Chapter 20
Chapter 20
After that, a lot of things happened. Yesha had grown so distant from Mark that she couldn't bear being in the same room with him. Mark was also doing nothing. Ayaw ko namang manghimasok sa relasyon nila. Akala ko ay maaayos din agad pero mukhang seryoso talaga ang pagtatalo nila.
Nito ring mga nakalipas na linggo, hindi na ako nasusundo ni Calix sa ospital dahil late na siyang umuuwi. Minsan nga ay hindi na. Bukod kasi sa may ikino-close silang deal ngayon ng mga kasamahan niya sa trabaho, medyo nahihirapan na si Lola Harriet. Halos hindi na ito makatayo at unti-unti na ring nanlalagas ang buhok niya.
"Uuwi ka mamaya?" marahang tanong ko kay Calix habang pinapanood siyang magsuot ng sapatos. May biglaang trabaho kasi siya ngayon.
He sighed. "Titingnan ko pa. Ikaw? Saan ka ngayon?"
Sumandal ako sa hamba ng pintuan. "Hmm... wala. Dito lang ako."
Hindi pa siya nakakaalis ay na-mi-miss ko na agad siya. Sa amin ang Sabado, eh... pero syempre, may kanya-kanya rin naman kaming list of priorities. Sana slang ay umuwi siya mamaya.
Pinanood ko lang siya. Kung paanong tiningnan niya kung may pagkain pa ba si Matcha at kung paanong inayos niya ang sarili sa harap ng full length body mirror. Seryosong-seryoso ang mukha niya at kung hindi ko lang siya kilala ay iisipin ko talagang suplado siya.
Humarap siya sa akin. Napansin niya sigurong nakanguso ako kaya lumapit siya sa pwesto ko.
"Hindi ako makakaalis kung ganyan ang itsura mo," nangingiting aniya. "Ano'ng gusto mong lunch? Magpapa-deliver ako rito para hindi ka na magluto."
I exhaled and pouted more. Walang Calix today. "Ako na ang bahala sa sarili ko. Mag-iingat ka na lang."
Tumango siya bago ako higitin para yakapin. His scent reached my nose instantly. Inihatid ko siya ng tingin at nang tuluyang makaalis ay nagsimula na rin ako sa paglilinis. Gusto ko sanang papuntahin si Mark pero may gagawin daw siya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumunganga na lang sa bahay.
Ang ending, lumabas na lang ako para mag-grocery. I texted Calix, but I didn't get a reply. Abalang-abala siguro talaga siya. Isang beses lang siyang tumawag noong lunch time, at matapos iyon ay wala na siyang paramdam. Ayaw ko namang mangulit dahil kahit ako ay ayaw nang ganoon kapag ako ang nagtatrabaho.
Kumuha ako ng kimchi at inilagay iyon sa cart. Napansin ko kasing paubos na 'yong kay Calix. Akmang kukuha rin ako ng fruit juice nang makita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang babae.
Si Gwen.
Kumunot ang noo ko. She was dressed in a disguise, with a face mask on and her hair in a messy bun. May kasama siyang babae na nahalata ko agad na PA niya.
Kumuha na lang ako ng fruit juice at hindi na siya pinansin. Lumampas ako sa likuran ng PA niya at hindi ko sinasadyang marinig ang sinabi ni Gwen.
"Kumuha ka ng kimchi," utos niya sa PA.
The woman giggled. "Para kay Calix, Madam?"
Umawang ang bibig ko. Hindi ko na naihakbang ang mga paa dahil pinag-iisipan ko kung papatulan ko ba siya.
"Yeah. Yayayain ko ng dinner sa ramen house mamaya," sagot ni Gwen.
Napaismid ako.
"May girlfriend 'yon, Madam, 'di ba?" untag pa ng PA.
"Oo... pero may masama ba roon? Gusto ko lang naman makasamang mag-dinner ang kababata ko. Wala dapat malisya 'yon." Tumawa pa siya.
I shook my head and pushed the cart. Pasimple kong binangga ang paa ng PA at narinig ko pa ang reklamo nito. Hindi ako tumingin para mag-sorry. Tolerating your Madam, huh? Mga pangit kayo.
Nasa meat section ako nang mag-ring ang cellphone ko. Napangiti agad ako nang makitang si Calix iyon.
"Hi!" sagot ko sa tawag.
Mahina siyang tumawa. "Nasaan ka?"
"Nasa supermarket. Ikaw?"
"Nasa office pa rin. Hanggang gabi yata kami rito," aniya. "Baka hindi kita masabayan sa pagkain mamaya."
I pursed my lips. "Nandito ang kababata mong hindi mo ka-close."
"Hmm?"
"'Yong tinuruan mo sa math no'ng bata ka... nandito." Inayos ko ang buhok ko dahil humaharang iyon sa cellphone ko. "Yayayain ka raw mag-dinner. Sasama ka?"
He chuckled. "Si Gwen ba?"
Pinigilan ko ang mapairap. "Oo."
Narinig ko uli ang marahan niyang pagtawa. "Ikaw nga hindi ko makakasama, siya pa kaya?"
Lumapat ang ngiti sa labi ko. Very good talaga.
"Kung may oras ako, mas gugustuhin ko namang sabayan ka sa pagkain," pambobola niya. "Irap pa lang, ulam na."
"Calix Dylan!"
Humalakhak siya. Lagi na lang siyang tumatawa kapag alam niyang napipikon niya ako. "May oras ka ba ngayon?"
"Bakit?" sungit-sungitan ko.
"Pumunta ka rito. Ipapakilala kita sa mga kasama ko," saad niya.
Namilog ang mga mata ko. "Sira ka. Nagtatrabaho kayo, eh. Ayaw kong mabansagang clingy na girlfriend, 'no!"
"I'm the clingy one," he uttered softly. "Ayaw ko nang magtrabaho. Gusto ko na lang umuwi tayo."
Pinilit niya akong pumunta roon pero hindi ako sumunod. Alam ko kasing kapag nandoon ako, magiging abala lang ako sa kanya. I don't want to delay his work. Mas maagang matapos, mas maayos. Nagbayad lang ako sa cashier at umuwi na rin agad.
I reviewed some of the psychological reports and records. Pasasalamat ko talaga na hindi ako natanggal sa trabaho kahit na nakaalitan ko si Dr. Santiago. Ang kaso, pansin na pansin ko ang pagbabago ng trato niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil wala naman akong magagawa. I knew I needed to say those words to enlighten him. Hindi naman pwedeng habambuhay na lang niyang mamaliitin ang ibang healthcare professionals dahil lang mataas ang pinag-aralan niya.
Busy ako sa pagbabasa nang may mag-doorbell. Tumayo ako para silipin kung sino iyon at nagtaka ako nang makita ko si Yesha. Mukhang katatapos lang ng duty niya.
"Anong hangin ang nagdala sa 'yo rito?" tanong ko habang pinagbubuksan siya ng gate.
Hindi siya sumagot. Napansin kong may dala siyang mga bote ng alak kaya natahimik din ako. Sabay kaming pumasok sa loob at nabasa ko agad sa mukha niya ang lungkot.
"Shot tayo, Doc." She sighed. "Dalhin ko sa mesa 'to, ha?"
I swallowed hard before nodding. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Wala pang limang minuto ay tinawag niya na ako. Nakahain ang pulutan sa mesa kasama ang apat na bote ng alak.
I wanted to say no because I had to work tomorrow, but I didn't have the heart to do so in her current state.
Tahimik lang akong naupo sa harap niya. Mukhang kagagaling niya lang sa pag-iyak dahil medyo namumula ang mga mata niya. Sa pagmamasid pa lang sa kanya ay may kumikirot na sa puso ko.
"Tapos na," biglang saad niya.
I lowered my gaze.
"Tangina, tapos na." She chuckled. "Tinapos niya na."
I didn't know what to say. Sa boses niya, halatang paiyak na siya.
"Saan kaya ako nagkulang, 'no?" her voice cracked again. "Kasi... siya na lang naman ang hinihintay kong magtanong."
"Yesha..." bulong ko.
Tumawa siya at pinalis ang luha. "Ang sakit maiwan nang walang dahilan."
Humigpit ang kapit ko sa baso.
"Pero no'ng nalaman ko 'yong dahilan..." Her breathing became labored. "Mas okay palang hindi ko na lang alam."
Inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon. She was my friend and Mark was my nephew. Gusto kong gumitna lang sa kanila dahil ayaw kong may papanigan ako. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong alamin kung ano ang nangyari sa kanila.
Muling tumulo ang luha ni Yesha. "May k-kahalikan sa Hipsters," basag na basag ang boses niya.
Nanikip ang dibdib ko kasabay ng pag-usbong ng gulat at dismaya. Para siyang batang nagsusumbong sa akin.
"Ano'ng gagawin ko?" maliit ang boses na tanong niya. "Tama naman siya. Hindi naman kami. Wala akong karapatang magalit..."
"Yesha, you have all the right to be mad. Siya ang nanghimasok sa buhay mo," I whispered. "Kakausapin ko si Mark... aalamin ko kung ano ang nangyayari sa kanya."
Umiling siya. "Hindi naman ako pumunta sa 'yo para pag-ayusin kami. G-gusto ko lang maalala 'yong rason kung bakit ko siya minahal."
Diniretsong inom niya ang nasa baso.
"Kapag kasi nakikita kita, naaalala ko 'yong... 'yong unang beses na nilapitan niya ako." Ngumiti siya. "T-tinanong niya kung bakit daw may anghel sa ospital..." A tear fell from her eye. "Tapos no'ng kikiligin na ako..." Mahina siyang tumawa, para bang inaalala ang nangyari. "Sinabi niya na ikaw raw 'yong anghel... at bakit daw ako namumula."
Kahit na nakakaaliw ang kwento niya, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa tinig niya.
"It was always his humor and his concern. 'Yong kapag napakahaba ng duty ko, patatawanin niya lang ako... ipagyayabang niya sa akin 'yong matataas niyang score sa quizzes kasi raw gustong-gusto niya nang makatapos para sa akin... at para sa 'yo."
I witnessed it all. Ilang beses din akong sumama sa kanila—kapag matatapos ang trabaho, kapag lunch time, kapag date namin ni Calix. Hindi mahagip ng isipan ko na matatapos sila... because, somehow, I knew what they had was one for the books.
"Wala lang. Isang iyak lang naman 'to, eh. Wala naman akong magagawa kung ayaw na ni Mark, 'di ba?" Yumuko siya para titigan ang baso. "Alam kong... malilimutan ko rin. Pero ngayon, ewan... yayakapin ko muna 'yong mga alaala." She exhaled, indicating another batch of tears. "Ma-mi-miss ko ang gagong 'yon..."
I ended up hugging and crying with Yesha. Hindi ko alam ang dapat maramdaman pero nangingibabaw roon ang panghihinayang sa nabuo nila. Kahit kasi mas matanda si Yesha kay Mark, walang nakaramdam noon sa amin. Mark was matured, despite having a playful side... pero kahit anong klase ng pagkausap ko, tama si Yesha. Kung ayaw niya na, wala akong magagawa.
Their relationship was something I had no control over. It was theirs.
Inihatid ko siya hanggang sa kanila dahil alam kong may tama na siya ng alak. She kept on crying and crying. Sinisisi niya ang sarili dahil nahulog siya kay Mark.
And seeing her in this state, I feared for myself.
Hindi ko kaya... kapag si Calix na.
If he chose to dump me, my whole world would surely crumble... If I ever caught him kissing another woman, my heart would give up. Iniisip ko pa lang ay hindi ko na kaya. Ang sikip na agad sa dibdib.
I've been through a lot of heartbreak, but if it was Calix, I knew it wouldn't just bruise me; it would end me.
Itinatak ko sa isip ko na kumustahin si Mark sa mga susunod na araw. Ayaw kong maging one-sided dahil parehas ko silang kilala. At kung makumpirma ko mang totoo ang sinabi ni Yesha, ako ang unang magagalit sa kanya. It was cheating. Hindi man nila tinawag na opisyal ang relasyon nila, panloloko pa rin iyon. They didn't need labels to be exclusive. It was their freaking default.
Nakasuot lang ako ng matching pajamas habang naglalakad. Nag-taxi ako pero hindi ako sa mismong bahay bumaba dahil gusto kong magpahangin.
Tumingin ako sa buwan at tahimik na hiniling na sana ay hawakan nitong mabuti ang relasyon namin ni Calix... na kung may pagsubok man kaming haharapin ay hawak-kamay namin iyong lalampasan.
I walked for another minute before my phone started ringing. It was, of course, my boyfriend.
"Hmm?" Naglakad ulit ako. Alam kong naririnig niya ang ingay sa paligid ko lalo at rush hour. Marami ang mga sasakyan.
"Wala ka sa bahay?" tanong niya. "Susunduin kita."
Tumawa ako. "May trabaho ka, ah? Akala ko hindi ka magdi-dinner kasama 'ko?"
He paused for a while.
"Kasi... ano..." I could imagine him pursing his lips. "'Wag kang magagalit?"
Agad na kumunot ang noo ko. Well, now, I'm mad.
"Ano 'yon?" masungit kong tanong.
"Si Gwen kasi."
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Jusko, ang babaeng 'yon na naman?! Kapag hindi ako nakapagtimpi ay patatahimikin ko na talaga ang ilusyonadang iyon! Wala na akong pakialam kung gaano pa siya kataas!
"Pumunta rito sa office... kilala no'n si Rod, 'di ba?" Narinig ko ang paghinga niya. "Nagdala ng pagkain dito."
"Nasaan ka?" Tumigil na ako sa paglalakad para makausap siya nang maayos.
"Lumabas ako... syempre. Ayaw ko namang sa iba mo pa malaman na pumunta siya rito."
"Eh, bakit mo ako susunduin? Kumain ka na d'yan." Nabahiran ng pag-aalala ang tinig ko. Pagod siya buong araw. Hindi ako para magselos sa ganito kaliit na bagay. "Naitawag mo naman na... at alam kong hindi ka naman gagawa ng bagay na ikaiinis ko."
He sighed. "Miss na rin kita, eh."
Nag-init ang pisngi ko. Bwisit, paano ko naman matitiis 'to?!
"Punta ka rito, please. Tayo ang sabay kumain." Mahina ang boses niya na para bang ayaw niyang iparinig iyon.
"Hoy, Calix! Tara na rito!" narinig kong sigaw ni Rod.
"Mamaya. Kausap ko si Vina."
Napanguso ako para pigilan ang pagngiti.
"Ano'ng gusto mong kainin?" hindi napigilang tanong ko.
He gasped. "Pupuntahan mo... ako?" Oh, boy, he sounded so excited! "Ano... uhm... chicken sa Jollibee."
"Chicken sa Jollibee?" Lumawak ang ngiti ko. Cute.
"Oo." Tumawa siya nang mahina. "Dumaan kasi sa newsfeed kanina ni Rod sa Facebook. Ayun, medyo nag-crave."
Humalakhak ako.
"Hindi ba kita susunduin? Nasaan ka ba? Baka mapaano ka d'yan," nag-aalalang tanong niya.
"Hindi na. Malapit lang din ako sa Jollibee. Hintayin mo na ako d'yan sa labas."
I ordered two buckets of chicken with full inclusion of side dishes. Hirap tuloy akong magbitbit hanggang sa sakayan.
Ilang minuto lang din ay natanaw ko na si Calix sa labas ng building ng opisina niya at seryosong nakatitig sa kawalan. Ang itim na T-shirt, silver na dog tag, at nakataling buhok ay pinagmukha siyang suplado. Habang nagbabayad ng pamasahe ay nakita ko pa kung paanong kumunot ang noo niya. May dumaan kasing dalawang babae na halatang pinagbubulungan siya.
His face lit up when he saw me. Nawala agad ang sungit. Para siyang batang sumalubong sa akin. Kinuha niya agad ang dala ko bago patakan ng halik ang noo ko.
"Finally," he said.
"Finally?"
"Nandito ka na." His chest heaved. "Na-miss kita, eh."
"Nakita mo ako kaninang umaga."
"Ewan ko ba." Humiwalay siya sa akin bago marahang ngumiti. "Ang galing nga, eh. Parang nawala ang pagod ko. Paano mo ba nagagawa 'yon?"
I bit my lower lip to suppress my smile. "Siraulo."
Nag-buntonghininga siya at muling humalik sa tuktok ng ulo ko. "Kaya 'wag kang mawawala nang matagal sa paningin ko, ha? Okay lang mapagod ako buong araw kung ikaw naman ang uuwian ko."
Tuluyan akong napangiti sa kabaduyan niya. I never thought I would fall in love with someone so vocal and proud of his love for me. Hindi yata talaga ako sanay sa ganitong pagmamahal. Para pa rin kasing panaginip kapag sinisigurado niya ako nang ganito.
"Wala akong plano, Calix..."
Magkahawak-kamay kaming pumasok sa building. Sa isang kamay niya ay effortless niyang binuhat ang kanina'y pinaghihirapan kong madala.
"Ba't naka-pajama ka na pala? Patulog na?" nangingiting tanong niya.
Saka lang pumasok sa utak ko na wala akong kaayos-ayos! Bumitaw ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko. I opened its camera and fixed myself. Ni wala akong lipstick!
"Calix, next time na lang kaya?!" sambit ko. "Nakakahiya naman sa mga kasama mo! Halatang hindi ako prepared!"
At naroon pa si Gwen! Siguradong nakapormada iyon! Ni hindi na ako magtataka kung may headdress pa siya! Bida-bida 'yon, eh.
He chuckled. "Ikaw ang pinakamaganda roon kahit wala kang ayos, Vina."
"You're just saying that because I'm your girlfriend!" Hinigit ko ang sleeve niya. "Please, let me at least apply some lipstick."
"May dala ka ba?" tanong niya.
I pouted. Wala.
"Mapula naman ang labi mo, Vina," saad niya, unti-unting bumaba ang tingin sa bibig ko. "Ang ganda pa ng hugis."
Ramdam na ramdam ko ang pug-iinit ng pisngi ko. Parang sirang plakang nag-play sa utak ko ang pagkakataong sinabi niya na "addicting" ang labi ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pero napakunot ang noo ko nang makitang out of order ang elevator.
"Ayos lang ba sa 'yong mag-hagdan na lang? Ilang araw na ring sira 'yan, eh. Hindi pa naaayos ng maintenance."
"Saang floor ba ang office n'yo?" tanong ko.
"Fourth. Medyo mahaba ang hagdan. Bubuhatin na lang kita kapag hindi mo na kaya."
Umirap ako. "Anong tingin mo sa akin?! Mahina ang tuhod?! Mag-unahan pa tayo sa pag-akyat!"
Tumawa siya. Inakbayan niya ako at naglakad na kami paakyat. Iniikot ko ang isang kamay sa baywang niya habang ang isa ay bitbit ang drinks.
"Calix, kinakabahan ako, ha! Ampangit ko ngayon," reklamo ko.
"Ngayon lang?" pang-aasar niya.
Nalaglag ang panga ko. Tumigil ako sa paglalakad at humiwalay sa kanya.
"Ngayon ka lang... kinabahan?" He smirked.
I hissed. Bwisit na lalaki 'to!
"Come on, ano pa bang sasabihin ko para maniwala ka sa aking maganda ka?" Nangingiti pa rin siya. "Wala ka bang salamin at hindi mo nakikita ang sarili mo?"
"Alam kong maganda ako!" agap ko kahit hiyang-hiya na. "Parang maputla lang ako ngayon!"
A scheming and playful grin arose from his lips. He looked around, and when he saw that no one was there, he placed the paper bag on the staircase. Lumapit siya sa akin, at dahil hindi ko alam kung ano ang plano niya ay napahakbang ako patalikod.
"H-Hoy!" kinakabahan kong sita sa kanya. "Swiper, 'wag kang lalapit! Swiper, 'wag kang lalapit!" paulit-ulit pa na panggagaya ko sa Pinoy version ni Dora.
Pakshet naman kasi! Ikaw ba naman ang lapitan ng ganito ka-hot na lalaki, hindi ko alam kung hindi malagutan ng garter ang panty mo! Kahit Commando pa ang brand!
Napatigil siya at napatawa. "Basag trip ka naman, eh."
"Paano ay nananakot ka!"
"At ano namang nakakatakot sa ginagawa ko?" hamon niya.
I swallowed. "Eh, lumalapit ka kasi! Malay ko ba kung may iba kang pinaplanong gawin!"
"Gaya ng?" Ngumisi siya.
I breathed. Alam ko ang dapat isagot pero ayaw ko namang magtunog assuming!
Ngumuso ako. "Pagdadasal?"
His laughter burst forth from him. Natulala lang ako sa kanya. Nang makabawi ay dinampot niya ang paper bat at muli akong inakbayan.
Lalo akong sumimangot. Sayang. Hindi natuloy. Kala ko pa naman ay magkakaroon na kami ng hot kissing scene sa staircase. Pwede nang i-upload sa porn sites kapag nagkataon.
The whole scenarion was a fun distraction that helped me forget about Mark and Yesha for a while. Calix introduced me to his colleagues, but I didn't pay any attention to Gwen. Hindi niya deserve ang atensyon ko. Isa pa, saling-ketket lang naman siya rito. Hindi naman siya katrabaho ni Calix.
"Kaya pala laging pauwi!" panunukso ni Rod.
"Kung gan'yan ba naman ang uuwian, eh..." pagyayabang ni Calix.
Nagtawanan ang iba pa nilang kasamahan. Pasimple akong sumulyap kay Gwen na ngayon ay nakabusangot na. It was a victory on my part, of course. Hindi pa ako umiimik ay nananalo na agad ako.
Hindi lang si Calix ang kumain ng dala ko. Natalo noon ang Italian and Mexican cuisine na dala ni Gwen dahil parang lahat sila ay nag-crave sa Jollibee. Masayang-masaya naman akong kumain kasama sila.
"Calix, kailan ka ulit tatao sa ramen house?" singit ni Gwen.
"Huh? Ano... kailangan ba? Medyo abala kami ngayon, eh."
Oo nga?! Para namang pinapasweldo nila si Calix kapag tutulong siya roon! Pinapadalhan lang naman ng pagkain! Kayang-kaya ko ring pakainin ang boyfriend ko, inggrata!
Her jaw dropped slightly. "Matutuloy ang transaction n'yo with Mrs. Cielo Amore Perez?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko sa pamilyar na pangalan. Kung hindi ako nagkakamali ay may-ari iyon ng isang malaking university kung saan nagtrabaho dati si Chin.
Napansin siguro iyon ni Calix dahil lumapit siya sa tainga ko.
"Kliyente namin 'yon. Ibinebenta ang private island nila. Malaki ang magiging commission namin do'n dahil nakahanap na kami ng prospect buyer. 70% sure na. Sasamahan na lang namin sa tripping."
Tumango na lang ako. Ngumiti naman siya bago bumaling ulit kay Gwen.
"Oo, tuloy," simpleng sagot niya.
"Wow! That's a huge deal!" Pumalakpak pa siya. "Kapag natapos kayo ay ililibre ko kayong lahat!"
Sa sinabi niyang iyon ay natuwa ang lahat. Pinuri pa ng ibang babae si Gwen at tuwang-tuwa naman siyang tinatanggap ang compliments nila. Tumingin ako kay Calix na parang walang pakialam sa paligid at tutok ang mata sa chicken.
Maya-maya'y tinanggal niya ang chicken skin at nakangiting humarap sa akin.
"Ah," pinanganga niya ako. "Heto na ang airplane," pang-aasar pa.
Sinimangutan ko siya pero isinubo ko rin naman ang ibinigay niya. Nakangiti pa siya habang pinapanood akong kainin ang balat.
"Ang amos naman ng girlfriend ko," pangungulit niya bago kumuha ng tissue. Pinunasan niya ang gilid ng bibig ko.
"Bakit mo ba ako bina-baby?" pinasungit ko ang tinig. "Napakalayo ko sa pagiging baby! Ugaling maton ako."
Ngumisi siya. "Kung pwede lang kitang ibulsa, Rovina."
"Rovina," I echoed. "Pangit. Tapos Desamero pa."
Humilig siya sa upuan at tinitigan ako. Wala na kaming pakialam sa paligid.
"Gawin na nating Fujimoto?"
My heart skipped a beat. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan. Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang wala na siyang pakialam sa naiwan niyang pagkain.
I pursed my lips a bit. "Si Gwen... paano kapag gusto niya rin?"
"Hindi naman niya gusto," aniya.
Kumunot ang noo ko. "Wrong answer!"
He chuckled. "Edi kung gusto niya, pakasalan niya si Matcha."
Unti-unti, hindi ko napigilan ang pagtawa. Shuta, dogzoned ka 'te.
Ngumuso si Calix, parang may napagtanto.
"Pero... ayaw ko pala. Akin pala si Matcha," bawi niya agad. "Basta, hindi na rin ako pwede. Reserved na para kay Vina."
Buong oras ay kami lang ang magkausap, at thankfully, walang nangahas na manghimasok sa sarili naming mundo. Nagkaroon pa sila ng mabilisang meeting bago nagpaalamanan. Si Gwen ay umuwi na rin. Ilang beses pa siyang nagtangkang solohin si Calix pero syempre, umiiwas ang boyfriend ko. Ni hindi ko na kailangang ma-bother dahil kusa siyang lumalayo sa impakta.
It was raining hard when they finished working. Nauna nang makaalis ang mga kasamahan ni Calix dahil nagpasundo na sa kanya-kanyang asawa. Ang iba naman ay may sariling kotse.
"Mababasa ka kapag nag-motor tayo," bulong niya. "Nakaputi ka pa naman."
"Mag-book na lang tayo?" tanong ko.
Tumango siya. Ang kaso, noong chineck ko na kung may available driver, nabigo lang ako. Panigurado kasing maraming stranded ngayon.
"May bagyo ba?" bulong ko sa sarili.
Nanahimik kami parehas. Hinintay naming tumila ang ulan pero wala namang nangyari. Nag-aalala na siya kay Matcha dahil takot iyon sa kidlat. Mag-isa pa naman siya sa bahay ngayon.
"Tara na. Maligo na lang tayo agad pag-uwi," suhestyon ko.
Umiling siya. "Mababasa ka, Vina. Baka magkasakit ka pa."
"Sus, kaysa naman ma-stuck tayo rito! Kawawa si Matcha! Umiiyak na 'yon."
Dumaan ang labis na pag-aalala sa mukha niya. Ang ending ay kinuha niya ang motor at agad na ipinarada sa tapat ng building. Basa na siya pero wala na siyang pakialam. Mabilis akong umangkas sa likuran niya. Nabasa rin ako agad dahil doon. Malas pa na naiwan niya ang kapote sa bahay.
Napapikit ako. Mukhang galit na galit ang langit.
He drove quickly, dahilan para mapayakap ako nang mahigpit sa baywang niya. He didn't seem to notice it. Wala pa ngang ilang sandali ay nasa bahay na rin kami. Parehong basa, pero mukhang may filter ang tubig na tumama kay Calix dahil nagmukha lang siyang model.
Pumasok kami sa bahay at napangiti ako nang sabay pa kaming nag-abot ng towel sa isa't isa.
Napatingin din kami sa kulungan ni Matcha... at taliwas sa mga iniisip namin, mahimbing na mahimbing ang tulog ng aso.
Lukaret. Hindi manlang kami binati. Samantalang kapag ibang araw, hindi na siya magkanda-ugaga sa pagtahol sa amin. Hilig niya siguro ang ganitong weather.
I towel dried my hair while standing in front of Calix. Nakatitig siya sa akin, at nang pasadahan ng tingin ang katawan ko ay napaubo siya. Agad ang pag-arko ng kilay ko.
"Problema mo?"
Nag-iwas siya ng tingin. "'Yong ano... 'yong bra mo."
Napatingin ako sa sarili at nag-init ang mukha ko nang mapansing kitang-kita ang kulay pula kong bra mula sa puti kong pajama top. Lumunok ako at pasimpleng tinakpan ng towel ang katawan ko.
"P-Para namang first time mong makakita ng bra!" sambit ko na lang.
I saw him gulp. He glanced a me but shook his head afterwards. Nagtataka ako sa kilos niya pero wala namang gumagalaw sa amin.
"Ikaw na ang unang maligo," seryosong utos niya.
Ngumuso ako. Nakakatamad pa.
"Ikaw na lang. Magtitimpla pa ako ng kape."
Umiling siya. "Sige na, Vina. Ikaw na ang mauna. Baka lamigin ka at magkasakit."
I pouted. Wala na akong pakialam nang iniabot ko sa kanya ang tuwalyang hawak ko. Napaiwas uli siya ng tingin sa akin.
"Vina, don't make this hard for me," mababa ang boses niya.
My brows furrowed. "Ano'ng sinasabi mo? Gusto ko lang naman maglambing! Magpapatuyo lang naman ako ng buhok sa 'yo!"
He sighed repeatedly. Iniabot niya sa akin ang towel at kinuha ang kanya para ipantuyo sa ulo ko. Mabigat ang bawat paghinga niya habang pinapasadahan ng tuwalya ang buhok ko. Despite being wet, his scent was still the same. Ang bango-bango pa rin.
I closed my eyes and inhaled him.
Napamulat lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko ang ginagawa niya at napansin kong tinutuyo niya iyon. Umakyat ang towel sa braso ko hanggang sa leeg. He was just too focused... too drawn... and he looked intensely serious. His eyes were a bit darker this time.
Lumunok siya nang mapadaan ang tingin sa dibdib ko. I moved my body slightly, pero dahil nasa leeg ko ang kamay niya ay dumulas lang iyon sa dibdib ko.
I gasped. Tuluyan akong lumayo sa kanya.
As we stood there, the air around us thickened with each passing moment. The tension was palpable, and I could feel my heart racing.
Our eyes locked, and I could see the desire burning in his gaze. His jaws were firmly clenched, and his lips parted as if he was holding back a torrent of emotions.
"Uhm... Maliligo na ako!" I exclaimed, breaking the uncomfortable silence.
Bahagya niyang ginulo ang basang buhok. Parang hindi nakatiis, lumapit siya sa akin.
"Calix..."
As if in a hurry, he grabbed my shoulders. Tumitig siya sa mukha ko, halo-halo pa rin ang emosyon sa mga mata. His breathing was labored. Para bang may hinahanap siya sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano iyon, pero tumango ako. It was like silent approval for whatever he had in mind.
Without any hesitation, he pressed his lips against mine.
I was taken aback by the intensity of our sudden connection. He took advantage of my reaction and held me firmly to deepen our kiss. Without thinking, my body reacted on its own accord as I threw my arms around his neck, pulling him closer to me.
I let go of my inhibitions... if I had any. I could feel the unadulterated, controlled force in his every move while his tongue teased me with each flick. Para akong napapaso... sinisilaban sa hawak at halik niya. Our bodies were now pressed against each other, his hand firmly gripping my waist as we lost ourselves in the heat of the moment.
He walked and pushed me a bit to the wall. Ipinatong niya ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ko at bahagyang inilayo ang sarili sa akin na para bang pinipigilan niya ang nangyayari. Nakatingala ako sa kanya at ramdam na ramdam ko ang bilis ng paghinga niya.
Ganoon din ako.
"Vina," he breathed, his voice low and hoarse. "Kapag itinuloy natin, I will go... all in."
Nag-init ang buong mukha ko. He towered over me, and there was nothing I could do but obey him... like a sinner waiting for divine punishment.
"Go and take a hot shower, Vina..." utos niya pero alam kong sa likod ng tinig na iyon ay ang kagustuhang huwag akong umalis.
I didn't move a muscle. Ang daming tanong na naglaro sa isipan ko. We were both consenting adults... and we were in a relationship. We were in love. Kung may gugustuhin man akong kasamang gawin ang bagay na iyon, of course, it would be with him.
"Ayos lang naman," bulong ko, labis na dinadaga ang dibdib.
He groaned like a wounded anima. "Look, I'm... I'm trying to control myself, Vina... and you, saying that, isn't helping."
Napapikit ako.
"I dreamed of doing it with you, and if you do not leave in peace right now, I will not hold myself back. Do you understand?" dahan-dahan pero mariin na tanong niya. "Vina, I've liked you for years," parang ipinapaintindi niya sa akin.
"Mahal kita, Calix..."
Parang pising naputol ang pasensya niya. Ang kamay na nasa itaas ng ulo ko ay bumaba para hawakan ang panga ko. He slanted my face so that he could kiss me again.
Napatili ako nang buhatin niya ako pero ipinulupot ko agad ang mga hita ko sa baywang niya. He pinned me against the wall with a fierce urgency, his lips crushing mine in despair. Ang isang kamay niya ang bumaba para suportahan ang hita ko. Ang isa ay unti-unting kumapit sa dulo ng damit ko.
I whimpered softly into his neck as he squeezed my breast. He was panting like he couldn't get his way in the warmth of our bodies.
"Kwarto mo?" bulong niya.
Tumango ako, hinang-hina sa bawat hawak at haplos niya sa akin. He carried me into my room and placed me on my mattress. Wala siyang inaksayang pagkakataon dahil muli niyang inatake ng halik ang labi ko. I kissed him back as if my whole life depended on it. His lips traveled down my jaw, leaving a trail of hot kisses that sent shivers across my nerves. I tilted my head back, giving him better access to my skin.
"Calix," I moaned in a womanly tone when he kissed my neck. Ang isang kamay niya ay tuluyang nakapasok sa suot kong pajama top. He unclasped my bra and touched me skin-to-skin. Wala akong ibang magawa kung hindi ang damhin ang sari-saring sensasyon na ipinararanas niya sa akin.
Mabilis niyang natanggal ang top ko at sandali niyang iniangat ang katawan para matitigan ako. He stared at me, his eyes like pits of darkness filled with desire and longing. Nahihiya namang nag-iwas ako ng tingin dahil kitang-kita niya na ang dibdib ko!
Humalinghing ako nang palitan ng bibig niya ang kamay niya sa dibdib ko. He kissed them alternately, leaving me moaning from too much pleasure. Napasabunot na lang ako sa medyo tuyo niya nang buhok.
He leaned in closer as his fingers traced the contours of my body. Slowly, he moved his hand down, his fingertips brushing against my skin. I felt a shudder run through me as he reached my womanhood.
Kinagat ko ang labi para pigilan ang paglakas ng ungol ko.
He wasted no time removing my clothes, leaving me bare before him. I was so embarrassed because I knew that he could sense my wetness. Ang init ng kamay niya ay sapat na para mag-init lalo ang buong katawan ko.
"Calix!" I exclaimed.
He took off my underwear and slid a finger inside me. His lips remained on my breast, perplexing me as to where I should focus my attention. Hindi ko na napigilan ang sariling mapaungol dahil sa ipinararamdam niya sa akin.
"Mahal na mahal kita, Vina," malalim at klarong bulong niya sa leeg ko.
Hindi na ako nakasagot. He slipped another finger inside me, and I could only gasp as my body responded to his touch. He moved his fingers gently but persistently, urging me to adjust to his rhythm. It felt good but also a little painful.
Tinanggal niya ang kamay kong mahigpit ang kapit sa damit niya. Nag-init lalo buong katawan ko nang hubarin niya ang suot na damit at pantalon. I looked at his manhood and gulped when I saw it fully erected... even beneath the fabric of his underwear.
As if in a trance, I reached out to him. I ran my fingers against the tiny cloth.
"Vina..." he groaned into my neck.
Napaisip ako habang ginagawa iyon. Who the fuck told me that Japanese men had a tiny... tiny thing?! Calix was huge... and hot... and hard! Pinagpatuloy ko ang paghaplos doon hanggang sa kinuha niya ang kamay ko. He grabbed my wrists and held them firmly above my head. His lips crashed onto mine with fiery intensity as if he was seeking revenge for something I had done to him.
Puro halinghing ko ang rinig sa buong kwarto. His lips traveled down my neck, triggering every nerve ending in my body. He moved lower, his mouth caressing my breasts with an inviting touch. I arched my back, surrendering to him as he continued his journey southward. I bit down on my lower lip to keep my cries of ecstasy from echoing through the room. But it was no use. The pleasure had taken over me completely.
Patuloy ang panunukso at paghalik niya roon hanggang sa naramdaman ko ang pamumuo ng kung ano sa puson ko. I shrieked like when I felt my release. I was panting, closing my eyes tightly.
"C-Calix, it's my first time," bulong ko nang muli siyang pumaibabaw sa akin.
I held onto his muscular arms for support. Binuksan ko ang mga mata ko at nakitang namumula ang leeg at dibdib niya, mabilis ang paghinga, at madilim na madilim ang mga mata.
He gulped. "I know..."
He kissed me as he leaned in closer. His kisses stifled my moans as he explored my moist folds again. His breaths grew heavy, his chest rising and falling with each one. Parang nawawalan na siya ng pasensya. He whispered sweet nothings to me, but I couldn't focus on any of that. Slowly, he rubbed his pulsating length against my womanhood, and it wasn't long before he made his way in.
A tear escaped my eye. He was massive... and thick. Parang may kung anong napunit sa loob ko sa hapdi ng pag-iisa namin. My fingernails dug into his back so hard I was sure they would leave marks.
"Shh," he calmed me. Hindi siya gumagalaw. Hinalikan pa niya ang luha sa pisngi ko.
"Calix, ang sakit..."
He licked his lower lip and fixed my hair. "Should... we stop? I can stop..."
Umiling lang ako at pumikit. He planted soft kisses on the top of my head as his hands roamed across my body. He kissed my neck and traced my jaw to take my mind off the pain.
It was effective.
I moved my hips as a signal that I was ready. Mukhang nakuha niya naman iyon dahil marahan na siyang gumalaw sa ibabaw ko. At first, his thrusts were painfully slow and deep... but once I adjusted to his size, he became more aggressive. His groans triggered me. With a grumble, he gripped my hip impatiently, holding me in place. I could feel the heat coming from his body as he slammed himself inside me, each thrust more forceful and intense than the last.
Inside my room, our moans could be heard. He made a strong, deep, and long thrust... enough for me to have my second release. He gave me a couple of sloppy thrusts before withdrawing his length to come into my thigh.
I closed my eyes after that. Naramdaman ko na lang na pinupunasan niya ako ng mainit na towel at tinatalian ng buhok. Ilang sandali pa ay tumabi siya sa akin at niyakap ako. He kissed my forehead, my eyes, and my nose.
"I'm so in love with you, Vina..." he whispered as if his love for me was hurting him. "I'm sorry I didn't hold off until our wedding."
Masyado na akong pagod para makasagot. Ang alam ko lang, natulog ako nang gabing iyon na ang puso ay puno ng saya, kapayapaan, at pagmamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro