Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


UNEDITED

HINDI niya mapigilan na kiligin sa tuwing iniisip niya ang naging tagpo kanina sa loob ng silid ni Raz.

Umikot-ikot siya sa ibabaw ng kama pagkatapos ay hinawakan ang labi. She kissed Raz first.

Pinikit niya ang mata at inalala ang nangyari kanina pagkatapos niya sabihin ang mga katagang huling binitawan niya sa binata.

    "Fuck, Sinead."

     Hinapit siya ni Raz sa baywang pagkatapos ay mariin siya nitong hinalikan. Isang halik nag patunaw sa kaniyang puso.

    "I like you so much, Lay," saad pa nito.

    Kinuha niya ang unan at nilagay sa mukha niya at doon sinubukan sumigaw. Paniguradong pulang-pula na siya sa sobrang kilig.

    Bigla siya natigilan. Gusto na ba niya si Raz? Paano si Rex?

     LUMIPAS ang isang linggo. Ilang beses din silang lumabas ni Raz para kumain at minsan ay manood ng sine. Mukhang panonood ng cinema ang magiging bonding nilang dalawa.

    Simula nang halikan niya ito ay hindi na niya mabilang ang bawat nakaw na halik ni Raz sa kaniya. Minsan din ay nauuwi sila sa make out session.

    She tilted her head to the right nang halikan siya ni Raz sa leeg habang ang kaliwa nitong kamay ay nasa baywang niya at ang kanan naman ay nasa pang-upo niya at mariin na hinahaplos siya roon.

    Nasa loob sila ng sasakyan nito while she was straddling him. Nang kumawala ang isang ungol sa kaniyang bibig ay mas humigpit ang kapit ni Raz sa kaniya.

Ramdam na ramdam niya rin ang buhay nitong pagkakalalaki na tumatama sa kaniyang pagkababae. Ilang beses man siya halikan ni Raz ay never itong lumagpas doon.

Alam niya kung gaano pinipigilan ng binata ang sarili dahil kahit siya ay pinipigilan niya ang sarili rin pero hindi niya gusto madaliin ang nangyayari sa kanila. Gusto niya namnamin ang bawat segundong kasama ito.

Natigilan siya sa pag-iisip nang ibagsak ni Lemon ang bag sa kaniyang tabi. Pinatitigan niya si Peach naka busangot din at hindi man lang siya nito binati nang dumaan ito sa harap niya para umupo sa kabila niyang gilid.

"Anong meron? May problema ba?" tanong niya sa dalawa.

"Si kuya Rex! Siya ang problema!" himumutok ni Lemon. Nagulat pa siya sa biglang outburst nito and for some reason, bigla siya kinabahan.

"Nag dala ng babae kagabi sa family dinner si kuya Rex." Si Peach ang sumagot nito.

"W-what? What do you mean babae?"

"Girlfriend, Sinead! Nag dala si kuya Rex ng girlfriend!" inis na saad ni Lemon.

     SIMULA nang malaman niya nag pakilala si Rex ng girlfriend sa magulang nito ay hindi na siya mapalagay sa buong araw ng klase.

    She wanted to know the truth sa mismong bibig ni Rex. Nasasaktan siya. Gusto niya mag cutting para puntahan ito sa company nito para tanungin ito. Gusto niya maiyak.

     Nasasaktan siya.

    "Sin, hindi mo pa ginagalaw pagkain mo," sita ni Lemon. Wala sa sarili na pinatitigan niya ito. "Shit." Nang mapansin nito na para na siya maiiyak.

    "Wait, is this about kuya Rex?" tanong ni Peach. Humawak pa ito sa kaniyang kamay. Nang maramdaman niya ang mainit nitong kamay ay tuluyan nang bumagsak ang kaniyang mga luha.

    Mabilis naman lumipat si Lemon sa gilid niya at niyakap siya nito. Habang siya ay hindi mag tigil sa pag-iyak.

"Gusto mo mag mall?"

"No, I want to talk to Rex." She even sniffled.

     ARAW ng Sabado. Pumunta siya sa bahay ng Martin's ngunit hindi niya inaasahan ang matatagpuan dito. Balak pa sana siya pigilan nina Lemon pumasok sa loob pero nag pilit pa rin makapasok dahil nag ba-baka sakali siya na walang pasok ang binata.

    Gulat napatayo si Rex sa couch nang pumasok siya sa loob ng sala ngunit ang atensyon niya ay napunta sa nakaupong magandang babae sa couch.

    "Oh, Sinead hija. Andito ka rin pala?" Binalingan niya si tita Cece galing sa kusina. May malungkot itong ngiti sa kaniya.

    Gusto niya maiyak. Alam din pala nito na gusto niya si Rex. Bakit ba siya nag pumilit pang pumasok sa bahay nila kung pinigilan naman na siya nina Lemon kanina?

    Ang tanga niya rin minsan.

    "Sin, tara do'n tayo sa kwarto." Hinawakan ni Peach ang kamay niya pagkatapos ay hinila siya nito. Hindi na rin niya nagawang tumingin pa kay Rex at sa kasama nitong babae.

    Nang tumapat sila sa harapan ni tita Cece ay pilit na ngumiti siya rito at bumati.

    "Dito ka rin ba kakain ng lunch, Sinead?" tanong ni tita Cece sa kaniya. Parehas silang natigilan ni Peach. Sa totoo lang gusto na niya umuwi.

    "Ma, baka hindi na po—" Hindi natuloy ni Lemon ang sasabihin nang makarinig sila ng panibagong boses.

    Lumingon sila kay Raz sa bukana ng sala. Halatang bagong ligo ito. Naalala niya kapag walang pasok ito sa weekend ay nag g-gym ito. May sarili gym ang mga ito sa underground dahil limang lalaki ang mga ito sa pamilyang Martins.

    "Yes, mom. Sasabay si Lay mag lunch sa 'tin," saad ni Raz. Pinanlakihan niya naman ito ng mata. Anong pinagsasabi nito? Hindi ba nito nakikita ang nangyayari?

    "Gano'n ba? Mabuti naman. Sige, maiwan ko muna kayo di 'yan," paalam ni tita Cece sa kanila bago ito bumalik sa loob ng kusina.

     Binalik niya ang tingin kay Raz. Nakatitig ito sa kaniya pero hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga titig nito sa kaniya.

     HINDI niya inalis ang titig kay Raz nang makapwesto sila sa hapagkainan. Wala ang tatlong ama ng kambals. Si tita Cece at ang girlfriend kuno ni Rex lang ang kasama nila.

     "You keep staring at me, Lay. Gusto mo rito sa tabi ko?"

Bumaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito nang mag salita si Raz. Pilit na ngumiti siya rito pagkatapos ay umiling.

"Sigurado ka? Bakit feeling ko gusto mo tumabi sa 'kin?" saad pa ni Raz. Pinanlakihan niya ito ng mata pero hindi man lang ito natinag.

"Okay na ako rito, kuya Raz."

Napansin niya nanlaki at natigilan sina Lemon at Peach sa pagkain nang marinig ang sinabi niya. Kahit si Rex ay lumingon din sa kaniya. Umiwas naman siya ng tingin kay Raz nang mapansin niyang hindi ito natuwa sa kaniyang sinabi.

Hindi niya rin alam kung bakit niya nasabi iyon sa binata. Basta ang alam niya ay naiinis siya at nag seselos sa babaeng katabi ni Rex ngayon.

Ang bawat nagiging atensiyon at ngiti ni Rex sa nobya ay parang nadudurog ang kaniyang puso.

     Bakit hindi man lang niya napansin na may nagugustuhan na pala ito? Siya pa ang hindi nakapansin, siya na halata ng lahat na may gusto siya kay Rex.

"Kuya?" komento ni Raz then he scoffed. Umikot pa ang mata nito.

     She bit her lower lip. Mali ata talaga na sinabi niya iyon kay Raz. Hindi talaga nito nagustuhan ang kaniyang sinabi.

    "Ah, kuya Rex! Paano kayo nagkakilala ni ate Lily?" basag na tanong ni Lemon sa kapatid. Mabilis naman siyang bumaling sa mga ito at iniwasan si Raz.

     Hinintay nila ang sasabihin ni Rex pero hindi ito nag salita bagkus ay bumaling lang ito sa kaniya. Nawala lang ang atensyon nito sa kaniya nang hawakan ni Lily ang braso ni Rex at humalik sa pisngi nito.

    "We're college friends and business partners. Kasama namin si Raz." Baling pa nito kay Raz habang nakayapos ang kamay nito sa braso ni Rex.

    Kung titingnan ang tatlo ay hindi siya natutuwa sa kaniyang nakikita. Business partners? Anong klaseng business ang mayroon sila?

    Ang kambal kasi na sina Raz at Rex ay humiwalay sa business ng kanilang amas. Ang alam niya, no'ng college pa ang mga ito nag simula.

    May isang condominium na ang mga ito kung saan may residence rin ang dalawa.

    "I'm an architecture while the two manage the building, tenants, and investors."

    "Ow," Lemon said. "Hindi ka kasi nakikinig kala kuyas, papas at mama kapag nag-uusap," singit ni Peach. Umikot naman ang mata ni Lemon.

    "Bibigyan mo ba ako ng condo, kuya Rex?"

   Natawa naman sila sa sinabi ni Lemon. Kahit kailan talaga. Pasaway. Binalingan niya ang tingin kay tita Cece. Masaya itong nakikinig at pinagmamasdan ang buong pamilya nito.

    Mahirap mag alaga ng anak lalo na kung dalawang kambal pa ito pero napalaki ni tita Cece ang mga anak nang maayos kahit minsan 'yong iba ay pasaway at maiinitin ang ulo. Hindi naman iiwasan iyon dahil kahit gano'n ang mga ito ay may respeto pa rin ang mga anak nito sa ibang tao.

    "Oo, kung sisimulan mo na hindi mag cutting para sumama sa boyfriend mo."

    Gulat napalingon sila kay Raz nang mag salita ito. What? Boyfriend? Binalingan niya si Lemon. Namumula ang pisngi nito pero titig na titig ito kay Raz.

    Bilib na siya kay Lemon. Ito lang ata ang kaya tumingin sa mga mata ni Raz nang diretso.

    Ngunit ang pinagtataka niya kung bakit si Peach ay namumula rin at hindi makatingin sa kahit sino sa kanila.

    Binalik niya ang tingin kay Rex. Nakatingin ulit ito sa kaniya. Umiwas siya ng tingin dito pagkatapos ay binalingan si Raz nakatingin kay Lemon.

    "Hindi ko nga sabi boyfriend si Nolan."

"Raz, that's enough. Nolan is a good kid. Kung nag ca-cutting naman si Lemon. She has to face the consequences, understood young lady?"

"Yes, ma."

Natapos ang pagkain nila ng tanghalian na walang sinabi si Rex. Maliban na lang kung saan nahuhuli niya ito tumitingin sa kaniya.

Nang matapos sila ay nag paalam na siya sa mga ito na uuwi. Hindi niya rin pinansin si Lily nang mag paalam ito sa kaniya. Hindi siya natutuwa rito. Gusto niya malaman mung anong klaseng business ang pinag-gagawa ng mga ito.

Palabas na siya ng gate nang may humila sa kaniyang braso at pinasok sa loob ng sasakyan.

Inis niyang binalingan si Raz nang makapasok ito sa driver seat. "Anong problema mo?"

Bumaling ito sa kaniya. Nanlilisik ang mata nito. "Ikaw. Ikaw ang problema ko, Sinead!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro