Epilogue
MAY tatlong buwan tinago niya ang pagdadalang tao nito sa anak ng kambal. Hindi niya ito sinabi agad sa dalawa dahil gusto niya sana i-sorpresa ito kapag natapos ang kanilang kasal. Ngunit, hindi niya inakala na siya mismo ang magugulat sa lahat nangyari.
No'ng araw na iyon. Nagtago siya sa kambal at pinakiusapan ang kaniyang pamilya na hindi sabihin sa mga ito kung nasaan siya. Maski ang kambal na prutas ay walang alam sa kaniyang ginawa.
Tatlong buwan siya nagtago sa mundo sa pangangasiwa nina Ethan at Ross. Sa panahon na iyon ay hindi siya pinabayaan ng mga ito na sobrang pinapasalamatan niya dahil hindi nag tanong ang dalawa kung ano ang problema kung bakit siya nag tatago.
Masakit para sa dalaga ang nangyayari. Araw-araw na lumipas ay mas lalong bumibigat ang kaniyang nararamdaman. Hindi pa nakakatulong ang pagkamiss niya sa kambal ngunit hindi niya gusto manatili.
Parang bumalik siya sa simula. No'ng simula na pinipilit niya ang sarili kay Rex. Mas nasaktan siya at hindi mapigilan bumuhos ang luha niya sa mga mata.
Naalala niya kung gaano niya ka-gusto si Rex. Lahat ng atensyon niya ay binibigay kay Rex. Habang napapabayaan niya si Raz na palaging nandiyan sa kaniyang tabi. Mas lalo tuloy siya nasaktan at nahiya.
Hindi niya deserve si Raz. Hindi niya kaya mag pakita rito. Hindi niya dapat ito iniwan dahil sa kasalanan ng kakambal nito.
Lugmok na lugmok siya. Walang gabi na umiiyak siya habang sa umaga ay nag ta-trabaho siya para may pangtustos sa magiging anak nila. Hindi pa siya handa sabihin sa pamilya niya na buntis siya lalong lalo na sa kambal.
Until one night. She came home a bit late. Matapos niya mag linis ng katawan. Tumunog ang cellphone niya at tinitigan ito. Hindi makapaniwala siya sa nabasa.
Lily texted her. That bruha.
Galit nag tipa siya ng sagot dito hanggang makita niyang tumatawag ito sa kaniya. Mariin niyang hinawakan ang cellphone bago sinagot ang tawag ni Lily sa kaniya. Nang marinig niya ang boses nito ay gusto na niya ito puntahan para sabunutan sa sobrang inis niya.
"I'm sorry, Sinead Lay," saad ni Lily sa kabilang linya. Natigilan siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig galing sa bibig nito. Hindi siya sumagot dito bagkus ay hinintay ito ulit mag salita.
"It was fake. I never slept with Rex that day. I made it look like it was him when the truth it was only edited."
"W-what?!" Mas lalo siya naguluhan sa mga naririnig. Kitang-kita niya na si Rex ang katabi nito no'ng gabing iyon. "Stop l-lying."
"I'm not lying, Sinead! I'm really really sorry."
Lumuluha na binitawan niya ang cellphone. Sobrang sakit ng kaniyang puso. How could she? How could she blame the twins immediately? Without asking the real story behind it?
Buong gabing iyon ay umiyak lang siya nang umiyak. Naiinis siya sa sarili niya. Naiinis siya sa lahat nang yayari sa kanila. She just wanted to love and be loved. Bakit sobrang hirap naman no'n mangyari?
MAS lalo siyang nahiya kausapin ang kambal matapos niya malaman ang katotohan sa mismong bibig ni Lily. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga ito kung bakit siya bigla na lang umalis na walang pasabi sa mga ito.
Lumipas ang isang linggo na hindi nawala sa kaniyang isipan ang mga nangyayari. Alam niyang hindi maganda iyon para sa magiging anak niya ngunit hindi niya magawa mag-isip.
Stress na stress siya sa mga nangyayari hanggang isang araw ay bigla na lang siya sinamaan ng pakiramdam. Pumunta siya agad sa malapit na hospital para mag pa-check-up.
Pinagpapahinga siya ng kaniyang doctor. Ngunit, kahit sinabi na iyon sa kaniya ay hindi niya pa rin magawang sundin ito. Kailangan niya mag trabaho dahil malapit na rin ang due date niya. May ilang buwan na lang.
Hindi niya sinabi kay Kenji ang nalaman na katotohanan. Hindi niya gusto na bigla na lang nito sabihin sa kambal at pamilya ang lahat.
Nahihiya siyang harapin ang mga ito. She wanted to forget everything happened.
NAGTATAKA na pinatitigan niya ang nagpakilalang magulang niya sa kaniyang harapan. May luha ang mga itong nakatingin sa kaniya. Naiilang naman siyang umiwas sa mga ito.
Kanina pa silang tatlo nag titigan. Hindi niya kasi alam ang sasabihin. Hindi rin magawa mag salita ng kaniyang ina habang inaalo naman ng ama niya ang ina. Gusto niya makaramdam ng lungkot at awa ngunit wala talaga siyang matandaan kung sino ang mga ito.
"Anak, iwan ka muna namin. Pakainin ko lang 'tong mama mo. No'ng nakaraan pa kasi ito hindi kumakain dahil sa pag-aalala sa'yo."
Alanganin na tumango siya sa mga ito at pinanood na lumabas ang mga ito sa kaniyang silid. Hindi rin nag tagal ay may dalawang babae magkamukha naman ang pumasok.
"Sinead!" sabay na sigaw ng mga ito sa kaniya pagkatapos ay dinaganan siya at niyakap ng mahigpit.
"S-sorry, sino kayo?"
Ramdam niyang parehas natigilan ang mga ito dahil sa kaniyang sinabi. Unti-unti tumingin ang dalawa sa kaniya. Naiilang naman na ngumiti siya sa mga ito.
"So, it's real?" singhal ng babae nasa kanan niyang bahagi. Hindi niya alam ang pangalan nito pero base sa itsura nito ay may pagkamataray ang aura nito habang ang babae naman nasa kaliwa niya ay may pagkamaamo.
"W-we thought you were just kidding," ani ng babae sa kaliwa niya. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi at hindi alam ang sasabihin sa mga ito.
"You're not kidding, Sin. Hindi mo talaga kami naaalala," sabi ng babae sa kanan naman niya ulit. Pabalik-balik din ang tingin niya sa mga ito dahil kada mag sasalita ang isa. 'Yong isa naman ang mag sasalita.
"Sorry," tanging saad niya.
Parehas naman bumitaw ang dalawa sa kaniya at maayos na tumayo habang tinitigan siya ng mariin.
"I'm Lemon, your best friend," pakilala ng babae sa kanan niya na may pagkamataray ang aura pero sigurado siya na hindi ito gano'n tao.
"My name is Peach. We're twins." Tumingin si Peach kay Lemon pagkatapos sa kaniya. "We're your best friend, Sin," anito.
Tumango-tango siya. Ngunit, nagulat na lang siya sa kaniyang sarili nang bigla siya maiyak. Nakakaramdam siya ng lungkot at pangungulila.
"Oh my god! We didn't want you to feel sorry or what," ani Lemon. "Yeah, hindi mo kasalanan na hindi mo kami makilala," tugtong na saad ni Peach. Mas tumango-tango siya. Pinunasan niya rin ang kaniyang luha.
"I know. I just couldn't help it. Parang may kulang sa pagkatao ko."
"We understand," sabay na saad ng kambal. Natigilan siya. Pinatitigan niya ang mga ito. "Kambal na prutas?" tanong niya sa mga ito. Bigla na lang pumasok sa kaniyang isipan iyon at para bang matagal na niyang sinasabi iyon para sa kambal.
Naluluha na tumango ang dalawa sa kaniya. "Yes, we are but it's really okay. 'Wag mong pilitin ang sarili mo," ani Peach.
"Thank you."
"We love you, Sin. Promise, we will help you get back your memories." Sabay na hinawakan ng dalawa ang kamay niya. Napangiti naman siya at marahan na pinisil ang mga ito.
"Okay," tanging nasabi niya sa kambal na prutas.
SUMILAY ang magandang ngiti ng isang sanggol na si Miracle Leian nang hawakan ni Lemon ang maliit nitong kamay. Hindi mag maliw ang pag bungisngis nito na para bang nakakita ng isang anghel.
Tuwang-tuwa naman si Lemon habang pinagmamasdan ang sanggol lalo na at mahigpit ang kapit ni baby Miracle Leian sa hinlalaki ng dalaga. Parang may natunaw sa kaniyang damdamin habang pinatitigan ito.
"She likes you." Lumingon si Lemon sa nag salita. Nakangiting lumapit si Peach sa kakambal. Saglit natigilan si Lemon pero agad din nakabawi bago binigyan ng alanganin na ngiti ang kapatid.
"Y-you're here," ani Lemon.
Tumango si Peach pagkatapos ay lumapit kay Miracle Leian. Bumalik ang tingin ni Lemon sa sanggol. Ang buong atensyon nito ay tinuon kay Miracle Leian. Hindi kasi ito makapaniwala nasa harapan ang kaniyang kakambal.
"Kumust—" Hindi natapos ni Peach ang tanong kay Lemon nang bigla na lang may sumigaw. Sabay na lumingon ang kambal at parehas nilang nakita si Sinead Lay na maluha-luha.
Agad na niyakap ni Sinead Lay sina Peach at Lemon. Saglit pang nagulat si Lemon dahil bitbit nito sa bisig si Miracle Leian.
"I can't believe I would see the two of you here," bulong ni Sinead Lay. Tuluyan na ito napaiyak. Naiilang naman na tinapik ni Peach ang likuran ng kaibigan habang si Lemon naman ay umalis sa pagkakayakap.
Busangot na tumingin si Sinead Lay kay Lemon nang mapansin nito kung sino ang hawak ng dalaga. "Lemon! Kanina pa namin hinahanap si Leian. Ikaw lang pala may hawak."
Marahan pinalo ni Sinead si Lemon sa braso bago kinuha ang anak sa bisig ng kaibigan. Tinadtad pa ni Sinead ng halik sa pisngi ang anak.
"Nag paalam ako kay kuya Raz."
Bumuntong hininga si Sinead Lay.
"He forgot again," natatawang saad ni Lemon maski ang mata nito ay tumatawa.
Titig na titig naman si Peach sa kakambal. Ngunit, parehas natigilan sina Sinead Lay at Lemon. Nawala ang bungisngis ni Lemon at pinatitigan ang kapatid.
"I'm sorry," pag-uulit ni Peach. Awkward na tumayo si Sinead Lay sa gilid habang bitbit ang anak. Umiwas pa ito ng tingin sa dalawa. Gusto man nito mag salita ay wala ito sa tamang katayuan.
"Ah, kanina pa hinahanap nina Raz at Rex si baby Leian. I'll go ahead first." Nginitian ni Sinead Lay ang kambal na prutas bago tuluyan lumabas ng silid.
IT was Miracle Leian's second birthday. Dalawang taon na rin ang lumipas. Kung iisipin. Hindi napagod ang pamilya at kaibigan niya para maalala niya kung sino siya.
Nakakainis no'ng una dahil kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang maalala. Hindi naman siya pinipilit ng kambal at ng pamilya niya. Siya lang mismo makilala agad ang mga ito.
Lalo na no'ng nalaman niya na may anak pala siya na kasama niya no'ng aksidente. Hindi niya alam kung ano ang maramdaman habang pinagmamasdan ang sanggol nasa incubator.
Kahit hindi niya maalala ito pero ang puso niya ay parang nadudurog habang pinagmamasdan sa malayo ang anak. Isa ang anak niya sa rason kung bakit gusto niya matandaan ang lahat nangyari.
Raz and Rex stayed by her side throughout process of healing. They never leave her. Until one night, nagising siya nahihirapan makahinga. Mabilis na dinaluhan siya ng kambal.
Mahahalata ang takot at pag aalala ng mga ito para sa kaniya. Habang pinagmamasdan niya ang dalawa ay unti-unti bumalik sa kaniya ang lahat nangyari. Bigla na lang siya napaiyak.
Iyak siya nang iyak. Niyakap naman siya ng mahigpit nina Raz at Rex. Hindi siya iniwan ng mga ito. Buong gabi siya binantayan ng dalawa.
Kinabukasan. Tatlo silang nakaupo sa salas habang nag papakiramdaman sa isa't isa. Bumalik na sa kaniya ang lahat nangyari. Naaalala na niya ang lahat. Lahat ng sakit naramdaman niya ay tandang-tanda na niya.
"Let's get married."
"We're sor—what?!" gulat at sabay na saad nina Raz at Rex. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya ang kambal.
Seryoso niyang tinitigan ang mga ito sa mata. "Let's finish what we started. Let's married."
Lumapit sa kaniya ang kambal. Mahahalatang naguguluhan pa rin ang mga ito sa kaniyang sinasabi pero sigurado na siya. Matagal na niya gusto mag pakasal sa dalawa. Naudlot lang iyon at hindi na niya hahayaan na may pumigil pa sa kanila.
"A-are you okay?" Raz asked her. Pinatitigan niya ito sa mata at tumango.
"Ayaw niyo naman ata." Tatayo na sana siya nang sabay na pigilan siya ng kambal at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. Pagkatapos ay biglang lumuhod si Rex sa kaniyang harapan.
Nagulat naman siya. "I'm sorry."
"Lily told me the truth," saad niya. Saglit natigilan si Rex pero nag patuloy pa rin sa sasabihin nito sa kaniya.
"Dapat mas naging malinaw ako sa'yo. Hindi mo dapat naramdaman at naranasan ang lahat sa simula pa lang. I'm sorry, Sinead." Tumulo ang luha ni Rex sa kaniyang kaliwang kamay.
Tinitigan niya ito bago hinalikan ang noo pagkatapos ay niyakap nang mahigpit. "I love you, Rex," saad niya rito. Bumaling naman siya kay Raz. Ngumiti siya rito. "Mahal din kita."
MARAHAN niyang niyakap si Miracle Leian habang nakatayo sila sa harapan ng kamag-anak at kaibigan nila. Masayang kinakantahan nila ang anak ng happy birthday.
Hawak ni Raz ang cake habang nakaalalay si Rex sa kaniya at sa kaniyang anak. They were smiling while singing. She was happy. Very happy. Nag papasalamat din siya dahil parehas silang nakaligtas ng kaniyang anak.
Miracle Leian was a miracle to all of them. At gagawin nila ang lahat para mahalin at alagaan ito ng mabuti.
"Happy birthday, sweet pie," bati ni Rex sa anak sabay halik sa noo nito. Tinapat naman ni Raz ang cake kay Miracle Leian at sabay nilang apat inihipan ang kandila.
Hindi mag maliw ang kanilang kasiyahan habang pinagmamasdan nila ang anak na sobrang masaya. Ngiting-ngiti ito at hindi maiiwasan mapansin kung gaano kamukha ito ng kambal na asawa.
- THE END -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro