Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5


Pagkauwi namin napagdesisyunan ko munang mag stay saglit sa bahay ni Milen para may kasama ako.





Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala yung tensyong nararamdaman ko. Ewan ko ba at hindi ko maipaliwanag yung nangyayari. Ganon rin ang nararamdaman ni Milen na mukhang mas natatakot pa kesa sa akin.


"Jusko Tal! Mukhang na maligno tayo. Akalain mo yon!" Sabi nito sa akin habang nanginginig sa pagtanggal nang kanyang sapatos.

"O babe, nanrito ka na pala!" Sabi ng nobyo ni Milen na si Mark at niyakap ito. "Anong namaligno kayo? Anong nangyari?"

"Ewan ko ba ang hirap ipaliwanag basta pareho kami ni Tal na nakakita ng nangyari. Kasama namin si Gelo sa Jeep tas bigla na lang siyang nawala." Walang prenong kuwento nito. Napansin ko na kumatok ng tatlong beses si Mark sa dingding na bahagya kong ikinatawa.



Kahit na takot na takot ako ngayon ay natatawa pa rin ako sa makaluma niyang paniniwala. "Baka nga namaligno kayo. Mayroon akong nabasa na libro tungkol sa mga ganyan. Doppelganger. Ang sabi sa librong nabasa ko, kung sino man daw yung nakita mo na kawangis ng taong kilala mo ay mamamatay."






"Gago!" Napamura ako dahil sa tinuran niya. Ibig sabihin mamamatay si Gelo? Baliw ba siya!






"Baliw ka! Mas lalong kakabahan si Tal niyan!" Inis na sabi ni Milen sa nobyo.




"Teka, sini-share ko lang sa inyo yung knowledge ko tungkol doon. Huwag kayong magalit, malay natin hindi pala totoo yun . . ." Sabi ni Mark.




"Tell me something about that. I think nangyayari yan sa akin ngayon. Kasi naman kaninang umaga noong nasa tricycle ako nakita ko si Gelo . . ." Nakaramdam muli ako nang matinding kaba.


"Imposible namang ang bilis niya makapunta roon. Kahit na magtricycle pa siya. Tapos noong na sa jeep naman kami noong pa paliko na 'yong sasakyan, nakita ko na naman si Gelo. Nakaitim siya tas tinignan niya ako ng kakaiba. Tas noong nasa building na kami ni Milen, habang nagtratrabaho ako, tumawag si Gelo nang tatlong beses at yung puro tanong niya ay kung nakarating na ako sa trabaho. Hindi magkakapareho ang numero na lumabas tapos noong namimili kami ni Milen ay nakita namin siya. Tapos noong na sa jeep bigla siyang nawala." Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Siguro na ba baliw na ako.

"Teka lang! Hahanapin ko lang 'yong libro." Sabi ni Mark at nagpunta sa kwarto nila.


"Hindi ko alam na may pakinabang pa rin pala itong nobyo ko kahit walang trabaho." Ani Milen.




Mayamaya pa'y lumabas na ito sa kwarto at inabot ang libro sa akin. "Basahin mo na lang 'yan sa inyo. Inform mo rin si Angelo tungkol diyan para makapag-ingat kayo pareho." Sabi nito.




"Uuwi na muna ako. Gusto ko na rin makapagpahinga . . ." Sabi ko at naglakad na palabas.






"Teka lang!" Napalingon ako nang sumigaw si Milen at niyakap ako nang mahigpit. "Mag-iingat ka! Kapag may kakaiba na tawagan mo ako at sasamahan muna kita riyan sa inyo." Aniya

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro