Chapter 31
Chapter 31
"Inhale, exhale..." I gestured to my client. "Tilt your head to the left... stretch your arm... then inhale, exhale."
The soothing melodies echoed throughout the studio. My client stood in the center, her eyes shut and her body moving to the hymn of the music. She danced gracefully as if some unseen force was guiding her.
Napangiti ako. Sinabayan ko ang paggalaw niya at ipinikit din ang mga mata. This was an effective way to release tension.
"Let's do it again, Ma'am..." saad ko bago ini-restart ang music.
Beads of sweat formed on our temples as we swayed our bodies gently and deliberately. With each step, I mumbled words of encouragement, my voice blending with the music in a soft, harmonious hum.
"Lift your arms and swirl your hands," saad ko. "This will help ease the pressure in your wrists and fingers."
Nakita kong sumunod naman sa akin ang kliyente. Isang oras pa ang itinagal ng dance therapy bago kami bumalik sa ospital. Nakasalubong ko si Reign, isa sa mga doctors, at niyaya akong mag-lunch.
"Wait," I mouthed to her before motioning my client. Nakaiintinding tumango naman siya.
Nang makapasok sa office ay pinaupo ko ang kliyente. I advised her to stay on her diet and keep up with her exercise routine. Bukod kasi sa weekly dance/movement therapy, nakakatulong din sa stress reduction and mood management ang nutritious diet. After all, the more you care for and love your body, the more you feel connected to yourself.
We also did some counseling, just asking how the week treated her. She was a recovering patient diagnosed with an anxiety disorder, so hearing her say the therapy had helped her was a relief to me.
"Thank you, Doc." Ngumiti siya sa akin. "This is the best therapy I've had ever since I was diagnosed. I'm so glad my doctor referred me to you."
My heart warmed at the compliment. "Thank you, Ma'am. See you again next week."
Nang makalabas siya sa opisina ay nag-retouch ako bago pumunta sa cafeteria ng ospital. Agad kong nakita si Reign na naka-order na para sa akin.
"Are you up for the blind date this Saturday?" tanong niya.
I scoffed before shaking my head. "I have work to do, and how many times do I have to say that I'm not open to dating?"
She rolled her eyes. "God, you're 34 and single, Vina! I feel so sad for your genes." She chuckled.
I narrowed my eyes on her. "I have tons of clients. I've got no time for that."
Muli siyang umirap sa akin. "You have time. You just don't want to!"
"Alam mo naman pala, eh..." natatawang bulong ko.
"What?" she asked, not understanding my language.
I laughed. "Look, I want to date a bachelor, but it's hard to find one at my age. I need someone who can work around my schedule. I only have one day off in a week."
"Oh, please! Don't give me that nonsense. All the men I asked you to date were bachelors!"
"Yeah..." I wrinkled my nose. "Are we really gonna talk about this over lunch?"
Nangingiting tumikhim siya. Nagpatuloy kami sa pagkain habang pinag-uusapan ang kanya-kanyang trabaho.
St. Miracle Hospital was the leading hospital here in Seattle. Kumpleto na rito—Psychiatry, Internal Medicine, Emergency Medicine, General Surgery, Neurology, Obstetricians and Gynecology, and more. Kahit ako na may katagalan nang hindi pina-practice ang pagiging psychiatrist ay tinanggap nila; hindi lang bilang psychiatrist kung hindi bilang dance therapist.
For the past few years, I had been questioning my competence as a psychiatrist, so I kind of ignored that field. I didn't take on patients with severe and guarded prognoses. I only accepted outpatients and walk-in clients. Kapag malala ang condition ng pasyente, inililipat ko na agad sa kilalang psychiatrist.
I earned a reputation as a dance therapist. May iba pa akong pina-practice na therapy sa mga kliyente pero dito talaga ako nakilala. Ocassionally, nagco-conduct din ako ng clinical interviews at mental status exams. Kaya lang, medyo matrabaho. Bago kasi ako mag-reseta ng gamot, humihingi pa ako ng second opinion.
Hindi ko alam. Natatakot akong mangyari ulit sa akin ang nangyari dati.
My day went on normally. Nag-out ako ng five o'clock. Umuwi ako sa apartment ko at nagpalit ng suot para mag-jogging. I wore a neon pink sports bra, black leggings, and running shoes, and of course, I brought my phone and earphones with me. I also put my hair in a high ponytail.
Medyo madilim na ang langit pero dahil maraming poste ay maliwanag sa buong lugar. Hindi naman ako lalayo sa apartment ko. I would just run around the area... as usual.
While jogging, I couldn't help but take a journey down memory lane.
My family started contacting me in my first year here. Nalaman kasi nilang inilipat ko na kay Mama ang pangalan ng bahay. Hindi ko sinagot ang mga tawag nila. I don't know. Mas nanaig ang takot kong manghihingi na naman sila kapag nalaman nilang nasa ibang bansa na ako.
Ayokong maging madamot, pero ayaw ko ring mapagsamantalahan na naman nila ako. The help I gave them over the years was enough. Siguro, kung babalik ako sa Pilipinas, saka ako mag-aabot sa kanila. Kahit kaunti lang. Kapag kailangang-kailangan. Matagal na akong walang balita sa kanila. Ayaw ko na ring malaman pa dahil baka lumambot ang puso ko at abutan sila ng tulong.
For the past three years, I have learned to choose myself. Nakabawi na ako.
Hindi pa siguro buo... pero kumpara sa estado ko noon, masasabi kong lumawak ang mundo ko. I had a well-paying job, my own place to live, and yes, even personal growth and peace of mind. Itinulak ako ng tadhana sa lugar na ito, at hindi ako nabigong malaman ang dahilan kung bakit.
Chin gave birth to another baby boy. Tuwang-tuwa naman si Troy dahil marami raw magdadala ng Dela Paz. Sina Anne at Mich naman ay na-promote sa mga trabaho nila. It was a nice three years for them—filled with happiness and celebration. Yesha went back to Manila, and she was working again as a psychiatric nurse. Sinabi niyang sasabayan niya ang pagiging matandang dalaga ko kaya kahit pila ang mga manliligaw, wala siyang sinasagot.
"Aren't you cold?" tanong ni Vonn nang makita akong pabalik na sa apartment. He lived next door. "It's almost November."
I laughed. "Last jog."
"Do you want to come over for dinner? Yna cooked a Filipino dish," tukoy niya sa asawang Pinay.
I shook my head. "Thank you!"
Tumango lang siya kaya pumasok na ako sa loob ng apartment. Silang mag-asawa ang madalas kong kasama kapag day off ko. Hilig kong alagaan ang limang taong gulang na anak nila kaya malapit ang loob nila sa akin.
I changed my clothes before cooking a meal for myself, kahit pa tinatamad na ako. Bihira na lang akong kumain ng canned goods. Hindi na rin ako nagkakape kapag pa-gabi na. I fell in love with living alone. Walang ibang iniisip kung hindi ang pagkain ko araw-araw. Akala ko noon, dahil nasanay akong may kasama, hindi ko kakayanin.
My phone rang, and a smile appeared on my lips as I saw Chin's name on the screen. Madaling araw palang sa Pilipinas pero heto siya at mambubulabog na naman.
I answered the call. Bumungad agad sa akin ang pupungas-pungas niyang itsura.
"Naabutan din kita!" she muttered cutely. "Ang sabi mo ay uuwi ka this Christmas! Ano 'yong nabasa ko sa group chat na marami kang kliyente?"
I smiled. "Next year na lang. Busy ngayon, eh."
"Vina!" she grunted. "Sinabi mo rin 'yan last year!"
Pinatay ko ang stove at kumuha ng bowl para isalin ang pagkain ko. Daldal pa nang daldal si Chin habang inihahanda ko ang dinner ko.
"Chill!" I laughed. "Kausap mo naman ako lagi. Bakit ba miss na miss mo ako?"
Sumimangot siya. Bahagya ko pang nakita si Troy sa tabi niya na mahimbing ang tulog. She stood up and went to the veranda of their room.
"Bakit pakiramdam ko ay wala ka talagang balak umuwi?" puno ng pagtatampo ang tinig niya. "No'ng nag-usap tayo dati, sabi mo uuwi ka yearly."
I sighed. "Seattle is my new home, Chin."
Umiling siya. "You promised."
I pursed my lips. Alam kong tampong-tampo na sa akin ang mga kaibigan ko, pero wala pa talaga sa isip ko ang pagbalik sa Pilipinas.
"Ni hindi mo manlang ako tinawagan no'ng birthday mo. Hindi kita nabati." Nag-iwas siya ng tingin sa camera. "Sino'ng kasama mo no'n? Nag-inom ka ba?"
I chuckled. "Three years na akong alcohol-free, gaga."
Hindi ko namalayan na sa mga nakalipas na taon ay sinunod ko ang mga bilin ng huling taong yumakap sa akin sa Pilipinas. I stopped partying. I stopped drinking. Natuto rin akong magluto ng iba't ibang ulam.
However, amidst all the habits I had promised myself to get rid of, there was one I couldn't.
Remembering him.
Every single day. Every waking moment. Minsan mabilis lang; kadalasan, natutulala na lang ako sa tagal. Minsan, ngiti ang dulo ng pagbabalik-tanaw ko; kadalasan, bikig sa lalamunan dahil sa pagguhit ng pagsisisi at panghihinayang.
Ewan ko ba. Kahit sa gitna ng tawanan at kwentuhan, sa gitna ng traffic, sa gitna ng paghihintay kumulo ang niluluto, sa gitna ng pagpila sa grocery, sa gitna ng paglilinis ng apartment, at kahit sa gitna ng pagtutuklap ko ng balat sa labi, makaalala lang ako ng isang bagay na nag-uugnay sa kanya, dadalhin ko na iyon hanggang sa pagtulog.
He was the last glimmer of hope I held onto before beginning a new phase of my life.
I kept myself busy because I did not want to spend my time thinking about our history, but he was like a predator, feasting on my thoughts whenever I had spare time.
"Vina! Hindi ka naman nakikinig, eh!"
Napakurap ako nang marinig si Chin.
"Huh?"
She grunted. "Ang sabi ko, kami na lang ang pupunta d'yan! We can spend the holidays together!"
"Hindi na," tanggi ko. Alam ko naman kasing ayaw niya lang akong mag-isa. "May trabaho rin ako no'n. Hindi ko kayo maasikaso."
"Mag-leave ka naman..." Ngumuso siya.
"What? No! Sayang ang bonus!" I laughed.
"I really hate this workaholic side of you!"
Sasagutin ko na sana siya nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell.
"Teka lang," saad ko bago tumayo para magtungo sa pintuan.
I saw Yna holding a pot of vegetables. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto para papasukin. Dumiretso kami sa kusina at doon niya inilagay ang iniluto niyang gulay.
"Kausap ko si Chin," sabi ko sa babae.
Sumilip siya sa cellphone ko at kumaway kay Chin.
"Hi, kinukulit mo na naman bang umuwi 'to?" nangingiting tanong niya. "Nako, wala sa plano! She's married to her work!"
"Ms. Yna, please convince her," narinig kong sabi ni Chin.
Napangiti ako. Ang lambing talaga ng boses niya kahit nagrereklamo.
"Maraming manliligaw rito!" malisyosang sabi ni Yna. "Baka kaya ayaw umuwi kasi may napupusuan na."
Kumunot ang noo ko. Saan naman nanggaling 'yon?
Tumawa si Chin. "Confident akong narito ang napupusuan n'yan!"
"Totoo ba? 'Yong Hapon pa rin?!"
Napairap na lang ako sa naging takbo ng usapan nila. Kinuha ko ang pinagkainan at dinala iyon sa lababo para hugasan. Habang lumalagaslas ang tubig sa kamay ko ay rinig ko ang pagkukwento ni Chin tungkol kay Calix. Ibinibida niyang mas marami pa raw itong offer na project kaysa kay Troy na hands-on sa branches nila ng KFC.
"Mas lalong gumwapo 'yon ngayon, Vina!" sigaw ni Chin. "Ang laki ng katawan!"
"Eh?!" Si Yna. "Grabe, na-imagine ko kahit hindi ko pa siya nakikita! 'Yong matandang dalaga kasi rito, ayaw mag-share kahit picture lang!"
Umirap ako kahit wala namang nakatingin sa akin. Eh, sa ayaw kong ipakita, eh. Isa pa, hindi rin naman ako nagtago ng pictures noon.
"Oo, Ms. Yna! Inaasar nga ng asawa ko na puro pagpapa-pogi raw. Tambay yata sa gym 'yon, eh."
Napailing ako sa sentro ng usapan nila. Dati pa namang maganda ang built niya.
"And mind you! He's a really popular engineer here! Ang daming big projects!" bida ni Chin, parang sadyang ipinaririnig sa akin. "Ang alam ko ay may offer 'yon sa America... tinanggihan lang. Hindi ko alam kung bakit."
"Hmm... parang alam ko kung bakit" si Yna.
I chuckled. "Rinig ko kayong dalawa."
Nagpatuloy si Chin sa pagkukwento, at tahimik akong nakinig doon. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hearing stories about him brought warmth and comfort to my heart. Maayos na ang lagay niya. Hindi na hirap sa pera at may maipagmamalaki na. Bali-balita ring may relasyon sila ni Gwen pero wala namang nag-kukumpirma. Miski si Chin ay hindi naniniwala sa chismis.
Ayos na sa akin iyon—ang malamang okay na siya. Paminsan-minsan ay binibisita ko ang Facebook account niya kahit pa walang namang update doon. Wala lang. Na-mi-miss ko lang ang mukha niya. Mabuti nga at sa messenger lang ako na-block noon kaya friends pa rin kami. Malaya akong nakakapag-browse sa account niya. Isa pa, matagal niya na akong na-unblock.
Nang matapos sa paghuhugas ay naibaba na ni Chin ang tawag. Ni hindi manlang nagpaalam sa akin.
"Tinawag ng asawa," paliwanag ni Yna.
Tumawa ako. "Salamat sa pagkain. May breakfast na agad ako bukas."
Hindi ko alam kung bakit kahit nakangiti ako sa kanya ay naiwan ang mga mata niya sa akin.
"What?" Pinandilatan ko siya.
She pursed her lips. "Hindi ka ba talaga mag-aasawa?"
I groaned. "Pati ba naman ikaw?"
"Kasi alam kong gusto mo," seryoso pa ring sambit niya. "Ilang beses mo nang naalagaan si Parker. You'll be a great mother, Vina."
Itinagilid ko ang ulo ako nang maalala ang masungit na mukha ng anak niya. "Hindi ba pwedeng great babysitter?"
She exhaled. "'Yong... Calix pa rin ba?"
Agad na napawi ang ngiti ko sa binanggit niya pero wala pang limang segundo ay nakabawi naman ako.
"Hindi na uy!" tanggi ko. "Kaka-4 years lang ng break up namin. Ang swerte niya naman kung hindi ko pa rin siya nakakalimutan, 'no!" Marahan akong tumawa. "Baka nga hindi na ako kilala no'n. Ang dami nang nakilala, eh! Wala na 'yon... Tapos na."
"Bakit parang nanghihinayang ka?"
Syempre. Si Calix 'yon, eh.
Lalo akong tumawa. "Gwapo kasi!"
We talked until her husband called her. Gaya ni Chin, mahal na mahal din siya ng asawa niya. Kahit ilang taon nang kasal ay hindi napawi ang pag-ibig nila sa isa't isa.
And I realized how blessed they were to find someone who would love and accept them fully. No questions and hesitations. Noong nagbigay ang tadhana ng pagsubok, sabay nilang nalagpasan iyon. The power of true love.
I wouldn't lie. Marami rin naman akong natutunan sa kaunting panahon namin ni Calix. Hindi man namin naipasa ang pagsubok namin nang magkasama, sapat nang naranasan kong mahalin siya.
Through him, I learned how to prioritize myself... how to not settle for less. Isa siya sa mga dahilan kung bakit hirap na hirap akong makahanap ulit ng bagong pag-ibig. I put him on the pedestal. Siya ang mukhang hinahanap ko sa mga lalaking nagtatangkang pumasok sa buhay ko. I wanted to love someone like him... because I knew that I couldn't have him again.
At hindi tama iyon para sa susunod kong mamahalin. I would only keep comparing him to all the people I met, even when I knew that no one could make me blush and laugh the way he did. No one could make me feel as safe. No one could make me feel as loved.
I smiled on my own train of thought. Siya't siya pa rin.
Kinabukasan ay nasa office ko agad si Reign. Kung hindi ko lang alam na surgeon siya ay iisipin kong wala siyang trabaho dahil napakarami niyang time! Naisisingit niya pa ang love life ko na hindi naman nag-e-exist!
"No, I don't want a blind date," bungad ko bago pa siya makapagsalita. "I have a very hectic schedule today."
She pouted. "I'll just tell you the details about our VIP!"
Nakuha niya roon ang atensyon ko. "VIP?"
"Yup!" She nodded. "She's willing to pay a huge amount for group dance therapy."
"When is the first session?" I asked as I fixed the papers on the table.
"This Sunday."
Napatigil ako sa pag-aayos at ngumuso sa kanya.
"I don't work on Sundays," I reminded her.
"Come on. The next sessions will be on weekdays!"
Umiling ako. "No, Reign. Just look for another therapist."
"Vina, this is a nice break for you! She's a VIP! She knows a lot of potential clients, and she really pays well!" she insisted. "One Sunday wouldn't hurt!"
Umiling ako ulit sa kanya kaya lalo siyang napasimangot. Sa dami ng bagay na naituro sa akin ni Calix tungkol sa sarili, sa pamilya, at sa pag-ibig, masasabi kong ito ang pinakamahalaga sa lahat.
That one thing that helped me overcome all my fears. That one thing that kept me from drowning in sorrow. That one thing that held me together.
My faith.
"Sunday is for Him, Reign," I said with conviction. "It doesn't matter if that client will pay me. I promised God I would spend every Sunday with Him."
She sighed, but I just smiled at her.
Siguro pinagtatawanan na ako ng dating Vina. Ni hindi ko kasi naisip na posible palang maniwala ako. Parang ang baduy noong una. Parang hindi ako... parang imposible.
But yes, I became a believer.
In the darkest days of my life, I found myself on bended knees, asking for His guidance... for His plan.
Calix was right. To believe is to see. Kailangan muna nating maniwala para makita natin ang kabutihan Niya. Hindi man ito maiintindihan ng lahat, sapat na sa aking nakilala at minamahal ko Siya.
Faith is the ability to believe what you don't see, with the prize of seeing what you believe.
With that, I saw His mercy. I saw His grace. I saw His love.
Now, I have a clearer view of what life is.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro