Chapter 3
Chapter 3
I leaned on the plush mattress and reflected on the events of the day. Calix and his sweet gestures were all I could think about instead of my responsibilities.
Mabilis naman talaga akong ma-attract, pero hindi ako nahihiya sa iba. Kahit first date, hindi uso sa akin ang pag-iinit ng mukha o ano. It used to be an ordinary day. Kaunting kilig lang. Hindi ako para mapuyat kaiisip.
But with Calix, it was different. I wanted to see him from every angle. I don't know why, but something about him drew me in and made me want to learn more about him.
Napansin kong hindi sarado ang bintana ng kwarto dahil hinahangin ang kurtina ko. Outside, the moon cast a pale glow over everything below as if it had seen something worth radiating for.
My phone beeped. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Hindi naman ako nabigo sa nabasa.
From: Calix Dylan
Are you home?
Kinagat ko ang labi at bahagyang napangiwi nang makaramdam ng hapdi. I like pricking the skin of my lips whenever I am nervous. Bumangon ako para isarado ang bintana bago nangingiting nagtipa ng reply.
To: Calix Dylan
Yup. Kanina pa.
I sat on my bed and waited for his response. Maaga ang pasok ko bukas, pero kung si Calix ang kakausapin ko buong gabi, hindi ako mag-dadalawang isip na magpuyat.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko. I was hoping to see Calix's phone number but was disappointed to see it was my brother's.
"Hello, Kuya?"
I rested my head on the headboard and played with my fingers.
"Vina, may tour sina Mark. May incentives kapag sumama kaya kailangan niya 'yon," aniya. "Eh, alam mo namang hinuhulugan ko pa 'tong bahay, 'di ba? Hindi ko maisingit ang gastusin niya sa school."
I sighed. "Kuya, medyo short ako ngayon, eh. Nahiram kasi ni Rebecca 'yong savings ko two months ago. Nagka-dengue si Thalia, 'di ba? Kaya kitang hatian. Magkano ba?"
"Hindi kaya, Vina. Wala talaga ako ngayon, eh. Baka makuha na ng bangko 'yong bahay kapag inuna ko 'yon." He took a deep breath. "Nabanggit ni Mama na bibili ka raw ng bagong sasakyan. Baka naman pwedeng mahiram muna?"
Napapikit ako nang mariin sa narinig. Not this time.
"Hahatian na lang kita, Kuya..." sagot ko. "Ako na rin ang bahala sa pocket money ni Mark."
"Ito naman, ang damot. Minsan lang naman ako humiram sa 'yo. Babayaran ko rin kapag nakaluwag-luwag na," pamimilit niya. "Malaki naman ang sahod mo."
Napamulat ako at bahagyang napanganga sa sinabi niya. Parang may kung anong kumirot sa puso ko dahil hindi ko matanggap ang narinig.
"Kuya naman..." I muttered. Ayokong maramdaman niyang nagmamadamot ako. "Binibigay ko naman halos lahat ng sahod ko kay Mama, 'di ba? Alam mo namang mahal din ang therapies ni Papa."
"Ang sabi mo ay ikaw ang bahala kay Mark basta huwag lang namin patigilin," giit niya. "Para kaunting tulong lang naman, Vina."
I felt a lump creeping up my throat. The conversation was draining me.
"Alam kong may utang pa ako sa 'yo, pero ibigay mo na kay Mark 'to..." dagdag niya.
Hindi ako sumagot. Six months ago, I sold my car and gave him the entire proceeds. Ang sabi niya ay babayaran niya ang loan ng bahay nila pero hindi ko na alam kung saan niya dinala ang pera dahil hanggang ngayon ay malaki pa rin ng utang niya sa bangko.
Kahit ang bunsong kapatid na si Rebecca ay hindi pa nagsisimula sa pagbabayad sa akin lalo at hirap din naman siya sa trabaho bilang call center agent.
"Vina?"
I breathed deeply. Gusto ko na lang matapos ang usapan. Ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya.
"Sige, Kuya. Ibibigay ko na lang kay Mark kapag kailangan niya na."
I shouldn't tell my mother about this, of course. Galit na galit nga siya sa akin nang malamang ibinenta ko ang kotse para kay Kuya noon. I was mad and pained, too. Pinag-ipunan ko iyon, eh. That was the first reward I bought for myself.
Pero kung hindi ako, sino ang tutulong sa kanya?
"Salamat, Vina. Babawi ako sa 'yo!"
I closed my eyes. Ayos lang. Si Mark naman iyon. Hindi na iba sa akin. At isa pa, sinabi ko naman sa kanya na abisuhan niya lang ako kapag may kailangan siya sa school.
My phone rang again, and this time, it was Calix. Tiningnan ko muna ang cellphone dahil parang nawala ako sa mood makipag-usap, pero naalala ko ang kasunduan namin kanina na tatawag siya.
Kahit medyo mabigat ang loob ko sa naging usapan namin ni Kuya ay sinagot ko ang tawag. Pumikit ulit ako at inihiga na ang katawan sa kama.
"Yown!" mahinang-mahinang saad niya nang sagutin ko ang tawag.
Agad ang paglapat ng ngiti sa labi ko. Cute.
"Good evening, Vina," sabi niya sa mas pormal na boses.
I gently grazed my fingertips against my lips and felt a slight sting as I pricked them. Calix's voice was soothing, like an antidote to my troubled soul. Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal ko na siyang kilala. Bilang man sa daliri kung ilang beses kaming nag-usap, pakiramdam ko ay mapagkakatiwalaan ko siya.
I chuckled inwardly as I tried to ignore my internal monologue. Gusto ko siya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko nararamdaman 'to.
I smiled. "Hi, Calix."
Tumahimik sa kabilang linya. I waited for a response for a few seconds, but there was none. Iminulat ko ang mata para tingnan kung namatay ang tawag, pero on-going pa naman 'to.
"Calix, are you still there?" I asked, my voice unintentionally gentle.
Narinig ko ang banayad niyang paghinga mula sa kabilang linya kaya dahan-dahan akong napatango. Hindi niya pa ibinababa.
"Ano..." he muttered, unsure. "Busy 'yong number mo kanina. Akala ko ay hindi na ako makakatawag." He chuckled nervously.
Napanguso ako. Bakit siya kinakabahan?
"I was talking to my brother," I said.
"Oh..." He exhaled. "Hindi ba ako nakakaabala? Late na rin. You should rest, Vina."
Tumitig ako sa ceiling ng kwarto ko. There was nothing there but my small chandelier. Kung hindi ko kausap si Calix, sigurado akong may maiisip na naman akong hindi maganda tungkol sa pamilya ko.
"Okay lang. Hindi rin naman ako makakatulog."
Hindi ako hipokrito. Hindi ko iisang beses hiniling na sana ay matapos na ang responsibilidad ko bilang anak at kapatid. But I didn't want to encourage my thoughts. Ayokong pag-isipan ang sarili kong pamilya.
"Are you okay?" he asked.
His voice immediately echoed through the confines of my heart. He sounded so sweet and gentle that it was calming.
"Oo!" I chuckled. "Ba't naman hindi?"
He sighed. "Just making sure."
Ngumisi ako. "Bakit? Ano'ng gagawin mo kapag hindi ako okay?"
Narinig ko ang malamyos na pagtawa niya. Unti-unti akong bumangon at hinawi ang kurtina para silipin ang dilim sa labas.
One thing that fascinates me most is the mystery of the night. The way the darkness concealed everything—stars, clouds, and the moon. It's like a mask that shelters the world, making all that lies beneath disappear.
It's fascinating. Darkness is fascinating; simple yet holds so much power.
It's like how people carry themselves—the way they try to cover up their scars.
I mean, everyone wears a mask—a veil of darkness they bear every day. Tatanggalin lang nila 'yon kapag wala na silang kasama—kapag gabi at nag-iisa. Alam kasi nila na iyon lang oras na magpapakatotoo sila. They will shed tears without fear, and their emotions will be sincere. Huhubarin nila ang sariling maskara, at hahayaan ang dilim ng gabi na takpan ang mga sugat nila.
"Susunduin kita," he muttered. "We'll eat and drive until you feel better."
I tucked some of the strands of my hair behind my ears. The thought of being with him thrilled me.
"Next time..." I answered, honesty ringing in the depths of my heart.
"Yeah," he said, "next time."
Nakangiti lang ako kahit parehas kaming tahimik. Tanging paghinga niya lang ang naririnig ko. It was so soothing. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganoon pero sigurado akong matagal iyon dahil nang bumalik ako sa kama ay medyo inaantok na ako.
Nang tingnan ko ang orasan ay napansin kong halos alas-dose na. Wala pa ring nagpapatay ng tawag sa amin kahit pikit na ang mga mata ko. Alam kong matutulugan ko na siya.
I heard him murmuring something, but I was too sleepy to process his words.
"Please take care of her..." His voice was hushed. "Cast all her worries away."
"What are you doing, Calix?" I asked with my eyes closed, and my words were all jumbled. Inaantok na talaga ako.
He let out a quiet gasp. "I'm sorry. I thought you were sleeping."
"Hmm..." I hummed. "Ano'ng ginagawa mo?"
"I.." he whispered. "I was praying for you."
Agad na nag-init ang puso ko sa narinig. Even if I didn't believe in God, knowing that someone was keeping me in their prayers somehow lifted the burden off me. To think na hindi naman niya ako kilala talaga.
"I'm sorry. I shouldn't have prayed out loud. Nakasanayan lang," nahihiyang saad niya. "I hope it didn't bother you."
I had no idea what made me so emotional. My eyes were still shut, but my heart was really, really alive. Mabilis ang tibok nito sa loob ko, para bang binabalaan ako kailangan ko nang tumigil bago pa ako tuluyang mahulog.
"Thank you, Calix."
Several minutes of silence had passed. Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ko dahil sa antok.
"I hope we can still discuss the terms and agreements tomorrow." He chuckled huskily. "Sleep tight, Doc."
Kinabukasan ay ganado akong magtrabaho. The phone call was like an energy booster. Naka-receive pa ako ng good morning text mula sa kanya kaya talaga namang magandang-maganda ang simula ng araw ko.
Huh! Nothing could kill my mood!
"Oh my god! Naglalandian ba kayo ni Calix?!" ekseheradang sigaw ni Yesha nang makasalubong ako sa hallway matapos kong mag-rounds.
Sinimangutan ko siya. "Eh, kayo ng pamangkin ko?"
"Slight." Tumawa siya. "Ba't ba kasi ang gwapo ni Mark?"
I scoffed. She really dropped the subject, huh?
"Magtataka ka pa. Kitang-kita mo naman sa Tita."
Sabay kaming tumulak patungo sa cafeteria ng hospital. Matapos naming umorder ay naghanap kami ng bakanteng upuan pero nakita kong itinaas ni Dr. Santiago ang isang kamay niya, tinatawag kaming dalawa ni Yesha.
"Doc, ayoko. Hindi tayo makakapag-chikahan," bulong ni Yesha sa akin. "Magkunwari na lang tayong hindi natin siya napansin."
Pilit akong ngumiti lalo at nakatingin pa rin sa amin ang matandang doctor. "Gaga, hindi pwede. Baka matanggal tayo."
"Kasi naman..." Yesha grunted. "Crush ba ako n'yan at may patawag pa?"
Nagtungo kami sa pwesto ng lalaki. Dahil isa sa pinakamahuhusay na psychiatrist si Dr. Santiago, malakas ang kapit niya sa hospital.
"Good morning, Dr. Desamero," he greeted me, ignoring Yesha.
I smiled. "Good morning, Doc."
Bumati rin si Yesha.
Umupo kami sa bakanteng upuan sa tapat niya. Pansin ko ang pananahimik ni Yesha dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko ang takot niya sa lalaki.
"We'll have a meeting after lunch," he said. "Nagkaroon ng relapse ang VIP natin."
Tumango lang ako at nagsimula na sa pagkain.
"How's Room 303?" usisa pa niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "He's responding well with the medications, Doc."
He nodded. Binasa ko ang labi at muling nagpatuloy sa pagkain. Room 303 was occupied by a middle-aged man who was experiencing PTSD and auditory hallucinations. Although his prognosis was guarded, hindi naging mahirap ang pakikipag-usap sa kanya.
Kahapon din ay ikinuwento niya sa akin ang nangyari kung paano siya nagkaroon ng PTSD.
He was a happily married man with only one child. Tipikal na maybahay ang asawa niya habang siya naman ay teacher sa isang malapit na school sa bahay nila. It was the usual family situation. Nang ma-promote bilang head ng department, nagplano silang mag-celebrate bilang pamilya. Kaya lang, habang nasa byahe ay nawalan ng preno ang sasakyan nila.
The car accident took the life of his twelve-year-old child.
Worse, when his wife woke up from a coma, she blamed him for everything and abandoned him.
"I'll go ahead. See you later, Dr. Desamero." Tumayo si Dr. Santiago at tinanguan ako.
Nang makaalis siya ay agad na nag-buntonghininga si Yesha.
"Meeting lang pala ang sasabihin. May announcement naman for sure!" aniya pa.
I laughed. "Hayaan mo na. Kita mong parang malungkot nga, eh."
"Che! Hindi niya nga ako binati. Favoritism talaga 'yon. Laging mga doctor lang ang binabati, pero kaming nurses, ang pangit ng trato niya lagi!" she ranted. "May apat na ballpen pa ako sa kanya! Hindi marunong magsauli."
Muli akong napatawa. Hindi naman kasi sikreto ang pagiging ilag ni Dr. Santiago sa nurses. Mas madalas niyang kasama ang mga ito kaysa sa akin, pero nakakarating sa akin ang reklamo nila.
"Kumuha ka ng ballpen sa office ko mamaya," natatawang saad ko. "O humingi ka na lang sa manliligaw mo."
She grinned. "Sure, Tita."
Bumaling ako sa kanya at pabirong sinamaan siya ng tingin. Nagpatuloy kami sa pagkain at hindi na ako nagtaka nang tanungin niya ako tungkol kay Calix.
"Baka siya ang kunin kong tenant, okay? Tenant muna," I said.
Tumawa siya. "Halata talagang bet ka no'n! Hindi na ako magugulat kung manliligaw 'yon sa 'yo."
I chuckled. "Sasagutin ko agad pag nagkataon."
"Sus, puro ka gan'yan! Nanligaw sa 'yo si Liam pero binasted mo. Artista na 'yon, ha? Naikwento rin ni Mark na may nanligaw sa 'yong abogado, piloto, at doctor, pero hindi mo sinagot!"
Lumawak ang ngisi ko. "Malakas kasi talaga ang kutob ko na para sa Real Estate Agent ako."
She rolled her eyes at me.
"Kidding aside, their profession and status are not a free pass to get me or any other girl. Ano 'yon? Porke't mayaman sila, kaya na nilang makuha ang loob ng lahat?! I'm telling you! Naka-date ko naman ang mga 'yon, pero ang hahangin talaga nila!" litanya ko.
"Sabagay. At the end of the day, it's the personality that matters." Tumango-tango siya. "Liam is still into you. Alam ko namang aware ka ro'n."
"I rejected him already, pero tinawagan niya ulit ako last week, nangungumusta. I don't know what to do with him anymore." I let out a sigh. "Ganda problems."
"Shot tayo mamaya?" pagyayaya niya. "Bitin ako sa chikahan natin."
"Anong oras ang tapos ng shift mo?"
She shrugged. "Seven."
Nang matapos kumain ay dumalo na ako sa meeting namin. Naging matagal iyon, kaya nang i-dismiss kami ni Dr. Santiago ay kaunting oras na lang ang natira para makapag-rounds ulit ako. I also wired the money to Mark's bank account. Malakas kasi ang kutob kong hindi siya pupunta sa akin para manghingi.
Dahil mas nauna akong natapos sa ospital kaysa kay Yesha, pagkauwi ay nagbihis agad ako ng sports bra at leggings. Balak kong magpapawis muna bago pumunta sa club.
I put on some of my favorite songs and started moving my body. Sigurado akong kung hindi ko itinuloy ang pagiging psychiatrist, i-pu-pursue ko ang pagiging dance instructor. Since I was a kid, dancing has been my steadfast companion. Being a choreographer and competing in dance competitions was my bread and butter in high school and college.
May ilang outpatients din ako na nagda-dance therapy. It was a form of movement therapy to improve people's emotional, cognitive, and social well-being. It was good for mental and physical health.
Matapos ang halos isang oras na pagsasayaw ay naupo ako sa sahig ng dance studio. Sweat was dripping down the sides of my face and neck.
Kinuha ko ang cellphone ko at napangiti nang makitang may message si Calix.
From: Calix Dylan
Nasa ramen house ako :)
I squealed as my heart began pounding so loudly against my chest. Para akong bulateng inasinan sa floor ng studio.
I couldn't imagine him texting that! Ang ganda ng katawan niya, makapal at medyo mahaba ang buhok, naka-motor at oozing with sex appeal, tapos may emoticon ang text?!
Kainis. Parang nag-crave tuloy ako sa ramen.
To: Calix Dylan
Hipsters ako mamaya.
From: Calix Dylan
That's nice. You need that. Sino'ng kasama mo?
To: Calix Dylan
Si Yesha.
Umalis ako ng dance studio at pumunta na sa banyo para maligo. Pinunasan ko ang mukha ko bago unti-unting napangiti nang may naisip.
To: Calix Dylan
Sama ka? :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro