Chapter 25
Chapter 25
Trigger Warning: Strong language, Suicide. This chapter contains disturbing scenes. Read at your own risk.
"Rebecca!" I screamed as I saw her entering our house. She didn't look shocked at all. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong bank book. "Bakit mo ako ninakawan?!"
Nilampasan niya ako. Nakatingin lang sa amin si Kuya, nagtataka sa inaasal ko.
"Kinakausap kita!" Hinaklit ko ang braso niya at iniharap sa akin. Napadaing siya sa pagtama ng kuko ko sa balat niya.
"Ano ba?!" singhal niya.
Umawang ang bibig ko, hindi makapaniwala na siya pa ang may ganang magalit matapos ang ginawa.
"Bakit ka nag-withdraw ng pera sa account ko?!" sigaw ko, hindi nagpapatinag sa nanlilisik niyang mata. She stole my ID and forged my signature! I'm sure of that!
Hindi ko pinansin ang paglabas ni Papa ng silid. Mabagal siyang naglakad patungo sa sofa kung saan nakaupo si Kuya Rexter. Parang wala itong pakialam sa pagtatalo namin.
"Nag-aagaw buhay si Ace!" she shouted frustratedly. "Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga? Buhay ng kasintahan ko ang pinag-uusapan dito, Ate!"
Malakas kong itinulak ang braso niya. Nananalaytay sa dugo ko ang labis na galit at pagtitimpi sa kapatid. Kinailangan ko pang huminga nang malalim para pigilan ang sarili na saktan siya.
"I'll file a lawsuit against you if you don't pay me back next week," I warned.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Miski si Kuya ay napatayo sa narinig sa akin.
"Ano ba 'yan?!" sigaw ni Kuya.
Tinitigan ko si Rebecca. "Narinig mo ako, hindi ba? Hindi ko na pinabayaran sa 'yo ang nagastos ko sa pagpapa-ospital ni Thalia... pero itong nanakawan mo ako..." Umiling ako. "I won't tolerate your bullshit."
Her lips parted. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi iyon lumabas sa bibig niya.
"Rovina! Tigilan mo ang pananakot kay Becca!" Si Kuya.
Napangiti ako. Wala talaga akong magiging kakampi sa bahay na ito. Kahit ano ang gawin kong kabutihan sa kanila, laging ako ang masama, laging ako ang mali.
"Mukha ba akong nananakot lang?" Nanginig ang boses ko. "Alam mo ba kung magkano ang ninakaw sa akin ng babaeng 'to, Kuya?!"
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin
"Pera lang 'yan! Kayang-kaya mong ipunin ulit!" Lumapit siya sa pwesto namin at hinigit si Rebecca papunta sa likuran niya, parang pinoprotektahan ang babae mula sa akin.
"Bakit hindi kayo ang mag-ipon?" mariing tanong ko. I crossed my arms, trembling. "Maybe you could start repaying me."
Umiling si Kuya. Narinig ko ang pagtangis ni Rebecca na lalong nagpainit sa ulo ko. Siya pa ang iiyak ngayon?! Ako ang nanakawan! Ako ang nawalan!
"Bayaran mo ang bills ni Thalia, ang pinagbentahan ng sasakyan ko, at ang ninakaw ni Rebecca."
Tumawa si Kuya, pasimpleng nilalait ako.
Ngumisi rin ako kahit pa gustong-gusto ko nang umiyak.
"Ano? Kaya n'yo ba?" I asked. "That's more than a million, Kuya. Pera lang naman, 'di ba? Kaya namang kitain ulit, 'di ba?" I laughed sarcastically. "Then, fucking pay me!"
Lalong umiyak si Rebecca. Inakbayan siya ni Kuya para kalmahin.
"You'll hear from my lawyer," dagdag ko dahil hindi sila nagsalita.
Umalis ako sa harapan nila kahit pa narinig ko ang pagtawag ni Kuya sa akin. Galit kong pinalis ang luhang tumulo sa pisngi ko habang nag-iimpake. Ang bawat paghinga ko ay mabigat. Nangingibabaw rin ang galit at sakit sa puso ko.
Ang hirap hirap nilang mahalin.
Siguro naman sa ngayon, titigil na ako sa pag-aasam ng pagtanggap. They had done far too much harm to me... and maybe, it was high time for me to stop wanting more than they could offer.
"'Wag n'yong pigilan!" narinig kong saad ni Papa nang lumabas ako sa kwarto bitbit ang mga gamit ko. "Siya ang dahilan kung bakit hindi umuuwi si Vivienne! 'Wag n'yo nang pansinin."
Humarap ako sa kanila at pabalang na ibinaba ang maleta. My breathing was rugged. Dala ng galit. Dala ng lungkot at sakit.
"Bakit ako?!" sigaw ko. "Bakit hindi kayo?! Sino ba ang kasama rito ni Mama? Sino ba ang nagpapaalaga sa kanya?! Sino ba ang hingi nang hingi ng pera?!"
Tumayo si Papa, galit na naman ang tingin sa akin. But his look didn't scare me anymore. Kahit bugbugin at saktan niya ulit ako ngayon dito, wala na akong pakialam. I have my limits, too... and I reached it.
"Kung pagod kayo, pagod na rin ako! Tangina naman!" Tumulo ang luha ko sa galit. "Nagbibigay naman ako ng pera sa inyo, nanakawan n'yo pa ako. Tell me, ano pa bang gusto n'yong gawin ko? Bakit hindi n'yo makitang nahihirapan din ako?!" I exhaled harshly. "Papa, sa tingin mo ba, gusto ko ring umalis si Mama?!"
Hindi siya sumagot.
"Hindi!" malakas na sigaw ko. "Kasi ayaw kong alagaan kayo! Kasi nakakapagod kayong lahat! Kasi ayaw ko nang makita kayo! Kung pwede lang maglaho na lang bigla sa harap n'yo, matagal ko nang ginawa kasi hindi n'yo rin naman ako nakikita!"
I closed my eyes tightly, feeling the tightening of my chest.
"Kasi kahit anong lakas ng sigaw ko, hindi n'yo ako maririnig!"
"Tumahimik ka na, Vina!"
Nagmulat ako at tiningnan si Kuya. "Mahal na mahal ko kayo... pero tangina, hindi n'yo na ako tinuturing na tao."
Some people... they could only bear to look at their own pain. They would twist your words and actions to portray themselves as the victim. They would manipulate you to make them look pitiful.
At mahirap kalaban ang mga kagaya nila. Because no matter how hard you try to enlighten them, their ears were already deaf to your explanations. Wala na silang ibang makikita kung hindi ang sinasabi ng utak nila na sila ang biktima.
Bago pa makalapit si Papa ay kinuha ko na ang gamit ko at umalis. Habang pauwi ay pinipigilan ko ang sarili na umiyak. It wasn't only about the money that they stole. It wasn't just about the things I gave them. It was the damaged faith, the fractured trust, and the broken relationship.
Pag-uwi sa bahay ay nag-online ako para tawagan sa messenger si Calix. I wanted to hear him. I wanted to see him. Kailangan ko ng magsasabi sa akin na tama ang nararamdaman ko, na hindi ako nagiging mababaw lang.
He was online. Sinubukan kong tawagan siya pero nakakadalawang ring palang ay ibinaba na niya ang tawag.
Nangangatal ang kamay ko habang nagtitipa ng chat sa kanya.
Rovina Desamero: Calix, please, answer my call.
Mabilis niyang na-seen iyon. Sunod-sunod ang naging pag-iyak ko nang lumipas ang isang minuto na wala manlang siyang reply.
Rovina Desamero: I miss you. Parinig naman.
I covered my mouth to stifle my cries. Ayaw kong abalahin si Mark at ang ibang mga kaibigan ko dahil may iba rin silang dinadala. Nakita kong na-seen na ni Calix ang chat ko. I waited for him to reply, but after a few minutes, I realized, he wouldn't.
Rovina Desamero: Ayaw mo? Hahaha. Hindi mo 'ko miss? Ang daya!
Hikbi lang ako nang hikbi. Tuluyan akong nawalan ng pag-asa nang i-seen niya lang ako ulit. Maya-maya pa ay nag-out na siya. Hindi na ako makahinga sa labis na pag-iyak.
I broke down on the floor of my room, clenching the sides of my bed sheet, weeping, wishing that everything would disappear, hoping that time would stop for a moment so that I could breathe.
I browsed more on my phone and saw a few photos of Chin with her family. I was happy for her because I witnessed everything she went through... but above all, I wished for that happiness, too. Sana sumaya na rin ako. Sana makalaya na rin ako.
Kahit ang mga larawan ng ibang mga kaibigan ay iniyakan ko. Naiinggit ako. Kasi may kasama na sila. Kasi kapag umiiyak sila, may magpapatahan na.
I shook my head.
I could do that! I could do that for myself! I had been doing that for decades!
Pero minsan, kahit paulit-ulit mong sabihin sa sarili mong kaya mo pa... darating talaga sa puntong masasabi mong hindi na.
Dahil nang sumapit ang umaga, sumalubong sa akin ang isang bangungot.
Ako ang unang nakakita sa katawan ni Mark. Ni hindi ako pumasok sa trabaho kasi gusto kong umiyak kasama siya. Gusto kong maramdaman ulit na may kakampi ako. Gusto kong maramdaman ulit ang yakap niya. Marinig ang nakakahawa niyang tawa at ang pagtawag sa akin ng Tita.
Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang malamig at matigas niyang kamay... na kahapon ay naglalaro lang sa buhok ko at naglalagay ng pagkain sa plato ko.
I held onto his hand tightly, humihiling na sana magising siya. His last words echoed in my head. Na mahal niya ako... na mag-iingat ako... at uuna na siya.
"M-Mark..." I cried. "B-Bakit..." Ni hindi na lumalabas ang mga salita sa bibig ko. "M-Magkasama tayo kahapon... bakit hindi mo sinabi sa akin na masakit na? N-Na hindi mo na kaya? Bakit, Mark? Bakit mo iniwan si Tita?"
Hindi ko na marinig ang ingay at sigaw ng mga tao sa paligid ko dahil naririndi ako sa sarili kong pagtangis.
My poor nephew... my poor baby...
He was killed by his sadness. He left this world carrying a torch of pain and baggage of heartbreaks.
"Ang dami kong plano sa atin... gumising ka na, please! Mag-aabay ka pa sa kasal ko, 'di ba?" hikbi ko. "Sabi mo mahal mo 'ko. Bakit ka umalis?! Kasama mo naman ako... kakayanin naman natin... ba't ka sumuko?"
"Vina, I'm here..." saad ni Chin sa tabi ko. Ni hindi ko na napansing nariyan siya.
Nakatingin lang ako sa labi ni Mark. Mahapdi na rin ang mata ko kaiiyak. Sobrang bilis ng pangyayari. Umaga nang puntahan ko siya sa apartment. May dala akong pagkain para sa amin dahil gusto kong makasama siya ngayong araw.
But as soon as I opened the door, I saw him, hanging.... lifeless.
Hindi ko na alam kung paanong napunta kami sa ospital, sa morge... at kahit ngayong nakatingin ako sa walang buhay niyang mukha habang ang lahat ay tahimik na nagbibigay ng pakikiramay nila... wala akong ibang maramdaman.
Ako ang pumili ng isinuot niya. Puting barong-tagalog. Ganito rin ang isinuot niya noong maging escort ko siya sa sagala. I wanted him to look good because my nephew liked that.
Muling tumulo ang luha ko.
I prepared everything. Kung sino ang mga tutugtog habang pinaglalamayan siya, kung anong mga bulaklak ang nakapalibot sa kabaong niya, kung anong larawan niya ang ilalagay sa tarpaulin, at kung saan siya ililibing.
Wala akong pinakilos miski isa sa pamilya ko. Inubos ko ang lahat ng ipon ko para sa kanya.
In honor of him. My angel.
I traced his face on the glass of his coffin. Nakita ko ang luha kong pumatak sa tapat ng payapa niyang mukha.
He had it rough. Hindi siya ang tipo ng tao na mabilis sumuko... kaya ngayon, siguro... pagod na talaga siya... hindi niya na talaga kaya.
Tulala akong nakaupo sa gilid niya. Umalis na halos lahat ng bisita. Kahit ang mga kaklase at kaibigan ni Mark ay nagulat sa nangyari. Kinita pa raw sila nito noong isang araw at binati sila dahil sa pagtatapos ng college.
And it pained me... to think that he planned it well... nang hindi ko manlang napapansin.
Nag-angat ako ng tingin sa bagong paparating. She was clothed in a white dress. Ang mga mata ay diretso ang tingin sa kabaong, mugto at pulang-pula.
I stood up to give her space.
"M-Mark..." nanginig ang boses ni Yesha. "I love you, Mark... I love you..."
Tumalikod ako at muling umiyak. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil hindi na ako makahinga. Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko.
"A-Anong ginagawa mo d'yan? Ang sabi mo pakakasalan mo 'ko..." basag na basag ang tinig ni Yesha. "'Wag naman ganito, Mark, oh... 'Wag mo naman akong iwan."
Humikbi ako at ipinikit ang mga mata. The pain was too much for me to bear. Alam kong gaya ko, mahal din niya si Mark... pinapahalagahan niya rin si Mark.
Lumayo ako dahil hindi ko na kayang pakinggan ang pamamaalam ni Yesha sa kanya. My vision was blurry, and my breathing was unstable. Gusto kong pahintuin muna ang lahat dahil hindi ko kaya ang bigat. Hindi ko kaya ang sakit.
"Hindi raw gumraduate kaya nagpakamatay," narinig kong saad ng isa sa mga natirang bisita.
"Ilang taon na ba?" tanong pa ng isa.
"Bente sinco... tapos nasa kolehiyo pa." Bahid ko ang panghuhusga sa tinig nito. "Sayang siya. Para lang doon, magpapakamatay na? Ang dami-daming gustong mabuhay."
Kinagat ko ang labi ko sa pagtitimpi ng galit.
"Gan'yan talaga ang mga bata ngayon. May mga nagpapakamatay nga dahil sa mga gawin sa school, eh." Tumawa pa sila. "Masyadong sensitive."
Nagulat sila nang walang habas kong ibinagsak ang mesa kung saan nakapatong ang kape nila.
"Ano'ng karapatan n'yong sabihin 'yan?!" sigaw ko.
Nakita ko ang paglabas nina Kuya Rexter at Ate Sidney mula sa bahay. Handa na akong sumugod sa tatlong babaeng nagkukwentuhan pero pinigilan ako ng mag-asawa.
"Pasensya na po. Pasensya na..." paumanhin ni Kuya.
Nanatiling matalim ang tingin ko sa tatlo.
"Putangina n'yo!" sigaw ko ulit.
"Rovina!" mas malakas na sigaw ni Kuya habang hinahaklit ang braso ko.
"Hindi n'yo alam ang paghihirap ni M-Mark!" Nanlabo ang paningin ko. "H-Hindi n'yo alam kung paano niya tiniis ang pananakit sa kanya ng tatay niya tuwing bumabagsak siya sa exams! Hindi n'yo nakita ang sakit sa mukha niya tuwing kinakailangan niya na namang manghingi ng pera sa akin dahil ayaw siyang pag-aralin ng mga magulang niya!"
"Tama na, Vina! Ano ba?!" Si Ate Sidney.
But I was too mad to even care.
"Wala kayong lahat no'ng... no'ng umiyak siya kasi hindi na naman siya ga-graduate... na nabigo na naman siya... hindi n'yo alam." Humina ang boses ko. Hindi na ako makahinga sa pag-iyak. "Madali lang sabihin sa inyo na mababaw ang problema niya kasi hindi n'yo naman 'yon napagdaanan."
They were dragging me, but I kept on talking.
"How could you belittle a person's struggles just because you had it worse?"
Pasalampak akong iniupo ni Kuya sa sofa. Nanginginig ako dahil sa narinig. They just said that Mark was being shallow! That his sufferings were not valid! Gusto kong isampal sa kanila lahat ng naranasan ni Mark! Na hindi madali ang pinagdaanan niya dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya!
Napatingin ako kay Ate Sidney nang magsimula siyang umiyak. Yumakap siya kay Kuya kaya nag-iwas na lang ulit ako ng tingin. Akmang tatayo na ako para bumalik kay Mark nang pigilan ako ni Kuya.
"Bigyan mo naman kami ng kahihiyan! Kahit ngayon lang!" mariing aniya. "Burol ng anak ko. Kaunting respeto naman!"
Nagpantig ang tainga ko sa narinig. "Anak?" I looked at them, bewildered. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Kuya?"
"Manahimik ka!"
Umiling ako. Marami akong gustong sabihin pero ayaw kong sisihin sila. Desisyon ni Mark 'yon. Sigurado man akong napakalaking pyesa nila sa depresyon niya, ayaw kong isisi sa kanila ang nangyari.
Anak...
Rinig mo ba 'yon, Mark? Anak ka raw nina Kuya Rexter at Ate Sidney... matagal mo nang gustong marinig 'yon, 'di ba?
"Vina, bakit hindi mo alam?" iyak ni Ate Sidney. "Ikaw ang kasama niya palagi! Bakit hindi mo napapansin!"
Lumayo siya kay Kuya at tinitigan ako.
"Ikaw ang kadikit niya! Ikaw ang dapat nakakaalam no'n!" sigaw niya. "Psychiatrist ka, pero hindi mo manlang natulungan ang sarili mong pamangkin!"
Para akong binuhusan ng tubig sa narinig. Naglaro sa isip ko ang mga senyales ng pamamaalam ni Mark. Ang panlilibre niya sa akin. Ang pagyakap sa akin. Ang pagsasabing mahal niya ako.
Ako ang huli niyang kinita... bago niya kitilin ang sarili. Ako ang huli niyang niyakap bago siya sumuko.
I felt his breath, not knowing it was his last.
"Ang tagal-tagal mo nang doktor ng utak, pero hindi mo manlang nabantayan si Mark!" galit na galit na sigaw ni Ate Sidney.
Idinuro niya ako hanggang sa mapaupo ako ulit sa sofa. Wala akong magawa kung hindi matulala sa kawalan... habang inaalala si Mark.
"You failed as his aunt!" duro ulit niya sa akin. "You failed as his friend!" her voice cracked. "You failed as a psychiatrist!"
Malayang tumulong muli ang luha ko. Kahit nang maramdaman ko ang kalmot niya sa mukha ko ay wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak ulit.
Maybe she was right. Maybe, I was to blame. I should've seen right through him. I kept claiming I knew him well, but I failed to recognize his sadness.
Ate Sidney has a point. I'm a psychiatrist but I didn't notice his symptoms. Lagi ko siyang kasama pero naging bulag ako sa mga ngiti niya sa akin.
I failed. Not only as his ally, but also as a psychiatrist.
Two days after Mark's death, a man came to me. Pamilyar siya pero hindi ko na naitanong ang pangalan niya. Iniabot niya sa akin ang isang sobre na nakita niya raw sa apartment.
Kuya Rexter and Ate Sidney were obviously mad at me. Rebecca and Papa weren't talking to me. Ni isa sa kanila, walang yumakap sa akin. Kahit na nakita na nila akong nahimatay sa labis na pag-iyak, nagising na lang ako na si Chin lang ang kasama ko.
And earlier, I just learned that Chin also planned to commit suicide back then. Na kaya malapit sa loob niya si Lola Harriet ay dahil ito ang kumatok sa pinto niya nang pinlano niyang gawin ang bagay na 'yon. I overheard her saying that to Troy, habang nag-uusap sila sa labas ng kwarto ko. It was just a casual talk... but it damaged me even more.
Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko napapansin?
I'm their friend. Sina Mark at Chin. Sila ang madalas kong kasama at kakwentuhan... pero bakit hindi ko sila nabasa?
I've been helping others to heal! To deal with their own demons! To win the battle between their foes!
But how could I fail to help my loved ones?
For years, I put myself on a pedestal. Naniniwala akong magaling akong psychiatrist dahil kaya kong tumulong kahit pa inilalagay ko ang sarili ko sa alanganin. It didn't concern me. Basta gumaling ang iba. Kasi 'yon ang trabaho ko—ang pakinggan ang mga kliyente ko, ang unawain ang mga pasyente ko, at tulungan kung sino man ang lumapit sa akin.
I exhaled. Paano ko tutulungan ang mga taong ayaw humingi ng tulong?
Hindi ako manghuhula. Hindi ko malalaman kung saan o ano ang masakit. I couldn't access anyone's mind.
Sa gitna ng dilim sa silid ko, binuksan ko ang lampshade at binasa ang papel na ibinigay ng kaibigan ni Mark sa akin.
"Tita..."
Pinigilan ko ang mapaiyak nang mabasa ang unang salita sa liham. Kinailangan ko pang magpahinga ng ilang sandali bago magpatuloy.
"Paano ba ako magsisimula? Hmm... Sa thank you? Sa sorry? Hindi ko alam. Ang dami kong gustong sabihin sa 'yo, pero sana habang binabasa mo 'to, naririnig mo ang boses ko sa utak mo."
I nodded. Yes, Mark. I could hear your soothing voice.
"Tita, tanda mo ba no'ng unang beses akong pinalo ni Papa? Kahit ang liit-liit mo pa rin no'n, sinalo mo 'yong suntok niya sa akin. Makulit kasi ako, eh. Pasaway. Ewan ko ba sa 'yo, lagi mo akong pinagtatanggol.
I grew up with you. Alam ko kung saan ka sumasaya. Kapag nginingitian ka nina Lolo at Lola, kapag nababalitaan mong malaki ang bonus ni Papa, at kapag nakikita mong napapalaki nang maayos ni Tita Rebecca ang anak niya. Masaya ka rin kapag kasama mo sina Tita Chin, Tita Anne, at Tita Mich. Tapos ngayon, pati si Papi Calix.
Oh, 'di ba? Masaya ka para sa sarili mo, pero mas masaya ka kapag may natutulungan kang iba.
At proud na proud ako sa 'yo, Tita. Hindi dahil malayo ang narating mo... kung hindi dahil napakabuti ng kalooban mo."
Sandali akong napatigil sa pagbabasa nang tumulong muli ang luha ko. Ang sakit-sakit. Ang bigat-bigat. Hindi ko matanggap... ayokong matanggap.
"Sorry kung umuna na ako, ha? Sorry kung sumuko na ang pogi mong pamangkin. I'm sorry for being selfish. Ngayon pa talaga, 'no? Habang marami kang dinadala. Saka ko pa ginawa 'to. Tita Vina, sorry... sorry kung hindi na ako nagtagal. Hindi ko na kaya, eh.
Sa loob ng 25 years na nabubuhay ako, ikaw lang ang nag-iisang tao na nanatili sa tabi ko. Tinalikuran ako ng mundo pero ang Tita Vina ko, niyakap ako. Sinamahan mo ako kahit na hinuhusgahan ka na rin ng iba.
Sorry kung hindi ako nakapagtapos. Sorry kung nasayang lang 'yong pera at panahon na iginugol mo sa akin.
Sa totoo lang, ang dami kong dapat ihingi ng tawad sa 'yo... pero mas marami 'yong bagay na dapat kong ipagpasalamat. Salamat sa paniniwala, Tita. Salamat sa pagtitiis. Salamat sa pananatili.
Ipaalam mo na lang ako sa kanila, ha? Pakisabi kay Yesha, makakahanap siya ng lalaking bagay sa kanya. 'Yong kaya niyang ipagmalaki at ipakilala sa mga magulang niya. Pakisabi rin na hanggang sa kabilang buhay, mamahalin ko siya. Nurse ko 'yan, eh. Kahit maikling panahon lang, pakibulong naman sa kanya na isa siya sa mga rason kung bakit ako naging masaya.
I love you, Tita Vina. Special ka sa 'kin kaya ikaw lang ang may letter. Hahaha! Ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat.
May drawing pala ang architect mo d'yan! Sorry kung hanggang sa gan'yan na lang, ha? Ang sabi ko pa naman, kapag naging architect na ako, ipapagawa ko 'yon para sa 'yo. Hayaan mo, mag-iipon ako rito para sa pagsunod mo sa akin, may titirhan tayo. Pero 'wag muna, ha? Ayaw pa kitang makita rito. Deserve mong maging masaya sa lahat ng bagay na pinagpaguran mo.
Tita Vina, maging matatag ka pa, ha? 'Yon lang ang hiling ko. At sana hindi mo sinisisi ang sarili mo... kasi maayos na ako... kasi mas gusto ko 'to. Kwentuhan mo ako sa pangalawa kong tahanan kapag hindi mo na kaya. Kasama mo pa rin ako.
Tumahan ka na. Ipahinga mo na ang puso at isipan mo. Salamat sa pagsama sa buhay ko.
Mahal kita. Higit pa sa salita.
Your nephew, your ally, your family,
Mark Danielle Desamero"
Halos mapunit ko ang papel dahil sa pagbagsak ng luha ko. Wala na talaga. Wala na talaga akong kakampi. Iniwan niya na talaga ako.
Unti-unti kong binuksan ang sobre at nakakita ng isa pang papel. Binuksan ko iyon pero muli lang akong napaiyak nang maintindihan ang nakalagay roon.
Mark drew me a house. May malaking dance studio, garden at kitchen. Ni hindi ko na nabigyan ng atensyon ang iba pang detalye dahil sa pagbuhos ng emosyon ko.
I clenched it and sobbed. I would miss him. I would miss him so much.
Inabot ko ang cellphone ko at nag-iwan ng voice message sa isang taong kayang magpatahimik sa utak ko ngayon, umaasang may pakialam pa siya sa akin.
"C-Calix, please, umuwi ka na. I need you. Please, come home to me."
***
Please don't post any spoilers concerning Mark's death. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro