Chapter 12
Chapter 12
"Huh? A-Ano... okay lang naman." Kinakabahang tumawa ako. "Kailan ba?"
Ibinaba niya si Matcha at hinawakan lang ang tali nito.
"Before New Year sana," sagot niya. "Saka na tayo mag-usap pag-uwi mo."
Tumango na lang ako kahit ramdam ko ang pagwawala ng puso ko. 'Wag ka munang kabahan, Rovina! May oras pa para makapag-ayos ka! Magpakulay ka ng buhok! Back to black!
Sumakay ako ng taxi. Ganoon pa rin naman sa trabaho. Wala masyadong ginawa dahil walang naka-schedule na outpatients. Wala ring walk-ins. Abala siguro ang karamihan dahil holiday na. Maagang nag-out si Yesha dahil uuwi rin siya sa probinsya nila. Nang matapos ang shift ko ay sa bahay na rin nina Mama ako dumiretso.
Naroon na ang buong pamilya ni Kuya Rexter, maging si Rebecca at anak niya. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ay ramdam ko na agad ang stress.
"Tita, tara dito! May buko salad!" yaya agad ni Mark sa akin nang makita ako.
Napangiti ako. "Leche flan, wala?"
Sumunod ako sa kanya sa kusina. Naghuhugas ng mga pinagkainan at pinaglutuan si Mama. Halos tumutulo na ang pawis sa noo niya. Sa dami ng tao sa labas, ni wala manlang tumulong sa kanya. Si Mark ay mukhang katatapos lang din magwalis at magpunas ng mesa.
"Ma, ako na d'yan," untag ko nang mapansing aligaga na siya sa paglilinis.
Umiling siya. "Galing ka pa sa trabaho. Kumain ka na lang."
Tinawag ako ni Mark kaya wala na akong nagawa kung hindi iwan si Mama roon. Pagdating ko sa mesa ay may mga pagkain na. Umupo si Mark sa tapat ko at ngiting-ngiting pinanood ako.
Inirapan ko siya. Alam na alam ko na ang ngiti niyang ito.
"Ano'ng papasko mo sa 'kin?"
Tumikhim ako. "Hindi ba pwedeng tapusin ko muna 'tong pagkain ko?"
He chuckled. Kinuha niya ang cellphone kaya itinuloy ko na lang ang pagkain. Sinilip ko si Mama na ngayon ay naghahanda ng dessert para kina Kuya. Napailing na lang ako dahil talagang iniasa nilang lahat sa kanya. Wala naman kami halos bisita. Siguro ay nakauwi na. Imposible naman kasing hindi mag-iimbita sina Kuya.
"Si Papa?" tanong ko kay Mama nang dumaan siya sa likuran ko.
"Mamayang alas-dose raw gigising. Nagpapahinga na sa kwarto."
Wala naman masyadong nangyari dahil nagtagal kami ni Mark sa kusina. I guess, that's one of the perks of being outcasts. I don't want to hear any of their sleazy comments about my job, and Mark wouldn't want to listen to their remarks about his academic performance. Gaya ng dati, kami lagi ang magkasama.
I used the chance to greet all my friends and colleagues, but no one responded. They were probably busy with their own families.
Lumabas lang kami ni Mark nang mag-alas-onse na. Nagtatawanan sila roon kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ako lang siguro ang nag-iisip nang masama sa kanila dahil sa nangyari. Baka nga nalimutan na nila ang mga sagutan namin. Ayoko namang sirain ang pasko nila dahil lang sa mga iniisip ko.
"Paano pala ang sasakyan bukas?" bulong ko kay Mark.
Nakaupo lang kaming lahat sa sala. Hindi na ako sumali sa usapan ng ibang naroon.
"Nag-arkila sina Papa," sagot niya.
Tumango lang ako at kunwaring nagkalikot na ulit ng cellphone. Napangiti na lang ako nang makita ang simpleng bati ni Calix sa akin. Hindi ko siya itinext kanina pero nauna na siyang bumati.
"Vina, kailan mo ipapakilala 'yan?" tanong ni Mama.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Po?"
"'Yong tinutukoy mo no'ng dinner, kailan mo ipapakilala?" pag-uulit niya. "Sigurado naman akong hindi ka pipili ng kung sino-sino lang."
I pressed my lips together as I realized that everyone's attention was fixed on me. Goodness, heto na naman tayo.
"Hindi ko naman boyfriend 'yon, Ma."
Umismid si Ate Sidney. "Hindi mo naman pala boyfriend, eh."
I inhaled deeply and mentally reminded myself not to engage in a tiresome conversation with her.
"Nanliligaw?" usisa ulit ni Mama.
Napaawang ang labi ko. Walang sinabing ganoon si Calix... kahit na halata ko kung paano niya ako pagsilbihan. Ayoko lang na sa bibig ko manggagaling iyon.
Hindi pa man ako nakasasagot ay tinawag na ni Papa si Mama mula sa kwarto. It was the perfect timing because I was at a loss for words. I honestly didn't know what to say.
"Vina, limang libo 'yong arkila ng sasakyan," saad ni Kuya makalipas ang ilang minutong pananahimik. "Huwag mo nang papaskuhan si Mark." Tumawa siya. "Bayaran mo na lang 'yon."
Nagkatinginan kami ni Mark.
"Akala ko ay kayo ang naka-assign do'n, Kuya?" tanong ko. Ibinalik ko ang tingin sa kapatid. "I gave Mama enough money for our food. Hati kayo ni Rebecca sa transpo, 'di ba?"
"Ate, ipinambili ko ng pamasko ni Thalia, eh..." sabi ni Rebecca. "Ayoko namang pagsuotin ng luma 'to. May reunion, eh."
Huminga ako nang malalim. "Wala bang natira? May thirteenth month pay ka, 'di ba? Nasaan 'yon?"
Umiling siya. "Nagpaplano kasi akong bumukod kina Mama, 'te. Iniipon ko 'yong pang-down namin sa renta. Baka kasi magsama na kami ni Ace," tukoy niya sa kasintahan.
"Huh? Sinong mag-aalaga kay Thalia kapag may pasok ka?" I asked.
She looked like she was having doubts. "Ano... si Ace."
"What do you mean? Ikaw lang ang magtatrabaho sa inyo?" I pressed the tips of my fingers. "Alam mo ba kung gaano kalaking responsibilidad 'yon, Rebecca? Bumukod ka kapag kaya mo na. Isipin mo rin ang anak mo. You're the one who will pay all the bills. Mag-aaral na rin si Thalia next school year, 'di ba?" I sighed. "Mas mabuting dito ka muna kina Mama. Mas maunti ang gastusin."
"Vina, alam na ni Rebecca ang ginagawa niyan," saway ni Ate Sidney. "'Wag mo ngang pinapakialaman."
I exhaled. "Ate, nag-aalala ako sa kapatid ko."
"Kaya naman yata ni Ace, eh." Si Kuya. "Ganito, Vina. Uutangin muna namin sa 'yo 'yong pambayad sa arkila, tapos next month, pagsweldo nitong si Rebecca ay babayaran namin nang buo."
Sarkastiko akong napatawa. "May utang pa kayo sa 'kin."
Umayos ng upo si Mark. "Tita, ako na. May ipon ako."
"Babayaran naman, eh!" saad ulit ni Kuya. "Para limang libo, lumalabas ang ugali mo? Sinesermonan mo pa 'tong si Rebecca. Paskong-pasko!"
Nakita ko ang pag-aalala at malungkot na ekspresyon ni Rebeccan nang tumingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng guilt. Kahit na nag-aalala ako, hindi ko dapat sinabi sa kanya kung ano ang dapat gawin.
"Kuya..." Ikinalma ko ang sarili. "Wala naman sa 'kin 'yong pera. Kaya lang, lagi n'yo kasi akong iniipit." I heaved out a sigh.
Hindi ba pwedeng kahit isang beses lang, magsama kami nang ayos? We were once siblings. We used to be linked not just by blood but also by love. Why did money have such an effect on them?
"No'ng nagkasakit si Thalia, sino bang nagbayad ng bills? 'Di ba ako?" Humina ang boses ko. Ayokong isumbat ang mga 'to sa kanila ngayon, pero hindi ko mapigilan ang sarili. "S-Saan ko kinuha 'yong two hundred fifty thousand? Mula sa ipon ko... Hindi ako nag-reklamo kasi pamangkin ko 'yon, eh. Ni hindi ko na nga sinisingil..."
"Really?! You're saying that now?!" galit na sigaw ni Kuya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "No'ng ibinenta ko 'yong sasakyan ko, wala kayong narinig sa 'kin kahit pa alam kong hindi n'yo na mababayaran 'yon."
Tumayo si Kuya at itinulak ang balikat ko. "Tangina, ngayon mo talaga gustong pag-usapan 'yan?! Kaya hindi ka makasundo ng mga kamag-anak natin, eh! Masyado nang mataas ang tingin mo sa sarili mo!"
"Pa!" Si Mark.
I swallowed hard.
"Pinag-uusapan ka na ng mga kapatid ni Mama! Pinagtatawanan ka kasi tatanda kang dalaga! Walang makakapagtyaga sa ugali mong 'yan! Kunwaring tutulong pero isusumbat nang isusumbat."
Tears welled up in my eyes. Nakakasawa na. Lagi na lang ganito.
"P-Paano naman ako makakapag-asawa kung..."—tumikhim ako nang may bumikig sa lalamunan ko—"kung buwan-buwan, kailangan kong sustentuhan ang mga gamot ni Papa? 'Yong mga gastusin dito sa bahay?"
"Vivienne, ba't nandito na naman ba 'yang babaeng 'yan?!" malakas na sigaw ni Papa mula sa likuran ko.
Napayuko ako. What did I do again? Bakit parang mali na naman ako? Bakit parang bawal akong magsalita para sa sarili ko?
Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanila. Gaya ng dati, walang salitang namagitan sa amin ni Mama. Tahimik lang siya. Kapag involved si Kuya, lagi siyang walang nagagawa. Si Ate Sidney lang ang kaya niyang pagsalitaan.
"Lumayas ka rito!" Itinulak ako ni Papa. Napakapit ako sa sandalan ng couch dahil muntik akong matumba.
"Timothy, ano ba?!" sigaw ni Mama.
He didn't budge. He stared at me as if I were some horrible filth. This time, he didn't look at me like he didn't know me. Instead, he stared at me like he recognized me... and hated me.
And it was more painful than all his puzzled glances before.
Mas gusto ko nang hindi niya ako maalala kaysa ang mapuno ng galit ang puso niya para sa akin.
"Vina..." he muttered.
Tuluyang tumulo ang luha sa mata ko. My heart felt as if it was being crushed in pain. I heard the gasps of the people around us.
"Anak..."
Napahikbi ako sa narinig. After so many years... I heard that word again... from him. And instead of being happy, I felt something was taken away from me. It was like a nightmare waiting to happen. He uttered that word with disbelief in his tone.
"Tama na," he whispered, enough for all of us to hear. "Vina, hindi ko kailangan ng pera mo para gumaling ako... dahil hindi na ako gagaling. Hindi namin kailangan ni Vivienne ng tulong galing sa 'yo."
"Pa... hindi..." Lumapit ako sa kanya at pilit na niyakap siya. "K-Kaya nga ako nagtatrabaho, eh... Lahat ng ginagawa ko, para sa inyo 'yon ni Mama. Ilang taon na tayong ganito, Pa. 'Wag n'yo naman akong itaboy lang."
Humikbi ako sa balikat niya, wala nang pakialam sa mga nakakakita. Miss na miss ko na si Papa. Miss na miss ko ang samahan namin bago siya magkasakit.
"P-Pa, si Vina ako..." hikbi ko. "Ako 'yong paborito mo, tanda mo? Kapag ayaw akong payagan ni Mama, ikaw 'yong kumakausap sa kanya kasi gusto mo masaya ako. Ako 'yong binubuhat mo noon kapag nakakatulog ako sa couch. 'Yong lagi mong pinagluluto kapag galing ako sa pag-iyak. Pa... naaalala mo na ba ako?"
Tulo nang tulo ang luha sa pisngi ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko.
"Ako 'yong kapag apat lang 'yong pwedeng sumakay sa kotse, ako 'yong naiiwan dito sa bahay, tanda mo? 'Yong sina Kuya at Rebecca, may bagong damit, ako 'yong hindi n'yo binibilhan kasi may mga pinagliitan naman 'yong mga pinsan ko..." The scenes from my childhood played across my head. "'Yong hindi mo ako ibibili ng bagong cellphone kaya maghihintay na lang ako hanggang sa pagsawaan ni Kuya 'yong kanya. 'Yong kapag may ulam... sa akin napupunta 'yong pinakamaliit na parte."
I suddenly remembered the old me, telling myself that it was okay... that I love them. Kahit ako 'yong nasa huli ng pila, ayos lang... kasi nakapila naman ako. Kahit ako 'yong huling pipiliin, ayos lang... kasi nasa pamimilian naman ako.
"O-Okay lang naman sa akin 'yon, Pa. Hindi naman ako humihiling ng kahit ano... kahit nasa isip ko lang... na paborito n'yo ako."
"Vina... anak..." Hinawakan ni Mama ang balikat ko para ihiwalay ako kay Papa.
And when I saw him, my hopes came crashing down. His expression didn't change a bit.
"Ma, Pa... anak n'yo rin naman ako..." Hindi na ako makahinga sa pagsasalita. "B-Bakit kapag ako 'yong nagkakamali, ang sama-sama ko? Bakit parang bawal akong magsalita? Bakit ang daya? Bakit no'ng nabuntis si Rebecca, hindi n'yo naman pinagalitan?"
"Ate! Ano ba?!"
Umiling ako. "Bakit no'ng sinabi ni Kuya na nakabuntis siya, wala kayong sinabi?" Ipinikit ko ang mga mata. "Pero no'ng ako 'yong hindi nakapasok sa pangarap n'yong med school, pinagsalitaan n'yo ako? 'Yong hindi lang ako nakapagbigay ng pera kasi na-late 'yong sweldo ko, sinabihan n'yo agad akong maluho?"
"No'ng nasa America ako, kung hindi pa ako tatawag sa inyo, hindi n'yo ako maaalala. Si Mark lang... Si Mark lang 'yong laging nangungumusta sa akin." Pinalis ko ang luha sa mukha ko. "Hindi n'yo alam kung ilang beses kong hiniling na sana marinig ko sa inyo..." Tumingin ako sa kanilang lahat. "Na proud kayo sa 'kin..."
Naghari ang katahimikan sa paligid namin. I looked at their expressions, but I was too tired to read them. I always claimed to be the best, even though I knew deep down that I was never the best for them... for the people I cared about.
Tahimik kong kinuha ang bag ko at nang makarating ako sa pinto ay bumaling ulit ako sa kanila.
"Merry Christmas."
Halata ko kay Mark ang gustong pagsunod sa akin pero umiling lang ako sa kanya. Sa gitna ng dilim ay binagtas ko ang daan pauwi sa bahay ko... kung saan ko maibubuhos ang lahat ng nararamdaman ko.
Emptiness and grief engulfed me. Calix was nowhere to be seen. Siguro ay nakauwi na. I didn't even bother to switch on the lights. I just sat and cried inside my dance studio.
I was no one's favorite. I was like a filler chapter in a book. I was the one who filled in the gaps. If the world ended today, I'd be the only one seeing it since no one would come to watch it with me.
Ilang oras akong humiga sa dance floor ng studio. Alam kong madaling araw na pero hindi ako dinadalaw ng antok. Maga ang mga mata ko sa labis na pag-iyak. Nakakaubos. Nakakasawa. Parang siklo na lang ang nangyayari. Magtatalo kaming lahat tapos magiging maayos ako nang walang naririnig na paumanhin.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Chin. I needed someone to talk to... bago pa ako mawalan ng malay sa sobrang pagtangis. I cleared my throat when she answered my call.
"M-Merry Christmas!" pinasaya ko ang boses.
She exhaled. "Ang late mo namang bumati. Buti na lang at gising pa ako."
Pinilit kong ngumiti. Everything was wearing me down, and for the first time in my life, I was able to stand up for myself, but it cost me my relationship with my family.
"K-Kumusta?" Mayroong bumikig sa lalamunan ko. "Did you have a nice Christmas Eve?"
Narinig ko ang pagtawa niya. "Oo. Nagtitimpla lang ako ngayon ng gatas kasi hindi ako makatulog. Ayaw ko namang gisingin pa si Troy."
"Mamaya ka na magpahinga," saad ko. "Chikahan muna tayo!"
"Bakit? May nangyari ba? Gusto mo bang puntahan kita ngayon?" sunod-sunod na tanong niya. "Nasaan ka?"
"Wala, gaga!" Tumawa ako. "Nandito ako kina Mama. Masaya naman. Maraming pagkain. Marami ring batang namasko kanina kasi alam nilang wala kami sa bahay bukas. Tapos, nandito sina Papa..." I bit my lower lip so hard it almost bled. "Masaya ang pasko ko, Chin."
"Kami rin kanina!" kwento niya. "Nandito ang mga magulang ni Troy tapos tinawagan lang namin si Mama Hyacinth, 'yong biological mom niya. Tuwang-tuwa rin si Trevor. Ang daming nag-regalo sa kanya, eh." Halatang-halata ko sa tinig niya ang saya. "Saka sina Duke at Sol nandito kanina. Nagdala ng pastries."
Hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko habang nakikinig sa kanya.
"Alam mo, Vina, ang saya-saya ko na ngayon." Huminga siya nang malalim. "Akala ko imposible... pero mahal na mahal ako ni Troy. Mahal na mahal kami ni Troy. May mga ginawa man siya sa akin, sinisigurado niyang araw-araw naman siyang bumabawi."
All of a sudden, I yearned for that feeling, too. The sensation of having someone who had seen and loved you through everything. The comfort of knowing you have someone you can spend your nights and days with. Na kahit anong gawin mo, may masasandalan ka... may tatanggap sa 'yo.
"Chin..." tawag ni Troy sa asawa mula sa kabilang linya. "Magpahinga na tayo. Maaga pa tayong aalis bukas." Punong-puno ng lambing ang tinig niya.
"Hello, Vina? Sa susunod na lang ulit tayo mag-usap, ha? Pinapatulog na ako, eh. Mag-enjoy ka d'yan! Ibati mo na rin ako kina Tita. Merry Christmas!" sabi pa niya bago ibinaba ang tawag.
Natulala lang ako sa kadiliman. Sinubukan kong tawagan si Yesha at ang ilang mga kaibigan noong college pero lahat sila ay hindi sumagot, siguro ay may mga ginagawa. Ang iba naman ay siguradong tulog na. Kahit si Calix ay itinext ko pero hindi na siya nag-reply.
Hindi ko namalayan na sa dance studio na ako nakatulog. Tanghali na nang magising ako. I couldn't feel anything. Naligo lang ako, nagbihis ng pambahay, at nag-assess na lang ng mga psychological report. There was a heavy feeling in my chest I couldn't get rid of, but I chose to ignore it because Christmas was my favorite holiday... and I didn't want to spend it crying.
I saw some Facebook posts of my relatives. Napangiti na lang ako nang makitang naroon sina Mama at ang mga kapatid ko. Papa even smiled for the camera, which he never did for me.
Naroon din si Mark pero kita ko sa mukha niya ang pagpipigil ng inis. Sa lahat ng pictures ay wala manlang siyang kuha na nakangiti. Para bang pinilit lang siyang dalhin doon.
Naalala ko ang pagyayaya ni Chin sa akin sa isang beach sa Batangas. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at dali-dali akong nag-ayos ng gamit para sumunod sa kanila. May mga nagte-text sa akin pero hindi ko na sila na-replyan dahil na-lowbatt na ang cellphone ko. Nakita kong may message din si Calix, pero sa ngayon ay wala muna akong ibang gustong kausapin. I didn't even bother charging my phone.
"Oh my god! Vina!" tili ni Chin nang makita ako. She was wearing a baby blue dress. "Magkausap tayo kanina tapos hindi mo manlang sinabi na pupunta ka!"
Dapit-hapon na nang makarating ako sa beach resort na inarkila nila. Ang mga kaibigan lang nina Troy noong college ang naroon. Kahit ang mga anak ay hindi nila dala.
"Vina? Akala ko ay susunduin ka ni Calix?" tanong ni Troy nang makita ako.
"Huh?" halos magkasabay na sabi namin ni Chin.
"Umalis ba si Calix?" tanong pa ng babae.
Tumango si Troy. "Sabi ay susunduin si Vina. Nagkausap ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi. Ni hindi ko nga alam na nandito siya, eh. Hindi naman na ako nakapagbasa ng mga text niya kanina dahil... may ginagawa ako," pagrarason ko.
Lalong kumunot ang noo ni Troy. Saktong napadaan si Sol sa cottage kaya tinawag niya ito.
"Buntis!"
Napasimangot ang babae. "Tangina mo, pangit!"
Kasunod ni Sol ang asawa kaya dumikit siya roon. "Duke, si Troy, nang-aasar!" parang batang sumbong niya. "Tanungin mo nga ng tungkol sa calculus para matahimik!"
Napangisi si Duke. Ginulo niya ang buhok ng misis bago sabay na naglakad patungo sa direksyon namin. They acknowledged my presence.
"I-text mo nga si Calix na nandito si Vina," utos ni Troy kay Duke. "Wala akong load, eh."
Tumango si Duke bago tumalima.
"Kayo ni Calix?" biglang tanong ni Sol. "Bagay kayo. Ang gwapo no'n, eh."
"Solene..." nagbabanta ang tinig na saway ni Duke.
"Manahimik ka, ha? Buntis na ako't lahat, nagseselos ka pa?! Totoo namang gwapo si Calix," reklamo agad ni Sol.
Tumingin sa kanya ang lalaki.
"Oo na! Mas gwapo ka para sa 'kin, hayop ka!" saad niya ulit. "Titingin pa. Akala mo naman may magagawa siya pag nainis ako..." bulong niya sa sarili.
Hindi ko na nasundan ang nangyari dahil nagpaalam ako sa kanila para ma-contact si Calix. Humiram ako ng power bank kay Chin at lumapit sa dagat para maghanap ng signal.
Ano ba kasing sumapi sa kanya at susunduin ako nang wala naman akong sinasabi? Isa pa, akala ko ba ay kasama niya ang Lolo at Lola niya? Bakit siya pupunta rito?
Pagkabukas na pagkabukas ko ng cellphone ay halos mabato ko iyon sa labis na gulat. Paano kasi ay lumitaw bigla ang pangalan ni Calix.
"Hello?" bungad ko nang masagot ang tawag. Bitbit ko ang scarf na ginawa niya para sa akin.
"Vina! Nasaan ka?"
Napangiti ako sa nag-aalalang tinig niya. "Nandito sa Batangas. Ikaw? Sabi nina Troy ay susunduin mo ako. Bumalik ka na rito," mahinang sabi ko. "Hihintayin kita."
He sighed. "Gusto mo ng ramen?"
Marahan akong tumawa. "Magsawa ka naman! Pumunta ka rito... 'yon ang gusto ko."
Ilang sandali siyang natahimik. "Keep the call on."
"Huh? Bakit?" tanong ko.
"Basta, 'wag mong ibababa. Thirty minutes lang ay nand'yan na ako. Say anything... gusto kong marinig ka."
Umupo ako sa buhangin at hinayaang mabasa ng tubig dagat ang paa ko. I wished these waters could relieve my pain.
"Calix," saad ko, hindi sigurado kung dinig niya ako. Alam kong nagmamaneho na siya ngayon.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil muling bumuhos ang emosyon ko.
"Isang buwan mahigit pa lang simula no'ng nagkita tayo ulit... pero ang galing mo kasi nakuha mo agad ang tiwala ko." Bahagya akong tumawa. "Thank you for always including me. Thank you for comforting me. Thank you for seeing right through me."
I gulped.
"Thank you kasi naging tenant kita..."
Pinisil ko ang scarf na hawak at unti-unting isinuot 'yon sa sarili.
"Calix Dylan, thank you for making me happy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro