Chapter 22
Chapter 22
The next few days, I grew a little suspicious of him. Agad siyang hinahanap ng mga mata ko tuwing mawawala siya sa paningin ko. Ganoon pa rin ang kilos niya. Inihahatid ako tuwing umaga at sinusundo ako pagkatapos ng trabaho. Nothing had changed.
I asked him a few times about it, but his answer was consistent. Wala raw iyon. Sa trabaho lang.
"Vina, nagluto ako," aniya, nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at may maliit na ngiti sa labi. "Tama na muna 'yan. Kanina ka pag nagtatrabaho."
I sighed before taking my eyes off him. "Ikaw na lang. Marami pa akong tatapusin."
He pursed his lips. Hindi na niya pinigilan ang sarili at pumasok na nang tuluyan sa kwarto ko. He stood next to me.
"Please? You didn't eat breakfast."
Umiling ako. "Mas lalo akong mapapatagal kapag tumigil ako."
Nag-buntonghininga siya. "No Calix and Vina time?"
I pouted.
"Okay... but, I will bring you food. Ayos na ba 'yon?" He caressed my hair.
Tumango na lang ako para hindi na rin humaba ang usapan namin. He smiled before going to the kitchen to prepare my brunch. Marami akong tinatapos at ni-re-review na records. Kahit tuloy wala akong pasok ngayon, parang meron din.
"Pwede ba akong manood habang nagtatrabaho ka?" tanong niya nang makabalik.
He placed the plate on my bedside table carefully. Mabilis kong binawi ang panonood ko sa kanya dahil napagtanto kong marami pa akong gagawin.
"'Wag na. Magpahinga ka na lang sa taas," tugon ko. Hindi rin naman kasi ako makakapag-focus sa trabaho kapag nand'yan siya. I might find myself cuddling with him.
"Sa labas tayo mag-dinner mamaya. Isama natin si Matcha," suhestyon niya.
"Bahala na, Calix."
He heaved a sigh. Napatingin ako sa kanya at napansin ang seryosong ekspresyon ng mukha niya. Sa huli ay nakaiintinding tumango siya sa akin. He planted a kiss on my forehead before leaving my room.
Ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho. Tinambakan kasi ulit ako ni Dr. Santiago at hindi naman ako makapag-reklamo dahil kahit papaano ay may respeto pa rin ako sa kanya. Alam ko ring mainit ang dugo niya sa akin dahil sa mga sinabi ko noon.
I was absorbed in my work when my phone rang. Sumulyap ako sa screen nito at agad na napatigil nang makitang si Mama ang tumatawag.
I licked my lower lip and crouched a little. Simula noong binastos nila si Calix ay hindi na ako kailanman umuwi sa bahay. Hindi rin ako nagpadala ng pera. I wanted to teach them a lesson, but as time went on, I realized that my life was better without them. Sila naman kasi kadalasan ang dahilan kung bakit ako nalulungkot.
But then, even if I deny it to myself a lot of times, I still missed them. Na kahit ilang libong ulit nila akong nasaktan, may parte sa puso ko ang hinahanap pa rin sila.
How could I leave someone and still long for them?
I gulped before answering her call. Hindi ako agad nagsalita. Ganoon din si Mama. Hindi ko alam kung naghihintayan kami, pero dahil siya naman ang tumawag, tingin ko ay may sasabihin siya.
"Vina," she muttered as she broke the deafening silence. "Anak, umuwi ka naman dito..."
The barriers I had built around my heart were demolished in an instant. Her voice was gentle as if she missed me... as if she yearned for my presence.
But I knew better. I'd already given them a lot of chances. Matatanggap ko ang ilang beses nilang pagsasalita ng masasakit sa akin, pero ang pangmamaliit at pambabastos sa lalaking mahal ko, hinding-hindi ko iyong titiisin.
"Ma, marami po akong trabaho."
I heard her gulp. "Ang hirap kapag wala ka, anak..." bulong niya. "Ang hirap-hirap."
I bit my lower lip and closed my eyes tightly. Sila ni Papa ang dahilan kung bakit ako nakarating dito. Sila rin ang rason kung bakit pinagpatuloy ko ang pagpupursigi. Hindi ko alam kung masama akong anak dahil gusto ko nang unahin at piliin ang sarili ko. For once, gusto kong maging makasarili. Gusto kong makalaya sa lahat ng sakit na idinulot nila sa akin.
"Nahihirapan na akong mag-alaga sa Papa mo..." Her breathing was labored. "Nandito pa lagi ang Kuya mo at dito sila kumakain buong mag-anak. Si Rebecca, hindi itinuloy ang pagsama sa kasintahan niya... mag-aaral na rin kasi si Thalia."
I didn't respond.
"Gusto kong pagsabihan si Rexter, pero hindi naman sumusunod. Ayaw ko namang palayasin kapag pumupunta rito kasi naaawa ako... wala raw silang makain."
I pressed the tips of my fingers together. "What do you want me to do, Ma? If you'll ask for money, sige, magpapadala ako." Huminga ako nang malalim dahil sa pagbuhos ng emosyon sa dibdib ko. "Pero 'yong papupuntahin n'yo ako d'yan, I'm sorry, hindi ko po kaya."
"Anak, miss na kita..." bulong niya.
I shook my head as tears started to roll down my cheeks.
For years, I wanted so bad to hear those words from her. Na habang nasa America ako, hiniling ko na sana, sa gitna ng gabi ay bigla na lang siyang tatawag sa akin para sabihing na-mi-miss niya ako. Na kahit na hindi na ako sa bahay nila nakatira, pinangarap kong bisitahin nila ako hindi para manghingi o ano... pero dahil gusto nila akong makita at makasama.
Ngayong narinig ko iyon sa kanya, hindi ko alam kung bakit kumikirot ang dibdib ko. She just missed me because I wasn't around anymore. She only acknowledged my worth after I left.
Ang daya. Ang daya na naaalala lang nila ako kapag walang-wala na sila. Ang daya na hindi nila ako kayang mahalin kapag wala akong naibibigay.
My lips quivered because I was trying my best to stifle my sobs.
"M-Ma... you tolerated what happened. Hinayaan mong bastusin ako ng panganay mo. Hindi lang iisang beses... alam mo 'yan. Kahit harap-harapan nila akong hinuhuthutan ng pera, wala kang ginagawa." I smiled sadly. "Galit ka lang sa kanila kapag hindi mo sila kaharap, pero kapag nand'yan na, ginagawa mo akong panangga."
Narinig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya.
"Vina, I'm sorry, anak... marami akong pagkukulang sa 'yo at may karapatan kang magalit sa akin." Humikbi siya. "Pero pagod na talaga ako, Vina. Nakakapagod ang araw-araw na paglilinis ng bahay, pag-aalaga kina Timothy at Thalia, pagtitimpi sa Kuya mo... lahat... napapagod na ako."
I sobbed quietly. Dahan-dahan kong inalis ang luha sa pisngi ko.
"Ma, pagod din ako, eh. Nakakapagpahinga lang ako kapag... wala po ako sa inyo."
Natahimik siya. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero iyon ang totoo. They took me for granted! For years, I've waited for them to see that I was their daughter, not their servant.
Muli akong huminga nang malalim. "Alam mo, Ma... inggit na inggit na ako sa mga kaibigan ko. Kay Chin, kay Anne, kay Mich." I bit my lower lip to surpress my cries. "K-kasi gusto ko na ring magkaroon ng sarili kong pamilya. Gusto ko na rin... sumaya. Gusto ko na ring maipagmalaki na may anak ako... may asawa ako... kasi pakiramdam ko, napag-iiwanan na ako ng panahon."
"T-tapos no'ng nakilala ko si Calix, Ma, ang saya ko. Pakiramdam ko may kasama na ako. May kakampi ako..." Another tear fell from my eye. "Pero, no'ng ipinakilala ko sa inyo, minaliit n'yo lang, minata n'yo lang."
"I'm sorry, anak..." She was crying. "I'm really sorry."
Gusto kong sabihin na ayos lang, na mahal ko pa rin siya, at anak niya pa rin ako. Gusto kong tumakbo na lang sa kanya at magpayakap ulit na parang bata. Gusto kong maramdaman ang kalinga ng isang ina, na kailanman ay hindi ko naramdaman kahit pa pisikal naman siyang nand'yan.
Pero gaya niya, pagod na rin ako.
"I'm sorry rin, Ma, pero hindi ko kayang tanggapin ang sorry mo."
Without waiting for her response, I ended the call.
I broke down into tears after that. I could still remember the times when I had placed my happiness in their hands, oblivious to the fact that I had also given them the freedom to make me miserable.
Wala akong ibang ginusto kung hindi ang mabigyan sila ng magandang buhay, pero ang bigat sa loob ko na hindi iyon ang gusto nila para sa akin.
Her words continued to echo in my head. Na pagod na siya at miss na niya ako. May parte sa akin ang gustong tumakbo patungo sa kanya at tumangis. Pero sa dami ng masasakit na salitang nabitawan namin sa isa't isa, alam kong imposible na iyon. Hindi ko na siya kayang mahalin nang buo nang hindi ako nasasaktan.
My eyes were all swollen after my emotional breakdown. Parang nagpatong-patong ang mga problema sa utak ko. Mula sa matinding pagkaawa kay Mark, sa paghihinala kay Calix, at pakikipag-usap kay Mama. Everything just kept on draining me.
Lumabas ako ng kwarto, pugto ang mata. Naabutan ko si Calix sa sala na natutulog habang yakap si Matcha.
I stared at him for a long time.
Ang sabi ni Mark ay hindi ako sasaktan ni Calix. At sa dami ng nagawa niya para sa akin, may parte sa puso ko na naniniwalang hindi niya rin ako magagawang lokohin. He's my Calix Dylan. The one who constantly doubts himself because the world tells him he isn't worth it, the one who finds comfort in the little things in life, the one who can make me feel comfortable with myself... and the one who loves me for who I am, not for what I have.
Pero ngayon, habang nakatingin sa payapa niyang mukha, napagtanto ko na hindi ko pa siya sobrang kilala.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kapatid niya... kung ano ang estado niya ngayon sa mga magulang niya. Hindi ko alam kung nasaan sila at kung anong klarong plano niya sa buhay. I didn't know why I began to feel like he was still so far away from me. Na parang kahit anong pilit kong pasukin ang mundo niya, may malaking pader na pumapagitna at pumipigil sa akin.
"Vina," he whispered, his eyes still closed.
Napalunok ako at lumapit sa direksyon niya. He was dreaming.
"I love you, Vina..." bulong niya ulit. "Don't leave me. Please..."
I sat on the floor and caressed his hair. Kung darating man ang panahon na magkakaroon kami ng alitan na parang hindi na masosolusyonan, sana... sana hindi niya ako talikuran. Sana hindi niya ako bitawan. Dahil kahit pa may parte sa akin ang hindi pa siya lubos na kilala, marami pa namang araw... marami pa namang oras... at gagamitin ko iyon para mayakap ko nang buo lahat ng sugat niya.
"I won't," I whispered back.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at parang nagulat pa siya na naroon ako. I gave him my sweetest smile and touched his face gently.
"I won't leave you, Calix," saad ko ulit.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at dinala iyon sa labi niya. Gaya ng dati, ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal.
"Umiyak ka?" mahina niyang tanong.
Nanginig ang labi ko sa muling pagbabadya ng luha. Dahan-dahan akong tumango sa kanya, parang batang nagsusumbong.
He sighed before sitting on the sofa. Si Matcha ay naalimpungatan din. Nang makitang nakaupo na si Calix ay pumunta ito sa kandungan niya. She continued her sleep there.
"Come here," saad ni Calix sa akin, itinuturo ang espasyo sa tabi niya.
Sumunod ako.
Pagkaupo ko pa lang sa tabi niya ay inakbayan na niya ako. He placed my head on his shoulder and tapped my arm softly. Naramdaman ko rin ang marahang paghalik niya sa ulo ko.
"You have me," bulong niya.
Like raindrops breaking free from the clouds, my tears began to fall.
"Even if the world forbids you to cry, you can cry with me, Vina," he added.
Idinikit ko ang mukha sa dibdib niya at doon ay humikbi ako. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, iniiyak ko sa kanya. Mula sa mga narinig kong masasakit na salita mula sa sarili kong pamilya hanggang sa gabi-gabi kong pagtulog na mayroong naiisip tungkol sa kanya. I wept like a child, finally going home after being alone on a long journey.
Iyong mga akala kong tapos ko nang iyakan, iniyakan ko ulit... kasi hindi pa pala... kasi masakit pa rin pala. That all this time, I was just distracting myself to avoid being sad.
"Kakain tayo, gusto mo? May niluto na ako kanina, pero kung ano ang gustong kainin ng Vina ko, iluluto ko," malambing na pahayag niya.
I pursed my lips. Hinawakan ko ang balahibo ni Matcha at marahang hinaplos iyon. Ni hindi manlang siya nagising sa pag-iyak ko.
"Order tayong ramen," I muttered. "I need a bowl of ramen."
He kissed my forehead. "Already at it, Doc."
Napangiti na lang ako. Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang ginawa niya. Kulang na lang ay miski sa trabaho ay samahan niya ako dahil ayaw niya raw na nakikitang malungkot ako. Lagi niya akong dinadalhan ng lunch at merienda. Wala ring palya ang paghatid at pagsundo.
"Doc, mahal na mahal ka ng boyfriend mo," saad ni Kaycee habang nasa loob kami ng office. "Parang gusto ko na rin tuloy." Tumawa pa siya.
Today is our seventh month of being together and we booked a hotel in Tagaytay for a staycation. Nag-leave din ako ng tatlong araw para dito. Mark even greeted us. Nagtatrabaho siya ngayon sa KFC bilang isang service crew at pagkatapos ng shift ay nagtatrabaho sa palengke.
Ilang beses akong nag-alok ng tulong pero tumanggi siya. Sinabi niya sa akin na kailangan niyang matutong tumayo sa sariling mga paa.
Sa mga nagdaan ding araw, pansin ko ang medyo pag-ilag sa akin ni Yesha. Nginingitian niya pa rin ako at kung minsan ay parang gusto niya akong kausapin, pero hindi siya lumalapit. Hindi ko alam kung may ideya siya na nag-usap kami ni Mark dahil wala naman siyang sinasabi.
When I got off work, I saw Calix standing outside the hospital in his trademark white T-shirt, black trousers, silver dog tag, and low man bun.
Umuwi rin kami agad sa bahay para makapaghanda na sa pag-alis namin. Siya ang nag-ayos ng gamit ko at nang i-check ko iyon ay wala manlang kulang. Inihatid niya rin si Matcha sa bahay nina Lola Harriet kanina bago ako sunduin.
"Sa hotel na ba tayo kakain?" tanong ko habang ipinapasok sa kotse ang gamit namin. Hiniram niya iyon kay Rod.
"Along the way na lang. Nagugutom ka na ba?"
Umiling lang ako at ngumiti. Iwinaksi ko na sa isipan ang nangyari noong nakaraan. Baka masyado lang kasi akong nag-iisip.
Habang nasa byahe ay puro kwentuhan at tawanan lang kami. Mabuti at nag-drive thru kami dahil nang makarating kami sa hotel ay nagpahinga kami agad.
Lampas alas-dose na nang magising ako. Wala si Calix sa tabi ko kaya bumangon ako para hanapin siya. I found him on the balcony, staring so sadly at the night sky. He was holding a cup of coffee in one hand and clutching the railings with the other.
Hindi ako lumapit sa kanya. Tinitigan ko lang ang gilid ng mukha niya. Para siyang may malalim na iniisip, taliwas sa mga ngiti at tawa na ibinigay niya sa akin kanina.
If he could just share a bit of himself with me, I would gladly preserve it in the deepest recesses of my heart. If he could just reach out to me, I would know how to soothe and love him better.
Alam kong may mga bagay siyang hindi sinasabi sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman iyon. I didn't notice it at first. Lagi naman kasi kaming nag-uusap. Lagi kong sinasabi sa kanya ang lahat. But then, I realized that he wasn't really open to me. Na parang kahit anong gawin ko, may parte sa buhay niya ang hindi ko kayang pasukin.
Pumunta ako sa kitchen para magtimpla rin ng kape dahil gusto ko siyang samahan. Wala pang limang minuto ay nakabalik ako sa pwesto ko kanina pero napatigil ako nang makitang may kausap siya sa cellphone.
"Yeah, she's with me. She's sleeping," klarong saad niya sa kausap.
Napahigpit ang kapit ko sa tasa. Hindi ko marinig ang sinasabi ng kausap niya dahil masyadong malayo ang distansya ko sa kanya.
"I will tell her..." He sighed. "Naghahanap lang ako ng tyempo."
I was so scared at that moment. Pakiramdam ko ay ikadudurog ko ang anumang sasabihin niya sa akin. It was past midnight, and there he was, talking to someone... not related to work... not related to his family.
I took a deep breath and decided to get his attention.
"Calix?"
Natataranta siyang napabaling sa pwesto ko. Mabilis niyang ibinaba ang tawag kasabay ng panlalaki ng mga mata dahil sa presensya ko.
That reaction scarred me... for the second time.
"Kanina ka pa... d'yan?" nanginig ang tinig niya.
Huminga ako nang malalim, hindi malaman ang dapat sabihin. Bigla ay naduwag akong malaman ang totoo... dahil baka maging mitsa lang 'yon ng pagtatapos namin... na kailanman ay hindi ko mapaghahandaan.
With a shattered heart, I slowly shook my head.
Nangangatal ang mga kamay ko habang lumalapit sa pwesto niya.
"Sino ang kausap mo?" tanong ko.
Narinig ko ang mahinang pagsinghap niya. Nakatingin lang ako sa kawalan, taimtim na umaasang may maganda at katanggap-tanggap siyang rason.
"Sa... ano... trabaho lang."
A certain part of my heart gave up. He lied.
Parang may tanikalang sumasakal sa puso ko dahil hindi ko kaya kapag si Calix na. I gave him the full access to my heart... to my soul... at kung sa huli ay pipiliin niya lang na durugin ako, hindi ko alam kung makababangon pa ako.
"Really?" My voice was small. "Ano'ng pinag-uusapan n'yo?"
He exhaled. "'Yong private island ni Ms. Cielo Amore."
Napaawang ang labi ko. Wow. He didn't even stutter. He was good at this, huh?
"Si Mark... kumusta?"
Ang bawat paghinga ko ay mabigat at masakit. Labis ang pagkabog ng dibdib ko dahil alam kong hindi tungkol sa trabaho iyon. Binabago niya pa ang usapan namin.
I didn't answer him. Alam kong sa oras na magsalita ako ay iiyak lang ako sa kanya. Kahit pa nang naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko, hindi napawi ang kirot sa puso ko.
I am inside the arms of a liar... but it feels so safe... so secure... so true.
Hindi ko alam kung paano pa ako nakatulog noong gabing iyon. We went to a glass sculpture museum the next day. We explored the beauty of Taal. Kung hindi ko siguro nasaksihan ang nangyari, hindi magiging pilit ang bawat ngiti ko. Ganoon din noong sumunod pang araw. Nagpunta kami sa Skyranch, People's Park, at Picnic Grove. He was clingy the whole time. Parang walang ginagawa sa likuran ko.
For our last night, we decided to just stay at the hotel.
"I have something very important to tell you," he whispered. Nakahiga kami sa kama. My head was leaning on his chest and his arms were wrapped around my body.
Maraming pumasok sa isip ko. Sasabihin niya na ba... na may iba? Sasabihin niya na ba kung sino ang nakakausap niya at ilang buwan o taon na nilang ginagawa 'yon? Hindi ko alam. I was so fed up with my own thoughts. Napapagod na akong manghula.
"Kapag na-i-close namin 'tong deal, malaki ang kikitain namin, Vina..." bulong niya ulit. "Magiging maayos lalo ang therapies ni Lola, tapos..." He pulled me closer to him. "Tapos, we can get married."
My world crumbled down. This is what I want, right? To settle down. To be with him.
Pero, matapos marinig ang mga salitang iyon, ni hindi ko magawang ngumiti.
"Just give me two months, Vina."
My brows furrowed. "Two months?"
He nodded. "Yeah. Two to four months 'yong process. Sa isang araw ang alis namin para mag-tripping at para asikasuhin ang mga document."
"Aalis ka?" Humina ang boses ko. Bahagya akong lumayo sa kanya para makita ang kabuuan ng itsura niya.
"Don't you want me to go?" he asked, mukhang nagulat sa reaksyon ko.
"Do you want to go?" balik ko sa tanong niya.
He looked into my eyes as if he was thinking about what to say. I don't think I could let him go... lalo ngayon. Hindi ko kayang maalis siya sa paningin ko dahil pakiramdam ko ay tatagpuin niya ang kausap niya. Hindi ko kayang matulog na iniisip na iba ang kasama niya, ang kasiping niya.
"This will be my biggest break in real estate, Vina... pero kung sasabihin mong ayaw mo akong umalis, hindi ako aalis," siguradong aniya. "Your opinion matters to me most."
I gulped. For a moment, I wanted to be selfish. Gusto kong huwag siyang mawala sa paningin ko, dahil hindi ko kakayanin ang pag-iisip.
But after a few minutes, I found myself letting go of my doubts... and giving him a nod.
Sana sa magiging distansya namin, hindi siya tuluyang lumayo sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro