Chapter 13
Chapter 13
I used to delve into the theory of Alfred Adler, a renowned psychologist, and I came across a fascinating insight about middle children. According to him, these children often feel neglected and overshadowed by their placement in the family's birth order. Ang mga panganay ay nabibigyan ng mas maraming responsibilidad samantalang ang mga bunso ay kadalasang pina-pamper. The middle kid was left with no defined function or position in the family.
In my case, I was the oldest and middle child but never the youngest.
My brother's responsibilities were passed down to me because he got married at a young age. Alam kong hindi naman required na tumulong sa mga magulang dahil obligasyon nila tayo. I mean, they were the ones who brought us here. Kargo nila tayo.
But, like other children, I couldn't simply turn a blind eye to my mother's suffering. I noticed her poor hands while observing her last night... so how could I abandon her? How could I ever forget everything she and Papa did for me?
Dahil kahit anong gawin kong subok sa sarili na talikuran na lang sila, hindi kaya ng puso ko na putulin ang ugnayan namin nina Mama at Papa. Kasi... bago ako naging doctor, anak muna nila ako. Bago ko narating lahat, anak muna nila ako.
"Vina..."
Napatingin ako sa nagsalita sa likuran ko. It was Calix. He was clothed in black shorts and a loose-fitting white top. His hair was in a loose bun, as it always was.
Ngumiti ako sa kanya. "Sabi mo ay thirty minutes..."
He kept his serious expression. "Nagmadali ako. I heard what you said."
"Congrats, may tainga ka!" Tumawa ako at muling humarap sa dagat. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
The sand slipped between my toes as the wind swept through my hair. It felt like the entire universe informed me that my fate was not etched in stone. My fate wasn't predetermined. It was scribbled in the dust, and the wind was constantly blowing and modifying it.
Na kahit hindi ako masaya ngayon, posibleng masaya naman ako bukas. Kung hindi maganda ang araw ko, pwedeng maging maayos din bukas. I would keep living until there was no more tomorrow to look forward to.
Naramdaman ko ang pagdulas ng kamay ni Calix sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero ang mga mata niya ay nasa madilim na dagat lang.
"You make me happy, too."
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. My heart started to pound violently inside my chest, and it felt like nothing could tame it.
Slowly, I held his hand, too. It was large, soft, and warm. Its comforting heat penetrated deep through me.
Tahimik lang kami pareho. Hindi ko alam kung gaano katagal. Basta nakatingin lang kami sa dagat. Saka lang kami umalis doon nang tawagin kami ni Chin.
It was a nice Christmas. Walang dull moments. Tawa lang kami nang tawa sa kalokohan nina Troy at Sol. Buong oras ay katabi ko lang din si Calix. Minsan ay umaakbay siya sa akin at minsan naman ay paglalaruan niya lang ang kamay ko.
"Calix, gutom na ako..." bulong ko sa kanya habang nagkakasayahan lahat.
"Hmm? Anong gusto mo?" Tumingin siya sa mesa. "Ikukuha kita... Wait."
Tumayo siya at walang pag-aalinlangang kumuha ng pagkain para sa akin. Napangiti na lang ako sa nakita. Hindi niya manlang hininitay na sabihin kong siya ang gusto ko.
"Asawa 'yan?" pang-aasar ni Chin. "Approved na sa akin si Calix."
Tumawa ako. "Sa akin din..."
Ilang beses din kaming inasar ng mga kaibigan namin, peronatatawa na lang kami. Somehow, the laughs and noises of these people comforted me. Parang nilulunod ng saya nila ang lungkot na naramdaman ko. Isa pa, sobrang attentive ni Calix sa akin. Matahimik lang ako ng ilang minuto ay kinakausap niya agad ako. Puro panlalandi ang ginagawa niya, pero sa dulo ay natatawa ako.
Sabay rin kaming umuwi sa bahay. Hindi siya nag-inom dahil alam niyang mag-da-drive siya. Pag-uwi namin ay nagpahinga lang din kami. Matcha was being watched over by his grandparents. Baka sa pagbalik niya pa sa kanila kunin ang alaga.
A few days went on. Tambay lang ako sa bahay dahil wala akong pasok hanggang matapos ang New Year. Si Calix naman ay tuloy sa pagtatrabaho para daw mabilis matapos ang transaction. Kadalasan ay sa sala rin niya ginagawa ang papers niya habang nanonood ako ng TV.
"Calix, ba't mo pala ako binalak na sunduin no'ng pasko?" tanong ko habang tamad na nakahiga sa sofa. Nakaupo lang siya sa lapag habang nag-la-laptop.
Bumaling siya sa akin. "Nag-text sa akin si Mark. Umalis ka raw sa inyo."
"Huh? May number ka ni Mark?!" kunot ang noong tanong ko. "I mean, isang beses pa lang naman kayong nagkikita... at hindi rin naman gano'n 'yon. Hindi 'yon ma-text sa iba."
Ngumuso siya. "Well, uhm... I added him on Facebook and I messaged him while I was in Vigan."
Umupo ako at inayos ang buhok. Hindi siya makatingin sa akin. Binilisan niya ang pagtitipa sa laptop niya na akala mo ay sobrang busy niya.
"Bakit naman? Crush mo ba 'yon?"
Napatigil siya at gulat na napatingin sa akin. "No!"
I grinned. "Weh? Bakit may pag-message? Tinatanong mo ba siya kung kumain na siya? Kung ano'ng ginagawa niya?"
"Look, the last time we saw each other, I was kind of harsh on him. Akala ko kasi ay nilalandi ka niya," sagot niya. "I apologized, and he's your family. Syempre, ano... nag-aalala ako sa 'yo kasi mag-isa ka rito. At saka, ayun..."—lumunok siya—"nagpapa-good shot ako."
Nangingiting tumango ako sa kanya. Napatawa na lang ako nang irapan niya ako. I grabbed a pillow and tossed it at him. Napangisi rin naman siya. Halos buong araw lang kaming ganoon. Bukas kasi ay sa bahay ng Lolo at Lola niya kami magtatanghalian. Ni hindi ko pa nga napakukulayan ang buhok ko. Sana ay hindi sila ma-turn off sa akin.
"Ba't ka ba kinakabahan? Ako ang may gusto sa 'yo, Vina. Ako dapat ang nakararamdam niyan," aniya habang palabas kami ng bahay.
New Year's Eve ngayon at sinadya kong hindi umuwi sa amin. Ayoko muna talaga. Hindi ko kayang plastikin ang sarili ko.
"Hindi ako kinakabahan," kunwaring sagot ko.
Ngumisi siya. "I could hear your heartbeat. If it wasn't for that... was it because of me?"
Itinagilid niya ang ulo at nang-aasar na tumitig sa akin.
Itinulak ko siya. "Lumayo ka nga sa akin! You're invading my personal space!" My cheeks flushed. "At saka nagkape ako kanina kaya nagpa-palpitate ako..."
Lalo siyang ngumisi. Tumango-tango siya na akala mo ay talagang naniniwala siya sa sinabi ko. Pabiro ko na lang siyang inirapan bago sumakay sa motor niya. I was just wearing a white knitted top, white ankle pants, and beige loose blazer. Ang kulay tsokolateng buhok na mayroong blonde highlights ay nakalugay lang. Its beach waves pummeled my back.
"Calix, paano kapag sinabi nilang bibigyan nila ako ng limang milyon basta layuan lang kita?" tanong ko. "Baka malito ako." I chuckled.
Sumimangot siya. "Mabuti na lang at walang ganoong pera sina Lola."
"Paano kapag pinapili ka kung si Matcha o ako?" pangungulit ko pa. "O di kaya naman, hindi ka na pwedeng kumain ng kimchi kapag pinili mo ako..."
Hinawakan niya ang helmet at dahan-dahang isinuot iyon sa akin. Binuksan niya ang salamin noon habang hawak pa rin ang helmet. Tuloy ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko. He looked at me with amusement.
"Kung wala kang magandang sasabihin..." he paused before grinning.
"Ano?" hamon ko.
"Sabihin mo na lang ang pangalan mo."
Nag-init ang buong mukha ko kaya dali-dali kong isinara ang salamin ng helmet. Narinig ko ang pagtawa niya pero hindi ko na lang siya pinatulan dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan ng Lolo at Lola niya. Totoo ang sinabi ni Calix. Halos isang oras kaming bumiyahe, at kung nag-commute kami ay siguradong hahapunin kami.
"Tara na," yaya niya sa akin.
"Teka, mag-aayos lang ako," sabi ko bago paulit-ulit na sinuklay ang buhok.
The house they lived in was a bungalow. The walls were painted yellow from the outside, giving it a homey appearance. The garden was full of lush plants and flowers, and the fences were made of wood.
"Wow... dito ka lumaki?" tanong ko.
Tumango siya. "Pero no'ng college ay sa Isabela tayo, 'di ba? May bahay rin doon sina Lolo."
Ikinalma ko ang sarili dahil muling nagwala ang dibdib ko. Ano ba 'yan! Sabing hindi ako dapat kabahan!
"La, nandito na kami!" sigaw ni Calix mula sa labas.
Lumabas ang matangkad at maputing babae. Naka-bun ang may kaputiang buhok nito habang malaki ang ngiti sa amin. I smiled back at her. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siya dahil nakasama na siya ni Calix sa hospital pero ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya nang malapitan.
"Magandang tanghali, ineng..." bati niya sa akin. Nakasuot lang siya ng dilaw na duster at pambahay na tsinelas.
"Magandang tanghali po," nakangiting sagot ko. Bahagyang nawala ang kaba sa dibdib ko dahil sa mainit niyang pagtanggap sa akin.
Pinagbuksan niya kami. Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ay napansin ko agad ang kalinisan ng buong bahay. Wala masyadong gamit, pero may maliit at lumang piano roon na sa palagay ko ay ginagamit ni Calix noon.
Lumabas mula sa isang pinto ang maputi, makisig, at matangkad na lalaki. It must be his grandfather. Halata sa mukha nito ang pagiging Hapon, at kahit na may maliit na ngiti sa labi ay nabasa ko agad sa itsura nito ang pagiging strikto.
"Magandang tanghali po," mahinang bati ko.
Tumango lang siya sa akin.
Sumunod kami sa kanya. Naunang maupo ang Lalo ni Calix. Her skin was pale, and despite her contagious smile, she looked sick. Kinausap ni Calix ang dalawa pero hindi ko na nasundan ang sinabi niya dahil nahihiya ako.
The lunch was nothing fancy. Kare-kare at pinakbet lang ang mga putaheng inihanda nila. Hindi ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko sa nasa harapan.
All my suitors treated me to a lavish meal when they introduced me to their family. A chef was always in charge of the kitchen, and an assistant oversaw serving the food. The cuisines were always from countries in Western Europe.
Pakiramdam ko tuloy ay lagi akong bisita... 'yong laging ipinaghahanda. Hindi gaya nito na para akong isang kapamilya na hinihintay nilang dumating.
"Kumakain ka ba n'yan? Gusto mo bang i-order kita ng ibang ulam?" bulong ni Calix habang inilalagay ang plato sa harapan ko.
I smiled. "Gustong-gusto ko. Ang tagal ko nang hindi nakakakain nito."
Tumango siya. Naupo siya sa tabi ko at sinalinan ng pagkain ang plato ng Lola niya. Sunod naman ay ang sa akin. His grandfather was just watching his move.
Handa na akong magsimula sa pagkain nang biglang magsalita ang Lolo niya.
"Let's pray..."
Nag-init ang pisngi ko at dali-daling napayuko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Calix sa gilid ko kaya hinampas ko ang tuhod niya.
I closed my eyes and pressed my hands together.
"We thank you, Father in Heaven, for letting us to come together for this special occasion. We are grateful for the meal prepared with love," simula ni Lolo. "We are grateful for life, the liberty to appreciate it all, and all our other blessings. We pray for health and strength as we eat this meal so that we can continue to live as You wish. We pray for this in the name of Christ, Our Heavenly Father. Amen."
"Amen," sabay na saad nina Calix at Lola.
Nagmulat ako at nahuli kong nakangiti sa akin si Calix.
"Bakit?" I hissed quietly.
"Mukha kang batang magdasal."
Inirapan ko siya at muling humarap sa pagkain ko. Nang makitang nagsisimula na ang mga matatanda ay saka lang ako kumain. Unang subo ko pa lang ay halos mapapikit na ako sa sarap. The hell?! Who cooked this?!
"Dahan-dahan naman," bulong ni Calix nang magsunod-sunod ang pagsubo ko.
Hindi ko siya pinansin kaya naglagay na lang siya ng tubig sa harapan ko.
"Mabuti naman at magana kang kumain, ineng," untag ng matandang babae sa akin. "Ako pala si Lola Harriet, tapos itong asawa ko naman ay si Ken. Ikaw si Vina, hindi ba?"
Pinunasan ko ang bibig at tumango sa kanya. "Opo, Lola."
"Hindi marunong magsalita ng Tagalog si Ken." Tumawa siya. "Sa ilang dekada naming pagtira dito, hindi talaga siya natuto. Nakakaintindi naman siya, pero mas maayos kung sa Ingles mo siya kakausapin o kung marunong ka, Nihongo."
"Ah, sa English na lang po!" I chuckled. "Hindi rin po ako marunong ng Nihongo, eh..."
Ngumiti siya. "Doctor ka, ano? Bagay sa 'yo."
Napanguso ako para pigilan ang pagngiti. Lola Harriet was a gentle and soft-spoken lady. Parang si Calix lang.
"Salamat po," sagot ko.
"Really? You're a doctor?" singit ni Lolo Ken. "That's a nice profession, Vina. I bet your parents are very proud of you."
Umawang ang bibig ko. Ilang segundo bago ko na-proseso ang sinabi niya.
"A-Ah, opo!" Tumawa ako.
Ibinaba niya ang kubyertos at tumingin sa apo.
"Calix, despite being a consistent dean's lister, failed the board exam twice. The money we spent on him while he was in school was a complete waste," biglang sabi niya na labis na nakagulat sa akin. "That's what you get for not working hard enough in school... for not taking your academics seriously. We enrolled him in a review center, but"—he slowly shook his head—"he failed."
"Ken, that's not a very nice introduction," saway ni Lola Harriet.
Nanlaki ang mata ng matanda. "Oh no, I didn't mean any harm. I'm sorry. I'm just sharing my thoughts because our Calix's girlfriend is a doctor."
Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin kaya inabot ko na lang ang kamay ni Calix at pinisil iyon. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Wala 'yon. Sanay na ako d'yan."
My heart ached for him. Sanay na? Ibig sabihin ba... lagi niyang naririnig 'yon? Na kaya siya bumagsak kasi hindi siya nagseryoso sa pag-aaral?
"But being a Real Estate Agent was nice, too. He could travel, relax, and his work was a lot easier for him," sabi ulit ni Lolo Ken. "If he pursues a career as an engineer, I'm sure he will fail miserably. Maybe God didn't allow that to happen because He knew my grandchild would suffer." He chuckled as if the topic was funny.
Muling natahimik ang paligid. Hindi ako tanga. He was giving Calix backhanded compliments.
"Uhm, Lolo Ken..." I took a deep breath. I couldn't keep my mouth shut at this point. "I think Calix will excel in any profession he chooses. He's committed and hardworking. I've witnessed it. I saw how he dedicated his time and effort in everything... and I'm very proud of him."
"Yes!" masayang sang-ayon ni Lola Harriet. "My Calix is more than his achievements!"
Calix's hand intertwined with mine. Lumapit siya sa tainga ko at bumulong.
"'Wag mong masyadong galingan. Baka hindi ako makapagpigil at mahalikan kita rito."
Agad na nag-init ang buong mukha ko sa narinig. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at nagpatuloy na lang sa pagkain na parang walang nangyari. Lolo Ken stopped talking about Calix and started asking about my profession. Sinagot ko naman ang lahat ng iyon nang buong galang... kahit pa naiinis ako na ganoon ang trato niya kay Calix.
Matapos ang tanghalian ay nagpasama si Lolo Ken kay Calix sa bayan. Bibili raw sila ng pwedeng ihawin mamaya dahil hindi sila nakapamili kahapon. Naiwan kami ni Lola Harriet sa bahay at ngayon ay ipinapakita niya sa akin ang mga larawan ni Calix noong bata pa siya.
"Pagpasensyahan mo na si Ken, ha?" malumanay na saad niya. "Siya ang unang nasaktan no'ng hindi nakapasa si Calix. Gustong-gusto kasi nilang dalawa na maging engineer."
I flipped the pages of the photo album. "Mas nauna pa rin pong nasaktan si Calix, Lola..."
"Ano 'yon?" tanong niya, hindi yata narinig ang sinabi ko.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Kinuha ko ang isang picture ni Calix na naglalaro ng lego.
"Ito pong lalaking 'to, mas nauna siyang nasaktan no'ng hindi siya nakapasa," pahayag ko. "Hindi lang dahil parang nalagyan ng tuldok 'yong pangarap niya, pero dahil na rin alam niya pong ganoon ang magiging reaksyon ng mga tao sa paligid niya."
I caressed the cheeks of the young Calix. Seryoso ang mukha niya at parang may galit sa mundo.
"And it was more painful. To let yourself down, to let others down, and to give up on your dreams." I gulped. "Bago nasaktan ang lahat, siya muna ang umiyak, siya muna ang nabigo, siya muna ang sumuko."
Lola exhaled. "Mahal ni Ken si Calix, pero tama ka. His love for him lessened when he failed. Araw-araw niyang ipinaalala kay Calix iyon... kaya nga naisipan kong palipatin na lang siya kahit ayaw ko, kasi ayoko nang makitang nasasaktan ang apo ko."
Inabot niya ang kamay ko. "Vina, ngayon pa lang, kung ayaw mo kay Calix at kung hindi mo siya nakikitang makakasama mo, sana ay 'wag mo siyang paasahin."
Umiling ako. "Hindi ko po pinapaasa si Calix."
"Ang dami niya nang pinagdaanan. 'Yong nakita mo ngayon, wala pa sa kalahati ng mga nalagpasan niya na. Please, don't hurt my apo," nangarag ang tinig niya. "Mahal ka ni Calix. Sobrang mahal ka ni Calix. Siguro hindi mo 'yon nakikita, pero ako, bilang Lola niya, alam ko..."
My heart began to clench, yet it was not in pain.
"Hindi ko alam kung ano'ng namamagitan sa inyo, pero sa paraan ng pagkukwento niya sa akin tungkol sa 'yo, rinig na rinig ko sa boses niya ang saya." Nag-buntonghininga siya. "Kaya kung sasaktan mo lang ang apo ko sa huli, 'wag na lang. Lumayo ka na lang."
I shook my head. "I will not do that po. I will not hurt Calix."
When she smiled at me, I knew I had earned her trust.
Hinintay naming makauwi ang dalawang lalaki. Lola Harriet gave me a picture of Calix as a gift. Naging magaan naman ang buong maghapon dahil hindi na ulit binuksan ni Lolo Ken ang usapan kanina. Calix's gentle side shone through again, as I observed how he looked after his grandparents and cleaned everything so they wouldn't get tired.
Habang abala ang lahat ay pumunta ako sa terrace. Ayaw kasi akong patulungin ng mga tao sa loob.
The moon had always been a symbol of fascination for me, but on this night, it was something more. It was as if it held the key to my soul, and I couldn't help but fall deeply in love with it. It was at its brightest, and somehow, it reminded me of Calix—how brilliant he was in the dark when no one else was around.
I didn't know that we were going through the same thing, that we were on the same page of the book. 'Yong kahit anong gawin mo, 'yong mali mo pa rin ang makikita nila.
Like him, I found it hard to let people in. I found it hard putting my faith in others. Every good thing that came my way felt like a trap. I was so used to hardship and disappointment that the idea of something positive happening to me was suspicious.
Pero habang kasama ko si Calix, ang dami kong napagtatanto.
One day, whether in several weeks, months, or a couple of years, you will realize that happiness is not found in your job, your income, or the size of your house.
Happiness is about appreciating the small things—the way someone will pray for you, comfort you without even realizing it, buy you food, ensure your safety, and just... love you.
"Vina, just tell yourself that your happiness is that guy," bulong ko sa sarili.
At that moment, I realized something that would change my life.
I wanted to begin the year with him. I wanted to spend all my days getting to know him.
He couldn't give me the entire universe, but I didn't even need a single planet. He was the one I wanted... the one who could make me feel like I owned everything.
"Hi, Doc, what are you thinking?" tanong ni Calix. Ni hindi ko namalayan na katabi ko na siya. "Ako na ba 'yan?" Marahan pa siyang tumawa.
I looked at him, and my heart tightened because I was so happy.
"Ano'ng gusto mo? 31 o 1?" I asked.
Kumunot ang noo niya. "Para saan?"
I chuckled. "Basta! 31 o 1?"
He cocked his head and narrowed his eyes on me, as if trying to decipher my expression. I just kept on my smile.
The moon had seen everything that happened to us, and now it would witness my love forecast.
"31?" hindi siguradong tanong niya. "I wanted to say 1, pero 31 ngayon at kasama kita... kaya 31."
Nabasa ko ang gulat sa mukha niya nang tumingkayad ako at hinawakan ang dalawang balikat niya. Pinatakan ko ng halik ang ilong niya.
His cheeks flushed instantly. His jaw also clenched. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat pero wala na akong balak na tumigil.
"Let's be happy together, Calix," I muttered with utmost sincerity.
I held his hand and brought it to my heart.
"Be my boyfriend..."
Natahimik siya, dahilan para tubuan ako ng hiya. Kasabay ng pag-iiwas ko ng tingin ay ang pagsubok kong alisin ang kamay sa balikat niya pero pinigilan niya ako.
"Teka lang," bulong niya. "Hindi ko pa napoproseso ang sinabi mo..."
Parang lalabas ang puso ko sa kaba. Kahit sanay akong tanggihan ng mga tao, hindi ko maiwasang mataranta sa magiging reaksyon niya.
"Vina... teka lang, ha?" He seemed to be in a daze. "Kinikilig kasi ako..."
Mabilis na nag-init ang mukha ko. Mahina kong sinuntok ang dibdib niya kahit na sa totoo lang ay parang nabunot ang tinik sa puso ko.
"Gago ka!" sabi ko pa.
Lumunok siya. "Totoo ba? Girlfriend na kita? Hindi ka nagloloko lang?"
I nodded gently. He then looked at me for a long time as if he could tell from my expression whether or not I was being honest.
Hinuli niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko sa paglapat ng labi niya roon.
I wasn't sure whether my senses were deceiving me, but I caught a glimpse of unshed tears in his eyes.
"Vina, you're my greatest blessing this year," he whispered as he closed his eyes. "No, you're my greatest blessing in this lifetime."
I bit my lower lip to keep all my emotions together.
"Thank you, Lord, for the answered prayer."
At that very moment, I knew I'd made the right choice.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro