Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34


Chapter 34

"Ni hindi mo sinabi sa akin na siya pala ang ex mo! Kaya pala titig na titig ka!" sigaw ni Yna nang maiwan kaming dalawa sa Sunday school. Pinalabas niya muna sina Jonah at Laurice para gisahin ako. "Eh, paano 'yan? May girlfriend daw sa ibang bansa? Bakit ka kinakausap?"

"Hindi ko alam." Tulala pa rin ako sa nangyari.

"Naku, sinasabi ko sa 'yo! Masama ang makiapid, Rovina! Kahit gaano pa kagwapo ang lalaki, mali 'yan sa batas ng Diyos at batas ng tao!"

Napairap ako. "Narinig mo bang pumayag ako?"

"Oh... you'll ditch him?"

"Bakit parang ayaw mo? Ang sabi mo ay may girlfriend, 'di ba?"

Ngumuso siya. "It's just a rumor... siguro dapat tanungin mo muna?"

"Kahit naman may girlfriend o wala, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako papasok sa buhay niya. What's the point, right?"

She sighed. "Medyo gets ko na kung bakit hindi ka maka-move on sa ex mong 'yon."

Pabiro kong hinampas ang braso niya. "Halika na sa labas. Last presentation na lang at closing remarks na."

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Look, hindi ko rin alam na makikita ko siya rito, okay? Hindi ko na nasabi sa 'yo kasi nagulat din ako. You don't expect me to just scream that my ex is here," I explained.

"Sino bang may sabi sa 'yong sumigaw ka?" pang-iinis niya. "Kung hindi pa kami pumasok dito, baka nakagawa na kayo ng makasalanang bagay."

"Yna!" Pinandilatan ko siya.

"What?!" she teased. "The way he looked at you was so intense! Parang gusto kang sunggaban!"

I exhaled loudly. "Rinig ka ni Lord!"

She laughed. "Or maybe he's just really... hmm... how would you put it? Sexy?"

"Yna!" I grunted.

Lalong lumawak ang ngisi niya. "Nakakamiss tuloy past namin ni Vonn."

Inirapan ko siya bago lumabas ng Sunday school. Rinig ko ang pagtawa niya na parang nanunuya kaya napasimangot ako. Hindi ko na naabutan ang last performance dahil nagbibigay na ng closing remarks ang isa sa leaders ng church nang makaupo ako. I didn't bother looking at Calix's direction because I could still feel the fast beating of my heart. I acted as if it didn't concern me at all.

It wasn't long before Pastor took over the platform. He thanked all the visitors and organizers.

"Special mention to our Engr. Calix Dylan Fujimoto who provided the financial needs of all the guests. May God bless you more, Sir," saad pa ni Pastor. "I hope you enjoy our Christmas party. All glory to Him!"

Matapos ang closing prayer ay nagtungo ako sa mga bisita para i-guide na sila sa room sa taas. Our church had five floors, with the first-floor housing the Sunday service, the second floor staffing the training facilities and conference halls, the third floor holding the worship team's dance floor and music studio, and the fourth and fifth floors housing the guest accommodations.

Dahil Pinoy ang majority ng mga bisita ay naiintindihan ko ang usapan nila.

"Ang laki ng church, 'no? Sana ay maging ganito rin sa atin para marami lalong maka-attend," sabi ng isang ginang. "Ni hindi na natin kailangang mag-hotel kasi may guest rooms sila."

Ngumiti ang kausap niya. "Ang gandang experience pati nito! Kung hindi pa sinagot ni Calix ang ticket natin, hindi tayo makakasama."

Nasa likuran lang nila ako, hindi makasingit dahil mukhang abala sila sa pinag-uusapan.

"Inirereto ko nga sa pamangkin ko! Kaso, ayaw!" Tumawa ang ginang.

"Ayaw ng pamangkin mo? Bakit daw?"

"Hindi! Gusto ng pamangkin ko, pero ayaw ni Calix! Tatanda yata talagang binata. Ang gwapo-gwapo pero mukhang walang balak mag-asawa."

"Naku, imposible! Sigurado akong mabuting babae ang ibibigay ng Diyos d'yan. Ang bait, eh!"

Napanguso ako. Required ba talagang mag-asawa kapag nasa ganitong edad na? Napa-compute ako sa isip ko. Calix had just turned 33 at the time I left the Philippines, and I was 31. I'm 34 now and he's 36. We're way over the marriageable age in society. Marami na rin akong narinig tungkol dito. Mahihirapan na raw akong magbuntis at sa edad ko, mahirap nang humanap ng binata.

I didn't make a big deal out of it. I was actually planning to adopt kids. Mga dalawa o tatlo. After all, every child needs to be nurtured.

"Excuse me," I interrupted them.

"Oh, hi!" bati ng ginang. "Are you Vina?"

Tumango ako, may ngiti rin sa labi. "I-a-assign ko po kayo sa rooms n'yo."

She looked surprised... although I was pretty sure I looked Asian. "Akala ko ay dudugo ang ilong ko sa 'yo!" Tumawa siya. "Wait, i-ga-gather ko lang lahat ng members para hindi ka na mahirapan."

"Thank you, Ma'am."

It didn't take long for them to organize lines as per their families. Agad na hinanap ng mata ko si Calix pero hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba 'yon o ano.

"Uhm... eight rooms po, 'di ba?" I asked the lady. Hindi ko alam kung may bakante pa ba para kay Calix dahil wala siya sa list na ibinigay sa akin ni Laurice.

"Seven lang. Mag-i-stay sa hotel 'yong isa naming kasama."

Kumunot ang noo ko. Ang alam ko ay bihirang makakuha ng available na hotel room kapag ganitong holiday. Sa huli ay tumango na lang ako at inihatid sila sa silid nila. Ang may pinakamalaking pamilya ang nakakuha ng pinakamalaking room. Mayroon naman kasing mag-asawa lang kaya ayos na sa kanila ang double-sized bed.

Mabilis kong na-assist ang mga bisita dahil nadalian sila sa pagkausap sa akin. They thanked me, and for some reason, I got excited about spending the next two weeks with them. Nakakamiss din talaga ang Pilipinas.

Yna, Vonn, and Parker had already left when I finished. Ni hindi manlang ako hinintay! Nakabusangot ako nang makarating sa first floor pero agad akong napatigil nang makita ang kausap ni Pastor. Nakatalikod siya sa akin pero kilalang-kilala ko ang tindig niya.

I tiptoed to avoid making any noise. Kailangan ko nang umuwi bago pa ako makita ni Calix! Baka yayain niya na naman akong mag-dinner, at alam kong hindi ako makakatanggi lalo at kumakalam na ang sikmura ko!

"Doc!"

Napapikit ako nang marinig ang pagtawag ni Pastor. Nagkaroon pa ako ng internal battle kung magpapanggap ba akong walang narinig at magpapatuloy sa ginagawa o haharap sa kanila para bumati.

Very good talaga sa timing! Kung kailan naman ako may tinataguan!

With a fake smile plastered on my lips, I faced them. Calix was already looking at me. Nakataas ang isang kilay at bahagyang nakangisi.

Pinigilan ko ang mapairap. He looked arrogant!

"Come here! I'll introduce you!" saad pa ni Pastor.

Mabigat ang paa kong nagtungo sa pwesto nila. Kung hinintay lang sana ako nina Yna, hindi mangyayari 'to! Sinabi ko naman sa kanyang hindi ako sasama sa dinner pero iniwan pa rin ako!

"We actually know each other, Pastor," Calix muttered.

Napaubo agad ako.

"Hey, you okay?" nag-aalalang tanong pa ng lalaki.

Oh please! Help me! This was really awkward! Mukha akong bitter pa rin sa nangyari sa amin samantalang si Calix ay chill lang at parang hindi affected!

"Ah, really?" si Pastor. "Vina didn't mention you."

I smiled, trying my best not to give my emotions away. Bakit ko naman ichichika sa 'yo ang ex ko, Pastor?! Anong sasabihin ko? Gwapo kaya hindi ko malimutan? Mabango kaya hindi ako makahanap ng iba?!

"How did you know each other?" tanong niya ulit.

Goodness, give me a break!

Tumingin sa akin si Calix kaya napatingin din ako sa kanya. Para siyang humihingi ng permiso kung sasabihin niya ba ang relasyon namin kay Pastor. Ayoko sanang i-broadcast iyon lalo at hindi naman iyon nakaka-proud. I mean... we had broken up already. But then, what was the point of lying?

I faced Pastor and pursed my lips.

"We... had a past." Bahagya akong tumawa.

Dumaan ang gulat sa mukha niya.

See?! Kaya dapat hindi na itinatanong! Paano na lang kung pangit ang naging break up namin ni Calix?! Edi kailangan kong magpanggap na okay lang kahit ang totoo ay gusto ko na siyang sabunutan?

"And a future," dagdag ni Calix habang nakangiti.

Napanganga ako sa sinabi niya. I can't believe this guy! Gusto niya bang mag-isip ng kung ano si Pastor?! Kailangan ko bang i-remind siya na may tatlong taon na lumipas sa pagitan namin at hindi naging maganda ang rason kung bakit kami naghiwalay? He was acting as if everything was okay!

"Yeah. You as a future husband to your wife and me as Seattle's best dance therapist."

He looked away when I glared at him.

"Uhm... since you know each other, Vina, may I entrust you with our guest? He's unfamiliar with the area, so if you have time, please help him find a place to stay."

And I knew for sure I couldn't say no to Pastor. He was just so kind... and he was busy with this entire thing. Lalo at marami talagang bisita ngayon. Sa kabilang banda, hindi ko alam kung kaya kong tulungan si Calix lalo at panay ang pagpapalipad-hangin niya. Ayaw kong mag-isip ng iba sa kilos niya at hindi makakatulong kung magtatagal ang pagsasama namin.

I nodded. "Yes, Pastor."

Calix heaved a sigh. "I think I can do that alone."

Nagulat ako pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanila.

"Really?" Si Pastor.

"Yeah. I appreciate your concern, Pastor."

Nagpaalam sa amin si Pastor para bisitahin ang mga guest sa taas. Kasama si Pastora ay may fellowship yata sila mamaya. Nang maiwan kami ni Calix ay hindi ko napigilang harapin siya.

"What are you doing, Calix?" seryosong tanong ko. "Anong iisipin ni Pastor kung ganoon ang sinabi mo? Future... really?"

Dumaan ang gulat sa mukha niya sa narinig na inis sa tinig ko. Hindi ko na alam. Ayoko ng ipinaparamdam niya sa akin. Naiinis ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin noon. He didn't even sense my fear. Talagang lumapit pa siya.

He licked his lower lip and looked down.

"Bakit ba kasi..." I breathed to calm myself. "Gets ko na casual lang dapat tayo sa isa't isa. We did have a rough past, but we ended on good terms. But can you please stop acting as if nothing had happened? Na parang walang mga taong lumipas?"

You failed him, Vina. Itatak mo iyan sa utak mo.

"Ang sungit mo naman," mahinang aniya.

I grunted. This man was really testing my patience. Alin ba sa sinabi ko ang hindi niya maintindihan?

"I just want to eat dinner with you." Tumingin siya sa akin. "But, if that's too much to ask, Vina, I'll respect your decision. I'm sorry that I made you feel like I was forcing you."

Guilt crippled inside me. Ugh! This is frustrating!

"Kung dinner lang ang gusto mo, bakit sinabi mo pa 'yon kay Pastor? Ano'ng iisipin niya? You have... dating rumors." I gulped. "Ayokong madikit sa ingay, Calix."

"If you're referring to Gwen, no, I didn't date her. I never dated her." Seryoso ang tingin niya sa akin.

"You didn't deny the allegations," bulong ko sa sarili. I composed myself. Tumayo ako nang tuwid at pilit na pinantayan ang tingin niya sa akin. Kahit kumakabog ang dibdib ay nagawa kong i-seryoso ang mukha. "Saang hotel ka mag-stay?" tanong ko.

Umiling siya. "Maghahanap pa ako."

"Hindi ka makakahanap lalo at magpapasko. Even the most expensive ones are jam-packed."

"Then I guess I'll just wander around the street." Marahan siyang tumawa.

Napairap ako.

He chuckled again. "Pwedeng... kumain muna tayo? I'll decide afterwards."

"Pumayag ba ako?"

He smiled. "Hindi ba? Akala ko..."

Napaiwas ako ng tingin. Lord, please, give me strength. Hindi fair na isang ngiti niya lang ay bibigay ako. Hindi pwede. I have to kill this growing feeling inside me.

Isang dinner lang! I swear! Ito na ang huling beses na pagbibigyan ko ang sarili!

"Ano'ng gusto mong kainin?" pinasungit ko ang boses. "May malapit na Korean restaurant dito kung gusto mo ng kimchi."

"Wow... tanda mo." Aliw na aliw siya.

Syempre! Hindi nawawala ang kimchi sa ref natin noon! Paano ko makakalimutan 'yon?

"Pero, gusto mo ba ro'n? Mahilig ka sa Greek cuisine. We can have that."

Umiling ako. "I'm kind of craving Korean meat, so..."

Siguro ay binabatukan na ako ng guardian angel ko ngayon dahil heto ako at naglalakad papasok ng Korean restaurant habang nakabuntot sa akin ang ex-boyfriend kong isang libong beses kong sinabi na hindi ko na papasukin ang buhay.

Agad na um-order si Calix ng pagkain namin. Kahit ilang ulit kong sinabi sa kanya na platter lang ang i-order sa akin ay hindi siya nakinig. We ended up having unlimited pork, beef, chicken, and side dishes.

Kahit naka-on ang heater sa loob ng restaurant at may single burner sa harapan ko ay nilalamig pa rin ako. Calix started cooking the meat. Inilagay niya rin ang pinggan sa harap ko kasama ang chopsticks.

"You like cheese, right?" tanong niya pero bago pa ako makatango ay inilagay niya na ang cheese sa gilid ko.

Nakangiti siya habang nakatingin sa plato ko. As if namang may nakakatuwa sa kimchi rice, potato marbles, cucumber, at cheese.

"Calix!" I complained when almost all the first batch of cooked meat was placed on my plate.

"You should eat. Wala ka pang kinakain buong araw," aniya habang patuloy na nagluluto.

I scoffed. Kinuha ko ang plato niya at inilagay roon ang kalahati ng nasa plato ko. I also got myself another thong to help him cook. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ang lahat ng 'yon.

The smoke coming from the burner somehow warmed me. Kahit kasi may coat ay wala naman akong makapal na jacket sa loob.

"Ako na, Vina. Kumain ka na."

I looked at him and shook my head. "Baka kapag hinayaan kong ikaw ang magluto ay ibigay mo ang lahat ng meat sa akin. Gutom ako pero hindi ako matakaw!"

Nag-iwas siya ng tingin at nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya. Umirap na lang ako dahil masyado nang humahaba ang araw para sa aming dalawa, at kung hindi pa namin bibilisan ay baka magkasama kami hanggang mamayang alas-dose!

"Calix, sunog na 'yan," puna ko.

He chuckled. "Oh... sorry."

Tahimik lang kami habang kumakain. But unlike earlier, it wasn't an awkward silence. Sabay pa kaming tumigil kanina bago magsimula para magdasal. Nahuli ko siyang patingin-tingin sa akin, siguro ay nagugulat pa rin na Kristyano na ako.

My lips pursed when he put a slice of meat on my plate. Tuloy ay napatingin ako sa kanya. He looked like he was waiting for that to happen because the sides of his lips rose right away.

"Can we talk?" he asked gently.

Nag-iwas ako ng tingin. "Tungkol naman saan?"

"Sa buhay mo... gusto ko lang malaman kung kumusta ka."

Tumango ako. This is a casual talk. This is what I expected.

"Uhm... I became a Christian... obviously." I chuckled. "That's probably the biggest thing that changed about me, Calix."

Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya at naabutan ko ang malamlam niyang pagtitig sa akin. His lips were slightly parted, and he seemed really... I don't know... amused?

"And I personally want to thank you for that. You influenced me big time." Ngumiti ako sa kanya. Totoo at puno ng pasasalamat. "Ikaw? Kumusta? Si Lola Harriet at Lolo Ken?"

Parang pigil na pigil ang emosyon niya habang nakatitig pa rin sa mukha ko. He gulped and cocked his head to shift his attention.

"A-Ano..." he was at loss for words. "I'm sorry... ano ulit 'yong tanong mo?"

"Why are you spacing out?" I chuckled. "Ang sabi ko, kumusta ka? Saka sina Lola Harriet at Lolo Ken!"

He nodded. "Lola Harriet survived cancer—"

"Really?" Nanubig ang mga mata ko. I prayed for her over the years. I prayed for her to heal completely. "Wow..."

Calix's eyes softened. "Oo. It's actually a miracle because she became critical years ago... tapos given her age, mababa talaga ang survival rate."

Naiwan ang ngiti sa labi ko. "Nakaka-miss naman si Lola Harriet."

Ibinaba ni Calix ang tingin sa mesa, nangingiti.

"Si Lola lang?" bulong niya pero hindi ko naman narinig nang ayos.

"Hmm?" What did he say? Shilola? Ano 'yon?

I mean, she misses you, too. Nagtatanong-tanong pa rin tungkol sa 'yo."

Ngumuso ako dahil alam kong hindi iyon ang sinabi niya. "Eh, si Lolo Ken? Kumusta?" tanong ko na lang.

He stood up and put the meat on the griller. There was a ghost of smile on his lips. Tuloy ay nahahawa ako dahil mukhang natutuwa siya.

"Dinaig ang private nurse ni Lola. Alagang-alaga," nangingiti pa ring tugon niya.

Inilagay niya ang naluto sa pinggan ko kaya muli akong tumayo para sabayan siyang magluto. He chuckled because he knew what I was planning. Paano ay sa akin niya talaga lahat ibibigay kung hindi ako tutulong!

"Si... Matcha?"

Muli siyang tumawa. "She's a mother now."

Surprisingly, the dinner was... normal... I guess. Hindi na masyadong awkward. Pero syempre, ramdam ko pa rin ang hiya at pagkailang sa kanya. I didn't bring up ever reading his devotion notebook because I felt like I somehow invaded his privacy. I wonder what happened to Cielo Amore, though. Ipinakulong ba? Did he gather enough evidence? Tinulungan ba siya ni Gwen? Hindi ko alam. I wanted to ask a lot of questions, but I knew for a fact that it would only remind him of his cruel past.

"Saan ka?" tanong ko sa kanya matapos naming kumain.

"Don't mind me..." He shrugged. "Ikaw? Saan kita ihahatid?"

Ikinunot ko ang noo sa kanya. Wala sa plano 'yon!

Nakita niya siguro ang pagtanggi sa mukha ko dahil nagsalubong ang kilay niya bago umiling sa akin.

"Gabi na, Vina. You don't think I'll let you go home by yourself, right?" tanong pa niya.

I exhaled. "Look—"

"No," he said firmly.

"Calix!" reklamo ko. "Wala ka lalong makukuhang hotel niyan! Isa pa, tatlong taon na akong nakatira dito! Kaya ko na ang sarili ko. I'm not a kid."

Lumalim ang kunot sa noo niya.

"Kaya kong maghanap ng hotel, Vina." His jaw clenched. "I'm not a kid," gaya niya pa sa akin.

I glared at him, but he only kept his straight face. Padabog akong tumayo at naglakad palabas ng restaurant. Nakasunod agad siya sa akin. Nang makalabas ay napasinghap agad ako sa lamig. Hindi na ako nakatanggi nang tumawag si Calix ng taxi.

Sinabi ko sa driver ang exact address ko at inignora ang katabi kong nakangiti lang dahil nanalo siya. I looked out the window, but all I saw was mist. Halos wala nang tao dahil sa lamig ng panahon.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang pagkuha ni Calix sa kamay ko na nakapatong lang sa seat.

"H-Hey!" Sinubukan kong bawiin iyon sa kanya pero hinigpitan niya lang ang kapit. He wasn't even looking at me! Sa kamay ko lang! It felt familiar. At kahit ilang libong beses kong itanggi, I miss his hand against mine. I miss his tight hugs and cuddles. I miss everything about him.

"Ang lamig ng kamay mo," nakangiting sabi niya bago pagilid na tumingin sa akin.

Sumimangot ako.

"Edi bitawan mo!"

He grinned more. "I like cold hands, Vina."

Pairap kong ibinalik ang tingin sa labas kahit ang buong atensyon ko ay nasa kamay namin. Mabilis kaming nakarating sa apartment at naabutan pa namin sa labas si Vonn na nag-aayos ng mga sapatos.

Naiwan si Calix na nagbabayad sa driver kaya nabusangot akong lumapit sa gate nina Vonn para itanong kung bakit nila ako iniwan.

"Where's Yna?" I asked.

Gulat na napatingin sa akin ang lalaki. "She's inside. We just had our dinner."

"You guys didn't even wait for me!"

Sasagot pa sana siya nang mapatingin sa likuran ko. I looked back and saw Calix standing behind me. Nawala ang aliw sa mata niya at ngiti sa labi. Nakakunot din ang noo at nakatingin kay Vonn na para bang malaki ang kasalanan nito sa kanya.

"Dito na ako," sabi ko sabay turo sa katabing apartment.

Inis pa rin ang itsura niya kaya napa-buntonghininga ako.

"Give me a break, Calix! I know what you're thinking!" untag ko sa kanya bago lumingon kay Vonn na ngayon ay nagtataka lang sa amin.

"Is there a vacant apartment here?" biglang tanong ni Calix sa lalaki.

Malakas ang pagsinghap ko. "Hoy, sa hotel ka!"

"Yeah." Si Vonn. Lumabas si Yna at nakita ang estado namin. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat pero agad ding nakabawi.

"What's going on here?" tanong ni Yna.

"Wala—"

Pinutol ako ni Calix. "I'm looking for a vacant apartment."

Yna clasped her hands. "Vina... ano? Okay lang ba?"

Of course not! Paano ako makakakilos nang ayos ngayong dito siya sa malapit sa akin titira? Bumalik ang pagkainis ko sa sitwasyon dahil parang sinasadya ni Calix ang lahat. Pumayag na nga ako sa dinner. Pumayag na rin akong ihatid niya. Ano pa bang gusto niyang mangyari?

But then, as I looked around, I noticed how hard it would be for Calix to look for a place to stay. Isa pa, sina Yna ang may-ari ng apartment. Wala akong karapatang sabihin sa kanila ang dapat at hindi dapat gawin.

"Kayo ang bahala," tanging nasaad ko. "Papasok na ako sa loob."

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Calix pero hindi ko na siya pinansin. I may look unreasonable, but this is what I feel! I hate that he's making me feel things again! I hate that in less than a day, I want to be loved by him again! I hate that he's trying! I want to ignore everything he's doing, but I'm not a saint!

Sumandal ako sa pintuan at ipinikit ang mga mata.

Vina, you're losing it again. Remember what you promised yourself. If you get into a relationship with him, you'll only be reminded of how much you've failed... as a psychiatrist and as a partner.

Hindi ko pwedeng kalimutan na lang ang lahat dahil lang sa nandito ulit siya. I built myself strong for the past years. Inilayo ko ang sarili sa mga makakapagparamdam sa akin na talunan ako. Kahit miss na miss ko si Mark ay hindi ako umuwi para bumisita sa kanya. All because he reminded me of my failure. Ganoon din ang mga magulang ko. I never contacted them. Kasi ayoko nang masisi. Kasi alam ko naman na. Hindi ko na kailangang paulit-ulit na marinig.

And this time, I knew that I had to distance myself from Calix. Ni hindi niya nga sinabi sa akin ang rason niya kung bakit kami naghiwalay. Tinanggap niya ang lahat ng paratang ko... ang lahat ng masasakit kong salita.

I smiled sadly. People must be lying when they say that time heals all wounds. Because right now, I still have a ghost of pain from the past. May guilt pa rin. Kahit ilang beses kong ipagdasal, hindi mawala ang paninisi ko sa sarili.

I sighed. I think I had to stand my ground for the following days. I couldn't let my heart win again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro