Chapter 24
Chapter 24
Trigger Warning: Violence, Strong language
I didn't know that it would be the start of my downfall.
Walang paalam sa mga kaibigan akong umuwi sa bahay ng mga magulang ko at naabutan ko ang pagwawala ni Papa. Hawak siya nina Kuya Rexter at Mark pero hindi siya nagpapaawat.
"Ibalik n'yo si Vivienne!" Basag na basag ang tinig niya. "Siya lang ang nagtatyaga sa akin! Ipahanap mo!" Humarap siya kay Kuya, nangungusap ang mga mata. "Parang awa mo na... ipahanap mo si Vivienne..."
Dali-dali akong pumunta sa kwarto nina Mama para buksan ang cabinet. Wala na roon ang mga damit at ibang gamit niya. My hands were trembling, not knowing what to do. Naglaro sa isipan ko ang huling pag-uusap namin, dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Paglabas ko ng silid ay nagwawala pa rin si Papa. Agad na nagtama ang mata namin at kitang-kita ko kung paanong nag-alab ang tingin niya. Itinulak niya sina Kuya at Mark at mabibigat ang hakbang na naglakad nagtungo sa pwesto ko.
"Kasalanan mo 'to!" malakas na sigaw niya bago ako itinulak.
Napaupo ako sa impact. Bahagya pang tumama ang ulo ko sa gilid ng upuan. Sa gulat, ni hindi na ako napadaing sa sakit.
"Lolo!" Si Mark. Agad niya akong dinaluhan.
Nanginig ang labi ko sa labis na takot. My father was glaring at me, para ba akong estranghero na may malaking kasalanan.
"Kung hindi dahil sa 'yo, hindi aalis si Vivienne!" Hindi nagpapigil si Papa. Muli siyang lumapit sa akin at handa na akong suntukin pero iniharang ni Mark ang likod niya para protektahan ako.
Sunod-sunod na nagbagsakan ang luha ko. Walang salitang namumutawi sa bibig ko dahil sa matinding pangangatal. Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay.
"I'm sorry po... I'm sorry..." iyak ko dahil hindi ko na alam ang dapat sabihin.
Naglaro sa utak ko ang pagtawag sa akin ni Mama at pagsasabing pagod na siya. Hindi ko malaman kung bakit may parte sa akin ang sinisisi ang sarili sa nangyari. Kung nakinig sana ako, hindi mangyayari ito.
Nang makita ko ang mukha ni Mark na parang nasasaktan sa mga suntok ni Papa ay itinulak ko siya. Ayokong masaktan siya nang dahil sa akin. He received a lot of punches from his father already. I couldn't add up to that.
Hinahabol ko pa ang paghinga ko nang na sumalubong sa mukha ko ang sampal ni Papa.
"Tita!" sigaw ni Mark.
Pumikit ako at ininda ang pananakit ni Papa.
"Si Vivienne ang dahilan kung bakit ka nandiyan ngayon, pero tinalikuran mo siya! Wala kang utang na loob!" sigaw niya. Nawawalan na siya ng pagtitimpi dahil kung saan saan na dumadapo ang kamao niya.
Naramdaman kong pinipigilan ni Mark si Papa pero sa lakas nito ay wala siyang magawa.
Naramdaman ko ang parang bakal na kamay niya sa leeg ko at idiniin ako sa semento.
"Pa..." I whimpered. Hindi na ako makahinga. Nagdidilim ang paningin ko sa sunod-sunod na pangyayari.
A lone tear fell from my eye.
It wasn't because of all the hits and fights. It wasn't because of how he held me down on the floor. It wasn't because of his hands on my neck. It wasn't because of my wounds or cuts.
It was because of his words. His will to get rid of me... his child... his daughter.
Kahit hindi makahinga ay nagbagsakan ang mga luha ko. Nawalan ako ng lakas para manlaban.
"Pa, tulungan mo naman si Tita!" galit nang sigaw ni Mark kay Kuya.
Napatingin ako sa kapatid ko na nanonood lang sa ginagawa sa akin ni Papa. Lalo akong nanginig nang malasahan ang dugo sa gilid ng labi ko.
"Gabi-gabi kang iniiyakan ni Vivienne!" Tuluyang tumangis si Papa. "Nakikita ko siya, hawak ang litrato mo! Kasalanan mo lahat 'to! Kasalanan mo!"
My breathing hitched, but I couldn't do anything. Ni hindi ko na sinangga ang mga sampal at suntok niya sa akin. Kahit binitawan na niya ang leeg ko ay nanatili akong nakahiga sa sahig. Nakita ko si Mark na umiiyak na habang hinahaklit si Papa sa harapan ko.
"Sana mamatay ka na lang!"
Tuluyan akong namanhid sa narinig. Isang malakas na sampal pa ang iginawad sa akin ni Papa hanggang sa marinig ko ang tinig ni Kuya Rexter na pinapatigil siya.
Agad na umalis si Papa sa harap ko. Naramdaman ko na lang na yakap-yakap na ako ni Mark. Umiiyak siya at humihingi ng tawad dahil pinapunta niya pa ako.
I looked at my father and saw him being hugged by Kuya Rexter. Sinasakal ang puso ko habang nakatingin sa kanila. He was weeping inside my brother's arms, probably feeling grateful that his son was there for him.
My eyes welled up with tears again. This time, it was because of envy. How I long to be held in his arms like that.
Pwede niya rin naman akong yakapin kung masakit na. Pwede rin naman siyang magsumbong sa akin... pero bakit naman ganito? Bakit pisikal na pananakit ang ibinigay niya sa akin?
And it pained me more! Na kahit gaano kasakit ang ginawa nila sa akin, sa dulo ng araw, mahal ko pa rin sila. Sa dulo ng araw, hindi ko magawang talikuran sila. Kahit ubos na ako. Kahit sukong-suko na ako.
Sila ni Mama ang nagdala sa akin sa mundong 'to, pero hinihiling niya na sana mamatay na lang ako.
Alam ko naman na hindi nila ako paborito. Alam ko na kahit ano ang subok ko, hindi nila ako makikita. Na hindi ko maririnig na proud sila sa akin.
Pero... anak din naman nila ako.
Habang nakatingin sa kanya, napagtanto kong hindi na siya ang Papa ko. Hindi na siya ang lalaking tinitingala ko. Simula noong magkasakit siya, hindi na ang mga katangian niya ang hiniling kong makikita ko sa mapapangasawa ko.
"Sorry, Tita..." Humikbi si Mark.
I was numb. Kahit sa paraan lang ng pagtingin sa akin ni Kuya, alam kong sinisisi niya rin ako. Kaya niya hindi pinigilan si Papa na saktan ako... kasi siguro, nasa isip niya... dapat lang iyon sa akin.
My lips quivered.
Bakit ba ang laki-laking kasalanan kapag napagod ako?
Hindi ko alam kung paano ko binagtas ang mga susunod na araw nang dala-dala iyon. Ang mga pasa at bukol na nakuha ko ay walang-wala sa bigat ng puso ko. Ni hindi ko na natawagan si Calix dahil sa nangyari. Panay palitan lang kami ng texts.
"Rebecca, ikaw ang mag-aalaga kay Papa tuwing umaga hanggang hapon," saad ni Kuya. "Gabi ang pasok mo, 'di ba?"
Agad na napapalatak si Rebecca. "Kuya naman! Wala akong magiging pahinga. Alam mo namang nagkikita pa kami ni Ace."
"Huwag mo munang kitain 'yang syota mo!" galit na sigaw ni Kuya. "Kita mo nang nagkakaganyan si Papa, uunahin mo pa ang paglandi?!"
Natahimik si Rebecca. Nagpakawala ng buntonghininga si Kuya bago bumaling sa akin.
"Ikaw sa gabi, Rovina. Alam mo naman ang oras ng inom ng gamot niya. Huwag mo na munang tirhan ang bahay mo at dito ka muna umuwi."
Umiling ako. "Galit sa akin si Papa."
Sarkastiko siyang tumawa. "Oh, ano naman? Ibig sabihin, hindi ka na tutulong? Tiiisin mo at kasalanan mo naman talaga kung bakit umalis si Mama! Tinawagan ka na pala, hindi ka manlang umuwi!" Inis na inis siya. "Nang dahil sa lalaki, nagkakagan'yan ka!"
I gulped. Hindi na ako nag-abalang sumagot sa kanya dahil hahaba pa ang usapan.
"Ako ang mag-iikot paghahanap kay Mama," aniya ulit. "Bigyan mo ako ng pera, Vina, para sa pamasahe ko. Pwede naman akong mag-arkila ng sasakyan pero mas mahal magpa-gas ngayon."
Hindi na lang ulit ako nagsalita. Naramdaman ko ang paghawak ni Mark sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Tutulong ako, Ta." Ngumiti siya.
Ganoon nga ang nangyari. Hindi muna ako umuwi sa bahay. Gustuhin ko mang kumuha na lang ng private nurse, ayaw namang pumayag ni Kuya. Gastusin pa raw. Mas mabuti pa raw na ang budget para sa nurse ay ibigay na lang sa kanya para sa pamasahe niya sa paghahanap kay Mama.
Para akong naging tutang sunud-sunuran sa lahat. At wala akong magawa... dahil alam ko... alam kong sinisisi ako ng mundo sa pag-alis ni Mama.
I buried myself in my work to prevent myself from being sad. Ayokong magkakaroon ng oras para mag-isip. Ang matagal na phone calls namin ni Calix ay naging minuto na lang. Ako ang unang nagbababa ng tawag dahil hindi ko maiwasang maiyak kapag naririnig ko siya.
"Pa, ang pagkain n'yo po." Pumasok ako sa kwarto niya bitbit ang tubig, pagkain, at gamot.
Walang nagbago sa paraan ng pagtingin niya sa akin—punong-puno pa rin ng pagkamuhi.
"Ang sinabi ko ay ayaw ko sa 'yo! Bakit ba nandito ka pa rin?!" sigaw niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ilang araw na kaming ganito. Nauuwi man madalas sa pananakit niya sa akin, ayos lang. Basta makainom siya ng gamot. Inilapag ko sa bedside table ang tray. Nangangatal ang kamay niya kaya't kinuha ko ang mangkok at sinubukang pakainin siya.
Pulang-pula ang mga mata niya sa galit. Sa ganoon pa lang, nanginginig na ako sa takot. Alam ko kasing marami na naman akong maririnig.
Pabalang niyang inagaw sa akin ang mangkok. Napasinghap ako nang ibinato niya ang laman no'n sa akin. The heat immediately burned my skin.
"Pa," I whispered.
He was shaking in anger. Mula sa pagkakaupo ko sa kama ay malakas niya akong sinipa kaya bumagsak ako sa sahig.
"Umalis ka! Ayaw kong makakita ng demonyong katulad mo!" sigaw ulit niya. "Hangga't hindi bumabalik si Vivienne, hinding-hindi kita mapapatawad!"
I held back my tears and anger. Walang imik akong tumayo para magtungo sa kwarto ko. I was crying while changing my clothes. Itinext ko si Mark para sabihing siya na ang magpakain at magpainom ng gamot kay Papa. Dali-dali akong umalis ng bahay at nagtungo sa Enzo's Ramen.
Pagkarating ko roon ay inayos ko ang sarili. I placed my order for a bowl full of ramen and took a spot at the table where Calix and I used to sit.
Hindi pa dumarating ang order ko ay nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko si Calix na tumatawag kaya kahit nag-aalinlangan ay sinagot ko iyon.
"Hi." I forced a smile.
He exhaled silently. "How are you?"
I bit my lower lip to suppress a shrill cry. "Uhm... nasa Enzo's ako."
"Huh?" he muttered. "Bakit? Ano'ng nangyari? Are you okay?"
Dumating ang order ko kaya hindi ko siya agad nasagot.
"Oo naman. Na-miss ko lang ang ramen." I chuckled. "Ikaw? Kumusta ka d'yan? Nakakakain ka ba nang maayos? Paubos na sigurado ang kimchi mo."
"Ang tagal nating... hindi nakapag-usap nang ganito." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I have a lot to say, Vina."
"Like?" I asked gently.
Natahimik siya sandali.
"I don't know." He sighed again. "I just know that I love you and I miss you everyday."
I gulped the lump in my throat. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Masyadong maraming laman ang isipan ko na hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko pa iyon pabalik.
I love him, too. I long for him, too. But he's one of the few reasons why I'm sad. Isa siya sa mga iniiyakan ko dahil pakiramdam ko ay ang layo-layo niya sa akin.
That's the problem with someone who has difficulty trusting others. It's hard to rebuild it once it's been scratched.
Pero kung gugustuhin kong maayos ang problema namin, kailangan kong kumilos. Napapagod na akong maghintay kung kailan niya sasabihin sa akin ang itinatago niya.
"Calix," I muttered.
"Hmm?"
I inhaled, feeling the painful blood flow in my veins. "Sinong tinatawagan mo tuwing gabi?"
He was silenced. Kinuha ko ang tsansang iyon para makapagsalita ulit.
"Sinong kausap mo no'ng ika-7th month natin? Sinong kausap mo no'ng hindi mo ako natawagan manlang? No'ng hindi mo ako nasundo?" sunod-sunod na tanong ko. "Tell me because I'm losing my mind."
"V-Vina, please... it's just my... colleague."
"Then, tell me her name." Huminga ako nang malalim. "Hindi ko na alam ang iisipin ko, Calix. Ngayong malayo ka, libreng-libre kang tawagan siya ulit... kasi wala naman ako."
Hindi siya nagsalita.
"I love you, Calix, but I just can't trust you fully. Hangga't alam kong may itinatago ka sa 'kin."
Narinig ko ang mabibigat niyang paghinga.
"It's nothing," pinal na tugon niya.
Mapait akong napangiti. "Really? You'll let me sleep thinking about that? Hahayaan mong matanga ako kaiisip sa rason mo? What?! Are you cheating on me?!"
"No!" agap niya. "I won't do that, Vina! I won't!"
"Eh, bakit hirap na hirap kang sabihin sa akin?!" my voice cracked. "If you're not cheating on me, then what the hell is your reason, Calix? Hindi ako manghuhula!"
"You're shouting again," mahinang aniya. "Let's just talk after you calm down. Ayokong sabayan ang init ng ulo mo."
"Wow!" Sarkastiko akong tumawa. "Ako na naman ang mali!"
I was trembling and shaking profusely.
"Pati ikaw, iniisip na mali ako? Na bawal akong mapagod? Bawal akong magalit?" Muling tumulo ang luha sa pisngi ko. "Bawal akong sumigaw kasi may trauma ka." Hinawakan ko ang bibig ko para hindi umalpas ang mga hikbi ko. "Pero, Calix, paano ako? Paano ang trauma ko?"
"You know my past... you know my issues... sinusubukan ko naman. Believe me. I'm trying very hard not to doubt you. M-Mahal kasi kita, eh." Halos hindi na ako makahinga. "Please, sabihin mo lang sa akin kung sino ang nakakausap mo para hindi na ako mag-isip."
Naghintay ako ng ilang sandali pero walang sumagot sa kabilang linya. I looked around and noticed a few customers gazing my way. Ni hindi na ako nahiya. I just had a mental breakdown in a public place.
"Calix, please don't become someone I hate."
Ibinaba ko ang tawag at agad na umalis sa lugar. I didn't even eat a spoonful of my order. Parang walang buhay akong naglakad papasok sa bahay ng mga magulang ko. Another hell. Another pain to endure.
I didn't know how I managed to live the next days. Maaga akong gumigising para ipaghanda si Papa at Thalia ng almusal. Hihintayin ko muna si Rebecca para makapasok ako sa trabaho. Pag-uwi ay masasakit na salita ulit ang maririnig ko. Isang linggo na rin kaming hindi nag-uusap ni Calix. Hindi rin naman siya tumatawag.
Namamanhid na ako sa lahat.
Exactly a month after he left, Rebecca rushed to me. Nakaupo lang ako sa kama, nagbabasa ng reports, nang pumasok siya sa kwarto ko.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko agad sa kanya.
Yumakap siya sa akin at humikbi sa leeg ko. I embraced her, too. Hinaplos ko ang likod niya dahil ramdam ko ang bigat ng bawat paghinga niya.
"Naaksidente si Ace, Ate!" hikbi niya. "Malala ang lagay niya! Kailangang operahan..."
Alam ko na ang ibig sabihin no'n. Kahit hindi niya bigkasin... alam ko na.
"Magkano raw ang aabutin?" malumanay kong tanong.
"May... internal injuries at bleeding daw. Pati 'yong buto at likod, Ate... kailangan ng surgery. H-hindi ko kaya kapag wala si Ace!"
Hinintay kong kumalma siya.
"Ang sabi ng doctor, titingnan pa raw pero baka hanggang kalahating milyon ang kailanganin..."
Umawang ang bibig ko.
"Please, tulungan mo kami, Ate. Wala na akong ibang malapitan."
Umiling ako sa kanya. "Rebecca, malaki 'yon. Nasaan ba ang mga magulang niya? Bakit ikaw ang namomroblema nito?"
"Itinakwil na si Ace, Ate." Basag na basag ang tinig niya. "Ako na lang ang maaasahan niya ngayon."
"R-Rebecca, wala akong ganoong pera," pagsisinungaling ko.
Hindi ko pwedeng ibigay 'yon sa kanya! Alam kong hindi na 'yon maibabalik! Simula noong college ako ay ipon ko na iyon mula sa pag-cho-choreograph ko sa mga sayaw!
Nagulat ako nang lumuhod siya sa gilid ng kama at niyakap ang binti ko.
"Ate, may ipon ka... alam ko. Bibili ka raw ng sasakyan, 'di ba? Pahiram muna, please! Babayaran ko!"
Umiling ako. No, please. Not my savings. Naibigay ko na ang lahat sa kanila. Kina Thalia, Mark, Kuya Rexter, Ate Sidney, Mama at Papa... pati ba naman sa kasintahan niya, ako ang mamomroblema?
"Mag-loan ka sa bangko, Rebecca. Tutulungan kita. Kahit magbigay ako hanggang... hanggang seventy thousand! 'Yon lang ang kaya ko ngayon, eh," saad ko. "Gumagastos din ako sa paghahanap ni Kuya kay Mama. Ang mahal ng hinihingi niya sa akin araw-araw."
Humihikbi siyang tumango. Mukhang maluwag naman sa loob niya ang naging usapan namin dahil wala naman siyang sinabi nang lumabas siya sa kwarto ko.
Bumalik ako sa pagkakahiga at muling pumasok sa isip ko si Calix. I miss him so much. I miss his soothing voice. I miss his contagious smile... his sweet little gestures. Kahit may tampo ako, gusto ko pa rin siyang makasama.
Kinabukasan ay ganoon pa rin ang nangyari. Mark told me that he would treat me in an eatery near the hospital. Ang tagal na raw kasi noong huling beses akong tumawa.
"Rebecca, uuna na ako. Ikaw na ang bahala kina Thalia at Papa," paalam ko sa kapatid.
Tumango siya sa akin kaya tumulak na ako sa hospital. After ng rounds at pag-check sa outpatients, naghintay na lang ako ng oras.
"Umorder na ako ng bicol express at chicken adobo," bungad ni Mark sa akin nang makapasok ako sa eatery.
Ngumiti ako. Nagsimula siyang kumain samantalang ako ay naiwang naghihintay ng ilang minuto. Mukhang napansin naman niya iyon dahil napatigil din siya at napatingin sa akin.
"Ayaw mo?"
Umiling ako. "Nasanay lang." Kay Calix na laging nagdadasal bago kumain. "Sige na, kumain ka na."
Kapansin-pansin ang pagpayat ko. Kahit isang buwan pa lang ang nakalilipas, pakiramdam ko ay napakarami nang nangyari. Ni hindi manlang ako nabati ni Calix noong monthsary namin. Nag-text ako sa kanya pero wala namang reply.
"Naaksidente raw si Ace," saad ni Mark.
Tumango ako. "Samahan mo pala akong mag-withdraw mamaya. Pauutangin ko si Rebecca."
He pursed his lips. "Tita talaga..."
"Bakit?" I chuckled.
"Hindi na mababayaran 'yon... pati 'yong kay Papa," nahihiyang aniya. "Tama na ang pagbibigay sa amin, Ta. Naaabuso ka na, eh."
Kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya pero ngumiti pa rin ako.
"Ano'ng magagawa ko eh lumuhod na si Rebecca. Matitiis ko ba 'yon?" I bit my lower lip. "Hindi ba, ang sabi natin, kahit gaano kasama ang trato ng iba sa atin, hindi tayo gagaya sa kanila? Matatapos din naman 'yan, eh."
Tumango siya.
"Nakakaubos din kasi ang gumanti, Mark. Tingnan mo, umalis tuloy si Mama."
"Hindi mo naman kasalanan 'yon." Naglagay siya ng ulam sa pinggan ko.
Tumawa na lang ako.
"Eh, si Kuya? Kumusta kayo? Saan ka na umuuwi?" tanong ko.
Mapait siyang ngumiti. Basang-basa ko iyon sa mukha niya kahit pa pilit siyang magkunwari.
"Nanghingi sa akin ng isang libo kahapon," tawa niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Gago, ba't mo binigyan?! Tapos niyaya mo pa ako rito! Ako na ang magbabayad!"
"Sus, magkano lang 'to? 150?" Tumawa ulit siya. "Si Papa nga na walang naitulong sa akin, nabigyan ko ng isang libo... ikaw pa kayang favorite ko?"
"Che!" Tuluyan akong napatawa sa sinabi niya. "Hindi mo ako madadala sa mga gan'yang pambobola mo!"
Papunta na kami sa bangko nang mapagtanto kong hindi ko pala dala ang bank book ko. Ang alam ko kasi ay hindi ko naman inalis iyon sa bag ko.
"Umuna ka na pauwi. Naiwan ko yata sa bahay ang bank book ko."
Humarap siya sa akin at ngumiti. "Ayos lang. Samahan na lang kita."
I shook my head. "Pwede naman bukas. Gabi na rin. Baka wala ka nang masakyan."
"Para sa 'yo talaga, bata pa rin ako," natatawang aniya sa akin. Sa likuran niya ay ang mga maiingay na sasakyan. Hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa liwanag.
I scoffed. "Of course! You're younger than me! Kahit pa maging senior citizen na tayo, hindi magbabago ang trato ko sa 'yo."
He put his hand over my head. "Pero mas isip bata ka sa akin, Tita."
Agad kong tinabig iyon at sinamaan siya ng tingin. Narinig ko ang marahang pagtawa niya.
"Sige na. Umuwi ka na. Ayaw ko namang ma-late ka pa bukas sa trabaho. Sayang ang ganda ng lahi natin kung lalaki lang ang eyebags mo," litanya ko, ni hindi sigurado kung nakikinig pa siya sa akin. "Magsarado ka ng pinto mo sa apartment, ha? 'Wag mong ipapaalam na mag-isa ka lang do'n kasi baka pasukin ka... at huwag mo na masyadong isipin ang mga magulang mo. Pagbalik ni Mama, sa akin ka na tumira tapos ikaw na rin ang maglinis—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinigit niya ako para yakapin.
Napatigil ako, ni hindi na nakakakilos.
Throughout the years, I noticed how my nephew changed—his height, built, features, and even the way he thinks. Pero ngayon, habang yakap niya ako, hindi ko magawang magtanong sa sarili kung kailan pa siya naging ganito. I felt like he matured. He grew.
But, instead of being happy, my heart was clenching with pain. He didn't really have a nice childhood. He didn't even have a lot of friends. Bilang lang sa daliri ang mga pinagkakatiwalaan niya.
And somehow, I felt like the world forced him to mature. Because of trauma. Because of abuse.
"I love you, Tita," he whispered.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagsuntok ko sa dibdib niya. He chuckled, but all I could feel was sympathy for him. He was just like me, wanting to be loved, waiting to be noticed... but failed.
"Mahal din kitang gago ka..." Napahikbi ako. "We'll get through this together, Mark. Gaya ng dati... basta magkasama tayo."
Unti-unti siyang humiwalay sa akin. Tumingala ako sa kanya at sa pasimpleng tama ng liwanag ay naaninag ko ang luha sa mata niya.
"Sige na. Uuna na ako," sabi niya. "Ingat ka pauwi, ha?"
Tumango ako at huminga nang malalim. Inihatid niya pa ako sa sakayan. I was so emotional on my ride home. Pakiramdam ko ay may haharapin akong bagyo pag-uwi.
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at hinalughog ang gamit ko para hanapin ang bank book. Pwede naman akong mag-file ulit ng bago pero siguradong mahabang proseso iyon.
"Kuya, napansin mo ba ang bank book ko?" tanong ko nang makita ang kapatid sa sala, nanonood ng basketball game.
Umiling siya. "Kung naiwan mo rito sa bahay, wala namang kukuha."
Tumango ako at nagpatuloy sa paghahanap. Sa divider, sa ilalim ng center table, sa cabinets... pero wala. Sa pagkakatanda ko, hindi ko inilabas 'yon.
I didn't know why my instincts told me to enter Rebecca's room. Sumulyap muna ako kay Kuya at nang mapansing hindi naman siya nakatingin sa akin ay tumuloy na ako sa loob.
My lips parted when I saw my bank book on her bedside table. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit dinaga ang dibdib ko. Unti-unti akong lumapit para damputin ang bank book, at nang buksan ko iyon, pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko.
Someone just took two hundred thousand out of my account.
Napaupo ako sa kama ni Rebecca, hindi malaman ang gagawin. Natulala lang ako sa mga napagtanto. Ni wala nang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
So much for helping, Vina. So much for helping.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro