Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18


Chapter 18

We slept in my room that night. I was the one who requested it. Hindi maabot ng isip ko na nasigawan ko siya, at dumating iyon sa punto na naalala niya ang galit na mukha ng mga magulang niya sa kanya. I was so guilty.

Sinabi niya rin sa akin ang paghihintay niya sa labas ng hospital. He reserved a dinner for us, pero hindi iyon natuloy dahil sa text ko sa kanya na huwag na akong sunduin. Hindi niya raw kasi agad nabasa ang text. Na kaya pala siya tahimik noong pauwi kami ay gusto niya lang magpalambing... but I didn't. Nasigawan ko pa.

I was at fault... kahit pa sinabi niyang siya ang may kasalanan.

Nang dumating ang araw ng Sabado ay ganoon pa rin ang ginawa namin. Breakfast, general cleaning, and movie. Another lazy day with him. Mamayang gabi kasi ay kina Mama kami mag-di-dinner. Finally, matutuloy na rin.

"Pwede bang sa kwarto mo ulit ako matulog mamaya?" nakangiting tanong niya sa akin habang nasa sofa kami. His head was placed on my lap.

Simula noong natulog siya sa kwarto ko ay araw-araw niya na iyan itinatanong.

Umirap ako. "No. Isang beses lang sa isang taon."

Ngumuso siya. "Damot. Tatabi lang, eh."

Napaismid ako. "Anong tatabi?! Akala mo ba hindi ko ramdam ang mga pagyakap mo sa akin? Nanghahalik ka pa ng buhok!"

"You touched my chest, too—"

"No!" agap ko.

Tumawa siya. "But I like it."

Pabiro kong sinabunutan ang buhok niya kaya lalo siyang tumawa. Hinuli niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. He kissed it repeatedly while staring at me.

"Vina," tawag niya sa akin kahit magkatitigan lang naman kami.

"Ano?"

Ngumisi siya. "Kiss."

He pouted. Napatawa na lang ako bago yumuko para halikan siya. Ang plano kong simpleng halik ay hindi natuloy dahil hinawakan niya ang likod ng ulo ko para madiin ang labi ko sa kanya. He suckled on my lips and teased them with his tongue.

"Tamis," he whispered right after the kiss.

Napasimangot ako. "Ang sakit ng likod ko, bwisit ka."

Tumitig siya sa akin at nag-buntonghininga.

"Kapag natapos na ang chemotherapy ni Lola, kasal naman natin ang pag-iipunan ko," nangingiting saad niya bago muling kunin ang kamay ko.

He looked at me with so much love and adoration. Para bang hawak ko ang mundo niya... at pinapanood niya iyon mula sa mga kamay ko.

"Hay, Vina." He sighed. "Ano'ng ginawa mo sa akin?"

Tumawa ako at hinaplos ang buhok niya. I wanted to tell him how much I loved him and how happy I would be as long as we were together... that we were on the same page... that he was holding my happiness in his palm.

"Ganda lang 'to," tanging naisagot ko.

"Did you hypnotize me?" He narrowed his eyes. "Ginamitan mo ba ako ng classical conditioning o ng mga psychological techniques para mahalin kita nang ganito?"

"Kaya ka ba umuungol kagabi sa banyo?" pang-aasar ko sa kanya.

Pinanood ko kung paano namula ang buong mukha niya. Inalis niya ang ulo sa hita ko at umupo nang maayos.

"Akala mo hindi ko rinig, ha?" saad ko pa.

"I'm not doing that!"

Ngumisi ako at sumandal sa sofa para matitigan siya. Kinuha ko ang isang throw pillow at inilagay iyon sa dibdib ko.

"Ano'ng ginagawa mo, ha?" I asked with malice. "Bad 'yon, Calix."

"H-Hey!" He sounded so defensive. "It's not what you think!"

"Shhh, I understand." Tumango pa ako kahit gustong-gusto kong matawa sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. "It's normal. Ikaw ba naman may kasamang ganito kaganda sa bahay, 'di ba? Hindi kita masisisi."

"Vina!"

Tumawa ako. "Shh–"

"I was pooping!"

Napatigil ako sa pagtawa at natulala sa kanya. Kung pula ang mukha niya kanina ay mas mapula na ito ngayon. Umawang ang labi ko, at maya-maya pa ay narinig na sa buong bahay ang pagbulanghit ko.

"Malaki siguro at hingal ka, 'no?"

Buong araw ay inaasar ko siya tungkol doon. Kahit habang nagluluto siya ng dadalhin sa bahay, hindi ko siya tinigilan. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang sumumpong dahil hindi siya makaganti. Bukod sa wala siyang pang-rebutt, halata sa mukha niya ang kaba habang naghahanda ng pagkain. Naka-ilang trial-and-error pa siya samantalang sinigang na hipon at sarciadong bangus lang naman ang dadalhin.

Nang mag-alas-sinco ay nag-ayos na ako. Nauna pa nga si Calix na maligo at mag-prepare. He was nervous, but I assured him he had nothing to worry about because I would be there.

"Calix, tara na!" sigaw ko mula sa baba matapos kong magbihis.

Napakunot ang noo ko nang lumipas ang limang minuto ay hindi pa rin siya bumababa. Walang pag-aalinlangang umakyat ako sa kwarto niya.

"Calix." I knocked on his door. "Hindi ka pa ready?"

"Vina, hindi ko alam ang isusuot ko," mahina pero klarong sagot niya.

"Kahit ano lang. Sa bahay lang naman tayo."

"Open the door," utos niya. "Please, help me choose."

Napangiti na lang ako bago buksan ang pinto. Pinigilan ko ang mapasinghap nang makita ang hubad na katawan niya. His muscle cuts were perfectly defined, each cut in just the right place. His abdomen was flat and toned, with no trace of the baby fat that often plagued others his age. And his chest—god, his chest—he really had the physique of a warrior. His hair fell across his temples—tousled and unkempt—yet somehow looked perfect on him. Hindi maayos ang pagkakatali niya rito dahil aligaga siya sa paghahanap ng isusuot.

Itim na pantalon pa lang ang suot niya pero mukha na siyang modelo na rarampa sa runway.

Nag-iwas ako ng tingin. Tanginang katawan 'yan. Ang sarap gulungan.

"Should I wear something formal?" he asked. "Or casual lang? Like a shirt?"

Tumango ako. "A polo shirt looks good on you."

"Really?" he sounded amused. "What color?"

I glanced at him. Pinipigilan ko talagang huwag siyang titigan nang matagal. Mahirap na. Baka imbes na tulungan siyang magbihis, tulungan ko na lang siyang maghubad.

"Uhh... any color. 'Wag lang itim kasi itim na ang pantalon mo," suhestyon ko. "'Yong polo shirt mo ba na white? 'Yong may black linings sa sleeves at collar?"

He bit his lower lip. "You think that's okay?"

"Oo naman. Gwapo ka ro'n."

Ngumiti ako at pilit na isinantabi ang karumihan sa buhay. Lumapit ako sa kanya at tinulungan na siya na mag-ayos. Namili rin ako ng sapatos na bagay sa outfit niya at pinaupo siya sa kama para suklayan.

"Vina, I'm nervous," he whispered as I brushed his hair. Hinayaan ko lang na nakalugay iyon dahil hindi naman sobrang haba.

"Paano kapag hindi nila ako nagustuhan?" tanong niya. "I mean, you deserve more than what I have to offer... but I don't think I can let you go."

Pinigilan niya ang kamay ko na inaayos ang buhok niya kaya hinarap ko siya. His eyes were filled with worry.

"Why will you let me go?"

Umiling siya. "Hindi..."

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal kita, Calix. I deserve you, and you deserve me, not for the things we have, but for the love we have for each other."

He let out a sigh before resting his head on my tummy. Limang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa magdesisyon siya na magpatuloy na sa pagbibihis. Tulog si Matcha nang iwan namin sa bahay kaya hindi na inihabilin ni Calix sa ramen house. Nag-iwan lang kami ng pagkain niya. Tinutukan na rin namin ng electric fan.

Ipinarada niya ang motor sampung metro mula sa bahay namin. He looked tense. Nakailang buntonghininga na siya dahil sa labis na kaba.

"Ma, nandito na sina Ate!" sigaw ni Rebecca nang makita kami. Mukhang pabalik na siya sa call center.

Ngumiti si Calix sa kanya at ganoon din ang ginawa ng kapatid ko. She tapped my shoulder briefly before leaving the scene. I had a feeling she wanted us to talk about what had happened before, but she needed to get back to work. Isa pa, kasama ko si Calix.

Magkahawak-kamay kaming pumasok ni Calix sa loob ng bahay. My boyfriend's hand was cold, so I squeezed it to show him that he had nothing to worry about.

Nakatanaw na si Mama mula sa pintuan ng bahay. She narrowed her eyes on Calix. Kung hindi pa ako nagkakamali ay pinasadahan niya ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa.

I bit my lower lip to prevent myself from getting nervous. Nothing could stand in our way.

"Magandang gabi po, Ma'am," magalang na bati ni Calix kay Mama.

My mother looked like a critic, and Calix was the target of her scorn.

"Ma, si Calix po." Tumingin ako sa lalaki at binigyan siya ng matamis na ngiti bago muling tiningnan si Mama. "Boyfriend ko."

Tumikhim si Mama. "Sa sala muna kayo maghintay. Hindi pa handa ang pagkain."

"May dala po kami, Ma'am..." agap ni Calix at ipinakita ang paper bag na iniluto niya kanina. "Nabanggit po kasi ni Vina na mahilig kayo sa seafood."

My mother gave him a small smile before taking the paper bag from him. Nakita kong lumabas mula sa kwarto si Papa pero hindi niya manlang kami binati... ni hindi nga siya sumulyap sa akin.

Surprisingly, it didn't hurt me like it used to. Masakit pa rin, oo, pero hindi na kasingsakit ng dati. Parang unti-unti, natanggap ko na... na hindi na siya si Papa... na hindi na siya ang unang lalaking nagtanggol sa akin.

"Sige na, tatawagin ko kayo kapag maghahain na ako."

Nagtungo kami ni Calix sa sala.

"Vivienne, gusto kong makita sina Rexter." Narinig kong saad ni Papa mula sa kusina.

"Saka na 'yan, Timothy. Alam mo namang..." Hindi ko na nasundan ang sinabi ni Mama dahil hinarap ko na si Calix. Walang pagbabago sa itsura niya. Mukha pa rin siyang kinakabahan.

"Hinga." Siniko ko siya. "Hindi ka naman kakainin ng mga 'yan."

"Vina... kasi... parang ayaw sa akin ng Mama mo," malungkot na aniya. "Anong gagawin ko?"

I heaved a sigh. "Wala kang gagawin. You're Calix, and you're perfect for me. Kung hindi nila makikita 'yon, ako... kitang-kita ko." I smiled. "Do I need to say more?"

Umiling siya. Nagkwentuhan na lang kami para kahit papaano ay maibsan ang kaba sa dibdib niya. Nang lumabas si Mama mula sa kusina ay maagap siyang tumayo. Lihim akong napangiti. The A in Calix stands for Alisto.

"Halina kayo." Si Mama.

Hahakbang palang ako patungo sa kusina ay nag-ring na ang cellphone ko. Sabay kaming napatingin ni Calix doon. Nang makitang si Faye ang tumatawag ay napakunot ang noo ko.

"Wait lang," bulong ko, "sasagutin ko lang 'to."

Bahagya akong lumayo sa kanya. Nakita kong tinawag na siya ni Mama papasok sa kusina kaya sinagot ko na ang tawag.

"Hello?"

"Doc, may emergency po!" Halata sa tinig niya ang takot at taranta. "Isinugod po ulit dito si Mr. Fernandez. Nagwawala po... eh... hawak po si Yesha. Tinututukan po ng gunting sa leeg..."

"What?!" Agad na nagwala ang dibdib ko. "Nasaan ang security? Ang doctors? Ang male nurses natin?"

"D-Doc," iyak niya. "Doc, kayo po ang h-hinahanap... hindi na po namin alam ang gagawin. Kakausapin daw po kayo... Doc, please, pumunta ka na rito..." rinig ko ang pangamba at takot sa panginginig ng boses niya.

"Faye... kasi..." Napatingin ako sa kusina at nakitang nakaupo na si Calix doon habang nakasilip sa akin.

"Doc, please, nagwawala na po..."

I closed my eyes tightly. Alam kong may magagawa ang mga tao sa ospital pero pasyente ko si Mr. Fernandez. Kung ako ang hinahanap niya, sigurado akong hindi siya kakalma hangga't hindi ako nagpapakita.

Nanlalamig ang buong katawan ko dahil kinakabahan ako sa nangyayari sa ospital. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari iyon lalo noong nasa America pa ako pero ito ang unang beses na sa pasyente ko iyon nangyari.

"Ayos ka lang?" Hindi ko namalayang tumayo na si Calix at nilapitan ako.

I shook my head. "Kailangan ako sa ospital."

"Bakit? Emergency? Halika, ihahatid na kita..." Hinawakan niya ang kamay ko, handa na sa pag-alis namin.

"Vina, may problema ba?" tanong na rin ni Mama nang makita kami ni Calix. "Pumunta na kayo rito at tapos na akong maghain."

Calix cleared his throat. "Uhh... Ma'am... may emergency po si Vina. Ihahatid ko muna."

I gave my mother an apologetic look. Hindi na ako makapagsalita dahil nananaig sa akin ang kagustuhang makaalis na agad.

"Ganoon ba?" Lumungkot ang tinig niya. "Paano ang mga inihanda ko?"

"Ma..." tanging nasambit ko.

"Ganito na lang. Calix, ihatid mo muna, tapos bumalik ka rito," suhestyon ni Mama. "Mamaya ay ipasusundo ko na lang siya kay Mark para hindi ka na maabala."

"Ayos lang naman po na ako rin ang sumundo," sagot ni Calix. Tumingin siya sa akin, ang mga mata ay punong-puno ng pag-aalala. Para bang pinapakalma niya ako kahit na walang salitang namamagitan sa amin. "Ayos lang ba sa 'yo 'yon? Babalik ka naman, 'di ba?"

Tumango ako. "Oo... mabilis lang 'to. Pakakalmahin ko lang 'yong pasyente."

Hindi na kami nagtagal doon. Inihatid ako ni Calix sa ospital. I apologized for the inconveniences, but he insinuated that it was something I couldn't control... and that it was my responsibility as a mental health physician. Kahit halata sa mukha niya ang kaba sa isinuhestyon ni Mama, dala ng matinding respeto sa nanay ko, hindi siya nagdalawang-isip na bumalik sa bahay. Hindi ko na rin naman siya napigilan lalo't ang utak ko ay na kay Mr. Fernandez na.

"Isang oras lang, Calix..." pangako ko sa kanya.

The hospital was in complete disarray when I went in. Some patients were trying to figure out what was happening, and their nurses were having trouble telling them to return to their rooms. Ngayon ay hawak na ng apat na male nurses si Mr. Fernandez at tinuturukan na rin nila ito ng pampakalma.

Yesha was having trouble breathing. Other nurses were assisting her.

Nang makitang maayos ang lagay niya ay hindi na ako sa kanya dumiretso. Napansin ako ni Dr. Santiago, pero dahil sa nangyari ay hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Sumunod ako sa nurses na nag-a-assist kay Mr. Fernandez.

"Faye, kunin mo ang records sa office ko," utos ko bago pumasok sa kwarto kung saan inihiga ang pasyente.

Wala siyang malay dahil sa itinurok sa kanya. Pinasalamatan ko ang nurses at pinag-stay ang dalawa sa kanila. Nang dumating si Faye bitbit ang records ay binasa ko iyon nang paulit-ulit. Halos tatlumpong minuto rin bago muling nagising si Mr. Fernandez.

"Doc!" sigaw niya nang makita akong nakaupo sa gilid ng kama niya. "Doc... bumalik 'yong boses... Doc... tulungan mo ako!" Agad na tumulo ang luha sa mga mata niya. "Kasalanan ko, eh! Kasalanan ko na namatay ang anak ko! Kasalanan ko na nawala ang pamilya ko... Doc, may b-boses ulit... bakit ganoon? Bakit bumalik?"

He pulled his hair, screaming. Pulang-pula ang mukha at leeg niya dahil sa labis na galit... dismaya... at lungkot. Hinawakan siya ng dalawang nurse at parang nawalan siya ng lakas nang bumaling muli sa akin.

"Tulong po..." Lumiit bigla ang boses niya. "Parang awa mo na."

I nodded. "You're going to be fine. I will do my best to help you, okay?" Tumango-tango pa ako para makumbinsi siya. "Do you trust me? Nagawa natin noon, eh. Sigurado akong magagawa ulit natin ngayon."

"Promise?" Bumagsak ang luha sa mata niya.

Tumango ako. "Hingang malalim. Inhale, exhale." Sinunod niya ang sinabi ko. "Isa pa, inhale, exhale... inhale, exhale..."

Ilang beses naming ginawa iyon at nang medyo kumalma siya ay saka ko siya kinausap.

"Kailan mo huling ininom ang gamot mo?" tanong ko.

Lumikot ang mata niya. Doon pa lang, alam ko na ang sagot.

I sighed. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo na babalik at babalik 'yan kapag hindi mo sinunod ang schedule ng pag-inom ng gamot mo?"

Natahimik siya. Kinutkot niya ang daliri at maya-maya ay kinagat na ang kuko niya.

"S-Sorry, Doc."

"Eh, ang iba kong payo? Like... listening to music? Exercising? Getting enough sleep?"

Umiling siya. "Hindi rin po, D-Doc... ang hirap, eh. Sinusubukan ko namang kalimutan... pero ang hirap, eh. Ipinapaalala no'ng boses, Doc..."

"It's a process," I replied. "You can't heal overnight. You can't forget them all at once. Kaya nga tayo may medication, 'di ba? You have to help yourself, too, because you're the most important factor for your healing."

Natahimik siya ulit.

"Narinig mo 'yon? Hindi ako. Hindi 'yong nurses." I pointed at him. "Ikaw. Ikaw ang pinakatutulong sa sarili mo. Kasi ako, naniniwala akong gagaling ka!" Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw? Naniniwala ka ba?"

"O-Opo..."

"Good! Kung naniniwala ka, at kung gustong-gusto mo talaga, dapat sundin mo ang mga payo ko. I-mo-monitor muna kita bago kita ulit pakawalan, okay? Kailangan ay consistent ang pag-inom ng gamot."

Nakatulog siya nang tuluyan. Balak pa akong kausapin ni Dr. Santiago pero dahil nasa isip ko si Calix ay hindi na ako nakapunta sa opisina niya. I just told the nurses I had to leave and that it was because of an emergency at home. Calix was in such a bad spot, and I really felt bad for him. Sigurado akong kinakabahan iyon. Wala pa ako sa tabi niya para pakalmahin siya.

Hindi na ako nagpasundo dahil ayaw ko na siyang abalahin. Mabuti na lang at mabilis din akong nakarating sa bahay.

Hindi pa ako tuluyang nakapapasok ay napatulala ako sa nakita. Imbes na si Calix ang kasamang tumawa nina Papa at Kuya Rexter, si Liam ang bumungad sa akin.

"Oh, heto na pala si Vina, eh!" saad ni Kuya. "Nagkayayaan kami nitong si Liam kaya binisita na rin namin si Papa. Itinext ako, eh."

"Vina," tawag ni Liam sa akin.

Nagtagis ang bagang ko sa labis na galit.

"Nasaan si Calix?"

My heart hurt. It felt as if it was being gripped... clenched... and squeezed. Did he see all of this?

"Ah, pinabili ko ng ulam. Wala nang natira, eh... kakain pa 'tong si Liam," sagot ni Kuya.

Umawang ang labi ko. "What?"

"Ayos lang naman daw, Vina!" pahayag niya. "Siya na nga ang naghugas kanina ng pinagkainan nina Mama. Mukhang matino naman kaso ayun..." Tumawa siya, hindi na itinuloy ang insulto. "Bagay sa ugali mo. Paniguradong mapagtitiisan ka."

"Rex, that's..." Umiling si Liam.

"Totoo naman, ah? Inayawan ka para sa lalaking 'yon?" Nangingising yumuko siya.

Lalong nanikip ang dibdib ko sa narinig. Gusto kong sumigaw sa galit pero naipon sa loob ko ang lahat dahil gusto kong makita ang lagay ni Calix.

"Ma!" sigaw ko.

Bumaling ako sa kusina kung saan lumabas si Mama.

"Nasaan si Calix?!" inis na ulit ko sa tanong.

"Pinabili ng ulam," sagot niya na parang wala lang ang nangyari.

"Ma!" I called her again desperately. "Boyfriend ko 'yon! Siya ang bisita! Bakit n'yo pabibilhin ng ulam?! Tangina naman!"

"Bunganga mo!" sigaw ni Papa pero wala na akong pakialam. Si Calix lang ang nasa isip ko ngayon at ang pambabastos sa kanya ng pamilya ko.

Lumapit sa akin si Mama para kalmahin ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinaplos iyon.

"Anak... alam mo naman, 'di ba? Nag-iingat ako," marahang wika niya. "Hindi pala siya pasado sa board exam?"

Napapikit ako. I was so devastated. What have they done?

"Ang dami mong nakilala. Lahat sila kapantay mo, lahat sila mga propesyonal... Hindi naman sa minamaliit ko ang trabaho ng kasintahan mo, pero hindi ba parang... ang baba niya? Para sa 'yo, Vina, parang... hindi tama..."

Ito. Ito ang kinatatakutang marinig ni Calix. Na... hindi siya sapat para sa akin.

"Bakit, Ma? Dahil doctor ako?" My voice was low from controlling my anger.

Lumungkot ang mukha ni Mama. "I don't think he deserves you... Marami ka pang makikilala. Marami pang oportunidad ang magbubukas para sa 'yo, Vina."

Bawat pagbuka ng bibig niya ay gumuguho ang pag-asa sa puso ko. This family is hopeless. They will never be happy for me. They will never respect me.

"Pinaghugas mo ng pinggan?" Lumiit ang boses ko habang iniisip si Calix na sumusunod sa lahat ng utos nila dahil gusto niyang maging maayos ang imahe niya sa pamilya ko.

"Vina... para iyon lang naman..."

I was so tired of explaining to them.

"Ma, alam mo ba... hirap na hirap siyang magluto kanina para lang madalhan ka ng pagkain na paborito mo?" bulong ko. "N-naghanda siya. Ilang oras siyang nag-isip kung ano ang dapat isuot... kasi gusto niya... ayos siyang haharap sa inyo. Na habang papunta kami rito, nanlalamig siya... sa sobrang kaba."

"Anak, hindi naman—"

"Tapos paghuhugasin n'yo ng pinggan? Tapos..." Tumingin ako sa inuupuan ni Liam. "P-pabibilhin n'yo ng ulam? Para kanino?"

My Calix... my poor Calix... habang wala ako, nilalabanan niya ang mapanghusgang mata ng pamilya ko at tinitiis niya ang matatalas na salita nila... at ginawa niya iyon para sa 'kin... kasi gusto niya, matanggap kami.

"Vina, 'wag kang OA d'yan!" singit ni Kuya. "Inutusan naman namin. Pwedeng-pwede siyang tumanggi"—tumingin siya sa likuran ko—"oh, ayan na pala, eh!"

Slowly, I shifted my sight to him. Water, grease, and stains had ruined his white polo shirt. His neatly combed hair became disheveled. Bitbit niya ang isang kulay tsokolateng supot sa kaliwang kamay.

Nang magtama ang mga mata namin ay kitang-kita ko kung paano nawala ang bigat sa mukha niya. Na kahit nakangiti siya kina Kuya, Mama, at Papa, mayroong kirot at sakit sa dibdib niya.

"Heto na po ang ulam, Kuya," magalang na aniya.

Tumawa si Kuya bago tumayo. "Tara sa kusina, Liam."

Sinubukang hawakan ni Liam ang braso ko para humingi ng dispensa pero inilayo ko lang iyon sa kanya. Sinamahan nina Mama at Papa ang dalawa sa kusina at pansin na pansin ko kung paanong sundan ni Calix ng tingin ang mga ito.

My eyes were all fixed on him. Iniabot niya kina Kuya ang supot at naglakad na papunta sa pwesto ko. May maliit pa siyang ngiti sa labi.

Unti-unti ay parang gusto kong umiyak dahil sa nangyari sa kanya habang wala ako. Hindi ko alam. I just knew that it was more than him—washing the dishes and buying food for my ex-suitor. It was him—dealing with his insecurities while trying his best to build and project a positive image in front of my family, who had already formed a warped version of him in their heads.

"Nandito na pala ang maganda. Ayos na ba sa ospital?" malambing na tanong niya sa akin na para bang wala siyang dinadala.

Nanubig ang mga mata ko. "Bakit ang dumi nito?" Tinuro ko ang damit niya.

Mahina siyang tumawa. "Nataranta ako. Muntik ko pang masira ang gripo n'yo kanina kaya gan'yan..."

Yumuko ako dahil hiyang-hiya ako sa kanya.

"Bakit ikaw ang bumili ng ulam?" nanghihinang tanong ko.

"Syempre, alam mo naman... nagpapa-good shot."

Tuluyang tumulo ang luha ko sa narinig na sagot sa kanya. He was trying his best... his hardest. Itinanong niya sa akin kung ano ang paborito ni Mama at inaral niya pa kung paano iluto iyon. Halos baligtarin niya ang cabinet niya sa paghahanap ng maisusuot para lang maging presentable siya sa harap ng mga magulang ko... tapos heto ang matatanggap niya? Utos? Pambabastos?

"C-Calix, umuwi na tayo," nagaralgal ang tinig ko.

Para siyang nataranta. Hinawakan niya ang mukha ko at mabilis na pinalis ang luha sa pisngi ko. Nakakunot ang noo niya na para bang seryosong-seryoso siya sa ginagawa.

"Sino ang nang-away sa 'yo?" bulong niya. "Si Dr. Santiago ba? Ang pasyente mo? Hmm?"

Umiling ako. He didn't deserve this treatment. Habang sinusunod niya ang utos nila, palihim siyang pinagtatawanan at minamaliit.

"I'm... sorry..." hirap na hirap ako. "Tama na, Calix. Hindi mo sila kailangan. H-Hindi natin kailangan ang approval nila sa relasyon natin."

Bahagya siyang natigilan. Naghalo-halo ang emosyon sa mga mata niya, pero ang pinakananaig doon ay lungkot.

Umiling siya nang dahan-dahan. "Ayaw nila... sa akin?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tingnan nang diretso sa mata.

"Vina, tinanong kasi ako kung anong natapos ko, eh... tapos, syempre..." Mahina siyang tumawa. "Mag-ta-take naman ulit ako ng board exam. Sinabi ko naman 'yon kay Tita. Ang sabi ko, pipilitin ko nang ipasa..." He breathed. "Ayaw... niya?"

Yumuko ako at hinawakan ang kamay niya.

"Sorry," he whispered. "Na-disappoint ang mga magulang mo."

Paulit-ulit lang akong umiling, hindi mahanap ang mga tamang salitang dapat sabihin. Parang kahit anong gawin ko, hindi noon mapapawi ang pambabastos na natamo niya sa pamilya ko.

"Delikado ang ganyan, Ma!" Narinig namin ang boses ni Kuya. "Pera lang ang habol kay Vina."

Alam kong sinaway siya ni Mama pero hindi namin iyon narinig.

"Eh, totoo naman! Tatanga-tangang pumili. Nandito na ang ginto, naghanap pa ng bato."

I let out a sigh and muttered a curse. Handa na akong mag-martsa patungo sa kusina para isa-isahin sila nang hawakan ni Calix ang kamay ko.

"Uwi na lang tayo, Vina..." malumanay na aniya.

Umiling ako. "They can't disrespect you like that! Not when I'm around!"

Binawi ko ang kamay ko at buong atensyon ko siyang hinarap.

"Tell me," I commanded. "Ano'ng ginawa nila sa 'yo?"

He shook his head. "Hayaan mo na. Wala 'yon..."

"Sabihin mo sa akin kung ano'ng ginawa nila sa 'yo!" I pleaded. "D-Dahil hindi ko matatanggap... na tinrato ka nila nang ganito habang wala ako!"

I was so emotional. Naramdaman ko na lang ang init ng yakap niya sa akin at ang paglapat ng ulo ko sa dibdib niya.

I sobbed when I felt him kissing my head. How... could they hate him? Lahat sa kanya ay kamahal-mahal... bakit hindi nila makita iyon? Gusto kong sumigaw sa galit kay Kuya Rexter, sa mga magulang ko at miski kay Liam, pero ngayong nasa braso ako ni Calix ay parang pinapawi niya ang galit ko... na para bang kinakalma niya ako.

At dahil sa nangyaring ito, isa lang ang napatunayan ko.

"Calix, none of this will make me love you less. Tandaan mo 'yan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro