Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

PAREHAS nanlulumo ang magkapatid sa kanilang nasaksihan. Paulit-ulit bumabalik sa kanilang isipan ang tagpo kani-kanina lamang. Hindi rin nila magawang pumasok sa loob ng silid ni Sinead Lay.

Hindi makapagsalita sina Rex at Raz habang nag sasalita ang doctor ni Sinead Lay. Ang sabi nito sa kanila ay nagkaroon ng temporary amnesia ang dalagita. Nangyayari ito kapag ang isang tao ay nakaranas ng traumatic event. Katulad ng naranasan nitong car accident.

"Isa pa pala. May naranasan ba si Ms. Castro before the accident? Like any problems? It may also occur because of that. Right now, her brain is preventing to remember what happened to her."

Saglit natahimik ang lahat. Ngumiti naman ang doctor na parang naiintindihan nito ang nangyayari.

"Wala po," ani Kenji. Tumango ang doctor.

"Kung gano'n. Kahit isa na lang muna sa inyo ang pumunta kay Ms. Castro. Paniguradong naguguluhan pa siya sa mga nangyayari." Tumingin ang doctor sa kambal pagkatapos bumaling kay Kenji. "And Sir Tanaka, I want to talk to you about her parents."

Nagulat si Raz nang magsalita si Rex. Tinitigan ito ng kapatid. Parehas silang nag titigan sa isa't isa. Sa mga oras na iyon ay alam nila na may isa dapat pumasok sa loob ng silid ni Sinead.

"Ikaw na mauna," ani Rex. Umiwas pa ito ng tingin kay Raz. Bumagsak naman ang balikat ni Raz dahil ramdam niya kung gaano nanlulumo ang kapatid sa nangyari kay Sinead.

Sigurado rin si Raz na sinisisi ni Rex ang nangyari sa dalaga.

"Okay," tanging sagot ni Raz bago ito tumayo at tumapat sa pinto ng silid. Saglit itong lumingon sa kambal. Tumango si Rex at ngumiti pero hindi umabot ang ngiti nito sa kaniyang mga mata.

Sa kanilang dalawa ni Raz. Si Rex ang pinaka may kasalanan sa dalaga. At hindi niya alam kung kaya niya ba harapin ito dahil sa kahihiyan.

LUMINGON siya nang bumukas ang pinto. Niluwa nito ang isang lalaki na kanina nasa loob ng silid niya. Hindi niya kilala kung sino ito.

Kumunot ang noo niya at medyo nailang nang makita ang mata nitong nakatingin sa kaniya. Naluluha ito. At hindi niya alam kung bakit bigla siya nalulungkot din.

"Sino ka?" tanong niya ulit dito.

Ngumiti ito sa kaniya pagkatapos ay lumapit sa kaniya.

"I'm Raz. Rishi Azeriel Martin."

Naguguluhan na tinitigan niya lang ito. Alam niyang wala siyang natatandaan. Pinaalam sa kaniya na may temporary amnesia siya. Medyo nakaramdam tuloy siya ng inis no'ng sinabi iyon sa kaniya.

Hindi niya gusto kalimutan ang mga taong mahalaga sa kaniyang buhay.

"Hmm, a-anong relasyon mayro'n tayong dalawa? Pasensiya na, sinabihan ako na may amnesia raw ako kaya hindi ko kayo matandaan."

Hindi nawawala ang ngiti nito sa kaniya habang nakatingin sa kaniya. "I'm your fiancé."

Nanlaki ang mata niya sa narinig. "Fi-fiancé kamo? I.. I'm really sorry I don't remember you."

Agad siya nito dinaluhan. Hinawakan nito ang kaniyang kamay. Nagulat naman siya sa biglang skin contact nila sa isa't isa. Nakita ni Raz nailang siya kung kaya bumitaw ito sa kaniya pagkatapos ay umupo sa bakanteng bangko.

"Actually, you have two fiancés. Me and my twin brother, Rex."

"What? D-dalawa? Paano nangyari 'yon?" gulong-gulo niyang tanong dito. Mas lalo siya nainis sa sarili dahil wala siyang matandaan. "N-nasaan siya?" maingat niyang tanong dito.

"He was outside. Katulad ko, sobrang nag aalala rin siya para sa'yo. Mamaya ay pupuntahan ka niya. Isa lang kasi muna ang pinayagan pumasok para makausap ka. At hindi na rin muna kita guguluhin pa. Hindi na muna ako mag sasabi ng mga bagay na sasakit sa iyong ulo."

She nodded and smiled. "Thank you, Raz and I'm very sorry for not remembering you both."

Hinawakan ulit ni Raz ang kamay niya. Sa pagkakataon na iyon ay hinayaan na niya ang binata hawakan siya nito.

"It's okay, baby. Hindi mo kailangan and we will promise to you that we will help you remember us, your memories."

"Thank you." Tumango-tango si Raz pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo na kina-pula ng kaniyang pisngi.

Sa tingin niya. Hindi man maalala ng kaniyang isipan kung ano ang pangalan nito ngunit ang kaniyang puso naman ay kilalang-kilala kung sino ito.

MABILIS na tumayo si Rex nang bumalik ang doctor ni Sinead Lay kasama si Kenji. Nauna umuwi ang mag asawang sina Ethan at Ross dahil may trabaho pa ang mga ito.

Ang dalawa na rin kasi ang nag bantay kay Sinead habang wala pa si Kenji. Ang magulang naman ng dalaga ay nasa biyahe na rin papunta kasama ang kambal na prutas.

"Mr. Martin. I would like to talk to you about your daughter."

"M-my daughter?" gulat na tanong ni Rex dito. Hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig.

"Yes. Sinead was pregnant when the accident took place."

Mas lalo nanlumo si Rex nang marinig iyon. Hindi siya makapaniwala na gano'n na pala ang naranasan ng kaniyang nobya. Sobrang galit na galit siya sa sarili. Kung bakit hinayaan niya na gano'n maramdaman ni Sinead Lay.

Hindi maihakbang ni Rex ang mga binti nang tumapat sila sa loob ng silid. Titig na titig si Rex sa malaking incubator kung nasaan ang baby. May ilang nakakabit sa maliit nitong katawan.

"W-what happened?"

"She was 7 months early. Kinailangan namin siya kunin ng maaga sa loob ng sinapupunan ni Ms. Castro. If not, we might lose them both." Lumingon ang doctor kay Rex saglit bago binalik ang tingin sa unahan. "We tried our very best to save them both. Your daughter is very brave. She's a miracle."

Naiiyak na lumingon si Rex sa doctor. Halo-halo ang kaniyang emosyon sa mga oras na iyon. He wanted to go inside to hold her but at the same time he couldn't allow himself to do it. "Thank you for saving them both," ang tanging nasabi na lang ni Rex.

NANGINGINIG ang kamay ni Rex habang pinihit nito ang pinto papasok sa loob ng silid ni Sinead Lay. Huminto ang pag tibok ng kaniyang puso nang may ngiti sa labi na tumingin sa kaniya ang dalaga.

"Hi! You must be Rex, the twin brother of Raz. Pinuntahan niya ako kanina at nakwento ka niya sakin."

Naiilang na ngumiti si Rex dito. Unti-unti lumapit ang binata sa tabi ni Sinead Lay. Nag tataka naman ang dalaga dahil bigla na lang umiyak si Rex sa kaniyang tabi.

"R-rex? I'm really fine." Napakamot sa batok si Sinead Lay. Medyo nabigla ang dalaga nang tumingin sa kaniya si Rex na mapula ang mga mata. Hinawakan din nito ang kaniyang kamay.

Bigla naman nailang si Sinead Lay sa inakto ng lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa mga nangyayari.

"I'm sorry," saad ni Sinead Lay. Bumagsak pa ang mata nito sa kaniyang mga kamay.

Mabilis naman umiling si Rex. "You don't need to. I'm supposed to be the one to apologize, Sin. I'm really sorry. Sorry for making you feel you're not enough for my love because surely you are. Without you, I don't think I could live anymore. Each day without you, I feel like I'm drowning. I missed you so much, Sin."

Naguguluhan naman na tinitigan ito ni Sinead Lay. Humahanap ng mga kasagutan sa kaniyang naririnig. Hindi niya alam kung saan ito humihingi ng kapatawaran kung kaya hindi niya ito magawa mapatawad.

"Pasensiya na, wala talaga ako matandaan. Hindi ko maintindihan sinasabi mo."

Nalungkot naman si Rex at paulit-ulit tumango sa dalaga. "Tama ka. You don't deserve this kind of apology. You deserve so much more than any of this. I'm sorry. But hindi ako mag sasawa iparamdam sa'yo na mahalaga ka sa'kin hanggang maalala mo na ulit ako, kami."

Marahan na hinawakan ni Sinead Lay ang kamay ni Rex. Ramdam na ramdamn ng dalaga kung gaano kainit ang palad nito sa kaniyang mga kamay.

Ngumiti si Sinead Lay kay Rex at tumango. Sa mga oras na iyon, pinagdadasal ng dalaga na maalala na niya ang kambal. Lalo na at sa tingin niya ay may mas malaking gampanin si Rex sa kaniya base sa mga sinasabi nito sa kaniya.

Sana lang talaga. Maunawaan at mapatawad ito ng dalaga kung ano man ang nagawang kasalanan ni Rex sa kaniya dahil hindi niya alam ang mararamdaman kung malaman niya na sobrang laki pala ng kasalanan nito sa kaniya.

Natatakot si Sinead Lay na hindi niya ito mapatawad despite everything happened.


a/n: i think epilogue na sa next chapie and sa tingin ko rin mahaba iyon para mas lalo maunawan niyo nangyari. not sure pa kung kailan next update but sigurado ako this month! anw, thank u!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro