Chapter 29
AGAD na hinawakan ni Rex ang kwelyo ni Kenji nang makapasok ang kambal sa loob ng silid ni Sinead Lay. Mabilis naman naka-agap sina Ethan at Ross sa nangyari habang si Raz naman ay dinaluhan agad ang dalaga nakahiga sa kama. May bandage ito sa ulonan.
May luha nakatingin ito sa kasintahan. Tatlong buwan silang hindi makatulog nang maayos sa kakahanap kung nasaan ito namalagi. Tatlong buwan sila hindi tumigil sa pag iinom at lahat nang makita nila ay pinagtutuunan nila ng kanilang galit.
Bumuhos ang luha ni Rex habang unti-unti lumuluwag ang hawak nito sa kwelyo ni Kenji. May inis naman na tinulak ni Kenji ito. Kumukulo pa rin ang dugo nito sa ginawa kay Sinead.
"Bakit kayo nandito? Ang kapal din ng mukha niyo para magpakita pa pagkatapos niyo gawin iyon sa kaniya!" inis na singhal ni Kenji rito.
Naghalo ang inis at naguguluhan sa mukha ni Rex. Hindi nito maintindihan ang pinaparatang ng binata sa kaniya.
"What do you mean?" Rex asked.
Kenji scoffed. Umikot pa ang mata nito. "You guys are jerk! Hindi mo alam?!"
"Fuck, Kenji! Just tell us!" galit na pahayag ni Rex. Lumingon naman si Raz sa gawi nila. Hawak-hawak nito ang kamay ni Sinead natutulog.
Bumilog ang kamao ni Kenji sa inis. Nahalata iyon nina Ethan at Ross kung kaya hinawakan nila ang balikat at kamao nito. Kahit ang dalawa ay ngayon lang din nila nalalaman ang dahilan kung bakit nagpakalayo ang dalaga sa Maynila.
"You fucking bastard cheated on her!"
"What?!" sabay na sigaw nina Rex at Raz. Nakatayo na rin si Raz sa pagkakaupo nito sa tabi ng kasintahan at ang buong atensyon nito ay na kay Kenji na rin.
Naguluhan naman si Kenji. Mahahalata sa pagmumukha ng kambal na walang alam ang mga ito. Nagulat siya sa nalaman.
"What the fuck? How the fuck you guys don't know when you were the one who cheated on her!" Turo ni Kenji kay Rex.
"I... I did what?!"
Nanlalaki ang mata na lumingon si Raz kay Rex. "You cheated on her?!"
Mabilis nahawakan ni Raz sa kwelyo ang kambal at nanlilisik ang matang nakatingin dito. Naguguluhan naman si Rex.
"I did not! I don't do such thing!" sigaw ni Rex. Mahigpit na kumapit ito sa dalawang kamay ni Raz.
"Ayan din sinabi mo no'ng una!" singhal ni Raz at tinulak ang kapatid. Nawalan naman ng balanse si Rex pagkatapos ay dumako ang paningin nito kay Sinead na mahimbing natutulog sa hospital bed.
Tumulo ang luha ni Rex. Sa unang pagkakataon ay umiyak ito sa harapan ng ibang tao lalo na sa kapatid niyang kambal. He was good at taking things to his own. He didn't bothered to anyone even to his twin what he was truly feels.
Siya ang panganay sa dalawa and he wanted to be strong to the both of them. Kahit kay Sinead ay hindi man lang niya magawang ipakita rito kung gaano nito kamahal ang dalaga. Marami siyang pagkukulang dito.
Mas lalo siya napaiyak. Lumapit siya kay Sinead at niyakap ito nang mahigpit. Pinagmasdan naman nina Raz, Kenji at mag asawa ang binata. Ramdam nila ang sakit nararamdaman nito.
"If you didn't cheated on her. What the fuck is going on?" mahinahon nang saad ni Raz.
"Someone texted Sinead the night before your wedding." Parehas na lumingon ang kambal kay Kenji. Hinintay nila ang susunod nitong sasabihin.
"It was Rex and Lily in the same bed."
Mabilis tumayo si Rex at hinawakan ang braso ni Kenji. Kahit si Raz ay nagulat at dumako sa kapatid. Bumalik na naman ang galit nito pero alam niya rin na hindi nag sisinungaling ang kapatid.
Nag sasabi si Rex ng totoo at alam iyon ni Raz no'ng una pa lang.
"Let me see the picture," ani Raz. Sabay na dumako silang lahat sa gawi ni Sinead.
Si Ethan ang nagtungo sa side table ng kama at kinuha ang puting cellphone nito. Mapapansin na basag ito pero gumagana pa rin.
Pinagmasdan nilang lahat si Ethan habang binuksan nito ang cellphone ng dalaga. Alam nilang mali ang ginagawa nilang pag tingin sa loob ng cellphone nito dahil isa itong privately property ni Sinead.
Ngunit para sa ikakaayos ng lahat. Ethan decided to open it and find the photo. Hindi naman siya nabigo dahil agad niya rin nakita ito.
Saglit na lumingon si Ethan sa kambal. Kamukha nga ito ng isa sa kanila. Hindi niya lang masabi kung sino ito dahil hindi naman niya kilala ang kambal at ngayon niya lang ito nakita at narinig.
"What is it?" sabay na tanong ng kambal. Parehas hindi makapaghintay malaman ang katotohanan.
Lumapit si Ethan at inabot sa dalawa ang cellphone. Nagkauntugan ang ulo ng kambal sa pagmamadali makita ang litrato.
At gano'n na nga lang ang gulat nila ng makita ito. "What the fuck is this? Hindi ito si Rex!" sigaw ni Raz.
Agad na kinuha ito ni Kenji at tinitigan ang litrato. Kahit siya ay nagulat. Sa unang tingin ay aakalain na si Rex ito dahil ayon naman talaga ang mukhang nakalagay dito ngunit kung titingnan nang maigi lalo na kung hindi nadadala ng bugso ng damdamin.
Malalaman na edited ito. Photoshop kumbaga. Hindi makapaniwala si Kenji na magagawa iyon ni Lily sa kaniyang kaibigan. Binalik niya ang cellphone sa kambal. May lungkot na tumingin siya sa dalawa.
Hindi natuloy ang kasal ng tatlo dahil sa isang litrato na hindi naman totoo.
At hindi lang iyon dahil biglang nagising si Sinead Lay sa pagkakatulog at naguguluhan na tumingin sa kanila.
Hindi pa nakakabawi ang kambal nang makita ang kasintahan na gising ay agad naman nag salita si Sinead na kinagulat nilang lahat.
"S-sino kayo?" mahina nitong saad pero rinig na rinig nilang lahat ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro