malaking factor din siguro ang malumanay na tugtog.

Inihatid ko sila hanggang sa labas ng studio, at nang makabalik ay ganoon pa rin ang pwesto ni Calix.

I scoffed. Kumuha ako ng makapal na blanket sa locker ko at nakasimangot na ipinatong iyon sa kanya. Naligo na rin ako at nagbihis dahil tapos na ang araw ko.

Some of his hair strands worked their way down his face. Mabuti pala at may mesa siyang katabi, kung hindi ay siguradong mangangalay ang ulo niya. Ginawa niya pang unan ang bag ko!

I sat near him on the floor, leaning against the wall. I couldn't bring myself to wake him up, especially because he arose to be sleeping soundly.

Ipinikit ko ang mata. I knew God had a plan for us, but I couldn't think of a better reason than to remind myself that I used to have it all together and then lost it all at once.

Those months with Calix were the happiest I'd ever lived. Mabilis ang naging proseso ng relasyon namin pero masasabi kong totoo ang namagitan sa amin. 'Yong kahit hindi maayos ang lagay ko kina Mama, may uuwian pa rin ako. May siguradong magtitiwala sa akin.

Sana pala... noong mga Linggong niyaya niya akong sumimba, sumama ako. Maybe with God being at the center of our relationship, we'd make it. I won't fall short. I won't make Calix leave. I won't give everything up.

We were both weak when we had to be strong. He didn't communicate his feelings to me, and I didn't communicate mine, either. Pareho kaming naging bingi sa eksplenasyon ng isa't isa.

We got lost in the process of loving each other. Luckily for him, he was able to get back on his feet easily. Kahit na malala ang napagdaanan niya, mabilis siyang nakaahon. Hindi gaya ko na ilang taon na, mayroon pa rin kinikipkip na konsensya.

With all those thoughts racing through my head, I didn't realize I'd fallen asleep.

Kitang-kita ko na ang dilim sa labas mula sa bintana nang magising ako. Napatayo ako agad dahil alam kong mahirap nang makasakay kapag ganitong oras lalo at Christmas Eve!

I gazed at Calix's direction, but a fraction of disappointment painted my heart when I realized he wasn't there anymore. Sa pagtayo ko, doon ko lang din napansin ang makapal na kumot na nasa paanan ko na. Suot ko na rin ang scarf na alam kong pagmamay-ari ni Calix.

I moved to grab my bag, but before I could even take a step towards the door, I saw Calix entering the studio. Agad na nagwala ang puso ko sa pagkabigla. Ginugulo niya ang hindi nakataling buhok na mukhang nabasa sa labas habang bitbit ang paper bag mula sa isang kilalang restaurant.

Halos maestatwa ako sa itsura niya, pero bago niya pa mahuli ang pagkatulala ko ay nakapag-iwas agad ako ng tingin.

"I'm sorry, hindi ko alam na nakatulog ako," hinging paumanhin niya nang makalapit sa pwesto ko.

Inilapag niya ang paper bag sa mesa at humarap sa salamin para itali ang buhok. He was only a meter away from me, yet the sight of him straightening his hair caused a havoc inside me.

"Ayos lang," halos kapusin ako sa hininga.

Pagilid siyang bumaling sa akin, hawak pa rin ang tali sa buhok.

"Hindi ba nanakit ang ulo mo? Medyo mahaba ang tulog mo."

Umiling lang ako. I just couldn't find the right words to say!

Tinapos niya ang pag-aayos ng buhok at binuksan ang paper bag. Naglabas siya ng hot chocolate mula roon at iniabot sa akin.

Muli akong umiling. "Hindi na. Uuwi na rin naman ako."

Naalala ko bigla ang scarf na isinuot niya sa akin kaya tinanggal ko ito mula sa leeg ko.

"Uh... thank you pala," sabi ko bago iabot iyon sa kanya.

He lowered his gaze. Hindi niya tinanggap ang scarf kaya inilagay ko na lang sa mesa.

"Kumain muna tayo." Nag-angat siya ng tingin pero nang makitang pinapanood ko siya ay yumuko siya ulit. "Bumili ako."

I sighed. Kinuha ko ang chocolate drink mula sa mesa dahil mukhang ang pagtanggi kong iyon ang ikinasisimangot niya. Kahit medyo mainit ay ininom ko iyon. Nang makakalahati ay ako na mismo ang naglabas ng pagkain mula sa paper bag.

He was just watching my every move. Mabuti pang sundin na ang lahat ng gusto niya para matapos na 'to.

Umupo siya sa tapat ko pero hindi ko na siya pinansin. Kumain lang ako nang walang imik. Halos hindi ko na malasahan ang pasta dahil sa sunod-sunod na pagsubo.

"Vina..." tawag niya sa akin.

"Let's just eat in peace, Calix," saway ko.

Hindi na siya ulit nagsalita. Dire-diretso lang ako lalo at gusto ko nang makaalis sa harapan niya. Gusto ko nang mawala siya sa paningin ko. Nananahimik na ako rito. Hindi ko na kailangang paasahin ang sarili dahil gugulo na naman ang lahat kapag ipinaramdam ko sa kanyang may pag-asa pa kami.

Mabilis akong natapos sa pagkain. Kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Napansin kong hindi niya pa nakakalahati ang kinakain niya kaya medyo na-guilty ako. But then, I told myself that it was the right thing to do. Baka kasi kapag hinayaan ko ang sarili na makasama siya, mahirapan na naman akong pakawalan siya.

Tumayo rin agad siya nang makitang nakatayo na ako. Halata sa mukha niyang natataranta at nababahala siya dahil sa kilos ko.

"Uuwi na ako," I said in a monotone. "Salamat sa pagkain."

He gulped. "Sabay na tayo... Sa tabi lang naman ako ng apartment mo, Vina."

I was losing my patience, but I held it all together.

"Kung hindi ka komportable, Vina, sa ibang taxi na lang ako sasakay," bawi niya agad.

Doon ako tumango. Buong gabi ko inisip ang nangyari sa taxi kahapon. He held my hand and I let him. Baka kung ano ang isipin niya. Hindi ko dapat hayaang maulit iyon.

Ganoon nga ang nangyari. I thanked him again before I went inside my apartment. Hindi ko alam kung bakit sobrang balisa ang itsura niya. Parang nag-aalala at natatakot.

I sighed and put my bag on my small couch. Nagpalit ako ng mas komportableng damit at kinuha ang maliit na cake sa ref. Ipinainit ko rin ang ilang ulam para kahit papaano ay masabi kong may handa ako.

I played a mellow Christmas song and hummed along with it. Pilit kong iwinaksi sa utak si Calix na mag-isa rin sa kabilang apartment. Tuloy-tuloy ang pagtunog ng cellphone ko mula sa pagbati ng mga katrabaho at kaibigan, pero kahit isa sa kanila ay wala akong ni-replyan.

I just stared at the cake and the few meals on my table.

Maybe in another life, I won't fall and escape, just to return to fall again.

For the past three years, I thought of Calix all the time—when night came, and the realizations started kicking in, when I was idle at work, and when I saw things I associated with him. I just couldn't get him out of my head.

I still thought of him because I regretted how our relationship ended. He was my greatest love. The love that, sadly, had been beaten, left, and abandoned throughout the years.

Dahil sa nararamdaman na lungkot ay kumuha ako ng bible at nag-devotion. I silently greeted Jesus a happy birthday and right after that, I felt... comforted.

Gaya ng kung paanong nakakalma ako ni Calix noon.

"Vina!"

Narinig ko ang malakas na pagkatok ni Yna sa pinto ko at ang sunod-sunod na pagpindot sa doorbell. Tumayo ako at nagtungo sa pintuan para pagbuksan siya.

To my surprise, she was with Vonn and Parker. May dala silang pagkain at walang salitang naglakad papasok sa apartment ko.

"Naparami ang niluto kaya kumain ka rin!" sabi pa ni Yna habang sinusundan ko sila patungo sa mesa. "Paskong pasko, nag-e-emo ka rito."

Pinanood ko silang mag-asawa sa pag-aayos ng pagkain sa mesa ko. Ipinasok pa nila sa ref ang mga pagkaing inilabas ko kanina.

Parker just sat on the chair, his eyes drooping. Antok na antok.

"I'm good, Yna," pigil ko sa kanila. "I'm about to sleep—"

She grunted and glared at me. "Huling Pasko na namin dito dahil lilipat na kami next year sa ipinapagawa naming bahay!"

I sighed in defeat. Hinayaan ko silang gawin ang gusto nila dahil ipipilit lang naman ni Yna ang gusto niya. Isa pa, having them around was not as lonely as being alone with my own thoughts.

"Pupunta pa rin naman kayo rito para maningil ng renta," mahinang tawa ko.

Hindi ako pinansin ng mag-asawa kaya lumapit na lang ako kay Parker. Papikit-pikit na ito dahil sa antok. Halos alas-diez na rin kasi.

"Vina, 'wag kang maupo lang d'yan! Tawagin mo si Calix at mukhang nag-e-emo rin 'yon sa kabila!" utos ni Yna.

Vonn chuckled. "Calm down."

Umiling ako at mas lalong sumandal sa upuan. "This is my home. Ayokong i-invite siya."

Tumigil si Yna sa pagkilos. Humalukipkip siya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Hindi ka naaawa? Paniguradong walang pagkain 'yon do'n! Kaninang umaga nga lang niya dinala ang mga gamit niya rito," saad niya pa. "Bumili pa ng breakfast para sabay sana kayong kumain kaso hindi ka yata naabutan."

I glared back at her. "Stop guilt-tripping me!"

"I'm not," sagot niya. "Ang sa akin lang, magpapasko naman. It's a season of love and forgiveness. At... aalis din naman agad sila."

Napabaling ako kay Vonn na binuhat ang ngayong tulog nang anak bago muling tingnan si Yna. Vonn exited the kitchen and went to the living room.

"I have nothing to do with him," simpleng saad ko.

Muling napairap si Yna. "Ang taray mo kay Calix! Defense mechanism mo ba 'yan para hindi ka ma-inlove ulit?"

"What?!" I stood up. "Naka-move on na ako, 'no!"

She shifted her weight. "Obvious kayang affected ka. Kahapon ka pang wala sa sarili dahil d'yan."

I sighed. Humawak ako sa upuan at inisa-isa ang pagkain sa mesa.

"He's trying again, Yna."

She gasped. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nag-buntonghininga.

"He planned to go to New York because he thought I was there." I scoffed. "He held my hand yesterday and went to my work today." I exhaled loudly. "I hate that he's trying again, Yna. Kung hindi ko ipapakita sa kanyang hindi ako interesado, baka hindi niya ako lubayan. At alam kong mahihirapan lang ako. Itong dalawang linggong 'to... mahaba para sa akin... kasi sobrang bilis lang din naging kami noon."

Lumungkot ang mukha ng babae. "You still love him, right?"

I chuckled. "That doesn't even matter!"

"Bakit naman?" seryosong tanong niya.

I looked away and smiled to myself. Maraming rason. Maraming dahilan. Kasi masyado na kaming nasaktan noon? Kasi ipapaalala ng karanasan niya ang multo ko? Kasi marami pa kaming hindi nasasabi sa isa't isa? Hindi ko alam. I had countless of reasons.

Muli akong tumingin kay Yna, my heart full of honesty. "Because I'm not brave enough to risk everything, Yna. I'm not brave enough to conquer my fears."

That was the most dominating emotion I had for Calix—fear. Fear of failing again. Fear of having to travel through that terrible pit again. Fear of picking up the broken parts of myself again.

Hindi na ako pinilit ni Yna na papuntahin ang lalaki. Kahit busog pa ay sinabayan ko ang mag-anak sa pagkain. Parker was still so sleepy that he didn't speak a word. Alas-onse nang umalis sila. Yna hugged me and greeted me a merry Christmas. Si Vonn naman, habang bitbit si Parker, ay ngumiti rin sa akin.

I was all set to go to bed when I heard a couple of soft knocks on my door. I almost ran to it, thinking it was Yna.

But all hell broke loose when I found Calix waiting outside my door, holding a present in a red paper bag.

"Calix..." Halos ibulong ko iyon sa malamig na hangin. "What are you doing here?"

Bumaba ang tingin niya sa suot kong makapal at magkapares na pajama bago dinala ang mata sa mukha ko. There was no visible smile on his lips. He just looked... uneasy.

"Merry Christmas, Vina." Hinangin ang ilang hibla ng buhok niya. "Hindi ko nadala ang ilang regalo ko pa sa 'yo noong mga nagdaang taon... pero may nabili ako kaninang umaga."

My heart pounded. May regalo siya sa... akin? Hindi lang ngayon pero pati noong mga nakalipas na taon?

I cleared my throat when I realized that I didn't have anything for him. Kahit noon.

"Sana ay tanggapin mo..." Unti-unti siyang ngumiti bago pa ako makatanggi.

I took a deep breath as I accepted the paper bag. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang dibdib niya sa pagbuga ng hangin.

"Thank you," I whispered. "Merry Christmas din."

His eyes glinted and a smile immediately touched his lips.

"See you tomorrow," nakangiti na ngayong saad niya.

"Huh?"

He pursed his lips and tilted his head. "Magpahinga ka na. You worked well today."

I nodded, still in a daze. Tumagal ang tingin niya sa akin na para bang anumang oras ay mawawala ako.

As the wind blew, the breeze tickled my neck. Even though it was cold, I felt my face warm as he walked a step closer. His eyes locked onto mine with an intensity that made my knees weak. He leaned in close and whispered something that sent my heart racing.

"You look really pretty, Vina."



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro