Chapter 33
Chapter 33
"Vina!"
Napaiwas ako ng tingin kay Calix sa ginawang pagtawag sa akin ni Yna. Without looking back at the platform, I stood up and went over to her. I could feel my hands trembling and my heart racing fast because of the words I just heard.
"Pinapatawag ni Pastora lahat ng usherettes," aniya bago ituro ang pinto.
Lutang akong naglakad patungo sa kwarto. They were having a meeting.
"Laurice, since half of our visitors are already here, just collect their names and give them to Seth," saad ni Pastora.
Nakatulala lang ako, ni hindi na pumapasok sa utak ko ang sinasabi niya.
Calix was here. After years of not seeing each other... he was here. Hindi ko alam kung pinaglalaruan kami ng tadhana para magkita kami sa ganitong lugar. He didn't even know that I became a Christian. He must be so shocked to see me... in a church!
I bit my lower lip when I remembered the way he stared at me. Parang walang oras na nagdaan. He gazed at me as if we never separated, and for a moment, I wanted to run to him and just hug him. The void in my heart was suddenly filled with fear... and a fraction of excitement.
He's handsome. Still handsome. Still the face my mind remembers.
Still the face my heart desires.
He said he loved a woman of God, and I knew I shouldn't assume. Marami nang panahon ang lumipas. Our almost ten months relationship with three painful months could not compare to the three years that passed. Imposibleng wala siyang nakilalang iba... lalo at lumawak ang mundo niya. Malabong ako ang tinutukoy niya. Siguro ay nagulat lang talaga siya na naroon ako.
"Vina, since they'll spend the next days here, is it okay if you'll guide them to their respective rooms?" tanong ni Pastora sa akin.
My mouth hung open. Ilang segundo ang lumipas dahil hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. I was at a loss of words.
"Uhh..." I tilted my head and massaged my neck. "Like... all of them?" Humina ang boses ko.
She nodded. "We have seven families to accommodate, so that'll be seven rooms."
"Families?!" Nanlaki ang mga mata ko.
"Yeah." Kumunot ang noo niya. "Families, Vina."
I blinked. "Oh... Okay." Dahan-dahan akong tumango. Calix... came with his family? Kasama niya ba sina Lola Harriet? O... may sarili na siyang pamilya?
The meeting went on for a few minutes before the program officially began. Hindi na ako makangiti nang ayos dahil sa kaba at panlalamig na nararamdaman. Pati ang mga batang tinuturuan ko ng sayaw ay hindi ko na naasikaso.
Nang dumating ang oras ng pagkain ng lunch, inayos namin ang upuan para mas lumawak ang space. Paminsan-minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa akin si Calix kaya hindi ko magawang ngumiti o kumilos nang natural. Suddenly, the big place was too crowded and tight for us. Parang lalabas ang puso ko sa labis na kaba.
Ni hindi niya manlang itinago ang pagtingin sa akin. Mabuti nga at walang ibang nakakapansin noon.
"Let's go greet our guests," yaya ni Jonah sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko. "No!"
They gave me a puzzled look.
I smiled awkwardly. Napalunok din ako sa kahihiyan. I blinked and immediately came up with an excuse.
"No... I mean... No... because I have to go to the bathroom!"
My breathing hitched. Goodness, I looked so awkward and stiff! This was so unlike me!
"Okay, we'll wait for you." Si Laurice.
Paulit-ulit akong umiling. "N-No need!"
Sa pag-iiwas ko ng tingin sa kanila ay nahuli ni Calix ang mga mata ko. He wasn't smiling and he didn't even bother looking away. Parang wala siyang pakialam na nahuli ko siyang titig na titig sa akin.
Sa labis na kahihiyan ay walang paalam akong lumabas ng church. Hinampas ko ang dibdib ko nang paulit-ulit. Gosh! He was really here! How should I address him? How could I act normally when he was looking at me like that?!
"Lord naman..." I whispered hopelessly. "Ang hina ko naman sa 'yo..."
Ngayong nakita ko ulit siya, paano ako makakaahon ulit? I was trying to forget his face and God made me remember him! Great!
Should I just... go home? Wala naman sigurong makakapansin na wala na ako. Maraming tao sa loob. Pwedeng magdahilan na lang ako na may emergency sa ospital.
Umiling ako. No. That wasn't fair. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Hindi dapat ako mahiya dahil lang narito si Calix. Hindi naman kami galit sa isa't isa! Ano ba'ng iniaarte ko?!
"Are you okay?"
Halos mapabalikwas ako sa pagkakasandal sa pader nang marinig si Calix sa gilid ko. I peered at him, eyes wide open, left hand on my chest, and lips parted.
Ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya sa oras na magkita kami ay naglaho dahil sa nangyari. The monologues I had practiced and prepared were cut into four words.
"Bakit ka ba nanggugulat?!"
He looked surprised at my loss of composure, but that expression didn't last. Napansin ko ang unti-unting pagtaas ng mga sulok ng ng labi niya, at ang gulat na itsura ay napalitan ng... pagkamangha?
He tilted his head and grinned.
"I'm sorry. I didn't mean to." Mapaglaro ang tingin na iginawad niya sa akin.
I gulped as my cheeks flushed. Way to go, Vina. Way to go.
"Uhm... I'm sorry," I whispered. Yumuko ako at kumapit sa coat ko. The cool breeze blew my skin.
"Have you eaten?" maya-maya'y tanong niya.
Umiling ako. "I'm okay."
He sighed.
Sumulyap ako sa kanya at nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin ay nag-iwas ulit ako ng tingin.
"May... kasama ka?" tanong ko nang maalalang per family ang rooms.
"Aside from my churchmates, wala naman, Vina."
My heart skipped a beat when I heard what he called me. Muling umihip ang hangin kaya itinago ko ang dalawang kamay sa bulsa ng coat.
Kainis. Pangalan ko naman talaga 'yon, ah! Bakit iba kapag siya ang tumawag? Parang... parang ang sarap sa tainga!
"We were invited," tuloy niya pa. "I didn't know you were here."
I chuckled. "O-Of course! Hindi ka naman pupunta rito kung nandito ako!"
Natahimik kami parehas... and it was a very, very awkward silence. Imposible naman talagang alam niya na narito ako. Kasi kung alam niya... bakit ngayon lang, hindi ba? Isa pa, we never communicated. He would never know.
Pero... hindi ko dapat sinabi iyon! Parang ang tunog tuloy, hindi pa siya nakaka-move on! Nakakahiya.
"Akala ko nasa New York ka... sabi ni Chin."
Sa oras na 'yon ay tumingin na ako sa kanya. Binalot ng pagtataka ang puso ko. Hindi siya nakatingin sa akin kaya napagmasdan ko ang side profile niya.
"Nagtanong ka?" bulong ko.
His lips parted.
"Oo..." he uttered hesitantly. He gulped. "Oo naman."
I chuckled, trying to lighten up the mood. "Why? I mean... it's been years. We have nothing to do with each other."
Lie more, Vina. You promised yourself not to get involved with his life again. He's doing really well now. 'Wag mo nang guluhin.
He didn't answer. I took that chance to talk more.
"Congratulations on your achievements, Calix. You deserve all of that. Siguro aksidente tayong nagkita rito para masabi ko 'yan sa 'yo. You're doing great!" Pinasaya ko ang tinig. "It was nice seeing you again."
His past experiences played across my mind like a time lapse. Ang pamamalimos niya noong bata siya, ang pagtanggap niya sa masasakit na palo ng mga magulang, ang paninisi sa sarili sa nangyari sa kapatid, at ang pagtitiis sa panghuhusga ng mga tao. He was harassed. He cried every night because of his trauma. Kahit nang dumating ako sa buhay niya, wala pa ring silbi. Kagaya ng iba, hindi ko siya sinamahan. Hindi ko siya dinamayan.
It would forever serve as a ghost haunting me to sleep.
"Ano... papasok na ako sa loob! Ang lamig dito!"
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. I walked past him and went to the bathroom to compose myself.
Habang nakatitig sa salamin ay paulit-ulit kong ipinaalala sa sarili na tapos na kami. I shouldn't act as if nothing had happened between us in the past. Masaya na kami na wala ang isa't isa. Hindi ko na kailangang ma-guilty dahil ang paghihiwalay naman namin ay nagdulot ng maganda sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng banyo dahil nang lumabas ako ay tapos na ang lahat sa pagkain.
Nakabalik na rin si Calix sa pwesto niya kanina. Seryosong-seryoso na ngayon ang mukha niya na para bang magagalit siya kapag may lumapit sa kanya. Naglakad ako patungo sa pwesto ni Yna at sinamahan siyang manood ng program.
"Saan ka galing?" tanong niya nang makaupo ako.
"Sa labas."
"Hindi ka kumain?" tanong niya ulit. "May gwapong bisita, ah? Nakita mo? Magugustuhan mo 'yon!" Tumawa pa siya.
Ngumuso ako. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
"Engineer daw. Malilimutan mo na ang ex mo!" pagpapatuloy niya. "Hindi ko lang sure kung may girlfriend o asawa. Itatanong ko mamaya kina Pastora."
"Nasaan si Parker?" pagbabago ko sa topic namin.
Ngumiti siya. "Ewan ko. Kasama ng tatay niya. Nand'yan lang 'yon. Baka sa Sunday school."
Tumango ako. I saw Laurice collecting the names of the guests and stopping in front of Calix. Mukhang hindi lang ako ang nakakita noon dahil kinulbit agad ako ni Yna.
"Ayun 'yong sinasabi ko! 'Yong kinakausap ni Laurice!"
I saw how Calix licked his lower lip before talking to Laurice. He cocked his head and tapped his fingers on the table.
"Grabe, ang galing talagang artist ni Lord," saad ni Yna, nakatingin din kay Calix. "Kapag 'yan ang napangasawa mo, maganda ang lahi n'yo together... feeling ko."
I grinned. "Maganda ang lahi ko kahit mag-isa ako."
Umalis si Laurice at kumausap na ng iba pang guest. Naiwan ang tingin ko kay Calix na ngayon ay nakatitig lang sa nag-pe-perform sa platform na parang malalim ang iniisip.
Nag-iinit ang puso ko sa pagtingin lang sa kanya.
"Matunaw, girl," pang-aasar ni Yna.
Napangiti na lang ako bago nag-iwas ng tingin. Makalipas pa ang ilang sandali ay lumapit sa amin si Jonah at humigit ng isang upuan para tumabi sa akin.
"There are some changes in the rooms," she whispered. "We'll have eight rooms."
"Why?"
"That engineer right there cancelled his plan to go to New York. He told Pastor that he'd stay," tukoy niya kay Calix.
My cheeks flushed for some reasons. Nag-pe-perform ngayon ang mga youth pero hindi ako makapag-focus dahil sa sinabi ni Jonah. Bakit naman siya pupunta ng New York? Hindi naman yata posibleng dahil akala niya ay naroon ako, hindi ba?
"But we only have seven vacant rooms," tugon ko.
Tumango siya. "We'll figure it out."
Napansin ko ang paglapit din sa amin ni Laurice, tapos na sigurong magtanong ng mga pangalan. Nag-iwas ako ng tingin nang humigit siya ng upuan para tabihan si Yna. I tried to focus on the presentation.
I wonder if Calix has eaten. Walang kimchi na naihanda, at hindi ko rin napansing kumain siya. He's a heavy eater. Mamaya pa matatapos ang program kaya baka magutom siya.
Knowing that he was just around made my heart go frantic. Hanggang New Year sila rito... so matagal ko pa siyang makikita? Hindi ko alam. Siguro naman ay mauuna na siyang umuwi lalo at nakita niyang nandito ako.
I shook my head. Stop thinking highly of yourself, Vina! Ano naman ngayon kung nagkita kayo? Hindi naman big deal iyon para sa kanya! It's been years! Wala na siyang pakialam sa 'yo!
"I think he's in a relationship with an actress," narinig kong saad ni Laurice. "I saw him on the internet before, and there's a rumor going on about him dating."
Pinilit kong huwag mapatingin sa kanila.
"Oh, really?" si Yna. "It wasn't really shocking... I just thought he was single."
"There's no way he's single," tawa ni Laurice. "Someone as attractive as him... no way."
I felt a pinch in my heart, but I quickly discarded it. Nag-concentrate ako sa panonood hanggang sa mga bata na ang mag-pe-perform. I took out my phone to film them. Tumayo rin ako para lumapit sa platform.
"Break a leg," I mouthed at the kids.
I saw Parker pout as if he were trying his best not to be nervous. I winked at him, and he pouted even more.
Nakatayo ako nang tumabi sa akin si Vonn para kuhanan ang anak niya. He looked like a proud dad.
"You teach them well, Vina," he uttered when the kids' performance began. "Look at that silly boy trying to sing his heart out." Tumawa siya habang titig na titig kay Parker.
"Hey, I told them to do that!" I chuckled, too.
"I'm not complaining."
Nanatili ang ngiti sa labi ko habang pinapanood ang mga bata na sumayaw. Parker was closing his eyes while singing. Tawa tuloy nang tawa si Vonn dahil feel na feel ng anak niya ang kanta.
"I'll show him this clip when he's older. He'll surely cringe."
"Bully," I teased.
He glanced at me. "He practiced the whole week. He always acts like he doesn't care, but I saw him memorizing the lyrics before going to bed."
We were almost whispering to each other since we didn't want our voices to be heard in the video. After the performance, we went to Sunday school. Kabuntot ko pa rin si Vonn dahil gusto niyang asarin ang anak.
"Congrats, kids!" I greeted them.
Ngumiti sila. "Thank you, Doc!"
"I guess you practiced, huh? Did you prepare the Christmas cards you'd hand over to your parents?" tanong ko.
"Yes!" they said in unison.
Parker rolled his eyes when he saw his father.
"Oh... I have a Christmas card?"
"I only have one for mom," sagot agad ng bata.
Napatawa ako at hinayaan ang mag-ama na mag-asaran. I couldn't imagine Yna's nightmare whenever they acted like this.
Nag-alisan ang mga bata dahil tinawag na sila para kumain ng snacks. Kahit sina Vonn at Parker ay lumabas kaya naiwan akong mag-isa sa loob. I cleaned all the props and arranged the seats. Hindi naman kasi ako nagugutom.
Katatapos ko lang maglinis at naghahanda na sa paglabas nang pumasok si Calix sa loob.
Nagwala agad ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. Napatigil ako sa akmang paglalakad patungo sa pinto para lumabas. Kaka-move on ko lang sa naging pag-uusap namin, tapos lilitaw na naman siya?!
"I was looking for the bathroom," aniya bago ko pa matanong kung bakit siya nandito.
Mabuti na lang at wala na akong kasama ngayon sa loob kung hindi ay makikita nila kung gaano ako kabalisa habang narito ang lalaki.
"Uhm... the men's bathroom is on the second floor. Beside the conference hall."
Tumango siya. There was again another awkward silence between us. Hindi siya kumikilos para makaalis at hindi rin naman ako makalakad patungo sa pintuan dahil nakaharang siya.
"Do you need anything else?" hindi ko napigilang itanong nang lumipas ang ilang minutong walang gumagalaw sa amin.
His lips twitched. He shifted his weight and exhaled. Hindi ko alam kung may mali ba akong nasabi o nagawa dahil sa pananahimik niya. This was far from what I expected. Akala ko, kapag nagkita kami ulit, we'd be casual. Kumustahan. Ngitian. Not... like this. Awkward and nerve-wracking.
"Are you mad at me, Vina?" basag niya sa katahimikan.
"Huh?"
"Galit ka?" tanong niya ulit. He was looking at me as if he was trying to read my mind. Ni hindi ako makapag-iwas ng tingin.
Umiling ako. "B-Bakit naman ako magagalit?"
We were just standing a few meters away from each other. Siya, nakatayo malapit sa pinto; ako, nasa tabi ng mga nakaayos na upuan.
"I don't know... because of what happened before?" he sounded unsure.
I chuckled. "Come on! Ang tagal na no'n! We've moved on!"
Lalong sumeryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. I looked away and held onto the chair.
"Move on," he echoed my words.
He mumbled those words as if they were disgusting. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at napansing madilim na ang mga mata niya. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.
"Yeah..." Dahan-dahan akong tumango. "We sure do."
He chuckled, but not in a humorous tone. Mukha pa siyang iritable.
"Who told you I did?"
I swallowed hard. No. I shouldn't assume. I shouldn't think about anything now. Masaya na siya! He clearly lived his life well!
"Akala ko ba..."—I faked a laugh—"magbabanyo ka? Sa... taas 'yon! Medyo dulo. Pwede ka namang magtanong-tanong sa usherett—"
"Boyfriend mo 'yon?" putol niya sa akin.
Tumingin ako sa paligid para kalmahin ang sarili dahil ramdam na ramdam ko ang pagrigudon ng puso ko.
"Boyfriend mo nga 'yon?" madiing ulit niya sa tanong nang hindi ako sumagot.
Umiling ako, hindi na makatingin sa kanya. I was clenching so hard on the chair to support my weight. Para akong matutumba sa panlalambot ng tuhod ko dahil sa usapan namin.
"Nanliligaw sa 'yo?" he asked again.
I shook my head. "A-Asawa 'yon ni Yna. Estudyante ko rito sa Sunday school ang anak niya..."
Halos sabunutan ko ang sarili. Bakit ba ako nag-e-explain? Eh, ano ngayon kung may boyfriend o manliligaw nga ako?! It wasn't we were still together! Siya nga ang may Gwen! Hindi ko naman iyon pakikialamanan dahil alam kong masaya na siya! Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagseselos siya! Matagal naman na kaming wala! At natanggap ko na iyon!
"Kung wala ka nang sasabihin, lalabas na ako," saad ko.
From my peripheral vision, I could see him staring darkly at me, making my knees tremble. He was always so soft-spoken and clingy. I guess I never really explored his different behaviors.
Hindi naman kasi siya nagagalit noon sa akin... kaya ngayon, hindi ko alam kung bakit parang iritable siya. May nagawa ba ako? May nasabi ba akong hindi maganda?
"You didn't eat anything, Vina. Siguradong hindi ka rin nag-breakfast bago pumunta rito," aniya pa.
"Ayos lang ako." I glanced at him. "Hindi ako nagugutom."
He shook his head. "May plano ka ba pagkatapos ng program?"
Umiling ako, medyo inis na dahil ang dami niyang sinasabi. Gusto ko nang lumabas dahil masyadong masikip ang silid para sa aming dalawa. Isa pa, hindi ko nagugustuhan ang pinag-uusapan namin. He's acting as if he still loves me! At alam kong sa oras na pakinggan ko ang sarili ay magkukumahog ako pabalik sa kanya.
"Eat dinner with me then."
Kung may namamatay lang sa gulat, siguradong pinaglalamayan na ako ngayon. Titig na titig kami sa isa't isa nang pumasok sina Jonah, Laurice, at Yna sa kwarto. Hindi ko na natingnan ang reaksyon nila nang makitang magkasama kami ni Calix dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng lalaki.
He wants me to eat dinner with him. Sinong ulaga ang yayayain ang ex na kumain ng hapunan?! Ano 'to?! Kain lang walang malisya?! Three years kaming hindi nagkita o nag-usap manlang! Tapos... heto ang ibubungad niya?!
"I'll wait for you later, Vina," sabi niya bago tuluyang lumabas ng silid.
I stood there like a statue.
"Oh my gosh!" Si Yna.
I mentally nodded. Yeah. Oh my gosh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro