Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16


Chapter 16

This is the happiest I have ever been. Kung kaya ko lang patigilin ang oras ay gagawin ko. Time flies when you're happy, and you can do nothing about it but live.

Noong Valentine's Day, imbes na manatili sa bahay ay bumisita kami kina Lola Harriet at Lolo Ken. Nanatili kami roon hanggang hapon, at nang mag-gabi ay nag-dinner kami kina Troy dahil sa birthday party niya. We also celebrated our second monthsary on February 28th, after realizing that not every month has a 31st.

Nagsimula na ang chemotherapy ni Lola Harriet kaya nag-hire si Calix ng private nurse para maging hands-on sa side effects na nararamdaman ni Lola. She was receiving chemotherapy in the costliest hospital in the Philippines because Calix wanted the best for her.

Calix had invited me to attend a Sunday service with him several times over the last months. Hindi naman siya partikular na relihiyoso; may malalim lang talaga siyang relasyon sa Diyos.

Ilang beses din akong tumanggi tuwing iniimbita niya ako. Hindi ko alam. Parang hindi ko pa kayang kalimutan ang mga paniniwala ko. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil hindi naman daw siya mamimilit.

Also, after almost four months of dating, I would finally introduce him to my family. I was scared, not because they might oppose us, but because I hadn't seen them in months. And now that I would, I'd bring a man home.

"Pwede namang huwag muna, Vina. Let's do that when you're ready," Calix suggested. Binisita niya ako sa trabaho at dinalhan ng lunch.

Ngumuso ako. "Itinext ko na si Mama na pupunta tayo bukas. Sana lang ay wala ang mga kapatid ko roon."

He sighed and squeezed my hand. "Kahit nandoon sila... we can manage."

"Hindi makakasama si Mark sa atin, eh. Naghahabol ng requirements. Graduation niya na sa July..."

He nodded. "You must be so proud."

"Of course!" I chuckled. "Paano? Mamaya na lang ulit sa bahay? Alam kong marami ka pang tatapusin. Sige na... wala ring bantay si Matcha."

I kissed him goodbye... reluctantly.

My day went on normally. Sinamahan ko si Dr. Santiago sa pag-ro-rounds at napansin ko ang kakaibang treatment niya sa nurses. He was really rude. Ito siguro ang madalas na reklamo ni Yesha sa akin. Wala namang tumataliwas sa doctor dahil lahat sila ay takot—kahit naman ako at ang ibang psychiatrist. Still, I promised myself that the next time he behaved in this manner, I would not tolerate it.

Marami rin siyang iniutos sa akin. He gave me piles of papers and reports to review.

"You should report to me on Tuesday," aniya nang maipatas ang mga dokumento sa mesa ko.

I took a deep breath to calm myself. Bwisit. Kanyang trabaho ang kalahati rito.

"Yes po, Doc."

He nodded. "Baka wala ako bukas. May dalawa akong naka-schedule na i-co-counsel. Nand'yan sa isang folder ang profile nila."

My lips parted. "Uhm... may mga naka-schedule din po ako bukas, Doc. Hindi ko alam kung saan ko pwedeng isingit."

"Is that a problem?" he asked. "Pumasok ka nang maaga para makapag-rounds ka agad. Baka lunch time dumating ang unang patient, tapos mga alas-kwatro ang pangalawa."

So... I'll have to skip lunch? Puno ang schedule ko buong umaga bukas.

Huminga ulit ako nang malalim. "Okay po, Doc."

Nang matapos ang trabaho ko ay nag-message na ako kay Calix na huwag na akong sunduin dahil balak ko nang magpakulay ng itim. Ayaw ko namang abalahin pa siya lalo at naghahapit siya sa trabaho. Malaki kasi talaga ang gastusin sa pagpapagamot ni Lola.

I went to my go-to salon, and a hairstylist immediately recognized me.

"Doc, ano ang sa 'tin?" nakangiting tanong ng isang babae.

I smiled. "Pa-black ko na."

Pinaupo niya ako at iniharap sa isang salamin. Wala naman na masyadong customer dahil pa-gabi na rin. I called someone from the salon to clean my nails. Wala naman akong nail polish dahil bawal iyon sa hospital.

The stylist gently stroked my hair as if enthralled by its volume and softness.

"Ang ganda ng kulay na 'to sa 'yo," saad niya. "Are you sure you want it black?"

Napanguso ako. Sinipat ko ang sariling buhok at napagtantong gusto ko nga ang kulay noon.

"Nag-fa-fade na rin kasi 'yong highlights," I replied. "Pero, sige... I guess it's better to remove the highlights, 'no?"

Pumalakpak siya at tumango sa akin. After a few minutes, she started doing my hair. I was thinking about bringing Calix a meal because this could take an hour or two, and I hadn't told him where I was going. Mamaya na lang siguro kapag tapos na ito.

I was having my hair colored when I heard muttering inside the salon. I looked in to see what was happening, and when I saw Gwen, Liam's on-screen partner, walking in, my eyes almost widened.

"Madam!" masayang bati sa kanya ng iba pang hairstylist. Halos magtulakan sila sa pag-aasikaso sa babae.

Muli akong humarap sa salamin at naglaro na lang sa phone ko dahil ayaw ko namang ipahalatang nagulat ako.

Gwen sat beside me, and the salon's owner called their most talented hairstylist to assist her. The woman chuckled beautifully, and I was just there, trying not to look at her since I was so taken aback by her femininity.

Sana all mahinhin tumawa. Hindi gaya ko na parang halimaw.

Tumunog ang cellphone ko at napanguso ako nang makitang si Calix iyon. Naalala ko tuloy na magkababata sila. Hindi ko alam kung kilala pa ni Gwen si Calix dahil ayon naman sa lalaki ay hindi sila close.

"Hello?"

"Where are you?" tanong niya agad.

I licked my lower lip before answering. "Sabi ko, 'di ba? Hindi ako magpapasundo."

"You didn't answer my question."

I chuckled. Someone's grumpy.

"Ba't ka galit?" Hindi siya sumagot. Lalo naman akong napangiti. "Nasa salon ako. Matatapos na rin 'to. Oorder na lang ako ng dinner natin. What do you want to eat?"

"Hindi pa ako nagre-reply na susunduin kita, umalis ka agad sa ospital," mahina pero klarong saad niya.

"Nand'yan ka?" I asked, a bit surprised.

"Saang salon ka? I'll go there," tanong niya ulit. Ni hindi na pinansin ang naunang tanong ko.

Bahagya akong napatingin kay Gwen. Nagbabasa siya ng magazine kaya napa-buntonghininga ako. Wala namang rason para mabahala ako.

"Dito sa Fringe."

Natapos din naman agad ang tawag.

My hair was being blow dried when Calix texted me that he was outside. Hindi ko alam kung bakit mayroong parte sa akin na ayaw siyang papasukin sa loob dahil narito si Gwen, pero hindi ko pinairal ang nararamdaman. Ayaw ko namang mainip siya roon.

He walked into the salon wearing his usual white T-shirt and ragged black pants. He had a stern expression on his face. Ang may kahabaang buhok ay hindi nakatali. The key to his motorcycle was dangling from his pants' belt loop, and the way he stared at me made me want to pass out. He was obviously upset. Hindi ko alam kung bakit.

Kunot ang noo niyang umupo sa single couch doon.

"What?" I mouthed. Hindi kasi naalis ang inis na tingin niya sa akin.

Umismid siya bago yumuko.

Sinimulan nang plantsahin ng hairstylist ang buhok ko kaya humarap ako sa salamin.

"Doc, boyfriend mo?" malisyosang tanong niya.

I gave her a small smile. "Yeah."

Lumapad ang ngisi niya. "Ang gwapo!" Parang kinikilig pang saad niya.

Hindi ko alam kung naririnig kami ni Gwen dahil bigla kong naramdaman ang pagtingin niya sa akin. Pasimple akong sumulyap sa kanya. She gently moved her gaze to Calix's direction, and from the mirror, I noticed a glimmer of surprise on her lovely face.

"Calix?" mahinhin pero may kalakasang pahayag niya.

My boyfriend lifted his head, and, like Gwen, he was surprised.

"Calix!" the woman exclaimed.

"Gwen." Tumango si Calix.

I scoffed. Taray, reunion.

"How are you?" Hindi na napigilan ni Gwen ang pagtayo. Pinanood ko siya hanggang sa maupo siya sa couch katapat ni Calix. Ni wala na siyang pakialam kahit puno ng gamot ang ulo niya.

Ngumiti si Calix kaya lalo akong napasimangot. Wow, samantalang sa akin, galit? Nakakita lang ng maganda, ngingiti agad?!

"I'm good," he replied. Tumingin siya sa akin bago muling bumaling kay Gwen. "Si Vina... girlfriend ko."

"Oh..." the woman glanced at me, but it was short-lived. "How's Lola Harriet and Lolo Ken?"

"Maayos naman, Gwen," pormal na sagot ni Calix.

"Daddy told me that Lola Harriet is being treated for cancer. If you need help, don't hesitate to call us. Just like the old times," she said. "At nabanggit ng mga tauhan sa ramen house na madalas ka raw tumulong do'n... thank you. I appreciate that."

Umiling si Calix. "Wala 'yon. Sa dami ba naman ng naitulong ni Sir sa amin."

Gwen chuckled. "Come on. I told you to call him Tito!"

Iniiwas ko ang tingin sa kanila. I didn't have the slightest idea why I was keeping an eye on them! I inhaled deeply and reassured myself that there was nothing to be worried about. Nakakainis. Bakit ba kasi ang bilis kong magselos?

"Sayang ang ganda ng buhok, Doc, kung sisimangot ka lang," nangingiting untag sa akin ng hairstylist.

I regained my posture. Nagkukwentuhan pa rin sila kahit tapos na akong magbayad.

Hindi nga close, 'no?

Nang makita ni Calix na tapos na ako ay nagpaalam na agad siya sa babae.

"Mag-dinner tayo next time. Isama na natin sina Lolo at Lola. It's been so long!" pahabol pa ni Gwen.

"Huh? Sige... sabihan ko na lang sina Lola," he replied hesitantly.

"Great! Can I have your number? Para ma-contact kita?"

Napairap ako. Sumandal ako sa counter at nakasimangot na nagbuklat na lang ng kung ano roon. Ayaw ko namang lumapit sa kanila dahil tinatamad akong ngumiti nang peke.

"Uh... this is Lola's number, Gwen," narinig kong sabi ni Calix.

Natahimik ang babae.

"Huh?" She laughed. "O...kay!"

They finally agreed to end their conversation. Calix offered to introduce me to her, but I shook my head. Gwen's body language indicated that she was interested in him, and I had no intention of dealing with her. Wala akong ganang makipag-plastikan.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami ni Calix papunta sa isang resto para mag-take-out ng dinner. Alam kong pansin niya iyon pero wala naman siyang ginagawa. Hanggang sa makauwi kami ay walang umimik sa amin. I was waiting for him to talk to me... but he didn't. Ni hindi niya ako niyakap o hinawakan. Naglakad lang kami na parang hindi magkakilala.

Hindi ko gusto iyon kaya nang makauwi kami ay medyo masama na ang timpla ko.

Matcha barked when she saw us. She twitched her tail and stuck her tongue out. I was ready to smile at her when I noticed little feces on my precious carpet.

Agad na nag-init ng ulo ko sa nakita. I fucking hate dirt! Hindi pa nakatulong na nangangalingasaw ang amoy sa buong bahay!

"Calix, bakit hindi mo ikinulong?" baling ko agad sa kanya. "Ang dumi ng carpet!"

He was taken aback. "Ano... lilinisin ko na lang."

"Kailan? Eh, may trabaho ka bukas, 'di ba? Maghapon ka sa office n'yo. Sa gabi naman, aalis tayo!" reklamo ko pa. The sight and smell made my head hurt. "Dapat kasi ay ikinulong mo. Hindi mo naman iniiwan 'yan nang nakawala."

"Lilinisin ko, Vina," seryosong sagot niya bago damputin ang alaga. Ipinasok niya iyon sa loob ng kulungan.

"Then, do it now!" Tumaas ang boses ko. "Ang baho ng bahay! Pagod ako tapos ganitong amoy ang madadatnan ko..."

"Kaya nga lilinisin ko. Okay na?" inis na rin na tanong niya. "Sa kwarto ka muna."

Umismid ako at padabog na naglakad papunta sa kwarto. Wala pa ako sa pintuan ay napamura na ako nang makitang miski ang kama ko ay may dumi.

"Calix!" I nagged. "Pati sa kama ko meron!"

Agad siyang nagpunta sa akin. He sighed as he saw what I was whining about. Nagpatong-patong sa utak ko ang inis na naramdaman ko ngayong araw. Mula sa pagiging bossy ni Dr. Santiago hanggang sa irita ko kay Gwen. Hindi pa nakatulong na parang masama ang loob sa akin ni Calix.

"Saan ako matutulog n'yan?" inis na bulong ko.

"Sa kwarto ko na lang. Dito na lang ako sa sala," aniya. "Sige na. Magsisimula na akong maglinis. Kumuha ka na lang ng damit mo tapos umakyat ka na sa taas."

"Kainis," I hissed. "Gusto ko nang magpahinga, tapos ganito..." bulong ko pa.

Padabog kong sinunod ang gusto niya. Naligo ako at nagpalit ng pantulog bago walang imik na umakyat sa kwarto niya. It was neat and it smelled like him. Masamang-masama ang loob ko. Hindi sigurado kung dahil ba iyon sa dumi, sa selos, o sa hindi pakikipag-usap sa akin ni Calix.

Bakit noong kay Gwen, ang daldal niya? Tapos noong kami na lang dalawa, hindi niya ako kinakausap? What was he thinking?

Humiga ako at pinalis ang luhang biglang tumulo sa pisngi ko. I shouted at him. I showed my irrational side to him again. I didn't even think he was exhausted in the same way I was. Kahit tuloy pagod ay naglilinis siya ngayon sa baba.

After fifteen minutes of self-reflecting, sumilip ako sa baba kung ano ang ginagawa niya. Nakatiklop hanggang ilalim ng tuhod ang pantalon niya habang ang puting damit ay marumi na.

Pumasok siya sa kwarto ko bitbit ang isang bedsheet at makalipas ang ilang sandali ay lumabas siya roon. Inilagay niya sa basket ang mga lalabhan.

My guilt was crippling inside me. Bumaba ako at kinuha ang basket.

"Ako na," simpleng saad niya bago agawin iyon sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang mapagtantong galit siya sa akin. Pumunta siya sa likod kung saan kami naglalaba at naglagay siya ng tubig sa washing machine. Mabuti na lang at cotton ang carpet.

I was just watching him nervously. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Pagod ka, ah? Bakit nandito ka?" he asked in a monotone. There were sweats on his forehead.

I gulped. "I'm sorry."

Tumitig siya sa akin. "Why are you apologizing? Tama ka naman."

Umiling ako. "I'm sorry for shouting at you."

Hindi siya sumagot. Nilagpasan niya lang ako. Para akong tangang sumunod sa kanya. Gumawa siya ng pagkain para kay Matcha at kahit na napagalitan ko siya dahil sa aso ay nakangiti niya pa ring pinakain iyon.

"Calix..." tawag ko nang muli niya akong lalampasan. "Sorry..." Hinawakan ko ang braso niya.

Tinanggal niya iyon. "Magpahinga ka na lang sa taas. 'Wag mo nang isipin 'yon."

But I didn't listen. Sinundan ko pa rin siya nang sinundan. Hindi ko kayang magpahinga nang hindi kami nagkakaayos. I was wrong. I shouldn't have allowed my feelings to control me. I shouldn't have given him all my negative emotions.

"Calix, please talk to me," I pleaded.

Dumaan ang inis sa mukha niya. Pain immediately pierced through my heart.

"Inaabala mo naman ako, eh. Paano ako matatapos?" malumanay pero madiing tanong niya.

I lowered my gaze.

"Vina, pagod din ako." He sighed. "Ayokong mainis sa 'yo kaya umakyat ka na lang."

"I-I'm sorry," my voice broke.

He exhaled. "Okay na nga, Vina. Ano pa bang gusto mong marinig? Naglilinis ako, oh. Gusto ko nang matapos 'to."

Huminga ako nang malalim. There was a huge lump in my throat because I knew I made him mad. Naging unreasonable ako. Pinagtaas ko siya ng boses, at may karapatan siyang mainis.

"'Wag na muna siguro tayo tumuloy bukas."

Umawang ang mga labi ko. "Calix naman..."

"Kina Lola na didiretso bukas. Doon muna ako matutulog."

"Dito na..." Nanikip ang dibdib ko. "Hindi na kita aawayin."

Umiling siya. "Mainit ang ulo ko, Vina. Magpapalamig ako."

I pressed my lips together to keep myself from crying. Ang daya naman, eh. Alam ko namang mali ako... pero bakit naman aabot sa ganito?

"Aalis ka?" Lumiit ang boses ko. "Dahil... dito?"

Hindi na niya ako pinansin. Matagal ko siyang tinitigan, pero hindi na niya ako binalingan ng tingin. Umusbong ang tampo sa dibdib ko. Pwede naman naming pag-usapan ito. Bakit kailangang i-cancel pa ang lakad namin bukas? Ano ang sasabihin ko kay Mama?

Walang imik akong tumalikod at nagpunta sa kwarto ko. Bago na ang bedsheet at wala na ang mabahong amoy kaya humiga ako roon. Halos mamuti ang mata ko kakatitig sa pinto, umaasang pupuntahan niya ako. Nang mapagtantong malabong mangyari iyon, ipinikit ko ang mga mata at pinilit nang matulog.

Hindi ko alam kung anong oras siya natapos, pero nang magising ako ay wala pa siya sa baba. Ganitong oras madalas ang gising niya dahil inihahatid pa niya ako.

Wala si Matcha at ang kulungan niya sa dati nitong pwesto. Sigurado akong inilipat iyon ni Calix sa taas lalo at inaway ko sila kahapon.

I sighed. Guess I'd ride a taxi today.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro