Chapter 28
Chapter 28
Hindi nagtanong si Calix kung bakit hindi na ako pumasok nang mga sumunod na araw. Wala kaming imikan sa bahay. Iniisip ko na ang mga mangyayari. Isang linggo na lang at kaarawan ko na. Iiwan niya na ako. Mag-iisa na ulit ako. Siguro... pag-alis niya... ibibigay ko na rin ang bahay kay Mama. Hindi ko na kayang tumira dito kung sa bawat sulok ay maaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. The peaceful mornings and nights together, the echoes of our laughter as we told each other about our days, and the warm cuddles he used to give me.
Minsan ay nahuhuli ko siyang malungkot na nakatingin sa akin. Maaga ako laging gumigising para hindi ko siya masabayan sa pagkain. Tuwing kakausapin niya ako, maliit na ngiti o tango lang ang isinasagot ko.
I remembered the night when he asked me why Mark never visited us again. Hindi ko alam kung nagloloko siya o ano, pero natahimik siya nang sagutin kong wala na si Mark. Napagtanto kong hindi ko pala nasabi sa kanya iyon. Umiiyak lang ako lagi sa mga voice messages ko sa kanya, pero hindi ko sinasabi ang dahilan.
He looked like he wanted to hug me... but I was too distant to even care. This was my way of moving on. I was slowly unlearning everything he had taught me. Na may tatakbuhan ako kapag malungkot ako... na may kasama akong umiyak sa lahat.
Bukod sa mga tao sa ospital, walang nakakaalam sa nangyari sa akin. Wala pa ring final decision, pero hinihiling ko na sana ay suspension na lang.
"Vina, tama na 'yan," pigil sa akin ni Chin nang akmang iinom pa ako.
Tumawa ako. "Hindi pa ako lasing, gaga!"
She sighed. "Halika na. Iuuwi ka na namin ni Troy."
Umiling lang ako. "Mauna na kayong mag-asawa at sundan n'yo na si Trevor. Gumawa kayo ng maraming babies tapos pahingi na lang ng isa para may kasama ako!" I chuckled. "Sige na. Alam kong kanina pa naghihintay ang asawa mo sa labas."
"I won't leave you here," seryosong aniya.
Ngumiti ako. Nasa Hipsters kami ngayon. Ako lang ang nagplanong pumunta rito, pero nang makita ni Chin ang IG story ko ay sumunod siya sa akin. Halos apat na oras na rin ako rito sa club at pinapanood niya lang ang pag-iinom ko.
"Kaya ko, Chin," bulong ko.
She stared at me for a long time before shaking her head. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ulo ko para isandal sa balikat niya. Hinawakan niya rin ang kamay ko at marahang hinaplos iyon.
"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling?" tanong niya. "Sa tagal na nating magkaibigan... ngayon pa?"
I chuckled, discarding the heavy feeling inside me. "Kaya ko nga! Vina 'to, hoy!"
"Gusto mo... umuwi tayo sa Laguna? Kahit unwinding lang? Bisitahin natin si Mama Myrna," tukoy niya sa babaeng nag-alaga sa kanya noon. "Tapos kain tayo sa Blue Plate?"
Umiling lang ako. I appreciated her so much. Kahit hindi ako humihingi ng tulong, lagi siyang nand'yan para sa akin. Ayokong abalahin siya dahil may sarili na siyang pamilya pero sa ngayon, alam kong kailangan ko ng kasama.
"Si Mark," umpisa ako. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Tambay 'yon lagi rito. Mahilig mag-inom 'yon, eh. Bonding naming mag-Tita!" I laughed to conceal my sadness. "Sana pala nag-focus pa ako lalo sa kanya, 'no? Sana lalo akong nakinig. Wala, eh. Lagi kasing nakangiti. Hindi ko tuloy alam na nasasaktan na siya."
"Why are you blaming yourself, Vina?" she asked softly. "You need saving, too. Mark has his reasons, and I know you understand him." She held onto my hand tightly. "We can't save everyone, Vina."
Sinisisi ako ng lahat sa pagkawala ni Mark. Alam ko namang nagkulang ako hindi lang bilang Tita niya kung hindi bilang propesyonal na psychiatrist din. Alam ko ang mga sintomas pero hindi ko manlang napansin sa kanya.
"Mark should not be a part of that everyone, Chin," I said. "Tangina. Bahala na. Kahit mawala sa akin ang lahat ngayon, wala na akong pakialam."
May sinabi pa siya pero hindi ko na na-proseso iyon. Pumikit ako at inalala ang mga nakalipas na buwan na naging masaya ako... ni hindi ko manlang namalayan na malala pala ang bawi noon. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi na ako ginugulo nina Mama. Hindi man ako labis na matahimik, nakalayo naman ako sa kanila.
I was planning everything in my head. Kaya ko na siguro iyon. Kung ayaw nilang lahat sa akin, hindi na ako makikipagsiksikan. Kaya ko namang mag-isa.
"Vina, I'll take you home..." rinig kong saad ni Chin bago ako hinigit patayo.
"Ayoko pa, Chin," pigil ko sa kanya. I stared at her with my tired eyes. "Ayoko pang umuwi. Ayoko pang makita si Calix."
Dumaan ang gulat sa mata niya. Walang nakakaalam sa nangyayari sa amin ni Calix ngayon. Ano naman ang sasabihin ko sa kanila? Eh, miski ako, hindi alam ang dahilan niya.
"Hindi kita iiwan dito," aniya. "Sa bahay na lang tayo kung gusto mo. Doon ka na rin matulog."
Tatanggi na sana ako nang may nakita akong lalaking palapit sa mesa namin. Agad ko siyang namukhaan kaya kinawayan ko siya.
"Liam!" tawag ko.
Chin grunted. "Vina, no. Halika na."
I laughed. "Girl, chill. I'm sober."
Lumapit sa amin si Liam at nag-aalalang tumitig sa akin. Pansin ko ang paglalabas ng camera ng mga taong nakakakita sa kanya.
"Hindi kita iiwan dito kasama siya," sabi ni Chin.
I exhaled exasperatedly. "Please? Ayoko, Chin. Mag-te-text ako sa 'yo kapag nasa bahay na ako. Gusto ko lang magsaya ngayon... Can't I do that?"
Sumingit sa usapan namin si Liam. "Don't worry. I know Vina. Wala akong gagawin na ikapapahamak niya."
"And why would I trust you?" masungit na tanong ni Chin. "Hindi ka niya naikukwento sa akin kaya hindi kita mapagkakatiwalaan. Now, please. Can you leave?"
I chuckled. "Ang protective naman ng baby ko na 'yan." Nahihilo akong humalik sa pisngi ni Chin. "Hayaan mo na. Kilala ko 'yan. Sasama ba ako kung hindi? Umuna ka na ng uwi. Naghihintay na ang asawa at anak mo."
Magsasalita pa siya pero lumapit na ako sa tabi ni Liam. I wanted diversion. Kahit sandali lang.
She was so hesitant. Masama ang tingin na iginawad niya sa lalaki kasabay ng pagkuha niya sa larawan nito. Napangiti na lang ako sa ginagawa niya. Halos ipagtulakan ko na siya sa labas ng club dahil ayaw niya pang umalis. Sa huli, nakumbinsi ko naman. I was tipsy, but I could handle myself.
"Vina, you're looking for trouble, huh?" tawa ni Liam.
Umirap ako. "Wala akong pakialam kung ma-link na naman ako sa 'yo bukas. Ang dali-dali sabihing wala tayong relasyon."
Napangisi na lang siya. Pumunta kami sa VIP room na nirentahan niya. Naroon ang iba pang mga kasamahan din niya sa industriya. They looked shocked when they saw Liam with someone. Kahit na inaasar kami ay naupo lang kami sa couch na naroon.
"Magpahulas ka na, Vina. Iuuwi kita after an hour," aniya bago umorder ng kape para sa akin. "I don't know what's going on with you, but you're not being yourself."
Tumawa ako at sumandal sa couch. "Ano'ng meron? May gathering kayo? You should've informed me. Sana ay sumama na lang ako kay Chin."
"Ayos lang. Birthday celebration lang ni Louise," tukoy niya sa may-ari ng club.
Tumango-tango ako. "Paano ka magpapaliwanag sa media bukas? For sure, may mga pictures na."
He laughed. "Gwen can solve that. Wala naman na sa amin ang mata ng media dahil maraming controversies ngayon... and for Pete's sake, our skins didn't even touch."
Ngumiti lang ako bago kunin ang kape sa mesa. Siguro nga ay may tama na ako dahil kung normal na araw naman, hindi ako para sumama sa lalaking ito. Marami siyang katangahang ginawa sa amin ni Calix... pero heto, sa kagustuhan kong makahanap ng distraction, sumama ako sa kanya.
Napailing ako sa takbo ng isip.
Si Calix. Si Calix na naman. Kahit talaga anong pilit kong kalimutan siya, gumagawa at gumagawa ng paraan ang utak ko para alalahanin siya.
Ano kayang ginagawa niya sa bahay? Nakikipaglaro kay Matcha? Nagluluto? Gumagawa ng papers? O baka kausap niya ulit ang lagi niyang nakakausap?
I smiled sadly. Ang sakit naman ng pagbabago niya. Hindi ako nakapaghanda.
"So... how are you?" tanong ni Liam.
I shrugged. "Ayos lang."
"Your boyfriend?" He narrowed his eyes on me. "Ba't hindi mo kasama ngayon?"
"Ay, bakit? By pair ba ang pag-ka-club?" I laughed.
Tumawa rin siya. "Nakakapanibago lang."
I gulped the huge lump in my throat. "Ako rin naninibago."
"Hmm..." He pursed his lips. "Bakit? May nangyari ba?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan na lang ang mukha ng mga tao sa paligid. Nakangiti ang karamihan, parang walang problemang dinadala. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss ang pakiramdam na maging malaya sa lahat. Iyong tipong uuwi ako nang masaya kahit lasing na at gigising na may hangover. Parang ang dali-dali lang ng lahat noon.
"Wala, ah! Mahal ko 'yon." Tumawa ako. "Mahal na mahal ko 'yon."
Sandali akong natulala dahil naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko. Basta talaga si Calix, nadudurog ako.
"Then, why do you sound so sad?" tanong ni Liam.
"Parte naman talaga ng relasyon ang lungkot, 'di ba? Hindi naman laging masaya."
Sa totoo lang, ayaw kong magsabi ng kahit na ano kay Liam. He liked me before, at hindi magandang tingnan na humanap ako ng kalinga sa lalaking hindi ko naman gusto, dahil bukod sa magmumukha akong malandi, pakiramdam ko ay niloloko ko si Calix. I shouldn't talk shit behind his back.
"Oo naman. I'm sure you can fix whatever that is," ani Liam. "Ikaw pa ba? Kaya nga kita nagustuhan, eh. Wala ka namang hindi kinaya."
I blinked a couple of times and sighed. Minsan naman kasi, kahit hindi mo na kaya, wala ka nang ibang pwedeng pamilian. Kailangang kayanin dahil itinatak sa atin ng mga tao na para sa duwag ang pagsuko.
However, as I grew older, I realized that admitting defeat was a brave move. It was for your benefit, not at the cost of others. Saying no to the things you always said yes to was vital to moving forward.
Giving up entails letting go of things we can't control.
Kaya kahit parang imposible, alam kong hindi ko mapipilit si Calix. I had no control over his choices... over his heart.
"Vina," kuha ni Liam sa atensyon ko.
I looked at him.
"Don't destroy yourself in the midst of loving someone," he muttered. "You're strong-minded and independent. Huwag mong hahayaang may magnakaw no'n sa 'yo."
My heart clenched as I silently thanked him. Hindi ko alam kung ilang minuto akong naroon, pero nang plano ko nang magpaalam sa kanya ay nakarinig kami ng ingay sa labas ng VIP room.
"Vina!" Boses iyon ni Calix. Malakas ang pagkatok niya sa pinto na parang wawasakin niya iyon.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Liam na seryoso ring nakamasid sa akin. Tatayo na sana ako para buksan ang pinto nang pigilan ako ni Liam. He held my wrist before opening the door himself.
Bumungad sa amin ang nag-aalalang mukha ni Calix. Umawang pa ang mga labi niya nang makita ako. Alam kong si Troy ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako.
"Vina," humina ang boses niya kasabay ng pagbaba ng mata niya sa hawak sa akin ni Liam.
Mabilis kong binawi ang kamay sa lalaki. Hindi magandang tingnan ito. Ayokong may masamang maisip si Calix sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Ba't ka nanggugulo?" naiinis na tanong ni Liam.
Kumunot ang noo ko. "Liam, no. Uuwi na ako."
He scoffed. "Ginagago ka ba nito, Vina? Matapos mong ipagtanggol sa mga magulang mo?"
I shook my head. "Ayoko ng gulo, please."
"Ito ang unang beses na nakita kitang ganito kalungkot, Vina! At kung ang gagong 'to ang dahilan no'n, sisingit ako para agawin ka! I can take care of you better than him!"
I exhaled. Kita ko ang galit na dumaan sa mga mata ni Calix at kung hindi ko lang siya napigilan ay handa na niyang sugurin ang lalaki.
"'Wag kang mag-eskandalo rito," mahina pero klarong banta ko kay Calix. "I don't know why you're here, but let's just go home."
Umiling siya. Basang-basa ko sa mata niya ang sakit at selos.
"I'm here because you're here," he whispered loud enough for me to hear.
Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako kay Liam na masama ang loob ngayon dahil alam niyang sasama ako kay Calix. I shook my head on him and mouthed my gratitude. Medyo nahihilo na ako nang makalabas kami ng club. Madaling araw na rin kasi.
"Kanina pa kita hinihintay na umuwi, Vina," sabi ni Calix. "Nag-aalala ako, tapos heto ang maaabutan ko? Kasama mo si Liam?" Rinig ang tampo sa boses niya.
I chuckled. "No'ng nakasama mo ba si Gwen, may narinig ka sa akin?"
Napatigil siya sa pag-i-start ng engine ng motor niya para tingnan ako.
"Hiwalay naman na tayo, Calix, 'di ba?" I took a deep breath to keep my cry from coming out. "Kasama lang kita, pero ang puso mo, hindi na sa 'kin."
Umiling siya. "Hindi, Vina. Mahal kita... bakit mo naman nasasabi 'yan?"
"'Wag kang hipokrito!" Nabasag ang boses ko. "Naghihintay ka lang na maging handa ako para iwan mo 'ko, 'di ba?!"
Nanginginig akong dinuro ang dibdib niya. Mahina lang iyon dahil nauubusan na ako ng lakas.
"Madaya ka," iyak ko. "Sinanay mo akong nand'yan ka pero gaya ng lahat, aalis ka rin. Lalayuan mo rin ako." My chest hurt so much I could barely breathe. "Nakakagalit ka, pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil naiintindihan pa rin kita! Naiintindihan ko na hindi na ako ang laman nito... kaya kahit pilitin kong manatili ka... mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhang sumaya ka."
Kahit luhaan ako ay nagawa ko pang tumingin sa mga mata niya.
"Kahit hindi na ako ang kinukwentuhan mo ng buhay mo, ayos lang. Kahit hindi na ako ang rason ng mga ngiti mo, ayos lang. Kaunting tyaga na lang, Calix... makakaya ko rin nang wala ka," buong tapang na saad ko.
Hindi ko napaghandaan ang bigla niyang paghigit sa akin para sa isang yakap. Mabigat ang paghinga niya dahil sa nagbabadyang luha.
"I'm sorry, Vina..." mahinang-mahinang aniya. "Totoo ang nararamdaman ko sa 'yo. Mahal na mahal kita. S-Sobra. Sobrang mahal kita."
Umiling ako at pinilit na itulak siya kahit wala akong laban. "Sinungaling ka!"
"I'm sorry because I'm not strong enough for both of us... I'm sorry." His voice cracked. "Kung kaya ko lang, Vina... kung kaya ko lang..."
Wala na akong maintindihan. Sinuntok ko nang paulit-ulit ang dibdib niya para kahit papaano ay makaganti ako sa sakit na idinudulot niya sa akin.
"You loved a weak man, Vina. I'm so sorry for disappointing you," tuloy niya kahit sunod-sunod ang suntok ko sa kanya.
Galit na galit ako! Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat pero walang tamang salita para ibalik sa kanya ang sakit na natamo ko.
"Umalis ka na lang din! Kung hindi mo ako kailangan, hindi rin kita kailangan! Darating ang panahon na titigil ako sa pagmamahal sa 'yo—"
He stopped me by holding my face. He looked pained and his eyes were red from crying. Gaya ko, parang pagod na pagod na rin siya. Parang sukong-suko.
"'Wag mo nang sasabihin sa akin 'yan, ha?" Tumulo ang luha niya at muling nadurog ang puso ko roon. Ang sakit-sakit makitang umiiyak siya. "Kapag nagmahal ka ng iba..."—umiling siya— "'wag mo nang iparating sa akin... kasi hindi ko kakayanin. H-Hindi ko kakayanin."
Naninikip ang dibdib ko sa galit, dismaya, at lungkot. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari pero alam kong walang nagbago.
Mayroon pa ring dulo.
Lumipas ang mga araw na wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at magkulong sa kwarto. Ilang beses kong narinig si Calix na nagpapatugtog ng Christian songs sa kwarto niya. Malakas at nakakabingi iyon. Pero tuwing lumalapit ako sa pintuan ng kwarto, naririnig ko ang pag-iyak niya.
It made me realize a thousand things. The loud songs were just a cover for his stifled cries.
I didn't know what to do anymore. He wouldn't tell me why, and my heart surely couldn't handle knowing his reasons.
I kept on guessing and thinking about him until my birthday came—October 21. Huling araw na makakasama ko siya... at talagang tumupad siya sa usapan namin.
It was a never-ending tug-of-war between us, and no matter how hard we tried to fight against it, we were already drowning in a bucket of ignorance.
Kumbaga, masyado nang maraming nangyari at nasabi para maayos pa ang lahat. Pareho nang tikom ang mga bibig namin at sarado ang mga tainga para magkuwento pa sa isa't isa. Ni walang tahimik na pag-uusap. Parang tinanggap na lang namin na... wala na... tapos na.
And so, when I woke up today, I was ready to get my heart broken.
Parang nagtaksil sa akin ang puso ko dahil matapos ang kaunting panahon ng preparasyon, napagtanto kong may kirot pa rin... may bigat pa rin.
"Happy birthday," bati niya sa akin.
Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, binigyan ko siya ng isang totoong ngiti.
"Salamat," simpleng sagot ko.
Napangiti rin siya. "May gusto ka bang gawin ngayong araw?"
I locked my gaze on his eyes for a few moments, wishing for the passage of time to slow down.
He was my one great love. Sa kanya, naranasan kong hindi maging pilit ang saya. Sa kanya, naranasan kong mahalin kahit walang kapalit na pera. Sa kanya, naranasan kong mapakinggan kahit na masyado akong pagod para magsalita. Sa kanya, naranasan kong matulungan bitbitin ang responsibilidad at problema.
Kaya kahit kaunting panahon lang, babaunin ko ang libo-libo naming alaala. Siguro, balang-araw, makahahanap din siya ng para sa kanya. Iyong wala nang magiging hadlang sa storya nila. Iyong hindi niya iiyakan dahil kailangan niyang bitawan. Iyong hindi niya mapaghahandaang iwanan.
At kapag dumating ang araw na iyon, malilimutan niya rin ako at ang mga pinagsamahan namin.
"Mag-ta-take ka ng board exam, 'no?" Ngumiti ako ulit. "Good luck, ha? Kahit ano'ng maging resulta no'n, lagi mong tandaan na proud ako sa 'yo."
His gaze wavered as if he didn't want where our conversation was heading. "It's for you, Vina."
Umiling ako, pinipilit pa rin ang pagngiti. "'Wag mong sabihin 'yan! Baka bumagsak ka." Tumawa ako nang mahina. "Do that for yourself, Calix. At pakisabi rin kay Lola Harriet na magpagaling siya. Ikaw na ang bahalang magkwento sa kanya kung ano'ng nangyari sa atin, ha?"
Nag-iwas siya ng tingin.
I sighed before reaching out for his hand. The pain I was carrying inside me was too much for me to handle. Tama na siguro ito. Masyado ko na siyang nadudurog. Ang marinig siyang umiyak dahil sa akin, ang makita ang hirap sa mukha niya dahil lang hindi ko pa siya mabitawan, ang sakit sa mga mata niya tuwing tinitingnan ako... sapat na rason na ang mga iyon para tuluyan ko siyang pakawalan.
"Nakapag-impake ka na?" malambing na tanong ko.
Sa pagtango niya ay lalong nawasak ang puso ko, pero itinago ko ang lahat ng iyon sa isang matamis na ngiti. Ayokong baunin niya ang mga iyak ko. Tama na 'yong nasasaktan siyang kasama ako.
"'Wag mo akong kalilimutan, ha?" I requested pathetically.
Napatingin siya sa akin. "Vina..."
I chuckled. "Joke lang! Ito naman!"
Hindi niya sinabayan ang pagtawa ko. Tinitigan niya lang ako na para bang sinasaulo niya ang bawat detalye ng mukha ko.
"H-Hintayin mo 'ko... please..." he begged. "I will just fix and find myself—"
Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagtawa. Para na siguro akong nasisiraan ng bait dahil kahit halatang-halata naman sa mga mata ko ang nagbabadyang luha, tumawa pa rin ako.
"Lumang awitin na 'yan, Calix!" I said. "You'll find yourself? Why? Did you lose yourself in the process of loving me? Ganoon ba ang naging epekto ko sa 'yo?" Bahagyang nabasag ang tinig ko. "W-Wala naman akong ginawa, 'di ba? Ayoko lang na magdusa kang kasama ako kaya paaalisin na kita."
Slowly, I leaned in, wrapping my arms around him and pulling him close. Mabuti at nasa sofa lang kami kaya mabilis kong nagawa iyon. Kahit na may nag-pi-play na movie sa TV, ang atensyon ko ay nasa kanya lang.
"Itinanong mo kung ano'ng gusto kong gawin ngayong araw?" bulong ko.
Tumango siya at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
I trembled in pain. I held him in my arms for a few more minutes before I stood up. Kinuha ko si Matcha sa kulungan niya at muling bumalik sa tapat ni Calix.
"Kunin mo ang gamit mo," marahang saad ko. "Ihahatid kita."
Pain and horror rippled across his eyes. Unti-unti siyang umiling sa akin. "M-May ilang oras pa tayo, Vina..."
I faked a smile when Matcha barked. Gaya ng amo niya kanina, isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. Hindi ko alam kung ramdam niya bang ito na ang huli naming pagkikita, pero hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.
"Regalo ko na 'to sa ating dalawa, Calix..." my voice broke.
"Hindi mo ako kailangang ihatid, Vina... please..." nahihirapang aniya. "Let's celebrate your birthday first."
"This is how I want to celebrate my birthday, Calix," I insisted. Nag-e-echo sa pandinig ko ang pagtangis niya gabi-gabi na hindi ko manlang alam ang dahilan. "Tara na!"
Tumitig siya sa akin at hindi kumilos kaya ibinigay ko sa kanya si Matcha.
"Vina naman..."
Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa taas ng kwarto niya at nakita ang maleta niya. Mabilis kong hinigit iyon palabas kasama ang malaking bag.
"Vina, please, kaunting oras pa..." pagmamakaawa niya pa.
Hindi ko maintindihan. We didn't want to part ways, but we were no longer good for each other. Our wounds were too deep, too raw to endure the pain of being together.
Simula noong hindi niya ako kinausap habang naghihirap ako, alam kong nasira na ang tiwala ko sa kanya. At nang aminin niya sa akin na kasama niya si Gwen, napagtanto kong tapos na talaga.
I couldn't watch him be unhappy with me. Sampal sa akin ang mga pagtangis niya. At ngayon, oras na para tapusin ko ito. Hindi pa ako handa. Tangina, hindi ko pa kaya... pero para kay Calix, para tumahan na siya, alam ko ang kailangan kong gawin.
"Kapag hindi ka pa umalis ngayon, baka hindi na kita mabitawan, Calix," pag-amin ko. "Kaya parang awa mo na... hangga't kaya ko pa, lumayo ka na."
Hinigit ko palabas ng bahay ang gamit niya. Halos itapon ko na ang lahat ng iyon. Sinabi ko sa kanya na ipakuha na lang ang motor niya. Pinipigilan niya ako pero dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa sakayan. I looked really pathetic, but I couldn't care less. Gusto ko nang mawala siya sa paningin ko dahil ayaw ko na siyang mahalin.
"Mahal na mahal kita, Vina..." mahinang-mahina ang pagkakabigkas niya, tuluyang tinanggap ang pagpapaalis ko sa kanya.
I bit my lower lip to stop myself from saying those words back.
"Hindi mo ako mahal, Calix," nasabi ko. "Kasi kung mahal mo ako, hindi mo hahayaang magkaganito tayo. Hindi mo ako hahayaang mangapa sa dilim at magtanong sa kawalan kung saan ako nagkulang." Lumunok ako sa muling pagbabara ng lalamunan ko. "Mahal mo lang siguro ako kasi nasanay kang mahal ako... pero ang totoo... wala kang pakialam sa nararamdaman ko."
Umiling siya. "Hindi totoo 'yan. I care for you more than anyone else."
"The moment you made me feel unwanted, you already lost me." Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko siya. He was firmly holding Matcha kahit pa halata sa mukha niya ang kawalan ng lakas. "Calix, we cry for each other, but we do not communicate. I was expecting you to come to me, but all you did was cry to somebody else."
Halata sa kanyang may gusto pa siyang sabihin pero pinara ko na ang isang taxi. Halos itulak ko na siya papasok sa loob noon para makaalis na siya.
"Thank you for being with me, Calix," I whispered for the last time. "I wish you nothing but the best in life."
Naiwan ako sa waiting shed na tulala habang tinatanaw ang papalayong taxi na sinasakyan niya.
As a tear escaped my eye, I knew I had done the right thing.
Freedom was the most painful gift I had ever given to someone. It was like a double-edged sword that could cut right through me. It was like watching a bird fly out of its cage—beautiful and majestic—but also a little heartbreaking.
But then, at some point, I knew it had to be given because we didn't always realize that the barriers we built to keep us safe were also the barriers we made to hold ourselves imprisoned.
Tuluyang nawala sa paningin ko ang taxi.
Doon lang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari. Makalipas ang tahimik at walang kasawaang pag-iyak, natapos na. At kahit anong pigil ko, tuluyan nang naubos ang mga pahina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro