Chapter 19
Chapter 19
The next few days were normal. We never really talked what had happened. Ayaw kong iparamdam kay Calix na hindi siya sapat. Tinanong ako ni Mama kung bakit umalis kami nang walang pasabi, pero hindi na ako sumagot. For the first time in my life, I wanted to cut ties with them. Nakakapagod na rin kasi. Sa tuwing sinusubukan kong ilapit ang sarili sa kanila ay gumagawa sila ng mga bagay para bitiwan ko sila.
"Birthday ni Calix, 'no? Nakita ko sa Facebook," ani Yesha habang kumakain kami sa cafeteria ng ospital. "Ano'ng ganap n'yo mamaya?"
Ngumiti ako. "Sa bahay niya lang daw gustong mag-celebrate, eh. Pinapunta ko na lang sina Lola Harriet. Baka sumunod din sina Troy."
"Si Mark ba, pupunta?" pasimpleng tanong niya. Uminom siya ng tubig bago nag-iwas ng tingin.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Hmm... what's going on?
"Nag-away kayo?" tanong ko.
She coughed. "No!"
Sumandal ako sa upuan at tinitigan siya. "Bakit hindi mo alam kung pupunta siya o hindi?"
"Bakit? Dapat ba alam ko lahat?" Napairap siya. "Hindi naman kami."
I laughed. "Yes, magkagalit!"
"Demonyita," bulong niya.
"Bakit? Ano'ng nangyari?" nangingiting tanong ko pa. Come on. Hindi naman matitiis ni Mark 'to.
"Limang araw niya na akong hindi kinakausap," she said casually. "He said that he was having a bad day. Gusto ko sanang puntahan, pero, wala... hindi niya na ako pinansin. Nakita ko na lang na nag-story siya na nasa Hipsters siya."
"Huh? Really?" Miski ako ay nagtaka.
She nodded. "I tried texting him again the next day, pero walang reply. Hindi rin nag-text kahit isang beses." Mahina siyang tumawa. "Na-multo ako ng pamangkin mo, Doc."
"Hey." Lumungkot ang boses ko. So... this is serious?
"Ayos lang. Baka naglalaro pa talaga. Alam mo naman na ganiyang age talaga ang pag-e-explore ng mga lalaki, 'di ba? Too bad, akala ko seryoso," aniya.
"Kakausapin ko."
Umiling siya. "Hindi na. I don't need words to confirm everything. Alam ko na 'yon. Hindi naman tayo tanga pagdating sa ganiyan!"
Hindi ko alam pero labis akong nalungkot sa nangyari. I witnessed their affection for each other. Hindi naman posible na bigla na lang mawawala 'yon, hindi ba? Mark loves her. I saw that.
"Hindi pupunta si Mark mamaya. May gagawin daw," saad ko. I intentionally shifted the subject. "Pumunta ka, ha? Dinner lang naman 'yon."
"Hindi ko rin sure, eh. Iniimbita kasi ako ng college friends ko na mag-coffee. I-text na lang kita kapag hindi kami natuloy."
Nang maghiwalay kami ni Yesha para ituloy ang trabaho noong araw na iyon, agad akong pumunta sa opisina para tawagan si Mark. Naka-ilang ring din bago niya iyon sagutin.
"Hi, 'ta! Napatawag ka?"
Napataas ang kilay ko. "Ano'ng ginawa mo kay Yesha?"
Natahimik siya sa kabilang linya.
"Sinabi ni Yesha na huwag na kitang kausapin dahil naiintindihan niya raw ang ginagawa mo. Do you know what she's thinking, huh, Mark?" I exhaled. "You ghosted her. Na hindi ka seryoso. Na past time lang siya... kasi nag-e-explore ka pa."
"Tita," nahihirapang sambit niya.
"Mark, ikaw ang pumasok sa buhay niya. Ikaw ang nanggulo. Tapos, no'ng nasanay na siyang nandiyan ka, bigla kang aalis?" klarong pahayag ko. "Nakita mo naman, 'di ba? Nakita mo kung paano ako umiyak noon dahil sa mga ganiyan... bakit mo naman ginagawa ngayon sa iba?"
Hindi siya sumagot.
"Ayusin mo, Mark. 'Wag mong gawing tanga si Yesha."
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Ayaw ko na, Tita," mahinang-mahinang sabi niya.
Bumigat ang dibdib ko sa narinig.
"H-hindi kay Yesha, Tita... pero ayaw ko na."
Napaupo ako sa swivel chair. "What do you mean? Do you have a problem?" I asked.
Rinig ko ang muling pag-buntonghininga niya. "Wala, Tita. Basta." Tumawa siya. "Ayoko na muna. Ako na ang bahala."
"Mark," tanging nasambit ko. "I don't know what's happening, but you know we need to communicate, right? May nangyari ba sa bahay?"
"Wala, Tita. 'Wag ka nang magtanong. Magsasabi naman ako sa 'yo kung meron."
I breathed deeply. "Are you sure?"
"Ako pa ba?" Humalakhak siya.
"Eh, si Yesha? Paano? Wala na?" Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. "Kung ayaw mo na, hindi naman ipagpipilitan ni Yesha ang sarili niya sa 'yo."
There was a moment of silence. Akala ko ay hindi pa rin siya magsasalita kaya napahinga ako nang malalim nang magtanong siya.
"Ayos lang ba siya?"
It frustrated me.
"Ang gulo mo naman. Akala ko ba ayaw mo na?" tanong ko. "Gather your thoughts, Mark. Hindi manghuhula si Yesha. Kung ayaw mo na, sabihin mo. Kung gusto mo pa, ayusin mo. Hindi 'yong bigla ka na lang mawawala." I moistened my lips. "And if something is up, you know you have me, right? I'll support you in everything. Hindi ko lang gusto ang ginawa mong 'to pero Tita mo pa rin ako. Kaibigan mo pa rin ako."
Buong araw ay nasa isip ko iyon. One of these days ay pupuntahan ko siya para makibalita sa nangyayari sa kanya. Hindi siya ganoon. Hindi niya magagawa iyon kay Yesha. Ayaw ko namang isipin na may ibang babaeng involved dahil napakalayo noon sa personalidad ni Mark.
Itinuon ko ang pansin sa birthday celebration ni Calix. Bumili ako ng isang equipment para sa mini gym sa bahay kung saan siya madalas mag-exercise. Nagpa-cater din ako para mamaya. Ayaw pa noong una ni Calix na gumastos ako pero hindi ako pumayag. It was his birthday, and I'd be celebrating it with him for the first time!
Abala ako sa pag-iisip ng mangyayari mamaya nang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng opisina ko. Dali-dali akong sumilip at umawang ang mga labi ko nang makitang pinagagalitan ni Dr. Santiago si Yesha.
"I can get you fired right away!" galit na asik nito sa babae.
Lalong yumuko si Yesha. "Pasensya na po, Doc..."
"Pasensya?! Nagrereklamo na ang families ng patients ko dahil hindi raw ako nag-ro-rounds! Hindi ba't sa 'yo ko iyon ibinilin noong nawala ako?! Inilagay ko naman sa chart ang orders ko!"
"Nag-rounds po ako, Doc," sagot ni Yesha.
"Sumasagot ka pa!"
Kita ko ang panginginig ng mga labi ni Yesha. Basang-basa ko rin sa mga mata niya ang hiya at takot.
"Nurse ka lang!" Dinuro siya ni Dr. Santiago. "Tandaan mo 'yan!"
Hindi ko napigilan ang sarili. Lumabas ako ng opisina at nilapitan sila. Parang nagpantig ang tainga ko sa narinig.
"What's going on here?" I asked. "Nakaka-disturb po ng ibang pasyente ang sigawan n'yo."
"Oh, tamang-tama at nandito ka! Hindi ba at magkaibigan kayo?! Why can't you train your friend, Dr. Desamero? She doesn't know how to follow my orders!"
Inabot ni Yesha ang braso ko. Sumulyap ako sa kanya pero umiling lang siya sa akin, parang sinasabing huwag ko nang patulan ang doctor.
"I'm sure she knows what she's doing, Doc. Ilang taon na pong nurse si Yesha at wala namang nagrereklamong pasyente sa kanya," depensa ko.
"So, are you saying na ako ang mali?" Tumawa siya at itinuro ang sarili. "I'm a professor! You can't question me or my credibility. Ilang taon na rin akong doctor, at ngayon lang may nagalit na guardian sa akin!"
My brow shot up. "Bakit ba hindi ka nag-rounds pagkatapos ng vacation mo sa Dubai, Doc? You didn't even check my e-mail regarding your patients and clients na ini-handle ko habang wala ka."
"Vina... don't go there." Si Yesha.
Dr. Santiago looked like he couldn't believe my words. "I was busy with the VIP!"
"And Yesha is busy with other patients as well. Hindi naman po dapat iniaasa sa nurses ang pag-check sa pasyente, Doc. Alam natin parehas 'yan."
Napanganga siya.
"And can you please stop saying na she's just a nurse? Alam po naming lahat na mataas ka at kayang-kaya mo kaming tanggalin sa pwesto namin ngayon, pero is that the best you can do, Doc?"
I heard gasps. Of course, no one would ever dare to speak ill in front of him.
"We're all working in this hospital to help others, to save lives, to listen to the stories of our patients, and to take good care of them. Iisa ang hangarin nating lahat dito. It doesn't matter if you're a doctor or a nurse. Hindi dapat tayo nangmamaliit. This entire hospital wouldn't survive without our nurses," litanya ko. "Pantay-pantay tayong lahat dito, Doc. Stop creating boundaries."
He turned to glance around and noticed that almost everyone was looking at us. He gave me a cold stare but said nothing. Tumalikod siya sa amin na parang walang nangyari kaya naiwan kami ni Yesha roon.
Alam kong ipinangako ko sa sarili na hindi ko ito-tolerate ang pambu-bully niya sa nurses, pero hindi ko maiwasang kabahan nang mapagtanto ang mga nasabi ko.
"Tangina, patay ako..."
Hindi ko alam kung paano ako naka-survive maghapon nang walang naririnig na balita tungkol kay Dr. Santiago. Kinakabahan ako dahil baka maya-maya lang ay matanggal ako sa trabaho, pero nananaig naman sa puso ko ang kagustuhang sabihin iyon. His discrimination was going on for so long... at nakakapikon na rin. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili.
It was overall a stressful day for me. Nariyan ang lungkot para sa nangyayari kina Yesha at Mark. Nariyan din ang kaba dahil anumang oras ay pwede akong ipatawag sa office ng head namin.
Nang matapos ang trabaho ko ay namataan ko agad si Calix sa labas ng ospital. Nakaupo siya sa motor niya habang nakatuon ang atensyon sa cellphone.
The mere sight of him was enough to calm me.
Unti-unti akong naglakad patungo sa direksyon niya. Hindi ko alam kung ignorante ba siya sa paligid dahil kahit nasa likuran niya na ako ay parang wala siyang ibang nakikita o naririnig. I was about to tap his shoulder when I noticed what he was looking at on his phone.
Larawan namin iyon ni Matcha.
Napangiti ako. Instead of tapping him, I gave him a back hug.
Napapiksi siya.
"Happy birthday," bulong ko agad bago pa siya makaharap sa akin.
Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at idinikit ang kanang pisngi sa likuran niya.
"What are you doing?" he asked gently.
I closed my eyes. "Charging."
Agad siyang umikot paharap sa akin at niyakap ako. Hinaplos at hinalikan niya ang buhok ko gaya ng lagi niyang ginagawa.
"Pa-charge din."
Napatawa ako. Huh, sino ka d'yan IPhone?
Nang makauwi kami ay naabutan na namin sa bahay sina Lolo Ken at Lola Harriet. Hawak ng matandang babae si Matcha pero nang makita ng aso ang amo ay sunod-sunod ang naging pagtahol nito. Mahinang tumawa si Calix bago kunin ang alaga.
Nagkwentuhan muna kami sandali hanggang sa dumating na ang caterer. Agad kong inasikaso iyon. Kahit ang cakes mula sa The Slice ay isinalansan ko. Hindi makapupunta ang mag-asawang sina Sol at Duke dahil kapapanganak lang ng babae.
I was so delighted when Troy, Calvin, and Owa arrived. Kitang-kita ko kasi sa mukha ni Calix ang saya. These people never judged him, despite their great achievements. Lahat sila ay mga successful na engineer, pero hindi sila nakalimot kay Calix.
Syempre. Dapat lang, 'no! Ang boyfriend ko ang pinakagwapo at pinakamatangkad sa kanila. Kung sakaling tatalikuran nila si Calix dahil lang sa achievements nila, iisipin ko talagang inggit sila sa kanya!
Kasama ni Troy si Chin, at matapos bumati kay Calix ay sa akin siya dumiretso. Tinulungan niya akong mag-asikaso ng pagkain.
"Kailan ang kasal?" pang-aasar niya.
Ngumisi ako. "Hintay ka lang. Tatalunin namin ang wedding n'yo ni Troy."
"Hindi ako iiyak sa kasal mo gaya ng paghagulgol mo no'ng sa akin. Akala mo ikaw ang bride." She laughed.
Pabiro akong umirap sa kanya. "Excuse me?! Umiyak ako kasi ang mahal ng pamasahe ko para lang makauwi rito, tapos walang gwapo sa simbahan?!"
"Calix, gwapo raw sabi ni Vina!" singit ni Troy. Ni hindi ko namalayang nakasunod na agad siya sa asawa.
Sininghalan ko siya. Naging happy crush ko ba talaga 'to noong college?! Jusko, mabuti na lang at nag-improve ang taste ko!
"Vina, don't murder my husband in your head," natatawang saad ni Chin.
"Shet, my husband daw..." parang tangang sambit ni Troy.
I exhaled. "Chin, wala ka ba talagang planong makipag-divorce?"
Hindi pa nakakasagot si Chin ay naramdaman ko na ang kamay ni Calix sa baywang ko. Sa simpleng aktong iyon, hindi ko na nasundan ang pang-aalaska ni Troy sa akin. Napatingin ako sa matangkad na lalaki sa gilid ko at nakitang nakangisi lang siya sa kaibigan.
"Tara na sa mesa," anyaya niya na agad naman naming sinunod.
It was fun seeing Calix having a good time with his friends. Lumalabas ang totoong ngiti niya. Pansin ko rin na kahit nagsimula nang magkainan ang lahat ay tahimik pa rin siyang nanalangin. I didn't eat right away, too. Hinintay kong matapos siya sa pagdarasal bago ako kumain. Nasanay na rin kasi ako sa kanya.
Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit tuwing kakain kami ay yuyuko siya at matatahimik. But then, as time went by, I'd realized that he was praying.
"Sabi na, eh!" untag ni Calvin na para bang may naalala siya. "Si Vina ba 'yong ikinuwento mong nakatitigan mo sa activity center no'ng may program sa school?"
Nag-init ang pisngi ko. Shuta, tanda ko 'yon! Nag-rant pa ako sa twitter no'n kasi wala siyang chat kahit ilang beses naming nahuli ang tingin ng isa't isa!
"I don't know what you're saying," masungit na sagot ni Calix na parang tinutuldukan na ang usapan.
Tumawa si Calvin. "Owa, tanda mo 'yon?!"
Bumaling sa akin si Calix at nginusuan ako. "Don't listen to them, please."
I giggled. "Why? I wanna hear it."
Lalo siyang sumimangot.
"Hindi sinasabi ni Calix kung sino. Tahimik kasi 'tong bata natin, eh!" natatawang dagdag ni Owa. "Akala ko pa dati ay si Solene ang gusto!"
"What?" natatawang saad ni Troy. "Binakuran agad ni Duke 'yon, eh! Hindi pinapasabay sa mga kaklase nating lalaki!"
Lalong tumawa si Owa. "Gusto ko kasi si Sol noong college, 'di ba? Medyo tinitingnan ko kung sino ang makakaribal ko. Akala ko ay isa si Calix do'n."
Umiling si Calix. "She's obviously into Duke. Umpisa pa lang."
Ngumisi si Troy. "Yun oh, Vina! Kung hindi pala gusto ni Beb si Duke, may gagalaw na Hapon!"
"No, of course not!" depensa agad ni Calix sa sarili. "I never see her in that light." Tumingin pa siya sa akin na parang kinukumbinsi ako. "Hindi talaga," dagdag niya pa.
"Easy," tawa ko. "Naniniwala naman ako."
Hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa at dinala iyon sa hita niya. He sighed in contentment when he glanced at our hands.
"Tanda ko talaga 'yon, eh. Curious na curious ako dati kung sino ang napupusuan nitong si Calix." Parang nag-iisip si Calvin. "Basta laging sumasali sa dance competitions 'yong babae. Kahit kasi wala kaming pasok ay pumapasok si Calix makapanood lang."
Calix cleared his throat. "Shut up, Calvin."
Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. Ano ba, tell me more!
Mahinang tumawa si Chin. "Edi si Vina nga. Sumasayaw 'yan, eh."
"So, eto talaga ang pag-uusapan natin? Love life noong dalawa?" sabat ni Troy. "Ayaw n'yo bang i-topic ang panliligaw ko kay Chin?"
Napairap ako. "Bakit? Birthday mo?"
Napatawa si Calix. Sasagot pa sana si Troy nang kunin ni Lola Harriet ang atensyon namin. May hawak siyang chocolate cake para kay Calix. Sa tabi naman niya ay ang asawa na may bitbit na regalo.
"La, ilapag mo na 'yang cake dito para hindi ka mahirapan," puno ng lambing na sabi ni Calix.
Umiling lang si Lola Harriet habang may maliit na ngiti sa labi. "Baka last birthday mo na 'to na kasama ako, eh."
Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pagbigat ng damdamin ko. Sinaway nina Lolo Ken at Calix ang matandang babae. Kahit ang maingay na mga kabarkada ni Calix ay natahimik.
"Happy birthday, apo," simula ni Lola Harriet. "Tandang-tanda ko pa kung paano ko hinawakan ang nanay mo habang nanganganak siya sa 'yo... tapos ngayon, heto na, trenta'y dos anyos ka na."
"Lola naman," Calix whispered.
"Calix, pasensya na sa mga pagkukulang ng anak ko sa 'yo. Alam kong kahit ilang libong patawad pa ang hingin ko... hinding-hindi no'n matatawaran ang mga natamo mo sa kanya." Huminga siya nang malalim at unti-unting naglakad patungo kay Calix. Tinanggal ko ang kamay niya sa akin at pumunta sa likuran niya para bigyan sila ng mas harapang pag-uusap.
Nanginginig ang kamay ni Lola Harriet nang ibaba ang cake sa mesa. Dahan-dahan niyang hinawakan ang braso ni Calix at nginitian siya.
"I'm sorry," mahinang sambit ng matanda. "Hindi kita nabigyan ng magandang buhay... at hanggang ngayon, bitbitin mo pa rin ako."
Umiling si Calix. "Lola kita, eh. Hindi bitbit 'yon. Pagmamahal ho 'yon."
Napahinga ako nang malalim dahil napagtanto kong hinding-hindi na ako makaaahon sa pag-ibig ko kay Calix. It was always his small ways... his right words... and his peace.
"Pasensya ka na kung minsan ay nasisigawan ka ni Lola, ha? Pasensya na rin kung nakagalitan ka ng Lolo mo dahil sa board exam."
Naririnig ko ang usapan nila dahil nasa likuran lang ako ng upuan ni Calix. Ang mga bisita naman ay bumalik sa pagkukwentuhan. Alam kong paraan lang nila iyon para makapag-usap nang maayos ang mag-lola.
"At huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa pagkawala ni Caroline. Hindi mo kasalanan 'yon, Calix..." Umiling si Lola. "Ikaw ang pinakamagandang biyayang natanggap ko sa Diyos... at kung hindi 'yon nakita ng mga magulang mo, kita naman ni Lola... proud naman sa 'yo si Lola... at mahal na mahal ka ni Lola."
The message was solemn enough to reach the deepest part of my heart. Pakiramdam ko ay isinama ako ni Lola Harriet sa buhay ni Calix... na kahit hindi ko alam ang buong nangyari, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang maging proud sa kanya.
We sang a happy birthday song for him, and I could see how happy he was. If only I could, I would capture this moment—this exact expression from him. Kahit si Lolo Ken ay niyakap siya at narinig ko rin ang paghingi niya ng tawad sa kanya.
"Vina," bulong ni Chin sa akin nang humiwalay kami sa grupo ng mga kalalakihan.
Umuwi na sina Lolo at Lola dahil dumating na rin ang sundo nila. Ngayon ay parang mga batang naglalaro ng video games ang magkakaibigan sa sala.
"'Yong lola ni Calix..." Chin sighed.
"Hmm?"
Umiling siya. "Inaalala ko kung saan ko siya nakita... tapos na-realize ko na siya pala 'yon." Parang sinasabi niya lang iyon sa sarili niya.
"I don't understand."
She shrugged her shoulders. "Let's just say that she's my guardian angel."
Mahina akong tumawa dahil hindi ko pa rin naintindihan ang sinabi niya. Nagtimpla ako ng juice para sa kanila samantalang si Chin ay nakatulala pa rin na parang hindi makapaniwala sa nangyari. Kung hindi ko pa siya tatawagin ay mananatili siya sa kusina.
Tumabi ako kay Calix at kahit tutok siya sa paglalaro ay nagawa pa rin niyang iikot ang isang kamay sa akin. Hindi na rin ako nagulat nang matalo siya ni Troy. Hindi naman niya pinansin ang pag-iingay ng lalaki dahil bumaling siya agad sa akin. He even gave the controller to Owa.
"Masaya ka?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. His eyes were filled with love, and seeing that made me happy, too.
His happiness is my happiness.
Nagtagal ang mga bisita hanggang alas-diez. Ayaw pang paawat ni Troy dahil minsan lang daw siya makalabas. Kung hindi pa sasabihin ni Chin na kailangan pa nilang kunin si Trevor sa mga magulang ni Troy, hindi pa talaga siya aalis.
"Kilos-kilos na at hindi na bumabata," narinig ko pang sambit ni Calvin kay Calix.
Nakuha ko agad ang ibig sabihin noon kaya itinawa ko na lang. Matapos mag-ayos at maglinis ay naligo na ako. Ganoon din si Calix. Alam kong pagod na siya sa haba ng araw pero ayaw ko namang ipagpa-bukas ang regalo ko sa kanya. I waited until he finished. Nang lumabas ng banyo ay naka-sweatpants na lang siya at T-shirt.
Nakita niyang naghihintay ako kaya napangiti siya.
"Halika rito, bilis! Buksan mo ang regalo ko!"
Lumapit siya sa akin. "Hindi pa ba regalo ang pagpapakain sa mga bisita? At 'yong bagong equipment sa gym?"
Umiling ako. Tumitig pa siya sa akin bago kinuha ang paper bag. Nakaupo lang kami pareho sa carpet dahil nasa sofa ang ibang regalong natanggap niya.
"Vina," bulong niya nang makita ang regalo kong camera.
"Fujifilm para kay Fujimoto!" maligayang saad ko.
He bit his lower lip and shook his head. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Mahal 'to, eh."
Ngumiti lang ako sa kanya. I knew he would say that.
"'Di ba kailangan mo ng mas magandang camera para ma-capture mo nang maayos ang properties na ibinebenta n'yo?" Humilig ako sa balikat niya.
"Oo, pero pwede naman ang cellphone ko, Vina. Marami kang gastusin, eh. Dapat inuna mo 'yon."
Tumawa lang ako. Nang mag-mall kasi kami ay nakita ko siyang tumitingin ng camera. Hindi niya lang binili dahil pinag-iipunan niya ang chemotherapy ni Lola Harriet.
"Bibili ka pa ng kotse, 'di ba?"
"'Wag mo nang isipin 'yon. Regalo ko 'yan, eh!" Umayos ako ng upo at pilit siyang iniharap sa akin. "Kuhanan mo ako, bilis! Pampaswerte!"
"Vina," he hesitated. Parang ayaw pang tanggapin.
Sumimangot ako. "Hindi ko inisip na gastos 'yan kasi sa 'yo ko naman ibibigay."
He gulped. "Kasi..." Bumuntong-hininga siya. "Ayaw ko lang may masabi sa atin... sila." Lumungkot ang boses niya. "I'm not after your money, Vina."
"Alam ko, Calix. And... do their opinions really matter? This relationship is ours. I'm old enough to make my own decisions." I exhaled. "Hindi mo tatanggapin? Eh... binili ko 'yan para sa 'yo."
"Babayaran kita kahit kalahati," aniya pa.
Umiling ako. "Kapag ginawa mo 'yan, hindi ko tatanggapin ang ibinabayad mo sa renta."
Nang magpakawala siya ng malalim na buntonghininga ay napangiti ako. Ayaw kong isipin niyang pera iyon... gusto ko, makita niya iyon bilang regalo ko dahil gusto kong maging mas madali ang pagtatrabaho niya.
"Thank you," halos bulong na iyon. "Nakakahiya."
Ngumisi ako. "No'ng pinapanood mo ako sa activity center na sumasayaw, hindi ka nahihiya?!"
"Iba naman 'yon, eh." Ngumuso siya. "You were so sexy."
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong kinuha ang throw pillow at inihampas iyon sa kanya.
"Mahalay ka!"
He smirked... at last. Kinuha niya ang camera at itinutok iyon sa mukha ko. Hindi pa ako nakakapag-pose ay na-picture-an niya na agad ako.
"Ulit! Hindi pa ako ready!"
Umiling siya. "Ganda mo pa rin."
Nag-init ang pisngi ko kaya muli ko siyang hinampas ng unan. Ang kaso, naagaw niya iyon sa akin kaya mabilis akong kumuha ng panalag. Para kaming batang naghampasan noon habang tumatawa. Competitive pa ang gago dahil ayaw talagang magpatalo. Tuwing umaaray naman ako ay tumitigil siya para tingnan ang masakit sa akin.
Between our pillow fights, I silently thanked the heavens for holding Calix... for bringing him into this world on the eighth of May... and for giving me a chance to love and be loved by him.
Sa kanya, naranasan ko ang maging una. Naranasan kong mapakinggan. Naranasan kong maging paborito.
"Gising ka pa?" maya-maya'y tanong niya.
Tumango ako at lalong yumakap sa kanya. Nasa sofa na kami ngayon.
"I have a gift for you, too," bulong niya.
Kumunot ang noo ko. "Noong October pa ang birthday ko."
He chuckled huskily.
"Luh, 'wag kang tumawa nang gan'yan! Hindi ako naaakit!"
Bwisit, kung nakakabuntis lang ang tawa, baka bente sinco na ang anak ko sa kanya.
"I heard a song... tapos naalala kita, naalala ko tayo." He breathed deeply.
"Hmm? Tell me about it."
"Kaso walang-wala 'yon sa regalo mo sa 'kin. Bigatin ka kasi, eh. Hirap tapatan." He chuckled.
Napanguso ako. "Ano 'yon?"
"May inaral kasi akong kanta... sa piano."
Napaupo ako sa sinabi niya. "Totoo?!"
Tumango siya.
Tumayo agad ako at hinigit siya. "Parinig ako!"
"'Wag mo 'kong pagtatawanan, ha?" nangingiting sabi niya bago buksan ang grand piano. Umupo siya sa tapat noon at agad akong humigit ng silya para tabihan siya.
"Nakakahiya." Nakangiti pa rin siya. "Medyo nagtitipid kasi ako ngayon, eh. Hindi ko pa kayang bilhin ang mga gamit na gusto mo."
He was smiling, but I knew deep within him that he was at it again... He was dealing with his own insecurities again.
"You don't have to finance me, Calix. I can finance myself," I muttered. "Sinabi ko naman sa 'yo, 'di ba? I'm not after those things. I can afford them."
Umiling siya at nagpakawala ng buntonghininga. "Alam ko. Nahihiya lang ako kasi wala pa akong naibibigay sa 'yo..."
I pursed my lips. Heto ang epekto ng sinabi ng mga tao sa kanya.
"Kung alam mo lang, Calix, kung ano ang bigat sa akin ng mga ginagawa mo araw-araw, hindi mo pagdududahan ang sarili mo nang ganyan."
Natahimik siya... pero ilang sandali lang ay tumipa na siya sa piano. Walang salita. Walang tanong. Tanging ang tunog lang ng piano ang naririnig.
Akala ko ay hindi siya kakanta, kaya ganoon na lamang ang pag-iinit ng puso ko nang marinig ang boses niya.
"I'll be the one that stays 'til the end, and I'll be the one that needs you again..."
His voice was so calming and soothing. Malalim at punong-puno ng emosyon. I had no idea he could sing so well.
Slowly, I closed my eyes and listened to the message of the song. After all, it was dedicated to me... it was my Calix's song for me.
"And I'll be the one that proposes in a garden of roses... and truly loves you long after our curtain closes."
Bahagya siyang tumigil pero hindi ako nagmulat ng mata.
"But... will you still love me when nobody wants me around?"
My eyes immediately welled up. I knew who he was pertaining to. I knew it was my family. He continued singing. It was so heartfelt...and good... to the point that it hurt.
"'Cause I am the one who has waited this long... and I am the one that might get it wrong, and I'll be the one that will love you the way I'm supposed to, girl..." he sang. "But will you still love me when nobody wants me around... around?"
I wanted to shout yes! I wanted to assure him that I would stay with him... that I would love him under different circumstances.
"Proud of me, of my short list of accomplishments, see... me and my lack of new news. Me and my selfishness or me and myself wish you nothing but a happy new version of you." He played the piano as if he had been practicing for a very long time.
The message of the song reached me. Each word struck a chord in my heart.
"I want you to tell me you find it hard to be yourself so I can say, "It's gonna be alright."
And I want you to love me the way you love your family, the way you love to show me what it's like to be..." Nagmulat ako at nasalubong ko agad ang tingin niya.
"Happy..."
A tear fell from my eye. May kislap din sa mata niya dahil sa natapos na kanta.
"Vina, as you can see, I'm not much. I have a lot of shortcomings... flaws. I have a long list of failures," he said. "But I love you with everything I have... I love you with everything I am."
I couldn't say anything. Ang akala kong tahimik na pagtangis lang ay nauwi sa mahihinang paghikbi.
"Hindi ko kayang makipaglaban sa mga naging... manliligaw mo. Hindi ako kasing yaman nila.... hindi kasing successful... hindi kasing talino." Lumapit siya sa akin at pinagdikit ang noo namin.
"Pero, Vina, 'yong pagmamahal ko sa 'yo, kaya kong ipanalo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro