Chapter 10
UNEDITED
NANG makaupo siya ay niyuko niya ang ulo sa lamesa at pumikit. Ngunit kakapikit niya pa lang ay napamulat siya agad.
"What the fuck happened to you?" tanong ni Lemon sa kaniya. Tinaasan pa siya nito ng kilay.
Hindi niya ito pinansin bagkus ay nilipat niya sa kabilang gawi ang pagtungo niya. Wala siyang gana makipagusap. She was tired. She couldn't sleep last night kakaisip sa kambal na sina Rex at Raz.
She heard her gasped nang hindi niya ito pinansin. "Sinead?"
Tinaas niya ang kamay. Hindi niya pa rin ito tinitingnan. "I'll talk to you later. Iidlip lang muna ako," pabulong niyang saad sa mga ito.
Kahit may sinabi pa ang mga ito ay hindi na niya pinagtuonan ng pansin ito. Masyado na siyang inaantok para makinig pa.
BREAK time. Nasa cafeteria sila para kumain. Kahit papaano ay hindi na siya inaantok pero wala pa rin siyang gana.
"Ayos ka lang ba, Sin?" Peach asked. Hawak ang tinidor ay pinaglaruan niya ang spaghetti nasa kaniyang harapan.
"May nangyari ba?" tanong din ni Lemon sa kaniya. Umiling siya pagkatapos ay tumango rin.
"'Yong totoo? Ano talaga?" Rinig niyang tanong pa ni Lemon. "Do you want to talk about it?" Si Peach naman ang nag salita.
Bagsak ang balikat na inangat niya ang ulo at pinatitigan ang dalawa. Mas lalo siya nalungkot. Kamukha ng mga ito ang kapatid na kambal na lalaki.
Binitawan niya ang tinidor pagkatapos ay hinilot niya ang ulo.
"Ayos lang kung ayaw mo pagusapan," saad ni Peach. Tumango pa si Lemon. Halata sa dalawa ang pag aalala kung ano ang iniisip niya.
"Kumusta kuya Raz niyo?" tanong niya. Parehas na tulalang pinatitigan siya ng dalawa. Kumunot naman ang noo niya. Kagabi pa kasi talaga siya nag aalala sa binata.
Lemon cleared her throat. "Ayos lang naman si kuya," saad nito. Tumingin pa ito sa kakambal at siniko ito. Tumigil naman si Peach sa pagkakatulala sa kaniya then cleared her throat as well.
"Bakit?" Lemon asked. Halata rito ang pagiging curious sa kaniyang sinabi. Hindi naman niya masisi ang mga ito. They both know she liked Rex. Si Rex ang bukangbibig niya palagi and hearing Raz name from her mouth was really suspicious and confusing.
"Ah, wala naman. 'Di ba pumunta si Rex sa bahay kagabi. Nakwento niya lang."
"Ano nakwento ni kuya?"
"Ha? A-ano, na masama pakiramdam ni Raz!" kinakabahan niyang saad.
"Masama pakiramdam ni kuya Raz?" tanong ni Lemon sa kakambal. Tumingin naman si Peach sa kaniya.
"Ata? Nang ibigay niya sa 'tin 'yong pizza kagabi. Hindi na siya lumabas ng silid niya."
"Ganon? Inasar ko pa naman 'yon kagabi. Since pumunta si kuya Rex kala Sinead."
Sabay silang nagulat ni Lemon nang hampasin ito ni Peach. "Aray ko!" Hinimas ni Lemon ang braso at pinagtaasan ng kilay ang kapatid.
"Lemon, 'yang bunganga mo. Hindi mo naiisip kung ano nararamdaman ng ibang tao sa mga pang-aasar mo. Alam mo naman may gusto si kuya Raz kay Sinead!"
"I know! I'm sorry, okay?"
"'Wag ka sa 'kin mag—"
She sighed. "Enough. Tama na 'yan. Next time, Lemon be mindful na lang. ikaw naman Peach, pagsabihan mo na lang na hindi sumisigaw. Nagugulat kami sa 'yo, eh."
"Sorry," Peach apologized while pouting. She smiled and nodded.
"Overnight tonight?"
Parehas naman silang tumango at pumayag ni Peach.
UMIKOT ang kaniyang paningin sa buong kabahayan ng mga Martin's. Isa sa dahilan kung bakit siya pumayag sa overnight ay gusto niya makausap si Raz.
Hindi pa rin kasi siya mapakali lalo na kung palaging nag te-text sa kaniya si Raz tuwing umaga pero ngayong araw ay hindi man lang ito bumati ng good morning sa kaniya.
"Tayo lang nandito. Wala sila mom and dads," balita ni Peach sa kaniya. Nasa kusina silang tatlo dahil tutulong sila kay Peach mag luto. Hindi pa sana tutulong si Lemon kung hindi niya ito nahila.
"Ibig sabihin, kasambahay na naman tayo nila kuya." Kibit balikat ni Lemon.
Nag hugas siya ng kamay. "Nandito na mga kuya niyo?" tanong niya. Sa totoo lang, gusto niya lang talaga malaman kung nandiyan na ba si Raz. Gusto niya makausap ito.
Nang matapos siya mag hugas ay pinunasan niya ang kamay. "Umuwi ata ng maaga si kuya Raz. Si kuya Rex naman ay baka mamaya pa umuwi."
Oh?
Palihim siya napangiti. Lumapit siya sa counter at pinatitigan ang mga ingredients. Balak ni Peach mag luto ng chicken carry.
"Anong kailangan kong gawin?" Pinatitigan niya si Lemon nakaupo sa stool chair. May hawak itong hilaw na carrots kung saan paminsan-minsan ay kumakagat ito rito.
"Pabalatan na lang 'yong patatas then hiwain mo."
Tumango naman siya pagkatapos ay sinimulan na ang pinapagawa ni Peach sa kaniya. Si Lemon naman ay mukhang walang balak talaga tumulong sa kanila.
She was busy chopping the potatoes when she heard his voice. Natigilan siya. Kinabahan. Pinagpawisan ng malamig hanggang unti-unti niya inangat ang ulo para titigan ito.
Raz was intensely looking at her.
"Kuya—" Hindi na natapos ni Lemon ang sasabihin sa kapatid nang tinalikuran sila ni Raz na walang sinasabi.
"Hm, is kuya mad at me?" nakabusangot na tanong ni Lemon.
"I don't think so, Lemon," saad ni Peach. Umiwas siya ng tingin dito nang lumingon ito sa kaniya.
Binalik na lang niya ang pagtutuon sa pag hiwa ng patatas. Nang matapos siya ay nag hugas siya ng kamay.
"Restroom lang ako," nag mamadali niyang saad. Hindi na rin niya hinintay pa ang sasabihin ng kambal sa kaniya. Mamaya na lang niya ito bibigyan ng pansin.
Nang makalabas siya sa kusina ay agad siya nag tungo sa silid ni Raz. Sinabi niya lang sa kambal sa restroom ang tungo niya pero ang totoo talaga ay pupuntahan niya si Raz para kausapin ito.
NATIGILAN si Raz sa pag bihis ng bagong tee shirt nang bigla siyang pumasok sa loob ng silid nito.
"Raz," tawag niya rito. Mabilis naman nito sinuot ang damit at sinara ang aparador pagkatapos ay binalingan siya nito.
Sa paraan nito tumingin ay bigla na lang siya napa-atras.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig nitong tanong sa kaniya. Nalunok niya tuloy ang sasabihin. Parang bigla naputol ang dila niya.
"Bakit hindi mo ako tinext?"
"Para saan pa?" masungit nitong saad sa kaniya pagkatapos ay nag tungo ito sa gilid ng bedside table at may kinuha rito.
Doon niya lang din napansin. Iba ang suot ni Raz kumpara sa suot nito kanina nang pumunta ito sa kusina.
"Aalis ka?" mabilis niyang tanong nang mapagtanto ang nangyayari.
"Yeah, do'n muna ako sa condo."
"W-what?! Bakit ka aalis? Nag luto kapatid mo. Wala ka nang balak kumain?"
"Busog pa ako." Hinawakan siya nito sa braso para paalisin sa harapan ng pinto. Hindi naman siya nag patinag at nakipag titigan dito.
"You're mad!" akusa niya rito. Tumaas pa ang boses niya. Hindi siya nito itataboy kung hindi ito galit sa kaniya.
"I'm not mad, Sinead. Why would I?" Sinubukan ulit nito paalisin siya sa pagkakaharang.
"Nag seselos ka kasi nakita mong humalik si Rex sa pisngi ko!" Gusto na lang niya batukan ang sarili. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang confident para sabihin iyon kay Raz.
"Hindi ako galit at hindi rin ako nag seselos, Sinead."
"Then call me Lay!" naiiyak niyang saad. Hindi niya mawari kung bakit siya nasasaktan sa inaakto nito. Hindi niya gusto nagagalit ito sa kaniya.
Pinatitigan lang siya ni Raz pagkatapos ay sinubukan ulit siya paalisin. This time, tuluyan na siya nito napaalis sa kaniyang pwesto.
Ngunit nang buksan ni Raz ang pinto ay bagsak niya ito sinara na kinagulat ni Raz sa kaniyang ginawa. Masama niya itong tinitigan. Naiinis siya rito.
"The fuck, Lay—"
She smirked. Finally, tinawag din siya nito sa pangalawang pangalan niya. Hindi na niya ito pinatapos mag salita bagkus ay hinila niya ang ito sa kaniya para halikan ito sa labi.
Parehas silang dalawa ni Raz nagulat sa biglaan niyang aksyon at dahil ayaw niya mapahiya ay mas hinaltak niya ang batok nito para mas halikan niya ito.
Nang igalaw niya ang labi ay namalayan na lang niya ang kamay ni Raz sa kaniyang baywang at balakang. Sumasagot na rin ito sa kaniyang halik.
Mas pinaliman nila ang halik sa isa't isa kung saan binuhat siya nito at pinulupot niya ang dalawang binti sa baywang nito.
Sinandal siya nito sa likuran ng pinto at gigil na gigil itong humawak sa kaniyang katawan. Inipit naman niya ang mukha nito ng kaniyang braso at pilit hinahabol ang paghalik nito sa kaniya.
Aalisin na sana ni Raz ang tee shirt niya nang may mapagtanto siya.
"Shit! Stop, Raz!"
Tumigil si Raz at pinatitigan siya nito sa mata. Namumula ang labi nito sa kaniyang mga halik. Pumisil-pisil din ito sa kaniyang baywang bago siya nito halikan sa leeg.
"R-raz." She gasped and bit her lower lip. "Baka hinahanap na ako ng kambal," she said na kinatigil ni Raz.
"Seriously?"
Tumango siya. Bigla siya nahiya sa ginawa niya. Binitawan naman siya ni Raz. Agad niya inayos ang kasuotan pero si Raz ay hindi pa rin umaalis sa tapat niya. Ang lapit-lapit pa rin nito sa kaniya.
"You kissed me," he said. Hindi ito tanong. Isa itong deklara. Tumango siya. "Yes, I kissed you."
"W-why?"
"I couldn't stop thinking about you," titig na titig niyang saad dito. Napansin niya na mag sasalita sana ito pero hindi niya ito hinayaan bagkus ay nag salita ulit siya. "And I've been wanting to kiss you again after that night."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro