Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23


Chapter 23

"Mag-iingat ka ro'n. Lagi kang tatawag kapag may bakante kang oras, ha?" saad ko habang pinapanood siyang magsuot ng sapatos. "Eat on time. 'Wag ka rin masyadong magpuyat." "Mag-iingat ka ro'n. Lagi kang tatawag kapag may bakante kang oras, ha?" saad ko habang pinapanood siyang magsuot ng sapatos. "Eat on time. 'Wag ka rin masyadong magpuyat."

He smiled at me. "Yes, Ma'am."

Kinuha niya ang malaking bag at maleta. Nasa labas na si Rod at naghihintay sa kanya. Pinanood ko siyang lumabas para ilagay ang mga gamit sa compartment. Rod nodded at me, acknowledging my presence.

Mabigat sa loob ko ang panoorin siyang umalis. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ma-mi-miss ko siya o dahil magiging mabagal sa akin ang dalawang buwan. Hindi ako patutulugin ng utak ko.

Nang akmang tatalikod na ako ay naramdaman ko ang kamay ni Calix sa braso ko. Napaharap ako sa kanya pero ang dibdib niya lang ang sumalubong sa akin.

"I love you."

I pressed my left cheek on his chest. "I love you, Calix."

"Mabilis lang 'yon. I will always call you. Sasabihin mo sa akin kapag may problema ka rito, ha?" Malalim ang boses niya. "Vina, I will do everything for you. Always remember that."

I tried hard not to break down and cry. Why is it so hard to trust his words? Why does it feel like a lie waiting to be blown?

"Kapag nakaipon na ako, magpapakilala ulit ako... sa pamilya mo," bulong niya ulit. "This time, I won't disappoint them. I promise."

Umiling ako. "I told you. We don't need their approval."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

"I respect your parents. Naiintindihan ko kung saan sila nanggagaling. If I were them, I wouldn't trust myself either. You deserve more... and that's why I'm doing this... because I want to be deserving of you."

Walang salitang namutawi sa bibig ko. Ilang sandali pa kaming nagpaalamanan hanggang sa bumalik na siya sa sasakyan. My heart was pounding. I could feel it in my bones. I was starting to have doubts about him. I was starting to lose my mind.

I slowly shook my head. Maybe, I was overthinking it. Kailangan kong pagkatiwalaan ang pagmamahalan namin ni Calix. Baka masyado ko lang iniisip ang mga ginawa sa akin ng exes ko... at mali na pag-isipan ko nang ganoon ang lalaki dahil lang sa heartbreaks na natamo ko noon.

Nang pumasok ako sa bahay namin, agad na yumakap sa akin ang pag-iisa. Wala si Matcha na maingay na agad ang tahol kapag nakikita ako. Wala si Calix na nagluluto at nakangiting babati sa akin.

Unang araw matapos ang trabaho ay sa bahay agad ako dumiretso. I didn't bother eating. Masyado akong pagod. Nahiga lang ako sa kama at tumitig sa ceiling, taimtim na hinihiling na sana ay bumilis ang mga araw.

Wala pang labinglimang minuto akong nakahiga ay nag-ring agad ang cellphone ko.

"Hi!" bati sa akin ni Calix nang sagutin ko ang tawag. "Kararating lang namin dito. Bukas na agad ang simula ng tripping."

I smiled upon hearing his voice. "Pagod ka?"

"Hindi naman. Ikaw? How's your day? Kumain ka na ba? Don't forget to lock the doors," sunod-sunod niyang saad. "Mabuti at may signal dito sa island. I can call you anytime."

I closed my eyes and envisioned him, smiling. Parang bulang nawala ang mga agam-agam ko sa lambing ng boses niya.

"Ano'ng gusto mong pasalubong?" tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko.

Nangingiting umiling ako. "Basta safe ka."

Mahina siyang tumawa. "Nakakainis ka naman, eh. Paano ako hindi magmamadaling umuwi n'yan?"

Ganoon lang din ang mga usapan namin sa mga sumunod na araw. Tuwing lunch ay nag-vi-video call kami para sabay na kumain. Lagi siyang maraming kwento tungkol sa tripping nila. Their client, Cielo Amore, was also treating him good. At ang makitang nag-e-enjoy siya sa trabaho ay sapat na para mabuo ang araw ko.

Kapag gabi naman ay nakakatulugan na namin ang isa't isa. Minsan ay sa sala na ako nakakatulog dahil sa trabaho at kapag maaalimpungatan ako, makikita kong nasa tapat siya ng laptop, mahimbing din ang tulog.

It was his 8th day away from home when Lola Harriet reached out to me. She wanted me to eat dinner with her. Hindi rin naman ako tumanggi dahil miss ko na ang matanda. I told Calix about my plan, and he was happy about it.

"Lola, nagdala po ako ng ulam!" excited na sabi ko nang makapasok sa bahay.

Ang dating halos kuba na niyang likod ay lalong naging halata. Pansin ko rin ang pagkalagas ng buhok niya at labis na pagpayat.

But her smile didn't even change. Maganda pa rin. Nakahahawa pa rin.

"Nasaan po si Lolo Ken?" tanong ko matapos siyang halikan sa pisngi. Ang private nurse niya ay nakamasid lang sa amin.

"Namamahinga na sa kwarto," malumanay na tugon niya. "Sinabi kong darating ka. Kakahintay sa 'yo, nakatulog na."

Napangiti naman ako. "Kung gano'n, tayo lang dalawa ngayon, Lola?"

Marahan siyang tumango. Nagtungo naman kami sa kusina. Inihanda ko ang pagkain namin pati na rin ng nurse na kasama niya. Mukhang nagulat pa ito nang yayain namin siyang sumabay sa amin.

"Maganda pa rin ba ako?" tanong ni Lola nang makaupo kami.

I chuckled. "Your beauty is timeless, La."

Umusbong ang ngiti sa mga labi niya. Pinipigilan ko ang sarili na mapatingin sa kulubot at matanda na niyang mga kamay. Dala rin siguro ng on-going na chemotherapy, nanginginig siya sa paghawak sa kutsara. Kinailangan pa siyang alalayan ng nurse.

I looked away, remembering the first months of my father when he was diagnosed with Alzheimer's. Hinang-hina rin siya noon. Sinabayan pa ng mild stroke.

"Pasensya ka na kay Gwen noong nakaraan, ha?" Mahina ang tinig ni Lola. "Ganoon talaga ang batang 'yon. Hindi naman kasi bago sa amin na gusto niya ang apo ko."

I nodded. "Wala po 'yon, La. Alam ko naman pong magkababata sila."

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa 'yo kaya napagsabihan ko rin. Hindi niya kasi nirespeto ang relasyon n'yo ni Calix," aniya pa. "Kahit pa malaki ang naitulong ng tatay niya sa amin, hindi naman rason 'yon para pilitin ko si Calix na magustuhan siya."

Umawang ang bibig ko, hindi mahanap ang dapat sabihin.

"Nabanggit din pala sa akin ni Calix na nagtalo kayo... dati?" parang hindi siguradong tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. "Ako po ang may kasalanan, Lola."

Hindi ko alam kung bakit muling sumilay ang magandang ngiti sa labi niya. Tumitig siya sa akin na para bang masaya siya na naroon ako.

"Ayan din ang sinabi ni Calix sa akin."

"Po?" Napakurap ako.

"Kasalanan niya raw dahil naging masyado siyang sensitibo. Maliit na away lang, pero pinalaki niya."

Umiling ako. "Hindi po! Nasigawan ko po si Calix noon... ni hindi ko manlang naisip ang mararamdaman niya. Ako po ang naging mababaw dahil sa kanya ko naibuhos ang pagod at inis ko."

"Nag-sorry ka raw," she insisted.

"Opo. Kasi ako ang mali."

She chuckled. "Pumunta lang talaga rito si Calix para magpalamig ng ulo at para magkwento sa akin. Pinagalitan ko pa kasi... ang babaw naman ng napagtalunan n'yo. Kayang-kayang resolbahin ng pag-uusap."

"Mali pa rin po ako sa pagsigaw ko sa kanya, Lola. Kahit gaano kababaw. Pwede naman po kasing linisin 'yong kalat, eh... hindi ko po kasi naisip na... ganoon..." I paused, not sure if I would mention Calix's trauma. "Pero tapos naman na po. Ako po ang may kasalanan do'n."

"Sa akin nagsasabi ng problema 'yang batang 'yan... kahit noon. Tanda ko pa na kapag wala silang ulam magkapatid, nanlilimos 'yan sa palengke," kaswal na kwento niya.

Napatigil ako. May kung anong kumirot sa dibdib ko kasabay ng agad na pagbalot ng matinding awa para kay Calix.

"Buti nga at lagi kong nakikita. Walanghiya kasi ang mga magulang n'yan. Sa awa ng Diyos, nakakulong na sila."

I pursed my lips, trying to stop myself from asking more questions.

"Ikaw ang unang babaeng ipinakilala niyan sa amin," nakangiting aniya.

My face heated. "Talaga po?"

"Oo, pero hindi ikaw ang unang nagustuhan."

Napasimangot ako. "Aray. Dahan-dahan ka naman, Lola."

"Matagal na 'yon. Batang pag-ibig lang." Marahan siyang tumawa. "Parang may sinabi siya sa akin na nagugustuhan niya noong college siya. Hindi naman niya niligawan. Bukod doon, wala na siyang ibang bukambibig kung hindi ikaw."

Umawang ang mga labi ko nang mapagtantong ako ang tinutukoy niya.

"Mukhang masungit lang 'yang si Calix pero alam ng Diyos kung gaano kabuting bata 'yan. Sinubok na ng panahon." I could sense her pride for her grandchild. "Ipinagdasal ko talaga na mabuting babae rin ang mapunta sa kanya... at hindi naman ako binigo ng Panginoon."

Her words touched the core of my being. Gusto niya ako hindi dahil doktor ako... hindi dahil maayos ang buhay ko... hindi dahil may narating na ako. She likes me because she sees something in me that neither of my parents can.

Nagtagal ako sa bahay nina Lola hanggang sa makatulog siya. Ikinuwento niya sa akin na nagrenta pa raw ng condo unit si Calix noon para mas mapalapit siya sa ospital kung saan siya nakatatanggap ng pyschiatric help. Hindi rin naman siya nagtagal sa unit dahil na-i-transfer din agad siya sa Procare.

Nang mga sumunod na araw, bukod sa laging pagpaparinig ni Dr. Santiago, wala naman na akong ibang ininda. Hindi ko na rin masyadong inisip ang narinig ko kay Calix. Alam kong sasabihin niya iyon sa akin kapag handa na siya. I have to trust him, because that's how a relationship works. Hindi ko siya pwedeng pangunahan.

"Vina!" tawag ni Chin sa akin habang papasok sa tea shop. Nagkayayaan kami na magkwentuhan. "Wala pa sina Anne at Mich? Ang sabi kanina, papunta na sila."

I chuckled. "Chill ka lang. Hindi ka na nasanay sa on the way ng mga 'yon."

She pouted cutely.

"Mabuti at pinayagan ka ni Troy? Siya ang bantay ni Trevor ngayon?" tanong ko.

Tumango siya. "Nando'n naman sina Sol at Duke sa bahay. Bibong-bibo na naman tuloy ang isang 'yon." Ngumiti pa siya. "Ikaw? Nagsabi ka ba kay Calix?"

Tumawa ako. "Ano 'yon asawa ko?"

Pinanliitan niya ako ng mata.

"Pero, oo, nagpaalam ako," agap ko.

Ngumisi siya. "Ang sabi mo sa akin dati ay hindi mo gusto 'yon kasi masyadong pormal."

Umismid ako. "Ang sabi mo rin naman noon ay hindi mo gusto si Troy kasi masyadong mataas ang energy! Ayan, sa sobrang energetic niya, nabuntis ka!" I laughed.

Tumawa siya pero maya-maya ay natahimik din kami parehas.

"Balita ko... nagpapa-chemotherapy ang lola ni Calix," aniya, parang pinag-isipan pa kung dapat niya bang sabihin 'yon.

I nodded.

"I wonder if they need financial support," hindi pa rin siguradong saad niya.

I pursed my lips. "Bakit?"

She smiled. "Basta itanong mo... o pwedeng pasimple mo na lang na iabot kay Lola. Kahit maliit na tulong lang."

I narrowed my eyes on her. "Ex mo ba si Lola Harriet?"

Tumawa siya. "Gaga! 'Wag ka nang matanong."

Hindi na rin talaga ako nakasingit dahil dumating na ang dalawa pa naming kaibigan. Agad kaming umorder ng drinks. Si Chin, usually, frappe. Ako, coffee. Kina Anne at Mich naman ay beer.

"Ilang araw pa si Calix do'n?" tanong ni Anne.

I frowned. "Baka one month and two weeks pa. Mabilis naman na ang araw."

"Nako, ha! Talamak 'yang si Ms. Cielo Amore! Wala akong katiwa-tiwala d'yan!" Tumawa si Mich. "Kahit forty-two years old na, sikat na pornstar pa rin. Pinagtatalunan pa namin ng asawa ko 'yan dahil talagang lagi kong nahuhuli na siya ang pinapanood."

Nanlaki ang mga mata ko. "Really? Wow."

"Anong wow, Rovina?!" Si Anne.

I licked my lower lip. "I mean, ang laki ng kita ro'n, ha? It takes a lot of courage to show off your body for money."

Tahimik lang na nakikinig sa amin si Chin.

"At kasama niya si Calix sa iisang lugar!"

Sumandal ako sa kinauupuan ko. "So? Syempre, kliyente nila 'yon! Siya 'yong may-ari no'ng island na ibinebenta." Tumingin ako kay Mich. "At pagsabihan mo 'yang asawa mo. Nand'yan ka na, nanonood pa nang gano'n!"

Malakas na tumawa si Anne.

"Sana ay hindi matipuhan niyang si Cielo ang jowa mo, girl! Talagang hindi niya titigilan 'yon. Ang aggressive pa naman niya."

I grinned. "Hindi papalag kay Calix 'yon. My boyfriend loves me too much."

Binato ako ng tissue ni Mich. "Napakayabang mo! Sa una lang naman 'yan! Pag naging mag-asawa kayo, magsasawaan din!"

"Not me," agap ni Chin.

Sabay-sabay kaming umismid. Ang babae naman ay may maliit lang na ngiti sa labi. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman namin ang pagmamahal niya sa asawa.

"Itong si Anne ang matibay, eh. Martyr kung martyr." Si Mich.

Anne pursed her lips. "Wala, eh. May anak, eh."

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng meron?"

"Adrian cheated on me," sagot niya na parang walang bigat ang nangyari. "Ilang beses kong nahuling may katawagan samantalang gabing-gabi na. No'ng nagkaroon ako ng chance, binuksan ko ang cellphone... tapos ayun, may babae nga."

Napalunok ako nang may bumikig sa lalamunan ko.

Pumalatak si Mich. "Sinabi ko sa kanya na makipaghiwalay na! Maiintindihan naman 'yon ng anak niya paglaki."

Ngumiti lang si Anne. Naiintindihan ko ang galit ni Mich, dahil sa aming apat, sila naman talaga ang magkadikit. Parang kami ni Chin.

"Parte naman kasi ng relasyon na susubukin talaga, 'di ba?" Si Anne.

"No, it's not," agap ni Mich. "No one should stay with a cheater under the notion that it's normal. Cheating is a form of betrayal, not a freaking component of a relationship. Kasi kung parte 'yan, sana single na lang tayong lahat!"

Sasagot pa sana si Anne pero nagsalita ulit si Mich.

"Don't justify it, Anne."

Magaan na tumawa lang ang babae, siguro ay sanay na sa leksyon ni Mich. "Wala naman akong sasabihin!"

Kahit nagpatuloy sila sa pag-aasaran ay hindi na ako nakasunod. Hindi ko maintindihan ang sarili. Parang nitong mga nakaraang araw lang ay iwinaksi ko na sa isipan ang bagay na iyon tungkol kay Calix... pero ngayong napag-usapan, muling nilukob ng pangamba ang dibdib ko.

Nasa malalim akong pag-iisip nang mag-vibrate ang cellphone ko. Hindi na ako nagulat nang makitang si Calix ang tumatawag. Nagpaalam ako sa mga kaibigan at lumabas ng tea shop para makapag-usap kami nang maayos.

"Vina..." Malambing ang boses niya. "Kasama mo pa sila?"

Tumango ako kahit hindi naman niya iyon kita. "Oo."

Natahimik kami parehas, taliwas sa mga phone calls namin nitong mga nagdaang araw.

"Vina... kasi..." He sighed.

"Hmm?" I urged him to talk.

Hindi ko maintindihan kung bakit ramdam ko ang paghihirap sa tinig niya. My heart began to pound rapidly again, waiting for his next words. Tanging mabibigat na paghinga niya lang ang naririnig ko.

"Miss na kita," he uttered. "Gustong-gusto na kitang makita."

I didn't know why his tone sounded so different. Na para bang may pinanglalabanan siya na hindi niya mawari. Umahon ang pag-aalala sa puso ko. Nothing bad happened, right?

"Calix, ano'ng nangyayari? You can tell me," tanong ko, hindi napigilan ang sarili.

Bago pa siya makasagot ay naka-receive ako ng text mula kay Mark.

From: Mark

Tita, please, tumawag ka ngayon.

Hindi ko maintindihan ang gagawin... ang uunahin. Hinihintay kong magsalita si Calix pero wala naman siyang sinasabi. Nanginginig na ang kamay ko sa kaba dahil isang beses pa lang nag-message nang ganoon sa akin si Mark... at iyon ay nang isugod sa ospital si Papa.

"Calix?" Humina ang tinig ko.

"Wala 'to. Na-mi-miss lang kita."

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang kakaibang bikig sa tinig niya dahil sa taranta ko kay Mark. Nagpaalam ako sa kanya para matawagan ang pamangkin ko. Halos manginig ang daliri ko sa pagtipa sa telepono.

"Bakit?" kalmado kong tanong kahit pa nagwawala na ang dibdib ko.

"Tita," paiyak na tawag niya. "Naglayas si Lola at kanina pa nagwawala si Lolo! Please, pumunta ka rito!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro