Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


UNEDITED

TULALA siyang nakatingin sa hawak niyang cellphone habang hinihintay sina Lemon at Peach mag asikaso.

     Katulad nga ng sinabi niya, ngayon gabi ay i-ce-celebrate nila ang kaarawan ng kambal with their friends and colleagues.

     "Sin, baka matunaw na 'yang cellphone mo." Gulat nabitawan niya ang hawak na device at pinatitigan si Lemon.

     Bigla siya naluha nang maalala ang kapalpakan nagawa niya. Mabilis naman dinaluhan siya ni Lemon at nag aalala na niyakap siya nito.

     "'Wag ka na umiyak please? Gusto mo ba maging pangit sa birthday ni kuya Rex?"

     Mas lalo siyang umiyak nang marinig ang pangalan ni Rex. Bakit ba kasi ang tanga niya para sa maling kwarto pumasok? Nag papadyak siya nang maalala na hinayaan lang siya ni Raz.

     "Sasapakin ko talaga si kuya Raz!" inis na sigaw ni Lemon sa kaniya. Nag aalala naman na lumapit si Peach sa kakambal nito nang marinig ito.

   "Lemon, marinig ka ni kuya!" pagalit ni Peach. "Aba! Wala akong pakealam! Kinuha niya 'yong bagay na hindi dapat sa kaniya!"

   Peach sighed pagkatapos ay bumaling sa kaniya. "Kuya Raz likes you, Sin." Nagulat siya sa kaniyang narinig. Bigla siya kinabahan. Kanina ay na-confirmed niya ito pero iba pa rin pala talaga kapag sa ibang tao nang galing ang impormasyon.

     "I know pero hindi pa rin tama ang ginawa niya. Pinagsamantalaan niya ang kahinaan ko."

    "I'm sorry, Sin." Umupo sa tabi niya si Peach at niyakap siya nito. "Sama ako!" sigaw ni Lemon at yumakap sa kanilang dalawa.

    "Gusto mo ba ihatid ka namin sa inyo? Pwede ka naman umuwi kung masama pakiramdam mo. Panigurado hindi maiiwasan makita mo si kuya Raz," ani Peach.

   Umiling-iling siya. Gustuhin man niya umuwi ay hindi niya palalagpasin ang gabing ito para kay Rex lalo na at kaarawan ito ng binata.

    "No, I can manage."

    "Sigurado ka?" mahahalata ang pag aalala ni Lemon sa kaniya. Tumango siya. Sigurado siya. Ayaw niya isipin ni Raz nag papadala siya sa ginawa nito sa kaniya.

     NANG sumapit ang alas siete ng gabi ay unti-unti na niya naririnig ang malakas na tugtugin nang gagaling sa sala ng bahay ng mga Martin's. Mag isa lang din siya sa kwarto ni Lemon. Hindi kasi nag papasok sa kwarto si Peach. Hindi niya rin kasi magawa pa lumabas habang ang dalawa ay labas na para tumulong sa pag aasikaso.

     Ang magulang kasi ng mga ito ay wala. Kaya, ang kambal na babae ng mga ito ang tumutulong sa pag hahanda. Madalas siyang tumulong sa mga ito ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Hindi niya gusto makita si Raz kung maaari lang.

      Balak niya talaga taguan ito mamaya kapag lumabas siya at speaking lumabas. Narinig na niya na may kumatok sa likuran ng pinto at hindi rin nag tagal ay bumukas ito at sumilip ang ulo ni Lemon.

     "Sin, are you ready? Let's go na?"

     Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. "Yeah, I'm ready," she said then kinuha niya ang phone sa side table.

     Marahan na pinisil ni Lemon ang baywang niya nang yumakap ito sa kaniya sa gilid pagkatapos ay sabay na silang lumabas ng silid at nagtungo sa sala kung saan mas lumakas pa lalo ang tugtugin sa buong paligid.

     Inikot niya ang paningin. Nag b-blink ang iba't ibang kulay sa buong paligid. May proud na ngiti si Lemon nang lumingon siya rito.

     Kung hindi siya nag kulong sa silid ay panigurado na isa rin siya sa nag decorate ng paligid at paniguradong may proud rin siyang ngiti.

     Kumaway siya nang makita niya si Peach sa counter island sa kusina. Kumaway din ito pagkatapos ay nilapitan sila ni Lemon.

     "You guys did great," papuri niya sa mga ito. Namula naman ang pisngi ni Peach na kina-ngiti niya lang pagkatapos ay inikot niya ulit ang paningin sa paligid.

     Ngunit agad niya rin binawi ang tingin dahil bigla na lang lumitaw si Raz sa hindi kalayuan. She doesn't want to see him. Naiinis pa rin siya.

     "Nauuhaw ako. Punta muna ako sa kusina," paalam niya sa kambal.

     Dumiretso siya agad sa kusina para iwasan si Raz. Alam niyang imposible na iwasan ito lalo na at pamamahay ito ng binata ngunit gagawin niya pa rin ang lahat para iwasan lang talaga ito.

     Kumuha siya ng red of cup na may laman na beer. Mariin na pumikit ang kaniyang mata dahil sa pait ng alak. Pinunasan niya ang labi pagkatapos ay tumungga ulit. Gumuhit ulit sa kaniyang lalamunan ang likido ng alak. Kahit kailan talaga ay hindi niya gusto nainom ng alak but tonight, she thought she might need it.

     Tutungga ulit sana siya nang may tumigil sa kaniyang kamay na may hawak na baso. Marahas nito inalis ang alak sa kaniyang kamay. Inis na binalingan niya si Raz na may masamang tingin sa kaniya.

     "What's wrong with you?" singhal niya rito pagkatapos sabay abot niya sa hawak nitong baso ng alak ngunit inilayo lang ito ni Raz.

     "That's enough. You have a low tolerance of alcohol."

     She rolled her eyes. "I don't care. Wala ka rin dapat pakealam." Aabutin niya ulit sana nang hawakan na ni Raz ang wrist niya at mariin na tumingin sa kaniya.

     "Don't tell me not to care when clearly I do care about you," asik ni Raz. Natigilan siya sa sinabi nito. Tulala siyang nakatingin dito pagkatapos ay bigla na lang siya sininok.

     Mabilis niya hinawakan ang bibig. Suminok ulit siya. Nahihiya na umiwas siya ng tingin kay Raz pagkatapos ay nag tungo siya sa harapan ng refrigerator.

     "Alis." Inusog siya ni Raz sa isang tabi pagkatapos ito na mismo ang bumukas ng refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Kumuha ito ng baso at nag salin ng tubig.

     Habang siya naman ay pinagmasdan lang ito sa lahat ng kilos nito. Hindi siya makapaniwala sa sarili. Parang kanina lang ay sinasabi niya na gagawin niya ang lahat para iwasan ito but here she was, looking intently at him.

     She couldn't deny the guy, he does look like Rex and they're very handsome.

     "Here, drink it."

     Nawala siya sa pag di-day dream nang tumapat sa kaniyang mukha ang baso ng tubig. Pinapainom siya ni Raz. Gusto niya sana tumango but she chose not to. Napagod na lang siya. Kinuha niya ang panibagong baso at tinungga ito.

     Tatlong malalaking lunok ang ginawa niya pagkatapos ay pinakiramdam ang sarili. Nang mapansin nasinok ulit siya ay inubos na niya ng tuluyan ang tubig. Umikot ang mata niya nang titig na titig si Raz sa kaniya nang matapos siya uminom.

     "What?" mataray niyang tanong dito. Umiling ito. "Nothing," he said then kinuha nito ang hawak niyang baso at nilapag ito sa counter.

     Balak na niya sana umalis nang tawagin siya ni Raz. Nilingon niya ito. Bigla siya kinabahan nang punong-puno ng emosyon ang nakikita niya sa mata ng binata ngunit ni isa ay wala siyang mapangalanan.

     Napatingin siya sa ilang tao sa kusina. Ngayon niya lang napansin ang mga ito. Naka-focus kasi siya kanina sa inis at sa hawak na alak. "I'm a jerk. I'm sorry, Sinead."

     Natigilan siya. Tama ba 'yong pagkakarinig niya?

     Hindi naman siguro siya nag ha-hallucinate lang hindi ba? Nag sorry nga ba talaga si Raz sa kaniya? She thought sinabi nito na hindi ito hihingi ng kapatawaran because based on him, siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat?

     "Pardon me? Hindi ko narinig ang sinabi mo." She smiled mentally sa biglang pang aasar niya kay Raz. Alam niyang hindi ito uulit sa sinabi dahil gano'n tao si Raz. "I'm sorry. I'm a jerk, Sinead."

     Teka! What? Nanlalaki ang mata niya na pinatitigan ito. "Seryoso ka ba?" hindi niya makapaniwala na tanong dito.

     "I'm serious when it comes to you, Lay."

     ILANG alak na ang ininom niya para lang mawala ang sinabi ni Raz sa kaniya. Hindi niya gusto pumayag sa mga pinagsasabi nito sa kaniya. Panigurado niloloko lang siya nito. Madalas siya nito lokohan.

     Mabuti na lang talaga at nakaalis siya sa presensiya nito dahil bigla ito tinawag ng mga kasamahan nito sa trabaho. Simula no'n ay pinag-igihan na niya ang pag iwas sa binata. Kanina rin ay nakita niya si Rex kaso hindi niya ito malapitan dahil palaging kasama rin ito ni Raz.

     Hindi niya pa tuloy magawa batiin si Rex. Naiiyak na inubos niya ang laman ng basong hawak. Kanina pa rin siya pinipigilan ni Peach na hindi uminom kung hindi lang sumingit si Lemon sa kanilang dalawa.

     "Hayaan mo muna siya uminom, Peach. Let her be. She needs it," rinig niyang saad ni Lemon sa kakambal pero wala sa kanila ang atensiyon niya kundi kay Rex na may kausap na magandang babae.

     That should be her.

     Iinom na sana ulit siya ng alak nang makita na ubos na ito. Naiinis na hinagis niya ito sa harapan ng dance floor. Wala siyang pakealam kung may ma-out of balance sa ginawa niya.

     "Look at her, Lemon! She's a shit."

     "Did you just say shit?"

     "Shut up! Ipapasok ko na si Sinead sa kwarto."

     Tinaas niya ang kamay para patigilan ang dalawa. "No! You two shut up! Sasayaw pa ako!" Tumayo siya sa pagkakaupo sa couch at pagewang-gewang na dumiretso sa dance floor. Natatawa siya nakihalubilo sa mga bisita.

     Narinig niya na tinawag siya ni Peach pero narinig niya rin na pinigilan ito ni Lemon. Hindi na niya pinansin ang dalawa at sumiksik sa pinaka gitna. Tinaas niya ang dalawang kamay at siniway ang balakang kahit ang tugtog ay sobrang hype.

     She doesn't care anymore.

     Pinikit niya ang mata at hinayahan ang sariling katawan na kumilos hanggang maramdaman niya na may humawak sa kaniyang balakang at hinapit siya nito sa front side nito. She couldn't think properly na. Nahihilo siya at sobrang init ng nararamdaman niya.

     Nakikiliti at natatawa siya nang marahan na tumaas ang kamay nito at hinaplos ng kung sino man ang baywang niya. Lumawak ang ngiti niya nang humarap siya at nakita si—she blinked her eyes a few times. Nahihilo na talaga siya.

     "Who are you?" she confusedly asked.

     She heard him chuckled. Kilala niya ang boses na iyon. Pinulupot niya ang braso sa leeg nito at pinatitigan ang mata nito. "Bakit may apat kang mata?"

     Lumawak ang ngiti ng binata sa kaniya at mas lalong humawak sa baywang niya. "Lasing ka na," he said pero mahahalata sa boses nito ang amusement.

     Umiling-iling siya. "Hindi ako lashing. I can speak straight pa." Wala itong sinabi sa kaniya maliban na lang ay titig na titig ito sa kaniya habang nag simula na itong i-sway silang dalawa ng marahan. Sinasayaw siya nito sa marahan na tugtugin.

     Namula siya because it was her first time someone dance with her. Nilapat niya ang ulo sa dibdib nito at pinakinggan ang mabilis nitong tibok ng puso katulad niya. "I love you, Rex."

     He frozed. Umalis siya sa pagkakayakap dito at pinatitigan ito sa mata. Pilit siyang ngumiti rito.

     "Sinead," confused nitong tawag sa pangalan niya. Humiwalay siya rito nang makaramdam siya ng pananakit na sikmura. Pilit siyang umaalis sa hawak nito ngunit pilit din siya nito hinahawakan.

     "N-no," she said. Hinawakan na rin niya ang bibig. Naluluha na siya. Bakit ngayon pa? Para silang nag ta-tug of war ng binata gamit nga lang ay ang kaniyang braso. Pilit niya pinipigilan ito hanggang hindi na niya mapigilan.

     Naduwal na siya at tuluyan na nga niya itong nailabas.

     Nahihiya na pinatitigan niya sa mata si Rex pagkatapos ay dumako ang paningin niya sa suot nitong polo kung saan may suka niya. Fucking shit!


a/n: happy 7k to us! ang dami niyo na, ginugulat niyo talaga ako 🤪 iloveyou~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro