Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

“I told you Carlos, you need to finish your study but what have you done? You bring disgrace to this family! Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag anak natin? Hijodeputa!”
Nanggagalaiti ang kanyang ina ng sabihin niyang buntis ako.

“Mom, huwag kang magmura. Your grandchild can hear you. Clam down,” pagpapakalma niya sa ina.

“Ikaw nga babahi ka? Ano ang ginpakaon mo sa bata ko ngaa ginpatulan ya ang patay gutom na pareho mo? Ha!” (Ikaw na babae ka, ano ang pinakain mo sa anak ko bakit niya pinatulan ang patay gutom na kagaya mo? Ha!”) Sigaw niya sa akin habang dinuduro ako.

Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya pero alam kong iniinsulto niya ako base sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

“Mom! Please huwag mo namang pagsabihan si Dorothea ng kung anu-ano.” Mahinahon pa ring turan ni Carlos sa kanyang ina kahit ito ay parang bulkan ng sasabog.

“Hiposa ang baba mo Carlos! (Tumahimik ka Carlos!) This is my house so I have the right to do what I want to. Kag ikaw nga babahe ka! (At ikaw na babae ka!) Lumayas ka ritong gold digger ka.” Sigaw niya na namang muli.
Hindi ako sanay sa ganitong ganap kaya nag umpisa na akong kuskusin ang kuko ko.

“Magkano?” Tanong niya sa akin.

“Mom!” Sa pagkakataong iyon ay sumigaw na si Carlos.

“Tell me how much it cost for you to leave my son. Indi deserve sang bata ko ang pareho mo nga squatter!” (Hindi deserve ng anak ko ang kagaya mong squatter.)

“Mahal ko po ang anak niyo.” Tanging nasabi ko at yumukong muli.

Nahihirapan na akong huminga dahil sa kakasigaw niya.

“Mahal? Ano matyag mo sa akon bag o panaog sa Tren? Ang manggad namon ang palangga mo.(Ano tingin mo sa akin kakababa lang ng Tren? Ang kayamanan namin ang mahal mo.)  Ang mga babaeng kagaya mo, alam mo kung saan nararapat?” Kinaladkad niya ako palabas ng bahay nila.

Agad namang hinawakan ni Carlos ang kabilang kamay ko. “Mom enough! Sige saktan at ipahiya mo si Dorothea, iiwan kita!”

Sa sinabing iyon ni Carlos ay naalarma ako. “Carlos,” mahinang ani ko. Hindi niya ako sinagot sa halip ay malambot siyang tumingin sa akin bago ngumiti ng pagkatamis-tamis, ngiting naging isa sa dahilan para mahulog ako sa kanya.

“Now Mom, choose, tatanggapin mo si Dorothea o iiwan kita?” Tanong niya na may kasamang pagbabanta sa ina.

“How dare you do this to me Carlos? I am your mother!” Hindi makapaniwala niya akong tinignan. “Dahil lang sa babaeng ito na bumukaka sa harap mo iiwan mo ako na ina mo? Ina mong lumuwal sa’yo?”

“Mom, she is going to be the Mother of my child. So please,”

“Fine! If accepting her will make you stay then so is it! But I warn you babae ka, babantayan ko ang bawal kilos mo rito sa pamamahay ko. One wrong move papalayasin kita!” Sigaw niya at iniwan kami ni Carlos sa kanilang sala.

Ng mawala na sa paningin ko ang kanyang ina ay tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko.

“Pangga.” Agad niya akong inalalayan. “Are you okay? May masakit ba sa’yo?” Sunud-sunod niyang tanong sa akin.

“Pahinging tubig pangga,” nahihirapang saad ko.

Agad niya akong inalalayan paupo sa isang sofa at dali-daling tumakbo papuntang kusina. Pagkabalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig.

“Carlos, hindi ako tanggap ng Mama mo.” Naiiyak nang ani ko.
“Mom is just shocked pangga. But I know sooner or later matatanggap ka rin niya. Mamahalin ka rin niya dahil mabait ka.” Saad niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

“Sana nga pangga, ayokong lumabas ang anak natin na may galit sa amin ang Mommy mo.” Sabi ko habang hinahaplos ang umbok ng tiyan ko. Tatlong buwan na akon buntis kaya medyo halata na siya.

“I assure you pangga.” Sagot niya lang at ngumiti.

“Dorothea!” Nagulat ako ng sumigaw ang Mommy ni Carlos mula sa kanilang balconahi. Naroon kasi siya kasama ang mga kaibigan niya, nagma-mahjong. Dali-dali akong pumunta kung nasaan sila.


“Bakit ho?” Magalang na tanong ko pagkalapit.

“Ipaghanda mo nga kami ng meryenda. Siguraduhin mong masarap dahil kung hindi ipapaubos ko sa’yo lahat!” Mataray niyang ani.

“Grabe ka naman sa umagad mo Isadora, naga busong ina. (Grabe ka naman sa manugang mo Isadora, buntis iyan.)” Pagtatanggol sa akin ng isa sa mga kaibigan niya.

“Hindi ko kasalanan kung bakit siya bumukaka sa anak ko kaya nabuntis siya Celia. Bigaon mong (malandi eh),” aniya. “Oh ano pa ang hinihintay mo? Pasko? Umalis ka na sa harapan ko baka malasin pa ako. Layas!”

Dali-dali naman akong umalis at tumungo sa kusina para maghanda ng pang meryenda nila.

Ganito ang araw-araw na ginagawa ko kapag wala si Carlos. Kasambahay at hindi manugang ang tuing niya sa akin. Pero kung nandito si Carlos, iba ang pakikitungo niya.

Natapos ang buong araw na puro utos ang ginawa niya sa akin. Kahit na pagod at inaantok ay wala akong choice kundi ang sumunod.

“Kamusta na ang pangga ko? Oh, bakit ang tamlay mo?” Tanong ng kararating lang na si Carlos.

“Inaantok lang ako pangga,” pagsisinungaling ko.

“Naghapunan ka na ba? Kamusta ang ojt mo?”

“Okay naman, marami lang inutos ang head since Mom told them na huwag akong bigyan ng special treatment kahit na soon ako na ang boss nila.” Tumawa pa siya. “And no, hindi pa ako naghahapunan. Kayo ba?” tukoy niya sa amin ng anak namin.

“Hindi pa, hinintay kasi naming ang Daddy namin eh.” Sagot ko at ngumiti.

“Pangga, it’s pass 10 na. Hindi ka dapat nagpapagutom.” May pag alalang aniya.

“Hindi naman kasi ako gutom pangga.” Sagot ko at pinisil ang matangos niyang ilong.

Lumebel naman siya sa 6 na buwan ko ng tiyan at hinalikan ito. “3 months to go, Mommy and Daddy will see you our little one.” Kausap niya sa tiyan ko.

“Aray!” Tanging nasabi ko at humawak sa tiyan ko.

“Pangga, what’s wrong?” Tarantang aniya.

“Pangga kalma, sumipa si baby.” Sagot ko at hinaplos ang tiyan ko.
“Really?” Masayang aniya at hinawakan din ang tiyan ko. Sakto naman paghawak niya ay sumipa ulit ang anak namin.

“What the fudge pangga! He kicked again!” May luha sa matang saad niya.

“Oy, bakit ka umiyak?” Takang tanong ko.

“I am just so happy of having you and our baby. I love you pangga.” Sabi niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

“Palangga ta man ka, pangga.” Sagot ko, nagulat pa siya sa sinabi ko nung una. Agad niya akong hinalikan sa labi, marahang halik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro