Chapter 14
Chapter 14
After starting a relationship with Calix, my heart and mind felt at peace. In my world of ambiguity and inconsistency, I met someone who would be certain and consistent about me.
I kept track of everything he did for me and realized that it was always his charming little gestures and kind compliments that made the difference.
Puwera ngayon.
"Please, 'wag ka nang magtampo," lambing niya sa akin habang nagluluto ako ng dinner namin.
Nakasimangot ako dahil ayaw ko talagang rumupok sa kanya. Hindi pwedeng isang yakap niya lang sa likod ko ay ayos na, 'no!
Hindi ko siya pinansin. Kahit amoy na amoy ko ang bango niya dahil kaliligo lang niya ay pinipilit kong kalabanin ang sarili. Tatlong linggo na rin simula noong magkaroon kami ng relasyon. And it was going well. Ang tiyaga-tiyaga niya sa akin.
"Para sa 'yo naman talaga kaya ko binili 'yon," dagdag niya pa. "May natira lang kaya iginawa ko rin si Matcha."
Napairap ako at humarap sa kanya. Napabitaw siya sa akin. Lalo pa akong nainis nang mapansing itinatago niya ang ngisi.
"Talaga?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang lalong pagngisi.
"Oo nga," he said gently.
I glared at him. "Paano ako makakasigurado na kaya mo binili ang beige na cashmere na 'yon ay para sa akin, at hindi para kay Matcha?" pagsusungit ko pa. "Talagang iginawa mo siya ng damit niya? Hindi ka manlang bumili ng ibang kulay?"
Napakamot siya sa ulo. "May natira nga... kaya iginawa ko rin siya. Sayang naman, eh."
Inirapan ko siya bago muling tinalikuran para harapin ang niluluto. "Sus. Sigurado akong binili mo 'yon para sa kanya, tapos no'ng may natira, saka mo ako iginawa ng scarf," bulong ko pa.
He chuckled. "Bakit ka ba nagseselos? She's our dog."
"Eh, ano 'yong MF sa damit niya? Matcha Fujimoto rin?" I murmured.
I know I'm being irrational right now, but yeah, I'm really a shortcake.
Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang mukha ko. Inilapit niya ang mukha sa akin at pinagdikit ang mga ilong namin. Pilit kong ikinunot ang noo para ipakita sa kanya na wala siyang epekto sa akin.
"Ikaw ang pakakasalan ko, Doc," bulong niya.
Nag-init ang pisngi ko at pilit na kumawala sa hawak niya pero hindi naman ako nagtagumpay. "Anong kasal?! Ilang linggo pa lang tayo, 'no! Marami pang pwedeng mangyari..."
Inilayo niya ang mukha sa akin at sinamaan ako ng tingin.
"Gaya ng ano?" He narrowed his eyes on me. "Vina, I have no intention of letting you go."
I pursed my lips to keep a smile from coming out. Naku naman! Kitang nagkukunwaring inis ako, eh!
Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at saka humalukipkip.
"Sabagay," I tried to sound arrogant. "Gustong-gusto mo ako noon pa. Ang saya mo siguro, 'no? Na..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin. "Naabot mo 'yong pangarap mo."
Tumawa siya. "Ayan na siya..."
I scoffed. Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang siya ay panay ang pangungulit sa akin. Tuloy ay late na siyang nakatulog dahil may kailangan pa palang tapusin na gawain sa trabaho. That's what you get for flirting with me.
Kinabukasan ay niyaya ko si Yesha sa ramen house. Tutulong doon si Calix kaya inimbitahan niya ako na roon na maghapunan. Syempre, bilang butihing kaibigan, niyaya ko rin si Yesha. At syempre ulit, bilang malandi, niyaya niya si Mark.
"Pwede bang mag-inom do'n?" tanong ni Mark. Nakatambay siya sa opisina ko habang nag-aayos ako. Tapos na rin kasi ang duty ko.
"Pwede naman siguro. May ibinebenta silang soju, eh."
"Yayayain kong mag-inom si Calix," sabi niya. "Tapos, umuwi kayo ni Yesha nang maaga. Usapang lalaki muna." Hinampas niya ang dibdib at parang tangang nag-pose.
Nandidiri akong umirap sa kanya. "'Yuck. Kailangan ko talagang protektahan ang boyfriend ko mula sa 'yo. Mamaya ay kung ano pang kahalayan ang maisip mo."
"Boyfriend ko," he echoed. "Yabang. Kapag ikaw sinaktan n'yan, 'wag kang iiyak sa akin, ha?" Tumawa siya. "Ang papi pa naman no'n. Mukha talagang fuckboy."
I made a face. "Hindi porke't gwapo ay fuckboy na! Ikaw ngang pangit ang lakas ng loob, eh..."
Sumandal ako sa swivel chair at nagsuklay ng buhok. Tatlumpong minuto na lang ay tapos na ang duty ni Yesha. Siya na lang kasi ang hinihintay namin.
"Kailan mo sasabihin kina Lola?"
Napanguso ako. Bukod kina Lola Harriet, Lolo Ken, Chin, Yesha, at Mark ay wala nang nakakaalam ng relasyon namin ni Calix. I was actually planning to introduce him to my family. Hindi pa lang ako makahanap ng tyempo... lalo at hindi naman naging maayos ang naging huling usapan namin. Kahit sana kay Mama lang.
"Hindi ko alam. Tatlong linggo pa lang naman kami ni Calix. Makakapaghintay 'yon."
Tumango si Mark. "Halatang seryoso ka na d'yan."
"Oo naman." Tumawa ako. "Wala na sa edad ko ang paglalaro. Saka, sana si Calix na talaga. Gusto ko talaga na siya na... kasi kapag hindi pa rin naging maayos ang relasyon ko sa kanya..." Huminga ako nang malalim. "Baka hindi na talaga ako makapag-asawa."
Hindi na siya nakasagot dahil pumasok na si Yesha sa opisina ko. Hindi naman na kami nagdalawang-isip na umalis. Pagdating namin sa ramen house ay namataan ko agad si Calix na nagse-serve sa customers.
We settled ourselves on a table that Calix had reserved for us. Mabilis din naman kaming nakita ng lalaki kaya tumawag siya ng isa pang server para asikasuhin ang customers bago naglakad patungo sa amin.
"Ang gwapo ni Calix, parang hindi mo deserve," pang-aasar ni Yesha.
Inismiran ko siya. Nang makarating sa pwesto namin si Calix ay tinawag niya si Rod para kunin ang orders namin. Umupo siya sa tabi ko at agad na hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.
"Good evening," bati niya kina Mark at Yesha.
Ngumiti si Yesha. "Good evening!"
Napatingin sa kanya si Mark. Kitang-kita ko pa kung paanong siniko niya si Yesha.
"Ang saya mo yata?" nakasimangot na saad ni Mark.
Napatawa ako. Naramdaman ko bigla ang paghalik ni Calix sa sintido ko habang nagtatalo ang dalawang nasa harapan namin.
"Miss you," bulong niya.
My heart skipped a beat. "Nagkita tayo kaninang umaga, ah?"
He sniffed my hair. "Oo nga. Bawal ma-miss? Ilang oras din 'yon... ilang oras walang Vina."
I smiled and rested my head on his shoulder. This was something I constantly looked forward to because I always felt better whenever I was with him. I gently played with his long, delicate fingers. I couldn't wait to go home with him.
"Yesha, naiinggit ka ba?" pang-aasar ni Mark. "Ako rin, eh. Kailan mo ba ako sasagutin?"
Tumawa si Yesha. "Kailan ka ba magtatanong?"
Napatuwid ako ng upo sa narinig. "Hoy! Mga malalandi kayo! 'Wag sa harap ko!"
Calix laughed. Hanggang sa dumating ang order namin ay dinaig kami nina Yesha at Mark sa paglalandian. Calix, as usual, asked for kimchi. Sinubukan kong kainin ang ramen nang mayroong gano'n, pero hindi ko talaga gusto.
"How should I address you?" tanong ni Mark kay Calix. "Kahit halos walong taon ang age gap natin, parang hindi kita kayang tawaging Tito."
"Just call me Calix," he replied. "Hindi mo naman siguro tinawag na Tito ang mga nanligaw kay Vina noon, 'di ba?" Tumawa siya.
"May tinawag akong Uncle. Si Grayson."
"Mark," I warned.
Napatingin ako kay Calix at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Grayson?" he asked.
Umiling ako. "Just a fling."
Pinanatili niya ang tingin sa akin na para bang kulang ang sinabi ko.
"Uh..." I gulped. "Sa America. Hindi ba, doon ako nag-residency? Ayun... fling." Ngumiti ako at tumango-tango sa kanya.
"Naging close sila ni Mark?" mahinang tanong niya sa akin. Sinigurado niyang hindi narinig ng pamangkin ko ang sinabi niya.
"Hindi naman sobra!" depensa ko. "Madalas kasi akong tawagan ni Mark noon... tapos ayun! Lagi kong kasama si Grayson kaya nakilala niya."
Kunot ang noong tumango siya sa akin.
"Come on, wala na 'yon!" Umayos ako ng upo. "Magseselos ka ba talaga sa lahat ng lalaki sa past ko?"
"I'm not jealous," he replied.
"Eh, bakit mukha kang galit?"
His forehead creased even more. "I'm just curious about how many ex-boyfriends you had and how stupid they all are for letting you go."
Tumawa ako at muling isinandal ang ulo sa balikat niya. Nagtagal din kami ng pagkukuwentuhan doon. Mark seemed at ease around Calix because he'd been laughing with him as if they had known each other for years. Ganoon din si Yesha. Kahit ito ang unang beses na nagkasama kaming apat sa iisang lugar ay parang walang dull moments.
Mark and Calix decided to get a drink, so Yesha and I just accompanied them. We couldn't risk drinking because we had an early duty tomorrow.
Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta sa restroom. Gusto pa akong samahan ni Calix pero tumanggi na ako dahil hindi naman na kailangan. Habang nag-aayos sa salamin ay lumabas mula sa cubicle ang isang worker dito sa ramen house. Inayos niya ang sarili hanggang sa lumabas din ang isa pang worker.
"Pupunta raw sa weekend dito si Ms. Gwen," saad ng isang babae.
Pumasok ako sa isang cubicle. Dahil tahimik ang paligid ay dinig ko ang usapan nila.
"Sana naman ay hindi na kumalat sa social media. Ang dami paniguradong customer no'n."
Narinig ko ang pagtawa nila. "Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakakita ng CEO na talagang tinitingnan ang bawat branch ng ramen house niya... pero napapansin kong pinakamadalas talaga siya rito kahit hindi naman ito ang main branch."
"Kaya nga, eh. To think na katatapos lang ng project nila ni Liam, 'di ba?"
Napakunot ang noo ko. So, the Gwen they're talking about is Gwendolyn Leigh? Liam's on-screen partner? Siya ang may-ari ng ramen house na 'to? Wow... what a small world.
Paglabas ko ng cubicle ay wala na ang dalawang babae. Bumalik ako sa mesa namin at agad na bumaling kay Calix.
"Ang sabi mo ay kakilala mo ang may-ari nitong ramen house, 'di ba?" untag ko. "Si Gwen pala? 'Yong artista? Paano mo nakilala?"
Nagulat siya sa halos sunod-sunod kong tanong.
"Oo. She's actually my childhood friend," sagot niya bago hinawakan ang kamay ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"
He blinked. "Uh... does it matter?" Napuno ng pagtataka ang mukha niya. "Hindi naman kami sobrang close. Mas kadikit ko pa nga ang Tatay no'n." Tumawa siya.
"Eh, bakit kailangan mong tumulong dito?" I asked again. "Not that I'm against it. Curious lang."
He wrapped his arm around my shoulder to close the distance between us.
"Request ni Lola 'yon," bulong niya. "Si Sir Aldrin kasi ang tumulong noon sa kanya para makapag-pagamot."
Lalo akong dumikit sa kanya. "Do you like Gwen?" tanong ko sa mahinang boses.
"No."
"Nagustuhan mo? Kahit noon?" pamimilit ko.
Umiling siya. "Hindi rin."
"Sure?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He bowed his head and planted a kiss on my forehead.
"Ikaw ang gusto ko. Kahit noon." He chuckled huskily.
"Hindi ako galit sa 'yo, Calix." Sumandal ulit ako sa balikat niya. His hand was clasped against mine. Parang wala kaming ibang kasama rito sa mesa.
"Hmm?"
I pouted. "No'ng college... hindi ako galit o inis sa 'yo. I just find you too stiff and reserved... and I was kind of intimidated, so I never smiled at you."
He took a deep breath. "I probably looked like that because you were around. I always feel tense whenever I see you."
Natahimik ako.
"I didn't know what to call it back then. Sa 'yo lang naman ako nahihiya. Your playfulness really... really caught me." He chuckled. "You light everything up, Vina. At first, I was just having fun observing you... hanggang sa na-realize ko na gusto pala kita."
I pursed my lips to suppress a smile.
"You should've made a move before," I muttered. "Hinihintay lang naman kita... tangina ka kasi, eh. Titingin-tingin tapos hindi naman mag-me-message."
He laughed. "You're Vina. Wala akong lakas ng loob na gawin 'yon."
Lumayo ako nang bahagya sa kanya. "And you're Calix! You were our university's most valuable player. You're a consistent dean's lister, and a lot of women looked up to you! Hindi pa nakatulong na nakawawasak ng buhay 'yang tangkad mo."
I noticed a gleam in his eyes as if he was having a good time. His body turned towards me, indicating he was entirely focused on me.
"Wow... hindi ko alam na gan'yan ang tingin mo sa akin."
Umirap ako. "Kung niligawan mo ako noon, may anak na sana tayo ngayon."
Laughter sprang forth from him. Kitang-kita ko ngayon ang puti at pantay-pantay na ngipin niya dahil sa hindi mapigilang pagtawa.
"'Wag mo akong tinatawanan d'yan, torpe ka," pang-aasar ko pa.
"Gusto mo na ba?" malalim ang boses na tanong niya habang nakangisi pa rin. "I can give you that... wala ka na talagang kawala sa akin kung gano'n."
Nag-init ang mukha ko.
"Woman, you just gave me an idea," natatawa pa ring saad niya.
Hinampas ko ang balikat niya. "You're really talkative when you're drunk!"
"Hindi ako lasing. Uuwi pa tayo, eh."
Halos dalawang oras pa kaming nanatili roon hanggang sa nagpaalamanan na. Inihatid muna namin sa sakayan sina Yesha at Mark bago kami umuwi. Sa tatlong linggong relasyon namin ni Calix, siya lagi ang gumagastos sa pagkain. Nagkaroon siya ng magandang deal bago ang New Year kaya nag-stock siya sa bahay ng groceries good for a month. Ni hindi pa nga namin nauubos 'yong huling binili niya.
We also became so comfortable with each other. He loved cuddling with me. Napansin ko talaga sa kanya ang pagiging clingy. I loved it, too. Gusto ko ang pakiramdam na naiiwan ang amoy niya sa akin.
Tuwing magluluto ako ay nakasunod siya sa akin. Tuwing magpapa-laundry kami ay tinatawag kaming mag-asawa dahil lagi siyang nakahawak sa akin. Tuwing matatapos ako sa trabaho ay yakap niya agad ang sumasalubong sa akin—sa tapat ng hospital man o sa bahay mismo pag hindi niya ako nasusundo. Hindi rin siya nagsasawang makinig sa kwento ko araw-araw.
He was the ideal boyfriend. Ipinaramdam niya sa akin ang pagtanggap at suporta na hindi ko inasahang kailangan ko. May mga pagkakataong nagseselos ako lalo at may mga ka-close siyang ka-trabaho pero sa tuwing mangyayari iyon ay sinisiguro niya sa akin na ako lang ang gusto niya.
My jealousy wasn't because I didn't trust him. I just couldn't get over the things my exes had done to me. Having to unlearn was a significant struggle on my end. Mabuti na lang at araw-araw niya akong nire-remind na walang iba. Sinusubukan ko ring huwag i-displace sa kanya ang negativities ko. He was different from others.
"You're thinking," he uttered. Kapapasok lang namin sa bahay.
"Huh?"
He smiled. "Tahimik ka."
Umiling ako sa kanya. "I'm thinking of you."
He sat on the sofa and tapped the space beside him.
"Tell me about it."
Walang pag-aalinlangang umupo ako sa tabi niya. His arms snaked around me instantly. Iniyakap ko ang mga braso ko sa katawan niya at isinandal ang ulo sa dibdib niya.
"You're really patient with me, Calix. Kahit no'ng hindi pa tayo. You always cook for me. You always listen to me. I just can't help but feel so lucky to have you." Warmth enveloped my heart. "Hatid-sundo mo ako. Tapos kahit nasa tapat tayo ng ospital, niyayakap mo ako. Parang alam mo lagi kung kailan ko kailangan 'yon."
I felt him kiss the top of my head.
"You're my shortcake and baby. You don't have to think about it," he whispered. "That's what you do when you love someone."
I pouted. My heart started to pound inside my chest. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng buong mukha ko. He didn't say it directly, but I just... knew.
Tumingin ako sa kanya at sumalubong sa akin ang malamlam niyang mata. We stared at each other for a long time, feeling each other's warmth and comfort.
"Do you use the lip therapy oil I bought you?" he asked. His gaze was drawn to my lips as if he was hypnotized.
I nodded. Pasimple kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. For some unknown reason, our atmosphere became heavy and intense.
"Hmm..." Tumango siya, titig na titig pa rin sa labi ko. His lips parted before taking deep breaths. "Let me see..."
Slowly, he bowed his head and kissed me. I automatically closed my eyes to feel him. I returned the kiss with the same gentleness. He grunted, then sucked my lower lip and crouched a little to make our positions more comfortable. He kissed me lightly as if he only wanted to taste me. Unti-unti niya akong inihiga sa sofa para mahalikan ako nang ayos.
His kisses became more passionate. I held onto his shoulder for support. I kissed him back. His lips were too soft and enticing to withstand! He was holding my right cheek in place to kiss me better. His tongue played with my mine, sucking and licking every corner of it.
"Calix," I moaned his name when he kissed my jaw.
"We should stop..." he whispered, his voice low and controlled. "We really should..." he added, still kissing me. "Vina, your lips are addicting."
We were both panting when we stopped. Alam kong pulang-pula ang mukha ko lalo at nakita kong gusot ang damit niya mula sa pagkakakapit ko roon. Nakahiga pa rin ako at nasa taas ko pa rin siya pero walang kumikilos sa amin!
That was our first kiss! And it was fucking wild!
He exhaled. "We shouldn't do that again."
Ngumuso ako. "Huh? Why?!" Ugh, that sounded so desperate!
"I'll get you pregnant... for sure."
Parang sasabog sa init ang mukha ko. Tinulak ko siya at dali-daling umayos ng upo. Agad niyang kinuha ang isang throw pillow at itinakip iyon sa crotch niya.
I know what that means! He has a boner!
Napansin ko ang pamumula ng tainga niya. Hindi na rin siya makatingin nang diretso sa akin.
"Vina, you'll keep me up tonight."
Tumayo ako at itinapon sa kanya ang isa pang throw pillow. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng kahihiyang nararamdaman ko! He was turned on! I was, too! But of course, we had to stop!
"'W-wag mong gawin 'yan!" natatarantang saad ko. "Patay ka kay Lord!"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil kumaripas na ako ng takbo sa kwarto ko. Agad kong itinakip ang isang unan sa mukha ko at tumili.
Fuck, my boyfriend is one hell of a kisser!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro