Chapter 21
Chapter 21
I woke up with a searing pain across my body. Ngalay ang mga binti at hita ko na para bang nag-exercise ako at hindi nakapag-stretching. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at bumungad agad sa akin ang natutulog na mukha ni Calix.
I gulped. His long, dark lashes were curled with precision. Ang natural na mapupulang mga labi ay mas lalo tumingkad ang kulay. Bahagya pang nakaawang at nangingintab ang mga ito. Kung pagmamasdan siya, parang ang lalim-lalim ng tulog niya—parang walang problema.
I couldn't help but smile when I remembered what happened last night.
He pleased me yet I felt his utmost respect. Sa bawat haplos niya sa akin ay ramdam ko ang pag-iingat at pag-aalaga.
Bumaba ang tingin ko sa katawan namin na nababalutan ng puting comforter. Ramdam ko ang mapang-angkin niyang braso na nakapulupot sa baywang ko na parang tatakas ako kapag bumitiw siya.
I fixed my gaze on his face, memorizing every detail. I gave him myself, my first, and I could only feel gratitude in the chambers of my heart.
Dahan-dahan akong gumalaw para sana bumangon pero humigpit lang ang yakap niya sa akin. He groaned and rested his nose on my neck.
"Calix," mahinang tawag ko nang maramdamang inaamoy niya ang leeg ko.
He didn't answer. He then planted small and sultry kisses there. Napatawa na lang ako dahil sa kiliting dumaloy sa katawan ko. Sa kalikutan pa ay tumama ang hita ko sa pagkalalaki niya at napatigil ako nang maramdaman iyon.
It's normal! Gano'n yata talaga yata katigas 'yon kapag umaga!
He stopped kissing my neck. Bahagyang inilayo ang katawan sa akin para silipin ang nag-iinit ko nang mukha.
"I didn't intend to..." Umiling ako.
He chuckled huskily. "Ba't nahihiya ka pa? We did a lot more than that last night."
Lalong nag-init ang mukha ko. He sighed and pulled me into a hug. Ang dibdib ko ay lumapat sa dibdib niya, dahilan para magkagulo ang sistema ko. His warm, calloused palm glide over my already sensitive skin. He was gasping for breath, and at that moment, I watched as his self-control crumbled in front of me. Before I could even process what was happening, he was on top of me again, his body pressing against mine as I took him in completely.
Tuloy ay na-late ako sa trabaho. Gusto pa ni Calix na huwag na kaming pumasok pero may mga naka-schedule akong outpatients at clients ngayon kaya hindi ako pumayag. He was extra clingy the entire morning. His back was also full of scratches and red marks... na alam kong ginawa ko.
"Doc, namumula ang pisngi mo," pansin ni Faye sa akin. "May lagnat po ba kayo?"
"Wala!" agap ko. "Si Yesha? Nasaan?"
"Ay, nag-sick leave po."
Mabilis na binalot ng pag-aalala ang puso ko. Tumango ako kay Faye at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Itinext ko kahapon si Mark na magkita kami pero walang sagot ang lalaki. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita kaya baka mamaya ay puntahan ko siya sa university nila. Sigurado naman akong naroon iyon.
Dr. Santiago sent me a lot of psychological tests to review and evaluate. He also included his son's dissertation, which was needed to be finished and corrected. Hindi ko na ito trabaho pero dahil ayaw kong lumala ang galit niya sa akin ay hinayaan ko na lang. Mas mabuti na ito kaysa marinig ko siyang minamata na naman ang nurses.
Calix brought a homemade lunch to me at work before heading off to his. Naglinis pa siya ng bahay at inihabilin si Matcha sa ramen house kaya hapon na siya nakapasok. Sinabi ko rin sa kanyang huwag na akong sunduin mamaya dahil pupunta pa ako kay Mark.
Bukod sa mas maraming trabaho, wala namang nangyari sa araw ko. It was just an ordinary day, except that I was blushing profusely because of the constant flashbacks of what had happened last night and earlier this day.
Gusto kong magkwento sa mga kabarkada ko na may nangyari sa amin ni Calix, pero paniguradong aasarin nila ako kapag nalaman nilang first time ko iyon. My mouth didn't have a filter. Noong college, dahil nga sa gago kong ex na pasimpleng ikinalat na nag-se-sex kami, hindi na ako nag-abalang linisin pa ang pangalan ko. Sinakyan ko na lang para walang gulo. Wala rin naman kasi talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba sa akin.
Napatulala ako at napaisip. Calix seemed to have a clear grasp of what he was doing. Parang alam niya ang mga dapat at hindi. He was an adult, and it was natural that he knew how to pleasure a woman.
Pero, hmm. May experience na kaya siya bago ako?
Hindi naman iyon big deal. Baka nga mas magulat pa ako kung malalaman kong wala. I mean, he was thirty-two. Most people our age had already started a family. Though, parang hindi naman siya ang tipo na hindi gagawin ang bagay na iyon sa hindi niya girlfriend, hindi ko pa rin maiwasang ma-curious.
Magaling siya, eh. Parang bihasa.
"Doc, pa-sign po," untag ng isang nurse sa akin na nagpabalik sa katinuan ko.
I gave her an awkward smile as if she had just accessed my dirty little mind.
Nang matapos sa trabaho ay agad kong itinext si Calix para sabihing baka ma-late ako ng uwi. Nagbihis lang ako ng black high-waisted pants at beige short sleeves polo. Hindi naman siya sumagot kaya isinilid ko na lang sa bag ko ang cellphone.
Wala pang isang oras ay nasa tapat na ako ng university na pinapasukan ni Mark. Dahil alam ko naman ang College of Architecture, hindi na ako nagtanong pa sa guard. Diretso na akong pumasok doon. I wasn't sure if they still had their classes because the graduation was only a month away. Siguro ay nag-aasikaso na lang sila ng clearance.
Nang makarating sa tapat ng department ay saka ko tinawagan si Mark. After a few rings, he dropped the call.
My brows furrowed. Sinubukan ko ulit pero patuloy niyang ibinababa ang tawag hanggang sa tuluyan niya nang patayin ang cellphone.
"Aba, gago 'yon, ah?" bulong ko sa sarili. Nakatayo lang ako sa tapat ng building habang dumadaan ang ilang estudyante.
"Tita Vina?" agaw ng isang pamilyar na babae sa atensyon ko. "Tita Vina!" she exclaimed when she recognized me.
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Ah, si Kyla po. Kaklase ni Mark," pagpapakilala niya.
Agad akong tumango. Okay, I recognized her now. She was one of his classmates whom he introduced to me when they were creating their paperwork at my parents' house.
"Uh, nakita mo ba si Mark? Tinatawagan ko kasi pero hindi sumasagot," I asked. Bahagya akong sumilip sa likuran niya at nakitang naglalabasan na mula sa building ang iba pang blockmates ni Mark.
"What do you mean po?" maliit ang tinig na tanong ni Kyla. "Isang buwan mahigit na pong hindi pumapasok si Mark."
Napatingin ako sa kanya. "Huh? No."
Her eyes glowed with confusion.
"Graduation n'yo na next month, 'di ba?" tanong ko, medyo kinakabahan na.
"O-Opo..." Lalong humina ang tinig niya. "Mabuti pa po ay kayo na lang ni Mark ang mag-usap, Tita."
Nagwala ang dibdib ko sa sinabi niya. Worry started to fill my heart. Matapos magpasalamat sa babae ay agad akong nagtungo sa bahay nina Kuya Rexter. Wala roon ang kapatid ko kaya ang asawa niya ang sumalubong sa akin.
"Ba't ka nandito?" tanong agad ni Ate Sidney sa akin. "Wala rito ang Kuya mo."
Umiling ako. "Nasaan po si Mark?"
Hindi ko alam kung bakit labis akong natataranta. Maraming ideya ang pumapasok sa utak ko, pero ayaw kong ikumpirma iyon.
Tumawa si Ate Sidney. "Aanhin mo naman ang palamunin na 'yon?"
My lips parted. "What?"
"Wala na 'yon dito! Hindi na umuuwi!" Ngumisi pa siya na parang hindi niya anak ang tinutukoy niya.
I exhaled, trying to calm myself. Wala akong mapapala kung paiiralin ko ang init ng ulo sa babaeng 'to. Kailangan kong makita at makausap si Mark.
"Nasaan?" tanong ko.
"Aba, malay ko! Pinalayas na ni Rexter nang malamang hindi na naman ga-graduate!" pasigaw na sagot niya. "Tanginang bata 'yon. Hindi ko alam kung kanino nagmana. Napakabulakbol!"
I couldn't process her words right away. Napatigil ako sa paglingon-lingon sa loob ng bahay nila dahil sa sinabi ni Ate Sidney.
"'Wag kang mag-alala! Hindi na namin ipipilit ang pagpapa-aral do'n para wala ka nang maisumbat," aniya pa.
Tahimik lang ako. I suddenly remembered the last time I talked to him... at sinabi niyang ayaw niya na.
Ito ba ang ibig niyang sabihin? Na kaya ba itinataboy niya si Yesha... dahil nanliliit na naman siya sa sarili niya? I could still imagine how excited he was for his upcoming graduation. He was so sure about his plans.
Habang nasa byahe patungo sa address ng isang matalik niyang kaibigan ay walang ibang nasa isip ko kung hindi ang pagkabigo ni Mark.
Siguro... umiiyak siya? He could've just told me! Iiyak ako kasama siya! Hindi ko naman siya pababayaan! We'd been through a lot together! Hindi niya dapat itinatago ang ganitong bagay sa akin... dahil magkakampi kami! Dahil Tita niya ako! Dahil alam niyang mahal ko siya!
"Mark!" Kumatok ako sa pintuan ng apartment kung saan ko siya madalas na makita noon tuwing aalis siya sa bahay nila. "Mark!"
Bumukas ang pinto at hindi na nagpapigil ang luha ko sa pagtulo nang makita ang pamangkin ko... payat na payat... pula ang mga mata na parang hirap siya sa pagtulog.
"T-Tita," tawag niya sa akin na parang batang nagsusumbong.
Without saying anything, I hugged him.
Nagsimulang manginig ang balikat niya, tanda ng labis na paghikbi. It was his lowest. He never cried... well, not in front of me. Para niya akong dudurugin sa higpit ng kapit niya sa akin. Hinaplos ko nang paulit-ulit ang likuran niya. He was my nephew, my friend, and my favorite family... and seeing him like this pained me.
"I-I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit at saan ako nagkulang... I-I'm sorry for disappointing you, Tita..." Humikbi siya.
I shook my head. "Bakit hindi mo sinabi kay Tita?" My face was full of tears.
"Hiyang-hiya na ako sa 'yo," mahina niyang saad, basag na basag ang tinig. "Ang t-tagal mo akong pinag-aral at sinamahan, pero, wala, eh..."
Kinalma ko siya. Pumasok kami sa loob ng apartment ng kaibigan niya. Pinaupo ko siya sa sofa. Nakayuko lang siya at hindi pa rin tumitigil ang kanyang balikat sa paggalaw.
My heart clenched in pain when I noticed a few bruises on his jaw. He was beaten up again... by his own father.
"Si Kuya ba ang may gawa nito?" marahan kong hinaplos ang panga niya.
"Kulang pa 'yan," tugon niya.
Hinawakan ko ang mukha niya para iharap sa akin. "Mark, look at me," I muttered.
Sumunod siya. Parang gumuho ang isang parte sa puso ko nang magsalubong ang mga mata namin. His eyes were lifeless, and yet, full of agony.
"Hindi mo ba ako kilala?" mahinang tanong ko. "I'm your Tita, your ally... your friend."
Sunod-sunod ang pagtango niya.
"Ano'ng sinasabi ko sa 'yo kapag may problema ka?"
His lips quivered. "S-Sa 'yo ako lumapit."
I smiled. "Tama. Kasi kasama mo ako, Mark. We're family. Hindi mo dapat ikinahihiya 'to... kasi hindi ako iba. Sa dami ng napagsamahan natin, tingin mo ba, kasusuklaman kita dahil lang hindi ka makakapag-martsa?"
Muling tumulo ang luha niya na mabilis ko namang pinalis.
"My love and care for you are more than the things you will achieve," I whispered. "Can you hear me? Wala akong pakialam kung makatapos ka o hindi... kasi 'yang diplomang 'yan, hindi n'yan masusukat ang laman nito." I pointed at his chest. "Yes, it's nice to have a degree, but that's not the measurement of success, Mark."
He stayed silent.
"You're not alone." I pulled him into a hug. "I'm here. Kakampi mo ako sa lahat."
He started sobbing again... like a child, longing to be loved and accepted. I treated his bruised and scars, at habang ginagawa iyon ay lumalaki lamang ang galit ko kina Kuya Rexter at Ate Sidney.
Magulang sila... pero bakit hindi nila kinakalinga ang anak nila? Imbes na damayan sa ganitong mga panahon, pinagkaitan pa nila ito ng karapatan maging anak.
Nakatulog siya sa sofa kaya nagsimula akong maglinis ng apartment. Sinabi niya sa akin na ang kaibigan niya ay sa ibang bahay tumutuloy. Dala siguro ng awa ay ipinahiram na nito ang apartment kay Mark. Sa isang oras na paglilinis ko ay maya't maya ang pagtigil ko dahil sa pagtangis. I couldn't imagine his pain. Na bukod sa pambubugbog ay nakatanggap din siya ng matatalas na salita.
Nang magising siya ay niyaya ko siyang kumain sa labas. Hindi naman siya nakatanggi dahil sa pamimilit ko.
"Favorite natin dito sa Blue Plate, 'di ba?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Mahal naman dito, Tita..." halos bulong na iyon.
I snickered. "Kailan ka pa nagkaroon ng pakeilam sa mga presyo? Come on. Ang maganda mong Tita ang kasama mo! What are you worrying?"
Natahimik siya kaya nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga.
"Mark, pinapaliguan kita no'ng bata ka pa. Nakita mo na akong umiyak dahil sa bagsak kong exams. Kasama rin kitang mag-inom kapag brokenhearted ako... at tuwing may family reunion, tayong dalawa 'yong laging pinapagalitan." Mahina akong tumawa. "Kung may taong nakakakilala sa akin nang sobra, ikaw 'yon."
Unti-unti, ngumiti siya. "Hindi si Calix?"
Ngumuso ako. "Magse-seven months pa lang kami! Syempre, hindi pa!"
"Pa," he echoed. "Walang tatalo sa pagkakakilala ko sa 'yo, Tita."
"Oo. At wala ring tatalo sa pagkakakilala ko sa 'yo!" I chuckled. "Umayos ka, ha? Kailangan ko ng iiyakan kapag sinaktan ako ni Calix."
Umiling siya, nangingiti. "Hindi ka sasaktan no'n."
I pursed my lips. "In case."
"Aabay lang ako sa kasal mo kapag si Calix ang mapapangasawa mo," tawa niya. Tuluyang nawala ang bigat ng pinag-uusapan namin kanina.
"Akala ko ba ay fuck boy?"
Ngumisi siya. "Bakit? May nangyari na ba sa inyo?"
Napaawang ang bibig ko sa diretsong tanong niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil muling nanumbalik sa akin ang ginawa namin kagabi at kaninang umaga.
"Sure naman akong wala pa... Ikaw pa, ba? Asa namang bumigay ka agad."
Umismid ako. "Shut up!"
Natahimik kami parehas nang dumating ang orders namin. Pinanood ko kung paano siya ganadong-ganadong kumain na animo'y ilang araw siyang nagutom. Binalot muli ng awa at pag-aalala ang puso ko, pero sinigurado kong hindi niya iyon mahahalata sa akin.
"Pupuntahan uli kita bukas, ha? Sa bahay ka na maghapunan. Kung gusto mo, doon ka na rin matulog," saad ko matapos kumain.
"Hindi na, Tita. Naghahanap din ako ng trabaho, eh. Ako na ang bahala sa sarili ko." He gave me a smile.
"Trabaho? Paano... hindi ka muna papasok?" I asked.
Umiling siya. "Hindi na talaga ako papasok."
"Pero, isang sem na lang naman... isang subject na lang. I-take mo na. Sayang ang pinagpaguran natin."
"Ayoko na. Nakakasawa na 'yan. Sapat na siguro 'yong seven years na sinayang ko," sagot niya. "Hindi man natin tanggapin pareho, tama sina Lola. Pabigat lang ako."
I cleared my throat. "P'wes, hindi ako nabibigatan. Mas mahalaga sa akin ang pangarap mo kaysa sa mga gastos na 'yan."
Tumawa siya. "Thank you, Tita."
"Anong thank you? Sa bahay ka kumain bukas!" kunwaring pagsusungit ko.
Tumitig siya sa akin at maya-maya'y huminga nang malalim. I knew he wanted to ask something... at alam ko kung tungkol saan iyon.
"Si... ano... si Yesha..." I was right. "Kumusta?" He couldn't even look at me.
Nag-iwas din ako ng tingin. I was hurting for them.
"Umiiyak kahapon. Nag-usap kayo?" marahang tanong ko.
He bit his lower lip. "Tama naman ang ginawa ko, 'di ba? Wala siyang mapapala sa kagaya ko. Mabuti nang matigil na agad habang maaga pa. Makakalimutan niya rin naman ako."
"Mark."
He chuckled, but I could sense pain behind it. "Pero, ako, hindi ko makakalimutan 'yon."
Yumuko ako para hindi ko makita ang mga mata niya.
"May hinalikan ako sa Hipsters, at sinigurado kong makikita niya 'yon. Text pa rin nang text, eh. Tawag nang tawag." He exhaled. "Ang ganda ganda niya tapos naghahabol lang siya sa akin. Wala naman akong maibibigay ro'n."
"Mahal ka ni Yesha, Mark."
Napatigil siya sa pagsasalita kaya tumingala ako para tingnan siya.
"Gaya ko, mahal ka niya hindi dahil sa mga makakamit mo... hindi dahil sa mga maibibigay mo. Mahal ka niya kasi ikaw si Mark," litanya ko.
Umiling siya. "Tita, nurse si Yesha. Maraming pipila sa kanya na mga professional, mga mayayaman."
"Why does it matter?"
He smiled sadly. "Ano 'yon... laging dirty ice cream ang ibibigay ko? Laging mumurahing regalo?"
Nadurog ang puso ko sa sinabi niya.
"Gustuhin ko mang ibigay sa kanya ang lahat... kaso, wala nang natitira sa akin, Tita. Parang sinasabi ng mundo na... na 'wag muna ngayon kasi kahit sarili ko hindi ko kayang buhayin."
"You... you could've just told her. Maiintindihan niya 'yon."
Dahan-dahan siyang umiling. "Ayaw kong makulong siya sa akin. Kasi hindi lang naman linggo ang hihintayin para makabangon ako, eh. Hindi lang buwan. Taon. Maraming-maraming taon."
Sa paraan ng pagsasalita niya, parang tinuldukan na niya ang ibang posibilidad. He had given up... He gave up his dreams, his family, his love, and his life. At wala akong ibang magawa kung hindi ang maintindihan kung saan siya nanggagaling.
"I'm with you," I assured him.
I reached for his hand on the table and gently squeezed it.
"Kahit dekada pa ang itagal n'yan, I'm with you."
Inihatid ko siya sa apartment. He promised me not to drop any of my calls. Habang naghihintay ng taxi ay sinilip ko ang cellphone ko. Nagtaka ako nang makitang wala pa ring message si Calix. Usually, kapag ganitong oras at wala pa ako sa bahay ay natataranta na siya sa pagtawag. What's with today?
Nang makauwi ay nakita kong nakaparada na ang motor niya. Kung nandito lang pala siya sa bahay, bakit hindi siya nag-te-text?
I opened the house, and my lips parted in shock when I saw how messy the living room was. Maraming dumi ni Matcha sa sahig at may pinagkainan pa sa center table.
Pumikit ako at pilit na ikinalma ang sarili. Ayaw kong pag-awayan pa namin ni Calix ito kaya walang imik akong naglinis. Ngalay ang buong katawan ko dahil sa labis na pagod, pero hindi ako nagreklamo. Hindi ko alam kung nasaan si Calix dahil hindi naman siya bumaba kahit na tahol nang tahol si Matcha. Maingay rin ang paglilinis ko at siguradong maririnig iyon sa kwarto niya.
Nang matapos ay masamang-masama ang loob ko. He knew that I hated dirt... pero ganoon pa rin ang naabutan ko. Gusto ko siyang pagalitan pero ikinalma ko ang sarili dahil ayaw kong mangyari ulit ang nangyari sa amin dati. I don't want to trigger him. I don't want to shout at him.
Umakyat ako sa kwarto niya, at handa na sa pagkatok nang marinig kong tila may kausap siya sa cellphone. Hindi ko siya masyadong marinig.
Alas-onse na... at may katawagan pa siya nang ganitong oras? Ni hindi manlang naisip na wala pa ako sa bahay? At inuna niya talaga iyon kaysa ligpitin ang kalat niya?
For some unknown reason, my heart hammered.
Isang beses akong kumatok bago binuksan ang pintuan.
Nang makita ako ay dali-dali niyang ibinaba ang cellphone. Nakita kong pinatay niya ang tawag na parang natataranta dahil nahuli ko siya. His eyes widened a fraction, as if surprised that I was there.
"V-Vina!" he exclaimed.
I had no idea why fear and suspicion enveloped my heart. I'd seen that reaction from some of the men I had dated before.
"Sino ang kausap mo?" I asked calmly.
Lumikot ang mga mata niya, parang naghahanap ng sagot. Sa bawat segundong wala siyang sinasabi ay may parte sa puso ko ang gumuguho.
"W-Wala 'to!" He gulped. "Hindi ko alam na nakauwi ka na... I'm sorry, I didn't contact you. I... I was doing something."
Seryoso lang ang mukha ko. Parang nawala ang pagod ko dahil sa paglagabog ng dibdib ko. The reaction... the words... they were too familiar. He didn't contact me the whole day. He didn't even check on me. He failed to clean the house because he was too focused and drawn to the caller.
Mas mahalaga ba talaga iyon... kaysa sa akin?
"Ano'ng ginagawa mo?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na kwestyunin siya.
He's Calix! Kung ano mang iniiisip ko... hinding-hindi niya iyon magagawa sa akin! We were just so sweet and clingy this morning!
He stood up and walked towardme slowly. Ni hindi ko na maisumbat ang dumi ng bahay o ang hindi niya pagsagot sa messages ko. Ang tanging bumabagabag sa isipan ko ay kung sino ang kausap niya... at anong importanteng bagay ang ginagawa niya kaya hindi niya ako na-i-check manlang?
My doubts were driving me into something I didn't want to think about.
Niyakap niya ako at huminga nang malalim. Kung hindi ko siya naabutan na may ibang kausap sa telepono ay maiisip kong puno ng lambing ang yakap niyang iyon.
Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro