Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17


Chapter 17

Hindi na ako nag-abalang gisingin pa si Calix. Hindi na rin ako nag-breakfast. I texted my mom about the change of plans, and luckily, she understood. Ginawa ko agad ang mga dapat kong trabahuhin.

Mabigat ang dibdib ko habang nagtatrabaho dahil ito ang unang beses na nagtalo kami ni Calix, at kahit baligtarin ko ang sitwasyon, alam kong may mali ako. May karapatan siyang magalit, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pang baguhin ang plano namin. Was I that harsh? Na... kaya niyang hindi umuwi mamaya?

So... that's it? Kapag may misunderstanding kami, lalayasan niya ako? Ganoon ba?

Hindi ko alam. Parang ang babaw. Nagsimula ang inis niya sa akin nang sabihin ko sa kanyang hindi ako magpapasundo. From there, nag-spiral na. Hindi niya ako kinausap hanggang sa makauwi kami. I don't understand.

"Oh, ano'ng sabi ni Calix?" tanong ni Yesha nang makita ako.

"Huh?" I creased my forehead. "Ano'ng sasabihin?"

She chuckled. "Kahapon! Hindi ba kayo nagkita?"

"Girl, we live in the same house." I snorted. Inilagay ko ang folders sa mesa ko at nagsimula nang basahin ang profiles.

"Gaga!" Tumawa siya. "Naghintay 'yon dito kahapon. May dala pang ice cream kaso natunaw na kasi ang tagal mo."

Agad akong nagtaka. "I texted him! Ang sabi ko ay hindi ako magpapasundo."

"Hindi niya siguro nabasa agad. Pero sa tingin ko, medyo matagal siyang naghintay. Bago ka pa makapag-out."

I shook my head. "I didn't see him... no'ng lumabas ako."

"Luh, nakabalandra nga siya sa labas kahapon, eh! Itanong mo pa kina Kaycee! Nakita rin nila 'yon. Kung hindi pa ako lumapit para sabihing wala ka na sa loob, maghihintay talaga siya roon," paliwanag niya.

"He... didn't check his phone?" Naisip ko bigla na iyon marahil ang dahilan kung bakit medyo inis na siya nang magkita kami.

"Obviously..." sagot ni Yesha. "So, ano? LQ?"

I pouted. Hindi ko na siya sinagot kaya tawa siya nang tawa. Kung hindi ko pa palalabasin ay hindi niya talaga ako tatantanan. Kinuha ko ang cellphone at agad na tinawagan sina Chin, Anne, at Mich, mga kaibigan ko noong college. I told them that I wanted to apologize to Calix but couldn't figure out how. Mas expert kasi sila sa ganito. We agreed to meet after work. Pupunta raw sila sa restaurant malapit dito sa ospital.

Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa loob ng bag nang biglang mag-text si Calix. Dinaga ang dibdib ko at mabilis ang paglapat ng ngiti sa labi ko.

From: Calix Dylan

Bakit hindi mo ako ginising? Umalis ka agad?

Hindi pa ako nakakapag-reply ay may kasunod na agad siyang mga text.

From: Calix Dylan

Did you have your breakfast? Hindi ka nag-dinner.

From: Calix Dylan

Magpapa-deliver ako ng pagkain d'yan. Kumain ka.

My heart warmed. Napahinga ako nang malalim habang tinititigan ang mga mensahe niya. No one... no one is going to love me like this. Siya lang. Na kahit may tampo siya sa akin ay hindi niya hahayaang mamagitan iyon sa amin.

To: Calix Dylan

May cafeteria kami rito, Calix. 'Wag ka nang mag-abala. Marami rin naman akong trabaho ngayon. Hindi ako makakalabas para kunin 'yan.

Nag-reply siya agad.

From: Calix Dylan

Kumain ka.

Hindi na ako nag-reply. Halo-halo kasi ang nararamdaman ko para sa kanya. Miss ko na agad siya. Parang hindi tama ang simula ng araw ko. Marami ring trabaho ngayon si Calix. Ang alam ko ay maghapon siya sa BIR para i-process ang papers. Wala talagang tyansa na magkita kami ngayon.

"Doc, nand'yan na po ang pasyente ni Dr. Santiago," ani Faye. "Papapasukin ko na po."

I cleared my head and focused on my work. Nothing pretty much happened that day. Tumagal ng dalawang oras ang counseling kaya pakiramdam ko ay naubos ang brain cells ko. I wrote everything down and emailed it to Dr. Santiago. Hindi na rin ako nakapag-lunch dahil dumating din agad ang susunod na outpatient. May ilan ding walk-ins na hindi ko na na-administer dahil wala akong oras.

Nakaramdam ako ng gutom, pero ininda ko iyon dahil may kaharap pa akong pasyente. I needed to concentrate because some of my outpatients were receiving therapy. And just as I was about to finish up, another patient of Dr. Santiago came into my office.

"Wow," I murmured to myself. This day was taking way too long.

Alas-siete na nang matapos ako. Kahit pagod at gutom ay bumili ako ng maraming kimchi para kay Calix at treats para kay Matcha. Kikitain ko rin ang mga kaibigan kaya hindi ko alam kung anong oras pa ako makakarating sa bahay nina Lola Harriet.

"Vina!" tili nina Anne at Mich nang makita ako.

We exchanged hugs and pleasantries before calling a server for our orders. Chin was just gleefully tapping her fingers on the table.

"Water lang sa akin. Kina Lola na ako kakain," agap ko bago pa sila maka-order.

Umismid si Mich. "Baduy! Minsan lang, eh!"

Pagod akong ngumuso sa kanya. "Hindi ko inasahan na ganito katagal ang trabaho ko ngayon... saka pupunta pa ako kina Calix."

"Ayan na nga!" palatak ni Anne. "Bakit nahuli kami sa balita?! Kung hindi ko pa nakasalubong 'tong si Chin sa grocery store, hindi ko pa malalaman na may boyfriend ka na!"

"At magkasama pa sa iisang bahay!" dagdag ni Mich. "Mga imoral kayo!"

Tumawa ako. "Gago, wala ngang nangyayari sa amin no'n."

"'Wag kami, Rovina!" si Anne.

Chin chuckled.

"Ilang months na kayo? Kailan nagsimula? No'ng birthday ni Trevor?" sunod-sunod na tanong ni Mich. "Eh, hindi ka naman pumunta sa after party no'n, ah? Hinihintay ka namin tapos hindi ka tumaas."

Sumandal ako. Ngalay na ngalay kasi ang likod.

"After two weeks—more or less—nagkita ulit kami ni Calix, okay? It's not intentional," I explained. "Sakto namang naghahanap siya ng apartment o bahay na pwedeng matuluyan... ayun."

Malisyosang tumawa si Mich. "Galawang Vina! Super offer ka agad! Alam ba 'yan ni Tita Vivienne, ha? Akala ko ba ay babae dapat ang tenant?!"

Ngumisi ako. "Anong magagawa ko? Tao lang naman ako..."

They laughed in chorus. Patuloy nila akong inasar hanggang sa dumating ang orders namin. Kung pwede lang ay magtatagal talaga ako rito pero ayaw ko namang pahabain pa ang pagtatalo namin ni Calix.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Si Chin habang kumakain sila.

Sumimangot ako. "Ako agad?!"

Ngumisi siya. "Kung si Calix kasi ang may kasalanan, kanina ka pa sana nagdadadaldal d'yan."

"Totoo! Baka napagmumura niya na 'yon," tawa ni Anne.

"Hoy, hinding-hindi ko gagawin kay Calix 'yan, 'no!" depensa ko sa sarili. "Mas kaya ko kayong murahin."

"Eh, ano ngang problema mo?" untag ni Mich.

I told them what happened, and I couldn't help but be asmahed because it was so shallow. My attitude was too shallow! Hindi tama ang pagsigaw ko sa kanya! Ako pa ang nagtampo noong magalit siya!

"Totoo? Hindi nga uuwi sa inyo mamaya?" gulat na tanong ni Chin. "Dahil do'n?"

I shrugged. "Hindi ko alam. He canceled our plan. Ipapakilala ko dapat siya ngayon kina Mama, eh."

"Hindi kaya naduwag lang?" ani Anne.

Bumaling ako sa kanya. "Huh?"

"Naduwag! Tapos ginawang dahilan 'yong away n'yo para 'wag mo siyang ipakilala," parang siguradong saad niya.

I shook my head. "I really think it's about me. Paano kung ayaw niya na sa akin dahil sa ugali ko?" Medyo lumiit ang boses ko.

Suminghap si Anne. "Vina, is that you?"

"What?"

She pursed her lips. "Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa sasabihin ng ibang tao? You are the Rovina Desamero because you always speak your thoughts. You don't have a filter in your mouth. Of course, as a doctor, you're a completely different person... but in your personal relationships, other people's opinions don't really matter as long as you don't harm them, 'di ba?" litanya niya.

Huminga ako nang malalim para makolekta ang mga dapat kong sabihin.

"Anne, Calix isn't one of those 'other people,'" I said. "I value what he thinks because I know he really cares about me. And well"—I shrugged—"I'm pretty sure I offended him."

Her eyes widened a fraction. "Girl, tinamaan ka ng lintek!"

Sabay na tumawa sina Chin at Mich.

"Right?! Sabi ko sa inyo, nakita kong nag-blush 'yan sa harap ni Calix!" kwento ni Chin.

Umirap ako.

Pinandilatan naman ako ni Mich. "Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na at makipag-ayos!"

I stomped my feet like a child. "Paano nga?! Nag-sorry na ako kagabi pero hindi ako pinansin."

"The best ang make-up sex."

"Anne!" sabay-sabay na sigaw namin.

Tumawa siya. "What? Totoo naman! 'Wag kayong plastik. Sarap kaya."

Binatukan siya ni Mich kaya lalo siyang tumawa. Napa-buntonghininga na lang ako. Akala ko pa naman ay may mapipisil ako sa mga gagang ito.

"Look, just give that to him," sabi ni Chin bago itinuro ang tote bag na dala ko. "You already apologized. Hindi naman iba si Calix. I'm sure hindi ka matitiis no'n."

Tumango na lang ako. Bahala na.

Nagtagal pa ako roon ng sampung minuto bago tumulak papunta sa bahay nina Lola Harriet. Nakaramdam ako ng labis na gutom pero hindi ko na pinansin iyon dahil mas gusto kong makita si Calix ngayon. Kinuha ko ang cellphone para sana i-text siya pero nagulat ako nang makitang lowbatt na ito. Mabuti at kahit rush hour ay mabilis akong nakarating.

"Calix, Lola Harriet!" sigaw ko mula sa labas. "Lolo Ken!"

The lights could be seen from the sidewalk, indicating that they were in the living room. Tumawag pa ako ng dalawang beses hanggang sa lumabas si Lolo Ken.

"Vina!" he exclaimed. "Come on. Get inside."

He opened the fences for me. Nakangiti akong pumasok sa loob, pero agad na napawi iyon nang makita ko si Gwen na nakaupo sa tabi ni Lola Harriet.

"Vina, halika, maupo ka rito," mahina ang boses na paanyaya ni Lola nang makita ako. Her private nurse was behind her.

Pilit akong ngumiti at tumabi sa kaliwa niya.

"Inuutusan ni Ken si Calix na bumili ng pagkain. Bumisita kasi si Gwen," aniya. "Kilala mo ba 'tong batang 'to?" Tumingin siya kay Gwen at ngumiti. "Kababata ni Calix."

I gulped and nodded. "Opo."

"Gwen, si Vina, girlfriend ng apo ko," pakilala ni Lola sa akin.

Sumimangot si Gwen. "Lola, akala ko ba ay sa akin mo lang ibibigay si Calix?" biro niya sa matanda. "Ba't mo pinayagang mag girlfriend?"

Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Alam kong biro lang iyon pero kailangan niya ba talagang iparinig iyon sa akin?

Mahinang tumawa si Lola at inabot ang kamay ko. "Naku, nagpapasalamat pa nga ako at pinatulan ni Vina ang Calix ko."

Bumaling sa akin si Gwen pero hindi ko siya tiningnan. Ngumiti lang ako kay Lola. Walang point kung magseselos ako sa babaeng ito... medyo sumama lang ang timpla ko dahil sa presensya niya.

"Vina?" Si Calix na kadarating lang.

Nawala sa isip ko ang dapat gawin. Bago pa makalapit sa akin si Calix ay tinawag na siya ni Lolo Ken para ihanda ang pagkain. He gave me a fleeting glance before gesturing me to follow him.

Ang kaso, hindi lang ako ang tumayo para sundan siya... pati si Gwen. Sabay pa kaming nagpaalam kay Lola.

"Calix, kina Mamang mo ba 'yan binili?" tanong agad ng babae nang makapasok kami sa kusina.

Tumingin sa akin si Calix bago ibinaling ang atensyon kay Gwen.

"Oo, Gwen," sagot niya sa babae. Inilapag niya ang mga kubyertos sa mesa habang para lang akong tangang nakatayo roon.

Kahit maraming putahe ang nakahanda ay nawalan na ako ng ganang kumain. So... kaya ayaw niyang umuwi kasi narito si Gwen? Kaya ayaw niyang tumuloy kami kina Mama kasi nandito ang "kababata" niya?

That's nice.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong ulit ni Gwen. "Let's visit Caroline!"

Naupo ako nang walang tinitingnan sa kanila. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili na patulan ang babae dahil nasa ibang bahay kami, at hindi magandang makita nina Lolo at Lola ang ganoong ugali ko.

"May trabaho ako bukas, Gwen," seryosong sagot ni Calix.

"Sayang naman. Nakakamiss na rin ang kapatid mo." Gwen sighed. "Next time!"

Napataas ang kilay ko. Hindi ba talaga titigil ang gagang 'to?

"Vina," kuha ni Calix sa atensyon ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He looked worried, but I just gave him an irritated look. Obvious naman na wala siyang balak umuwi. Bakit ba ako sumugod-sugod pa rito? Ayan nga at inimbita niya pa ang childhood friend niya.

I wasn't sure, but I saw a faint fear pass across his face. Napairap na lang ako.

"Calix, where do you live now? Nabanggit ni Lola na hindi ka na raw taga-rito." Tumawa siya. "Should I pay you a visit sometimes? Isasama ko si Daddy."

I exhaled. "We're living together, Gwen."

Dumaan ang gulat sa mukha ng babae. Ni hindi niya iyon naitago. Her pupils dilated slightly, and her lips hung open.

"R-Really?" she stuttered. "But... you're not like that, Calix. You believe in the sanctity of marriage."

I mentally chuckled. Did she just ignore me?

Ngumiti si Calix. "It's okay." Tumingin siya sa akin at ngumiti pero hindi ko sinuklian ang ngiti niya. Hindi mo ako makukuha sa ganyan. "I'm marrying her, Gwen."

Natahimik ang babae. Pumasok sina Lolo at Lola sa kusina at sabay-sabay kaming kumain. Calix settled himself beside me, kahit hindi ko siya kinakausap.

Gwen cleared her throat. "I heard you're planning to retake the board exam, Calix."

Tumango ang huli. "Kapag may oras na. Busy pa ako sa trabaho ngayon, eh."

"That's great! I remember you telling Daddy you wanted to be an engineer when we were little. It'll be perfect for you." She smiled. "Tinuturuan mo pa ako sa math noon!"

Hindi ko siya pinansin. Nagsimula na lang laruin ang pagkain sa pinggan ko dahil nawalan ako ng gana. Gusto ko nang umuwi. Kung alam ko lang na may bisita si Calix, hindi na sana ako tumuloy rito.

Lola Ken chuckled. "Calix is really good in math!"

"Yes, Lo!" Gwen agreed. "Do you remember when Daddy reprimanded me for failing my math exam, and Calix came to my rescue? He blamed himself for not tutoring me and told Daddy it was his fault." Masayang-masaya ang tinig ng babae.

"Sinabi ko 'yon kasi inutusan ako ni Sir na i-tutor ka. Kapag bumagsak ka, syempre, responsibilidad ko 'yon," saad naman ni Calix.

Gwen's smile widened. "Still! I always consider you my knight in shining armor."

I put down my spoon and fork before clearing my throat. I don't have time for this nonsense. I'm not going to force Calix to return home if he doesn't want to. Nakakahiya naman sa childhood friend niyang hindi niya ka-close.

Nasagot ko na ang tanong kung bakit niya ni-request na i-cancel ang dinner namin kasama sina Mama. May mini reunion pala sila.

I plastered on a sincere smile. Mali ang pagpunta ko rito. Gwen's game was too much for me. Masyado akong pagod sa trabaho para mag-isip. Saka ko na lang siguro kakausapin si Calix kapag hindi na niya ako nilalayasan sa isang dahilan na pwede namang pag-usapan.

"Uuna na po ako. Baka wala na akong masakyan." I wiped my lips and stood up. "Salamat po sa dinner."

"Vina," tawag ni Calix.

"Umupo ka muna, ineng. Ihahatid ka naman ni Calix mamaya." Si Lola Harriet.

Umiling ako. "May trabaho pa rin po ako bukas, eh. Ayos lang naman po..."

Calix was staring at me, so I gave him a fake smile. Tangina. Nagpahinga na lang sana ako sa bahay. Ni hindi niya manlang ako naitext na inimbita niya si Gwen dito sa kanila kaya hindi kami natuloy sa dinner kina Mama.

Muli akong nagpaalam sa kanila bago lumabas ng kusina. Calix tried to stop me by holding my hand, but I shoved it away without anyone noticing. Wala akong pakialam ngayon kahit ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil hindi siya marunong makiramdam! He couldn't even get Gwen to stop talking! Halata namang nilalandi siya no'n!

Masama ang loob kong nag-martsa palabas ng bahay. Iniwan ko na roon ang kimchi at treats dahil ayaw ko nang bitbitin pa iyon. Wala pa ako sa mismong bakod ay naramdaman ko na ang paghawak ni Calix sa braso ko.

"Vina... hintayin mo na ako..." mahinang sabi niya. "Uuwi tayo."

Umismid ako at tinanggal ang hawak niya sa akin.

"Uuwi ako." I emphasized the last word.

His face was flushed with terror. He shook his head and grabbed my arm once more.

"Hintayin mo 'ko," kinakabahang saad niya.

Kumunot ang noo ko sa inis. Binawi ko ang braso sa kanya at walang imik na tinalikuran siya. Hindi pa ako nakakahakbang ay hinawakan ulit niya ako.

"Ano ba?!" I exclaimed. "Kung gusto mong umuwi, umuwi ka mag-isa! Ayokong hintayin ka! Hindi mo ba gets?!"

His gaze wavered. "Vina, 'wag kang sumigaw."

"Eh, bitawan mo kasi ako!" iritang saad ko pa rin.

"Sorry." Mas humina pa ang boses niya.

"Kina Lola ka mag-sorry. Ano'ng iisipin nila ngayong sinundan mo pa ako? Baka sabihin nila na masyado akong mababaw." Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili. My emotions were taking over me again. "Totoong ayos lang. Pagod ako sa trabaho at gusto ko nang magpahinga."

Yumuko siya.

"But thank you for letting me know that you will not come home whenever we have a misunderstanding. I guess that's it for you, huh?"

"Vina, hindi naman gano'n. 'Wag mo namang sabihin 'yan." Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako. "Uuwi ako..."

"So, magkukunwari akong hindi ko narinig 'yong sinabi mo kagabi?" I chuckled sarcastically. "Na-realize kong nagkamali ako. Kaya nga ako nag-sorry, 'di ba? Pero 'yong hindi ka uuwi dahil do'n, 'yong i-ca-cancel mo 'yong plano natin dahil do'n... grabe ka naman mag-parusa, Calix." I pursed my lips. "But I understand. We have different levels of sensitivity. Baka nga sobra kitang na-offend... kaya pinuntahan kita rito."

Lumunok ako nang mamuo ang bikig sa lalamunan ko.

"Tapos ito lang 'yong madadatnan ko?" Bitterness filled my heart. "Mas pinili mo talagang mag-dinner dito kasama 'yang childhood friend mo? Habang ako... ano'ng gagawin ko sa bahay? Mamamatay sa guilt kasi nasigawan kita kaya hindi ka umuwi? Gano'n ba 'yon, Calix?"

Yumuko ako at napa-buntonghininga. Nanginginig ang mga labi ko sa sama ng loob. "God, I was thinking of how to make it up to you the whole day."

"V-Vina, hindi ko alam na pupunta siya... at uuwi ako... hindi naman kita matitiis," he muttered softly. "I was calling you, but you're not answering your phone. Hanggang sa naging unattended ka, tumatawag ako."

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang estado niya. Everything was just too draining.

"Hindi ako galit, Calix," I explained before looking at him. "I'm just... disappointed. Hindi ko alam kung sa 'yo o sa akin. Maybe, I'm disappointed in our situation. I don't know. But I'm really sorry for shouting at you last night. I was wrong."

He bit his lower lip as if trying to control his emotions.

"Hindi na lang siguro kita kakausapin kapag mainit ang ulo ko. I can't promise to hold back my annoyance. Ayoko lang na sa 'yo ko ulit maibaling 'yon," I said. "At medyo mainit ang ulo ko ngayon, Calix."

Kumibot ang labi niya at hinawakan ang kamay ko. He looked at our hands with such fear and affection in his eyes.

"I'm... sorry... I'm sorry..." he whispered. "I'm sorry for being rude to you last night. I'm sorry for canceling our dinner." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "I'm sorry, baby. Please, 'wag ka nang magalit. Ang hirap kapag magkagalit tayo."

I gulped and looked away.

"I'll be better, I promise. Hindi ko na kakausapin si Gwen. Hindi ko na pakakawalan si Matcha kapag nasa bahay." He squeezed my hand. "At p-pwede kang magalit sa akin, Vina... 'wag mo lang akong sigawan, please."

"I'm sorry," mahinang pagsuko ko. Wala naman kasing dahilan para magalit ako sa kanya. Kay Gwen dapat ako naiinis. She was disrespectful.

Tumango siya. "I'm sorry for being so sensitive. It's just... it reminded me of my parents... I'm sorry."

Napatigil ako sa narinig.

Napatingin ako sa kanya at agad na umusbong ang guilt sa puso ko. Nakayuko lang siya habang nakatingin sa magkahugpong naming mga kamay.

I blinked as realizations rushed through my head.

He was abused and I raised my voice at him! Of course, of course, it would hurt!

Without hesitation, I drew him into a warm embrace. Mali ako! He wasn't shallow! He wasn't trying to be sensitive at all! He'd been through his fair share of setbacks! He had his traumas! What in the world could I have done to him?!

"Calix, I'm sorry." I closed my eyes and hugged him tighter. "Hindi ko na uulitin. I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit kong saad.

"Hindi ka na galit?" tanong niya habang yakap ako. "Hindi mo na ako... iirapan? Hindi mo na ako itataboy?"

I shook my head. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I was sure my eyes were brimming with remorse, but I continued staring at him.

"I love you," I whispered, my voice full of emotion.

Lumamlam ang mga mata niya. He swallowed hard before holding my face. He bent down and planted a kiss on my lips.

"Mahal din kita, Vina," bulong niya habang magkalapit pa rin ang mukha namin.

We hugged each other for a couple of minutes. Isang araw lang kami halos hindi nag-usap pero alam na alam ng puso ko kung gaano ko siya na-miss.

"Thank you sa kimchi at treats," aniya. "May ibinili rin ako para sa 'yo..."

"Hmm?"

He chuckled. "Corny, eh."

Lalayo sana ako sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Ano 'yon?" pangungulit ko.

"I got us matching house slippers."

Tumawa ako at pinalo ang dibdib niya. Nasa labas pa rin kami ng bahay nila at ganoon na lang ang pasasalamat ko dahil walang lumabas. Naghintay lang ako roon habang kinukuha ni Calix ang ibang gamit niya at ang susi ng motor. Bitbit na rin niya ang tote bag ng kimchi at treats. Miski si Matcha ay walang kahirap-hirap na nakapatong lang sa braso niya.

Agad kong kinuha sa kanya ang aso at hinalikan ang ulo nito.

"Sorry, baby," lambing ko rito. Tumahol lang siya at sumandal sa dibdib ko.

Calix smiled when he saw that.

"May nakalimutan pala akong sabihin," saad niya habang ibinibigay sa akin ang helmet.

"Ano?"

He leaned forward and kissed my nose. "Bagay sa 'yo ang buhok mo,"

Tumahol si Matcha pero sa lapit ni Calix sa akin ay hindi ko na siya natingnan.

"Parang ako."

Parang sinilaban ang pisngi ko sa kaartehan niya. "Gago!"

Tumawa lang siya.

Okay, my boyfriend's back.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro