Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


UNEDITED

    PINAGMASDAN niya ang madilim na kalangitan. Wala man lang bituin siyang nakikita. Hindi niya alam kung bakit nang patanda na siya ay mas lalong nawawalan ng bituin sa kalangitan.

Tanda niya pa, no'ng bata pa siya. She loved to stare at the sky. Sinusubukan niya bilangan ang mga ito kahit alam niyang imposible mangyari iyon. Sa dami ba naman ng mga ito sa kalangitan.

Minsan pa ay tinataas niya ang kamay at sinusubukan gumuhit o sumulat ng letra sa mga bituin nag dikit-dikit sa langit. Sa gano'n paraan lang ay napapangiti na siya.

Katulad ngayon, she couldn't help smiling kahit walang bituin sa kalangitan. Tanging maliwanag na buwan lang ang naroro'n. Naalala niya tuloy bigla ang kwento ng the little prince.

"Raz?" Lumingon siya rito. Nasa driver seat ito nag mamaneho. Papunta sila ngayon sa drive in cinema. Hindi sinabi ni Raz ang panunuorin nila, pero umoo na lang siya rito.

"Hmm?" He hummed. Ang isang braso rin nito ay nakapatong sa nakabukas na bintana habang ang kanan nitong kamay ay nakahawak sa manibela.

Humahangin pa ang buhok nito. Hindi niya tuloy mapigilan titigan ito.

"Are you done gawking at me?"

"W-what? No!" pag tatanggi niya rito. Umiwas pa siya ng tingin dito.

Naramdaman niya na lumingon ito sa kaniya saglit pagkatapos ay binalik ang tingin sa unahan kung saan binalik niya rin ang tingin dito.

"May sasabihin ka ba, Lay?" he asked.

"I want pizza," nahihiya niyang saad rito. Bigla kasi siya nag crave sa pizza habang pinag mamasdan ang magandang buwan sa kalangitan.

     "Really, Lay? That's it?"

"Bakit mayroon ka bang iniisp na iba?"

"Nothing. Masyado lang random."

"Ang ganda kasi ng buwan. Mukhang pizza bigla tuloy ako nag crave."

She heard him chuckled. "Aww, baby." Hinawakan pa siya nito sa binti niya at marahan na pinisil ito na kinagulat niya.

     "Raz naman! I'm not baby."

     "But you're my baby."

Natigilan siya. Lumingon si Raz sa kaniya pagkatapos ay tumawa sa naging reaksyon niya. "Not funny," she said then rolled her eyes at him. Tawa lang naman ito nang tawa.

     SA malawak na parking lot kung saan may maraming sari-sariling sasakyan ang naka-parked ang isa rito ay sasakyan ni Raz. May malaking screen sa kanilang unahan.

     "Seriously, Raz? Titanic?"

     "What? It's a classic! How could you not like it?"

     "I know but akala ko new movie papanuorin natin." Napanguso tuloy siya wala sa oras. Narinig niyang tumawa ito. Kukurutin niya sana ito nang maramdaman niya ang malambot na labi nito sa kaniya.

     Nanlalaki ang kaniyang mata na pinatitigan ito. Tanging tawa lang ulit ang ginawa ni Raz bago ito bumalik sa panonood sa kanilang unahan. "T-that's not fair."

     Sumubo ito ng pop corn at may mapaglarong ngisi na lumingon sa kaniya. "What? Do you want to kiss my lips, too?"

     "That's not it!" pasigaw niyang ani rito. Kinakabahan tuloy siya kumuha ng pizza sa box at kinagatan ito. Kumakain na siya pero hindi nawawala ang pag nguso niya sa sinabi nito. Ang kapal talaga ng mukha.

     "Don't worry, Lay. My lips are only for you."

     "Gago ka talaga." Kumuha pa siya ng pop corn at hinagis sa mukha nito.

     Nang makalahati sila sa panunuod ay humiga siya sa ibabaw ng front window ng sasakyan ni Raz. Inabutan naman siya nito ng blanket. Pinatong pa nito ang blanket sa kaniyang katawan. She murmured, thank you to him.

     "You're welcome," he replied pagkatapos ay inayos nito ang isang large box ng pizza para makatabi ito sa kaniya. Nahihiya na inabot niya ang kalahating kumot sa binata.

     Nag tagpo ang kanilang balat sa ilalim ng blanket na mas lalong nag papula sa kaniya. Ilang beses niya rin pinapaalalahan ang sarili na hindi siya pwedeng kiligin.

     Si Rex ang gusto niya. Si Rex.

   FOR the nth time, umikot ang mata niya sa tanong ni Kenji. Nang pauwi kasi sila ni Raz ay nakita nila si Kenji nanood din ng palabas.

   Hindi niya nakita ang kasama nito dahil nasa loob na ng sasakyan at tinted ito.

   Nang makita siya ni Kenji sa university no'ng lunch break ay hindi na siya nito tinantanan. Mabuti na lang talaga at hindi niya kasama sa mga oras na 'yon ang kambal na prutas.

Hindi niya alam ang isasagot sa mga ito kung mag tanong din ang dalawa sa kaniya sa nangyari lalo na't hindi niya pa sinasabi sa mga ito na pumayag siya makipag date sa kapatid nito.

Lalo na at hindi si Rex ito. Kundi si Raz, na alam ng lahat na ayaw na ayaw niya dahil palagi siya nito ginugulo at kinukulit.

"Sinead, mag kwento ka na kasi."

"Bakit ba ang daldal mo? At gusto mo pa talaga alamin nangyayari sa social life ko."

"Girl, 'wag kang feelingera. Love life mo lang gusto ko malaman."

"Hindi nga kasi 'yon love life. Hindi kami. Friendly date lang 'yon, Kenji."

"I don't think so, babe. Nakalimutan mo ata na sinuntok ako no'ng gago na 'yon!"

Pinanlisikan niya ito. Hindi siya natuwa sa pag mura nito sa binata at isa pa, si Kenji naman ang may kasalanan kung bakit natamo niya 'yon.

"It's your fault. Pwede mo naman sabihin na ikaw si Kenji. May pagkamanyak ka pa di'yan nalalaman."

"Babe! Parang hindi mo naman ako kilala." Yumakap pa ito sa kaniya. Tinulak naman niya ito palayo sa kaniya. Bigla kasi may lumingon sa kanila nang may makarinig sa sinabi nito.

"Tangina mo talaga, Kenji. Tigilan mo ako."

"Sus." Bumitaw ito sa kaniya pagkatapos ay kumuha ng french fries.

"Anong sus? Ikaw, sino 'yong kasama mo?" Intriga naman niya rito. Umiwas naman ng tingin si Kenji sa kaniya. She scoffed.

"Tanong-tanong ka pa sa 'kin. Ikaw din naman ayaw sumagot."

"Mine is difficult to explain."

"So do I!" pasigaw niyang saad pero bigla rin niya pinagsisihan dahil nakita niya na matamlay itong tumango sa kaniya.

     "Wait! I'm sorry. Are you okay?"

     "I'm fine, Sinead. Anyway, yayain mo ulit si Raz ng date." Pinatitigan niya ito. Iniba nito ang usapan. Gustuhin man niya mag tanong pa ay hindi na muna siya nag push through.

     "Ayoko, Kenji."

     Kinurot nito ang tagiliran niya na kinagulat niya. "Kenji!"

     "Ikaw naman mag yaya mag date then sex after," natatawa nitong saad. Napalo niya tuloy ang balikat nito sa gulat.

    Tawa lang naman ito nang tawa. She just smiled na lang din. Kahit papaano ay napatawa niya ito. Mukhang hindi magandang topic 'yong naapakan niya kanina.

NASA kwarto siya, gumagawa ng research paper nang tawagin siya ng ina. Rinig na rinig niya ang malakas nitong boses galing sa ibaba.

Nakasimangot na bumaba siya. Baka kasi importante ito dahil nagawa pa nitong tawagin siya kaysa puntahan siya sa silid niya.

"Ma, bakit p-?!" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang makita ang taong nasa kaniyang harapan.

"Hi?"

"R-rex? Anong ginagawa mo rit— aray, ma!" Binalingan niya ang ina. Pinalo kasi siya nito sa braso. "Pinalaki ba kita na hindi marunong gumalang sa mas matanda sa 'yo?!"

     "Ma naman! Ang sakit ng palo mo!"

     "Tita, ayos lang po. She can call me whatever she wants."

     Parehas silang napalingon kay Rex. "W-what?" Parang iba kasi ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito.

"Jusko, hijo! Hindi ako papayag na hindi ka nito ginagalang. Sabihin mo lang sa 'kin kapag may kalokohan na naman itong ginawa."

"Ma naman, nakakahiya."

"I'll definitely tell you po tita," mapang-asar na saad ni Rex. Tinaasan niya tuloy ito ng kilay. Kailan pa ito natuto mang-asar?

"Bakit ka pala nandito?" she asked. Nakakuha tuloy ulit siya ng palo. Marahan niyang hinimas ang braso.

"I want to say thank you for this." Inangat nito ang hawak na paper bag kung saan nilagay niya ang regalo rito.

Hahablutin niya sana ito sa binata dahil nahihiya siya nang itaas nito ang kamay sa ere. Muntikan na tuloy siya ma-out of balance kung hindi lang nahawakan nito ang kamay niya gamit ang libreng kamay nito.

Namumula na pinatitigan niya ito. Mabilis din ang tibok ng puso niya.

"A-ah, okay." Nahihiya na inalis niya agad ang nakahawak na kamay dito.

Bago sila umuwi ng kambal na bunso ay inabot niya muna sa dalawa ang binili niyang regalo para kay Rex. Nahihiya kasi siyang i-abot ito ng personal at ito na nga, hindi ata siya gusto ng tadhana dahil pumunta pa talaga si Rex sa bahay nila para mag pasalamat.


a/n: update every tuesday and baka meron surprise update whenever i want to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro