Chapter 2
Chapter 2
Maaga akong nagising dahil hindi naman ako masyadong nakatulog. Bahagyang hinangin ang kurtina kaya napansin kong may kadiliman pa sa labas. Bago tuluyang simulan ang araw ay inilibot ko pa ang tingin sa silid at tipid na napangiti sa itsura nito.
My room had white walls and light oak floors. It was adorned with artificial plants and delicate fairy lights that emitted a gentle, inviting radiance in a soft shade of yellow. To complement the overall decor, my bed linens were a pristine white hue with accents of a pale light brown hue.
Bumangon ako at nagbihis ng knee-length na leggings at sports bra. My hair was also pulled back into a ponytail to prevent the strands from covering my face. Nagtungo ako sa mini dance studio dito sa loob ng bahay na kasama sa mga ipinagawa ko noon.
I played a familiar pop song and started to move my hips. Tinitingnan ko rin ang sariling repleksyon sa glass mirror na nakapalibot sa studio.
My amber-colored eyes, narrow and triangular nose, and pinkish-plump lips matched my heart-shaped face. Dahil sa regular na exercise, toned ang mga braso at hita ko. My stomach was also flat, and I had well-rounded hips.
I danced for another hour before taking a bath to get ready for work. Matapos ang usapan namin ni Calix kagabi, napagdesisyonan naming magkita mamayang dinner. Alam niyang hapon pa ang tapos ko. Kapag nagkasundo kami sa terms and agreements, pwede niya nang tingnan ang bahay sa susunod na araw.
Hindi ako magsisinungaling. The idea of sharing a home with him appealed to me. Sino ba namang may ayaw noon, 'di ba? I kind of liked him. I knew I shouldn't trust him too easily, but a part of me wanted to know how far this would go. Isa pa, kung magkakataon mang bastusin niya ako, alam ko naman kung ano ang mga dapat gawin.
"Yesha!" tawag ko nang makita ang babae. She seemed exhausted and stressed. Halatang katatapos lang ng shift niya dahil palabas na siya ng hospital samantalang ako ay kapapasok lang.
"Good morning, Doc..." namumungay ang mga matang bati niya sa akin.
I frowned. "Why did you give my phone number to Calix?"
Kahit mababasa sa mukha ang pagod ay nagawa niya pang ngumisi. "You're welcome."
"Who gave you the right to broadcast it?" kunwaring pagsusungit ko.
Nginusuan niya ako. "Doc, sinabi kong may kakilala akong naghahanap ng tenant kasi na-open ulit ni Lola Harriet ang topic na 'yon kahapon. Hindi naman mukhang interesado 'yong apo, pero no'ng sinabi kong Rovina Desamero, bigla na lang akong tinanong kung ano ang number mo para daw makapag-inquire siya."
I gasped inwardly. Pakshet, ang ganda ko talaga.
"Bakit? Ano'ng nangyari?" pangungulit ni Yesha. "Mukha siyang nagulat nang banggitin kita."
I was about to answer her when Kaycee, a nurse, came running to me.
"Doc, tawag ka sa emergency department. May nagwawala pong pasyente," saad niya.
I gave Yesha a nod. "Next time."
Tumango rin ang babae kaya iniwan ko na siya roon bago sundan si Kaycee na halatang natataranta.
"Nagtuturo po 'yong patient sa school tapos biglang nagsisigaw. He scared his students before running to the rooftop of the building. Fortunately, he was stopped by the school staff. Nasa ER triage po siya ngayon."
I nodded. I had seen a few of these before. In this case, I would have to examine the patient in the emergency room to see if he hurt himself or anyone else. Nang makita ko ang lalaking pasyente ay punong-puno ng luha ang mukha niya. Some of his colleagues tried calming him down, but he shoved them away.
I motioned them to exit the room. Pinakalma namin siya nina Kaycee at ng ibang nurses. Kung titingnan, mukha lang siyang normal na lalaki—a middle aged professional teacher. Yet he was here, trying his best to defeat his foes.
Indeed, not all disorders are visible.
Everyone should understand that mental health is a journey, not a destination. It's not about where you're heading but how you maneuvered and drove.
"Doc, ang sabi po niya papatayin niya ang pamilya ko! Kawawa naman ang anak ko, Doc. Bata pa 'yon..."
Tumango ako. He was having auditory hallucinations.
"Sir, 'yong naririnig mo ngayon, hindi ko siya naririnig," I said, my voice calm and gentle. "What I need you to do is tell me what that person said, para matulungan kita."
Tumahan siya at tinitigan ang mukha ko. I met his gaze and gave him a nod. Pansin ko ang panginginig ng mga kamay niya, pero makalipas ang ilang sandali ay detelyado niyang ikinuwento sa akin ang sinasabi ng 'boses' na naririnig niya.
I paid attention to everything he said. Gusto kong iparamdam sa kanya na mayroong nakakaintindi sa kanya. Paminsan-minsan ay tumatawa siya o tumitingin sa paligid habang nagkukwento. I observed him closely. May mga pagkakataon pa na nagsasalita siya pero alam kong hindi ako ang kinakausap niya. Some of his words didn't make sense.
"Sir, ilang taon na po kayo?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot.
He smiled. "Twelve years old po, Doc."
I pursed my lips. His prognosis was guarded. Distorted ang perception niya ng reality.
Natapos ang pag-uusap namin na ang naging desisyon ko ay ang i-confine ang siya. Hindi ko siya pwedeng pauwiin lalo at maaaring i-utos ng boses na naririnig niya na saktan niya ang sarili. Tiningnan ko kung may medical condition ba siya na madalas na cause ng hallucination. I investigated every possible avenue before I discovered that he had post-traumatic stress disorder.
For the rest of the morning, Dr. Santiago and I did some further counseling with other patients. He was one of the most respected psychiatrists in the country, and he was known for being strict. Kahit mas matagal na siya sa akin dito sa ospital, kakaunti ang nakakasundo niyang doctor at nurses.
Procare Hospital is one of the top psychiatric hospitals in Asia. Hindi ito gaya ng ibang mental hospitals na itinuturing na parang preso ang mga may sakit. Maintained din ang cleanliness ng wards. Lahat ng pasyente ay may assigned nurse.
I was taking it easy in my office when Mark walked in and opened the door promptly.
"Hi, Tita!" he greeted with a huge smile.
Agad akong napasimangot. Pagod ako tapos ang taas ng energy niya.
"Ba't ka nandito?"
Ngumiti siya at inilapag ang dalang paperbag sa mesa ko.
"May pinuntahan kaming site sa malapit. Alam kong hindi ka na naman nag-lunch kaya bilang butihing pamangkin mo, dinalhan kita." He chuckled. "Nabanggit din ni Yesha sa akin na nakausap mo raw 'yong Calix."
Kinunutan ko siya ng noo. "Don't tell me you're flirting with her!"
Tumawa siya. "Edi, hindi ko sasabihin..."
"Oh my god! Totoo? Gago ka!"
"What?" He pouted. "She's just two years ahead of me."
"Kahit pa! Patay ka kay Mama at kay Kuya Rexter kapag nalaman nila!" Binuksan ko ang tupperware ng pagkain para magsimula na. "Sasabihin na naman ng mga 'yon kung ano-ano ang inuuna mo at i-tino-tolerate kita."
"Ga-graduate ako this school year, Tita. Promise!"
"Alam ko, kaya ihanda mo na ang graduation speech mo sa Facebook. Make sure to thank me!" I muttered. "At ayusin mo ang panliligaw kay Yesha dahil isa 'yon sa favorite nurses ko rito."
Sabay kaming natawa bago nagsimula sa pagkain. Bukod sa madalas na pagda-dance therapy noong nasa med school pa ako, si Mark ang nakasama ko sa bawat pagpapagod ko. He witnessed all my failures and setbacks kaya close na close kami. I was also aware of his academic difficulties. He was giving it his all! Mama and his parents, however, couldn't see it.
"Ano nga? Nakausap mo 'yong Calix?"
I smiled. "Oo. Magkikita kami mamaya."
Pumalakpak siya na parang tanga. "Shet, nakaka-proud."
"'Wag kang maingay kay Mama, ha? Tanda mo bang naghahanap ako ng uupa sa second floor sa bahay?"
He narrowed his suspicious eyes at me. "Samantalang ako ni ayaw mong patulugin doon!"
"Jusko, wala akong mapapala sa 'yo dahil hindi ka naman magbabayad!" I fired back. "At isa pa, ito na rin 'yong chance ko, 'no! Baka mamaya si Calix na ang para sa akin."
"Sinabi mo rin 'yan no'ng nakilala mo si Grayson, eh..." pang-aasar niya.
Mabilis kong inabot ang chart at pabalang na itinapon 'yon sa mukha niya.
"Hayop ka, nandidiri ako! 'Wag mo nang ipaalala!"
Grayson was my fling in America. He was a surgeon, and at that time, akala ko ay match made in heaven kami dahil pareho kaming doctor. He flirted with me at gustong-gusto ko talaga siya! He was a quiet, serious-looking type of guy. We went on several dates, only to learn he was already married!
Isi-nend ko sa asawa niya ang buong kwento ng nangyari sa amin. Humingi rin ako ng tawad dahil para sa akin ay hindi sapat na rason ang ignorance ko sa nangyari. I really regretted it.
Kahit sinabi sa akin ng babae na hindi ko naman kasalanan at ginagawa raw talaga 'yon ni Grayson noon, hindi pa rin kaya ng konsensya ko na takbuhan ang kagagahang ginawa ko. I hurt someone. Hindi ko man intensyon, still, nakasakit ako.
"Pero mag-iingat ka ro'n kay Calix, Tita. Hindi mo naman kilala 'yon, eh. Baka mamaya may sabit na naman 'yan," paalala ni Mark. "Ewan ko ba sa mga lalaki na nakapaligid sa 'yo! Trip na trip kang gaguhin."
I shrugged and continued eating. Umalis din agad siya pagkatapos dahil may mga naka-schedule ulit akong outpatients. Nang matapos ang araw ay malaking-malaki ang ngiti ko.
I knew I had to give Mark's words some thought. He was right. Calix wasn't someone I knew well enough to trust. Hindi ko dapat ipakita na interesado ako sa kanya. I should be the one with the upper hand.
Kinuha ko sa locker ang loose white button down at black pants ko. I paired them with my beige pumps. Inilugay ko rin ang brown kong buhok na mayroong blonde highlights. Its natural wave suited my overall outfit. I even sprayed Tom Ford's Rose Prick perfume on my neck for a good impression!
Okay, Vina, remember not to drool over that hottie. Kilalanin mo muna!
I was humming when I walked out of my office. Calix and I had agreed to meet at a nearby ramen house. I was just on time. Sumakay ako ng taxi, at makalipas ang halos sampung minuto ay nasa tapat na ako ng Enzo's Ramen.
It was an open area. May chairs, tables, at tents lang. Nadadanaan ko ito noon dahil malapit lang ito sa bahay ko, pero kahit isang beses ay hindi ko pa nasusubukan kumain dito. Dahil Nobyembre na, medyo malamig na ang hangin. Nagkataon pang gabi na. May maliit na hitsurang bahay sa gilid kung saan umoorder ang customers.
I scanned the whole place and saw Calix helping the waiters. Nakasuot siya ng itim na T-shirt at faded blue tattered jeans. Ang itim at may kahabaang buhok ay halatang walang wax dahil sumasabay ito sa hangin.
He smiled at an old woman, and my heart warmed at the sight. Pinanood ko kung paano niya pagsilbihan ang babae. He even mixed the ramen for her.
I sat in an empty chair close to the little house where the cash register was. Calix didn't notice I was already there. May labinglimang minuto pa naman bago ang napag-usapan naming oras kaya ayos lang sa akin. Isa pa, I would love to see his gentle side.
"Ang gwapo no'ng nagse-serve. Tawagin mo nga at hihingi tayo ng tissue at chopsticks," sabi ng isang babae sa table sa likuran ko.
I grinned inwardly. Pasimple akong sumulyap sa likod at nakita ang tatlong babae na sa tingin ko ay mas bata sa akin ng ilang taon. Mukhang nagkasundo sila dahil isa sa kanila ang itinaas ang kamay para tawagin ang lalaki. Agad akong humarap sa mesa ko para hindi ako mapansin ni Calix.
"Yes, Ma'am?" he asked, his voice deep and hoarse.
My god! Ganito ba talaga ang ginagamit niyang boses sa customers?! Bedroom voice!
"Can we ask for some table napkins and chopsticks?" one of the girls asked. "Pa-mix na rin no'ng ramen."
I scoffed. Mga padali n'yo!
"And you can sit with us. Napansin namin na kanina ka pa nag-se-serve. Para makapag-pahinga ka rin," dagdag pa ng isa.
Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako. I understand them. Kung hindi lang talaga ako kilala ni Calix ay baka nagawa ko na rin 'yon sa kanya!
"Rod!" narinig kong tawag ni Calix sa isang kasamahan.
Napatingin ako sa lalaking tinawag niya. Dumaan ito sa gilid ko kaya pinigilan ko ang sarili na tuluyang mapatingin sa likuran ko.
"Pa-assist sina Ma'am. Baka kasi dumating na 'yong hinihintay ko..." ani Calix. "Mag-aayos na rin ako."
"Sige, ako na ang bahala rito. Ipakilala mo basta mamaya sa akin ang kasama mo," pang-aasar ng lalaki.
Mahinang tumawa si Calix. "Hindi na pwede 'yon."
"Huh? Saan ka pupunta?" untag ng isang babae.
"Pasensya na, Ma'am. May hinihintay po kasi akong dumating." Si Calix. "Rod will assist you."
Hindi ko na nasundan ang usapan nila dahil nakita kong pumapasok na si Calix sa restroom. Eksaktong alas-siete siya lumabas doon. Nagpalit siya ng puting T-shirt na hakab sa katawan niya. Naka-wax na rin ang buhok niya.
Ang ganda-ganda tingnan ng puting T-shirt sa kanya!
He looked around, and his eyes landed on me. Mukhang nagulat pa siya na naroon na ako kahit napag-usapan naman namin ang oras. He rubbed the back of his head before walking towards me.
"Kanina ka pa?" tanong niya. "Sorry, hindi kita napansin."
I pursed my lips to keep myself from smiling. Mukha siyang nahihiyang bata sa akin samantalang hindi naman siya ganito sa ibang customer.
"It's okay," I replied in a formal tone.
Nahihiya siyang tumango. "I reserved a seat for us..." Tumingin siya sa tatlong babae sa likod ko na halatang nagbubulungan, bago ibinalik ang atensyon sa akin. "Mas makakapag-usap tayo."
Kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Dahil sa pumps na suot, umabot ako hanggang sa baba niya.
Ayos. Magandang height difference 'to.
He took me to a quieter spot. Bukod sa mga waiter na may access dito ay wala nang ibang customers. Nasa gitna 'yon ng isang maliit na garden at may maliliit na ilaw sa paligid. Kung asumera lang ako, maiisip ko talagang date 'to!
"Do you work here?" tanong ko matapos umupo.
Umiling siya. "Tumutulong lang ako minsan. Kilala ko kasi 'yong may-ari."
He sat in front of me. Just the mere sight of him caused my heart to skip a beat. Gwapo talaga siya. Hindi pa nakatulong na bagay na bagay sa kanya ang suot na T-shirt. Lumitaw ang kinis at pusyaw ng balat niya.
His arched eyebrows and soulful, dark brown eyes added to his seductive appeal. Kung nakakatulala na ang hitsura niya noong college, ngayong mas na-define ang features niya, parang nakakamatay na.
"May lahi ka bang Japanese?" hindi napigilang daldal ko. Hindi kasi tunog Filipino ang apelyido niya.
He bit his lower lip to stop himself from smiling. Mukha siyang natutuwa sa nangyayari kahit wala pa naman kaming ginagawa. Ni hindi pa nga kami nakaka-order!
"My Lolo is Japanese," he answered.
Dahan-dahan akong tumango. "One-fourth lang pala kaya hindi na masyadong halata sa features mo..." wala sa sariling saad ko.
Hindi natanggal ang maliit na ngiti niya.
"Shall we order first?" he asked after some time. "May rice meals at ramen sila. Ano'ng gusto mo?"
Nagtama ang mata namin pero mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko yata kakayaning makipagtitigan sa kanya. Isa pa, kailangan kong galingan sa pag-arte! Kailangan niyang maramdaman na hindi ako apektado sa presensya niya!
"Uhh... hindi ako familiar sa names ng ramen, eh. Ayoko naman mag-rice."
"'Yong shoyu, soy sauce base broth. 'Yong tonkotsu, pork base broth, tapos 'yong tantanmen, miso base broth. Masarap din 'yong seafood ramen nila," paliwanag niya. "May spice level din kung gusto mo ay maanghang."
Lihim akong napangiti dahil mukhang alam na alam niya ang sinasabi. May parte rin pala sa kanya ang madaldal. Bagay talaga kami.
He cleared his throat, napansin siguro ang pagngiti ko.
"Okay na ako sa shoyu, medium hot..." nangingiti pa ring saad ko bago siya tingnan.
Nakatingin lang din siya sa akin, pero nang sabihin ko na ang order ay tumawag siya ng waiter. Mukhang kakilala pa niya ito dahil malisyoso ang tingin na iginagawad nito sa amin.
Tahimik kami habang naghihintay ng orders. Napansin kong mahilig siya sa maanghang dahil tonkotsu, scary hot, ang order niya. It was an awkward silence. Para kasing tinitimbang pa namin pareho kung ano ang dapat sabihin.
The cold breeze tickled my skin. Tamang-tama ang pagkain ng ramen sa ganitong panahon.
"Dito ka ba dumiretso pagkatapos mo sa trabaho?" tanong niya nang dumating ang orders namin. Nag-request pa siya ng kimchi.
Tumango lang ako.
"I'm sorry," he said. "Hayaan mo at bibilisan ko lang ang pakikipag-usap para makapag-pahinga ka agad."
Pinigilan ko ang pagkunot ng noo. Anong bilisan?! Tatagalan natin dito! Maghapon kong iniisip 'to, eh!
I cleared my throat. "Hindi naman ako pagod. At saka, we need this interview para malaman ko kung pwedeng ikaw ang gawing tenant."
"Interview?" he whispered to himself.
"Yeah..."
Napangisi siya. "Akala ko date."
Humigpit ang kapit ko sa chopsticks. Hindi ko alam kung gusto niyang iparinig sa akin 'yon dahil mahina lang naman ang pagkakasabi niya.
Huminga ako nang malalim habang dinarama ang pag-iinit ng mukha.
Date amputa! Kung date 'to, i-kiss mo 'ko!
I swallowed hard and put on a more serious expression. Nagkunwari akong hindi narinig ang sinabi niya at nagsimula na lang sa pagkain. May malamyos na tugtog sa paligid kaya lalong naging romantic ang ambience.
And mind you! The ramen here was tasty! Lasang ulit!
"Gusto mo ng kimchi?" he asked.
I shook my head. "Hindi ako kumakain n'yan."
"Oh... Okay. Noted."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nakakainis na! Bakit ba ako kinikilig? Langya naman, ang sabi kilalanin!
"'Yong sa payment muna ang pag-usapan natin," panimula ko. "We'll split all the bills—kuryente, tubig, at internet."
Nag-angat ako ng tingin at muling nagtama ang mga mata namin. He looked so eager. Tumatango-tango pa siya sa akin.
I took a deep breath. "Uhm... 'yong sa rent, four thousand a month will do."
He smiled sweetly. "Okay."
Nag-iwas ako ng tingin. Nakakainis! Ngiti nang ngiti! Baka masira ang plano ko at libre na lang siyang patirahin sa bahay ko!
"Three hundred square meters ang bahay. Ako ang mag-o-occupy ng first floor tapos ikaw sa second floor. May shower room sa taas pero mas malaki 'yong restroom sa baba kaya nando'n ang toilet," paliwanag ko.
"How about the groceries?" he asked.
Bumaling ako sa kanya. "Huh?"
He bit his lower lip. "Hindi ba tayo mag-go-grocery? Para may stock tayo?"
Napakurap ako sa sinabi niya. "Ano... may maliit na dining area naman sa taas. Gusto mo ba ay sa baba rin kumain?"
Oh my god. This is ridiculous! Ano 'yon? Kakain kami nang sabay araw-araw?!
His lips parted. "Kung saan ka komportable, Vina."
"S-Sige!" I laughed awkwardly. "Hati rin tayo sa groceries."
He tilted his head as amusement passed through his eyes. "How about the house rules?"
I mentally scolded myself. I have to gather my shit together. Hindi pwedeng mahalata niyang bet ko siya!
"Ayoko ng madumi," saad ko. "Every Saturday ay wala akong pasok kaya naglilinis ako ng buong bahay. Hindi ako naghi-hire ng helpers dahil mas gusto kong ako ang maglilinis ng mga gamit ko."
He pursed his lips. "Flexible ang schedule ko. Kung wala kang pasok tuwing Sabado, ibabakante ko rin ang mga Sabado ko."
"You don't have to!"
"Para may katulong ka paglilinis." He shrugged. "And I have a dog," pahabol niya.
Our talk went on for minutes. Ditelyado kong sinabi sa kanya ang mga ayaw ko sa bahay—bawal magdala ng babae at mga kabarkada, bawal iwan sa ref ang pitsel na walang laman, bawal itambak ang mga pinagkainan, at bawal pumasok sa kwarto ko nang hindi ko binibigyan ng permiso.
Naging magaan ang pag-uusap namin dahil sinisigurado ni Calix na hindi ako mahihirapan sa presensya niya.
Madali siyang pakisamahan! Taliwas sa inakala kong seryosong ugali niya. Kaya lang, minsan talaga ay natutulala na lang ako kapag tumatawa siya.
He loves kimchi. He can't eat without it. He's also very fond of his dog, Matcha.
"Saan ka pala nagtatrabaho?" tanong ko dahil hindi namin napag-usapan 'yon. "Parang bukod naman sa firm na pinagtatrabahuhan nina Duke at Troy, wala nang malapit na engineering firms o construction companies dito."
Kinuha ko ang baso ng pineapple juice at uminom doon habang nakatingin sa kanya.
"I'm not an engineer, Vina."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Napatigil din ako sa pag-inom dahil sa sinabi niya.
He chuckled. "I failed the board exam."
Agad akong kinabahan. God, I shouldn't have mentioned that! Baka sensitive topic iyon sa kanya kaya hindi niya nababanggit!
"I'm sorry, Calix," agap ko. Nakakahiya.
He shook his head. "Ayos lang. Hindi naman na big deal sa akin 'yon. It's been years."
Natahimik ako. Ayokong isipin ang naramdaman niya dati. He was a consistent dean's lister. Siguro ay inaasahan ng lahat na makakapasa siya.
"I'm a Real Estate Agent, Vina. We look for prospective buyers and sell properties," he stated. "Don't feel guilty about it. Totoong ayos lang."
Eh, guilty nga ako!
I faked a cough. "Uhm, okay. Tapos naman na tayo. Pwede mong tingnan ang bahay sa Sabado, tapos kapag nagustuhan mo, lumipat ka na next week."
Tumango siya at hindi na ako pinigilan nang tumayo ako. Siguro ay ramdam niya rin na nahihiya ako sa nangyari. Why did I even assume that he was an engineer?
"Ihahatid na kita. Dala ko ang motor ko," he offered.
Umiling ako. "Nakapag-book na ako ng driver."
Sinamahan niya akong maghintay. Parehas kaming tahimik. Gustuhin ko mang kausapin siya, natatakot ako sa lalabas sa bibig ko. I wanted to ask more. I wanted to get to know him more.
Nang dumating ang taxi ay ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin.
"Vina..." tawag niya bago pa ako tuluyang makapasok sa loob.
Tumingin ako sa kanya, naghihintay ng sasabihin. Dahil halos alas-otso pa lang, maingay pa ang mga tao at sasakyan sa paligid. But as soon as I locked my gaze on him, everything seemed to fall silent.
He scratched the back of his head.
"Can I call you later?" mahina ngunit malalim ang boses na tanong niya.
Kahit malamig ang hangin ay ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko.
"P-Para saan?" I almost punched myself for stuttering.
Lumikot ang mga mata niya, para bang naghahanap ng sagot sa paligid.
"Kung para sa terms and agreements, okay lang..." saad ko dahil tumagal ang pananahimik niya. Kita ko rin ang bahagyang pagkunot ng noo niya na para bang hindi niya alam ang sasabihin.
Huminga siya nang malalim at napangiti.
"Terms and agreements, then."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro