Chapter 1
UNEDITED
SHE groaned nang pabagsak siyang humiga sa malambot na kama ni Lemon. Pinatitigan niya ito nakapameywang sa kaniya habang naka simangot ang mukha nito.
"Seriously? Natutulog ka nang sinundo kita sa inyo tapos matutulog ka rin pagpunta mo rito?"
"But Lemooon! Inaantok pa ako. Ang aga mo mang bulabog!!" Kinuha niya ang unan nito at niyakap ito. Balak na talaga niya bumalik sa pagkakatulog.
"Tanghali na at tomorrow is my brothers' birthday, Sin. You're the one insisted me to invite you."
Nang marinig niya ang sinabi nito ay agad siya napabangon ng higa. Namumula ang kaniyang pisngi na hinarap ang kapatid ng matagal na niyang hinahangaan na binata.
"Andiyan na ba si Rex baby ko?"
Pinagtaasan siya ni Lemon ng kilay. "Kadiri ka. That's my brother and no, pumasok siya sa office," anito pagkatapos ay nag mamadaling pumasok sa loob ng bathroom.
Tumawa siya ng malakas. "Ang baho Lemon!" asar niya rito. "Fuck you!" balik nito sa kaniya pagkatapos ay malakas na bumagsak ang pinto ng kubeta.
Pagsara ng pinto sa bathroom ay ang pagbukas naman ng pinto sa silid. Niluwa nito ang kamukha ni Lemon.
"Peach!!" sigaw niya. Agad niya ito nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Bakit hindi ka sumama kay Lemon sa pag sundo sa 'kin?" nag kukunwari niyang tampo rito. Hindi niya pa rin inaalis ang yakap dito.
"Sinamahan ko si Mommy mag grocery. Susunduin ka sana namin after kaso tumakas si Lemon na sunduin ka. Alam mo naman 'yon, tamad mag grocery."
"Hoy! I can hear you!" sigaw ni Lemon sa loob ng kubeta. Parehas naman sila natawa ni Peach.
"Nandiyan si tita Cece?" Tumango si Peach pagkatapos ay hinila siya nito palabas ng silid.
Matagal na niya kaibigan ang kambal na sina Lemon at Peach, simula no'ng elementary pa lang nila at gano'n na rin katagal ang pagka-hanga niya sa kuya nitong si Rex.
No'ng bata sila ay madalas siya isama ni Rex sa mga pagkain na binibigay nito sa mga kapatid. Hindi rin nawawala ang ngiti nito sa tuwing kinakausap siya nito.
Madalas sabihin sa kaniya nina Lemon at Peach na biased ang kapatid nitong si Rex dahil sa dalawa ay sobrang strikto at sungit nito. Madalas na lang niya ito tawanan but deep inside ay kinikilig siya sa trato ng lalaki.
Pumasok sila sa loob ng kusina kung saan nilalagay ni tita Cece ang mga pinamiling grocery sa cupboards at refrigerator.
"Hi po tita Cece!" she said. Lumapit pa siya rito para bigyan ito ng halik sa pisngi. "Hi hija, rito ka ba matutulog?"
Nahihiya na tumango siya. Makikisalo kasi siya sa advance dinner birthday ng kapatid ng kambal. It was only exclusive for Martin's family. Gusto kasi ni tita Cece nakakasama ang mga anak kapag kaarawan ng mga ito bago ang mga kaibigan nito.
Ang kwento ng kambal sa kaniya. Bago sila payagan na mag throw ng party ay kailangan muna nila mag celebrate with their own family.
Kaya, mamayang gabi. May advance celebration with their family while tomorrow is for their friends and cousins.
But for her condition, palagi siya nabibigyan ng pagkakataon maki-crash ng advance celebration dahil sa kambal niyang kaibigan.
"Yes po, tita kung ayos lang."
"Oo naman. Sino nga ulit sa kambal 'yong gusto mo?"
"Tita?!" nahihiya niyang ani rito. "Si kuya Rex, mommy." Pinalakihan niya ng tingin si Peach. Natawa naman si tita Cece.
"Akala ko si Raz. Si kuya bunso niyo pala."
"Ma, lagot ka kay kuya kapag narinig ka no'n," ani Peach.
"Yeah, right, mom." Napalingon sila sa bagong pasok na si Lemon. Natatawa naman siya tinitigan ito. "Kumusta ang kubeta?" pang-aasar niya rito.
Inikutan lang siya nito ng mata pagkatapos ay umupo sa high-chair at pumitas ng ubas.
"Will you girls help me out cook for tonight's dinner?"
Masaya silang pumayag ni Peach nang mag salita si Lemon. "Pass po ako."
"Ang kj mo sis."
"Whatever," ani Lemon bago bumaba ng high-chair. Lumapit ito sa ina at humalik sa pisngi bago nag paalam sa kanila.
"Girls?" baling sa kanilang dalawa ni tita Cece. Tumango sila at nag simula mag asikaso.
BUSY sila sa pag lalagay ng strawberry sa white cake nang pumasok si Lemon sa loob ng kusina na may bitbit na maliit na box.
"Pinapabigay ni Nana, mom."
Lumapit si Peach sa kakambal at tiningnan ang dala nitong cake. Ang alam niya ay may business na bakery ang lola ng mga ito. Doon natutunan ni tita Cece ang pag bi-bake ng mga cakes and cookies.
"Why she didn't call me? Pumunta ka sa Nana mo?" tanong ni tita Cece sa anak. "Yes mom. Tinawagan niya po ako. Ask dad Uno, alam niya po."
"Are you not okay with Nana, mom?" asked Peach. Umiling si tita Cece. "Not really. Gusto kasi ng Nana at Dada niyo na mag bakasyon sa Paris para sa kaarawan ng mga kuya niyo. Ang kaso, gusto ni Raz dito lang sa Pinas dahil may work pa raw siya."
"Ano sabi ni kuya Rex?" Lemon asked. Kumuha ito ng strawberry para kainin pagkatapos ay kumuha ulit ito at inabutan ang kakambal na si Peach.
"Ayos lang sa kaniya na sa Paris i-celebrate ang birthday nila but Raz chose to stay kaya hindi na rin ito pumayag."
Pinatitigan niya ang mag ina. She smiled nang marinig ang sinabi ni tita Cece. Hindi talaga siya nag kamali na magka gusto kay Rex. Mas mabait kasi ito kaysa sa kakambal na si Raz kung saan madalas siyang niloloko at inaasar.
Naiinis tuloy siya kay Raz but at the same, thankful siya. Kung pumayag ito ay baka hindi niya makasama si Rex sa kaarawan nito. Gusto pa naman niya mag confess na rito.
Ilang taon na siya nag hintay sa binata. Nasa tamang edad na rin naman siya. Nineteen na siya at isa pa, natatakot siya na baka may ibang babae ang mauna sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin kapag mangyari iyon.
BAGO mag simula ang dinner celebration ng kambal. Nag asikaso muna sila ng sarili. Gusto niya mag paganda para kay Rex.
"Sin, oh!" Sinalo niya ang hinagis ni Lemon sa kaniya. May bitbit siyang dress pero hinagisan pa rin siya nito ng dress at mas sexy ito sa dala niyang bestida.
"Red talaga?" Tumango ito sa kaniya. "Of course, beb! Ayan ang first step natin for tonight." Lumapit ito sa kaniya at tinapat ang dress sa kaniyang harapan. Lemon has mischievous smiled at alam niyang may iniisip itong hindi maganda.
"Sis, stop smiling. Kinakabahan na si Sinead sa 'yo," sita ni Peach. Marahan pa nito hinimas si Lemon sa braso pagkatapos ay tinapik siya nito sa balikat.
"Wear it mo na. Parating na raw sila kuya." Tumango siya at pumasok sa loob ng bathroom.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin nang matapos siya mag palit. Lumulutang ang maputi niyang balat. Kinuha niya ang cologne sa sink at ini-spray ito sa kaniya.
"Wow naman, Sinead!" pang-aasar sa kaniya agad ng kambal nang makalabas siya. Kahit kailan talaga.
"Panigurado matutuwa sina kuya."
"Anong sina, kay Rex lang ako." Tumango-tango lang naman si Lemon sa kaniya bago sila sabay na lumabas ng silid.
Bago masara ang pinto ng silid ay narinig niya bigla ang boses ni Rex kung saan nag pabilis ng tibok ng puso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro