Chapter 11
Chapter 11
Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung paano ako lalabas na parang walang nangyari o kung paano ko haharapin ang lalaki. He confessed to me last night. What's next?! Hindi naman niya sinabing manliligaw siya o ano. Ni hindi ko nasabing gusto ko rin siya! Ang weird naman kung bigla kong sasabihing kami na! Patay ako kina Mark, Chin, at Yesha!
"Ugh, Vina, just act naturally!" I scolded myself. "Bakit ba kasi nambigla si tanga? Niyaya ko lang namang mag-ramen..." bulong ko pa.
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Sumilip muna ako kung nasa paligid si Calix. Nang masiguradong wala siya ay saka ako lumabas. Sabado ngayon at parehas kaming walang gagawin. Usually, naglilinis lang kami ng bahay, pero ngayon, parang hindi ko kayang mag-stay rito. Shuta, parang ako pa ang natotorpe!
Hindi ko alam kung natutulog pa siya lalo at maaga pa naman. Tumawag ako ng delivery man para ibalik kay Liam ang mga regalo niya. Hindi ko kailangan ang mga ito. I could finance myself.
Busy ako sa pagwawalis nang tumunog ang doorbell. Sinilip ko muna kung sino ang nasa labas at napaawang ang bibig ko nang makita roon sina Chin at Troy. Walang pagdadalawang isip kong binuksan ang pinto at gate para papasukin sila.
"Vina!" Si Chin bago ako yakapin.
Halos madurog ako sa higpit ng yakap niya. Tumawa muna ako bago tanguan si Troy na nakamasid lang sa asawa.
Pinaupo ko sila sa sofa. I also prepared some drinks. May dala silang pagkain kaya sigurado akong dito sila magtatanghalian.
"Ang aga n'yo namang manggulo!" reklamo ko habang nagsasalin ng orange juice sa baso ni Chin. "Nasaan ang anak n'yo? Mga wala kayong kuwentang magulang."
Troy chuckled. "Na kay Mama. Ngayon na lang ulit kami nakaalis ni Chin nang wala 'yong matabang 'yon, eh."
Napaungot ako. "At dito n'yo talaga naisipang pumunta, 'no?"
He grinned. "Ay, hindi mo ba alam? May nag-text sa akin kaninang alas-tres habang kainitan kami ni Chin..."
"Troy! Ang baboy mo!" Namula ang pisngi ni Chin.
Tumawa si Troy bago hinalikan ang sintido ng asawa. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Tangina, sa harap ko talaga?! Umaga?! Sa tagal ko nang single, saka nila ako paaandaran?!
"Sabi ni Chin sa akin, maliit daw 'yan," basag ko sa landian nila.
Chin scoffed. "Hoy, hindi ah!"
Sumandal ako sa sofa. "Weh? Ang sabi mo sa akin ay mahal mo lang kaya tinanggap mo."
Pulang-pula ang mukha niya sa ginawa kong pang-aasar. Kahit si Troy ay nakangisi lang dahil alam niyang nahihiya si Chin kapag ganito ang mga usapan.
"Pero, mas maliit daw kapag Japanese, Vina..."
Napamura ako. I scowled at Troy, but all he did was shrug and smirk.
"Balitaan ko kayo," tanging naisagot ko.
Umirap ako nang tumawa si Chin.
"Bakit ba kasi kayo nandito?" tanong ko.
"Nag-text ang housemate mo..." Troy chuckled. "Hindi raw siya makababa. Kinakabahan."
My face heated. Ngumisi sa akin si Chin kaya kumuha ako ng isang throw pillow at ibinato iyon sa kanya. Bigla ay na-imagine ko si Calix na hindi rin alam kung ano ang dapat gawin, gaya ko. Come on, para kaming tanga parehas! Hindi naman kami trese anyos para mag-inarte nang ganito!
At talagang pinapunta niya pa ang dalawang 'to para lang hindi namin mapag-usapan ang nangyari?! Pangit! Duwag!
"Dalaga na si Vina," pang-aasar ni Chin. "Ano'ng ginawa n'yo kagabi, ha?"
I exhaled before shifting my gaze to Troy. "Ano'ng ginawa mo sa utak ng kaibigan ko?! Nagiging mahalay na!"
Troy was about to respond when we heard some footsteps. Agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagngising-aso sa akin ang mag-asawa pero hindi ko na sila napagsabihan dahil naging sensitibo ako sa paligid.
"Good morning, tol!" preskong saad ni Troy bago tumayo para puntahan ang kaibigan.
Nasa gilid ko lang si Calix pero hindi ko magawang tumingin sa kanya lalo at naglaro sa utak ko lahat ng sinabi niya kagabi. Gusto niya ako simula noong college kami! Masaya siya kapag masaya ako! Natotorpe siya sa akin! Oh my god! I'm annoyed with my family, but I really love my genes!
Tumayo ako at pasimpleng sumulyap sa kanya. Nakatingin din siya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lalong uminit ang pisngi ko dahil doon. Alam ko naman kasing nabigla lang siya kaya niya nasabi iyon. I mean, ramdam ko ang pagpapalipad-hangin niya pero hindi ko naman inaasahan na simula college ay ganoon na ang nararamdaman niya.
I clenched my teeth and chewed my lower lip. I never smiled at him before because he always seemed so distant. Even when I saw him laughing with his friends, he gave off a cold and intimidating aura. Hindi ko alam kung bakit noong unang beses ko siyang nakita, itinatak ko agad sa utak ko na hindi ko siya pwedeng magustuhan. I was playful, and I thought we would never be a good match.
Isa pa, hindi rin naman siya gumagawa ng bagay na makakapaglapit sa amin. Mahuhuli ko lang siyang nakatingin pero kahit isang beses ay hindi niya ako nilapitan.
Pero oo, medyo umasa ako noon.
"Magandang umaga, Vina..." mahina pero malalim na saad ni Calix.
Bago pa ako makapag-react ay parang gagong humiyaw si Troy. Tawa naman nang tawa si Chin sa pinaggagagawa ng asawa niya. Kung pwede ko lang silang palayasin ngayon ay nagawa ko na.
Nahihiyang tumingin ulit ako kay Calix. Nginitian ko siya kahit pa basa ko sa mukha niya ang kaba. Naiintindihan ko naman kasi ang nararamdaman niya. Miski ako ay hindi alam kung paano siya pakikitunguhan. The confession wasn't intended, but those words had to be said because of what happened last night. Hindi ko nga lang sigurado kung gusto niya ba ang nangyari.
"Maliligo muna ako," paalam ko sa kanila.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa nila dahil tumalikod na ako at naghanda sa pagligo. Nang nasa loob ako ng banyo ay parang gusto ko na lang manatili roon lalo at alam kong hindi kami titigilan ni Troy sa pang-aasar. Wrong move, Calix Dylan! Your friend will surely make things more uncomfortable!
I wore a peach lounge dress and a pair of house slippers. Naririnig ko silang nagkukuwentuhan sa terrace kaya matapos kong tuyuin ang buhok ay pumunta na ako sa kanila.
Ang kaninang nakikipagtawanan na Calix ay biglang umayos ng upo nang makita ako, at sigurado akong pansin 'yon nina Troy at Chin dahil sabay silang napatawa.
"Ako'y tinamaan, puso'y tinamaan. Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan..." kanta ni Troy.
"Shut up," baritonong saway ni Calix bago mahinang sinipa ang paa ng upuan ng lalaki.
Naglakad ako patungo sa pwesto ni Chin at tinabihan siya. Nag-iinit ang mukha ko sa labis na hiya. Mabuti nga at hindi maalinsangan sa terrace. Bukod kasi sa Disyembre na, marami rin akong tanim na mga halaman sa paligid. We were just enjoying our juice and cookies from Sol's bakery, The Slice.
"Kaya pala hindi ka nagrereklamo noon kapag pinipilit kitang sumama sa akin sa CAS," patuloy pa ring pang-aasar ni Troy.
Calix chuckled. "I was just being a good friend."
Mainit na mainit ang mukha ko sa kahihiyan. Kung alam ko lang talagang mangyayari ito ay hindi ko na sana sila pinapasok sa bahay. Nagpanggap na lang sana akong tulog!
"Uuwi ka sa Christmas?" halos pabulong na tanong ni Chin.
Huminga ako nang malalim at iniiwas ang tingin sa dalawang lalaki. Nahuli ko pa ang pagsiko ni Calix kay Troy.
"Ano 'yon?" untag ko kay Chin dahil hindi nag-sink in ang itinanong niya sa utak ko.
Ngumiti siya. "Sa pasko... uuwi ka?"
I pursed my lips as memories of last night played across my mind. Christmas had always been my favorite holiday, and I looked forward to spending it with my loved ones. Noong huling pasko ay sa America ako nag-celebrate kasama ang ilang katrabaho. This year, I promised my parents to spend it with them as we were having our family reunion.
"Hindi ko alam. Siguradong magagalit si Mama kapag hindi ako pumunta sa reunion namin. Wala ako last year, eh." Nag-buntonghininga ako. Just thinking about it drains me. If my family is sometimes toxic, my relatives are even worse.
Chin pouted. "Sama ka! Mag-beach tayo. Kasama rin sina Sol..."
Napatawa ako. "Wow, close na kayo?"
Masaya siyang tumango. "She's very kind and funny! Lagi niyang pinapalayas sa bahay nila si Duke dahil naiinis siya sa mukha." She laughed. "Paiyak na nga si Duke habang nagkukwento kay Troy. Tiis-tiis na lang at malapit na rin namang manganak."
"Eh, ikaw? Kailan n'yo susundan si Trevor?"
"Gaga ka!" Namula ang mga bilugang pisngi niya. "Paano ang clinic natin kung may baby ulit?"
"Okay..." Sumandal ako. "Pero 'yong sa beach, baka malabo." Ayoko naman kasing sirain lalo ang relasyon namin ni Mama. Isa pa, miss ko na si Papa. Ayoko namang bisitahin siya sa bahay dahil alam kong magagalit lang siya. At least, I could use the holiday as an excuse to be with him.
"Kahit mga gabi ka na pumunta. Isama mo si Mark," sabi ulit ni Chin. "Sigurado naman akong hindi ka magtatagal sa reunion n'yo. Saktong 25 daw ba gaganapin?"
Tumango ako. "Nag-rent sila ng private resort sa Laguna."
Lumungkot ang mukha niya. "Sayang naman. Nagplano na kami nina Troy, eh. Sana makasunod kayo. Sa Batangas lang naman 'yon."
"Sure na traffic 'yon. Kahit maaga kaming umalis sa resort, magco-commute lang kami ni Mark."
She locked her gaze on me, and all I could do was put on a smile.
"Hay nako, Vina..." she whispered. "Okay lang mag-no minsan."
"Huh?"
Umiling siya. "Stop being available to everyone."
"Saan ka nanggagaling? Commute ang pinag-uusapan..."
Her chest heaved as she sighed. "Naalala ko kasi 'yong sasakyan mo. Pinag-ipunan mo 'yon, eh."
"Kaya kong mag-ipon ulit, 'no! At saka, alam kong hindi ako patutulugin ng konsensya ko kapag hindi ko ibinenta 'yon," sagot ko. "Medyo nakakapanghinayang lang kasi parang walang nangyari." Marahan akong tumawa. Hindi ko alam kung para itago ang kaunting kirot sa dibdib ko o para ipakita sa kaibigan na maayos ako. "Pero hayaan na. There's no use crying over spilled milk."
Halata kong may gusto pa siyang sabihin, pero makalipas ang isang minuto ay huminga na lang siya nang malalim. Being with her moved me in some way. She'd been through hell and back, and nobody deserved her, but the fact that she was still with me proved that she had chosen to keep living because she knew there was still so much more to come.
"Nagyayaya nga sina Calvin at Owa," narinig kong kwento ni Troy kay Calix. Tinutukoy niya ang dalawa pa nilang kaibigan noong college. "Kahit before New Year. Sa bahay lang nina Calvin. Ang higpit ng asawa no'n, eh. Hindi siya papayagang umalis."
Si Troy ang nagsasalita pero kita ko sa peripheral vision ko na nasa akin ang mga mata ni Calix. Even in his basic muscle tee, he looked perfect.
"Sige lang. I-text mo 'ko," sagot ni Calix. "Kasama mo si Chin no'n?"
"Oo. Pwedeng magdala ng misis, eh. Si Duke panigurado ang hindi papayagan ng buntis."
Isang oras pa kaming nagkuwentuhan doon, at ilang beses ko ring nahuli ang pagsulyap ni Calix sa akin. Tuwing mangyayari iyon ay sabay kaming nag-iiwas ng tingin kaya panay ang pang-aasar ni Troy.
I know. Mukha kaming shunga pareho.
Matapos ang lunch ay nagpaalam na ang mag-asawa. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil maiiwan kami ni Calix dito, at pakiramdam ko ay parehas kaming hindi pa handang pag-usapan ang nangyari kagabi. Inihatid namin ang dalawa sa gate at ngiting-ngiti lang si Chin sa akin.
"'Wag kang masyadong pahalatang kinakabahan ka," bulong pa niya. "Si Calix dapat ang nakakaramdam n'yan."
Huminga ako nang malalim. Tahimik ko kasing ikinuwento sa kanya ang nangyari kagabi at ang gaga ay tuwang-tuwa dahil nararamdaman niya raw na kinikilig ako sa lalaki. Parang nang makausap ko naman siya sa telepono noon, sinasabi niya pang baka saktan ako ni Calix! Ewan ko ba rito, ang gulo-gulo!
"'Wag mo akong pinapayuhan. Sa ating dalawa, mas alam ko ang dapat gawin, 'no?" sagot ko para itago ang nararamdamang hiya.
Ngumisi siya. "Balitaan mo ako, ha?"
Pabiro ko siyang inirapan. Pinanood namin ni Calix kung paanong sumakay ang dalawa sa kotse nila. Nang tuluyan silang mawala sa paningin namin ay natahimik kami.
Calix cleared his throat. "Tara na sa loob. Mainit dito."
Tumango lang ako at naglakad na papasok. Nanlalamig ang mga palad ko pero alam kong hindi iyon mahahalata sa mukha ko. I kept a straight face as if his confession wasn't running through my head.
"Hugasan mo ang mga plato," utos ko nang makapasok siya. "Hindi ka maagang gumising kanina kaya ako lang ang naglinis."
He tilted his head to one side, grinning. He poked his tongue against his inner cheek before turning his attention to me, and the moment our eyes met, my breath caught in my throat.
"A-Ano?!" pagtataray ko. "Ba't ka nakangiti?!"
Lumawak ang ngisi niya bago maangas na umiling. Hindi ko alam kung bakit parang nanumbalik sa akin ang sensasyon noong una ko siyang makita, noong hindi ko pa siya nakakausap at nakikilala. Right now, he seemed to be a bad guy capable of fucking my brains out! Parang hindi siya ang umamin sa akin!
"Maghuhugas na ako," paalam niya, nakangisi pa rin.
Tumikhim ako. "Nasaan ang scarf ko?"
Dahan-dahang nawala ang ngisi niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at kapansin-pansin ang biglang pamumula ng tainga niya. Pinilit niyang ikunot ang noo kasabay ng pagkagat niya sa pang-ibabang labi.
"Nasa taas nga," mahina pero mariing saad niya. Pinasungit niya pa ang boses.
Napasimangot ako. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?! Tumatapang yata?! Iniisip niya ba na gusto ko siya at nasa kanya ang upper hand? Huh! Magpapakipot pa ako, Calix Dylan! Hindi mo ako makukuha sa paganyan-ganyan mo!
"Oh, bawal kong kunin? Akin naman 'yon, sabi mo."
He clenched his jaw. "Iyo nga."
"Akin na!" pamimilit ko pa.
Bigla siyang tumingin siya sa akin. "Sa gumawa, ayaw mo?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Para akong nawalan ng hangin sa baga, at bago pa ako tuluyang makasigaw sa kanya ay ngumiti siya na para bang nabawi niya ang dignidad niya.
"So, that's how you silence a shortcake."
He chuckled playfully as he walked into the kitchen. Naiwan ako roon na nakatulala at nanggagalaiti sa kanya. How dare he?! He was the one who confessed! He was the one who expressed interest in me first! Bakit parang ako ang naging awkward?!
Pasalampak akong umupo sa sofa at nilakasan ang volume ng TV para hindi ko marinig ang gripo mula sa kusina. Nakakunot ang noo ko habang nakanguso. Ang sama ng loob ko, ha! Ang akala ko pa naman ay mahihiya siya sa akin lalo at pinapunta niya pa sina Troy. Tapos ngayon, ngingisian niya lang ako?!
Mayabang! Hinding-hindi ako aamin na gusto rin kita! Kahit ipagdasal mo pa kay Buddha iyan!
Dumaan siya sa likuran ko pero hindi ko siya binalingan ng tingin. Napansin ko lang na umakyat siya sa taas. Wala pang limang minuto ay bumaba siya bitbit ang isang orange na paper bag.
I gulped when he sat next to me.
"Oh..." saad niya bago iniabot sa akin ang paper bag.
Ngumuso ako. Kinuha ko iyon mula sa kanya at bahagya pang nagtama ang mga daliri namin. I took a deep breath and looked at him. Nakatingin din siya sa akin na para bang hinihintay niya ang reaksyon ko.
"Thank you," bulong ko dahil magkalapit lang naman kami. Sinilip ko ang nasa loob ng paper bag at kinuha iyon.
Tama nga siya. Maganda ang tela ng scarf... at isa pa sa mga paboritong kong kulay. Ni hindi ko alam na napapansin niyang mahilig ako sa ganitong kulay. Siguro ay nakita niya ang kwarto ko.
He chuckled. "Nahihiya ka ba?"
I fought the urge to gasp. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi nawala ang ngisi niya.
"Ako ang mahihiya sa 'yo?!" naiiritang tanong ko. "Bakit ako?! Ikaw ang maraming sinasabi d'yan, eh! Pinapunta mo pa nga 'yong mag-asawa kasi hindi mo ako kayang harapin!"
Tumawa ulit siya. "Wala naman akong sinabing hindi ako nahihiya."
Inirapan ko siya. Kung kanina ay pisngi ko ang nag-iinit, ngayon, ulo na!
"I meant what I said, Vina," biglang saad niya. "I really like you."
I gulped as sweat began to build on my forehead. I could feel the intensity of his stare, but I didn't return it because I was aware that my expression now would give my feelings away.
Kunwaring tiningnan ko na lang ang scarf. It was soft and elegant. I couldn't imagine him doing this while thinking of me. I ran my hands over it and noticed something written on it.
RDF.
"Dati pangarap kong maging engineer pero ngayon maging scarf na." Tumawa si Calix.
I bit my lower lip and scowled at him. "Ano 'tong RDF na 'to, ha?! My whole name is Rovina Gamboa Desamero! RGD dapat!"
He smirked playfully.
"I know what you're doing!" saad ko ulit. "Come on, Calix Dylan Fujimoto, do you like me that much?"
He raised his brow and nodded. "Yes, Doc, I like you that much."
Napatulala ako sa kanya. Tangina naman! Ano bang itinuro ni Troy dito at nagkaganito siya bigla?! He was so shy earlier!
"Rovina Desamero-Fujimoto," he murmured.
Muling nag-init ang mukha ko. "A-Ang kapal mo! Posibleng hindi maging tayo, 'no?! Hindi porke't gusto mo ako ay gusto na rin kita!"
Tumawa siya. "Edi, Rovina Desamero Forever na lang."
Nagulat ako nang kuhanin niya sa kamay ko ang scarf at isinuot iyon sa akin. Pinasadahan pa ng hintuturo niya ang nunal ko sa leeg at wala na akong ibang nagawa kung hindi damhin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Focused na focused siya sa ginagawa niya!
"I can do that myself!" tanging nasabi ko nang matapos siya. "Ano'ng tingin mo sa akin, ha?"
He tilted his head. Ipinatong niya ang mukha sa kamay niya na nakatuon sa hita niya. Amusement passed through his eyes. Kinagat niya pa ang pang-ibabang labi, parang hindi makapaniwala sa nakikita.
Jusko, ako lang 'to!
"Tingin ko sa 'yo?" he echoed. "Maganda."
Napakurap ako. "Calix, stop doing that! Stop flirting with me!" Kasi tangina, sobrang nahihiya ako! Baka hindi ako makapagpigil at mahalikan ko talaga siya!
His playful side would undoubtedly be the cause of my death!
Umisod siya lalo palapit sa akin. Hinawakan niya ang scarf at bahagyang hinigit iyon para maglapit ang mukha namin. I could smell his minty breath. Mabilis ang paghinga namin pareho hanggang sa unti-unting bumaba ang mga mata niya sa labi ko.
Dahil sa sobrang conscious ko ay kinagat ko iyon para maitago sa kanya.
"Vina, there's no turning back for me," he whispered. "Isusugal ko na ang lahat sa 'yo. I like you and I will continue to flirt with you until you become my girlfriend."
I wasn't not sure how I made it through that heated situation. Lumipas ang mga araw na wala nga siyang ginawa kung hindi ang landiin ako. Tuwing umaga ay nauuna siyang gumising sa akin para ipagluto ako ng umagahan. Lagi niya ring sinasabing nagagandahan siya sa akin kahit na pawisan ako mula sa pagsasayaw. Wala ring palya ang paghahatid-sundo niya sa akin.
"Matcha, look at how pretty your mother is..." bulong niya sa alaga. Nakatayo lang siya sa pintuan habang buhat-buhat ito. "Pasko na bukas kaya hindi natin siya makakasama. Kiss mo muna bago umalis," dagdag niya pa.
"Sa bahay nina Mama na ako uuwi mamaya. Diretso na kami sa Laguna bukas, eh... saka Christmas Eve."
Tumango siya. "Ingat ka, ha? Tatawag ako."
"Ikaw? Saan ka ba?" tanong ko.
"Lola. Baka sa bahay lang din kami. Hindi naman sila mahilig sa mga gano'n." Inayos niya ang pagbubuhat sa aso. "Ako na ang mag-sasarado. Ingat ka sa work... at halika na."
I smiled. "Ikaw rin..." Lumapit ako sa kanila at pinatakan ng halik ang ulo ni Matcha. "Be a good girl, Chicha."
Sinabi ko kay Calix na huwag na akong ihatid dahil walang mag-aalaga kay Matcha. Mag-aayos pa rin siya ng gamit. Uuwi rin kasi siya mamaya. Hindi lang siya pumayag na hindi ako ihatid hanggang sa sakayan.
"Vina," tawag niya sa akin habang naghihintay kami ng taxi.
"Oh?"
"Nakausap ko kasi si Lola, tapos nabanggit kita."
Napatingin ako sa kanya. Mukha siyang kinakabahan. I caught a glimpse of him gulping before pursing his lips.
"Hindi naman kita pipilitin kasi syempre... ano... wala naman tayong relasyon. Saka, baka nabibilisan ka rin. Ayaw ko namang iparamdam sa 'yo yon..." Huminga siya nang malalim.
"Ano ba 'yon?" tanong ko.
He paused for a while before he sighed.
"Gusto ka raw makilala ni Lola. Pwede ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro