Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

“Tama na! Pakiusap tumigil na kayo! Buntis ako!” Paulit- ulit na sigaw ko subalit ang mga demonyo ay patuloy pa rin sa pambababoy nila sa akin. 

Hindi lang iisa ang gumagalaw sa akin, tatlo sila. Tatlong masasahol na baboy. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lamang ng umiyak. 

“Dorothea wake up!” Isang pagyugyog ang gumising sa akin mula sa isang bangungot, bangungot na paulit-ulit kong nararanasan.

“You are having a nightmare again.” Saad ni Agent Alvarez habang hinahaplos ang ulo ko.

“Still the same?” si Agent Percibal naman ang nagtanong kaya tumango lang ako.

Tumayo si Agent Alvarez mula sa pagkakaupo sa dulo ng kama ko. “I’ll get her some water.” 

“Why don’t you see a psychiatrist Dorothea?” tanong ni Agent Percibal mula sa likod ko kaya nilingon ko siya.

“Hindi ako baliw, Joezelle!” pagalit na saad ko kay Agent Percibal.

“Seeing Psychiatrist is not only for crazy ones Dorothea.” Si Agent Alvarez ang sumagot na kakapasok lang hawak ang isang tray na may nakalagay na isang bottled water at basong walang laman.

“Pati ba naman ikaw Daniela?” Galit ko ring turan.

“We are just after your health, Dorothea. We will tell madam Vice President about your case.” Saad niya at iniabot sa akin ang bottled water.

Simula ng mapulot nila ako ay bottled water ang ibinibigay nila sa akin dahil hindi ko tinatanggap kapag tubig na nasa baso ang kanilang ibinibigay at naintindihan naman nila kung bakit.

“We are not just your bodyguards Dorothea. We are also your friends,” saad ni Joezelle.

Wala na akong nagawa kundi tumango na lang.

“Can you go to sleep again? It’s 3 am in the morning, you need to sleep more since later will be your training day.”

“Mamaya na ba ‘yun?” Tanong ko na sabay nilang ikinatango.

Tumango rin ako pabalik at humiga ng muli sa aking kama.

“Sleep again Dorothea, we are just here. No one can hurt you again.” Sambit ni Daniela at magkasunod silang lumabas ni Joezelle sa aking kwarto.

Kahit kailan ay hindi ko papatawarin ang mga taong pumatay sa akin. Oo pumatay, dahil pinatay nila ako. Pinatay nila ang anak ko, ang nanay ko at ako. Walang awa nila akong inilibing ng buhay, kaya paghahandaan ko ang pagbabalik ko. Babawian ko sila, ipapalasap ko sa kanila ang ganti ng isang patay na bumangong muli sa hukay.

“Strike harder Dorothea!” sigaw ng assassin na nag eensayo sa akin. “Don’t be weak!”

Nagpatuloy lang ako sa paghahampas sa kanya ng arnis stick na hawak ko.

“Do you think you can beat them using that strength of yours? I want more Dorothea! More!” Sigaw niya at hinampas ako ng arnis stick sa likod.

“Argh!” Hiyaw ko.

“Do you think you can take revenge kung mahina ka? Sa tingin mo makakalaban ka kung isang hampas lang ay hihiyaw ka na? Hindi Dorothea! Hindi mo sila makakaya kasi mahina k―”

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang hinampas sa mukha. 

“Hindi ako mahina!” Sigaw ko habang patuloy siyang hinahampas. Ang iba ay naiilagan niya subalit ang iba ay sinasalo niya.

“Then kill me!” Sa sinabi niyang iyon ay natigilan ako.

Nang tumigil ako ay hinampas niya ang alak-alakan ko kaya napaluhod ako.

“Don’t give your opponent any chance to get revenge. Show no mercy Dorothea!” sigaw niyang muli. “Showing mercy will kill you.” Dugtong niya pa at tinalikuran ako.

Lumapit naman sina Daniela at Joezelle sa akin, ang akala ko ay tutulungan nila akong tumayo subalit hindi. Tinignan lang nila ako at sabay ring tinalikuran. 

Naglalapat ako ng salonpas ng biglang pumasok si Daniela

“Mitéra wants to talk to you.” Walang emosyong saad niya.

“Bakit daw?” takang tanong ko.

“It’s for you to find out.” sagot nitong muli at lumabas ng kwarto ko.

Sinuot kong muli ang damit ko at lumabas na ng kwarto ko. Sa bawat pasilyo na nadaraanan ko ay may mga gwardiyang nakatayo na animo’y mga estatwa. Para rin silang mga cctv na sumusunod ang ulo sa lakad ng taong dumaraan dito. Iniisip ko tuloy minsan, paano kung maraming dumadaan? Ay ewan basta.

“Mitéra.” Agad na sabi ko pagkatapos kong yumukod.

“I saw your training. You are still weak yet I know you are trying. The Vice President also reported me that you are still having nightmares, I do suggest you to see a Psychiatrist Dorothea.” Mahabang litany niya.

“Pero Mitér―”

“No buts Dorothea. Tomorrow Doctor Colton Alovero will be here to see you, for now go back to your room and rest. You will have a very long and tiring day tomorrow.” Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Mitera ramdam ko ang pag aalala niya basi sa boses niya. Alam ko na para rin sa akin ang nais nilang mangyari. Hindi lamang ako ang iniligtas nila, hindi lang ako ang muling binuhay ng Alpha Women Sisterhood. Kaya gagawin ko ang lahat upang hindi masayang ang mga bagay na ginawa at ginagawa nila para sa katulad ko, para sa mga katulad kong pinatay subalit muling nabuhay. 

Habang nakahiga sa aking kama ay nasa kisame ang tingin ko. Palaisipan pa rin sa akin kung paano ako nailigtas ng dalawang anghel na ngayon ay kasama ko. Kung paano nila nalaman kung saan ako inilibing, kung paano nila nalaman na humihingi ako ng tulong. Sumisigaw ako pero sigurado akong sa lalim ng hukay na pinaglibingan sa akin ng mga demonyo ay imposibleng mayroong makarinig sa sigaw ko. Siguro nga ay tama sila, may misyon pa akong nararapat na gawin at iyon ay ang maghiganti. Maghiganti sa mga taong minsan na akong inapi, mga taong hindi dapat tawaging tao dahil mas masahol pa sila sa mga demonyong naninirahan sa ilalim ng impyerno. 

“Pinapangako ko, ipapalasap ko sa inyo ang apoy na tutupok sa inyo hanggat  nabubuhay pa kayo. Sisiguraduhin kong magmamakaawa kayo na patayin ko na lang kayo dahil sa mga bagay na gagawin ko. Iisa-isahin ko kayo, at uumpisahan ko sa taong naging rasun kung bakit nawala ang anak at ina ko. Donya Isadora Pacheco- Sanchez. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro