Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15


Chapter 15

"Happy monthsary," Calix whispered on my neck while I was preparing our breakfast. He just woke up, and he snuggled on my neck instantly. "Is that still a thing?"

Napangiti agad ako. Parehas kaming may trabaho kaya mamayang gabi kami magce-celebrate.

"Happy monthsary, Hapon," bati ko rin sa kanya. His embrace on me tightened.

"Come on. I'm not even a half." He chuckled.

"Hapon pero walang Japanese cake. Fake ka," pang-aasar ko.

Humiwalay siya sa akin at nagpunta sa gilid ko para tingnan ang ginagawa ko. I looked up to him and grumbled when I noticed our fascinating height difference. Despite being taller than most females, I looked short in comparison to him.

As far as I remember, he was the tallest guy in his batch. Next were Duke and Calvin. Tapos si Troy. Walking with them back then must have felt like a sin. Parang ang liit-liit mo.

Kahit ako na pinakamatangkad na babae sa room namin ay walang palag sa height nila.

"Wow, my girlfriend is making heart-shaped pancakes," he muttered.

"'Wag mo kong inaasar, Calix Dylan, ha? Nakita ko lang sa YouTube 'to." Inirapan ko siya.

"Bakit naman kita aasarin? I'm actually happy." He chuckled. "The fact that you're making these for me... I must've saved the world in my past life."

"Don't overreact!" I laughed. "It's just a freaking pancake!"

Umiling siya. "It's Vina's pancake." He emphasized my name.

"Ano naman?"

"Lahat ng pag-aari mo... it's special for me." I knew he wasn't trying to sound romantic, but that's just his personality. He had an uncanny ability to make me smile without even trying.

"Vina's house. Vina's beige heels. Vina's doctor's coat. Vina's spot when she's eating. Vina's favorite colors. Vina's workplace."

I gave him a puzzled look.

"And now I'm Vina's boyfriend. I'm special, too." He smiled at me.

I burst into laughter. "Corny! Kung ano-ano na namang naiisip mo!"

Matapos naming kumain ay nagbihis na ako para sa pagpasok sa trabaho. Calix did the same, too. I was giggling and chuckling the whole time because Calix was just too cute... and hot... and I don't know! Mahuli ko lang siyang nakatingin sa akin ay napapatawa na ako.

"Birthday pala ni Mark ngayon," saad ko sa kanya habang inaayos niya ang motor. "January 31."

Tumango-tango siya. "So, what's our plan? Should we postpone our celebration? Para makapunta tayo kay Mark?"

Umiling ako. "Come on, he's 25! Hindi na niya kailangan 'yon. I'll just send him money, and probably book a restaurant for him and Yesha."

"Hindi mo... pupuntahan?"

Muli akong umiling. "Hindi na."

He pursed his lips. "Puntahan mo. Kahit bago tayo pumuntang Intramuros."

I pouted. "'Wag na. Okay lang 'yon."

"Didn't you say that his family...?" he stopped. "You're one of his most trusted people. You should greet him personally. Para mas... maramdaman niyang birthday niya." He chuckled. "I can bring you there, sa university nila. Maaga namang matatapos ang trabaho ko."

Napaisip ako at bahagyang nakonsensiya dahil tuwing birthday ni Mark ay pinapadalhan ko lang siya ng pera. The last time we had a celebration was when he turned twenty. Samantalang tuwing ako ang magbi-birthday ay nariyan siya palagi.

"Why is my shortcake upset?" tanong ni Calix bago yakapin ang baywang ko. He was sitting sideways on his motorcycle while I stood before him.

I pouted. "I just feel bad. For the past few years, I never celebrated Mark's birthday with him. Laging pera lang. Ni hindi ko naisip na hindi naman siya pinaghahanda nina Kuya."

He sighed. "Gusto mo ba isama na lang natin sila ni Yesha mamaya?" malambing na tanong niya. "Pwede silang mag-date do'n."

"Hindi ka... magagalit?" I asked. "I mean, it's our first month of being together. Ayos lang sa 'yo... na may iba tayong kasama?"

Ngumiti siya sa akin. "He's Vina's nephew... he's special to me, too."

Inihatid niya ako sa hospital. Nagkasundo kami na isasama ang dalawa sa Intramuros mamaya. Hindi ko nga alam kung paano kami nag-desisyon na doon mag-celebrate. Nag-brainstorming lang kami. Dahil gabi kami parehas pwede, we had decided to have a late-night walk instead of a two-day staycation. Gusto rin kasi naming makatipid.

Kapapadala niya lang ng pera kina Lola Harriet at kapapadala ko lang din kay Mama. Calix and I were both saving up. Siya para sa chemotherapy, ako para sa bagong sasakyan... kahit hindi naman na halos kailangan dahil lagi niya akong inihahatid at sinusundo.

I don't know. I just want to have something to call my own. Kahit kasi gumastos ako sa bahay noon ay matagal na namang nakatayo iyon. Pina-renovate ko lang. Kumbaga, kay Tita Jane naman talaga iyon dati. Malaking bagay sa akin ang pagiging resident psychiatrist sa America dahil mas maganda ang swelduhan doon. Ngayon tuloy ay medyo hirap akong makapag-pundar. Kalahati kasi ng sahod ko ay napupunta kina Mama, tapos ang iba ay sa expenses ko.

I texted Yesha and Mark about our plan, and they agreed.

"Faye, pa-check no'ng patient sa room 7," saad ko. "May meeting lang kami."

"Yes po, Doc."

"Kunin mo 'yong records sa nurse, tapos i-counsel mo. Almost seven months na rin no'ng huli niyang test kaya pagsagutin mo ulit."

Agad siyang tumalima. Wala pang ilang minuto ay umakyat na rin ako sa conference room namin. Other psychiatrists were there already. Nasa harapan si Dr. Santiago para mag-present. He was in his late fifties, yet he was still Procare's most outstanding psychiatrist.

We waited for several minutes before the meeting began. Our VIP, the twenty-year-old son of the owner of the hospital, had been dealing with Bipolar Disorder for the longest time.

People with BP experience phases of intense enthusiasm, hyperactivity, delusions, and euphoria, known as mania, as well as episodes of sadness and hopelessness, known as depression. The term bipolar refers to the fluctuation between extreme highs and extreme lows. Kumbaga, parang mayroong dalawang poles. Isa para sa mania, isa para sa depression. At kapag may bipolar disorder ang isang tao, parehas niyang nararanasan iyon. And they were extreme.

Sadly, some kids on social media use this term as a part of their aesthetic. Kaunting mood swing lang, tinatawag na agad nilang bipolar. It was natural for us to have gloomy days or days when we were too happy. Pero, our mood swings were seen to be healthy as long as they won't impact our lives too much. Hindi porke't malungkot ka ngayon at masaya ka bukas ay may Bipolar Disorder ka na. It was more than that.

Overusing such terms lessened its impact. Kahit ang ibang disorders pa. Almost everyone claimed to have them without consulting a doctor. Parang nawawalan tuloy ng bigat.

Kailan ba ma-re-realize ng lahat na hindi lang basta-basta adjective ang mental disorders? Depression was more than just a feeling of sadness. Obsessive Compulsive Disorder (OCD) was more than just being organized. Bipolar Disorder wasn't just marked by mood swings.

They were way more than that.

"What do you think, Dr. Desamero?" untag ni Dr. Santiago sa akin.

I stood up. "I think we should administer Cognitive Behavioral Therapy to him. That way, we can figure out what sets off his bipolar episodes. Para naman ma-stabilize at ma-regulate ang mood niya, we could also try... uhm... Interpersonal and Social Rhythm Therapy."

Tumango si Dr. Santiago.

I pursed my lips. "Also, hindi ba siya pwedeng ma-admit dito, Doc?"

Umiling siya. "That man doesn't like to be hospitalized."

"Pero nagiging frequent na po ang relapse niya. Tuloy po ba ang medication niya?" pangungusisa ko pa. "And when was the last time he had psychotherapy? It's a critical part of his treatment."

"I'll have it all checked, Dr. Desamero."

Umupo ako. Ilang doctor pa ang nagbigay ng opinyon nila. Siguro ay dalawang oras kaming nag-brainstorming. Matapos ang meeting ay nag-rounds ako. Wala na si Mr. Fernandez, ang isang pasyente na nagkaroon ng hallucinations, dahil naging mabilis ang response ng katawan niya sa medications.

Si Michael naman, ang batang mayroong dyslexia ay naka-set sa susunod na buwan para sa neurological and psychological tests. He was put in a welfare program after the officials found out that he was being abused. Sinagot na rin ng ospital namin ang therapies niya lalo at pasok siya sa mga pwedeng makatanggap ng financial assistance.

One of the most challenging aspects of being a psychiatrist was having strong willpower. I mean, you'd see many patients with various disorders and counsel many people with different problems. Kailangang tatagan mo ang sarili mo. As much as possible, hindi ka dapat ma-trigger habang nagbe-breakdown ang patient. Hindi ka rin pwedeng umiyak kapag nagco-counsel. You could cry afterward.

But, psychiatrists, like other humans, could be diagnosed with mental disorders. Hindi kami immune doon.

Kahit nakakapagod ang araw ay hindi ko iyon ininda lalo at may magandang mangyayari mamaya. Ayun lang ang iniisip ko para ma-motivate akong mag-trabaho. At hindi nga ako nabigo nang paglabas ko ng ospital ay naroon na si Calix, nakaupo sa motor niya.

Napansin ko agad na nagpa-trim siya ng buhok. And it suited him so damn well! Buhat niya si Matcha at kung hindi pa ako lalapit ay hindi niya ako mapapansin.

"Hi, Mommy!" Pinaliit niya ang boses at bahagyang itinapat si Matcha sa akin. "Beautiful mommy!"

I laughed. "Paano ka nag-drive dito nang dala-dala 'to?" Inilapag ko ang bag sa upuan ng motor at kinuha sa kanya si Matcha. Agad na tumahol ang aso.

"Ay ayaw mo sa 'kin?" tanong ko. She barked again. "Same here. Inaagaw mo ang boyfriend ko."

Calix chuckled and pulled out his phone to snap a picture of us.

"My two babies in one frame," he uttered.

I rolled my eyes jokingly. "Landi mo!"

Niyakap ko si Matcha dahil kumapit ito sa akin. Umupo na ako sa likuran niya habang hawak ko si Matcha. Isa sa mga braso ko ang kumapit sa kanya. Pag-uwi namin ay naligo lang ako at nagbihis. Sa Intamuros na didiretso sina Yesha at Mark. Nagpa-reserve na rin si Calix ng restaurant na pwede naming kainan.

"Isama natin si Matcha," suhestyon ko. "Para makapaglakad din."

Kitang-kita ko ang paglapad ng ngiti niya.

"Pwede?" I swear to god, his eyes just glistened!

Tumango ako at agad niyang inasikaso ang dadalhin para sa alaga. Napanguso na lang ako nang ibinihis niya rito ang beige na damit na ginawa niya. Sakto pang gamit ko rin ngayon ang scarf. Napangiti na lang siya nang makita kaming dalawa.

It wasn't long before we arrived at Intramuros. The yellow lights were all over the place. The weather was also pleasant. A gentle, cool breeze even stroked my skin. The establishments made the entire place look classic and historical... as it always was.

Inayos ni Calix ang tali ni Matcha bago siya ibinaba. Sunod naman ay hinawakan niya ang kamay ko.

"How's your day?" tanong ni Calix habang naglalakad kami. He had Matcha's leash in his left hand and my hand in his right.

"Uh... normal day. Nagkaroon kami ng meeting kanina tapos kaunting consultation and rounds. Nothing pretty much happened. Ikaw?" Bumitaw ako sa kamay niya at kumapit sa braso niya.

He stopped walking and shifted his head on me. He kissed my temple and sighed.

"Hindi ko pala nagawa 'yon kanina."

I chuckled.

"Bukod sa pag-iisip sa 'yo buong araw, wala na akong ibang ginawa," pambobola niya. He was grinning.

I scoffed. "Kadiri ka! Where's my shy Calix?"

He laughed. "Do you want him now? I'll activate him."

Nagpatuloy kami sa paglalakad. It was nice. I was with my boyfriend in a historical place, making memories together... with his dog.

"Nag-request si Rod na mas mataas daw ang kukunin niyang percentage sa commission namin," saad niya.

Kumunot ang noo ko. "What?"

"He's getting married this year. Kailangan daw, eh."

Nasa tapat na kami ng restaurant pero hindi muna kami pumasok sa loob.

"And you have your own expenses, too! 'Wag kang papayag," pahayag ko. "That's not fair. Parehas naman kayo ng effort."

He let out a sigh. "Mas naka-direkta sa kanya 'yong buyer, eh. Kahit kasama ako sa bayaran ng lupa, siya 'yong tatanggap ng pera. I-di-divide niya 'yon sa akin at sa iba pang nag-asikaso ng papers."

"Pero..." I trailed off. "You're partners."

He smiled. "Hayaan na. Pera lang 'yon. Ayoko namang magkaalitan pa kami dahil do'n... saka konti na lang naman ang iipunin ko para kay Lola."

Lumungkot ang mukha ko.

"'Wag mo nang problemahin 'yon" agap niya. "I'll just think of it as a wedding present for him."

Hindi na ako nakasagot dahil niyaya niya na ako sa loob. Mabuti na lang ay may space para sa pets doon na sobrang bihira sa restaurants. Kadalasan daw kasi ng mga customers ay may dalang alaga.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..." kanta ko nang makalapit kami sa pwesto nina Mark at Yesha.

Calix pulled a chair for me.

"Ligalig," nakangising asar ni Mark.

Hinampas ko ang balikat niya bago naupo. "Pangit ng ugali mo talaga! Terno sa mukha mo!"

Umorder kami at mabilis iyong dumating dahil naitawag na pala ni Calix kanina. I mentally chuckled. He really planned this, huh?

"Ba't hindi kita nakita kanina sa ospital?" tanong ko kay Yesha habang kumakain kami.

"Nag-meeting kayo, 'di ba? Ang daming naiwan sa aking trabaho," sagot niya. "Pero nag-early out ako. Sabi ko ay may dysmenorrhea ako."

Tumawa ako.

"Aw, things my bebe does for me," parang tangang saad ni Mark.

I rolled my eyes on them and continued eating. Napansin ko ang pananahimik ni Calix kaya bumulong ako sa kanya.

"Bakit hindi ka nagsasalita d'yan?" tanong ko.

He pursed his lips. "Nalimutan ko ang kimchi sa sasakyan."

Napailing na lang ako habang nangingiti. Kimchi boy.

"Tita," kuha ni Mark sa atensyon ko.

"Hmm?"

Tumingin ako sa kanya. Alam kong may gusto siyang sabihin pero halata ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Minsan ko lang makita ang seryosong mukha niya.

"Bakit?" tanong ko dahil hindi siya nagsalita.

He took a deep breath and shook his head. "Salamat."

Warmth filled my heart, but I scoffed to hide my emotions from him. Hindi kami sanay sa ganito.

"Kumain ka na lang d'yan..." sagot ko. Naglagay pa ako ng pagkain sa plato niya.

Hindi rin naman nagtagal ang pagkukwentuhan namin dahil ayaw namin ni Calix na abalahin ang dalawa. Yesha's presence meant a lot to me. Kahit papaano ay nakikita kong ngumingiti ang pamangkin ko. Lumabas ang dalawang lalaki at kami naman ni Yesha ay nagpaalam na mag-babanyo. Nang matapos kami ay agad din kaming sumunod sa dalawa.

"You were the only guy I genuinely liked for her."

Napatigil kami ni Yesha sa tuluyang paglapit sa kanila dahil sa sinabi ni Mark kay Calix.

"Si Tita... bossy 'yan. Gusto niya ay nasusunod lahat ng sinasabi niya. Maikli rin ang pasensya. Hindi ko nga alam kung paanong nakakatagal 'yan bilang psychiatrist. Marami nang nakaaway na family member ng pasyente 'yan." Tumawa siya.

Napasimangot ako. Akmang susugurin ko na siya pero pigilan ako ni Yesha.

"Hindi siya 'yong tipo ng tao na tahimik lang kapag may sama ng loob, kasi sinasabi niya talaga. Wala, eh. Mas ayos daw 'yon para ma-resolba agad ang problema," dagdag niya pa. "Kahit gustong-gusto niya ang isang tao, hindi niya sasabihin 'yon. Ipaparamdam niya lang. Ipagluluto ka, lagi kang kukumustahin, ibibili ka ng isang bagay kasi naalala ka raw niya sa bagay na 'yon... saka lagi kang ipagtatanggol... kahit hindi mo alam."

Huminga ako nang malalim dahil punong-puno ng emosyon ang pagsasalita ni Mark.

"Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit... bakit ganoon ang mga tao sa paligid niya. Si Tita, sobrang sarap magmahal. Isang thank you lang, okay na sa kanya. Kahit nga ilibre mo lang ng isaw 'yan pag birthday niya, masaya na 'yan." He sighed. "Kaya sana... sana 'wag kang maging rason para mawala 'yong ngiti ni Tita. She's enduring a lot of things. Don't hurt her. Baka kasi hindi niya na kayanin."

A tear fell from my eye. Agad ko ring pinalis iyon.

"Thank you for your trust, Mark," Calix whispered. "It makes me happy to think someone doesn't want Vina to be in pain... like me. Hindi ko nakikita ang sarili ko na sasaktan siya. I'm sure there will be rough days, but I promise... I promise to take care of her in my own ways."

He looked up. "Bakit ko naman sasaktan ang isang taong ipinagdarasal ko na huwag masaktan?"

I pressed my lips together and sighed continuously to avoid my tears from coming out.

"Doc, chismosa tayo! Ayan tuloy, naiiyak ako!" untag ni Yesha. "Kasi naman... soft hours!"

Pabiro ko siyang hinampas. Naglakad kami patungo sa direksyon nila at parang walang nangyari kung makapang-asar si Mark.

Nagpaalam saglit si Calix para kunin si Matcha. Nang makabalik siya ay umalis na ang dalawa. I wanted to be emotional, but I just kept it all to myself. I felt loved and appreciated.

Magkahawak-kamay kami ni Calix habang nagkukwentuhan at naglalakad sa kahabaan ng Intramuros. Nagpaplano na agad kami ng gagawin namin sa Valentine's.

"Sa bahay na lang tayo. Walang gastos," I suggested.

He grinned. "Ako naman ang gagastos, eh."

"Hoy, ikaw na ang gumastos ngayon, ah? Ako naman sa susunod!" reklamo ko. Nagtalo pa kasi kami sa bills kanina. "At 'wag mo akong dadalihan na ikaw ang lalaki card. Walang gender gender sa gastusin."

"Hindi—"

Umiling ako. "Parehas tayong may expenses. Parehas din tayong nagtatrabaho. Hindi pwedeng ikaw lang lagi ang maglalabas ng pera. You're not the Bangko Sentral ng Pilipinas."

He let out a sigh of defeat. "We'll split the bill."

"Oo, pero sa susunod pa 'yon. Ako muna. Please? Wala pa akong naibibigay sa 'yo."

Napakurap siya. "Anong wala pa? You gave me the right to be your boyfriend. It was more than all my efforts and money."

Naupo kami sa isang bench habang umiinom ng milktea. Calix's lap was now cradling Matcha, who was fast asleep. Mukhang napagod siya sa paglalakad at paulit-ulit na pagtalon kanina.

Tumingin ako sa lalaki na ngayon ay nakatanaw sa alaga. Nakangiti siya na para bang tuwang-tuwa siya na tulog na ito. Sa hindi malamang dahilan ay pumasok sa isip ko ang isang bagay na matagal ko nang gustong itanong sa kanya.

"Calix," tawag ko.

Agad naman siyang tumingin sa akin.

I tilted my head. "Can I ask you a question?"

Sumeryoso ang mukha niya. Inayos niya ang pagkakahawak kay Matcha at tinanguan ako. He seemed tense.

"Why do you believe in God?" I asked.

Napahinga siya nang malalim at mabilis na napapikit. Nang magmulat siya ay kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa kamay niya na nakalagay sa katawan ni Matcha.

"Alam mo namang agnostic ako, 'di ba? I think there is no way to know whether God exists or what his nature is."

Pinalapit niya ako sa kanya at inakbayan. Ang isang kamay niya ay hinawakan nang tuluyan ang kamay ko.

"I'm a Born Again Christian, simula no'ng bata pa ako. Hindi naman automatic na naniwala agad ako." He chuckled. "Makulit sina Lolo at Lola, eh. Gusto nila, kasama ako palagi sa simbahan. Doon din ako natutong mag-piano."

I placed my head on his shoulder, wala nang pakialam sa paligid. I love hearing his stories, his past... his voice.

"No'ng una, naging obligation lang 'yong pag-attend ko sa church, 'yong pagdadasal bago matulog at pagdadasal bago kumain. It was like a ritual. Hindi ko naman isinasapuso." Muli siyang tumawa.

"Pero dumating sa point na hindi na ako pinipilit nina Lola, tapos kusa na akong sumasama kasi... ewan... hinahanap ko... parang kulang ang isang linggo kapag hindi ako sisimba," he whispered. "And when everything went rough, I just found myself praying... and praying... and praying. God offered me comfort. Na sa panahong wala lahat ng tao, pakiramdam ko, hindi ako mag-isa kasi kasama ko Siya."

He caressed my hair. "I'm sorry... ang corny ko ba?" Tumawa siya.

Umiling ako. "Go on, please. I want to listen."

He kissed my head. "My parents... they abandoned me when I was seven."

I gasped. Lalayo sana ako sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Vina, I was a victim of child abuse," he confessed. Humina ang boses niya. "Araw-araw, binubugbog ako nina Mama at Papa. Pati 'yong bunso kong kapatid..." His voice became slurred.

"Calix..."

He pulled me closer. "With God, I found healing. Mental and emotional healing." He breathed. "Alam mo 'yon? Napatawad ko sila nang wala akong naririnig na pasensya. At alam kong hindi ko 'yon ginawa para sa kanila, ginawa ko 'yon para sa sarili ko. No'ng bata ako, kakanta lang ako ng Christian song, pakiramdam ko, may pag-asa... na ayos lang lahat."

I closed my eyes and imagined him, bruised and scarred... but still praying.

"Hindi ko alam... basta ramdam ko lang na nand'yan Siya, kasi lumapit ako. He was my defense in everything. Ang sabi ng iba, to see is to believe. That's okay. Hindi naman dapat pinililit ang tao na paniwalaan ang isang bagay. It's subjective. Pero sabi sa amin ni Pastor, to believe is to see... and it happened to me. Naniwala ako kaya nakita ko. I saw His mercy. I saw His grace. I saw His love."

Sa bawat salitang binibitawan niya ay lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko alam kung paano. Hindi naman talaga ako believer. Pero sa sinasabi niya... parang gusto ko rin no'n. Parang gusto ko rin ng ganoong comfort.

Nagtagal pa kami roon hanggang sa umuwi kami. Calix placed Matcha on her cage. This day had been too emotional for me... and it felt nice. Ang gaan sa pakiramdam. I felt closer to Calix.

Papasok na sana ako sa kwarto nang tawagin niya ako.

"Vina..."

Tumingin ako sa kanya. Nasa dulo siya ng hagdan at mukhang kanina pa rin ako tinitingnan.

Like the way I stared at the moon, his eyes were full of emotions. I made a point of gazing at his solemn expression because I wanted to remember it—a photograph of my Calix looking at me... with a familiar emotion.

"I love you."

I swallowed hard and ran towards him. I hugged his waist and placed my face against his chest. It was the first time he'd stated it out loud, and I couldn't help but fall even more in love with him.

"I love you, Calix," I whispered.

It was a night to remember... a day to remember.

"Happy monthsary, baby..." he said softly. "I'm excited to spend this lifetime with you."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro