Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27


Chapter 27

Makikipaghiwalay siya sa akin. Inihahanda niya lang ako. Siguro... matagal niya nang pinag-iisipan iyon. Kaya pala parang hangin na lang ako sa kanya. Kaya pala natitiis niyang hindi na magparamdam.

"Vina!"

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Mama sa labas ng bahay. Naging sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell. Hindi ko alam ang gagawin. Nandito si Calix, at walang ideya si Mama na magkasama kami sa iisang bahay.

"Alam kong nasa loob ka! Buksan mo ang pinto!" sigaw niya ulit.

Hindi ako makagalaw. Sumilip ako sa labas at lalong kinabahan nang makitang kasama niya si Kuya Rexter. Sumandal ako sa pader para itago ang pigura ko. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanila ngayon.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang bumababa si Calix sa hagdan. His forehead creased when he saw e. Pansin ko rin ang pamumula ng mga mata niya dahil sa pag-iyak.

"Ba't ka nagtatago?" tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin. I don't want to find comfort in his voice.

"Nasa labas sina Mama," I said, my voice dismissive so he wouldn't ask any more questions.

Halata ang gulat sa mukha niya pero agad din namang nakabawi. "Pagbuksan natin, Vina. Baka naiinitan sila sa labas."

Umiling ako. "Hindi pwede."

"Bakit? May problema ba?" rinig na rinig ang pag-aalala sa boses niya.

I smiled sadly. Parang hindi niya ako sasaktan. Parang wala siyang balak na iwan ako.

"Hindi nila alam na nasa iisang bahay tayo," sagot ko. "And I can't deal with them right now, Calix."

He sighed. "Then, we'll not open the door."

Tumango lang ako. Hindi ko na naririnig sina Mama kaya umalis ako sa pagkakasandal sa pader at naglakad patungo sa sofa. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Are you okay?"

Napamura ako sa isip. Wow... he was really asking me that? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, may gana pa siyang sabihin iyan sa 'kin?

Hindi ako sumagot.

"Vina..." bulong niya. "I'm sorry..."

Pumikit ako. Please, not now. I knew I couldn't hear your apologies without crying.

"Sabay ba kayong umuwi ni Gwen?" tanong ko. Nakatitig lang ako sa blangkong screen ng TV, hinihintay ang sagot niya.

Nasa magkabilang dulo kami ng sofa. Kung normal siguro ang lahat, nakahiga na siya sa mga hita ko at nilalaro ko na ang buhok niya. Siguro manghihingi siya ng halik o magsasabi ng mga pambobola.

Sumulyap ako sa kanya at napansin ko ang dahan-dahan niyang pagtango. Bakas ko ang paghihirap sa mga mata niya, pero masyadong naging dominante ang sakit sa puso ko para isipin pa siya.

"Wow," I muttered. Bahagyang nanginig ang tinig ko. "Real Estate Agent na pala siya ngayon? Ang galing!"

"Vina..." Umiling siya.

Ngumiti ako sa kanya. Alam kong anumang oras ay babagsak na ang luha ko. That was the confirmation, right? Ito na 'yon.

"Pwede bang iwan mo muna akong mag-isa, Calix?" mahinang tanong ko. "Please, I need to be alone. I can't..."—nag-iwas ako ng tingin—"I can't stand you."

Natahimik siya sa sinabi ko. Tatlong minuto ang lumipas hanggang sa marinig ko ang pagtayo niya. I didn't bother looking at him again. Hindi ko kayang kontrolin ang sakit at galit na nararamdaman ko ngayon. Bakit... parang wala lang sa kanya?

Hindi pa siya tuluyang nakakaakyat sa kwarto niya ay bumukas ang pinto ng bahay.

"Vina!" Si Mama.

Sumulyap lang ako sa kanya. Her eyes were full of emotions I didn't want to name. Kung galit 'yon o pag-aalala, hindi ko na alam. Wala na akong pakialam. Gusto ko munang tumigil lahat. Gusto ko munang maiwan.

Napatingin siya kay Calix na ngayon ay tahimik lang.

Unti-unti akong tumayo. "K-Kumusta ang bakasyon, Ma? Nakapagpahinga ka ba?"

She looked away. "Bakit kasama mo siya rito?" tukoy niya kay Calix. "Huwag mong sabihin sa aking dito siya nakatira?"

Ibinaling ko ang atensyon kay Calix. Nagtama ang mga mata namin, at kung hindi ko lang alam ang ginagawa niyang pagtataksil sa akin, maniniwala ako sa pagmamahal na nakikita ko sa kanya.

"Oo, Ma. Dito siya nakatira," walang buhay na sagot ko. Gusto ko nang magpahinga.

Pumasok si Kuya Rexter sa bahay. Gaya ni Mama, halata ang gulat sa mukha niya nang makita si Calix. Masama agad ang tingin niya sa lalaki na para bang malaki ang kasalanan nito sa kanya.

"Bakit nandito 'yan?" maangas na tanong niya.

"Tenant po ako," puno ng galang na sagot ni Calix.

"Tenant?" Tumawa si Kuya. "Ang mga tenant, nagbabayad! Kaya mo siguro shinota 'tong kapatid ko, eh. Walang-wala na ba?"

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako kay Mama na ngayon ay malungkot na nakamasid lang sa kawalan. Ubos na ubos na ako. Kung gugustuhin nilang umalis, wala na akong pakialam. Basta sa ngayon, gusto kong matahimik.

"B-Bumalik ako, Vina," bulong ni Mama. Napakahina ng pagsasabi niya noon.

I took a deep breath. "Ano'ng gagawin ko, Ma? Wala namang mangyayari kahit bumalik ka kasi tapos na."

"Vina, ang bunganga mo na naman!" Si Kuya.

Mapait akong ngumiti. "Pwede bang tama na? P-Pahingahin n'yo naman ako. Kahit isang buwan lang... please." Tumulo ang luha sa mata ko. "Kung hihingian n'yo ako ng pera, wala na ako no'n... naubos na lahat ng ipon ko. Kung papupuntahin n'yo ako sa bahay, I'm sorry, but I'm choosing my inner peace this time. Please, tama na."

"Kailan pa siya nakatira dito?" tanong ni Mama. Ni hindi manlang pinansin ang mga sinabi ko.

Hindi ako nagsalita. Para akong naubusan ng hangin dahil sa nararamdaman kong pagbuhos ng emosyon ko. I was too tired. Gusto ko pang iyakan si Mark. Gusto ko pang iyakan ang dulo namin ni Calix. Gusto ko pang iyakan ang lahat ng nangyari. Pahingi naman ng kaunting oras... I would just collect the pieces of my heart... kahit sandali lang.

"Kapag hindi pa siya umalis dito next week," sabi ni Mama, "babawiin ko sa 'yo ang bahay."

Naghari ang katahimikan sa amin. Kumirot ang puso ko, pero sa dami ng nangyari, hindi na sapat iyon para maiyak ako. Tumalikod ako sa kanila at pumasok sa kwarto. Rinig ko ang pagtawag ni Mama sa akin.

Binuksan ko ang cabinet kung saan nakalagay ang titulo ng lupa at bahay. Mahigpit ang hawak ko roon habang naglalakad ulit patungo sa kanila.

"Vina," tawag ni Calix sa akin.

Wala na akong pakialam. Rinding-rindi na ako sa lahat.

"Oh, ayan..." Iniabot ko kay Mama ang sobre. "Nand'yan lahat ng documento ng bahay. Tawagan n'yo na lang ako kung gusto n'yo nang ipa-transfer sa ibang pangalan ang titulo. May photocopies na rin ng d'yan ID ko—"

"Anak," putol ni Mama sa akin na hindi ko pinansin.

Sabay-sabay na nagbagsakan ang mga luha ko. "Basta umalis na lang kayo. Gagawin ko ang lahat basta iwan n'yo lang ako. Ibibigay ko kahit ano... basta kalimutan n'yo na lang na anak n'yo ako... parang awa n'yo na..." Bumigat ang paghinga ko. "K-Kunin n'yo na lahat ng gusto n'yong kunin... basta huwag n'yo na akong pakialamanan... please."

Lumapit sa akin si Calix at niyakap ako. Nanginginig ang labi ko sa paghikbi pero may lakas pa ako para itulak siya. Hindi ko kailangan ng yakap ngayon! Hindi ko kailangan ng magagandang salita! Gusto kong mag-isa dahil nasasakal na ako sa presensya nila!

Muling dumaan ang sakit sa mata ni Calix.

Gusto kong isigaw sa kanya na kung gusto niyang umalis, umalis na rin siya... pero hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.

Kasama ko pa siya pero tanaw ko na ang dulo naming dalawa.

"Pwede n'yo na ba akong iwan?" mahinang tanong ko habang isa-isa silang tinitingnan.

Unang beses kong nakita ang awa sa mata ni Kuya Rexter. Hinawakan niya ang braso ni Mama at dahan-dahang hinigit palabas. Pinanood ko sila hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko. The heaviness in my heart was too much for me to bear. Sukong-suko na ako. Gusto ko na lang sumunod kay Mark dahil hindi ko na kaya rito.

Lalapit pa sana sa akin si Calix pero pinigilan ko siya.

"'Wag muna ngayon." Umiling ako. "Please? Hayaan mo muna akong mag-isa."

Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya. Mabilis akong pumunta sa kwarto at nagbihis ng sports bra at leggings. My entire body was trembling in pain, and the only way I could control my feelings was to dance... kagaya ng dati... kapag masyado nang mabigat. It was my therapy.

Pumunta ako sa dance studio at nagsimula sa pagsayaw. Alam kong mukha na akong tanga kung may makakakita sa akin. Mabilis ang paghinga ko at alam kong hindi iyon dahil sa paggalaw ng katawan ko. It was because of the unbearable pain inside me.

Sa dulo, napahiga na lang ako sa dance floor. Hawak ang aking dibdib ay parang agos na tumulo ang luha ko. I cried again. Kahit paulit-ulit at nakakasawa, umiyak ulit ako. Ni hindi nakatulong ang pagsayaw para mapawi ang dinadala ko.

I fe;t so alone and unwanted. Hindi ako perpekto. Hindi rin ako mabuting tao. I knew my shortcomings, that was why I was trying my best to learn and grow more. Iyon ba ang dahilan kung bakit madali sa kanilang lahat na talikuran ako?

Hindi ako sapat na rason para piliin ni Mark na mabuhay... hindi rin ako sapat na rason para piliin ni Calix na manatili.

Masiyahin ako. Lagi kong ipinaglalaban ang alam kong tama dahil lumaki ako sa paniniwalang walang ibang magtatanggol sa akin bukod sa sarili ko.

But how could I defend myself from the people I loved?

Dahil kahit pagbali-baligtarin ang mundo, mas malaki ang pagmamahal na mayroon ako para sa kanila kaysa sa kagustuhan ng puso ko na mag-isa.

Wala akong ideya kung gaano katagal ako naroon. Nanakit na ang ulo ko sa pag-iyak. Hindi ko alam. Hindi nauubos ang luha ko para sa mga taong hindi manlang ako iniiyakan.

"Vina," kinakabahang tawag ni Calix sa akin nang makitang lumabas ako ng dance studio.

Slowly, I looked at him. Wala na ba siyang ibang masabi bukod sa pangalan ko? Parang nilaro ako ng sarili kong utak dahil bigla kong naaalala ang lahat ng pinagsamahan namin.

Ang unang kilig, unang ngiti, unang paghahawak ng kamay, unang yakap, at unang halik. Ang sayang maranasan na mahalin niya. Kahit sandali lang. Kahit parang hiram lang.

Sa pag-alala ko sa mga una, unti-unti ko ring naisip ang mga huli. Huling date. Huling pagluluto nang magkasama. Huling paghatid at pagsundo. Huling alaala.

At kung sakali mang aalis siya, siguro... magpapasalamat pa rin ako. Kasi kahit saglit lang, nakahanap ako ng tahanan sa katauhan niya.

Dahan-dahan akong ngumiti sa kanya. Alam kong marami siyang gustong sabihin, pero sapat na ang mga araw na pananahimik niya. Hindi ako tanga. I could read between the lines. Hindi rin ako makasarili para ikulong ang isang taong nasasakal na sa hawak ko.

"Pwede ba... pagkatapos na ng birthday ko?" Ngumiti ako sa kanya. "Kung iiwan mo 'ko, pwede bang huwag ngayon?"

Hindi ko na napigilan ang muling pagluha.

"Ayoko lang mag-isa," dagdag ko pa. "Takot na takot akong mag-isa, Calix... kasi hindi ko pala kaya. I'm sorry for dragging you into this... I promise... pagkatapos ng birthday ko,"—nag-iwas ako ng tingin at humikbi—"palalayain kita."

"V-Vina..." Nabasag ang tinig niya.

Umiling ako. "Y-You don't have to say anything, Calix. Masakit... pero tanggap ko na. H-Hindi ko na aalamin ang rason mo... 'wag kang mag-alala. Hindi kita hihingian ng paliwanag para hindi ka na mapagod." I clenched on my leggings tightly. "K-Kahit presensya mo lang... dalawang linggo na lang naman, eh... basta nasa paligid ka lang."

Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya dahil nagtungo na ako sa banyo para maligo. I broke down again, sa ilalim ng shower habang tumutulo ang tubig sa ulo ko. This life was just too tiring. Kinailangan ko pang magmakaawa sa isang tao para manatili sa tabi ko.

Lumabas ako ng banyo at naghanda sa pagtulog nang mag-ring ang cellphone ko. It was Faye.

Kahit gusto kong ibaba ang tawag ay napilitan pa rin akong sagutin iyon. Ubos na ubos na ako sa dami ng problema. Parang nawawalan na ako ng kakayanang tulungan ang iba.

"Doc," seryoso ang pagtawag niya sa akin. "Kailangan n'yo pong pumasok bukas."

I nodded. "Papasok talaga ako."

Narinig ko ang paghinga niya. "M-May pag-uusapan po kayo kasama ang... medical boards."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Nagpaalam ako kay Faye bago ibaba ang tawag. Bahala na bukas. Masyado na akong pagod para mag-isip pa.

Maagang-maaga ako nagising. Naabutan ko pa si Matcha na payapang natutulog. Hindi ko alam kung ramdam niya ang lungkot namin ni Calix, pero kahapon ay pansin ko ang pagiging malumbay niya. Kakaunti rin ang kinain niya.

I looked at the staircase and sighed. May kaunting araw ka pa, Vina. Kaunting araw para sauluhin ang mukha niya. Kaunting araw para maramdaman na may kasama ka.

Ipinatawag agad ako ni Dr. Santiago pagkarating ko sa ospital. Hindi ko maintindihan kung bakit ang ibang nurses ay malungkot na nakatingin sa akin.

Ano na naman 'to? Hindi pa ba tapos?

Without saying anything, Dr. Santiago handed me a letter. The paper felt heavy in my hand, as if it carried the weight of the world within its folds. Hindi pa nakatulong na seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Basahin mo 'yan. After an hour, we'll have a meeting with the board members," he said.

Tumango lang ako. Para akong patay na bata habang naglalakad pabalik sa opisina ko. I pulled a chair and settled myself there, contemplating my life decisions.

I inhaled deeply before opening the letter.

License Revocation

Umawang ang labi ko sa nabasa. Bumigat ang paghinga ko, hindi na alam kung paano ibaba ang tingin sa letter. I trembled profusely, feeling the chambers of my heart collapse on themselves.

Umiling ako nang paulit-ulit. No, please. Not my license. Not my work. They couldn't do this without warning me! Wala naman akong ginagawang mali!

Patakbo akong lumabas ng office at pumunta kay Dr. Santiago. Parang sasabog ang puso ko sa labis na kaba. Nakita ko siya kasama ang may-ari ng ospital, seryosong nag-uusap kasama ang ilang nurses.

With tears in my eyes, I ran to them.

"E-Excuse me," I muttered. "Ano 'to..." Itinaas ko ang letter habang nanginginig ang mga kamay. "Y-You can't do this..."

Dr. Santiago sighed. "Let's talk inside."

Umiling ako. "No! Please!"

"Dr. Desamero, we'll discuss it inside," he insisted. "If you don't want to be the center of rumors, follow me. This should be settled privately."

I didn't know what happened next. Basta ang alam ko, nasa loob na kami ng conference room. Pinipigilan ko ang pag-iyak dahil marami ang nakatingin sa akin.

"You're one of the best and youngest psychiatrists in the Philippines," panimula ng director. "You completed your residency in America... and we're really grateful you chose to work with us."

I shook my head. Alam ko kung saan papunta ito. Hindi pwede. Not my job. I worked so hard to be where I am right now. I couldn't lose this. Please.

"Naiintindihan namin ang minsanan mong pag-absent nang walang pasabi dahil kamamatay lang ng pamangkin mo," saad pa nito. "But we decided that you need some time alone and probably professional help, Dr. Desamero."

Yumuko ako at ipinikit ang mga mata.

"You diagnosed Ms. Aragon with MDD although her symptoms clearly indicated that she has Bipolar Disorder."

A tear fell from my eye. I knew it. I fucking knew it! Wrong diagnosis. I was messing with my career because of everything!

"The medicines triggered her manic episodes more. Mabuti at naagapan agad ni Dr. Santiago, pero nagrereklamo na ngayon ang pamilya ni Ms. Aragon."

Naninikip ang dibdib ko. Nag-angat ako ng tingin at isa-isang pinasadahan ang lahat ng nandoon. Bumalik sa balintataw ko ang mga pinagdaanan ko bago ako maging psychiatrist. Ang pag-iyak ko noong nakapasa ako sa board exam, ang taimtim kong pasasalamat noong nakuha ko ang lisensya ko, at ang araw-araw kong pakikipag-usap sa mga pasyente ko.

I loved my work. I loved being a psychiatrist. I couldn't lose this. Ito na lang ang mayroon ako ngayon. Hindi ko hahayaang mawala lahat ng pinaghirapan ko. For years, I set aside everything for this.

Unti-unti ay lumuhod ako sa harapan nila. Basang-basa ang mukha ko ng luha.

"P-Parang awa n'yo na po..." iyak ko. "'Wag n'yo po akong tanggalan ng lisensya. Please."

Dr. Santiago gasped. "Pinapapangit mo ang pangalan ng hospital, Dr. Desamero."

Umiling ako. "Fire me. Please po... 'wag ang lisensya ko. Please, don't take my profession away from me."

Wala na akong pakialam sa mga matang nakatingin sa akin habang nakaluhod ako at nagmamakaawa. I hugged Dr. Santiago's knees, begging for forgiveness. Alam kong mali ako. Nakita ko ang sintomas ng pasyente ko... pero masyado akong nabulag sa sakit na nararamdaman ko.

"Parang awa n'yo na po. I will do everything," I cried.

Pinatayo ako ni Dr. Santiago bago siya nagtawag ng nurses para paalisin ako sa conference room. I was so broken and tired. Said na said na ako. Tulala lang ako sa office ko, naghihintay na magbago ang lahat.

"Doc," malungkot na tawag sa akin ni Faye. "Pinag-uusapan po ang case n'yo."

Malungkot na tumango ako. "Sinabi na ni Kaycee na mali ang diagnosis ko." Umiling ako, sising-sisi. "Hindi pa rin ako nakinig."

She sighed. "Naagapan naman po si Ms. Aragon. 'Yong image lang po ng ospital... 'yon lang po ang inaalala nila. Nag-ingay po kasi ang pamilya ng pasyente."

I felt so frustrated. Lahat na lang ay binabawi sa akin. Hanggang sa oras ng pag-uwi ko ay tulala lang ako. Dr. Santiago told me that I shouldn't go to the hospital over the next few days, hangga't wala pang final decision. Wala na akong nagawa kasi mali ako... at may karapatan silang gawin ito sa akin. Dr. Santiago might hate me to the core, but he was rational.

Nagdesisyon akong maglakad na lang pauwi. Ayoko na sa lahat. Pakiramdam ko, outsider ako sa sarili kong buhay. For years, I kept my emotions guarded, not wanting to burden anyone with my inner struggles. Halos lahat ng tao sa paligid ko, naniniwala na kaya kong tiisin ang anumang problema dahil malakas ako... dahil palagi akong nagbibiro... dahil nadadaan ko sa tawa iyong sakit. Ganoon naman kasi talaga kapag lumaki kang walang pinagsasabihan ng mga hinanaing mo. Sasarilinin mo na lang hangga't natitiis mo pa dahil ang nasa isip mo, lahat naman ng tao ay may dinadala.

In my case, gustuhin ko mang may makasamang umiyak, wala na akong matatakbuhan. I couldn't disturb my friends. May kanya-kanya silang buhay at problema. I couldn't talk to my parents... to my family. And now, I couldn't even talk to my boyfriend.

Alam ko namang sa una lang ito masakit. Sa una lang ako iiyak. Sa una lang ako magmamakaawang magkaroon ng karamay.

Pipilitin at pipilitin kong masanay... kasi ganoon naman talaga. Wala naman akong magagawa.

I was not sure if the heavens were attempting to console me, because just as I was about to cry, the rain poured. Tumigil ako sa paglalakad at kumapit sa railings ng tulay kung saan kami madalas magpunta ni Calix kapag hindi kami nakakatulog.

Doon, iniiyak ko ulit nang walang kasawaan ang lahat. I looked up and saw the dark clouds letting go of the heavy rain.

For the first time in my life, I prayed. I prayed like a hopeless stray wishing for a roof. A prisoner waiting for her sentence to be done. A woman hoping for death.

Nang makauwi ay sumalubong sa akin si Calix bitbit ang towel. Walang salitang namutawi sa aming dalawa. Tanging pagdampi lang ng twalya sa buhok at balat ko ang nag-ugnay sa amin.

Tinitigan ko siya at doon ko napagtanto na hindi ko na siya kilala. At kahit kasama ko pa siya, hindi na ako masaya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro