Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

“Good morning Dorothea.” Saad ng kung sino kaya napabalikwas ako ng bangon.

“Sino ka? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?” Saad ko at inabot ang arnis stick ko.

Agad niya namang itinaas ang dalawa niyang kamay. “Chill Dorothea, I won’t hurt you. I am Dr. Colton Alovero,  Iwill be your attending and personal Psychiatrist.” Pagpapakilala niya sa sarili at inilahad pa ang kanang kamay.

Sa halip na tanggapin ay tinignan ko lang ito. Ngumiti na lang siya at ibinaba ang kamay na nakalahad.

“I know you can’t trust someone you just met but I will earn that trust of yours. Now can you tell me story?” anong niya sa akin na ikinataka ko.

“I am not a story teller,” tanging sagot ko.

“Then be one.” Sagot niya at inilabas ang kanyang maliit na notebook. “Tell me a story Dorothea, your story.”

Sa sinabi niyang iyon ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kaya ko ba?

“I know you can, Dorothea.” Saad niya na parang nabasa ang nasa isip ko at ngumiti. “Tell me everything, from the start.”
Huminga ako ng malalim.
“Nakilala ko siya dahil sa isang kaibigan.” Paninimula ko.

“Sinong siya?” tanong niya.

“Si Carlos Sanchez.” Sagot ko at tinignan siyang may isinulat sa maliit niyang notebook.

“Just continue, I’m listening.”
“Nabihag ako ng sobrang tamis niyang ngiti…”

Flashback…

“Dorothea, I want you to meet kuya Carlos. Kuya Carlos this is Dorothea.” Pagpapakilala sa akin ni Heart sa kaibigan ng kuya niya.

“So she is the girl you are telling me Hearty? Ang magandang dilag mong kaibigan.” Saad nito at ngumiti tsaka inilahad ang kamay sa akin.

“Yes kuya, walang iba.” Sagot ni Heart at iniabot ang kamay ko sa isa.

Tipid naman akong ngumiti subalit sinuklian niya ito ng isang matamis at malapad na ngiti.

“Hoy Carlos tama na ‘yan. Baka magka inlove-an na kayong dalawa diyan.” Pangungutya ni Steven, kuya ni Heart.

“Killjoy,” Dinig kong parinig ni Carlos.

“Dorothea, sit beside kuya Carlos.” Nakangiting saad ni Heart kaya kahit nahihiya ay umupo ako.

“So tell me anything about you.” Nakangiting sabi ni Carlos.

“Ay wow! Getting to know her stage na agad ha,” turan ni Steven kaya binato siya ng throw pillow ng kaibigan.

“Why Steve? Masama ba? Hindi naman di’ba?” Tanong niya sa akin kaya ngumiti naman ako at umiling. “See, there is nothing wrong in me asking her, kaya huwag kang KJ.”

“Kuya Steve, why don’t we buy some snacks?” tanong ni Heart.
“Ay tama, nag iingay tayo pero wala tayong chibog.” Sagot nito at inakbayan ang kapatid. “7/11 lang kami guys. Usap lang muna kayo.”

Lumabas na nga ng condo ang magkapatid.

“So now tell me Dorothea, how old are you?” Panimulang tanong niya.

“20,” tipid na sagot ko.

“Ang tipid mo naman sumagot. Siguro ang mahal ng bawat salitang lumalabas sa bibig mo?” Saad niya at ngumiti.

“Hindi lang ako sanay na may kumakausap sa akin maliban kay Heart.” Sagot ko at tipid na ngumiti.

“From now on, madadagdagan na ang makakausap mo. So what do you do for living?”

“Nagtitinda ako ng sampaguita at kandila sa tapat ng Quiapo Church. At minsan naman ay naglilinis ako rito sa mga condominium units dito sa building na tinitirhan ni Heart.” Nahihiyang saad ko pero nginitian niya ako.

“Sana all masipag, so who are you living with?” Sunod niyang tanong.

“Si Nanay na lang ang kasama ko, hindi ko kasi nakilala ang Tatay ko. Ang sabi ni Nanay German Navy raw si Tatay, nakilala niya raw si Tatay noong nagtratrabaho siya bilang waitress sa isang kainan malapit sa pier kung saan dumadaong ang barko na sinasakyan niya.”

Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi lang kasi siya magaling makinig, bawat ngiti niya ay nadadala ako.

“So sorry to hear that. Kaya pala parang may foreign blood ka, your eyes is not black and you are mestiza.” Sagot niya kaya ngumiti na naman ako. “One last question, are you still studying?” Huling tanong niya na ikinailing ko.

Nakita kong nagpormang O ang kanyang bibig kaya napayuko ako.

“Hindi kasi kaya ni Nanay na pag aralin ako ng kolehiyo kasi kulang pa sa maintenance niya ang mga kinikita naming sa pagtitinda.”

“Highschool graduate ka?” Tumango ako. “You want to study college? My parents are one of the major sponsor in a prestigious university here in Manila.”

“Nako, nakakahiya.” Sagot ko. “At isa pa, hindi pwedeng walang makasama si Nanay sa bahay, madalas na kasi siyang inaatake ng altapresyon niya.”

“Well, she is a good tutor Carl. Siya ang tumutulong sa akin sa studies ko.” Singit ng kakarating lang na si Heart.

“Is that true?” Tanong niya kaya nahihiya akong tumango.

“I guess, I found my life saver.” Saad niya at ngumiti.

“Ano ang ibig mong sabihin?” Takang tanong ko.

“Bagsak kasi ‘yan this sem Dorothea, kaya natatakot umuwi sa kanila sa Negros kasi paniguradong lagot siya sa Mommy niya.” Si Steve ang sumabat.

“That’s why I need to take summer class dude,” sagot niya.

“And Dorothea can help you, kahit hindi ka na mag summer class.” Pagmamalaki ni Heart.
Tinignan ko siya at umiling.

“Don’t be shy girl. I know you can do it.” Saad niya at kumindat.
“So Dorothea, will you be my tutor? Please.” Parang nagpapa awang turan ni Carlos kaya nahihiya naman akong tumango.
Napa YES naman siya at nakipag apir pa sa kaibigan.

“Based on you smile, you seemed so in love with him. Love at first sight indeed.”

Nabalik ako sa kasalukuyan ng biglang magsalita si Doc Colton.
“Ipagpapatuloy ko pa ba?” tanong ko.

“Let’s proceed to the painful part. What did his family did to you?” tanong niya na.
Natigilan ako sa huling sinabi niya.

“You can do it Dorothea, you need to do it.” May otoridad niyang ani.

“Nagsimula ang kalbaryo ko noong nalaman ng ina niyang buntis ako.” Nag umpisa na akong mamawis ng malamig. Nag umpisa na akong manginig.
Kaya ko ‘to!

“Let’s start.” Saad niya at ngumiti. Sinusubukang pakalmahin ako.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro