Chapter 30
Chapter 30
The thought that I was a failure at something I had been doing all my life was so hard for me to accept. I wasn't cut out for this field. Being a psychiatrist wasn't my calling. At ang hirap isipin noon—ang mapagtanto na hindi ako para dito.
Ibinalik ko sa motor ang devotion notebook ni Calix. I couldn't bring myself to read it again. Sising-sisi ako sa nangyari pero alam kong wala akong magagawa dahil nangyari na. I should've been there for him. Dapat pala, noong umiiyak siya, binuksan ko ang pinto at niyakap siya.
But I didn't. Nabulag ako sa sakit na nararamdaman ko. Dinibdib ko ang paglayo ng loob niya sa akin. Nagpakalunod ako sa sunod-sunod na problema.
Nalimutan kong may Calix pa pala ako. At kung may isang tao na handang yakapin ang karumihan ko, siya 'yon.
Hindi ko alam ang gagawin. Pupunta ba ako sa pulis para i-reklamo ang babaeng gumawa nito kay Calix? Ewan. Bukod sa testimony ni Calix, wala na akong ibang ebidensya. I wished I could thank Gwen for being there for him when I couldn't.
Wala akong mukhang maihaharap kay Calix. Hiyang-hiya ako sa kanya... sa sarili ko. He'd been through a lot of things ever since he was young. Dinagdagan ko pa. Ipinagdarasal niya ako pero isa ako sa mga nanakit sa kanya.
Tuwing pumipikit ako, naiisip ko ang pinagdaanan niya sa private island ni Cielo Amore. Kung paano siya pinagtutulungan ng mga tauhan kapag tumatanggi siya at kung paanong binababoy siya ng babae.
Nakulong ang mga magulang niya matapos ang pagkamatay ni Caroline. Sina Lolo Ken at Lola Harriet mismo ang nag-asikaso noon. Simula rin nang mangyari ang trahedya, sila na ang kumupkop kay Calix.
He was the strongest man I had ever known... and his love for me was endless. He was so close to drowning himself, but he thought of me, of how he wanted to come home to me... to hug me... to see me.
Walang magmamahal sa akin nang ganoon katindi. Not my family. Not even myself.
Si Calix lang.
Sa dami ng nangyari, hindi ko sigurado kung kaya ko pang magmahal ng kagaya ng pag-ibig na ibinigay at naranasan ko mula sa kanya. He loved me beyond measures. Ikinukwento niya ako sa Diyos. Ikinukwento niya ako sa pinagkakatiwalaan niya.
"Mag-iingat ka roon, ha? Balitaan mo kami kapag may kano ka na!" ani Mich habang tinutulungan akong mag-impake ng gamit. "Nakakainis. Na-mi-miss agad kita!"
Mahina akong tumawa. "Hindi pa ako mamamatay. Kumalma ka."
Mula sa pinto ng kwarto ay dumungaw si Anne bitbit ang isang pitsel ng juice.
"Mamaya na ulit 'yan. Kain muna tayo!" saad niya.
Napilitan kaming tumayo ni Mich para puntahan si Anne sa kusina. Hindi namin kasama si Chin dahil umuwi sila sa Laguna. Marami rin siyang bilin sa akin kahapon.
"Anong oras ba ang flight mo? Sinong maghahatid?" tanong ni Anne.
"Gabi pa. Alas-siete." Kumuha ako ng tinapay. "Nakapag-book na ako ng driver. Madali na 'yon."
"Gusto mo samahan ka namin?" Si Mich.
Umiling ako. "May work pa kayo, ah? Hindi ko naman kayo pakakainin para ihatid pa ako." I chuckled. "Nag-leave na kayo ngayon. Gan'yan n'yo ba ako kamahal?"
Umismid si Anne. "Naaawa lang kami sa 'yo, kasi ampangit mo na nga, mag-isa ka pa!" pang-aasar niya.
"Excuse me?! Totoong mag-isa ako, pero hinding-hindi mo pwedeng kwestyunin ang kagandahan ko!" tanggol ko sa sarili.
Tumawa siya at pabirong inirapan ako. Si Mich ay umupo sa tabi ko at kumuha rin ng pagkain. May mga butil ng pawis sa noo niya dahil sa pagod.
"Nag-birthday ang ex mo, ah?" untag niya matapos makapagpalaman ng tinapay. "Binati mo?"
May kung anong kumirot sa puso ko nang muling maalala si Calix. I rolled my eyes to hide my pain.
"Last month pa 'yon, girl! June na!" I laughed.
Ngumiti siya. "Ilang months na kayong hiwalay? 7 months ba? 8?"
"8," simpleng sagot ko.
Tumikhim si Anne. "Tagal na rin pala. Wala kang ibang nakakausap? Or nakakalandian?"
"Nako, matatagalan 'yan!" pang-aasar ni Mich. "Hulog na hulog doon sa huli, eh!" She narrowed her eyes in me. "Umamin ka nga sa amin, may nangyari ba sa inyo no'n?"
I smiled. "Tingin mo?"
Umiling siya. "Feeling ko, wala. Sobrang gentleman no'n, eh. Parang kapag may nangyari sa inyo, pakakasalan ka agad."
Anne let out a chuckle. "Jusko, si Vina pa ba?!"
Napangiti na lang ako. Ngayong kaswal na napag-uusapan si Calix, lalong naging dominante sa puso ko ang pagka-miss sa kanya. I miss his flirty side. His soft side. His loving side.
Napa-buntonghininga ako. Hanggang kailan kaya ako manghihinayang sa aming dalawa?
"Makakahanap ka rin, Vina." Si Mich. "Kung hindi, pwede namang ako na lang! Willing akong makipaghiwalay sa asawa ko kung bubuhayin mo ako!"
"Che! Mahilig ka sa etits at wala ako no'n!" tawa ko.
Seryosong tumingin sa akin ang babae. "Hindi man namin alam ang nangyari... alam naman naming totoo ang namagitan sa inyo. Lahat naman tayo may the one that got away, 'no! Masakit sa una... pero lilipas din. Matatanggap din."
Umiling ako. Parang ayaw ko. Parang hindi ko kayang tanggapin. He was the only one I loved... my poor heart couldn't handle it if he was the one that got away.
"Gaga, walang TOTGA si Chin," sabat ni Anne.
Sumimangot si Mich. "Sa atin munang tatlo! Epal ka!"
He was my TOTGA? So... tapos na talaga? Wala na talaga?
Mahina akong napatawa. Bakit pa ako umaasa? The world was clearly against our relationship. Napakaraming hadlang. Laging hindi tama. Siguro sa oras? Sa mga tao sa paligid namin? Ewan... pwede ring dahil sa amin mismo.
"Sinabi mo ba sa mga magulang mo ang pag-alis mo?" tanong ni Anne habang ipinagpapatuloy namin ang pag-iimpake.
Umiling ako. "Wala namang point. Iiwan ko na lang ang lahat ng documents dito. Kay Mama naman na nakapangalan ang bahay at lupa. Wala na silang mahahabol sa akin."
"Ang lala ng pamilya mo, girl. Kung ako ang nasa posisyon mo, baka naging kriminal na ako," ani Mich. "Tangina 'yang si Rebecca! Ang amo ng mukha pero tatanga-tanga! Jusko! Nakakagigil!"
"Isama mo na ang Kuya Rexter niya! Ipinapanalangin ko talagang magkapantal siya sa gitna ng mga daliri niya sa paa!" dagdag ni Anne.
Tumango si Mich. Nangingiti lang ako habang nag-uusap sila. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa America, pero buo ang loob kong lumayo... lalo sa nabasa ko noong nakaraan sa devotion notebook ni Calix.
Gabi na nang umalis sina Mich at Anne sa bahay. Inihatid ko sila sa sakayan, at kung hindi ko pa sila pipigilan ay ipipilit pa nilang mag-inom kami.
Pagbalik ko sa bahay ay sumalubong ulit sa akin ang katahimikan. I stared at my home for the longest time... my haven. Nasaksihan nito ang mga ngiti at luha ko. Ang mga masasaya at mapapait na alaala namin ni Calix.
Hindi man naging maganda ang dulo, masaya naman ang gitna at simula.
Sapat na 'yon. Hindi na ako hihiling ng kahit na ano.
Unti-unti akong umakyat sa kwarto ni Calix at tahimik na umupo sa kama niya. Wala nang bakas niya. Kung ito ang unang beses na makikita ko ang silid, ni hindi ko maiisip na naging kwarto ito ng lalaking nag-top sa board exam ngayon. The four corners of this room had witnessed his cries and prayers.
Humiga ako at ipinikit ang mga mata.
"Calix, ang hirap mo namang bitawan," bulong ko. "Paano ako magsisimula? Walong buwan na... pero araw-araw pa rin kitang iniisip."
I smiled when I suddenly remembered him calling me Shortcake because of my short temper. Miski ang ganado niyang pagkain kapag may kimchi ay naglaro sa isipan ko. Tuwing gusto niyang maglambing, yayakapin niya lang ako mula sa likuran. Kung hindi naman, isisiksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Masaya siya kapag nakikita niyang nauubos ni Matcha ang pagkain na ginawa niya. Ang ganda-ganda ng ngiti niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang muling nanubig ang mga mata ko. Hindi talaga pwedeng alalahanin ko si Calix nang hindi ako umiiyak. Nakakasawa na nga, eh. Parang naka-move on na ang mundo, pero ako, naiwang nakatira sa mga alaala namin.
I sighed. Ang sakit isipin na hanggang balik-tanaw na lang ako sa kanya sa nakaraan.
Hindi ko namalayan na sa kama niya na ako nakatulog. Dahil gabi pa ang flight ko, sa huling pagkakataon ay nilinis ko ang buong bahay. It was therapeutic. Sumayaw rin ako sa dance studio at nag-take ng maraming pictures bilang remembrance.
Siguro ay ibibigay ni Mama kay Kuya ang bahay para hindi na sila magbayad ng loan. Labas na ako roon. Kahit hindi na talaga nila ako nabayaran, hindi na ako mangungulit. Hindi na ako magrereklamo. Basta matapos lang. Kasi nakakaubos sila. Nakakapagod.
Maliligo na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumatawag si Yesha sa messenger. Wala pang apat na ring ay sinagot ko na ang video call.
"Yesha!" I exclaimed.
She smiled. Hindi ko alam kung ano ang nagbago sa kanya bukod sa gupit niya. Parang pumuti ang balat niya at lalo rin siyang gumanda.
"Na-miss mo 'ko?" tanong niya bago inilibot ang camera sa palayan. "Nagpapahinga ako rito... tapos nalaman ko kina Faye ang nangyari." She sighed. "Ayos ka lang, Doc?"
"Nakakabawi na..." The mere sight of her reminded me of Mark. "Ikaw? How are you coping?"
She pursed her lips. "Heto, na-mi-miss ko pa rin ang pamangkin mo!" Mahina siyang tumawa. "Tuwing may nagtitinda rito ng dirty ice cream, naiiyak pa rin ako! Lakas ng epekto sa akin ni Mark!"
I pressed my lips together to stop myself from crying. Parang kailan lang... apat pa kaming kumakain ng ramen. Na habang nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Calix, silang dalawa ni Mark ay nag-aasaran.
"Doc, sana hindi mo sinisisi ang sarili mo sa nangyari," marahang aniya. "Hindi 'yon magugustuhan ni Mark. Kilala naman natin 'yon. Masaktan na ang lahat, 'wag lang ang Tita Vina niya."
I gulped. "M-Mahal niya tayo, Yesha... Isa ka sa mga dahilan kung bakit naging masaya siya."
"Aba dapat lang!" Tumawa siya kahit bakas ko ang luha sa mata niya. "Kung mahal ko siya, dapat mas mahal niya ako!"
Nginitian ko siya. "Salamat sa pagtawag, Yesh. Na-miss ko ang ingay mo. Alam kong hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat nating dalawa... pero kaya 'to! Mark is in a better place now. 'Yon naman ang importante, hindi ba?"
Tumango siya. "Miss ko na tayong tatlo." Kita ko ang paghangin ng buhok niya. "Sa langit na lang namin itutuloy ni Mark ang landian namin." She laughed. "Manawa si Lord!"
That talk with her calmed me. Hindi ko alam pero parang may isang tinik na nabunot sa dibdib ko. She was doing her best to move forward... at alam kong natutuwa si Mark habang nakikitang ganoon ang babaeng mahal niya.
I took a bath and wore my black fitted shirt, black high-waisted jeans, beige coat, and heels. Iniikot ko rin sa leeg ko ang scarf na ginawa ni Calix lalo at ternong-terno ito sa kulay ng coat ko.
Hila ang isang malaking maleta at dalawang hand luggage ay lumabas ako ng bahay. I peered at the sky and smiled a little when I realized the sun was so ashamed of its beauty that it hid beneath the clouds.
"Vina..."
Napatingin ako sa gate at parang tumigil ang mundo ko nang makita ang lalaking laman ng isip ko araw-araw. He was clothed in a black polo shirt and blue faded jeans. Nakatali ang may kahabaang buhok at matikas ang pagkakatayo sa gate.
He was gazing at me with so much longing and love in his eyes. I just stood there, unable to move. I could hear my heartbeat at the sight of him.
Under the blue and clear sky, we stared at each other. No words. No sighs. Nakatingin lang kami sa isa't isa na parang taon ang lumipas noong huli kaming magkita.
Pinanood ko kung paanong bumaba ang tingin niya sa maleta ko. Doon lang ako parang natauhan. Kumapit ako sa scarf na suot ko at unti-unting ngumiti.
"Calix," I whispered. "Bakit ka nandito?"
My voice snapped him back to reality. Muling bumalik ang tingin niya sa akin, walang bahid ng ngiti sa labi.
"Aalis ka?" he asked.
Tumango ako. Binuksan ko ang pinto sa likuran ko. I could feel my hands trembling, but I wanted to talk to him more, so I concealed whatever I felt.
"Coffee?" I asked, neglecting his question.
He looked hesitant at first but after a few moments, he nodded. Napatingin siya sa motor kaya napagtanto kong iyon ang binalikan niya.
As he went near me, his fragrance embraced my sense of smell. It was so familiar. So nostalgic. And above all, it smelled like home.
Dumiretso kami sa kusina. Agad kong hinanap ang tasa, pero bago pa ako makakilos ay pumunta na siya sa tapat ng cabinet at binuksan iyon. Walang imik niyang ibinaba ang dalawang tasa bago muling bumaling sa akin.
I chuckled nervously. Walang nagbago sa itsura niya, pero pakiramdam ko ay ang layo niya na. He was not my Calix anymore, because I failed to keep him. Wala na akong karapatang isiping mahal niya pa ako.
"Upo ka," marahang saad ko.
He obliged silently. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang laman ng devotion notebook niya.
This guy was a rare gem, a precious soul that deserved nothing but the best. He deserved that glow of his success. He deserved pure happiness. He deserved exactly where he was right now.
Malayo sa akin. Malayo sa taong magpapaalala sa kanya ng sakit.
I cleared my throat to break the silence. I looked up at him, and with all my strength, I said, "Babalik na ako sa America..."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Kita ko kung paanong nagsalubong ang mga kilay niya. I didn't want to know why he looked like he was deep in pain. Wala naman na kami. Kahit umalis ako, maayos naman na ang lagay niya. Hindi niya na ako kailangan.
I sighed. Calix would always remind me that I was once loved and listened to. That I had been well worth the wait. That I had been accepted.
However, he would also act as a constant symbol of my weakness. Of how much I failed.
Tears immediately formed in my eyes. Inagaw agad siya sa akin ng tadhana. We were both wrecked and broken. Together, we would just hurt each other.
"Congrats, Calix." I lowered my gaze and smiled sadly. "You're an engineer now. You accomplished your dreams. H-Hindi mo man ako kasama, sana alam mo..."—I took a deep breath—"na sobrang proud ako sa 'yo."
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya nag-angat ako ng tingin. Nahuli ko siyang nakatitig lang sa akin, parang binabasa ako.
"Dito ka na lang," mahinang-mahinang saad niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagsabog ng emosyon ko. He said those words so lightly, na para bang hindi niya nais iparinig iyon sa akin.
"I need this, Calix..." bulong ko.
Umawang ang bibig niya na tila may gusto pa siyang sabihin, pero matapos ang matagal pang pagtitig sa akin ay nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.
"Babalik ka?" he asked like a child.
Muli akong umiling. Kinailangan kong mag-iwas ng tingin para hindi ko mabasa ang sakit sa mata niya.
"Inilipat ko na 'tong bahay sa pangalan ni Mama. W-Wala na rin akong trabaho rito." I gulped. "Wala nang rason para manatili ako, Calix. Wala na akong uuwian."
"I took the exam for you. I passed the exam because of you, Vina..." nabasag ang tinig niya.
I chuckled. "'Wag mong sabihin 'yan. You don't owe me your achievements, Calix. Ikaw ang nagpursigi para sa pangarap mo."
Tumingin ako sa kanya pero nakayuko lang siya. He looked defeated... but I knew deep in my heart that he could never convince me to stay.
Gaya niya, hindi ko na rin siya kayang mahalin nang buo.
I stood up as I put our mugs to the sink. Ni hindi namin nabawasan ang kape.
"Sige na! Baka ma-late pa ako sa flight ko!" pinasigla ko ang tinig bago bumalik sa tapat niya. "Kunin mo na ang motor mo. Alam ko namang iyon ang ipinunta mo rito. Pinapa-start ko rin 'yan minsan para hindi ma-stuck 'yong engine."
Nanatili lang ang tingin niya sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"N-Nasa ilalim ng center table 'yong susi. Pasensya na kung hindi ko agad naibigay. Wala akong rason para do'n. Sorry... ikaw pa tuloy ang kumuha. Hayaan mo, hindi ko naman 'yan ginamit—"
Napatigil ako sa dire-diretsong pagsasalita nang lumapit siya sa akin at binalot ako sa isang mainit na yakap.
My lips trembled. Naramdaman ko ang marahang paghalik niya sa ulo ko. Nanubig ang mga mata ko sa pakiramdam. After months of hurting, I felt consoled and comforted. After months of pretending to be happy, I was heard.
"Mag-iingat ka ro'n, ha?" malambing na aniya.
Tumango ako. My head was pressed on his chest.
"'Wag kang masyadong mag-iinom kapag wala kang kasama. 'Wag ka ring mag-kape bago matulog para hindi ka mapuyat. 'Wag mong kalilimutang mag-grocery every weekend para may laman ang cabinets mo kapag na-late ka ng uwi," dagdag niya pa. "'Wag puro canned goods ang kakainin mo, ha? Kapag kaya mong magluto, magluto ka..."
Tumango lang ulit ako dahil hindi ko kayang sumagot. Sigurado akong iiyak lang ako sa oras na magsalita ako.
Unti-unti niya akong binitawan. Hindi ako makatingin sa kanya kaya ngumiti na lang ako at walang imik na lumabas. Sumunod siya sa akin at saktong nakita ko sa labas ng gate ang driver na na-i-book ko.
Hinigit ko ang maleta at inilagay iyon sa sasakyan. Gusto niya pa akong tulungan pero umiling lang ako.
Gusto ko nang makaalis. Gusto ko nang lumayo sa kanya. I wasn't good enough for him, at kahit mahal na mahal ko siya, naniniwala pa rin akong mayroong babaeng mas hihigit sa akin. Mas kaya siyang alagaan. Mas kaya siyang pakinggan.
I failed him. In his darkest days.
"Vina," pigil niya sa akin nang akmang sasakay na ako.
I looked at him for the last time.
"Be happy," he told me. "Like my old Vina... be happy."
Tumango lang ako bago magmadaling ipasok ang sarili sa sasakyan. Inutusan ko ang driver na umalis na at agad naman itong tumalima sa akin.
Nang makalayo ay saka bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Calix, mananatiling ikaw ang kasiyahan ko... kahit pa tapos ka nang maging masaya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro