Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

NAMALAYAN na lang niya ang sarili na umiiyak sa harapan ng kambal. Hindi niya pinansin ang mga tingin binibigay sa kanila sa dalampasigan. Sa mga oras na iyon ay naka-focus ang kaniyang atensyon sa dalawang magkapatid na magkamukha sa kaniyang harapan.

"Will you marry us, Sinead Lay Castro?"

Umiiyak na tumango-tango siya kala Raz and Rex. Parehas nakaluhod ang mga ito na may hawak na isang singsing.

"Y-yes, I will marry you both!" sagot niya sa dalawa. Umiiyak na hinagkan siya ng kambal at hinalikan sa labi. Mahigpit naman niya niyakap ng sabay ang mga ito.

Hindi siya makapaniwala sa biglang nangyari. Parang kagabi lang ay nag iingat pa siya na pumasok sa silid ng kambal. Natatakot na baka mahuli siya ng magulang. Lingid sa kaniyang kaalaman na alam na pala ng mga ito ang namamagitan sa kanilang tatlo.

Bago pa lang sila lumuwas ng Maynila ay kinuha ng nina Raz and Rex ang kaniyang kamay sa kaniyang magulang. That makes perfect sense kung bakit gano'n ang tungo sa kaniya ng triplets na ama ng mga ito.

Nang araw na iyon ay ang huling araw nila sa Pangasinan at luluwas na sila pa-Maynila. Nagkaroon ng maliit na pagsasalo ang kanilang kaibigan. Lahat ay masaya sa nangyari. Kahit ang kaniyang magulang ay hindi nagkulang ipakita sa kanila kung gaano sila suportado.

Dumako ang paningin niya sa mga kaibigan. Kanina pa umiiyak sina Lemon at Peach habang nakatingin sa kanila habang si Kenji naman ay may malawak na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito. She mouthed a simple thank you at them.

Sobrang saya niya sa araw na iyon. Parang wala nang paglalagyan ang saya niya sa kaniyang puso. Tuwang-tuwa siya maski ang kambal ay hindi magawang lubayan siya.

"I love you," bulong niya sa dalawa habang nakatingin sa mata ng mga ito.

MABILIS na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Naging abala sila sa kanilang wedding. Katulad sa magulang ng dalawang kambal. Ikakasal sila sa ibang bansa dahil hindi pa tanggap ang pagkakaroon ng higit isang asawa sa kanilang bansa. Kung kaya, mas lalong naging busy sila. Lalo na't maraming papeles din ang kailangan nilang asikasuhin.

At minsan ay hindi na niya napapansin kung ano ang araw. Naabutan na lang niya ang sarili nakapiring ang mata habang inaalayan siya ng kambal na prutas.

"You, ready?" bulong sa kaniya ni Lemon. Bigla naman siya kinabahan sa tanong nito. Umiling siya.

"Malalagot tayo nito kala kuya, Lemon," mahinang bulong ni Peach. Mas lalo naman siya natakot at kinabahan. Sigurado na siya kung ano ang binabalak ang dalawa para sa kaniya. Tanging tawa lang ang naging sagot ni Lemon bago ito mag bilang.

Ang madilim na paligid dahil sa piring nakatakip sa kaniyang mata ay mas lalong dumilim. "Three," bulong ni Lemon sa kanan niyang tainga bago natanggal ang tela at pagbukas ng maliwanag na ilaw.

Bumungad sa kaniya ang malaking cake sa kaniyang harapan. Susubukan niya sana tumakas nang itulak siya ni Lemon sa harapan. Pagagalitan niya sana ito nang bigla na lang nawala ang dalawa sa kaniyang magkabilaan na gilid.

"Shit," she cursed.

Pagbalik niya ng tingin sa unahan. Biglang namatay ang ilaw at naiwan lang ang nakatutok na ilaw ay sa malaking cake. Umatras siya palayo rito nang bumukas ang takip sa malaking cake kung nasaan nakalagay ang mga kandila.

Nakarinig siya ng tilian sa hindi kalayuan ngunit niya maaninagan ang mga ito. Sibukan niya pa umatras nang matigil siya sa kaniyang kinatatayuan. Tuluyan na bumukas ang malaking cake at niluwa nito ang isang makisig na lalaki.

Nakatingin ito sa kaniya na kina-pula niya sa sobrang hiya. He was only wearing a black underwear and tie. Mas lalo pa siya nahiya dahil may suot itong bunny headband. Namalayan na lang niya nakalapit na ito sa kaniyang harapan at hinawakan ang nanginginig niyang mga kamay.

Pulang-pula at pinag papawisan siya ng malamig. Hindi niya rin magawa makatingin dito. Ilang mura na rin ang pinakawalan niya sa kaniyang isipan. Nagdadasal na sana hindi malaman ng kambal ang ginawa ng kambal na kapatid ng mga ito.

Tinanggal ng bunny guy ang suot na tie at pinasuot sa kaniya pagkatapos ay nagsimula itong sumayaw sa kaniyang harapan habang hawak-hawak ang pinasuot sa kaniyang tie. Nakahinga siya ng malalim nang hindi naman siya nito hinahawak sa kaniyang katawan maliban sa kaniyang kamay at tie.

Nagpatuloy itong sumayaw sa kaniyang harapan hanggang bumukas ang buong ilaw sa loob ng silid. Bumukas ang pinto at lumabas sina Lemon at Peach kasama ang ilang kaibigan niya sa isang silid. Nagulat pa siya nang makitang may dalawa pang lalaki ang naka maiksing boxer short lang.

Tumili ang mga kaibigan niyang babae at nilapitan siya para yakapin. Dumako ang patingin niya sa kambal nakatingin sa lalaking kasama niya kanina. Mahahalatang ang gulat sa dalawa. Kumunot ang noo niya pero binalewala niya iyon dahil bigla siya hinila ng isang babae.

"Are you Sinead Lay?" tanong nito sa kaniya. Hindi niya ito kilala. Sa totoo lang dalawa itong hindi niya kilala.

"Hi! I'm Heather and this is—" Turo nito sa katabi nitong babae. "Crescent Euporie," pakilala rin nito sa kaniya.

Nanlalaki ang mata niya nang makilala kung sino ang mga ito. Agad niyang niyakap ang dalawa at nag pasalamat sa mga ito. Hindi niya akalain na makilala niya sa gano'n pagkakataon ang dalawang babae nagpatibok sa puso ng kaniyang kaibigan na si Kenji.

"Congratulation," saad pa ni Crescent sa kaniya. She smiled at them bago nag echo ang boses ni Lemon na may hawak na glass of wine at microphone.

Luminga-linga siya sa paligid. Hindi niya mahanap si Peach mas lalo pa siya nag taka nang hindi na rin niya makita ang kaninang lalaki nag bigay sa kaniya ng tie.

"Congratulation to our bride!" saad ni Lemon. Nag salubong ang dalawang kilay niya. Mahahalatang nakainom ng ilang beses si Lemon habang tinaas nito ang hawak na baso.

"I'm so happy for you, my soon to be sister-in-law! And with that, my gift for you is a penis cake!" sigaw nito. Lumabas naman ang isang lalaki na may bitbit ng cake. Nahihiya na tiningnan niya ang hawak nitong cake.

Inasar naman siya ng mga kaibigan na mas lalong kinapula niya sa hiya. "Actually, dalawa 'yan!" singit ni Lemon pagkatapos ay luminga pa ito sa paligid. Do'n naman lumabas ang isa pang lalaki na kasama ng mga ito sa loob ng isang silid.

Mas lalong nag tumila ang kababaehan nang itapat sa kaniya ng dalawang lalaki ang dalawang cake. Tinakpan niya ang mukha sa sobrang hiya pero hindi niya mapigilan ang ngumiti. Lemon really knew how to make her cheeks red.

Lemon giggled sa hawak nitong microphone. "Let's go party!" sigaw pa nito.


a/n: for welcome back update lang, char! anw, see you next week. tuesday and thursday for our next updates.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro