Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29

Trigger Warning: Suicidal Ideation, Sensitive Language

Weeks after our break-up, the hospital called. Hindi ma-re-revoke ang lisensya ko pero anim na buwan akong suspended. Tinanggal din ako sa trabaho. Hindi ko tuloy maiwan ang bahay... kasi wala na akong pera. Ubos na ang ipon ko. At ngayon, matagal pa ang hihintayin para makapag-trabaho ako.

Araw-araw akong dumadalaw sa puntod ni Mark, binubulong ang paumanhin at pasasalamat. Minsan ko na ring inisip na sumunod na lang sa kanya, pero sabi niya sa liham niya, ayaw niya pa akong makita.

Hindi ko alam kung paano umuusad ang bawat araw na wala akong sinasandalan bukod sa sarili ko. I lost weight. Halos hindi ko na makilala ang sarili dahil doon.

I also started taking anti-depressants dahil lumalala ang breakdowns ko. I couldn't sleep well at night. Kung hindi pa ako iinom ng sleeping pills, hindi ako makakatulog. I was at the lowest and hardest point in life. I felt hopeless. Gumigising na lang ako para alalahanin ulit lahat ng sakit. I felt like I lost my purpose.

Months flew by, yet I remained stuck on my feet.

"Vina, halika na," akay ni Chin sa akin pero tumawa lang ako.

"Hindi pa ako nagbabayad!" sigaw ko. My vision was already blurry. Alam kong lasing na lasing na ako pero wala akong pakialam. Gusto ko pang mag-inom hanggang sa tuluyan akong makatulog.

"Nabayaran na ni Troy."

Binawi ko ang braso ko. "Kaya kong bayaran 'yon."

She sighed. "Alam ko. Kung gusto mo ay bayaran mo kay Troy mamaya."

Pasalampak akong bumalik sa pagkakaupo ko sa couch at ipinatong ang ulo sa mesa. Hindi pa ako inaantok. Nahihilo lang ako pero alam kong hindi pa sapat ang nainom ko para makatulog ako. Kung pwede ko lang araw-arawin ang sleeping pills, ginawa ko na.

"Vina..." She sounded sad and hopeless. "Sa bahay ka na matulog, ha?"

"Ayoko," tawa ko. "May sarili akong bahay, Chin."

Nagpunta siya sa tabi ko at muling hinigit ang braso ko, pero dahil sa tigas ko ay hindi niya ako napilit na tumayo.

"Wala kang kasama ro'n..."

I chuckled again. "Sanay ako d'yan! Nag-dorm ako no'ng nasa med school ako, tapos sa America, mag-isa lang din ako sa apartment."

"Iba naman 'yon, eh." She caressed my hair. "Tara na. Kahit isang linggo ka sa bahay."

It was tempting. Alam kong kausap at karamay ang kailangan ko ngayon. Wala sa mga kaibigan ko ang nakaaalam ng suspension of license ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila na nagkaroon ako ng maling diagnosis kaya nangyari iyon. I couldn't even tell them the reason behind my breakup with Calix.

Napangiti ako sa sarili. Hindi ko rin naman kasi alam ang dahilan.

"Hindi na, Chin. Sa bahay na lang ako."

Sasagot pa sana siya nang dumating si Troy. Nahihiya ako dahil ang laki kong abala sa kanila. Hindi ko naman sila sinasabihan kung nasaan ako, pero itong si Chin, laging inaalam ang lagay ko. Ilang beses na ring nangyari ito... at sa totoo lang... nandidiri na ako sa sarili ko.

Imagine getting drunk as hell because you couldn't face the harsh reality. Tuwing gising ako, naaalala ko ang katawan ni Mark na nakasabit. Ni hindi ko alam kung ilang oras nakapalibot sa leeg niya ang tali.

I still cried for him. Ang sakit-sakit pa rin. Hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya iyon nang hindi ko napapansin.

At si Calix... lagi kong naririnig ang mga iyak niya. Nalalarawan ko ang mukha niya na nakatingin lang sa kawalan at parang maraming iniinda.

Pumapasok sa isip ko... ganoon ba talaga kasakit ang makasama ako?

"Vina, we'll bring you home," seryosong saad ni Troy.

"Iwan n'yo na lang ako rito," sabi ko. "Kaya kong umuwi mag-isa."

Tinitigan niya ako. "Tatawagan ko si Calix kapag hindi ka sumama sa amin."

"Troy," Chin warned.

Napangiti lang ako. Nahihilo na ako pero alam ko pa ang nangyayari.

"Sige nga!" tawa ko. "Tawagan mo nga, Troy." I stared at him pathetically. "S-Sabihin mo bumalik na siya sa akin! Sabihin mo umuwi na siya... kasi naghihintay pa rin ako kahit ako ang nagpaalis sa kanya."

Nahigit ni Chin ang braso ko patayo dahil wala akong lakas para manlaban. Inalalayan nila ako ni Troy palabas ng club at ipinasok sa sasakyan.

"A-Ayokong sumama sa bahay n'yo kasi baka dumating si Calix. Naroon pa sa bahay ang motor niya. Baka kunin niya... M-Magmamakaawa ulit ako." Sunod-sunod na nagbagsakan ang luha ko. "Kahit dalawang linggo lang ulit."

Those were the repressed wishes of my aching heart that I couldn't admit when I was sober.

Kapag lasing ako, naaamin ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya... na naghihintay ako.

Every morning, as I woke up, memories of our journey together would flood my mind. Masakit ang pamamaalam namin sa isa't isa, pero mas masakit ang mga araw na ininda namin bago kami natapos.

'Yong nakaw na tingin ko sa kanya habang nagluluto siya... kasi pakiramdam ko noong mga panahong 'yon... wala na akong karapatang lumapit. 'Yong mga malulungkot na ngiti namin sa isa't isa dahil parehas naming alam na may nagbago na. 'Yong gabi-gabing paghiling ko na sana bumalik ang lahat sa dati, pero hindi nangyari kasi natapos pa rin sa paalam.

Alam kong nagkulang din ako. I didn't ask him the reason why he was crying—the same way he didn't ask mine. At that time, all I ever wanted was his reassuring smile. But I failed. Kasi noong mga panahong 'yon, miski siya, hindi kayang ngumiti.

Patuloy na lumipas ang araw na kulong ako sa nakaraan. Gone was the confident and sociable Vina. Gusto ko lagi mapag-isa. Kahit niyaya ako ng mga kaibigan ko, hindi ako lumalabas ng bahay.

I was fine with that. Walang balita kay Calix, pero kahit papaano, sapat na ang mga alaala namin para magpatuloy ako. Hindi pa rin naman ako handang malaman kung ano ang nagbago sa kanya.

Isang araw, matapos ang limang buwan mula noong naghiwalay kami, nakita ko ulit siya. Maganda ang ngiti, postura ang tindig, at mas lalo pang kumisig. Parang hindi siya nanggaling sa impyerno kasama ako.

He was being interviewed by the same man who interviewed Liam before. Nanlalaki ang mga mata ko habang tutok na tutok sa screen ng TV. Casual polo lang ang suot niya pero alam mong may sinasabi na sa buhay.

Sa loob ng limang buwan... parang ang laki ng nagbago. 'Yong katabi ko dati na manood lang, pinapanood ko na ngayon.

"You failed twice, but now you top the boards," the interviewer said.

Tumawa siya.

I was stoned. Napahigpit ang kapit ko sa lalagyan ng cup noodles na kinakain ko. My hair was a mess, and I hadn't showered in two days. I just lost track of everything. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko... pero habang nakatingin sa mukha ni Calix, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inggit.

Inggit dahil maayos na siya. Inggit dahil nakaya niya na.

Ang ganda ng ngiti niya. Parang noong sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na siya. His eyes were glistening. He prayed and worked so hard to be where he is right now.

Five months.

He had grown so much in such a short time.

"Congratulations, Engr. Calix Dylan Fujimoto!" the interviewer greeted him.

He chuckled. "Thank you, Steven."

I clenched my cloth while looking at him. "Wow... Para sa akin pa rin ba 'yan, Calix?" A tear fell from my eye. "Sabi sa 'yo, eh! K-Kaya mo!"

"This is a very controversial topic..." Nag-ingay ang audience. "Maraming curious lalo at madalas kayong nakikitang magkasama ni Ms. Gwen!"

Napatulala ako sa narinig.

He narrowed his eyes on Calix. "But can you tell us your relationship?"

Ngumiti si Calix kaya lalong nag-ingay ang mga nanonood. Ipinakita rin sa screen ang magagandang larawan ni Gwen. I lowered my gaze only to see how poor my current state was.

"We're just friends," sagot ni Calix.

The interviewer grinned which triggered the audience more. Para kasing may alam ito sa relasyon ng dalawa.

My heart clenched in pain. Alam ko namang mangyayari 'to, pero hindi ko alam kung bakit ang sakit pa rin ng kompirmasyon.

For the last time, I let my tears fall. My Calix is now an engineer. He aced the board exam. He finally achieved his dream. He had traveled too far away from my reach while I was stuck in my miserable circumstance.

Lumawak ang mundo niya nang mawala ako.

Siguro kung kami pa rin, magkasama naming i-ce-celebrate 'yon. The happiness in his eyes was contagious. Parang kahit mabigat, isang tingin lang sa kanya, gagaan ang lahat. He held that kind of power. 'Yong kahit wala akong sabihin, naririnig niya ako.

I touched our picture placed on the center table and smiled sadly.

"I'm proud of you," I whispered, hoping that the wind would let him hear it.

His achievements pushed me back to my track. I started doing some exercises again to regain my composure. Kung kaya ni Calix na wala ako, siguro kaya ko rin. Nabuhay naman ako nang wala siya noon. Nagsimula rin akong mag-develop ng mga tests para sa companies dahil may psychometrician license naman ako. Hindi malaki ang kita pero kahit papaano, nabubuhay ako.

Nabalita rin nationally ang revision ng rules para sa topnotchers. Repeaters couldn't top the boards anymore. Exclusive na lang iyon para sa first takers.

"I just got my license back," saad ko kay Reign, isang katrabaho noon sa America via phone call. "I'm planning to apply to a public hospital this time."

"No, Vina, please! We need more competent psychiatrists here. Just give it a shot! The director remembered you, and we all want you back!" she said as she chuckled. "You're the bubbliest psychiatrist I've ever met. We need your energy."

Napangiti rin ako. "I have a suspension record, Reign."

"So?" she muttered. "You completed your residency here, and we all know your capabilities!"

"I'll think about it."

She grunted. "For the love of Christ, I will take care of everything just for you to return here! It's been... what? Two years?"

"Okay, chill!" I laughed. "I'll let you know."

Hindi pa rin siya tumigil sa kapipilit sa akin na bumalik na sa America. At sa totoo lang, sa lagay ng buhay ko ngayon, malaking porsyento sa akin ang gustong umalis na lang. I felt like I needed a new environment. Malayo sa gulo. Malayo sa ingay.

Kung tatanungin, hindi pa rin ako maayos... pero pinipilit ko... kinakaya ko. Gabi-gabi ko pa ring iniiyakan ang lahat at kung paano unti-unting naagaw ng mundo sa akin ang mga taong mahal ko.

"I'm planning to go back to America," I told my friends.

"Huh?!" ekseheradang sigaw ni Anne. "No! Walang aalis! Paano ang trabaho mo rito? Paano ang bahay mo? Paano si Chin? Si Mich?" dire-diretso siya. "Paano ako?!"

Tumawa ako at binato siya ng tissue. "Uuwi-uwi naman ako. Siguro every summer?"

"Uuwi-uwi." Mich sighed. "For good ka?"

Kitang-kita ko ang paglungkot ng mukha ni Chin. Ngumiti na lang ako para itago ang panandaliang bigat na naramdaman. Kailangan ko ito. Kapag hindi ako umalis, hindi ako makakaalis sa estado ko ngayon. Kailangan kong lumayo sa lahat para lumawak din ang mundo ko... gaya ni Calix.

Dahan-dahan akong tumango. "Hindi mabenta ang ganda ko sa Pinoy! Baka para sa Amerikano talaga ako." Tumawa pa ako. "Mas malaki rin naman ang sahod do'n... makakaunti-unti ako. Hindi ako sanay mabuhay nang walang pera."

Pathetic. I really was pathetic. Kahit pa ano ang gawin kong biro, nagmumukha lang akong tanga dahil alam ko sa sarili ko ang totoo.

"Hindi ka babalik?" mahinang tanong ni Chin. "'Yong ipapatayo nating clinic... paano?"

I fixed my now long black hair. "Maraming magaling na psychiatrist dito. Ihahanap kita bago ako umalis."

Umiling siya. "Kung hindi ikaw, 'wag na lang."

Sumimangot ako. "Nakaka-guilty, ha! Gusto ko lang naman ng fresh air at new faces!" I scoffed. "Babalik-balik naman ako. Syempre nandito kayo! Duh! Linta na ako sa buhay n'yo. Hindi n'yo ako maaalis!"

Mahabang paalamanan iyon. Kahit tahimik lang si Chin matapos kong sabihin ang plano ko, alam kong naiintindihan niya kung saan ako nanggagaling. Sina Anne at Mich naman ay napakaraming bilin sa akin.

Somehow, it healed a small part in my heart. Na hindi ako talaga mag-isa. Ikinukulong ko lang ang sarili ko, pero ang totoo, may kasama ako.

Hindi marami pero sapat.

I told Reign my plan and she was happy about it. She fixed everything for me. Kahit hindi alam ni Mama, inilipat ko na rin sa pangalan niya ang titulo ng bahay at lupa. Ayoko na ng kahit anong koneksyon mula sa kanila.

At sa huling beses, dumalaw ako sa puntod ni Mark. I traced his name on the gravestone.

"Aalis na muna ako, ha?" saad ko habang binubunot ang mga damo sa palidid na lapida niya. "Sorry kung naririndi ka na sa 'kin. Kahit wala ka na, ikaw pa rin ang ginugulo ko sa problema ko." I bit my lower lip and looked up to control my tears.

The wind blew and embraced my skin. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata para damhin ang yakap ng hangin.

"I love you, Mark. Rest in peace."

Limang araw bago ang flight ko, napadpad ang tingin ko sa motor ni Calix. Ang sabi ko ay ipapadala ko na lang iyon pero hindi ko na nagawa. I kept it as a remembrance. Hindi naman siya nag-text tungkol doon.

I went near it and opened the storage compartment. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na gawin iyon.

Napakunot ang noo ko nang makita ang isang maliit at may kakapalang notebook. Halatang matanda na dahil gusot na rin ang pinaka-cover. Hindi ko alam kung kay Calix ito dahil hindi ko naman siya nakikitang hawak ito.

Bitbit iyon ay pumasok ako sa loob ng bahay. I sat on my bed and opened it.

My Devotion Notebook

Unang pahina pa lang ay bumungad sa akin ang halatang sulat-kamay ng isang bata. I looked at the bottom part of the paper and saw Calix's name.

Humigpit ang kapit ko sa notebook nang mabasa ang susunod na pahina. It contained a bible verse, his journal, his reflection about the passage, and his prayer.

May 8 - Ezra 3:11

And they sang responsively, praising and giving thanks to the Lord, "For he is good, for his steadfast love endures forever toward Israel." And all the people shouted with a great shout when they praised the Lord, because the foundation of the house of the Lord was laid.

Journal:

Hello, Lord! 7th birthday ko po ngayon. Salamat po sa buhay na ibinigay N'yo sa akin. Wala pong handa dahil na natalo si Papa sa sugal. Pero ayos lang po kasi hindi nila kami sinaktan ngayon.

Lord... nagrereklamo na po si Caroline dahil masakit ang ulo niya. Mainit din po siya kanina. Nanlimos po ako sa palengke (pero hindi alam ni Lola kasi baka magalit na naman 'yon) para makabili ako ng gamot niya. Kaso, Lord, tatlong tablets lang po ang nabili ko.

Umiiyak po ako, Lord... kasi nakita ko 'yong mga bata sa palengke kanina. Please po. Pakitanggal po ng inggit sa puso ko. Ayaw ko na pong maramdaman 'yon.

Sana rin po gumaling na si Caroline. Hindi ko po kayang nakikitang nahihirapan ang kapatid ko.

Sorry po kung ang dami kong request. Hindi naman tayo sobrang close... pero ang dami kong hiling. Ang sabi po kasi sa church, gumawa kami ng devotion notebook. Thank you po ulit!

Sa ilalim noon ay ang reflection niya sa bible verse at ang bulleted content ng panalangin niya. Unang-una roon ang paggaling ni Caroline at ang pag-iingat sa mga magulang niya kapag umaalis ng bahay. Naroon din ang pangalan ni Lola Harriet at Lolo Ken. Ni wala siyang panalangin para sa sarili niya.

Napatigil ako sa pagbuklat dahil sa pagdaloy ng luha sa pisngi ko. It was written by the young version of Calix. He was in despair... and the only thing that was keeping him going was his faith in Him. Heto 'yong sinasabi niyang sumisimba pa lang siya dahil naging obligado siya.

June 17 - Isaiah 41:10

Do not fear: I am with you; do not be anxious: I am your God. I will strengthen you; I will help you; I will uphold you with my victorious right hand.

Journal:

Lord, ang sakit sakit po. Binugbog po kami ni Papa noong isang linggo at nagalit po ako. Dumugo po kasi ang ilong at labi ni Caroline. Ayos lang po kung ako na lang ang saktan ni Papa... 'wag lang po sana ang kapatid ko. Inaalagaan ko pong mabuti ang kutis no'n, eh. Ayaw ko po kasing lumaki siya na may mga sugat.

Lord, umiiyak na naman ako. Kung hindi ko po pinilit na itakas si Caroline, hindi po magagalit si Papa... hindi po niya mabubugbog ulit si Carol... hindi po siya mamamatay.

Galit na galit po ako. Gusto ko pong gantihan si Papa kasi mahal na mahal ko po si Carol. Baby ko po 'yon, eh. Please po. Alisin Mo ang galit sa puso ko. Alisin Mo ang kagustuhan kong gumanti. Ayaw ko pong dalhin ito pagtanda ko.

At Lord, alagaan n'yo po si Caroline, ha? Pasabi sa kanya na humihingi ako ng sorry kasi hindi ko siya na-protektahan. Salamat po.

Hindi ko na mabasa nang maayos ang mga nakasulat dahil sa pag-iyak ko. Ang dalawang sumunod na pahina ay naglalaman ng hinanakit niya sa mga magulang at kung paanong ipinapanalangin niya na mabura ang galit at lungkot sa puso niya.

May mga pahina rin para sa pasasalamat niya kina Lola Harriet.

August 2 - Psalm 143:8

In the morning let me hear of Your mercy, for in You I trust. Show me the path I should walk, for I entrust my life to You.

Journal:

Second year college na ako, Lord. Ang galing, 'no? Ang bilis ng panahon. I wouldn't be here today if it weren't for You. Salamat po dahil may mga ipinadala kang tao para tulungan ako. Sa 'Yo lahat ng pasasalamat! Lakas ko sa 'Yo!

Pero, Lord... may nakita akong babae kanina sa first year. Tawa nang tawa kasama ang mga kaibigan niya sa ibang program kaya nakuha agad ang atensyon ko. Parang ang saya-saya niya kasi. Orientation palang nila kanina kaya dapat nagkakahiyaan pa, pero 'yong magandang babae, sumasayaw sa mga patugtog no'ng technical. Ang cute lang.

October 30 - Song of Solomon 3:4

Scarcely had I passed them when I found him whom my soul loves. I held him and would not let him go until I had brought him into my mother's house, and into the chamber of her who conceived me.

Journal:

Good evening, Lord. Confirmed po. Crush ko po 'yong babae. Hahaha. Vina po ang pangalan niya. Makulit at mukhang masaya kasama. Ang ganda-ganda pa.

Thank You po dahil maayos kami nina Lola ngayon. Ang gaan ng buhay. Excited na ulit akong magsimba! Ipagpapasalamat ko po kasi binuhay N'yo si Vina! Hahaha joke.

January 13 - 1 John 4:16

And so, we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in them.

Journal:

Lord, mukhang talo ako kay Vina. Kahit padaan-daan kami sa department nila, hindi manlang ako tinitingnan. Ngumingiti sa mga kasama ko pero walang emosyon sa 'kin.

Hays, gagawa na lang ako ng assignment. Hahaha. Thank you ulit, Lord!

Sa mga sumunod na pahina, ikinwento niya ang pagpasa sa battery exam ng engineering. Miski ang paminsan-minsang pagsilay sa akin ay detelyado niyang ikinuwento sa Kanya. Napansin ko rin ang tahi sa gilid ng notebook. Siguro ay tinatahi niya iyon kapag mauubos na ang pages.

Magkahalong saya at sakit ang naramdaman ko. Saya dahil noon pa man ay ikinukwento niya na ako sa pinaka-pinagkakatiwalaan niya. Sakit dahil sa dami ng pinagdaanan niya... at sa naging dulo naming dalawa.

While reading, I somehow felt closer to him. Para niya akong isinama sa paglalakbay niya. Kung paano siya bumagsak sa board exam at kung paano niya hiniling sa Diyos na tanggalin ang galit sa puso niya para sa mga taong nangmaliit sa kanya.

December 31 - Proverbs 30:18-19

There are three things that amaze me—no, four things that I don't understand: how an eagle glides through the sky, how a snake slithers on a rock, how a ship navigates the ocean, how a man loves a woman.

Journal:

Today, I'm the happiest man alive. Thank You for giving Vina to me, Lord. Hindi ko po inaasahan na magiging girlfriend ko siya. Ang taas-taas niya kasi... parang hindi bagay sa akin. Pagbubutihan ko po! Alam kong hindi ko pa po siya deserve. Pero iingatan ko po siya at mamahalin. Please, bless our relationship.

Siya na po ang babaeng ihaharap ko sa Inyo.

After reading that, I cried again. Mahal ako ni Calix. Mahal na mahal ako ni Calix.

July 20 - Psalm 37:8

Refrain from anger and turn from wrath; do not fret—it leads only to evil.

Napatigil ako nang mapagtantong ang araw na iyon ay ang unang beses ko siyang nahuling may kausap sa telepono. Nagwala agad ang dibdib ko. Baka hindi ko kayanin kapag itinuloy ko ang pagbabasa.

I swallowed hard as I took a deep breath.

Tumawag po si Mama ngayon sa akin... pagkatapos ng ilang taong pananahimik. Namatay na raw po si Papa sa kulungan. Gusto po ni Mama na pumunta ako sa kulungan pero tumanggi ako. Ni hindi ko na po naisip si Vina kaya alam kong may tampo siya sa akin.

Nahihiya po akong magsabi. Kahit alam kong maiintindihan niya, natatakot akong malaman niya na may trauma pa rin ako.

Lord, bakit ba ang hina ko?

Ano pong gagawin ko, Lord? Ayaw ng pamilya ni Vina sa akin. Paano po kapag nalaman nilang may depression ako noon? Baka lalo nila akong palayuin kay Vina. Hindi ko po kaya, Lord.

Please, heal my heart. Show me the way. I'm so close to doing it, Lord. Please.

July 31 - John 15:12

This is my commandment: love one another as I love you.

Journal:

Katabi ko po si Vina ngayon. Natutulog siya. Siguradong-sigurado na po ako na siya ang gusto kong makasama sa buhay na ipinagkaloob N'yo sa akin. Pansin ko po ang panlalamig niya at alam ko po ang rason no'n. Hindi ko lang po maamin dahil hindi ko pa kaya. Hindi pa po ako handa.

Lord, sana po hindi ako sukuan ni Vina. Sasabihin ko rin naman po sa kanya. Bigyan N'yo po ako ng lakas ng loob. Salamat po.

I clenched my bed sheets and cried. I'm sorry, Calix... I'm so sorry... for giving up on you... on us.

He was in so much pain. Pero kagaya ni Mark, hindi ko na naman napansin.

Unprepared, I read the next page.

August 18 - Psalm 46:1-3

God is our refuge and strength, an ever-present help in trouble. Therefore, we will not fear, though the earth give way and the mountains fall into the heart of the sea, though its waters roar and foam and the mountains quake with their surging.

Journal:

I was raped. Cielo Amore raped me.

Nanlamig ako sa nabasa. Dalawang pangungusap pero ramdam na ramdam ko agad ang lalong pagkabasag ng puso ko. My hands began to tremble. No... No... Not my Calix.

"C-Calix..." Malakas ang pag-iyak ko. Umiling ako nang paulit-ulit. Ayun ang araw na tumawag si Mark sa akin para sabihing nawawala si Mama. 'Yong araw na parang may gusto siyang sabihin sa akin.

Bumuhos ang luha ko. Halos hindi na ako makahinga sa paghikbi. My boyfriend was raped. At wala akong kaalam-alam! All along, I thought he was cheating on me! All along, I thought he fell out of love!

Lord, paano ko po sasabihin kay Vina 'yan? Ang lungkot-lungkot ng boses niya... parang hindi ko po kayang dagdagan.

Cielo Amore drugged me. Ano pong gagawin ko, Lord? Hindi po ako makaalis dito. Wala pong bangka na pwedeng sakyan pabalik. Miski po si Rod na kasama ko ay nanahimik sa nangyari sa akin. Paano po ako makakapagsumbong?

Lord, please. I need You more now.

Parang hindi ko na kayang magbasa. Durog na durog ako sa nalaman. Sa mga sumunod na pahina, sinabi niya na binubugbog siya ng mga tauhan ni Cielo Amore kapag hindi siya sumasama sa kwarto.

He also told Him how he cried when we fought over the phone. Kung paanong nahihiya na siya sa akin... at kung paanong humihingi siya ng lakas para labanan lahat dahil gusto niya pa akong uwian. Kinuha rin ang cellphone niya kaya lalong wala siyang nagawa.

Kahit humihingi siya ng tulong ay walang naniwala sa kanya. I could only imagine his misery... kasi hindi ko na siya mayayakap ngayon... kasi huli na.

At noong akala ko ay wala nang makawawasak pa sa akin, binuklat ko ang huling pahinang may sulat niya.

October 5 - Psalm 62:1-2

Truly my soul finds rest in God; my salvation comes from Him. Truly He is my rock and my salvation; He is my fortress; I will never be shaken.

Journal:

Good evening, Lord. A lot of things happened. Nakauwi na po ako kay Vina... pero, Lord... hindi po ako masaya. Mahal na mahal ko si Vina, pero alam kong hindi ako buo. Hindi ko kayang ibigay nang buo ang sarili ko sa kanya dahil kulang ako.

Lord, I planned to take my life last week. Ayoko na po. Lumala po ang trauma ko. Kaunting dikit lang ng tao sa akin, nanginginig ako. Hindi ko po kayang mabuhay nang ganoon. Pinlano ko pong lunurin ang sarili ko.

Kaso, Lord... naisip ko po si Vina. Bigla pong tumugtog sa utak ko 'yong kanta ko para sa kanya. I'll be the one that stays 'til the end. I'll be the one that needs you again. Gusto ko pong panindigan 'yon. Gusto ko pa po palang makasama si Vina. Gusto ko pa po siyang yakapin.

She's proud of my short list of accomplishments. Kahit sarili niyang pamilya, kinalaban niya para lang sa akin... at dapat hindi ko siya hayaang maiwan. Lord, alisin mo naman 'yong sakit sa puso ko, oh. Pakiramdam ko po kasi, kahit mahal ko si Vina, hindi ko na kayang mahalin siya nang kagaya ng dati.

Hiyang-hiya na po ako sa sarili ko. Ang dumi ko, Lord. Paano ako haharap sa kanya? Ayaw ko pong tapusin ang relasyon namin kasi alam kong hindi 'yon kakayanin ng puso ko... pero, Lord... ano pong gagawin ko? Hindi ko kayang makipag-usap. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na magiging maayos ang lahat basta magkasama kami. Hindi ko rin po masabi sa kanya ang napagdaanan ko dahil ayaw kong dumagdag pa sa rason ng pag-iyak niya.

Dumating po si Gwen at siya po ang nagligtas sa akin. Lord, thank You po kasi may ipinadala ka ulit. Kung hindi dahil sa kanya, marami pa akong matatanggap na sakit. Sinabi ko po sa kanya na itago muna ang lahat kay Vina. Alam ko po kasing hindi niya kakayanin. Marami po siyang dinadala ngayon. Ayoko na po talagang iyakan niya ang nangyari sa akin.

I've decided to end things with her. Hindi ko po alam kung tama pero pakiramdam ko po, kailangan namin 'to. Hindi po ako handang sabihin sa kanya at hindi rin siya handa pang makinig. Mahal ko po si Vina, Lord. Salamat po dahil hinayaan n'yo akong mahalin siya. At kung ibibigay n'yo man po siya sa iba, sana matumbasan po ng lalaking 'yon ang pagmamahal ko sa kanya.

Thank You for saving me, Lord. Thank You for reminding me of Vina, Lola Harriet, and Matcha. Thank You for sending Gwen. Thank You. I knew it was You.

May cellphone number akong nakita sa pinakailalim ng pahina. Sa gilid noon ay ang mga salitang "thank you for listening". Pumasok agad sa isip ko na iyon ang tinatawagan ni Calix tuwing nahuhuli ko siyang may kausap kapag gabi.

I was shaking when I called the number. Hindi ko alam kung sa sakit ba o kaba. Gusto kong hanapin si Calix at yakapin siya. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko rin siya at wala akong ginustong ibang makasama sa buhay kung hindi siya.

"Hello?" saad ng isang babae sa kabilang linya.

A tear fell from my eye. "Hello. S-Sino po ang tinatawagan ko?"

Natahimik ang babae kaya sinilip ko kung on-going pa rin ang tawag. Hindi niya naman ibinaba kaya muli akong nagsalita.

"Who are you?" my voice broke.

She breathed. "Uhm... bakit po kayo napatawag? May problema po ba kayo d'yan? Sino ang kasama—"

"Who are you?!" ulit ko sa mas malakas na tinig.

Masyado nang pagod ang isip at puso ko! Gusto kong makita si Calix! Natatakot siya sa pagdampi ng tao sa balat niya pero niyakap niya ako! Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko! Sa dami ng tao... sa akin siya humugot ng lakas... pero mahina rin ako! Wala rin akong maibibigay!

"Please, sino ang tinatawagan ko?" I begged.

She sighed, finally giving up.

"Ma'am, you're calling the suicide hotline. How can I help you?"

Sukat doon ay naibaba ko ang tawag. I threw all my stuff and shouted. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Calix kahit alam kong hindi na siya babalik. I cried more tears. Luha ng pagkabigo at pagsuko para sa lalaking pinakamamahal ko.

All this time, he was on the verge of doing that. Pero nasigawan ko lang siya... napagsabihan... pinagdudahan.

Tama nga si Ate Sidney.

I'm a failure as a friend. I'm a failure as a girlfriend.

And even though I tried so hard to resist it, the world was right.

I'm a failure as a psychiatrist.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro